Wedding Liturgy, Tagalog,2015

December 22, 2016 | Author: Sarah Katrene | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

wedding...

Description

PAGTAGUBILIN  Mga Ninong at Ninang (Babalik sa pagkaluhod ang babae at lalaki)

ANG PAGPAPALANG APOSTOL Pagpalain, tangkilikin at ingatan nawa kayo ng Diyos, ang Ama, ang Anak at Espiritu Santo at buong lugod na paglingap ay masdan kayo ng Panginoon, at puspusin na kayo ng lahat ng pagpapalang spiritual at ng pag-ibig upang managana kayo sa buhay na ito, at duon sa darating, ay magkaroon kayo ng buhay na walang hanggan. Amen. PAGKAKALOOB NG HALIK PAGPAPAKILALA SA BAGONG KASAL PAGPATAY NG KANDILA AT PAGSASARA NG BIBLIA PANGWAKAS NA TUGTUGIN

ENTOURAGE PICTORIAL

PAGTITIPON PANIMULANG TUGTUGIN PAGSINDI NG KANDILA PROSESYONAL Minister (Pagbubukas ng Biblia ) Best Man Groom Principal Sponsors Veil Sponsors Cord Sponsors Candle Sponsor Ring Bearer Candle Bearer Coin Bearer Bible Bearer Flower Girls Groomsmen & Bridesmaid Maid of Honor BRIDAL MARCH (Tatayo ang Kapulungan) Bride PAGBATI Mga minamahal, tayo ay nagkatipon dito sa paningin ng Diyos, at sa harapan ng mga saksing ito upang pag-isahin sina Romeo at Sarah sa banal na kalagayan ng pag-aasawa na isang marangal na kalagayan na sa atin ay ipinahihiwatig ang mahiwagang pagkakaisa ni Cristo at ang Kanyang Iglesya na ang banal na kalagayang ito ay pinadilag at pinaganda ni Cristo sa Kanyang pagkakadalo sa kasalan sa Cana ng Galilea. Dahil dito, hindi nga nararapat pasukan ng sinuman ang mga bagay na ito na parang walang kabuluhan, kundi nararapat na igalang, pagpitagan at matakot sa Diyos. Sa banal na kalagayang ito ay dumudulog ngayon sina Romeo at Sarah, upang pagtibayin ang kanilang hinahangad na pagkakaisa.

[1] Sa ating harapan ay mayroong tatlong espesyal na kandila. Ang dalawang maliliit na kandila ay sumisimbulo ng buhay ng dalawang tao na nag-iisang dibdib ngayon, si Romeo at Sarah (sisindihan ng candle sponsors ang dalawang maliliit na kandila) Mula nagyon, idinadalangin namin na kapwa sila magliwanag bilang indibidual sa kanilang pamilya, kaibigan at sa mga kapwa mananampalataya. Bilang simbulo ng kanilang pangakuan sa isa’t-isa at pagpapahayg ng kanilang pagiging isa ang dalawang liwanag na ito ay pag-iisahin at tatanglawan ng Panginoon na siyang patuloy na magpaningas sapagkat sa Kanya nagmula ang tunay na liwanag ng buhay. (sisindihan ang gitnang kandila ng babae at lalaki) Romeo at Sarah: Ngayon ipinapahayag namin ang pagmamahalan sa pamamagitan ng pag-iisang dibdib, kami ay nagpapasalamat sa Diyos at sa inyo, nawa’y magliwanag ang pag-ibig namin sa isa’t-isa gayundin sa aming pamilya at sa lahat ng nasa paligid namin sa pamamagitan ng liwanag na pinagkaloob sa amin ng Panginoon. PAGPAPAHAYAG NG PAG-IISANG DIBDIB PASTOR Romeo at Sarah, naipahayag na ninyo ang inyong pangakuan sa isa’t-isa, at ito ay ginawa ninyo sa harap ng Diyos at ng kapulungang ito. Ang Diyos ay siya nawang magpatibay sa inyong pinagkasunduan, puspusin nawa kayo ng Diyos ng kanyang mayamang biyaya. Yamang si Romeo at Sarah, ay nagkasundo sa pagtanggap ng banal na matrimonio, at pinatotohan nila ito sa harapan ng Diyos at ng mga saksing ito, at sa hangad na ito ay ipinagkaloob ng bawat isa sa kanila ang kanilang pangako at pagtatapatan, at kanilang pinagtibay ito sa pamamagitan ng kanilang

pagkakamay at sa pamamagitan ng pagkakaloob at pagtanggap ng singsing, at sa bisa ng kapangyarihan ipinagkaloob sa akin ng Republika ng Pilipinas, ipinapahayag ko na sila’y mag-asawa sa pangalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo. Silang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng tao.

[6] VEIL CEREMONY Veil Sponsors Pastor : Ang belo na nakabalot kina Romeo at Sarah ay simbulo ng kanilang pag-iisa, isang tahanan, isang pamilya, isang pananampalataya at higit sa lahat iisa sila kay Kristo. Gayundin, ang belo ay nagsasaad ng kadalisayan ng pag-ibig at pag-iingat ng Diyos sa kanila. CORD CEREMONY Cord Sponsors Pastor : Ang lubid na nakatali kay Romeo at Sarah ay kumakatawan ng lahat ng magaganda at mabubuting bagay na mapapanatili na masaya at matatag ang kanilang pagsasama bilang magasawa. Ang una sa mga ito ay ang pag-ibig ng Diyos sa kanila. Sabi ng kasulatan sa Roma 8:39… “alinmang nilalang ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos, pag-ibig na ipinadama sa atin sa pamamagitan ni Kristo-Hesus na ating Panginoon.” Pangalawa ay ang kanilang pag-ibig sa isa’t-isa at pagtatapat bilang mag-asawa. “The Lord’s Prayer” PAGLAGDA SA “CERTIFICATE OF MARRIAGE” TANGING AWIT

PAG-ALIS NG VEIL AT CORD PAGSINDI NG UNITY CANDLE Pastor: Gumagamit tayo ng mga simbulo upang ipahayag ang ating isipan at nararamdaman para sa ibang tao. Sa mas malalim at spiritual na bahagi, si Hesus ay gumamit ng mga simbulo bilang paraan ng pagpapahayag ng Kaniyang banal na presensya sa ating kalagitnaan. Si Hesus ay malayang magsasalita tungkol sa liwanag at kadiliman upang pagtibayin ang iniatas sa mga kristiyano na lagpasan at labanan ang kadiliman ng mundong ito sa pamamagitan ng kaliwanagan, kabutihan at kadalisayan ng puso ng bawat kristiyano. [5] PAGPAPAHAYAG NG INTENSYON Pastor : Sa inyong dalawa, Romeo at Sarah hinihiling ko samantalang kayo ay nakatayo sa harapan ng Diyos, na inyong alalahanin na ang pag-ibig at pagtatapat lamang ang saklolo na gaya ng pagtibayan ng isang maligaya at nanatiling tahanan. Walang ibang buklod ng tao na hihigit pa sa kadakilaan, o sa pangako na hihigit pa sa kabanalan kaysa inyong gagampanin ngayon. Kung ang banal na pangakong ito ay inyong iingatang walang kapintasan at sa katatagan ay inyong pagsumikapang sundin ang kalooban ng inyong Amang nasa langit, ang inyong buhay ay mapuspos ng kagalakan, at ang tahanang iyong itatayo ay mananatili ang kapayapaan. Romeo ibig mo bang tanggapin si Sarah na maging iyong asawa, upang kayo ay manangan alinsunod sa banal na kalagayan ng matrimonio? Iibigin mo ba siya, aaliwin, papapurihan at iingatan, sa pagkakasakit at sa kaginhawaan, at hindi ka makikialam sa lahat ng iba, at sa kanya ka lamang tumatahan samantalang kayo ay nabubuhay? Romeo: Opo siya ko pong gagawin.

Pastor : Sarah, ibig mo bang tanggapin si Romeo na maging iyong asawa, upang kayo ay manangan alinsunod sa banal na kalagayan ng matrimonio? Iibigin mo ba siya, aaliwin, papapurihan at iingatan, sa pagkakasakit at sa kaginhawaan, at hindi ka makikialam sa lahat ng iba, at sa kanya ka lamang tumatahan samantalang kayo ay nabubuhay? Sarah: Opo siya ko pong gagawin. TUGON NG PAMILYA AT KAPULUNGAN Pastor : Ang kasalang ito ang nagiisa kina Romeo at Sarah at gayundin sa kani-kanilang pamilya. Sila ngayon ay humihiling ng inyong pagpapala at basbas. Mga Pamilya at kapulungan : Kami ay nagagalak sa inyong pag-iisa, at kami ay nananalangin na ang pagpapala at basbas ng Diyos ay sumainyo. [2] Pastor : Kayo bang lahat, kabilang ang kapulungan sa biyaya at tulong ng Diyos ay gagawin ang lahat ng inyong makakaya upang tulungan, payuhan at gabayan ang dalawang taong ito sa kanilang pagiisang dibdib? Kapulungan : Opo, siya naming gagawin. PANALANGIN PAGBASA NG BANAL NA KASULATAN Genesis 2:15-24 1 Corinthians 13:1-13 MENSAHE NG BUHAY Mabuti

[3] ANG PAGKAKALOOB NG SINGSING Rev. Zosimo T.

Administrative Pastor, St John UMC EXCHANGE OF VOWS lalaki]

man, sa wala kang sakit o mayroon man, kita’y iibigin at lilingapin hanggang tayo’y papaghiwalayin ng kamatayan, alinsunod sa utos ng Diyos, at sa katuparan nito ay isinasangla ko saiyo ang aking pangako at tiwala. Sarah: Romeo, tinatanggap kita na maging asawa , upang ikaw ay maging akin at iingatan kita, buhat ngayon hanggang sa hinaharap, maging sa kabutihan at hindi, sa yumaman at magdalita ka man, sa wala kang sakit o mayroon man, kita’y iibigin at lilingapin hanggang tayo’y papaghiwalayin ng kamatayan, alinsunod sa utos ng Diyos, at sa katuparan nito ay isinasangla ko saiyo ang aking pangako at tiwala. BLESSINGS AND EXCHANGE OF RINGS Ring Bearer Pastor : Ang mga singsing na ito ay tanda ng panlabas at biyayang spiritual na naghahayag ng pagkakaisa ng isang lalaki at isang babae sa banal na matrimonio sa pamamagitan ni Hesus na ating Panginoon at Tagapagligtas. Pagpalain mo O Panginoon ang pagkakaloob ng singsing na ito, at ang siyang gagamit nito ay manatili magpakailanman sa inyong kapayapaan at magpatuloy na nakakalugod sa Iyo sa pamamagitan ni Hesu-Kristo aming Panginoon. Amen.

[Magkaharap at magkahawak kamay ang babae at

Romeo: Sarah, tinatanggap kita na maging asawa , upang ikaw ay maging akin at iingatan kita, buhat ngayon hanggang sa hinaharap, maging sa kabutihan at hindi, sa yumaman at magdalita ka

Romeo: Sa pag-alala at sa mga pangakuan na ating sinumpaan, kasama ng singsing na ito, nagpapakasal ako sa iyo sa pangalan ng Ama ng Anak at Espiritu Santo. Amen Sarah : Sa pag-alala at sa mga pangakuan na ating sinumpaan, kasama ng singsing na ito, nagpapakasal ako sa iyo sa pangalan ng Ama ng Anak at Espiritu Santo. Amen

ANG PAGKAKALOOB NG ARAS Coin Bearer Pastor : Ang mga perang ito ay kumakatawan sa biyaya ng Diyos. Hawakan niyong dalawa ito, tanda na anumang biyaya ang dumating sa inyong buhay ay hindi para sa isa, kundi sa inyong dalawa, at para sa inyong magiging anak. At huwag ninyong kakalimutan na anumang biyayang mayroon sa inyong buhay, ito ay pagkakatiwala sa inyo ng Diyos na nagkaloob ng lahat ng bagay. Kaya’t pagyamanin ninyo at sinupin ang inyong pera. Gayunman, sikapin din naman ninyong ibahagi ang biyayang kaloob sa inyo ng Diyos, at higit sa lahat ibalik ninyo ang sa kanya’y nararapat at sinisiguro ko sa inyo na hindi kayo pagkukulangin ng Diyos. ANG KAHALAGAHAN NG BIBLIA Bible Bearer Pastor : Romeo at Sarah tanggapin ninyo ang una at pinakamahalagang aginaldo sa inyong kasal, ang Biblia. Ito ang Salita ng Diyos. Ito ang nagsasaad sa tao ukol sa katotohanan ni Cristo at ng lahat ng mahahalagang bagay para sa kaligtasan. Ugaliin ninyong magbasa nito, ariin ninyo itong kayamanan ng inyong buhay, sundin ninyo ang mga katuruan nito at pagsumikapan ninyong maitatag ang tahaan na inyong itatayo sa matigas na batong pundasyon, ang pananampalataya at pag-ibig sa Diyos. *Ang ikinakasal ay luluhod* [4]

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF