Tula at Maikling Kwento
August 26, 2022 | Author: Anonymous | Category: N/A
Short Description
Download Tula at Maikling Kwento...
Description
"Ang Burgis sa Kanyang Almusal"
Isa itong Malayang Tula Talambuhay:
Rolando Santos Tinio Ipinanganak noong March 5,1937 sa Tondo,Manila
Nakapag-aral sa University of Santo Tomas,Colegio de San Juan de Letran. Nakatanggap ng parangal: Carlos Palanca Memorial Awards for One-Act play. Mga anak niya sina Antonio Tinio,Victoria Tonio
Simbolo
Klarete, Atsuwete at Rubi Ang tulang ito ay sumasalamin sumasalamin sa pagkakaiba pagkakaiba ng antas ng mahirap mahirap at mayaman. Hindi natin maipagkakaila na sa isang lipunan ay mayroong nakakaangat at salat sa buhay. Tanging mayayaman lamang ang nagkakaroon ng kapangyarihang pamunuan ang komunidad, gaya nalang sa nangyayare sa tuwing eleksyon, na kung saan mapapansin natin ang kaliwat kanang bilihan ng mga boto. Subalit kapag mahirap ang gusting mamuno ng marangal at totoong nagmamalasakit sa ating bansa ay hindi mapalad na Manalo sa oras ng halalan. Hindi lamang sa pampulitikang isyu, kahit sa pagkamit ng hustiya ay para lang sa mayayaman at makapangyarihan.
Bisa sa Isip
Ang tunay na pagbabago pagbabago ay nagsisimula nagsisimula sa ating mga sarili, hindi dapat tayo magbulagbulagan sa mga nangyayari sa ating lipunan. Alisin natin sa ating isipan na may mayaman at mahirap, sa halip itrato natin dapat ang isa't isa ng pantay pantay.
Bisa sa damdamin
Nakakapangamba at nakakalungkot isipin hanggang ngayon ay ito parin ang nangyayari sa ating lipunan.
Bisa sa Kaasalan
Sa aking palagay hindi dapat maging basehan ang estado sa buhay upang hindi ibigay sa isang tao ang nararapat na pagrespeto at pagtanggap ng lipunan. Dapat lang natin isaisip na ang karapatan ng bawat isa ay pantay pantay at walang nakakaangat, nakakaangat , base din sa kwentong ito may kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa aking pananaw sa buhay.
"Larawan"
Ni Rustico Jhune Cristobal Fernandez Jr.
Kayarian ng tula: Malayang tula at mayroong limang saknong.
Bisa sa Isip
Sa tulang ito inilalarawan dito si pangulong Ferdinand Marcos bilang isang masamang pangulo
Bisa sa Damdamin
Nakaramdam ako panlulumo at galit sapagkat sa kanyang pamumuno ay maraming namatay dahil sa pagiging ganid niya sa kapangyarihan.
Bisa sa Kaasalanan
Pag nasa mataas na posisyon ka dapat ay huwag mong kakalimutan kung san ka nanggaling, dapat mo din isipin ang ikakabuti ng lahat hindi lang lan g sa ikakabuti ng pansarili.
"Polusyon"
Bienvenido A. Ramos
Isinilang noong Enero 15,1934 sa Sitio,Apugan,Atlag,Malolos,Bulacan.Ang Sitio,Apugan,Atlag,Malol os,Bulacan.Ang kanyang mga magulang ay sina Dominador L. Ramos at Modesta Avendano.1978 hinirang na editorin-chief ng Liwayway.Nakatanggap ng Grand Opinion Award,
Ito ay isang malayang tula.
Bisa sa Bisa
Inilalarawan sa tulang ito ang pagsira sa ating kalikasan sa kagustuhang umunlad ang ating bansa
Bisa sa Damdamin
Ito ay nagdudulot ng matinding pagkakaunawa ng mambabasa na ang lahat ng sobra ay masama.
Bisa sa Kaasalan
Ang mensaheng mensaheng ibinibigay ibinibigay sa atin ng akdang ito ay huwag nating abusuhin ang ating kalikasan, Sapagkat tayo rin ang maaapektuhan sa huli at tayo rin ang magkakasakit at masisira ang sarili nating tahanan.
"Regla sa Buwan ng Hunyo"
Ruth Mabanglo
ay ipanganak noong Marso 30,1942,sa lungsod ng Manila.Ang kanyang mga magulang ay sina Fortuna at Miguela Mabanglo.
Bisa sa Isip
Nais ipahiwatig ng akdang ito para sa mga kababaihan na dapat pangalagaan at ingatan ang kanilang pagkababae. Subalit sa panggahasa ay may nabuong sanggol na dapat parin itong mahalin dahil itong kasalanan at siya ay isang biyaya na bigay ng may Kapal.
Bisa sa Damdamin
Talagang napakalaking sakripisyo kung babae ang dalawin ng buwanang dalaw, sapagkat pati ang mood o asal nila ay nagbabago rin. Ang tula ay lubhang tatatak sa lahat ng kababaehan dahil sa likas nitong damdamin sa bawat salitang nakasulat dito.
Bisa sa Kaasalan
Sa mga kababaihan dapat nilang mabatid na napakahalaga ng bawat buhay sa daigdig. Kaya mag-ingat lagi sa lahat ng gagawing desisyon huwag padalos-dalos upang maiwasan ang maagang pagbubuntis.
Melardo B. Manongsong Jr. Beed 4A
View more...
Comments