Wanted, Isang Chaperon

February 22, 2017 | Author: kaguraYATO | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Wanted, Isang Chaperon...

Description

Kailangan: Isang Tsaperon (Wanted: A Chaperon) Ni Wilfrido Ma. Guerrero Salin ni Jose Villa Panganiban

Sa kasalukuyan, mahalaga pa ba ang isang tsaperon? Mga Tauhan: Don Francisco (Ang Ama) Donya Petra (Ang Ina) Nena (Ang kanilang anak na babae) Roberting (Ang kanilang anak na lalaki) Donya Dolores Fred (Ang kanyang anak) Francisco (Ang katulong) Pablo (Ang mayordomo) Panahon: Isang araw, ng Linggo, mag-iikalabing-isa ng umaga. Tagpuan: Ang salas. Payak ang kaayusan. Isang bintana sa kanan. Sa may likuran ang pasilyo. Isang pinot sa kaliwa. Sopa, mga silya at iba pang kasangkapan ayon sa kagustuhan ng direktor. Sa pagtaas ng tabing, makikita si Don Francisco, mga animnapu ang gulang, na nakaupo sa sopa at nananabako. Nakasuot siya ng magandang bata de banyo. Maya-maya’y papasok si Roberting, ang kanyang anak na may dalawampung taong gulang, gwapo at mahusay manamit. May nais hilingin sa kanyang ama subalit bago siya magakaroon ng sapat na lakas ng loob para makalapit ay liligid muna sa tanghalan at titikhim ng ilang beses.

Roberting: (titikhim) Ehem-ehem-ehem. Francisco: (titingalang saglit) ehem. Ehem. Ehem— Roberting papa— Francisco: (hindi nagtataas ng paningin) ano? Roberting: papa— Francisco: O ano? Roberting: Papa – Francisco: na naman? Roberting: E kuwan ho – ganito ho e – Francisco: ganitong ano? Roberting: mahirap hong sabihin --Francisco: Kung gayo’y magbalik ka pagkatapos kong magbasa ng dyaryo. Roberting: Ngayon na ho, papa. Tungkol sa kwarta! Francisco: Kwarta! Anong kwarta? Roberting: Mangyari ho e -Francisco: (manggagagad) mangyari ho e --- may ginagawa ako! Roberting: Kailangan ko na ang kwarta. Francisco: (ibababa ang dyaryo) Kailangan mo ng kwarta? Hindi ba may trabaho ka na? Roberting: oho, pero – hindi ho sapat eh. Francisco: Magkano ang sweldo mo?

Roberting: Isang libo lang ho. Francisco: isang libo! Aba! Pareho na halos tayo ng kinikita! Roberting: Hindi ho ninyo naiintindihan, papa eh – Francisco: He! Hindi nga! Roberting: Iba ho naman ang inyong intindi, papa e -Francisco: Aba! Sabi mo’y hindi kita naiintindihan – ang ibig sabihin ay hidni ako marunong umintindi. Ngayon, sabi mo’y iba naman ang intindi ko – ang ibig mong sabihin’y marunong pala akong umintindi. Ano ba iyan, Roberting? Roberting: E kuwan ho – ang talagang gusto kong sabihin ay --Francisco: Sige – tuloy . Roberting: E kuwan ho - ibig ko ho sana iyong – dati kong allowance . Francisco: (mabibigla) Demonyos! Gusto mo ang dati mong allowance! May trabaho ka at may sweldong isang libo at wala ka mang perang inaabuloy sa pagkain mo at pagtira sa akingbahay – at ngayon hihingin mo pa ang dati mong allowance! Roberting: Napakarami po akong gastos, papa e. Francisco: Magkano ang nasa savings bank mo? Roberting: Paano po akong makapag-sasavings? Francisco: wala ka palang savings sa bangko? Anong klaseng regalo ang ibinibigay mo sa iyong girlfriend? Roberting:Yung kuwan ho – oo . Francisco: Mga bulaklak? (tatango uli si Roberting) tiglilimampung pisong bulaklak (Tatango ulit si Roberting.) Ang taong ito, noong nanliligaw ako sa iyong ina; ang bigay ko sa kanya, ay mani lamang at balot. (papasok na si Donya Petra. May limampung limang taong gulang at maririnig ang huli nyang sinabi.) Petra: oo, natatandaan ko. At ang sabi ng nanay ko pagkabigay mo ng mani at balot ay “Ku, kuripot naman!” Francisco: Petra, Petra. Ang anak nating ito ay may sweldong isang libong piso. Hindi siya nagbibigay ng kahit isang pera sa gastos sa bahay, at ngayo’y hinihingi pa niya ang dati nyang allowance! Saan ka nakakita ng ganyan sa buong mundo? Petra: Mayroon akong alam na bayang ang mga anak, kahit may trabaho at may sweldo, ay hidni nagbibigay ng ano man sa magulang at humihingi pa ng dating allowance. Francisco: Saan? Petra: sa Pilipinas! Francisco: Aba, ikaw pala’y matalino, ha, Petra? Roberting: pero mama. Petra: kung wala kang perang pantaksi, mag-jeepney ka. Roberting: Jeepney! Para bumisita sa girlfriend? Naku! Petra: Naku, ano? (aalis si roberting.) Francisco! Francisco: ha? Ano yun? Petra: Tinatawag ko ang alila. Francisco: Damontres na alia! Bakit ba ang alila ng bahay na ito ay kapangalan pa ng amo? Petra: Didispatsahin ko na siya. Nakabasag na naman ng pinggan mo. Francisco: Na naman? Bakit ba lagi na lamang pinggan ko ang binabasag at hindi ang pinggan mo, o kay Roberting, o ang kay Nena? Pinggan ko na lamang ang binabasag niyan! (papasok si Francisco, ang katulong) Petra: kanino na namang pinggan ang binasag mo (ituturo ang Don) Alila: Opo, senyora. Petra: Ginawa mo ba ang kartelong pinapagawa ko sa iyo? Alila: Iyon po bang pinapagawa ninyo sa akin? Petra: Natural!

Alila: iyon po bang sabi nyo’y sulatan ng “Kailangan: Isang Mutsatso”? Petra: (Pagalit) oo, Don Francisco! Francisco: ha, ano iyon? Petra: hindi ikaw, ang alila ang kinakausap ko. O, e ano, ginawa mo na ba? Alila: Hindi pa po, senyora. Petra: Anong hindi? Alila: Hindi ko pa po nagagawa. Petra: At bakit hindi? Alila: E, nakalimutan ko po ang ileletra. Natantandaan ko na ngayon. (lalabas na) Francisco: Nasan si Nena? Petra: Nasa kwarto nya, natutulog. Francisco: Hindi bale, Linggo naman. Naka nakapagsimba na naman siya eh. Samakatuwid, si Nena’y nagpunta sa party kagabi kahit walang tsaperon. Umaasa akong walang nangyari. Petra: Ano bang sinabi mong mangyayari? Napag-usapan na natin kahapon iyan. Francisco: oo, alam ko. Ngunit hidni ko maisip ang isang dalagang Pilipinang pupunta sa party nang walang tsaperon. Petra: hindi naman si Fred lamang ang kasama. Kabarkada rin sina Luding at Lolita na mga kaibigan niya. Francisco: oo – ang dalawang iyon! Mula nang bumalik sila galing sa Amerika ay tinuruan na nila ang ating anak ng sari-saring kalokohang natutuhan nila kung saan-saan. Petra: Mga kalokohan? Hindi naman gayon kalubha. Francisco! (darating ang alila na may dalang kartelon.) tapos na ba iyan? Kaydali. Alila: Opo, senyora, kagabi pa po ito, senyora. Petra: Kagabi? Alila: Opo, senyora. Nalimutan ko lang po kung saan ko nailagay. Petra: Estupidon ang taong ito! Tingnan ko nga. (kukunin ang kartelon at babasahi nang malakas.) “Kailangan: Isang Mutsatso”. O sige, ibitin mo sa bintana. Francisco! Hindi sa loob ng bahay, sa labas ng bintana! Francisco: Ay Francisco! Bakit ba tayo nagkapareho ng pangalan! (titigil ang alila sa bintana at parang may kinakausap sa labas.) Petra: Gaya ng sinasabi ko, Francisco. Francisco: Ako ba ang kinakausap mo o ang alila? Petra: (sa alila) Francisco! Ano pa ang ginagawa mo riyan? Doon ka sa kusina! (aalis ang alila) Francisco: Ano ba ang sinasabi mo, Petra? Petra: Sa palagay ko’y unfair ka kay Nena. May edad na siya ngayon. Napakasinauna mo naman, Francisco. Francisco: Sinauna nga marahil, doon sa mga bansang sibilisado. Petra: At bakit, hindi ba sibilisado ang Pilipinas? Francisco: Sa maraming kalagayan ay oo, ngunit sa ibang kaugalian ay hindi pa. Petra: Ay Francisco! Kung maririnig ka lamang ng ating dakilang bayani na si Saturnino Balagtas! Francisco: At saan mo nakuha na ang pangalan ni Balagtas ay Saturinino? Francisco iyon! Petra: Puwes – Francisco o Saturnino, pareho rin iyon. Parehong O ang dulo. Francisco: Oo nga, kaya pag tinatawag mo ako’y ang mutsatso ang lumalapit. Petra: Pero back to Nena.. Francisco: A, hindi, Petra. Ang taong intellectual ay hindi ipso facto moral. Petra: Napakalalim yata niyan, Francisco: Francisco: Napakalalim? Ang ating anak ay mahuhulog sa malalim na dagat kapag hidni ka nagingat. Petra: ay, napakamatatakutin mo naman, Francisco! (darating ang alila.) Alila: Tinatawag po ba ninyo ako, senyora?

Francisco: Hoy loko! Alila: Opo, senyorito. Francisco: Ako’y asawa ng senyora, samakatwid, hindi ako senyorito. Ako’y senyor. Naiintindihan mo ba? Alila: Opo, senyorito. Francisco: Papalitan ko ang pangalan mo. Mula ngayon, Francis na ang itatwag ko sa iyo. Alila: Francis po? Francisco: Oo, Francis. Naiintindihan mo? Alila: Bakit hindi po Pakito, senyorito? O Pako o Franciskito kaya? Francisco: Sapagkat hindi ko gusto. Hala sige, umalis ka na riyan! (Aalis ang alila. Darating si Roberting.) Roberting: Papa, wala akong makuhang taksi. Francisco: Sabi ng mama mo’y mag-jeepney ka na lamang. Roberting: Ngunit dadalawin ko po ang girlfriend ko. Tinawagan ho niya ako kanina at kailangangkailangang daw kaming magkausap.Ngayon din, importante raw. Francisco: Roberting, may pinuntahan ka bang party kagabi? Roberting: Oho, papa . kasama ko si Lia. Francisco: Wala kayong tsaperon? Roberting: Opo, Papa. Francisco: Opong ano. Roberting: Nag-iisa nga kaming nagtungo sa party ni Lia. At saka nag-iisa kami sa sala. Francisco: Kayong mga kabataang makabago. Alam mo bang noong nililigawan ko ang yong ina at nagbibisita ako? Ang kanyang ama, ina, tatlong kapatid na babae, isang kapatid na lalaki, ang kanyang lola, limang pinsang buo at saka dalawang kamag-anak pa na malayo ay pawang kasama namin sa salas? Roberting: Bakit po napakaraming tao? Francisco: Sapagkat noong mga panahong yao’y maingat kami sa puri ng mga babae. Roberitng: ahh . ngunit noong mga panahong iyon. Alila: May tao po sa labas. Francisco: Papasukin mo. (biglang nakita ni Donya Petra na may naghihintay sa sala. Nilapitan niya ito at kinausap.) Pablo: Magandang umaga po. Petra: magandang umaga naman. Pablo: Nakita ko po ang iyong kartelon sa bintana. Petra: Opo? Pablo: Ang nakasulat ay, “Kailangan: Isang Mutsatso”. Petra: Syanga po. Kayo po ba’y detektib? Pablo: (mapapatawa) Salamat po sa inyong papuri. May isang dalagang nagsabing ako raw po ay pogi. Kung minsa’y ang mga babae ang nagsasabi ng lalong pinakamatamis na kasinungalingan. Petra: E, maaari po bang – Maaari po bang malaman kung ano ang maipaglilingkod ko sa inyo? Pablo: Ako po’y uma-apply. Petra: Uma-apply, sa ano? Pablo: Sa trabaho po. Petra: Anong trabaho? Pablo: (ituturo ang kartelon) iyon po. Petra: Ang ibig ninyong sabihi’y --Pablo: Opo, ibig ko pong maglingkod. Petra: Ibig ninyong --- ibig ninyong maging mutsatso?

Pablo: Huwag naman po sana kayong mapanghamak, senyora. Ibig kong maglungkod na tulad ng tinatawag sa Europe na mayordomo. Petra: Na ano? Pablo: Mayordomo. Iyon pong --Petra: A, ang ibig mong sabihi’y --Pablo: Iyon na nga po. Petra: Sa unang tingin ang akala ko’y isa kang asendero. Pablo: Tama po, tama. Hindi ako mukhang mutsatso – este mayordomo. Sabi po ng aking ina’y magiging dakila raw po ako.. (may ibubulong kay Donya Petra). Ito-y atin-atin lamang. Ang gusto ng ina ko’y pakasal ako sa isa sa mga anak ng pangulo. Petra: Anak ng pangulo. Iyon bang pangulo ng Pilipinas? Pablo: Opo, bakit po? Ano ang masama roon? Petra: At – e – e – ibig mong magsilbi bilang mayordomo? Pablo: Gayon na nga po. Petra: Ano ang nalalaman mong trabaho? Pablo: Mababantayan ko po ang bahay wala kayo. Masasamahan ko ang mga bata sa sine o sa mga parti. Petra: Ano pa? Pablo: Marami pa po. Marunong akong kumanta at sumayaw. Petra: Hindi na bale iyon. Ano ang pangalan mo? Pablo: Bininyagan po akong Eustaquio, ngunit Pablo ang tawag sa akin ng aking ina dahil kamukha ko daw po ako ng kapatid niyang napreso nang dalawang taon. Ngunit ang tawag sa akin ng aking mga matatalik na kaibigan ay Paul. Petra: Bueno, Paul. Suswelduhan kita nga dos cientos pesos, pakain at pabahay. Pablo: Tinatanggap ko po! Petra: Mabuti. Magsimula ka sa paghuhugas ng mga pinggan. Pablo: Pinggan! Ngunit oras na po ng pananghalian. Hindi pa po ba nahuhugasan ang mga pinggang ginamit sa almusal? Petra: Hindi, sapagkat napaka-palabasag ng pinggan ni Franciscong mutsatsa namin, kaya hindi ko pinahugasan ang mga pinggan kanina. Pablo: Sana’y naparito ako pagkahugas ng mga pinggan. Petra: Bweno, itanong mo kay Francisco kung ano ang gagawin mo. (Aalis si Petra biglang dating naman ni Don Francisco) Francisco: A. Magandang umaga po. Matagl po ba kayong naghintay? Pablo: Hindi! Babago kong nakausap ang senyora. Francisco: Mabuti. Bakit hindi tayo maupo. Mayroon po ba kayong anumang negosyo? Pablo: Negosyo? – Oo. Masasabi rin ngang negosyo. Francisco: Magaling. Pablo: Magandang bata iyang suot mo. Francisco: Nagustuhan ba ninyo? Pablo: Bibili din ako ng isang tulad niyan Francisco: Salamat po. Ang pagtulad daw ng iba ay isang pahayag ng papuri. Pablo: Ang bibilhin ko’y mas mamahalin kaysa riyan. Francisco: Siyang tunay. Sagana naman yata kayo sa salapi. Pablo: Siguro nga. Bweno, medyo nga. – hmm. Bakit kaya nagtatagal si Francisco? Francisco: Francisco? Ako’y si Francisco. Pablo: Si Francisco ka? Francisco: Ako nga. Pablo: Puwes kung si Francisco ka, ang sabi ng senyora ay itanong ko sa iyo kung ano ang gagawin ko.

Francisco: Gagawin? Anong gagawin? Pablo: Hindi ba ikaw ang mutsatso rito? Francisco: (galit) Mutsatso? Ako ang may-ari ng bahay na ito! Pablo: Dito po ba ang patungong kusina? (patakbong aalis si Pablo.) Francisco: (hahabulin si Pablo.) Petra! Petra! (papasok si Petra pati si Nena na bagong gising.) Nena: Nasaan ang Sunday Paper, Mama? Petra: iha, gising ka na pla, kumusta ang party kagabi? Nena: Gaya ng dati, Mama, kainaman. Mama, nasaan ang society page? Petra: Baka binabasa ni Roberting. (darating si Francisco) Francisco: Aha, nagising ka rin. Nakapag-alusal ka na ba? Petra: Almusal pa ba itong mag-aalas-dose na? Francisco: Kamusta ang parti kagabi? Nena: Gaya nga dati. Kainaman. Hayy . Inaantok pa ako. Francisco: Hintay ka Nena, maupo ka. Nena: Ano po iyon, Papa? Francisco: Nag-iisa ka nga bang pumuntasa parti kagabi? Petra: Si Francisco naman. Sinabi ko na sa iyong kasama niya si Fred. Francisco: Pwes. Inaasahan kong iyon ang una at huli mong pagpunta sa party nang walang tsaperon. Nena: Ngunit hindi po naman masama. Papa, ako nama’y babaeng edukada. (dadating si Roberting) Roberting: (kay Nena) Hoy, gising ka na pala. Kumusta ang party kagabi? Nena: Gaya ng dati – kainaman. Francisco: Bakit naririto ka pa? Roberting: Hindi po ako makapag-taksi. Walang kwarta. Francisco: Sabi ko’y mag-jeepney ka na lamang. Roberting: Hindi bale. Mamayang hapon ko na siya bibisitahin. Alam nyo, nakita ko ang ina ni Fred kanina lamang. Nena: ina ni Fred? Roberting: Oo, doon sa may istasyon ng taksi sa Martini. At ang ina ni Fred! Nena: Ano ang ina ni Fred? Roberting: Sabi niya’y paparito siya ngayon. Petra: Bakit daw? Roberting: hindi niya sinabi. Francisco: Ina ni Fred? Iyon bang Fred na kasama ni Nena kagabi? Roberting: Opo, Papa. Nena: Sinabi ba kung bakit siya paparito? Roberting: hindi, ngunit para bang galit siya sa akin. At saka tila galit din sa inyo, Papa. Francisco: Sa akin? Roberting: sabi niya, “Sabihin mo sa ama mong si Kiko na pupuntahan ko siya! Tse!” . Francisco: Tinawag niya akong Kiko? Roberting: Opo, Papa. Francisco: Hindi ba niya sinabing Don Kiko man lang? Roberting: Hindi po. Basta Kiko. Francisco: Aba! Pablo: (lalabas si Pablo at sisigaw.) Handa na ang tanghalian. Tuyo at lugaw. Francisco: Hey! Huwag namang ganyan kaingay! (mawawala si Pablo, kasunod ang Don.) Roberting: Sino iyon, Mama? Petra: Ang bagong mayordomo. Roberting: Ano hong mayor?

Petra: Ang bagong mutsatso. Tena nang kumain. (aalis ang mag-iina. At bigla namang lalabas si Pablo at ang alila.) Alila: Hoy! Pablo: Anong hoy! Si Pablo ako. Tawagin mo akong Paul. Alila: Ako’y si Francisco. Ang tawag sa akin ng senyor ay Francis, pero mas gusto ko ang Pakito. Pablo: Ilan taon ka na Pakito? Alila: Kwarenta’y singko. Ikaw naman, ilang taon ka na? Pablo: I am 12 yrs. old. O, e anong gusto mo? Alila: Doon ka daw sa kumedor, sabi ng senyora. Pablo: Aba, trabaho mo iyon. Ikaw ang mutsatso. Ako ay mayordomo. Alila: Hindi ba kaya ka napasok dito’y dahil sa kartelong “Kailangan: Isang Mutsatso”? Pablo: Oo nga, bakit? Alila: Pwes, mutsatso kang katulad ko. Pablo: huwag mong iparinig sa akin ang mga salitang iyan! Petra: Ano ba ang ginagawa ninyo riyan? Di ba ninyo alam na kumakain na kami? (aalis sina Pablo at Francis. Lalabas si Nena at dudungaw sa bintana at nakitang paparating si Donya Dolores sa kanilang bahay. Si Pablo naman ang nagbukas ng pinto para sa Donya ngunit nakatakip ang mukha nito.) Dolores: (nagpapaypay) Nasan si Donya Petra? Pablo: (nakatakip ang mukha) Kumakain po. Maupo muna kayo. Dolores: Tawagin ang senyora at huwag mo akong pakialaman. (Makikilala si Pablo) tse! Ikaw pla. Naririto ka pala! Magkano ang sweldo mo rito? Pablo: (palalo) at bakit ho? Dolores: (paiyak) mabuti naman ang trato namin sa iyo sa pagkamutsatso a. Lumayas ka’t sukat nang walang paalam. Tse! Pablo: Hindi ako mutsatso, ako ay isang mayordomo. Dolores: Mayordomo! Mayordomo! Tse! (biglang dumating si Donya Petra at Don Francisco.) Petra: Layas na Paul. (aalis si Pablo. Bigla namang kakausapin si Donya Dolores.) Magandang umaga po. Francisco: Mayroon ka bang kailangan sa akin? Dolores: opo, sa iyo at kay Petra. Petra: Maupo ka. Dolores: Titindig na lamang ako. Tse! Francisco: ito—ito sa palagay ko ang anak mong si Fred. Dolores: hindi sa palagay lamang. Anak ko siyang talaga. Petra: A, anak mo pala siya! Dolores: E, kung anak ko siya, ano naman sa iyo? Francisco: Iniisip kong hindi mo yata siya kamukha Dolores: Natural na hindi. Kamukha siya ng aking ikatlong asawa. Petra: Mabuti umupo ka muna. Dolores: Iniinsulto mo ba ako? Ibig mong sabihi’y walang silya sa amin? Tse! Francisco: E, ano naman ang maipaglilingkod namin sa iyo? Dolores: Itanong mo sa kanya. (ituturo si Fred.) Petra: Ano iyon, iho? Fred: (ituturo ang ina.) itanong mo sa kanya. Dolores: Iho? Iho pla ha? Kayo at ng anak ninyong si Nena ay may paghahangad sa aking anak ha? Pwes, hindi ninyo makukuha si Fred! Petra: Ano ba ang sinasabi ninyo? Francisco: bayaan ninyong maupo ako. Petra: Ako man, uupo rin ako. (biglang dadating sina Roberting at Nena)

Francisco: Nena, ibig ka raw makausap. Dolores: Sabihin mo sa kanya, (siskuhin si Fred) Fred: Anong sasabihin ko? Dolores: ang aking anak, ang inyong anak – Francisco: Nagpunta sila sa parti kagabi, di ba? Dolores: oo nga at nagpunta sila. Francisco: Kung gayo’y ano ang kwestiyon? Dolroes: iyan ang gusto kong malaman kung bakit ako narito. Petra: Nena, ano ang nangyari? Nena: Nangyari po? Dolores: Oo, kagabi. Nena: Ano po ang nangyari kagabi? Dolores: Ikaw ang tinatanong ko! Petra: Ano ang nangyari kagabi? Nena: Wala ho, Mama. Petra: Wala? Nena: wala, Mama. Dolores: Wala?! Tse! Isang dalaga na pupunta sa party na walang tsapern, at walang mangyayari? Tse! Petra: Anong tunay na nangyari kagabi, Nena? Nena: (lalapit kay Donya Dolores at sisigaw.) Wala ano mang nagyari kagabi at yao’y alam ninyo! Dolores: tse! Bakit mo ako sinisigawan? Fred: Huwag kang magsalita nang paganyan sa aking ina, Nena. Nena: adik! Nakatindig ka riyang parang istatwa. Fred: istatwa? Anong istatwa? Gaga! Roberting: (lalapitan si Fred) ikaw, ha! Huwag mong laitin ang akign kapatid! Petra: Isinama ng iyong anak ang aking anak kagabi – Dolores: Bakit mo pinahihintulutang lumabas na nag-iisa ang anak mong dalaga? Alam mo bang maraming tao ang nakakita sa kanilang magkasama na walang tsaperon. Oo, walang tsaperon! Isipin mo lamang – isipin mo lamang na ang isang babae ay sumama sa party na walang tsaperon! Francisco: (papalapit) Ang anak mo ang kasama ni Nena, hindi ba? Dolores: Sa kasamang palad! Francisco: Pwes, kung ang aking anak na babae ang kasama ng iyong anak na lalaki, ano ang panganib sa iyo? Dolores: Nagsasatsatan ang mga tao tungkol kagabi – Petra: Pero, ano ang nangyari, Fred? Dolores: (kay Fred) Ano ang nangyari, Fred, bunso ko? Fred: (halos paiyak) Wala po, mama. Dolores: Isipin mong mabuti. Siguradong mayroon nangyari! Fred: Wala po. Wala nga po. (Napapansin ni Dolores ang pagalit na tingin sa kanya ng lahat) Dolores: (kukuruting mahigpit si Fred) Torpe! Fred: (mamimilipit sa sakit) Aray! Dolores: Ikaw – ikaw na anak ko sa aking pangatlong asawa! Sana’y hinid na kita inilabas sa National Mental Hospital. Bakit hindi mo sinabi sa aking walang nangyari? Fred: (sisigaw) kagabi ko pa gustong sabihin sa inyo, pero hindi ako makapask-pasok ng salita. Kasi naman kayo daldal ng daldal! Dolores: (magugulat sa inasal ng anak at mapapaiyak) sinisigawan na ako ng aking anak! (lalapit kay Francisco at susubsob sa balikat nito. Hinid pansin ni Petra hanggang ituro ni Nena at

Roberting na palabas na ng pino ang asawa na kasama si dolores at si Fred. Galit na hahabulin ang tatlo.) Buweno. Ang masama’y hinid iyong walang pangyayari kundi iyong nanganib mangyari. Francisco: Ang ibig sabihi’y pupunta kayo rito nang walang anumang nangyari? Dolores: Pwes, hinid ako nakakatiyak na walang nangyari. Bukod sa roon ako’y sadyang maingat – maingat-na-maingat sa pag-aalaga sa aking mahal na anak. Fred: (Lalapit kay Nena) Ikaw ang may kasalanan ng lahat ng ito, Nena. Nena: Anong ibig niyong sabihing ako ang may kasalanan? Fred; (lalapit kay Nena) Masasampal kita kung hindi lamang ako isang maginoo. (Mabilis na lalapit si Roberting at haharap kay Fred) Roberting: Ikaw ang sasampalin ko – kahit na sabihin ng Mama na hindi maginoo kung minsan. Dolores: aba, huwag mong mapagbubuhatan ng kaay ang aking anak! Tse! Nena: Inyo na iyang taong pusit na anak niyo. Nanganib daw na may nangyari! Dolores: (Kay Francisco) Pagsabihan mo ang iyong anak na huwag tumungo sa mga party na walang tsaperon! Nagsisitsitan ang mga tao at nadadawit pati ang anak ko! Francisco: Huwag mo akong pakialaman. (aamba ng suntok) Sabihin mo sa anak mo na huwag magmukhang gunggong! Dolores: Tse! Wala pa akong nakikitan mga taong katulad niyo. Tse! Francisco: Lumayas kayo rito at kung hindi’y tatawag ako ng pulis. Fred: Pulis! Mama, pulis daw! (Tatakbo at magtatago sa likod ng sopa) Dolores: oo, aalis na tay, tse! Petra: Paul! Paul! Francisco: Sino si Paul, Petra? (Darating si Pablo) Pablo: Ihatid – ihatid ang mga kriminal na ito sa pintuan! Franciso: gamitan ng pwersa, Paul! Pwersa! Dolores: (paharap kay Pablo na sumenyas naman ng pagpapalyas) Mayordomo! Mayor estupido! Tse! (Kay Petra) ikaw – ikaw – mang-aagaw ng mutsatso. Pablo: (tatapikin sa balikat si Dolores: makikiliti ang Donya) Hoy, hindi ako mutsatso. Ako’y mayordomo! At saka ang bigay sa aking ni Donya Petra ay dos cientos pesos. Sa inyo limang piso lang, utang pa. Dolores: Dos Cientos! At saan naman sila kukuha ng ganoong kalaking halaga? Dose cientos pesos, tse! (tutungo sa pinto, kasuno si Pablo) Tse! (maiiwan si Fred at aawayin si Roberting) Petra: Isipin mo lang. Kaypalalo. Tse! (mapapatingin ang lahat sa kanya) Francisco: iyan ang mahihita ni Nena nang paglabas na walang tsaperon. Sinasabi ka na nga ba – Petra: paano kong malalamang manggugulo nang ganyan si Dolores? Roberting: Ibig nyo’y piliitin ko ang leeg ni Fred? Francisco: noon sanang naririto pa siya. Medyo ka na, iho. Roberting: (di sinasadya) Tse! (mapatingin ang lahat sa kaniya) Petra: ano bang iniiyak mo, Nena? Tapos na. Nena: (pahikbi-hikbi) walang kwenta. Maraming gulo. Ang totoo’y nagkagalit kami ni Fred sa party at iniwan ko siya. Petra: iniwan mo siya? Saan ka naman nagpunta? Nena: sumama ako kina Luding at Lolita sa Quiapo, bumili kami ng mami at balot. Ipinanunuyo sa akin ng ina ni Fred ang kanyang anak – nagsumbong si Fred sa kaniyang ina kaya – Francisco: Gayon pala! Hala, magpahinga ka’t maging leksyon mo ito. Nena: (patuloy sa pag-atingal! Di sinasadya, sa may pintuan) Tse! (mapapatingin ang lahat sa kaniya. Lalong iiyak si Nena.) Francisco: At sa iyo naman, Roberting. Umaasa akong walang nangyari kagabi. Roberting: Kagabi? Francisco: Lumabas kayong nag-iisa ni Lia kagabi, di ba?

Roberting: Opo, ngunit walang nagyari, sa akala ko. Petra: sa akala mo! (lalabas si Roberting. Darating si Pablo) Pablo: naihatid ko na sila, senyora. Ano naman ho ang gagawin ko ngayon? Petra: maghugas ka ng pinggan. Pablo: ho? Francisco: hoy, saan mo kinuha ang mga taakong iyan? Pablo: ho? E, may nagbigay ho sa akin. Francisco: At sino? Pablo: E – si – Francis ho! Francisco: aha! (akmang sisipain si Pablo, at maghahabulan silang palabas na may dalang amerikana) Alila: Hoy, ang sako mo. Mayordomo! Mayor yabang! (pagkaraan ng ilang sandali ay muling may suut-suot na kurbata at gwantes sa mga kamay) Petra: sige, bumalik ka na sa kusina. Alila: Ako pa rin po ba ang mutsatso rito, senyora? Petra: oo, pagtiisan ka na muna naming mayordomo! E-este Francis! (papasok si Don Francisco) Alila: Ilalahay ko po uli ang kartelong “Kailangan: Isang Mutsatso?” Francisco: Hindi. Gumawa ka ng bago at sulatan mo: “Kailangan: Isang Tsaperon” Petra: kailangan, isang tsaperon? Francisco: Oo, para kay Nena. Petra: Nakakahiya. Ako, ang ina niya, ang nag-tsatsaperon kay Nena. (pupunta sa bintana) Roberting! Roberting! (pasok si Roberting) Roberting: ano iyon, Mama? Petra: Hindi ba iyon ang girlfriend mong si Lia? Roberting: naku, siya ang kanyang – ama? Petra: May dala ata kung ano? Roberting: Oo-Oo! Maydalang – Baril! Sabihin mo wala ako rito! Diyos ko, maawa ka sa akin! Francisco: Ay Petra! Ang kailangan natin ay dalawang tsaperon. Tse! (mapapatingin sa kaniya si Petra.) # Mula sa: 18 Plays Translated in Filipino, Ni Wilfrido Ma. Guerrero [(Vessel Books, 1985), pahina 49-63.]

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF