yunit 10 IBAT IBANG SULATIN
September 5, 2017 | Author: Joyce Anne P. Banda | Category: N/A
Short Description
DISCLAIMER NOTE: ALL POWER POINT PRESENTED WAS MY DESIGN AND CONCEPT BUT MAJORITY OF THOSE INFORMATION AND FACTS ARE FRO...
Description
Iba’t Ibang Sulatin Yunit 10
Kahalagahan ng Kasanayan sa Pagsulat
Ang pagsulat ay isang napakahalagang bahagi sa buhay ng tao. Wala na yatang taong hindi nakaranas humawak ng panulat para magpahayag ng kanyang iniisip o nadarama. Iba’t ibang emosyon ang kanyang nailalahad sa pamamagitan ng pagsulat. naipapahayag niya ang kanyang pagkalungkot, pagkagalit, pagkatuwa atbp. sa pamamagitan ng pagsulat.
Naipapakita niya ang kanyang pagapapahalaga sa taong nakagawa ng kabutihan o karangalan sa pamamagitan ng pagsulat.
Mga Kahandaan na kinakailangan para sa Pagsulat ng Sulatin:
1 Lubos na kaalaman sa kayarian ng wika. 2 Sapat na kaalaman sa mga sangkap sa pagsulat. 3 Lubos na kaalaman sa paggamit ng angkop na salita sa pangungusap. 4 Sapat na kasanayan sa pagsasama-sama ng mga kaisipang bubuuin. 5 May malawak na pananaw sa paksang balak sulatin o talakayin.
Kahulugan ng Pagsulat
Xing at Jin (1999)
ang pagsulat ay isang komprehensibong kakayahang naglalaman ng wastong gamit, talasalitaan, pagbuo ng kaisipan, retorika at iba pang mga elemento. Ito ay may kaugnayan sa pakikinig, pagsasalita at pagbasa.
Keller
ang pagsulat ng sulatin ay kabuuan ng isang pangangailangan at kaligayahan.
Dalawang Salik sa Mahusay na Pagsulat ng Sulatin:
1. Sa epektibong paraan ng pagsulat ng isang tao.
2. Sa kanyang natatanging katangiang taglay na niya sapul pa sa kanyang pagkakasilang.
Tatlong Uri ng Pagsulat
Ang writing down at writing up ay tumutukoy sa pagsulat na nagbibigay ng impormasyon, paliwanag, pag-uulat ng mga detalye o pangyayari. Ito ay maaaring magsimula sa mahahalagang bagay na naobserbahan sa kalikasan, sa pagsulat ng talaarawan atbp.
Tatlong Uri ng Pagsulat… Writing Down
– ang tawag kung ang lahat ng ito ay itinatala
Writing Up
– ang tawag kung ipinababasa at ipinaliliwanag.
Writing Out
– ang pagsulat na nagbibigaykaganapan sa isang sumusulat. Tinatawag din itong malikhaing pagsulat. Sa ganitong uri ng pagsulat ay kinakailangang gamitan ng imahinasyon at paggamit ng mabisang pagpapahayag ng lahat ng iniisip at nadarama ng sumusulat.
Dalawang Aspeto ng Pagsulat ng Sulatin
Ang pagpapahayag ng ibig mong sabihin.
Hindi kinakailangang napakahalaga ng sasabihin mo. Ang mahalaga rito’y maipahayag mo ang nais mong sabihin.
Ang paraan kung paano mo ito Ang taong masalita at sasabihin. marunong makipag-usap sa sinumang tao ay madaling makalinang ng mga ideya. Ito ang kanyang puhunan para sa isang mabisang pagsulat.
Kahalagahan ng Pagpapasulat ng Sulatin
Mga Dahilan: 1 Pinayayaman nito ang balarila, idyoma at talasalitaan.
2 Nakatutulong ito sa pagtuklas ng ibig nating ipahayag. 3 Nakalilinang ito ng kakayahan sa paggamit ng wika sa isang sitwasyong kinapapalooban ng disiplinang intelektwal at ng pagkamalikhain.
Limang Batayang Tanong sa Paghahanda ng Susulatin
1 Paano makatutulong ang pagsulat sa pagkatuto ng wika?
2 Paano makakakuha ng sapat na mga paksa? 3 Paano magiging makahulugan ang mga paksa?
4 Sino ang babasa ng aking isusulat? 5 Paano ko ibabahagi sa iba ang aking isusulat?
Mga Sangkap ng Pagsulat (Marian Clifford, 1991) ang mensahe ay mahalaga ang binubuo ng organisasyon ng kaisipan o isang susulatin konsepto. Ito’y upang makita PagsususnudPagbuo ng maaring sunod ng mga agad ang mensahe nakapaloob sa ideya balangkas ng bawat talata o sa isang mahusay at buong nilalaman epektibong ng sulatin. saklaw nito ang sulatin. wastong gamit Paghahanap sa ng wika pagsulat ng mgaatsalita sa mga kumbenasyon pangungusap, talasalitaan at pagbabantas.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Sulatin
1 Pumili ng isang mahalaga at napaapnahong paksa.
2 Balangkasin ang nilalaman ng susulatin. 3 Gumawa ng burador.
4 Wastuin ang burador. 5 Isulat ang pangwakas na anyo ng sulatin.
Anim na Hakbang ng Pagsusulat ng Sulatin o komposisyon (Papa, 1993)
1. Pagtuklas 2. Paghubog 3. Pagsulat ng 6. Paglalathala 1. Pagtuklas burador
ito ang pinakahuling hakbang na sumasaklaw sa -sa unang hakbang na ito, napapaloob ang mga 5. Pagsasaayos 4. Pakikibahagi 3. mga Pagsulat ng burador paglalahad ng sulatin, basahin ito 2.malikhaing Paghubog 4. Pakikibahagi gawaing kinasasangkutan ng mga pandama sa hakbang na ito, napapaloob ang mga Gawain sa nabibigyan dito ng pagkakataon ang mga magsa bahaging unti-unti nang ang mga sa klase,ito, ibigay sa guro o sanabubuo pahayagang dito pumapasok ang mga gawaing makatutulong (paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa, panalat), pagwawasto ng burador, muling pagsusuri ng mga aaral na ibahagi ang kanilang mga napiling paksa, ideyang isusulat, wastong pagsasaayos ng mga ito pampaaralan. sa mga mag-aaral na matiyak ang mga nilalaman kaisipan, damdamin at karanasang makakatulong kaisipan at pagsulat ng 5. orihinal. Pagsasaayos natuklasang ideya atnaisulat na burador. at aktwal na pagsulat ng burador. at anyo ng pagsulat na gagawin. sa mga mag-aaral na umisip at tumuklas ng mga paksa at ideyang isusulat. 6. Paglalathala
dalawang mahalagang salik sa proseso ng pagsusulat:
Antas ng kahirapan .
kailangang masuri kung ang kasanayang napapaloob sa layunin ay lubhang mabigat o napakagaan
Ang antas ng kompleksidad
ang kapayakan o kasalimuutan ng kasanayan sa pagpapasulat ay mahalagang mabigyang-diin.
Iba’t ibang Halimbawa ng Sulatin
Ang Pagsulat ng Talata
napakahalaga ng pagsulat ng talata para sa interpersonal na layuning pangkomunikatibo.
Ang Pagsulat ng Artikulong Ito’y isang uri ng pagsulat na Panteknikal sumasaklaw sa asignaturang kabilang sa panlawakang larangan ng siyensya at inhenyerya. ito’y may malaking maitutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman sa siyensya at teknolohiya. Ang Pagsulat ng Liham Iba’t ibang liham na ang naisulat mo. May pormal at dipormal.
Manwal sa Korespondensya Opisyal na Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
Paraan para sa isang mahusay na pagsusulat: 1. Ituon ang iyong pag-iisip.
2. Organisahin ang iyong iniisip.
3. Tiyakin ang iyong iniisip
4. Ilahad nang malinaw ang iyong mga ideya o kaisipan.
Ang mga Katangian ng Liham:
Malinaw
Magalang
Wasto
Maikli
Mapitagan
Buo
Kombersasyun al
View more...
Comments