Thesis Reference
February 2, 2017 | Author: Christian Jeffrey Francisco | Category: N/A
Short Description
Download Thesis Reference...
Description
Epekto ng Teknolohiya sa mga Mag-aaral sa Ikatlong Taon: Nakabubuti ba o Nakasasama? Sa taong 2010 – 2011
Isang Tisis na ihinarap sa mga Guro mula sa Departamento ng Sining at Agham
Bilang Pagtugon sa Araling Filipino 200 Ni Hiedee C. Talusan At Arnel Joseph Roque
Inihanda para kay : Bb. Lilia Manahan
PAGKILALA i. Pagpapasalamat
Kami ay lubos na nagpapasalamat ng buong puso at ng may paggalang sa mga sumusunod : Una sa lahat sa gabay ng Panginoong Diyos na nagpatuloy na nagbigay ng lakas, tiwala at talino sa amin upang maisakatuparan ang pagkasulat sapagkat
namin alam
ng
naming
naturang pananaliksik. sa
bawat
oras,
kami
minuto,
ay
nagagalak
at araw
na
aming
ginugol para mabuo ang thesis na ito hindi nawala sa aming tabi ang kanyang presensya. Na lubos na naghikayat sa amin na magsulat. Sa aming Guro na si Bb. Lilia Manahan na nagmulat at nagturo sa amin kung paano makagagawa ng isang maayos at epektibong pananaliksik na
tulad
nito.
dapat
gawin
at
naming
Sa walang sawang sa
kanyang
pagpapaalala
patnubay
sa
mga
at pagbibigay
ng
kaalaman upang mabuo ng maayos ang pag-aaral na ito. Kami ay lubos na nagpapasalamat sa iyo sa lubos na pang-unawa sa amin. Salamat po. Sa aming mga kaibigan na taos pusong nagbigay ng kanilang suporta at panahon upang kami ay kanilang matulungan. Sa pagiging mabuti at maaasahang kaibigan.
At
higit
sa
lahat,
sa
aming 2
pinakamatalik na kaibigan na siyang palagi naming nakasama sa pagaayos
ng pag-aaral na ito.
Maraming maraming salamat sa inyong
lahat. At
sa
aming
pamilya
na
siyang
nagsisilbing
inspirasyon
at
nagbibigay ng lakas at tapang ng loob sa amin, maging ano mang pagsubok ang dumating sa aming buhay. Nananatili silang nasa aming tabi sa mga panahong kami ay abalang- abala sa pagsasaayos namin ng pagsasaliksik na aming ginagawa. Kami ay lubos na nagpapasalamat na kami ay pinagkalooban ng Maykapal ng pamilyang tulad ng mayroon kami ngayon. Sila ang aming kayamanan na kahit kalian ay hindi makukuha mula sa amin.
3
ii. Paghahandog
Ang munting gawaing ito ay buong pagmamahal naming inaalay sa
aming kanya-kanyang pamilya . Sa aming mga kanya-kanyang mga
magulang na lubos na nagmamahal at naka-uunawa sa amin sa lahat ng aspeto ng aming buhay. Maging sa aming mga kapatid na parating nakaagapay sa amin sa oras na kailangan naming sila. Sa aming ulirang Guro na si Bb.. Lilia Manahan, inihahandog din namin ang munting gawaing ito sa kanya. Dahil kung hindi rin sa kanyang suporta at patnubay ay hindi
namin matatapos ang aming
pananaliksik na ito. Sa aming mga kaibigan na lubos ang pagtitiwala at pagmamahal sa amin, kami ay natutuwa sapagkat kami ay biniyayaan ng mga kaibigang tulad nila. Isa sila sa aming pinaghahandugan ng munting gawain na ito. At higit sa lahat inihahandog namin ang aming munting gawain sa ating Diyos na dakilang lumalang sa ating lahat.
4
Sila
ang
aming
inspirasyon
sa
buhay
at
sa
kanila
namin
inihahandog ang aming munting gawain na aming pinaghirapan.
iii. Talaan ng Nilalaman
Pagkilala i.
Pasasalamat …………………………………………………. 2
ii.
Paghahandog ………………………………………………... 4
iii.
Talaan ng Nilalaman ………………………………………. 5
Kabanata 1 Panimula…………………………………………………………………………… 7 Kahalaghan ng Pag-aaral ………………………………………………………… 9 Paglalahad ng Suliranin ………………………………………………………..… 10 Saklaw at Limitasyon……………………………………………………………... 11 Paradaym………………………………………………………………………….. 11 Kabanata 2 Mga Kaugnay na Literatura……………………………………………...........… 13
5
Kabanata 3 Disenyo at Paraan ng pananaliksik……………………………………………….. 15 Disenyo……………………………………………………………………………… 15 Respondente………………………………………………………………………… 16 Instrumento…………………………………………………………………………. 16 Pagtratrato sa mga datos…………………………………………………………... 17 Estatistikong Pagtatrato……………………………………………………………… 17 Kabanata 4 Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos………………………………………. 18 Talahanayan 1………………………………………………………… 19 Talahanayan 2 ………………………………………………………... 20 Talahanayan 3 ………………………………………………………... 21 Talahanayan 4 ………………………………………………………... 22 Talahanayan 5 ………………………………………………………... 23 Talahanayan 6………………………………………………………… 24 Talahanayan 7 ………………………………………………………... 25 Talahanayan 8 ………………………………………………………... 26 Talahanayan 9 ………………………………………………………... 27 Talahanayan 10 ………………………………………………………... 28
6
Kabanata 5 Konklusyon, Lagom at Rekomendasyon Konklusyon……………………………………………………………………………… 29 Lagom……………………………………………………………………………………. 31 Rekomendasyon…………………………………………………………………………. 32
Personal na Impormasyon ………………………………………………….. 1-2
Kabanata 1 Panimula
Sa Paglipas ng mga panahon, Maraming mga bagay ang mabilis na nagbabago. Isa
na dito ang mabilis na pagdami at pagunlad ng mga
kagamitan na produkto ng teknolohiya. Masasabing sa panahon na ating ginagalawan
ngayon
napakalaki
ng
ginagampanang
tulong
ng
mga
teknolohiya sa pag-unlad ng isang bansa. Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.
7
Bilang isang gawain ng tao, ang teknolohiya ay nauna pa kaysa sa agham at inhinyeriya. Kadalasang iniuugnay ang katagang teknolohiya sa mga imbento at gadget na ginagamit ng mga tao. Isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit ang teknolohiya ay mabilis mapaunlad ay dahil sa layunin nito na matulungang mapadali ang pang-araw araw na gawain ng tao.
1
Ayon sa Diksyunaryo ng Wikang Filipino (1989), Ang teknolohiya ay nangangahulugang agham na nauukol sa mga sining na pang-industriya. Sa larangan ng negosyo, Teknolohiya
2
ang gumaganap ng isa sa
mahalagang papel. Halos lahat ng mga negosyo at industriya
sa buong
mundo ay gumagamit ng teknolohiya. Ngayon ang lahat ng negosyo ay may potensyal na maging internasyonal sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Kung ang iyong negosyo ay may isang website, makatutulong ito sa iyong negosyo upang maabot ang mga kliyente sa kabila ng libu-libong milya sa pamamagitan lamang ng isang click sa isang pindutan. Ito ay hindi magiging
posible
teknolohiya.
kung
walang
Internet
na
bunga
ng
makabagong
3
Napakabilis ng paglaganap ng teknolohiya sa buong mundo. Dahil sa mga ito, mas napapadali ang ating mga gawain. Maraming uri ang teknolohiya at maraming gamit ang mga ito. Sa taon na kung saan ang computer ay hindi pa naiimbento, ang mga mag-aaral ay hindi pa pansin ang paggamit ng teknolohiya sa paggawa ng mga gawain. Ang mga mag-aaral ay umaasa sa libro at laging bumibisita sa silid aklatan, basahin ang kanilang 8
mga tala at upang suriin ang kanilang mga aralin sa paaralan. Ngunit sa ating panahon ngayon ay makikitang hindi maiwasan ng mga mag-aaral ang pagdepende sa mga teknolohiya ngayon.
Kahalagahan ng pag-aaral Sa pagusbong ng mga makabagong teknolohiya, masasabi nating napakarami nitong naitutulong sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Halos lahat ng tao ay nalalaman ang kahalahagan nito. Bilang isang magaaral, masasabi nating napakalaki ng papel ng teknolohiya sa kanilang pagaaral ngunit maari rin itong makasama kung hindi gagamitan ng disiplina. Para
sa
mga
magulang, inaasahang ang pananaliksik na ito
ang maging daan 9
upang sila ay makatulong sa pagbubukas ng kamalayan ng kanilang mga anak, upang malaman ang mga epekto ng mga makabagong teknolohiya ngayon sa kanilang pag-aaral. Inaasahan din na sa pamamagitan nito ay malaman ng mga mag-aaral ang wastong paggamit ng mga teknolohiya. Para sa mga propesor, ang pag-aaral na ito ay inaasahang maging kanilang dahilan
upang
mas
lalo
pa
nilang lawakan ang kanilang kaalaman
patungkol sa teknolohiya at ipagpatuloy ang kanilang pag-gabay sa mga mag-aaral sa paraan ng paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Para sa mga
mananaliksik, inaasahang ang pag-aaral na ito
ay mapukaw ang kanilang pansin at malaki ang maiambag sa kanilang ginagawa at gagawin pang mga pag-aaral tungkol sa mga epekto ng mga teknolohiya sa buhay ng isang mag-aaral. Para sa mga mag-aaral, ninanais ng pananaliksik na ito na ipakita sa mga
mag-aaral ang mga
natatanging
epekto
ng mga
makabagong
teknolohiya sa kanila at kung paano ito nakatutulong maging kung paano ito nakasasama sa kanilang pag-aaral. Inaasahan din na ang mga mag-aaral ay matututo kung paano gamitin ang mga teknolohiyang ito ng may disiplina.
Paglalahad ng Suliranin 10
Ang pananaliksik na ito ay sinisikap na sagutin ang mga pagunahing mga katanungan tungkol sa epekto ng mga makabagong teknolohiya. Alam nating malaki ang ginagampanang papel ng teknolohiya sa mga mag-aaral ngunit ito din ay nagiging sanhi upang maisantabi nila ang kanilang pagaaral. Ang mga mananaliksik ay sinikap sagutin ang mga sumusunod na katanugan:
1. Bakit
maraming
mga
mag-aaral
ang
nahuhumaling
sa
mga
makabagong gamit na produkto ng teknolohiya?
2. Natutulong ba o nakasasama ang teknolohiya sa pag-aaral ng mga kabataan?
3. Anu – ano ang mga dahilan kung bakit nakakasagabal ang mga makabagong gamit sa pag-aaral ng mga mag-aaral?
4. Anu – ano ang mga mabubuti at masasamang epekto ng teknolohiya sa buhay ng isang mag-aaral?
11
Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nakatuon lamang sa mga nakalap na impormasyon
sa
iba’t ibang mga kasagutan ng mga mag-aaral na nasa
sekondarya. Ang mga nakuhang impormasyon ay nanggaling sa mga magaaral ng Baliuag University. Ang mga mag-aaral na sakop ng pananaliksik na ito ay mula sa mga 3rd year students.
Paradaym
KABATAAN ----> ORAS NG PAG-AARAL ----> PAGPAPAHINGA
TEKNOLOH IYA
MGA MAKABAGONG GAMIT
MASAMA AT MABUTING NAIDUDULOT
Tunkulin ng mga kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabtaan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga o
12
matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone o di kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na hatid ng teknolohiya ay maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epekto dahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ng mga mag-aaral. Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at PSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga magaaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila buong hapon imbis na mag-aral.
13
Kabanata 2 Mga Kaugnay na Literatura
Maraming tao ang kadalasang nagtatalo kung ang teknolohiya ay nakakabuti o nakakasama. Marami ang naniniwala naang teknolohiya ay may epekto sa ating lipunan , pero marami rin ang pabor sa pag-unlad ng teknolohiya dahil ito ay nagbibigay ng magandang dulot sa pamumuhay ng mga Pilipino . ang mga pananaw na ito ay tama. Subalit, kailangan nating pag-aralan ng mabuti kung ang teknolohiya nga ba ay nakakatulong o nagdudulot ng masamang epekto. Ito ay nakasalalay sa atin mga Pilipino kungt paano natin ito gagamitin. Ayon kay Kristine Mae Ledda, Isang mag-aaral ng University of the Philippines Baguio, Sa kasalukuyang panahon, sino pa ba ang hindi nakakaalam ng isa pa sa mga sikat na imbensyon, ang Computer. Bagay na nagpadali ng buhay ng mga mag-aral na katulad ko. Ayon nga sa mga nakatatanda, kung dati raw ay aabutin ka ng mag-hapon sa library ng 14
paaralan upang hanapin ang kahulugan ng mga leksyon, ngayon ay nariyan sa bawat kanto ng Metro Manila hindi lang sa lugar ng mga urban maging sa rural ang mga ‘Internet Café’. Sa isang pindot lang, nasa harap mo na agad ang hinahanap mo. Maliban pa sa sobrang bilis na proseso na paghahanap ng leksyon, nariyan pa ang printer upang solusyonan ang problema sa matagal na pagsusulat ng mga takdang aralin. Click lang ng click ay makukuha mo na ang isang mabilis na proseso ng paggawa. Kung isang matalinong indibidwal nga naman ang gagamit ng teknolohiya, siguradong malayo ang mararating ng ating bansa. Malaki ang maitutulong nito upang umunlad at patuloy na mapadali ang proseso ng modernisasyon na siyang magdadala sa bawat tao sa tiyak na tagumpay.
4
Ayon kay DepEd Asst. Secretary Teresita Inciong, kina kailangan na pagsabihan lang ng mga guro ang kanilang mga estudyante na patayin o itago ang cellphones ng mga ito habang nasa klase para makaiwas sa anumang reklamo mula sa mga magulang laban sa kanila. Sa umiiral na DepEd Order number 83-2003; order number 26-2000 at order number 701999, mahigpit na ipinagbabawal ang paggamit ng cellular phones sa mga estudyante habang nasa loob ng klase. Pinakiusapan din ni Inciong ang mga estudyante na maging responsable sa paggamit ng cellphone. Hinikayat rin ni Inciong ang mga guro na gabayan ang mga estudyante sa tamang paraan sa paggamit ng naturang teknolohiya sa impormasyon upang hindi malaglag ang mga ito sa maling gawain tulad ng pakikipag-text sa mga estranghero
15
na may masasamang intensyon, bagkus ay gamitin ito lalo na sa paghingi ng saklolo.
5
Kabanata III Disenyo at Pamamaraan ng Pananaliksik Ang mga maniniliksik ay matiyagang na ngalap ng impormasyon sa pamamagitan ng matiyagang pamimigay ng mga talatanungan sa mga magaaral ng Baliuag University sa Ikatlong taon sa sekondarya at pangangalap ng mga datos sa aklatan at mga thesis Sa kabanatang ito ilalahad ang desinyo at pamaraan ng mga mananaliksik,
disenyo,
respondent,
teknik,
instrument,
paraan
ng
16
pagsasagawa at istratehiyang gagamitin ng mga mananaliksik sa pagsusuri ng ibinibigay na talatanungan.
Disenyo Ang pag-aaral na ito gumamit ang mga mananaliksik ng descriptive survey o paglalarawan panunuri dahil inilalarawan rito ang kinalalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng talatanungan. Upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito ang mga mananaliksik ay gumawa muna ng talatanungan o “questionnaire” na siyang ipinasasagot sa mga mag-aaral ng Baliuag University sa sekondarya, Ikatlong taon. Na nagiging saklaw ng pag-aaral na ito. Pagkatapos malikom ang mga talatanungan, ito ay iwinasto at matiyagang sinuri ng mananaliksik sa pamamagitan
ng
talahanayan.
Upang
lalong
maging
malinaw
ang
kinalabasan ng pag-aaral ay gumamit ang mga mananliksik ng pormulang makakatulong sa lubos na ikakaunawa ng bawat talahanayan. Percentage technique ang ginamit ng mga mananaliksik na pormula.
RESPONDENTE
17
Ang respondent o saklaw ng pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa ikatlong taon sa sekondarya ng Baliuag University. Binubuo ng limampung mag-aaral.
Matiyagang nakikipag-ugnayan ang mga mananaliksik sa Prinsipal at Gurong nangangasiwa sa respondent na mag-aaral na saklaw ng pag aaral upang maipamahagi ang mga talatanungan o questionnaire na inihanda ng mga mananaliksik upang matugunan ang hinahanapan ng kasagutan.
INSTRUMENTO
Ginamit ng mga mananaliksik ang tseklist sa mga mag-aaral upang malaman ang mga salik na nakakaapekto sa paraan ng
pagamit ng
teknolohiya ng mga mag-aaral. Gumamit dn ng aklat ang mga mananaliksik sa pagkalap ng datos.
PAGTATRATO SA MGA DATOS
18
Sa pamamagitan ng paggawa ng mga teybol matapos mai-tally ang mga kasagutan sa kwestyuneyr ng mga respondente ay naipakita ang porsyento o bahagdan ayon sa dami ng sinang-ayunang kasagutan ng mga respondente sa tanong na nakapaloob sa kwestyuneyr o talatanungan.
ESTATISTIKONG PAGTATRATO
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng percentage technique upang masuri ang kinalabasan ng mga kasagutan ng mga mag-aaral Narito ang pormula na ginamit ng mga mananaliksik upang mailahad ng mabuti ang pag-aaral.
Bahagdan = (Bilang ng mga tumugon / Kabuuang bilang ng mga sumagot) x 100
19
Kabanata IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga datos
Sa kabanatang ito ilalahad ng mga mananaliksik ang kinalabasan ng pag-aaral sa pamamagitan ng masusing paglalahad sa mga kasagutan ng respondent sa binigay na talatanungan sa pamamagitan ng talahanayan. Ito ay matiyagang pinagtulung-tulungan ng mga mananaliksik upang mailahad ng tama ang mga kasagutan. Narito ang talahanayan na ginamitan ng pormulang “Bahagdan = (Bilang ng mga tumugon / Kabuuang bilang ng mga sumagot) x 100” para makuha ang bahagdan at kabuuan ng kasagutan.
20
1. Anu-ano ang mga gamit na mayroon ka na produkto ng teknolohiya?
Lumalabas sa pagsusuri na ito na ang mga kabataan ngayon ay gumagamit ng mga makabagong teknolohiya. Halos lahat ng mga kabataan maging lalaki man o babae ay gumagamit ng mga ito, nangunguna sa mga teknolohiyang ito na mayroon ang mga kabataan ay cellphone (babae 100%, lalaki 96%) pangalawa ay ang Computer o laptop (babae 64%, lalaki 76%), pangatlo ay ang Mp3 player (babae 36%, lalaki 36%), pang-apat ay ang Psp (babae 40%, lalaki 28%), at ang panghuli ay ang mga iba pang mga
21
makabagong teknolohiya tulad ng Ipod, Ipod touch at Digicam (babae 4%, lalaki 0%).
2. Kung may Computer / Laptop, hanggang ilang oras ang naigugugol mo sa paggamit nito?
Lumalabas sa pagsusuri sa pag-aaral na kung ang isang kabataan ay mayroong Computer o Laptop, ang bahagdan ng mga mag-aaral na 1 oras at pababa ang naigugugol ay (babae 12%, lalaki 12%), ang 2 oras naman ay (babae 8%, lalaki 16%), ang 3 oras naman ay (babae 8%, lalaki 12%), ang 4 na oras naman ay (babae 4%, lalaki 28%), ang panghuli naman ay 5 oras at pataas ay (babae 28%, lalaki 24%). Ipinapakita ng graph na ito na base sa 22
mga sagot ng mga mag-aaral na mayroong Computer o Laptop ay 5 oras pataas ang naigugugol sa paggamit nito.
3. Kung nag-rerent naman ng computer, ilang oras ang naigugugol mo sa paggamit nito?
Lumalabas sa pagsusuri na ito na kung ang mga mag-aaral naman ay nagrerenta ng Kompyuter ang bahagdan ng mga mag-aaral na gumugugol ng 1 oras at pababa ay (babae 20%, lalaki 28%), ang 2 oras naman ay 23
(babae 48%, lalaki 28%), ang 3 oras naman ay (babae 16%, lalaki 8%), ang 4 na oras naman ay (babae 0%, lalaki 4%), ang panghuli naman ay 5 oras at pababa ay (babae 8%, lalaki 16%). Sa kabuuang pagsusuri lumalabas na karamihan sa mga mag-aaral na nagrerenta ng Kompyuter ay 2 oras ang naigugugol.
4. Kung may Cellphone ka, gaano kalaki ang nagagastos mo sa loob ng isang linggo?
24
Lumalabas sa pagsusuri na lahat halos ng mga mag-aaral ngayon ay gumagamit ng Cellphone, narito ang mga bahagdan na nagpapakita kung gaano kalaki ang nagagastos ng mga mag-aaral sa pag-loload sa loob ng isang linggo. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na gumagastos ng 50 pababa ay (babae 68%, lalaki 36%), ang gumagastos naman ng 100 ay (babae 20%, lalaki 40%), ang gumagastos naman ng 150 ay (babae 4%, lalaki 12%), at ang panghuli ay ang mga mag-aaral na gumagastos ng 200 pataas ay (babae 8%, lalaki 20%). Ang resulta ay lumalabas na ang karamihan ng mga mag-aaral ay gumagastos ng 50 pababa sa loob ng isang linggo.
5. Ano sa tingin mo ang nakukuha mong benipisyo sa paggamit ng Mp3, PSP, at Digital Camera at ng iba pang makabagong teknolohiya na mayrooon ka?
25
Isa sa mga katanungan ay kung ano nga ba ang nakukuhang benipisyo ng mga mag-aaral sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya. Narito ang resulta ng pagsusuri, lumalabas na ang bahagdan ng mga mag-aaral na sinasabing pagiging “in” o sabay sa uso ang kanilang nakukuha ay (babae 36%, lalaki 32%), ang bahagdan naman ng mga mag-aaral na sinasabing sila nalilibang ay (babae 80%, lalaki 76%), ang bahagdan naman ng mga magaaral na nagsasabing pagkakaroon ng maraming kaibigan ay (babae 12%, lalaki 28%). Pinapakita na ang halos lahat ng mga mag-aaral ay libangan ang nakukuhang benipisyo.
6. Saang paraan mo madalas gamitin ang mga teknolohiyang ito? 26
Alam natin na ang mga makabagong teknolohiya sa ngayon ay mayroong napakalaking pakinabang lalung-lalo na sa mga mag-aaral. Naririto ang result ang isinagawang pananaliksik, na kung saan madalas gamitin ng mga mag-aaral ang mga naturang mga kagamitan na produkto ng teknolohiya. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing madalas nilang gamitin ang mga ito bilang libangan ay (babae 84%, lalaki 68%), ang bahagdan naman ng mga mag-aaral na nagsasabing madalas nila itong gamitin bilang instrumento ng komunikasyon ay (babae 40%, lalaki 48%), at ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing madalas nila itong gamitin sa pag-aaral ay (babae 56%, lalaki 36%). Bilang resulta, lumalabas na ang karamihan sa mga mag-aaral ay madalas gamitin sa larangan ng libangan.
27
7. Anu-ano ang mga positibong epekto ng mga makabagong teknolohiyang ito sa iyong pang araw araw na pamumuhay?
Maraming mga epekto ang mga teknolohiyang ito sa ating pang-arawaraw na buhay, narito ang result ang isang pagsusuri tungkol sa positibong epekto ng mga ito. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang positibong epekto ng makabagong teknolohiyang ito ay nakapagpapadali ng komunikasyon ay (babae 92%, lalaki 56%), ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang positibong epekto nito ay nakapagpapabilis ng Gawain ay (babae 76%, lalaki 28%), ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang postibong epekto nito ay nakapagpapaunlad ng antas ng libangan ay (babae 40%, lalaki 36%) at ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang positibong epekto nito ay nakatutulong sa pagpapalawak ng kaalaman ay (babae 60%, lalaki 36%). Lumalabas sa pagsusuring ito na
28
para sa mga mag-aaral, ang positibong epekto ng mga ito ay napapadali ang komunikasyon sa kanilang pang-araw-araw na pamumuhay. 8. Anu-ano ang mga negatibong epekto ng mga teknolohiyang ito sa iyong pang araw-araw na buhay?
Kung ang mga makabagong teknolohiyang ito ay mayroong positibong epekto, ito ay mayroon ding negatibong epekto sa pan-araw-araw na buhay ng mga mag-aaral. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang negatibong epekto ng mga ito ay nadadagdagan ang kanilang gastos, dahilan para maubos ang kanilang baon ay (babae 60%, lalaki 60%). Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang negatibong epekto ng mga ito ay nakasasagabal sa mga gawain lalung-lalo na sa gawaing bahay ay (babae 60%, lalaki 36%). Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang negatibong epekto ng mga ito ay ang hindi pagtulog sa tamang oras ay (babae 68%, lalaki 36%). Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing 29
ang negatibong epekto ng mga ito ay natural na pag-depende sa teknolohiya ay (babae 32%, lalaki28%). Bilang resulta, lumalabas lamang na ang negatibong epekto ng teknolohiya para sa mga mag-aaral ay nadadagdagan ang kanilang gastos dahilan para maubos ang kanilang baon. 9. Paano ito nakakatulong sa iyong pag-aaral?
Ang mga makabagong teknolohiya ngayon ay nakakatulong sa pagaaral ng mga mag-aaral at narito ang resulta ng isang pagsusuri kung paano nakakatulong ang mga kagamitang ito sa pag-aaral ng mga mag-aaral. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing nakatutulong ito sa pag-aaral sa paraang nakatutulong ito sa pagkalap ng impormasyon ay (babae 84%, lalaki 72%). Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing nakakatulong ito sa pag-aaral sa parang napapadali ang mga takdang aralin ay (babae 60%, lalaki 40%). Ang bahagdan ng mag-aaral na nagsasabing may iba pan 30
paraan kung paano ito nakatutulong ay (babae 0%, lalaki 4%) Ito ay sa paraang pagiging maagap sa mga pangyayari. Sa kabuuang resulta, lumalabas na ang mga teknolohiyang ito ay nakatutulong sa pagkalap o paglikom ng mga mahahalagang impormasyon.
10. Anu-ano ang nagiging dulot ng mga teknolohiyang ito sa iyong pagaaral?
Isa sa mga katanungan ay kung ano ang epekto ng mga makabagong teknolohiyang ito sa mga mag-aaral lalung-lalo na sa mga mag-aaral ng Baliuag University na nasa sekondarya, kung ito ba ay nakabubuti o
31
nakasasama. Ang bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang epekto ng mga makabagong teknolohiyang ito ay nakabubuti ay (babae 60%, lalaki 56%), ang mga bahagadan ng mga mag-aaral na nagsasabing ang epekto ng teknolohiyang ito ay nakasasama ay (babae 28%, lalaki 44%), ang mga bahagdan ng mga mag-aaral na nagsasabing walang naidudulot ang mga ito sa pag-aaral ay (babae 12%, lalaki 0%). Bilang resulta, maraming mga magaaral ang nagsasabing mayroon mabuting epekto ang mga makabagong teknolohiyang ito.
Kabanata 5 Konklusyon, Lagom at Rekomendasyon
Konklusyon
Tungkulin ng isang kabataan ang mag-aral. Kapag ang kabataan ay napagod na sa kanilang pag-aaral, sa pagrerebyu halimbawa sa kanilang pagsusulit, dalawa ang maaaring gawin nila. Una ay ang magpahinga o matulog para may lakas sila upang ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Sa kabilang banda, maaari silang maglaro gamit ang PSP, Laptop at Cellphone o di kaya’y makinig ng musika sa iPod. Ang mga makabagong kagamitang ito na produkto ng teknolohiya ay maaaring magdulot masama at mabuting epekto. Ang laptop at cellphone ay maaaring magdulot ng mabuting epekto 32
dahil ang laptop at cellphone ay magagamit pandagdag sa kaalaman ng mga mag-aaral. Maaari namang magdulot ng masamang epekto ang iPod at PSP sa kadahilanang maaari itong maging sanhi ng pagkatamad ng mga magaaral sa kanilang pag-aaral ang maglaro na lamang sila buong hapon imbis na mag-aral. Hindi rin naman mawawala na may mga magaganda at masasamang dulot ang mga gadget na ito. Ang isa sa mga mabuting naidudulot nito ay nagiging responsable at maingat ang may-ari sa kanyang kagamitan dahil ayaw nitong mawala at alam nitong mahal ang kagamitan na ito. Natututo rin na magipon at magtipid ang mga mag-aaral para makabili nito. At higit sa lahat ay nakakaiwasang mga kabataan sa impluwensiya ng droga dahil mayroon silang pinagkakaabalahan.
Kung ang mga teknolohiyang ito ay may magandang naidudulot sa mga
mag-aaral,
masasabi
nating
mayroon
din
itong
naidudulot
na
nakasasama at nakakasagabal sa pag-aaral ng isang kabataan. Halimbawa, dahil sa sobrang paggamit ng mga kabataan ay nagiging adik ang mga ito. Adik sa paraan ng lubos na paggamit ng kagamitan na ito. Nakakasira din ito sa kalusuagan lalo na sa mata. Alam nating maraming kabataan ang nagaasam at naghahangad na magkaroon ng mga makabagong gamit, dahilan ito upang magdudulot ng sakit sa ulo sa mga kabataan sapagkat sa kagustuhan nilang magkaroon nito ay minsan nagiging dahilan upang sila ay 33
magnakaw. At higit sa lahat, naisasantabi nila ang kanilang pagaaral. Halimbawa nalamang, mas inuuna nila itong gawin kesa sa paggawa ng kanilang takdang aralin o kaya naman magaral para sa kanilang mga pagsusulit. Hindi natin matatanggal sa mga kabataan na kung mayroon kang kagamitan na ganito ay masasabi nilang sunod ka sa uso kaya marami din ang naghahangad na magkaroon ng mga gamit na ito na produkto ng teknolohiya. Nakakaalis din ang mga ito ng pagkabagot at nagsisilbing libangan. Napakadali din nitong dalhin at gamitin. Madalas ay ginagamit ang mga ito upang magsilbing paraan ng pagpapahinga, pantanggal ng stress at magkaroon ng oras ang mga kabataan sa kani-kanilang sarili. Ang mga kabataang mayroon mga makabagong gamit ay maaari ding maaappreciate ang mga iba’t-ibang genre ng musika at sila ay lubusang nahihilig sa musika kaya nakakatulong sa pagangat at pagpapaunlad ng industriya ng musika. Masasabing isa yan sa mga magandang dulot sa mga kabataan.
Lagom Narito ang mga dahilan ng mga mag-aaral kung bakit para sa kanila ito ay nakabubuti. Para sa mga mag-aaral, nakatutulong ito ng malaki sa kanilang buhay eskwelahan, maging sa larangan man ng akademiko o sa
34
larangan ng libangan. Lumalabas na ito ay nakatutulong sa paggawa at pagpapadali ng mga takdang aralin ng mga mag-aaral. Nakatutulong din ito sa mga mag-aaral sa paggawa ng kanilang mga proyekto. Ang resultang ito ay nagpapaliwanag lamang na ang mga makabagong teknolohiyang ito ay nakabubuti at nakatutulong kung gagamitan ng tamang disiplina. Narito ang dahilan ng mga mag-aaral kung bakit para sa kanila ito ay nakasasama. Para sa mga mag-aaral, ito ay nakasasama sa kadahilanang nakasasagabal ito sa kanilang pag-aaral. Nagiging dahilan din ito sa hindi wastong pagtulog sa tamang oras. Lumalabas din na ang sobrang pagamit ng wala sa ayos ay hindi nakadudulot ng mabuti. Narito ang dahilan ng mga ibang mag-aaral, kung bakit para sa kanila ito ay walang naidudulot. Para sa mga mag-aaral, wala itong naidudulot sa kanila sapagkat hindi nila nakasanayan palaging kumonsulta o dumipende sa mga teknolohiyang ito. May ilan ding nagsasabi na wala itong naidudulot dahil mas gusto nila ang makalumang paraan ng pag-aaral, kung saan sila ay pupunta ng library at magbabasa ng mga libro.
Rekomendasyon 1. Ang
mga
makabagong
teknolohiyang
ito
ay
nakabubuti
at
nakatutulong kung gagamitan ng tamang disiplina.
35
2. Ang paggamit sa teknolohiya ng lubos at wala sa ayos ay hindi nagdudulot ng mabuti. 3. Hindi dapat tayo masanay na dumipende sa teknolohiya. 4. Limitahan ang paggamit sa mga makabagong teknolohiya upang hindi magdulot ng masamang epekto sa pag-aaral. 5. Nararapat na bigyan ng mga mag-aaral ng pansin higit kaysa sa ibang mga bagay ang kanilang pag-aaral.
Vitae 36
PANSARILING TALA Pangalan : Talusan , Hiedee Caluag Tirahan : 451 Sto. Cristo Pulilan Bulacan Telepono : 09323976447
Personal na Impormasyon
Araw ng kapanganakan : Abril 03, 1993 Istatus : Dalaga Kasarian : Babae Nationalidad : Pilipino Pangalan ng Ama : Federico D.C. Talusan Pangalan ng Ina : Elvira C. Talusan
Mga Natapos
Elementarya : Sto. Cristo Elementary School
( 2004 – 2005 )
Sekondarya : Liceo De Pulilan Colleges ( 2008 – 2009 ) Kolehiyo : Baliuag University
( Kasalukuyan )
Pangalan : Roque, Arnel Joseph Tirahan : 36 coral na Bato, San Rafael, Bulacan, 37
Telepono : 09059778709
Personal na Impormasyon
Araw ng kapanganakan : Nobyembre 10,1992 Istatus : Binata Kasarian : Lalaki Nationalidad : Pilipino Pangalan ng Ama : Pastor Roque Pangalan ng Ina :Magnolia Roque
Mga Natapos
Elementarya : Coral na Bato Elementary School Sekondarya : Carlos F. Gonzales High School Kolehiyo : Baliuag University
( Kasalukuyan )
Talasanggunian 1
www.wikipedia.org. March 20, 2011 38
2
Diksyunaryo ng Wikang Filipino. 1989
3
www.teknolohistangpinoy.com. March 22,2011
4
Ledda, Kristine Mae. Silip Artikulo. March 26, 2010
5
6
www.philstar.com. March 27, 2010 www.gabaysapagpilicourse.blogspot.com. March 26, 2010
39
View more...
Comments