TSAPTER 1
January 11, 2017 | Author: ljvenom | Category: N/A
Short Description
Download TSAPTER 1...
Description
TSAPTER 1 INTRODUKSYON Kaligiran ng Pag-aaral Ang kasalukuyang panahon ay puno na ng modernong teknolohiya. Naipapahatid na ang mensahe sa mas mabilis at mas madaling paraan gaya ng pagtetext. Ang text messaging sa panahon ngayon ay laganap na sa buong mundo. Lahat ng edad, kasarian at katayuan sa lipunan ay lantad sa paraang ito ng paghahatid ng mensahe sa cellphone. Bahagi na ng bawat buhay ng tao, lalo na ng mga propesyonal, ang pagtetext kaya hindi maitatangging malaki ang likha nitong impluwensiya sa sangkatauhan. Nagsimula ang salitang text sa wikang Pranses na “texte” at sa wikang Latin na “textus” na tumutukoy sa tissue, estruktura at konteksto ng isang bagay. Habang ang pormang pandiwa nito na “textere” ay nangangahulugang maghabi, maghubog o magbuo. Sa teknikal naming paggamit ng salitang textus at texte, tumutukoy ito sa nilalaman ng anumang nailimbag at naisulat at ang porma ng anumang sinusulat o binibigkas (Raymundo, 2003). Sa kabila ng kaginhawaang dulot nito, mayroong hindi mabuting dulot ang pagtetext lalo na sa pagbabaybay ng mga salitang pang-akademiko, Filipino man o Ingles, sa kadahilanang pinapaikli ang mga ito sa text messaging na sa kalaunan ay nakakasanayan ng gawin kahit sa aktwal na larangan ng pagaaral. Ang pinakanaaapektuhan sa problemang ito ay ang mga magaaral. Nakadidismaya ang epekto ng text messaging sa pag-aaral ng mga estudyante dahil nakakabobo rin umano ito. Sinabi ni dating Department of Education, Culture and Sports Secretary Raul Roco sa isang panayam na hindi niya gusto and epekto ng
“shortcut” ng mga salita na ginagamit sa text messages. Sinabi niya rin na bagaman wala pang opisyal na pag-aaral and DECS sa naturang usapin, maaaring maging dahilan ng pagbagsak ng isang estudyante sa mga simpleng araling tulad ng spelling at grammar sa English subject ang istilo ng mga salitang ginagamit sa text. Dagdag pa ng dating kalihim na dahil sa pagmamadali at pagkakasya sa espasyo ng mensahe, ang ‘for’ ay ginagawa na lang ‘4’ para makatipid. Maaaring masanay dito ang mga magaaral lalo na sa grammar at mahirapan nang tuluyan sa English. Dahil hindi na mapigil ang mga estudyante sa paggamit ng cellphone, sinabi ni Roco na mahigpit na lang patututukan sa mga guro ang pagsasanay sa mga mag-aaral sa pagbabaybay at balarila para hindi masanay sa mga pinaiikling salita sa text messaging (Garcia, 2001). Hindi lamang sa pagbabaybay makikita ang hindi mabuting epekto ng pagtetext. Malaki rin ang hindi magandang naidudulot nito sa balarila at bokabularyo ng mga gumagamit nito. Patuloy ang pagdami ng mga taong dumedepende na sa pagtetext sa paghahatid ng impormasyon kaya naman hindi rin maiiwasan na ang kanilang personal na pakikibahagi sa iba ay apektado rin. Sa halip na ipahatid nila ang mensahe sa kumpletong pangungusap, pinapaikli pa ang mga ito na siyang bumabalewala sa mga alituntunin ng balarilang Filipino. Sa halip na “Maglalaro kayo?” ay pinapaikli pa ito sa “Laro kayo?” kaya naman nagkakaroon din ng hindi pagkakaunawaan. Dahil sa layunin ng text messaging ay maipahatid ang mensahe sa mas mabilis na paraan, nawawalan na ng oras ang isang “texter” na makapagisip ng mas naaayon at makahulugang salita. Kabilang na dito ang kanilang paglimot sa pagsusulat ng kanilang sariling wika, ang Filipino. Madalas na mas mahaba ang salitang Filipino kaysa sa Ingles kaya naman madalas na gumagamit ang mga cellphone users ng mga salitang Ingles. Dito makikita na sa bilis ng “texting”, nalilimitahan ang mga bokabularyong ginagamit dahil paulit-ulit na ginagamit ang mga salitang simple at maiikli at hindi na nabibigyang pansin ang iba pang mga salita (Esperanza et.al.,
2007). Sa konteksto naman ng wika, ang anumang pagkakamali ngayon sa balarila’t ortograpiya ay maaaring maging tama sa hinaharap kung ang mga ito’y magkakaroon ng malawak na pagtanggap (Pinoy Weekly, 2009). Ang dahilan ng pag-aaral na ito ay ang pagtutuwid ng hindi akmang paghahatid ng mensahe sa text messages sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga salita. Isa pang dahilan ay upang ilantad sa mga mag-aaral ang mga maaaring bunga nito sa kanilang pag-aaral. Layunin ng Pag-aaral Ang layunin ng pag-aaral na ito ay ang maipakita ang epekto ng pagtetext sa balarilang Filipino, sa bokabularyo, at sa pagbabaybay. Maging ang maagap na pagtugon sa masamang epekto ng pagtetext sa mga mag-aaral at maipakita rin ang maaaring bunga nito sa pag-aaral ng mga BEED students sa BU ay pinagtutuunan ng pansin. Layunin din ng pag-aaral na ito na maiangat ang kalidad ng mga mag-aaral sa Pamantasang Baliuag na nasa kursong Edukasyon - BEED na lantad sa modernong teknolohioyang ito. Pagpapahayag ng Suliranin Sinikap na sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan: Ano ang mga karaniwang salita na may maling pagbabaybay sa text messaging? Anu-ano ang mga dahilan ng maling pagbabaybay sa text messages ng mga mag-aaral? a. Sa wikang Filipino b. Sa wikang Ingles Paano makaaapekto ang maling pagbabaybay sa text messages sa pang-akademikong gawain sa pagsulat ng mga mag-aaral ng BU? Paano maiiwasan ang mga kinasanayang maling pagbabaybay ng
mga salita sa text messages? Kahalagahan ng Pag-aaral Ang bahaging ito ay naglalahad ng mga benipisyo na makukuha ng mga sumusunod na lupon ng populasyon kaugnay sa pag-aaral na ito. Para sa mga mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay magbubukas sa kanilang kaisipan tungkol sa mga epekto ng maling pagbabaybay sa text messaging sa pang-akademikong gawain sa pagsulat ng mga BEED sa BU. Makatutulong din ang pag-aaral na ito bilang bahagi ng pagtupad sa mga kakailanganin sa asignaturang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t ibang Disiplina. Para sa mga mag-aarl, ang pag-aaral na ito ay makatutulong upang lubusang maunawaan ang kahalagahan ng pagbabaybay. Para sa mga magulang, makatutulong ang pag-aaral na ito upang magabayan ang kanilang mga anak sa kanilang mga pangakademikong gawain. Para sa mga guro, mahalaga ang pag-aaral na ito upang mas masubaybayan pa ang mga mag-aaral at maiwasto ang kanilang mga karaniwang pagkakamali sa balarila at pagbabaybay. Para sa mga mananaliksik sa hinaharap, makatutulong ang pag-aaral na ito upang magkaroon sila ng kaugnay na pag-aaral sa kanilang isasagawang mga pananaliksik.
Saklaw at Delimitasyon ng Pag-aaral Sumasaklaw ang pag-aaral na ito sa mga epekto ng maling pagbabaybay sa text messaging sa pang-akademikong gawain sa
pagsulat ng mga BEED ng BU. Saklaw lang ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng BEED na nasa unang taon sa pangalawang semestre 2009-2010.
Depinisyon ng mga Termino Bachelor of Elementary Education– isang kurso kung saan ang kumukuha nito aydapat maging dalubhasa sa lahat ng asignatura . Cell phone – isang produkto ng teknolohiya na ginagamit pangkomunikasyon. Text message – isang uri ng komunikasyon sa pamamagitan ng paghatid ng mga mensahe. Unlimited text – isang programa ng mga telecommunication
companies para sa mga cell phone users upang makapaghatid ng maraming mensahe na hindi limitado dami ng load. Keypads – bahagi ito ng cell phone na ginagamit upang makagawa ng isang mensahe. Load – ito ay binibili at ginagamit para makapaghatid tayo ng mga mensahe gamit ang cellphone. Pagbaybay – proseso ng pagbubuo ng mga salita gamit ang mga letra. Bokabularyo – ito ang lawak ng kaisipan ng mga tao tungkol sa mga salita at kanilang mga kahulugan. Pagbabantas – paglalagay ng mga bantas sa mga mensahe, tulad ng tuldok, kuwit, tandang pananong, tandang pandamdam atbp. Pagbasa – ay tunay na behikulo ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kayang kapwa saan mang panig ng mundo. Ito rin mahalagang hakbang sa lahat ng antas ng pagaaral. Salita – ito ang mga terminong ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. Textmate – ito ang tao na pinagpapasahan ng mensahe. SIM – subscriber module identity. Ito ay ligtas na mapaglalagyan ng numero ng cellphone; naglalaman ng kanyang natatanging mga serial number. Cell phone number – grupo ng mga numero na ginagamit bilang address na patutunguhan o pangagalingan ng mensahe. Balarila –tamang pagkakaayos ng mga lipon ng salita kasama ang mga bantas.
TSAPTER 2 MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL Sa kabanatang ito nakalahad ang mga panitikang ginamit na may kaugnay sa pag-aaral sa Pilipinas ng magkaroon ng kaugnay sa isinasagwang pag-aaral ng mga kasalukuyang mananaliksik. Kaugnay na Literatura Ang sabi ni Kelith, matagal na daw na nakakaranas ang mga magaaral na tulad niya ang makalimot ng tamang baybay ng salitang Ingles. Dagdag pa niya na bumaba daw ang kakayahang bumaybay kapag nasanay na daw sa pagtetext lalo na kung nagpapakatipid sa titik. Ipinaliwanag ni Arao (2009) na sa konteksto ng wika, ang anumang pagkakamali ngayon sa balarila’t ortograpiya ay maaaring maging tama sa hinaharap kung ang mga ito’y magkakaroon ng malawak na pagtanggap. Sa ngayon, hindi maganda ang epekto ng malawak na paggamit ng wikang Filipino. Samakatuwid, mahalaga ang papel ng midya sa wikang ginagamit ng madla. Dagdag pa niya ang listahan ng 10 salita sa Filipino na karaniwang nagagamit nang mali. Una ay ang paggamit ng “gobyernong Arroyo.” Kung susuriin ang depinisyon ng “gobyerno” at ng “administrasyon” sa UP Diksiyonaryong Filipino, nangangahulugang pamahalaan ang dalawang salita. Ngunit sa larangan ng Agham Pampulitika (Political Science), magkaiba ang “gobyerno” at “administrasyon.” Ang una ay nakatuon sa istruktura at ang ikalawa’y sa mga taong namamahala nito. Pangalawa, “kaganapan.” Sa panonood ng telebisyon o pakikinig sa radyo, madalas itong marinig. “Ganap” ang salitang ugat na nangangahulugang lubos, buo, kumpleto o perpekto. Nararapat na gamitin ng mga peryodista ang salitang “pangyayari” sa halip na “kaganapan.”
Pangatlo, “tuldukan.” Ang tuldok ay ang hinto sa pagsasalita o panandang ginagamit sa pangungusap (UP Diksiyonaryong Filipino). Sa panonood ng mga programa tungkol sa mga kontrobersiyang kinakaharap ng mga artista, madalas marinig ang pahayag na, “Tuldukan na natin ang isyung ito!” Mas mainam ang salitang “tapusin” o “wakasan?” Sa aking palagay, mas malakas na mensahe ito kung iisiping ang “pagtutuldok” ay simpleng ”paghihinto” lamang. Pang-apat, marami ang gumagamit ng “matututunan.” Madalas na pagkakamali ito sa pagbaybay dahil ang tamang salita ay “matutuhan.” Ang salitang ugat ay “tuto” at hindi “tuton.” Kinakabit bilang hulapi ang “-an” o “-han” at walang hulaping “nan.” Panlima, “barangay” at “baranggay.” Parehong tama ang dalawa. Sa wikang Ilokano, bangka ang kahulugan ng ”barangay.” Ang ”baranggay” naman ay ang “kapulungan ng mamamayan sa nayon at purok ng bayan,” ayon sa UP Diksiyonaryong Filipino. May malawak nang pagtanggap sa “barangay” bilang pinakamaliit na yunit ng pamahalaan, at ginagamit din iyon sa Rules and Regulations Implementing the Local Government Code of 1991. Pero ang nakakagulo ay ang kawalan ng pagkakaisa sa mga yunit ng pamahalaan kung anong salita ang gagamitin, kaya naiisip tuloy ng ibang hindi nakakaalam na mali ang ”baranggay” na nakasulat sa ilang lugar. Pang-anim, “mga kabataan, mga kalalakihan, mga kababaihan,” at iba pang katulad na pormulasyon. Mali ang mga ito. Malinaw ang nakasaad sa Gabay sa Editing sa Wikang Filipino (2004): ang mga salitang nasa anyong kolektibo ay hindi maaaring pangunahan ng pamilang. Kung gagamit ng pamilang, ang batayang anyo ng salita ang dapat gamitin. Ibig sabihin, ang kailangang gamitin ang “mga bata” o “sampung bata” sa halip na “mga kabataan” o “sampung kabataan”.” Pampito, “mga fathers, mga friends, mga classmates,” at iba pang katulad na pormulasyon. Para sa mga salitang hiram (na
kadalasa’y Ingles), ginagamit lang ang “mga” para sa batayan o pang-isahang anyo. Hindi na kailangan ang “mga” para sa pangmaramihang anyo ng salitang hiram. Halimbawa, tama ang pahayag na “Ang mga friend ko, dumating na!” at “Ang friends ko, dumating na!” Pangwalo, “mga magagaling, mga matatalino, mga magaganda,” at iba pang katulad na pormulasyon. Kung ang pang-uri (adjective) ay nasa pang-maramihang anyo, hindi na kailangan ang “mga”. Pansiyam, “ang ganda, ang tamis, ang dali,” at iba pang katulad na pormulasyon. Sa panulat, mas mainam na gamitin ang tamang pormulasyon na ”kay ganda, kay tamis, kay dali.” Kahit na sabihing lumalawak na ang pagtanggap ng mga katagang ”ang ganda” at iba pa sa pagsasalita, walang masama kung pagsisikapang gamitin pa rin ang tamang pormulasyon. Pangsampu, ang paggamit ng “ng” sa halip na “nang”. Nakakalito man at madalas na napapagpalit ang “ng” at “nang,” may kanyakanyang gamit naman ang mga salitang ito. Ang salitang ”nang” ay ginagamit bilang pang-angkop (ligature) para sa pang-abay (adverb) – halimbawa, “magmaneho nang mabilis.” Sinabi sa isang ulat ng isang korespondensyang Scottish (Cramb, 2006) na ang mga eksperto sa edukasyon ay nagbabala na ang paggamit ng mobile phone sa text messaging ay maaring makaapekto sa literasiya pagkatapos magpasa ng isang estudyante ng isang essay na kanyang sinulat. May isang 13-taong gulang na batang nagpasa ng isang sanaysay sa guro ng isang mataas na paaralan sa West ng Scotland at ipinaliwanag ang paksang “mas madali pa sa standard English.” Ang sanaysay ng bata ay nagsimula sa: "My smmr hols wr CWOT. B4, we usd 2go2 NY 2C my bro, his GF & thr 3:- kds FTF. ILNY, it's a gr8 plc." Salin nito sa Ingles: "My summer holidays were a complete waste of time. Before, we used to go to New
York to see my brother, his girlfriend and their three screaming kids face to face. I love New York, it's a great place." Hindi nasiyahan ang guro sa nakita at binanggit pang parang isang hiroglipiko ang sanaysay na pinasa ng estudyante at waring hindi pa maintindihan ang mga nakasulat. Ang Scottish Qualification Authority ay nagsalita dumulog sa report noong nakaraang Standard Grade exams at sinabing ginamit ng mga bata ang istilo ng pagtetext sa pagsusulit sa English. Sinabi ni Gillespie (2006) ng Konseho ng mga Guro at Magulang sa Scotland na nakakasama sa edukasyon sa wikang Ingles ang paglabag sa pamantayan ng balarila at pagsulat. Dagdag pa niya na maraming hayskul ang nahihirapang kumilala sa kaibahan ng “their” sa “there.” Kaugnay pa dito ang pahayag ng isang sikolohistang lektyurer (McVey, 2006) sa Glasgow Caledonian University na ang texting ay second nature ng henerasyon ng mga bata at sinabing nahihirapan ang mga mag-aaral sa paglikha ng isang sanaysay kaya sinusunod nila ang pamamaraang kung saan sila komportable at madali. Samakatuwid, ang nakagawian sa pagtetext na ang ginagawa. Minsan ay hindi na nalalaman ng mga mag-aaral ang kaibahan ng pormal na pagsulat sa hindi pormal, at bilang bunga, ang mga pinaikling salita na ang nagagamit sa mga pormal na pagsulat kahit hindi man sinasaydya (Brown-Owens, Eason, & Lader, 2003). Patunay ay ang lumabas na mga artikulo sa Amerika tungkol sa hindi magandang balarila, pagbabantas at pamali-maling kontraksyon sa akademikong pagsulat. Ayon kay Lee (2002), nakatatanggap ang mga guro ng mga pinaikling salita, maling bantas, at iba’t ibang simbulo gaya ng &, $ at @ sa papel ng mga estudyante. Pinatunayan din ng isang guro ng Ingles sa Pilipinas (Tupas, 2009) ang katulad ng nangyayari sa mga mag-aaral sa
Amerika. Kadalasan pa daw ay nagkakamali na rin ang mga magaaral sa paggamit ng malaking titik. Maging sa gitna daw ng mga salita ay may naglalagay na ng malaking titik. Ngunit ang kasalukuyang problema ng mga mag-aaral sa sulating akademiko ay masosolusyonan pa din. Maaari pa din naming ipamulat ng mga guro sa mga estudyante ang bumubuo ng wastong paggamit ng wika (Helderman, 2003). Ayon kay Kc (2009), isang blogger, na karaniwang binabawasan o tinatanggal na ang mga patinig sa text messaging ngayon. Ayon pa sa pananaliksik ng ilang bloggers sa internet, may mapapansing pagkakatulad ang mga istilo ng pagtetext ng mga Pilipino. Bilang bunga ng kanilang masugid na pagsisiyasat, nakalikom sila ng ilan sa mga pangunahing pamamaraan ng pagpapaikli ng salita sa Filipino sa “text messaging.” Una, kung ang isang pantig ay may katunog na isang letra o titik, ang nasabing pantig ay papalitan ng kanyang katunong na letra o titik. Halimbawa nito ay ang “pi” ay nagiging “p” na lamang, ang salitang “si” ay magiging “c” nalamang , at “th” (na tunog “d”) ay magiging “d” nalamang. Ikalawa , kung ang isang pantig ay may tunog katumbas ng tunog kung paano binabasa ang isang numero, ang numero ang ginagamit na pangsulat. Tu/to ay papalitan ng “2”, ate/eat (gaya sa gate at great) ay papalitan ng numerong “8”, at wan ay gagawin nalamang “1” ang mga nabangit ay ilan lamang sa mga halimbawa. Ikatlo, kapag inuulit ang isang patinig sa isang salita, isang patinig lamang ang ginagamit. Tulad ng “inuulit” ay magiging “inulit”, at “ alaala” ay magiging “alala” na lamang. Ikalima, karaniwan nang tinatanggal ang “a” sa mga pantig na may “a”. Ilan lamang sa mga halimbawa nito ay ang “ka”, “na”, “ba” at “sa” ay nagiging “k”, “n”, “b” at “s” na lamang. Ayon sa personal na karanasan ng isa pang guro ng ika-siyam na baitang sa United States of America, tinakot niyang babagsak ang
mga marka ng mga magpapasa ng papel na may sulat gamit ang istilo ng sa text (Helderman, 2003). Naging maganda din naman ang mga sumunod na sulatin ng mga bata, na nagpapatunay lamang na maaari pang mapanumbalik ng mga mag-aaral ang kawastuhan ng mga salitang ginagamit sa sulating akademiko (Friess, 2003). Kaugnay na Pag-aaral Ayon sa pag-aaral ni Cruz (2002) sa kanyang pagsasaliksik na pinamagatang ANG TXTNG BLNG TXTO , ang proseso ng texting ay walang ipinagkaiba sa speedwriting noon pa mang unang panahon sa England. Ang nabago lang ay ang teknolohiya ng paggamit ng speedwriting sa cellphone. Binigyang diin din ni Dr. Cruz na maging sa Baybayin o Alibata ay may istruktura ng texting lalo pa sa Bisayang alibatang pagbabaybay. Hinggil sa text messaging, may malaking pagkakatulad ang proseso ng paggamit ng salita sa cellphone at ang pagbabaybay gamit ang alibata. Tulad rin sa prinsipyo ng pagpapantig gamit ang baybayin ng mga salita ang ginagawa din sa pagtetext. Halimbawa, kung itatayp sa cellphone ang pangungusap na PUPUNTA AKO SA BAHAY, tiyak na ganito ito paiikliin sa PPUNTA AKO S BHY. Malinaw na ang texting at ang paggamit ng alibata ay parehong nakabatay sa konsepto ng pagpapantig. Magiging kumplikado ang lahat kung Taglish naman ang pagtetext, halimabawa, PPUNTA ME SA HAWS katumbas ng naunang halimbawa (Malabanan 2008). Ang cellphone din ay madalas gamitin sa texting. Kung paanong sa texting mas nagiging malaya ang isang tao sa paggamit ng wika at pagbaybay ng mga salita. Ngunit may mga pananaw ang ilan sa mga negatibong epekto ng pagtetext gaya ng pagkakalat ng mga hindi totoong balita, mga tsismis at iba pa. Subalit, kung gagamitin sa mabuti at sa tamang paraan ang paggamit ng cellphone, hindi magkakaroon ng masamang epekto ito. Dapat isipin ng mga taong may cellphone kung ang ginagawa ba nila ay nakatutulong sa kanila at kung hindi naman ay huwag na gumamit ng cellphone.
TALASANGGUNIAN A. MGA AKLAT Brown-Owens, A., Eason, M., & Lader, A. (Marso 2003). What effect does Computer-Mediated Communication, specifically Instant Messaging, have on 8th grade writing competencies? New York:USCA Publishing Corporation, 2004. Friess, S. (Abril 2003). “Yo, can u plz help me write English?”: Parents fear online chatting ruins kids' language skills. Los Angeles City:Aesir Publishing Corporation, 2003. Malabanan, J.C., (Hulyo 2008). Kasaysayan ng Wikang Pilipino. Pilipinas: Jelsoft Enterprises Ltd, 2008. B. NEWSPAPER Associated Press. (Hulyo 2003). “N.C educators say instant messaging helps students write.” The Charlotte Observer. March 14, 2004, p. 7.
Dillon, S. (Disyembre 2004). “What Corporate America Can't Build: A Sentence.” New York Times. December 7, 2004, p. 28. Helderman, R.S. (Mayo 2003). “Click by Click, Teens Polish Writing; Instant Messaging Teaches More Than TTYL and ROFL.” The Washington Post, p. 1. Lee, J. (ika-19 ng Setyembre, 2002).” I Think, Therefore IM.” New York Times, p.1. C. MGA DI NALATHALANG TESIS AT DISERTASYON Cruz, Dr. I., (Agosto 2002). ANG TXTNG BLNG TXTO.Tesis, University of Manila, Malay VII, 2002. Lenhart, A., Rainie, L., & Lewis, O. (Disyembre 2001). “Teenage life online: The rise of the instant-message generation and the Internet's impact on friendships and family relationships. “ Thesis, MIT, Massachusetts, 2004. D. INTERNET Cramb, A. (June 2006). PUP Website Forum. Girl Writes English Essay in Phone Text Shorthand. http://connect.pup.edu.ph/forum/forum_posts.asp? TID=1531&PN=3&TPN=1. Kelith, A., (Hunyo 2007). Nakakabobo ang text sa spelling. Retrieved ika-26 ng Setyembre 2009.http://kelithlising.multiply.com/journal/item/16
TSAPTER 3 PAMAMARAAN NG PAG – AARAL Naglalahad ang tsapter na ito ng mga pamamaraan at instrumentong gagamitin sa paglikha at pagsusuri ng mga datos na kakailanganin upang masagot ang mga suliranin sa pag-aaral na ito. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay gumamit ng mga kaugnay na aralin at one-shot survey upang makalap ang mga datos na magpapaliwanag ng sagot sa mga tanong na nakalahad sa pagpapahayag ng suliranin. Naglalaman ang surbey ng mga tanong tungkol sa balarila, talasalitaan, at pagbabaybay ng wikang Filipino at Ingles na kadalasang nagagamit nang mali sa mga Pilipino sa pangaraw – araw na pakikipagtalastasan maging sa mga pasulat na uri ng komunikasyon. Dito malalaman ang implikasyon ng maling pagbabaybay ng mga salita sa text messaging patungkol sa epekto nito sa akademikong pagsulat ng mga kalahok. Gagamitan ng weighted mean ang mga iskor na nakuha ng mga kalahok.pagkatapos ay binatay ang mga weighted mean sa sistema ng paggrado upang mabigyan iyon ng kaukulang interpretasyon.
Mga Kalahok sa Pag-aaral Sa College of Education ng Baliuag University(BU) pumili ang mga risertser ng mga kalahok. Pinamahalaan ang pamamahagi ng questionnaire sa apatnapong (40) mag-aaral na kumukuha ng
BEEd at BSEd sa unang antas sa ikalawang semestre taon 20092010 ; random sampling ang ginamit na sistema ng survey.
MGA EPEKTO NG MALING PAGBABAYBAY SA TEXT MESSAGING SA PANG-AKADEMIKONG GAWAIN SA PAGSULAT NG MGA BEED/BSED NG BU _
_
_
_
_
_
_
_ _
_
_
_
_
_
_
_ Isang Mungkahing Pananaliksik Na ipinasa kay G. Norberto Pleno Baliuag University _
_
_
_
_
_
_
_ _
_
_
Bilang Bahagi ng Pagtupad Sa mga kakailanganin sa Asignaturang Pagbasa at Pagsulat sa Iba’t Ibang Disiplina Seksyon: BEEDI
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_
_ _
_
_
_
_
_
_ Nina: Ochoa, Mercedes M. Marso 3, 2010 PAGKILALA
Taos pusong nagpapahatid ng pasasalamat ang mananaliksik sa mga sumusunod: Kay G. Norberto Pleno, Guro, Filipino 200, sa kanyang pagbibigay ng suporta at pagsusubaybay upang mabuo ang riserts na ito. Sa Baliuag University (BU), sa paggamit ng mga libro, aklat at pasilidad na nagbigay ng napakalaking tulong upang matapos ang pananaliksik. Sa mga BEED/BSED students, na naging napakalaking parte sa pag-aaral na ito, sa kanilang partisipasyon sa pagsasagot sa mga questionnaire at pagpapahayag ng inpormasyon. Sa Aming Mga Magulang na walang sawang sumusoporta sa aming pag-aaral, na kung hindi dahil sakanila ay hindi mabubuo ang riserts na ito. Sa Poong Maykapal, na nagkaloob ng talento at matalas na pagiisip at nagbigay daan upang matiwasay na mabuo ang pag-aaral na ito.
MGA NILALAMAN Pahina Pahina ng titulo ………………………………………………………….. i Pagkilala …………………………………………………………………. ii Mga nilalaman………………………………………………………….....iii TSAPTER 1
INTRODUKSYON
Kaligiran ng Pag-aaral ……………………………………………………..1 Layunin ng Pag - aaral……………………………………………………..3 Paglalahad ng suliranin…………………………………………………….3 Kahalagahan ng Pag-aaral………………………………………………….4 Saklaw at Delimitasyon…………………………………………………….5 Depinisyon ng Termino…………………………………………………….6 TSAPTER 2
MGA KAUGNAYAN NA LITERATURA AT PAG AARAL
Mga Kaugnayan na Literatura ……………………………………………7 Mga Kaugnayan na Pag – aaral …………………………………………12 TSAPTER 3
PAMAMARAAN NG PAG-AARAL
Disenyo ng Pananaliksik………………………………………………… .14 Mga Kalahok sa Pag-aaral………………………………………………..15 TALASANGGUNIAN ……………………………………………………..16 TALATANUNGAN…………………………………………………………18 CURRICULUM VITAE …………………………………………………….19 TALATANUNGAN
Paunawa: Ang Talatanungang ito ay hindi isang pagsusulit na susukat sa talino ng kalahok. Subalit nagsisilbi itong instrumento ng pagkuha ng datos kung gaano nakaaapekto ang maling pagbabaybay sa text messaging sa pang-akademikong gawain sa pagsulat ng mga BEED sa BU na nasa unang taon. I. Magbigay ng tatlong salita na karaniwang may maling pagbabaybay sa text messaging. __________, __________, __________ II. Anu-ano ang mga dahilan ng maling pagbabaybay sa text messages ng mga mag-aaral? (Bilugan ang titik ng iyong mga sagot) pagpapaikli ng salita disenyo pagmamadaling makapag-reply hindi alam ang tamang pagbaybay sa salita pangungulit sa katext katamaran sa pagtetext upang hindi maintindihan para “in” sa teknolohiya III.Magbigay ng posibleng epekto ng maling pagbabaybay sa text messages sa pang-akademikong gawain sa pagsulat ng mga mag-aaral ng BU? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
IV. Paano maiiwasan ang kinasanayang maling pagbabaybay ng mga salita sa text messaging? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________
View more...
Comments