Wika Reviewer for QUIZ BEE CONTESTANTS
August 29, 2017 | Author: Julia Florencio | Category: N/A
Short Description
I'd like to share my Wika reviewer for the Quiz bee contestants :) Hope this helps ^_^...
Description
MGA ANTAS NG WIKA * Pormal Ito ay antas ng wika na istandardm kinikilala/ginagamit ng nakararami. * Di Pormal Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pang araw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at pakikipagtalastasan. 1.Ang BALBAL o islang ay ang di-pamantayang paggamit ng mga salita sa isang wika ng isang partikular na grupo ng lipunan. Tinatawag din itong salitang kanto o salitang kalye. 2.Ang LALAWIGANIN ay mga salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan o panlalawigang salita. Ang mga Cebuano, Iloko, Batangueno at iba pa ay may temang lalawiganin sa kani-kaniyang dila. Isang matibay na indikasyon ng lalawiganing tema ay ang punto o accent AT ang paggamit ng mga salitang hindi banyaga at hindi rin naman Tagalog. sa antas na ito mapapansing ang mga salita ay pawang konfaynd lamang sa probinsya o rehiyong pinanggalingan nito. may mga salitang hindi maituturing na standard sapagkat limitado pa rin ang saklaw ng pinag gagamitan nito 3.Sa antas ng wika sa Pilipinas, naisakategorya ang wikang PAMBANSA bilang pangatlo, kaakibat ng balbal (una), lalawiganin (pangalawa), at ng pampanitikan (pang-apat). Ang kasaysayan ng wikang pambansa sa Pilipinas ay lubhang makulay at kontrobersyal. Gayumpaman, sa likod ng mayamang kasaysayan at kawalan ng matibay na pagliliwanag sa saligang batas, naitala ang Wikang Pambansa bilang Filipino. Ang Filipino ay hango sa humigit kumulang na 90 diyalekto sa bansa. Gayumpaman, ang Tagalog ang siyang sinasabing nagluwal nito. Ang Tagalog, sa panahon ng mga pagtatakda ng wikang pambansa ay ang siyang napili at ang pinakamabilis namaintindihan ng halos buong Pilipinas. 4.Ang ikapat na uri naman ng wika ay ang PAMPANITIKAN. Ito ang pinakamayamang uri. Kadalasa'y ginagamit ang mga salita sa ibang pang kahulugan. Mayaman ang wikang pampanitikan sa paggamit ng tayutay, idioma, eskima at ibat ibang tono, tema at punto. Isang eksperto na rin ang nagsabi na ang Panitikan ay ang "Kapatid na babae ng Kasaysayan", ito ay dahil sa ang wikang pampanitikan ay makasaysayan at maaring tumaliwas din sa kasaysayan dahil sa kaniyang kakayahang lumikha ng mga tauhang piksyunal o kathang isip. Ito ay kadalasang nagaganap sa tuwing ang wikang pampanitikan ay malayang nagagamit sa pagkatha ng dula, katha, palabas, at iba pang likhang-pampanitikan. 5. Ang Kolokyal ay isang uri ng impormal na salita kung saan ginagamit natin itong pang- araw - araw na pakikipagtalastasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar , bagama’t may anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi . Halimbawa ng Kolokyal na Salita 1. Mayroon - meron 2. Dalawa - dalwa 3. Diyan - dyan 4. Kwarta-pera 5. Na saan - nasan 6. Paano - pano 7. Saakinsakin 8. Kailan-kelan 9. Ganoon-ganun 10.Puwede-pede 11.Kamusta-musta 12.At saka - tsaka 13.Kuwarto- kwarto 14.Pahingi- penge 15.Naroon- naron. Kabilang ang mga sumusunod sa mga kaantasan ng wika: 1. Kolokyal/pambansa - ordinaryong wika na ginagamit ng mga kabataan sa kanilang pang-araw-araw na pakikipag-usap na kadalasang malayang pinagsasama ang mga wikang Ingles at Filipino 2. Kolokyalismong karaniwan - ginagamit na salitang may "Taglish" 3. Kolokyalismong may talino - ginagamit sa loob ng silid-aralan o paaralan 4. Lalawiganin/panlalawigan - wikang ginagamit ng isang partikular na lugar o pook. 5. Pabalbal/balbal (salitang kalye) - pinakamababang uri ng wikang ginagamit ng tao, na nabuo sa kagustuhan ng isang partikular na grupo na nagkakaroon ng sariling pagkakakilanlan. ito rin ay maaring nabuo sa pag-baliktad ng mga salitang Kolokyal/pambansa. 6. Pampanitikan - wikang sumusunod sa batas ng balarila at retorika.
1.) Ang pambasang wika, ayon sa 1986 Konstitusyon (Artikulo XIV, Seksiyon 6), ang naging pambansang wika ng Pilipinas ay Filipino 2.) Ang WIKA ay kasangkapang ginagamit ng lahat ng uri o antas ng tao sa lipunan. Nagagamit ito sa iba't ibang aspekto ng pamumuhay ng tao; pang- ekonomiya, pangrelihiyon, pampulitika, pang-edukasyon at panlipunan. Ang wika'y nawawala at namamatay kung nauubos o umuunti ang minoryang pangkat na gumagamit ng nasabing wika ngunit patuloy naman itong lumalaganap, umuunlad at nagbabago kasabay ng pag-unlad ng mayoryang pangkat na gumagamit nito. Teoryang Pangwika
Teoryang Ding-dong Ipinapalagay ng teoryang ito na kinakatawan ng isang ispesipikong tunog ang mga bagay sa kapaligiran.
Teoryang Bow-wow Para sa teoryang ito, ang mga tunog na nililikha ng mga bagay sa kapaligiran ay ginagaya ng tao at siyang pinapangalanan.
Teoryang Ta-ta Ang “ta-ta” ay maihahalintulad sa paraan ng pagsasabi ng mga Pranses sa “goodbye” o paalam. Sa teoryang ito, binibigyang-diin na ang pagkumpas o paggalaw ng kamay na sasabayan ng paglagitik ng dila bilang paraan ng pagsasalita.
Teoryang Pooh-pooh Itinataguyod ng teorya na ang anumang sambitla ng mga nilalang bunga ng mga emosyon ay na ay matumbasan ng mga pag-papakuhulugan sapagkat ang mga ito ay sariling likha niya.
Teoryang Sumasalig sa Aramaic bilang Unang Wika Ipinapalagay ng teoryang ito na ang kauna-unahang wika sa mundo ay ang Aramaic, na wika nga mga Aramaean. Maliban ditto, pinaniniwalaan nila na ito ang orihinal na wika ng Biblia at ang wikang ginagamit ni Hesus.
Teoryang Yo-he-ho Ipinapalagay ng teoryang ito nan a wika ang nalilikha ng tao kung siya ang nagbubuhat ng mabibigigat na bagay. Kabilang dito ang mga tunog o salitang namumutawi sa bibig kung nag-eehersisyo.
Teoryang ta-ra-ra-boom-de-ay Nakatuon naman ang teoryang ito sa mga nililikhang tunog sa mga ritwal o selebrasdyong pampangkat.
Teoryang Ukol sa Tore ni Babel Matatagpuan ang salaysay ukol sa Tore ni Babel sa Lumang Tipan ng Biblia. Binabanggit ditto ang nililikang tore ng mga tao sa Babilonia. Ang templong nagsilbi ring tore ay isang sagisag na kapalaluan at walang hanggang pagnanasa ng tao. Ikinagalit ng Diyos ang ginagawang ito ng mga tao, kaya’t ginugulo niya ang kanilang wika. Ang lunsod ay kilala bilang Lunsod ng Babel at Tore ni Babel naman ang templong –tore. Sa ingles ito ang tinatawag na “Tower of Confusion.”
Teoryang sa Wika ni Haring Psammitichus Si Psammitichus ay hari ng sinaunang Ehipto, nagsagawa siya ng isang eksperimento sa pamamagitan ng pagpapakuha at pagpapa-alaga sa dalawang sanggol sa isang lugar na walang maririnig na usapan ang dalawa. Natuklasan diumano ng hari na ang kauna-unahang salitang kanilang nasambit ay “bekos” (Wikang Phrygian para sa “bread” o tinapag.) Ipinalagay ng hari na bagamat walang wikang narinig ay matututunan ng nilalang ang kayang likas na wika.
WIKA Ito ay isang bahagi ng talastasan. Ito ay ang kalipunan ng mga simbolo, tunog, at mga batas kaugnay nito upang maipahayag ang nais sabihin ng kaisipan.Isang pamamaraang ginagamit sa pagpapaabot ng kaisipan at damdamin sa pamamagitan ng pagsasalita at pagsulat. DAYALEK (tinatawag ding ‘wikain’) Dayalek ang barayti ng wikang nalilikha ng dimensyong heograpiko. Tinatawag din itong wikain sa ibang aklat. Ito ang wikang ginagamit sa isang partikular na rehiyon, lalawigan o pook, malaki man o maliit. Ang mga dayalek ay makikilala hindi lamang sa pagkakaroon nito ng set ng mga distinct na bokabularyo kundi maging sa punto o tono at sa istraktura ng pangungusap. Pansinin na lamang natin ang pananagalog ng mga naninirahan sa iba’t ibang lugar na gumagamit ng isang wika. Iba ang pananagalog ng taal na taga-Maynila sa tagaBatangas, taga-Bulacan at taga-Rizal. Ito ay wika na katulad rin ng bernakular na palasak sa isang pook ng kapuluan. Ito ay yaong unang wikang kinamulatan at ugat ng komunikasyon sa tahanan at pamayanan, lalawigan. Ito rin ang wikang unang kinagisnan, naririnig at namumutawi sa bibig ng mgfa tao, ng mga magulang sa tahanan at sambayanan. Ito'y nagsisilbing midyum ng komuunikasyon sa isang pook na kung saan ang nasabing katutubong wika ay nabibilang. Batay sa laki, ang wika ay mas malaki kaysa dayalekto. Ang varayti na tinatawag na wika ay m,as maraming aytem kaysa sa dayalekto. Kaya't ang Filipino ay isang wika na bumubuo sa lahat ng dayalekto nito tulad sa Filipino sa Metro Manila, Filipino sa Baguio o Filipino sa Metro Cebu. Batay sa prestihiyo, ang wika ay may prestihiyong hindi makikita sa dayalekto. Kung ito ay pagbabatayan, ang wikang Ingles halimbawa na ginagamit sa pormal na pagsulat ay istandard na Ingles samantalang dayalekto lamang iyong hindi nagagamit ng gayon, bagamat sa pananaw ng linggwistika ay walang wikang mataas o mababa. IDYOLEK Kahit pa sosyal ang pangunahing tungkulin ng wika, ang indibidwal na katangian ng bawat tao ay nakaiimpluwensya pa rin sa paggamit ng wika. Ito ang nagpapaiba sa isang indibidwal sa iba pang indibidwal. Bawat isa kasi ay may kani-kaniyang paraan ng paggamit ng wika. Kabuuan ng mga katangian sa pagsasalita ng tao. May iba’t ibang salik na nakapaloob dito kung bakit ito nagaganap. Ang mga salik na ito ay ang gulang, kasarian, hilig o interes, at istatus sa lipunan. SOSYOLEK Sosyolek naman ang tawag sa barayting nabubuo batay sa dimensyong sosyal. Tinatawag din itong sosyal na barayti ng wika dahil nakabatay ito sa mga pangkat panlipunan. Halimbawa nito ay ang wika ng mga estudyante, wika ng matatanda, wika ng kababaihan, wika ng mga preso, wika ng mga bakla at ng iba pang pangkat.
MAIKLING KASAYSAYAN NG WIKA Noong ika-13 ng Nobyembre 1936, inilikha ng unang Pambansang Asemblea ang Surian ng Wikang Pambansa, na pinili angTagalog bilang batayan ng isang bagong pambansang wika. Naimpluwensiyahan ang pagpili sa Tagalog : 1. Sinasalita ang Tagalog ng napakaraming tao at ito ang wikang pinakanauunawaan sa lahat ng mga rehiyon ng Pilipinas. Papadaliin at pabubutihin nito ang komunikasyon sa mga taumbayan ng kapuluan. 2. Hindi ito nahahati sa mga mas maliliit at hiwa-hiwalay na wika, tulad ng Bisaya. 3. Ang tradisyong pampanitikan nito ang pinakamayaman at ang pinakamaunlad at malawak (sinasalamin ang dyalektong Toskano ng Italyano). Higit na mararaming aklat ang nakasulat sa Tagalog kaysa iba pang mga katutubong wikang Awstronesyo. 4. Ito ang wika ng Maynila, ang kabiserang pampolitika at pang-ekonomiya ng Pilipinas. 5. Ito ang wika ng Himagsikan at ng Katipunan—dalawang mahahalagang pangyayari sa kasaysayan ng Pilipinas. Noong 1959, nakilala ang wikang ito bilang Pilipino upang mahiwalay ang kaugnayan nito sa mga Tagalog. Nagtakda naman ang Saligang Batas ng 1973 ng panibagong pambansang wikang papalit sa Pilipino, isang wikang itinawag nitong Filipino. Hindi binanggit sa artikulong tumutukoy, Artikulo XV, Seksiyon 3(2), na Tagalog/Pilipino ang batayan ng Filipino; nanawagan ito sa halip sa Pambansang Asamblea na mag-“take steps towards the development and formal adoption of a common national language to be known as Filipino.” Gayundin, nilaktawan ng Artikulo XIV, Seksiyon 6, ng Saligang Batas ng 1987, na ipinagbisa matapos ng pagpapatalsik kay Ferdinand Marcos, ang anumang pagbabanggit ng Tagalog bilang batayan ng Filipino at mismong ipinagpatuloy na “as [Filipino] evolves, it shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages (pagbibigay-diin idinagdag).” Tiniyak pa ng isang resolusyon[4] ng 13 Mayo 1992, na ang Filipino “ang katutubong wika, pasalita at pasulat, sa Metro Manila, ang Pambansang Punong Rehiyon, at sa iba pang sentrong urban sa arkipelago, na ginagamit bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo (pagbibigay diin idinagdag).” Gayumpaman, tulad ng mga Saligang Batas ng 1973 at 1987, hindi nito ginawang kilalanin ang wikang ito bilang Tagalog at, dahil doon, ang Filipino ay, sa teoriya, maaaring maging anumang katutubong wikang Awstronesyo, kasama na ang Sugboanon ayon sa paggamit ng mga taga-Kalakhang Cebu at Davao. Ididineklara ang buwan ng Agosto bilang Buwan ng Wikang Pambansa * Ang Doctrina Cristiana (1593) ang naging unang publikasyong naglalaman ng mga katesismong ginawa ni Padre Juan de Plasencia. * Si Tomas Pinpin ay ang Ama ng Limbagang Pilipino, siya ang kauna-unahang native naPilipino na naglathala ng libro, "Librong Pagaaralan nang manga Tagalog nang Uicang Castilla" noong 1610 at isinulat sa Tagalog na ortograpiya. * Inilathala din ni Tomas Pinpin ang “Arte y Reglas de la Lengua Tagala” ni Francisco Blancas de san Jose (tinaguriang Demosthenes ng Wikang Tagalog) at gumamit ng katutubong baybayin. Binubuo ito ng 117 pahina at 5 bahagi na naglalayong matuto ang mga Filipino sa Wikang Espanyol. * Inilathala din ang Compedio de la Arte de la Lengua Tagala ni Francisco Blancas de San Jose * Arte de la Lengua Tagala – ni Agustin de la Magdalena * Vocabulario de Lengua Tagala ni Fray Pedro de San Buenaventura, ang kauna-unahang diksyonaryo sa Pilipinas noong 1612. * 1637 inilathala ni Tomas Pinpin ang Sucesos Felices, ang kauna-unahang pahayagan sa Pilipinas na binubuo ng 14 pahina
* Herman Costenoble- gumawa ng anim na artikulo tungkol sa mga salitang ugat na binubuo ng isang pantig lamang (monosyllabic) * Otto Scheerer- nagsulat ng mga aklat at babasahin tunkol sa wika sa hilagang Luzon, Kalinga, Ilongos, Isinai, Isneg at Bontoc *Carlos Everett Conant- may sampung pag-aaral na ginawa sa mga wika sa Pilipinas mula 1908-1916, kasama ang pag-aaral sa ponolohiya ng Tirurui. *Frank Blake- may 15 artikulo tungkol sa wika ng Pilipinas, 7 tungkol sa wikang Tagalog. Tinaguriang may pinakamahalagang kontribusyon sa linggwistika sa Pilipinas sa panahon ng Amerikano *Leonard Bloomfield- Tinaguriang pinakamagaling na naisagawang pag-aaral sa anumang wika sa Pilipinas, malaki ang ambag ng pag-aaral niya sa morpolohiya at sintaks sa Tagalog at Ilokano *Cecilio Lopez- Ama ng Linggwistika ng Pilipinas (sanggunian: pahina 5 ng ‘Istruktura ng Wikang Filipino’ Book of Ma’am Teves) BATAS NG WIKA Atas ng Pangulo ng Pilipinas bilang 1041 – Ipagdiwang ang Buwan ng Wikang Pambansa tuwing Agosto 1-31 (alinsunod sa kaarawan ni Manuel Quezon, Agosto 19, 1878) Batas ng Komonwelt bilang 184- lumikha ng Surian ng Wikang Pambansa(Komisyon sa Wikang Filipino sa kasalukuyan Kautusang Tagapagpaganap bilang 134- nagsasaad na ang Wikang Filipino ay batay sa Tagalog Kautusang Pangkagawaran bilang 50, serye 1976- nagsasaad na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay dapat tawaging Filipino Artikulo XV ng Seksyon 7- nagsasabing ang Filipino ang dapat gamitin sa iba’t ibang pasilidad ng Surian ng Wikang Pambansa Batas Rizal o Republic Act no. 1425- nagsasaad na ituro ang buhay ni Rizal Saligang Batas ng Pilipinas (1987) Seksyon 6. Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang medium ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pangedukasyon. Seksyon 7. Ukol sa layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at, hangga't walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod ng kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Seksyon 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles, at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic, at Kastila. Seksyon 9. Dapat magtatag ng Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga kinatawan ng iba't ibang mga rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, maguugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili
Atas ng Pangulo ng Pilipinas Proklamasyon blg. 12
Sanggunian: http://prezi.com/yqfmc7vc3ssp/mga-batas-pang-wika-1946-2009/ Virgilio S. Almario (Rio Alma) – punong komisyoner ng Komisyon sa Wikang Filipino
Quiz Bee WIKA Reviewer
View more...
Comments