Zero Based
February 20, 2017 | Author: jessica_acissej119 | Category: N/A
Short Description
Download Zero Based...
Description
ISANG PAG-AARAL UKOL SA EPEKTO NG ZERO-BASED GRADING SYSTE SA MGA MAGAARAL NG UNANG TAON NG KOLEHIYO SA DE LA SALLE LIPA TAONG 2009-2010 KABANATA I – ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO I.
Panimula/Rasyunal
Ang kursong Akawnting ay isa sa mga pinaka in-demand na kurso sa ksalukuyan. Maraming estudyante ang kumukuha ng kursong ito sa pag-asang sila’y magiging matagumpay na Certified Public Accountant balagn araw. Ngunit kaakibat ng kursong ito ang hirap na kailangang pagdaanan ng mga estudyante upang makapasa. Ilan sa mga paaralang nag-ooffer ay nagpapatupad ng zero-based grading system. Kablang sa mga paaralang ito ang De La Salle Lipa. Nakalahad sa College Student Handbook ng De La Salle Lipa na ang mga grado sa mga sabjek o kurso na may kinalaman sa board exam o ang mga tinatawag na major subjects na kinukuha ng mga mag-aaral na Akawntansi ay tinutuos o kinokompyut gamit ang zero-based grading system kung saan ang kabuuang bilang ng tamang markang nakuha ay dinidibayd sa kabuuang bilang ng pagsusulit. (De La Salle Lipa, 2009) Marka = (Tamang Markang Nakuha / Kabuuang Bilang ng Pagsusulit) x 100 Ang programang Akawnting ay pinasimulan ng De La Salle Lipa noong taong ________. Noong una, hindi pa zero-based ang proseso ng paggagradi dito. Ayon kay Gng. Garachico, isang guro ng Akawnting at dating area chair ng nasabing programa, ang zero-based na proseso ng paggagrado ay pinasimulan noong taong 2000. Ayon sa kanya, ito ay isinuhestyon ng mga miyembro ng faculty sa department chair sa academic council o dekana sa kasalukuyang tawag. Nagkaroon ng mga pagpupulong at konsultasyon sa mga estudyante bago muling pinagpasyahan ng academic council. At noong taong 2001, pormal nang ipinatupad ang zero-based na proseso ng paggagrado sa programang Akawnting. Malaki ang epektong nagagawa ng nasabing sistema sa markang nakukuha ng mga mag-aaral. Gamit ang nasabing sistema, maaaring mahigit pababa ang kanilang mga marka kung hindi magiging maganda ang kanilang performans sa ibang pagsusulit. Ang pag-aaral na ito ay isinagawa upang higit na mabatid ang mga epektong nagagawa ng zero-based grading system sa mga mag-aaral. Layunin nitong higit na maunawaan ang kanilang mga reaksyon at saloobin hinggil sa nabanggit na paksa, kung ano ba ang kanilang magiging pakikitungo sa pagaaral bilang sagot sa mga epekto na kanilang pinagdaraanan.
II. Layunin ng Pag-aaral Ang lahat ng pag-aaral ay may layunin. Ang mga layuning ito ang dahilan kung bakit isinasagawa ang isang pag-aaral. Bahagi ng mga layuning ito ang mga suliranin o katanungan na nais bigyang solusyon o kasagutan ng mga mananaliksik. Ang pag-aaral na “Isang Pag-aaral ukol sa Epekto ng Zero-Based Grading System sa mga Mag-aaral ng Unang Taon ng Kolehiyo sa De La Salle Lipa taong 2009-2010” ay isinasagawa para mabigyang kasagutan at malaman ang mga sumusunod. a. Kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa proseso zero-based grading system b. Maaaring maging epekto ng zero-based grading system sa grado ng mga magaaral c. Kahalagahan ng zero-based grading system at naitutulong nito sa pag-unlad ng sarili ng mga estudyanre upang maipasa ang programang Akawnting at d. Reaksyon ng mga mag-aaral ng kursong Akawnting hinggil sa zero-based grading system. Gaya ng inilahad sa pamagat, ang pinakalayunin ng pag-aaral ay malaman ang epekto ng zero-based grading system sa mga mag-aaral ng unang taon ng kolehiyo sa De La Salle Lipa taong 2009-2010. Masasabing nakamit na ang mga nabanggit na layunin kung mabibigyang kasagutan na ang mga nasabing katanungan. III. Kahalagahan Ang pag-aaral na ito ay malaki ang maitutulong sa mga mag-aaral ng Akawnting upang kanilang lubos na mabatid ang dahilan kung bakit ipinatupad ang zero-based grading system sa programang kanilang kinukuha. Ang resulta ay maaaring maging basehan kung dapat pa bang ipagpatuloy ang pagpapatupad ng zero-based grading system sa programang Akawnting. Kung malalaman na hini maganda ang epekto ng nasabing sistema sa mag-aaral, maaaring magkaroon ng isang petisyon sa administrasyon ng paaralan upang ipatigil ang pagpapatupad nito. IV. Saklaw at Limitasyon
Sa kabila ng mga nasabinh layunin gaya ng layuning malaman ang reaksyon ng mga estudyante hinggil sa pagkakaroon ng zero-based grading system, ang pag-aaral na ito ay may limitasyon at ispesipikong saklaw. Tanging ang mga estudyante ng Akawnting sa unang taon lamang ang kukuhanan ng opinyon hinggil sa nasabing paksa. Ang eksaktong bilang ng mga mag-aaral na mabibigyan ng questionnaire ay limampu. Kaugnay nito, wala pang ispesipikong bilang ng kanilang kakapanayamin sa magiging resulta ng sarbey. Matatalakay ng pag-aaral na ito kung paano ang proseso ng zero-based grading system ngunit limitado lamang ang mga impormasyong mailalahad dahil sa kakulangan ng mga aklat at reperens tungkol dito. V. Depinisyon ng mga Terminolohiya a. Marka – gradong nakukuha ng mag-aaral sa isang pagsusulit b. Department/ Area Chair – punong tagapamahala ng isang partikular na sabjek c. CPA/ Certified Public Accountant – isang akawntant na nakapasa sa board exam d. Zero-based Grading System – isang sistema ng paggagrado na ginagamit sa paaralan kung saan ang kabuoang bilang ng tamang markang nakuha ay dinidibayd sa kabuoang bilang ng pagsusulit e. Akawnting – isang kurso sa kolehiyo kung saan nagpapakadalubhasa sa larangan ng pagtutuos
KABANATA II – MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA I.
Akawntansi
Ang mga awtoridad sa larangan ng Akawnting ay may iba’t ibang pakahulugan sa salitang akawnting. Ang tatlo sa pinaka karaniwan at tanggap na mga depinisyon ay ang mga sumusunod. Ayon sa Accounting Standard Council (ASC), ito ay isang serbisyong gawain. Tungkulin nitong magbigay o maghanda ng mga kwantiteytib na impormasyon, lalo na iyong mga klaseng pinansyal na tungkol sa mga pang-ekonomikong entidad na tumutulong sa paggawa ng mga desisyong pang-ekonomiya. Bilang isang serbisyo, layunin ng akawnting na magbigay o magtustos ng mga pinansyal na ulat para makatulong sa mga gumagawa ng desisyong pang-ekonomiya. Ang paggawa ng pang-ekonomiyang desisyon ay ang pangunahing dahilan kung bakit ginagawa at inihahanda ang mga pinansyal na ulat. Sa paglilista ng mga transaksyon at mga kaganapan, binibigyang importansya ng akawnting ang sukat ng mga gawaing pang-negosyo na may halaga ng salapi. Ayon naman sa American Institute of Certified Public Accountants (AICPA), ang akawnting ay isang sining ng paglilista, pag uuri-uri at paglalagom sa pamamagitan ng isang makahulugang pamamaraan at sa mga tuntunin ng pera, mga transaksyon at kaganapan na parte ng mga pinansyal na karakter at bigyang kahulugan ang mga resulta nito. Bilang isang sining, kailangan ng kritikal na pag-iisip at malikhaing kakayahan ang akawnting. Tinitipon ng mga akawntant ang mga magkakaugnay na datos at ginagawang mga organisadong pinansyal na ulat saka gagawa ng mga ekonomikong pakahulugan mula sa mga datos na nakalap. Para naman sa American Accounting Association (AAA), ang akawnting ay proseso ng pagkilala, pagsulat at pag-uugnay ng mga ekonomikong impormasyon at makapagbigay pahintulot sa mga husga at desisyon na magmumula sa mga gumagamit ng mga nasabing impormasyon.
Bilang isang proseso, dumadaan ang akawnting sa isang accounting cycle para lagumin ang mga napakalaki at paulit-ulit na transaksyong pang negosyo at gawing organisado at maliwanag na ulat pang-pinansyal. (E. Valencia at G. Roxas 2009) Pangunahing Etikang Pang-propesyunal 1. Reputasyon. Ang mabuting pagkatao ay kinakailangan upang makakuha ng pagsusulit para maging isang CPA o Certified Public Accountant. Kailangang panatilihin ng isang CPA ang tiwala at kompiyansa ng publiko sa kanya. Siya din ay inaasahan na iiwas sa mga imoral o kahiya-hiyang gawain na kahiya-hiya para sa propesyong pagtutuos. 2. Integridad. Ang isang CPA ay dapat na maging matapat sa pagsasagawa ng kanilang mga propesyunal na serbisyo. 3. Kagalingan. Dapat na taglayin ng isang CPA ang mga kailangang kwalipikasyon at mga teknikal na kakayahan para makapagbigay ng kasiya-siyang serbisyo. 4. Kawalang Kinikilingan. Dapat ipakita ng isang CPA na wala siyang pinapanigan sa pagpapahayag niya ng kanyang mga opinyon sa kainaman ng mga ulat pang pinansyal. Bilang isang tagasuri (auditor), ang isang CPA ay kailangang gumawa ng isang walang pinapanigang paghatol sa kanyang mga eksaminasyon at sa pagsasaalang-alang ng mga katotohanang bahagi ng kanyang opinyon. 5. Relasyon sa Kliyente at Pagiging Kompidensyal. Ang relasyon sa pagitan ng isang akawntant at ng kanyang kliyente ay dapat na maging kompidensyal. Kahit anong importanteng impormasyong nakuha ng isang akawntant mula sa isang kliyente ay hindi dapat ipahayag sa ibang tao o iyong tinatawag na third party ng walang pahintulot ng nasabing kliyente. 6. Kabayaran. Ang kabayarang ibinibigay kapalit ng mga serbisyong ibinibigay ng isang akawntant ay hindi dapat ibase sa mga resulta ng eksaminasyon o serbisyo. 7. Publisidad at Anunsyo. Ang isang akawntant ay hindi pinapahintulutang ianunsyo ang kanyang mga propesyunal na kakayahan o serbisyo. Ang publikasyon ng mga ito sa mga pahayagan, magasin, o iba pang katulad na kasangkapang pang anunsyo ay ipinagbabawal.
8. Paglabag sa Kontrata. Ang obligasyon ng isang akawntant sa kanyang kliyente ay naka depende sa saklaw ng kanilang kasunduan. Ang isang akawntant ay may pananagutan sa kanyang kliyente sa mga bagay na bahagi ng kontrata. 9. Ilegal na Gawain. Ang mga sumusunod ay itinuturing na ipinagbabawal na asal ng isang CPA. a.
Imoral o kahiya-hiyang kilos
b.
Pandaraya sa pagkakaroon ng sertipikasyon ng rehistrasyon
c.
Kapuna-punang kapabayaan o inkompitensya sa kadalubhasaan ng kanyang propesyon
d. Pagkagumon sa mga inuming may alkohol at mga bagay na nakakapagdulot ng pagiging inkompetente sa pagdadalubhasa ng kanyang propesyon e.
Mali, ekstrabagante o unethical na anunsyo kung saan iba pang bagay bukod sa kanyang pangalan, propesyon, limitasyon, tirahan at opisina ay nabanggit
f. Pagbibigay ng sertipikasyon ng isang akawntant na kinakatawan ng eksaminasyon ng pagkakautang ng kliyente nang hindi inoobserbahan ang mga kinakailangang auditing standards g.
Pagganap bilang isang dummy para sa isang hindi karapat-dapat o hindi rehistradong tao na maging isang akawntant
h.
Paglabag sa mga probisyon ng pamantayang pang-etika
i.
Kalukohan at iba pang asal na hindi katanggap-tanggap sa propesyong akawntansi
1. Pandisiplinang Alituntunin. Ang isang nasusulat na pananagutan sa ilalim ng panunumpa ay dapat na isumite sa BOA kung may reklamo laban sa isang CPA. Limang araw makalipas ang pagsusumite ng reklamo, ang nasabing akawntant ay dapat na mabigyan ng kopya ng nasabing reklamo at inaasahang sasagutin ito. Ang huling desisyon ng BOA ay makukuha sa loob
ng 30 araw pagkatapos makuha ng respondente ang kopya ng unang desisiyon ng BOA. (E. Valencia at G. Roxas 2009) Ang Batsilyer ng Agham sa Pagtutuos ay inihahanda ang mga estudyante para sa pagpasok sa iba’t ibang larangan ng akawntansi, gaya ng corporate accounting, accounting information systems at government accounting, pati na rin ang pagpasok sa mga graduate programs gaya ng Law. Nais ding bigyang kasangkapan nito ang mga estudyante ng panimula at advanced na konsepto, prinsipyo at patakarang pang-akawnting. Bukod sa paggawa ng mga tungkuling pang-akawnting para sa mga negosyo, inihahanda din ang mga estudyante para sa pagkuha ng CPA Licensure Examination. (DLSL College Student Handbook, 2009) II.
Pagmamarka
Ang grado ay mga ulirang sukat ng mga lebel ng komprehensyon sa isang sabjek. Ang grado ay maaring irepresenta ng letra, porsyento, tagapaglarawan at numero. (Britannica 2005) Ayon kay Buchanan (2009), kung walang pagmamarka, hindi mag-aaral ng mabuti ang mga estudyante. Ang marka ay nagsisilbing motibasyon at nagbibigay ng lakas at pag-asa sa mga estudyante. Nagbibigay ito sa mga estudyante ng motibasyon para magsikap. Kung walang pagmamarka, hindi malalaman ng mga estudyante ang katayuan nila sa klase. Para sa ibang mga estudyante, ang maging balediktoryan o kaya naman ay mapabilang sa pinaka magagaling na estudyante sa klase ay ang motibasyon ng mga estudyante para magsumikap sa pag-aaral. Ang kompetisyon ay mahalaga para sa maraming tao. Ang totoong dahilan ng pagmamarka ay para iebalyuweyt ang lebel ng kaalaman ng estudyante at gamitin para makapagbigay ng angkop na puna at patnubay sa pagpaplano ng mga instruksyon para sa hinaharap. (Owen) Ang Polytechnic University of the Philippines o Pamantasan ng Lungsod ng Maynila ay gumagamit ng specific grading category for retention. Ang sistemang ito ay ginagamit ang General Weighted Average (GWA) kada semestre
bilang basehan kung ang partikular na
estudyante ay maaaring manatili sa kurso o sa paaralan kung saan siya nag-aaral. Ang De La Salle University at FEU-East Asia College naman ay ginagamit ang 1.0004.000 grading system. Ang sistemang ito ay ginagamit ang 4.0 grade point equivalence bilang pinakamataas na marka at 0.0 grade point equivalence naman ang kinokonsiderang
pinakamababang marka na maaaring makuha ng isang estudyante. Kinokonsiderang bagsak na marka ang 0.0 grade point equivalence. Nasasaad sa handbuk para sa kolehiyo ng De La Salle Lipa taong 2009-2010 na ang ginagamit na sistema sa pagmamarka sa De La Salle Lipa ay ang sumusunod. Grade Point 1.00 1.25 1.50 1.75 2.00
Equivalence 98 - 100 95 - 97 92 - 94 89 - 91 86 - 88
Grade Point 2.25 2.50 2.75 3.00 5.00
Equivalence 82 – 85 80 – 82 77 – 79 75 – 76 Mababa sa 75
Ang marka (mid-term at end-term) ay kinokompyut sa pamamagitan ng sumusunod. Komponent Quizzes
Weight 1/3
Class Standing
1/3
Peryodikong eksaminasyon
Nilalaman Resitasyon, gawaing pang-upuan, oral na ulat, pamanahong papel, at iba pang kailangan sa kurso
1/3
Ang huling grado o marka ay nalalaman sa pamamagitan ng sumusunod. Komponent Grado nang mid-term Grado nang end-term
Weight 1/3 2/3
Ang grado para sa mga board related courses para sa Akawntansi ay kinokompyut sa pamamagitan ng zero-based grading system. Grade equivalence = (raw score / total possible score) x 100 III.
Ang Epekto ng Pagmamarka sa mga Estudyante
Ang pagmamarka ay nakakaapekto sa kagustuhan ng mga estudyante na matutunan ang mga bagay na itinuturo ng kanilang guro. Magkakaiba ang pananaw ng mga mananaliksik ukol sa epekto nito sa mga estudyante.
Ayon kay Birtney (1964) sa kabuoan, ang bagsak o pabagsak na mga grado ay nagdudulot ng mas mataas na kagustuhan sa isang estudyante na pag-ibayuhin ang kanyang pag-aaral. Samantalang ang mataas na grado naman ay nagiging dahilan upang mabawasan ang kanilang oras na ginagamit sa pag-aaral. Ayon naman kay Ramsey, et.al (2002) ang pagmamarka ay humahadlang sa pagkatuto ng isang estudyante sapagkat ito’y nagreresulta sa kanilang pandaraya sa mga pagsusulit. Ang ibang estudyante ay pinipiling pumasok lamang sa mga asignatura kung saan nakakakuha siya ng mataas na marka. Pinipili na lamang nila ang mga kurso at proyekto kung saan maliit ang kanilang tsansa ng pagbagsak. Ito ang maaring maging dahilan ng pagbagsak nila sa ibang asignatura. Ayon kay Kohn (1999) ang mababang marka ay maaring makabawas sa interes ng mga mag-aaral sa pagkatuto gayundin sa kagustuhan nila sa mga bagay na humahamon sa kanilang mental na kapasidad. Ang marka ang pinakabasikong batayan ng performans ng isang estudyante sa klase. Iba’t-iba ang pananaw ng mga mananaliksik hinggil sa epekto ng markang nakukuha ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Ayon sa iba, ang mababang marka ay nagdudulot sa mga estudyante ng kawalan nila ng gana sa pag-aaral ng kanilang mga leksyon. Ngunit maaari din naman itong magdulot ng kagustuhan nila na pag-butihin ang kanilang pag-aaral. Nadadagdagan nito ang kanilang motibasyon sa pag-aaral. Maaring pareho din naman ang epekto sa kanila ng mataas na marka. Bukod pa dito, maaari ding maging madali sa kanila ang matanggap sa mga “graduate schools” para sa kanilang pagpapakadalubhasa. Maraming mga mananaliksik ang nagsagawa din ng pag-aaral ukol sa koneksyon sa pagitan ng gradong nakukuha ng mga mag-aaral at ng kanilang ebalwasyon sa kanilang guro. Ayon sa ilang mananaliksik, ang gradong nakukuha ng mga estudyante at ang standard ng pagmamarka ang lubos na nakakaapekto sa ebalwasyon nila sa kanilang mga propesor. Ang mga estudyante na may palagay na hindi pantay ang nagging pagmamarka sa kanila ng kanilang guro ay nagkakaroon ng negatibong reaksyon at opinyon sa kanilang
propesor.
Maaring maapektuhan nito ang ebalwasyon nila sa pagiging epektibo ng kanilang guro sapagkat ang mga estudyanteng nakakakuha ng mataas na marka ay may tendensi na mas positibong iebalweyt ang kanilang propesor kaysa sa mga estudyanteng nakakuha ng mababang marka.
KABANATA III – DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK A. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito tungkol sa epekto ng zero-based grading system sa mga mag-aaral ng Akawntansi ng unang taon ng kolehiyo sa De La Salle Lipa taong panuruan 2009-2010 ay gumamit ng deskriptib-analitik na disenyo ng pananaliksik. Sa disenyong ito, ang mga datos ay iiinterpret ng mga mananaliksik sa paraang palarawan at pasalaysay. B. Respondente Bukod sa mga datos na nakalap mula sa mga aklat, sites sa internet, magasins at journal, nakakuha din ang mga mananaliksik ng sapat na impormasyon sa pamamagitan ng isinagawang sarbey sa mga mag-aaral ng kursong Akawntansi ng unang taon ng kolehiyo sa De La Salle Lipa taong 2009-2010. Sila ang napiling respondente ng mga mananaliksik sapagkat sa kursong ito lamang ipinapatupad ng De La Salle Lipa ang zero-based na sistema ng pagmamarka. Sa kabila ng sila ay bago pa lamang sapagkat sila ay nasa unang taon pa lamang ng kolehiyo, batid ng mga mananaliksik na may epekto nang dulot sa kanla ang zerobased na sistema ng paggagrado. C. Instrumento ng Pananaliksik Ang mga mananaliksik ay nangalap ng mga datos sa mga aklat sa silid-aklatan at sites sa internet gayundin sa mga magasins at journal. Matapos makakalap ng sapat na datos, sila ay gumawa ng sarbey kwestyoneyr at ipinamahagi ang mga ito sa mga mag-aaral ng Akawntansi upang makakalap ng wastong mga datos na magbibigay katuparan sa mga hangarin ng pananaliksik. D. Tritment ng Datos Ang mga datos na nakalap ng mga mananaliksik ay itatally upang makuha ang wastong distribusyon ng mga mag-aaral sang-ayon sa kanilang pananaw ukol sa mga katanungang mais masagutan ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito. Ang mga datos na nakalap ay iiinterpret sa pamamagitan ng mga grap, upang makuha ang wastong porsyento ng mga mag-aaral na nakakaranas ng epekto ng zero-based na sistema ng pagmamarka.
KABANATA IV – PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Sa pag-aaral na ginawa ng mga mananaliksik, natuklasan ang mga sumusunod na
Bilang ng mga Respondente
datos at impormasyon.
3 0 2 5 2 0
Grap 2 Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad
1 5 1 0 Sa unang grap, makikita ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang 5 17 18pataas kasarian. Sa limampung (50) respondente, 12 sa kanila 15 o 24% 16 ng kabuuan ay lalaki at 38 o Edad 0 76% ng kabuuan ang babae. Sa ikalawang grap naman, makikita ang bahagdan ng mga respondente ayon sa kanilang edad. Sa limampung respondente, 2 sa kanila ay edad 15, 15 and edad 16, 25 ang edad 17, at 8 naman ang edad 18 pataas.
Ipinapakita sa ikatlong grap na tatlumpu’t apat (34) sa limampung (50) estudyante ng kursong Akawntansi o 68% ng kabuuang bilang ng respondente ang alam na alam na ang zerobased na sistema ng pagmamarka ang ipinatutupad sa kursong Akawnting sa De La Salle Lipa, 10 sa 50 estudyante naman o 20% ng kabuuang bilang ng respondente ang katamtaman ang kaalaman tungkol dito. Mayroon namang apat na estudyante o 8% ng kabuuang bilang ng respondente ang hindi gaano ang kaalaman ukol dito. Samantala, mayroong 2 estudyante o 4% ng kabuuang bilang ng mga respondente ang hindi alam na zero-based ang sistema ng pagmamarka ng kursong Akawnting sa De La Salle Lipa.
Ipinapakita sa ika-apat na grap na 48 sa 50 respondente o 96% ng kabuuang bilang ng mga respondente ang naniniwala na ipinatupad ang zero-based na sistema ng pagmamarka upang masala ang mga mag-aaral na iaangat sa sunod na antas at masiguro ang kalidad ng kanilang kakayahan kapag sila’y nagtapos at 2 naman o 4% ang naniniwala na ito’y ipinatupad upang makasunod ang paaralan sa mabilis na takbo ng globalisasyon.
Ipinapakita sa Grap 5 ang distribusyon ng mga respondente hinggil sa proseso ng pagkuha ng grado gamit ang sistemang zero-based. 1 sa 50 estudyante ang hindi alam ang proseso, 4 ang hindi gaano kaalam, 22 ang katamtaman ang kaalaman at 23 naman ng kabuuang bilang ng respondente ang alam na alam ang proseso ng pagkuha ng grado gamit
Bilang ng mga Respondente
ang zero-based grading system.
Grap 6 Distribusyon ng mga Respondente Hinngil sa Kung Sang-ayon sa Pagpapatupad ng Zero-Based na Sistema ng Pagmamarka sa Kursong Akawnting sa De La Salle Lipa
30 25 20
15 Sa 50 respondente, 28 ang sumang-ayon sa pagpapatupad ng zero-based grading 10 system sa kursong Akawnting sa De La Salle Lipa habang 22 naman ang hindi sumasang-ayon 5 dito. 0
Oo Hindi
Sagot
Nasasaad sa ika pitong grap na sa dalawampu’t walong (28) respondente na sang-ayon sa pagpapatupad ng zero-based grading system, 86% sa kanila o dalawampu’t apat (24) ang may nais na ipagpatuloy ng paaralan ang pagpapatupad ng ganoong sistema ng pagmamarka sa kursong Akawnting habang 14% sa kanila o apat (4) ang ayaw itong ipagpatuloy. Ang dalawampu’t walong (28) respondente sa Grap 7 ay ibinase sa Grap 6 kung saan 28 ang sangayon sa pagpapatupad ng zero-based grading system.
Ipinapakita naman sa ika-walong grap na sa dalawampu’t dalawang (22) respondente na hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng zero-based grading system, dalawampu (20) o 91% sa
kanila ang nais na palitan at baguhin ang zero-based na sistema ng pagmamarka habang dalawa (2) o 9% naman sa kanila ang nais ng ipagpatuloy ang ganoong sistema. Ang dalawampu’t dalawa (22) respondente sa Grap 8 ay ibinase sa Grap 6 kung saan 22 ang hindi sang-ayon sa pagpapatupad ng zero-based grading system.
Isinasaad sa Grap 9 ang distribusyon ng mga respondente hinggil sa pananaw nila ukol sa pagpapatupad ng zero-based na sistema ng pagmamarka sa kursong Akawnting sa De La Salle Lipa. Ang bilang ng respondente sa grap 9 ay dalawampu’t anim (26). Ito ay ibinase sa grap 7 at 8, kung saan 24 na respondente sa grap 7 at 2 sa grap 8 ang may nais na ipagpatuloy ang zero-based na sistema ng pagmamarka. Labingsiyam (19) o 73% ang nagsabi na ito ay upang mas lalong mahasa at masubukan ang kanilang kakayahan, anim (6) naman o 23% ang nagsabing upang masala ang mga estudyante na magpapatuloy sa susunod na antas, at isang (1) respondente o 4% ay may iba pang kasagutan at nagsabing iyon na ang sistema simula’t sapul kaya wala ng magagawa.
Sa ika-sampung grap, makikita na labinglima (15) respondente o 63% ang may sagot na masyadong mahirap ang sistemang ito para sa mga estudyante ng Akawntansi, lima (5) o 21% ang may sagot na lubos na naapektuhan nito ang kanilang GPA, dalawa (2) o 8% ang may sagot na lubos nitong naaapektuhan nito ang kanilang performans sa ibang asignatura at dalawa (2) o 8% ng kabuuan ang may iba pang sagot bukod sa mga nabanggit sa talatanungan, napakahirap at nakakabaliw bago pumasa. Ang bilang ng mga respondente sa Grap 10 ay dalawampu’t apat (24). Ito ay base sa Grap 7 kung saan apat (4) na estudyante ang ayaw ipagpatuloy at Grap 8 kung saan dalawampu (20) ang nais nang palitan ang nasabing sistema ng pagmamarka.
Makikita sa ikalabing-isang grap na 38% o labingsiyam (19) na estudyante ang nagsabing maganda ang epekto ng zero-based na sistema ng pagmamarka, habang 62% o tatlumpu’t isa (31) ang nagsabing hindi maganda ang epekto ng nasabing sistema ng pagmamarka.
Sa ikalabingdalawang grap, makikita na apatnapu’t apat (44) o 88% ng kabuuang bilang ng mga respondente ang nagsabing naaapektuhan ng zero-based na sistema ng pagmamarka
ang kanilang pakikitungo sa pag-aaral habang anim (6) o 12% ng kabuuan ang nagsabing hindi naaapektuhan ng nasabing sistema ang kanilang pakikitungo sa pag-aaral.
Batay sa ikalabingdalawang grap, apatnapu’t apat (44) ang nagsabing naapektuhan ng zero-based na sistema ang kanilang pakikitungo sa pag-aaral. At sa apatnapu’t apat na ito, dalawampu’t siyam (29) o 66% sa mga respondent ang nagsabing dahil sa nasabing sistema ng pagmamarka, mas lalong nadagdagan ang kanilang sipag at determinasyon sa pag-aaral, labingdalawa (12) o 27% ang nagsabing naging dahilan ito upang tamadin silang mag-aral, at tatlo (3) o 7% sa kanila ang may iba pang kasagutan bukod sa mga nabanggit na pagpipilian sa talatanungan.
Makikita sa ika-14 na grap ay sagot ng mga respondente hinggil sa kung malaki ba ang maitutulong ng zero-based na sistema ng pagmamarka sa pagkuha ng board exam at makapasa dito, makikita sa ikalabing-apat na grap na apatnapu’t anim (46) o 92% sa mga respondente ang nagsabing malaki ang naitutulong nito habang apat (4) o 8% sa mga respondente ang nagsabing hindi ito makakatulong sa kanila.
KABANATA V – LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON I.
Lagom
Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangka na malaman ang epekto ng zero-based grading system sa mga mag-aaral ng kursong Akawntansi ng unang taon ng kolehiyo sa De La Salle Lipa. Gamit ang disenyong deskriptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay gumawa ng sarbey kwestyoneyr na pinasagutan sa 50 mag-aaral ng kursong Akawntansi na nabibilang sa unang taon sa kolehiyo sa De La Salle Lipa. Ang nasabing sarbey kwestyoneyr ay nagsisilbing basehan upang malaman ang pananaw ng mga estudyante hinggil sa pagpapatupad ng paaralan ng zero-based na sistema ng pagmamarka sa kursong Akawntansi II. Kongklusyon Batay sa mga nalahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: a. Lubos ang kaalaman ng mga mag-aaral ng unang taon ng kursong Akawntansi tungkol sa proseso ng zero-based na sistema ng pagmamarka na ipinapatupad sa De La Salle Lipa b. Ang zero-based na sistema ng pagmamarka ay nagiging dahilan upang mababa ang makuhang marka ng mga mag-aaral. Naaapektuhan nito ang grade point average o GPA ng mga estudyante at nagkakaroon ng pressure sa kanilang pag-aaral. Gayunpaman, sa kabila ng mababang marka na nakukuha ng mga estudyante, nagiging dahilan din ang zero-based na sistema upang karamihan sa kanila ay maging pursigido sa kanilang pag-aaral. Dahil mababa ang kanilang nakukuhang marka, sila ay naeengganyo na mag-aral ng mabuti upang sila ay makapasa. c. Ang zero-based na sistema ng pagmamarka ay nakatutulong sa mga estudyante upang mas higit na pagbutihin ang kanilang pag-aaral. Nagsisilbing motibasyon ito para sa kanila upang pagsipagin at magpursigi sila sa pag-aaral ng kanilang mga leksyon.
d. Sa kabila ng hirap na pinagdadaanan dahil sa sistema ng pagmamarka, nais pa din ng mga mag-aaral na ipagpatuloy ng paaralan ang pagpapatupad ng zero-based na sistema ng pagmamarka. e. Ginawang zero-based ang sistema ng pagmamarka sa kursong Akawntansi upang masala ang mga mag-aaral na iaaangat sa susunod na antas at masiguro ang kalidad ng kanilang kakayahan kapag sila’y nagtapos. III. Rekomendasyon Kaugnay ng mga nabanggit na kongklusyon, buong pagpapakumbabang nirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod. a. Para sa mga mag-aaral, marapat na pagbutihin pa nila ang kanilang pag-aaral. Ibayong hirap ang hatid ng kurso at hindi ito mapagtatagumpayan kung hindi pagsisikapan ang pag-aaral. Huwag hayaang maging balakid ang zero-based na sistema ng pagmamarka upang hindi makatapos ng pag-aaral. b. Para sa mga guro, maging gabay sa mga estudyante upang mapagtagumpayan nila ang kanilang tinatahak na landas. Maging inspirasyon sa mga estudyante upang lalo nilang pagbutihin ang kanilang pag-aaral at magsagawa ng mga istratehiyang makatutulong sa kanila upang pumasa. c. Para sa mga administrador ng paaralan, ipagpatuloy pa ang magagandang programa na humuhubog sa kakayahan ng mga estudyante. Ang zero-based na sistema ng pagmamarka ay malaki ang naitutulong sa mga estudyante upang mapaunlad nila ang kanilang sarili kaya’t ipagpatuloy ito.
View more...
Comments