Thesis Nihongo

March 8, 2017 | Author: Ronald Joseph | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Thesis Nihongo...

Description

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN PANIMULA Kilala ang Pilipinas bilang aktibong bansa hindi lamang sa Asya kundi sa buong mundo. May relasyon tayo sa iba pang mga bansa at nakikipagpalitan ng dunong, kakayahan, produkto at lakas-paggawa. Isa sa mga bansang ito ay ang Hapon. Ang Hapon ay pangwalo sa sampung bansa na pinakapinupuntahan ng mga Pilipino. Maunlad ang bansang ito hindi lamang sa usaping panteknolohiya kundi sa marami pang aspekto. At dahil nga Nihongo ang wika ng mga Hapones, binibigyanghalaga ito ng mga Pilipino. Madalas, pinag-aaralan ang Japan dito sa Pilipinas at opisyal nitong wika na Nihongo hindi lamang sa pansariling kagustuhan o kadahilanan kundi sa kahingiang pang-akademya sa ilang mga pamantasan dito sa Pilipinas. Ilan dito ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na parehong unibersidad pang-estado. Sa kabila ng napakaraming estratehiya na inihahain ng mga lingguwista o dalubhasa sa wika hindi lamang sa Pilipinas kundi sa labas ng bansa kung paanong lubos na matututo ang isang mag-aaral ng banyaga, pangalawa at target na wika, ang pinakabasikong suliranin na dapat gugulan ng oras at pag-aaral ay ang midyum na wikang gagamitin sa pagtuturo. Sa pagtatakda nito, kailangang may dalawang bagay na napauunlad ang mag-aaral: ang panloob na relasyon at panlabas na relasyon.

1

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Napalilinang ang kanyang identidad at responsibilidad sa kanyang bansa at umuunlad naman ang pakikipag-interaksyon niya sa ibang lahi. Gayunpaman, malaki ang papel ng wikang gagamitin sa pagtuturo sa pagkatuto ng mga mag-aaral. Ito ang magdidikta kung gaano nila mauunawaan ang leksyon. Sabi sa batas na sinuhayan ng “rekomendasyon ng UNESCO noong 1951 na “…..pupils should begin their schooling through the medium of the mother tongue, because they understand it best and because to begin their school life in the mother tongue will make the break between home and school as small as possible.” Sa kabilang dako, nagdudumilat na katotohanan na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Matapos ang Rebolusyong EDSA I, tuluyan nang tiniyak ng Konstitusyon ng 1987 (Artikulo XIV, Seksyon 6), ang kasalukuyang ngalan ng pambansang wika ng Pilipinas--- ang Filipino. Seksyon 6---Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang ito ay dapat payabungin at payamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at sa iba pang mga wika... (Garcia, et.al, 2009) May isang malaking karera ang Wikang Filipino sa ating panahon. Isinusulong ng mga tagapagpayabong ng wika ang pagiging “intelektuwalisadong wika” nito. Sa katagumpayan nito, nararapat na maging tulay ang Wikang Filipino tungo sa karunungan sa iba’t ibang larangan. Ayon sa KWF (1996), “intelektuwalisadong Filipino” ang barayti ng Filipinong ginagamit sa edukasyon ng mga Pilipino sa lahat ng larangan ng kaalaman mula sa mga gradong primarya hanggang sa unibersidad. Ito rin ang uri ng Filipino na ginagamit sa mga pananaliksik sa lahat ng disiplina, at ginagamit din bilang pangunahing

2

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

wikang panggawain sa iba’t ibang domeyn ng wika.” (Santos 2002) Kung nagagamit ang Wikang Filipino sa mga ganitong aspekto, nararapat na bigyan ng espasyo ang Wikang Pambansa sa daigdig ng intelektuwalisasyon. Aminin natin na may suliraning kinahaharap ang Wikang Filipino sa ganitong usapin. Mahirap pa rin mapagsang-ayong unawain ang lohika ng ilan sa mga panukalang batas ng Komisyon ng Lalong Mataas na Edukasyon (CHED) upang bumulusok ang pangalan ng Wikang Filipino sa akademya. Ang CHED Memorandum No. 20 ang isang patunay na kulang sa pagpapahalaga ang mga may kapangyarihan sa bansa sa wikang sariling atin. Ang CMO No. 20, S. 2013 o General Education Curriculum: Holistic Understanding, Intellectual and Civic Competence ay nagbibigay ng balangkas at rasyonale sa pagrebisa bilang pagpapalit sa mga GE at nakabatay sa konteksto ng K-12 Kurrikulum at sa college readiness standards. Inihahain ng CHED na magbawas ng yunit at maging 36 yunit na lamang ito. Ang GEC ay maaring ituro sa Ingles o Filipino. Ang walong bagong GE course ay ipapalit sa kasalukuyang GEC at malilipat ito sa Senior High School. Hindi naisama sa bagong walong GEC ang asignaturang Filipino. Patunay na lumabag sila sa Konstitusyon ukol sa pagtuturo ng Filipino sa lahat ng antas ng edukasyon. Bagamat maraming tumutuligsa sa Wikang Filipino, patuloy itong umiigpaw. At dahil ang edukasyon ang isa sa pangunahing domeyn na gumaganap sa proseso ng intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino patungo sa pinakamatataas na larangan ng kaalaman, sa pag-aaral na ito mabibigyang-kabatiran kung ano ang kalakasan ng Wikang

3

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng Basikong Nihongo; magiging lunsaran, makapagbibigay–ideya o solusyon din ito sa lumalalang kakulangan sa pagkatuto ng mga mag-aaral ng banyagang wikang nabanggit. Mapagtatanto sa pananaliksik na ito ang kakayahan ng Wikang Filipino sa usapin ng pag-aaral at pagtuturo ng Basikong Nihongo na maaaring maging parte, saksi o lunsaran ng pagiging isang wikang intelektuwalisado ng Wikang Filipino.

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Umusbong ang interes ng Pilipinas sa pag-aaral ng Nihongo noong 1920. Ang mga miyembro ng mga propesor at mga estudyante ng Unibersidad ng Pilipinas ay dumalo sa isang lektura na pinangungunahan ni Hiichiirō Matsunami, isang propesor ng Maritime and Commercial Law sa Tokyo Imperial University. Siya ang kauna-unahang Hapones na bumisita sa bansa nang itinatag ang nasabing unibesidad noong 1908 at nanatili siya sa bansa sa loob ng 2 buwan katuwang ang Japanese Ministry of Education. (Chee–Meoh Seah, 1994) Isa sa mga dumalo ng lektura na si Dr. Josefa Saniel. Sinimulan niya ang pagsusulat tungkol sa bansang Hapon sa nasabing unibersidad. (The Japan Foundation, 1998) Sa pagbisita ni Prop. Matsunami dito sa bansa, nagkaroon ng kasunduan sa punto ng pagpapalitan ng mga propesor sa pagitan ng UP at Waseda University noong 1930. Dahil dito, naganap ang serye ng lektura tungkol sa iba’t ibang aspeto ng batas sa Waseda University sa pangunguna ni Vicente Sinco (mula sa College of Law at naging Pangulo ng UP noong post-war); gayundin ng nasabing unibersidad na si Surinogi Kojiro.

4

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Nagkaroon din ng pagtalakay tungkol sa mga kultura ng bansang Hapon tulad sa larangan ng sining, teatro at ang Ikebana na pinangungunahan ni Yoshitarō Negishi mula sa Rikkyō University noong 1939. Sa panahon ding iyon, ang mga sekondaryang paaralan sa Pilipinas at ang Unibersidad ng Pilipinas ay nagkaroon ng asignaturang Oriental History na pinag-aaralan ang Asya lalo na ang bansang Hapon. Sa pagitan ng 1937 at 1939, ang mga mag-aaral na Pilipino at Hapones ay nagsagawa ng hiwalay na kumperensya sa Tokyo at Maynila upang magpalitan ng mga impormasyon at pananaw sa kanilang bansa. Nang naganap ang Ikalawang Digmaan Pangdaigdig, ang mga Pilipino ay nagkaroon ng kamalayan sa presensya ng mga Hapones. Ayon sa paglalarawan ni Goodman (1986) sa mga Japanese immigrants “the only major colony of Japanese immigrants in Southeast Asia … [numbering] about 25,000.” (Chee–MeohSeah, 1994) Hindi lamang sa Davao naninirahan ang mga Hapones kundi sa iba’t ibang pulo sa Pilipinas mula Batanes hanggang Jolo kasama ang Maynila, Baguio, Cebu, at Iloilo. Masasabi natin na ang mga Pilipino ay nagkaroon ng kaunting pakikisalamuha; gayundin sa interaksyon sa mga Hapones. Sa ganitong danas sa digmaan ng mga Pilipino noong panahong iyon, nasaksihan ang pagsakop ng mga sundalong Hapones sa ating bansa at pinalaganap ang pagtuturo ng Nihongo sa mga pampublikong paaralan at bilang opisyal na wika sa bansang Pilipinas. Karamihan sa Pilipino ay gustong matutunan ang Nihongo sa iba’t ibang paraan. Sa mga nagnanais maging lider sa hinaharap, ang pamahalaang Hapon ay nagtalaga ng dalawang grupo mula sa mga mayayamang pamilya noong 1943 at 1944 na oportunidad na

5

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

magbigay ng Japanese Education. Ang pagtuturo ng Nihongo ay pinagkaloob rin sa mga kawani ng pamahalaan, war prisoners at sa panig ng simbahan (Chee-Meoh Seah, 1994). Nagtatag rin ng institusyon na nagsasanay sa pagtuturo ng Nihongo sa mga Pilipinong guro, ang Niponggo Institute of Manila. Pagkatapos ng digmaan, nakamit ang kalayaan sa kamay ng mga Hapones. Nang mga sumunod na taon, nagkaroon ng interes ang mga mag-aaral na Hapones sa Pilipinas. Nagkaroon ng grant sa mga mag-aaral ng Philippine Board of Scholarship of Southeast Asia (na sinusuportahan ng Asia Foundation at pinapatakbo ng Unibersidad ng Pilipinas) at sa UP nag-aral noong 1957, ilang taon pagkatapos aprubahan ang Repatarion Agreement and the Peace Treaty sa pagitan ng Pilipinas at Hapon. Noong 1958, isang ad interim na kasunduan na nilagdaan ng dalawang bansa upang makipagkalakalan at manirahan dito sa bansa. Ang Nihongo Bilang Isang Disiplina sa Ilang Unibersidad Ang Japanese Studies bilang isang disiplina ay unang itinatag sa Ateneo de Manila University noong 1966 at sa UP Asian Center noong 1968 (The Japan Foundation, 1998). Ang UP Linguistic Department ang unang nag-alok ngunit limitado lamang ang pagtuturo ng Nihongo. Noong 1970, nagbukas din ang dalawang paaralan na nag-aalok ng nasabing wika. Ito ay ang Xavier University sa Mindanao at ang University of San Jose – Recoletos sa Visayas. Noong dekada ‘80 at dekada ’90, tumaas ang pagaalok ng Japanese Studies sa mga paaralan. Kasama ang De La Salle University (DLSU), isa sa mga unibersidad na nag-aalok ng full pledge undergraduate program sa Japanese Studies na itinatag noong 1983. Ang ibang unibersidad sa loob at labas ng Kalakhang

6

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

7

Maynila ay naumpisahan ding mag-alok ng Japanese Studies sa ilang kurso sa Kasaysayan at Kultura. Karamihan sa mga kumukuha nito ay ang mga mag-aaral na nagpapakadalubhasa sa Turismo, Pangangasiwa sa Hotel and Restawran, Banyagang Wika, Matematika, Intedisiplinaryo at Area Studies at medyor sa Kasaysayan. Sa pagtatala ng mga institusyong nag-aaral ng Nihongo, una, sa pagtalakay ng papel ni Dr. Saniel na ang Japan Information and Cultural Center (JICC) ay nagtala ng 17 at 27 institusyon na nag-aalok ng Japanese Language noong 1983 at noong 1988; at pangalawa, noong 1996, nagtala ang Japan Foundation Manila Office (JFMO) ng walumpu’t walong (88) institusyon na nagtuturo ng Nihongo, parehong publiko at pribado na nagtuturo na may kabuuang 16,488 mag-aaral. Noong 2010, ang Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon o CHED ay nagpalabas ng CMO No. 23, S. 2010 o Implementing Guidelines In The Inclusion Of Foreign Languages As Electives, In The Curricula Of Higher Education Programs sa lahat ng publiko at pribadong pamantasan sa bansa. Nakasaad sa memorandum na ang lahat ng banyagang wika tulad ng Chinese, Spanish, French, Nihongo, Arab at iba pa ay kabilang sa mga inihahain bilang bahagi ng kurikulum sa kolehiyo at bilang isang elektib na asignatura. Ang pagtuturo at paggamit ng banyagang wika ay nagiging daan sa pagunawa ng karatig-bansa sa buong mundo. Gayundin, mahalagang gampanin ang pagtuturo ng banyagang wika tulad ng Nihongo sa kanilang magiging propesyon sa hinaharap

upang

makipagkumpetensiya

sa

internasyonal

na

(http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMO-No.23-s2010.pdf)

ugnayan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Sa pag-implementa ng memorandum, kinakailangang tugunin ang mga sumusunod: 1. Ang banyagang wika ay isama sa mga sumusunod ngunit hindi limitado sa: Chinese/Mandarin, Spanish, French, Nipponggo, Arabic, atbp.; 2. Ang banyagang wika ay tinuturing na bilang elektib, at malayang pumili ang mga mag-aaral na hindi bilang isang kahingian sa pagtatapos; 3. Ang mga banyagang wika ay tutugunan ng tatlong (3) yunit na asignatura; 4. Ang mag-aaral ay may karapatang magpatala na may pinakamataas na dalawang asignatura na may kabuuang anim (6) na yunit; 5. Ang mga kaguruan na nagtuturo ng wikang banyaga ay may paghahanda sa kanyang hahawakang asignatura. Dagdag pa, ang dayuhang guro ay puwede ring magturo ng banyagang wika, na kinakailangan, na siya ay nasyonal ng kanyang wika na ituturo ito. 6. Ang higher education institutions (HEIs) ay hindi na kinakailangan humingi ng apruba sa CHED sa pagpapaunlad ng kanilang kurikula na may kinalaman sa pagsasama ng mga elektib sa banyagang wika na ibinigay ngunit sila ay magsumite ng kopya ng nirebisang kurikula sa tanggapang pangrehiyon sa CHED para sa impormasyon at pagtatanda.

Ang Relasyon ng Pilipinas at Hapon Tungo sa Globalisasyon Malaki ang maitutulong ng globalisasyon sa mga nagtuturo at nag-aaral ng Nihongo upang ganap na magkaroon ng malawak na pag-unawa sa pagitan ng dalawang

8

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

bansa. May kinalaman ang Nihongo sa kultura, ekonomiya at pulitika ng bansang Hapon. Kinakailangan natin malaman kung paano naging maunlad at patuloy na umuunlad ang bansang Hapon. Bago pa man dumating ang mga Kastila sa ating bansa, nagkaroon na tayo ng interaksyon sa mga Hapones, at noong dekada ’30, ang bansang Hapon ay opisyal na kinilala sa pagpapalit ng kultura sa pagitan ng ating bansa. Umusbong ito noong dekada ’70 at patuloy pa rin ito na lumalaki sa kasalukuyan. Noong 1996, naitatag ang Japan Foundation Manila Branch Office at ito’y naging opisyal na tagapag-ugnay ng kultura at sining ng Hapon sa bansang Pilipinas. (Bravo, 2006) Ang wikang pambansa ay may kaakibat sa kultura ng ating bansa. Hindi ito maaaring maghiwalay. Madali nating makilala ang isang tao sa pamamagitan ng wikang kanyang ginagamit. Yumayabong at nagbabago ang wika dahil sa taong gumagamit nito na kabilang sa isang lipunang may umiiral na kultura (Carpio et al., 2012) Tulad ng Nihongo, sumasalamin ito sa kultura ng bansang Hapon, tradisyunal man o kontemporanyo. Sa panahon natin ngayon, ang kultura ng Hapon ay may bahid ng kulturang popular. Patuloy pa rin itong yumayabong at pinapalaganap sa buong mundo. Ang mga halimbawa ng mga kontemporaryong kultura ng bansang Hapon ay ang Cosplay at Anime. Sa usapin ng ekonomiya sa bansa, malaki ang maitutulong ng bansang Hapon na makapagbigay ng trabaho sa mga Pilipino upang makatulong sa kanilang mga pamilya. Sa kasalukuyan, kilala sa buong mundo ang bansang Hapon. Dumedepende ito sa kanilang likas na yaman tungo sa kaunlaran at progresibong bansa.

9

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Upang maging ganap ang pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino sa mga Hapones, kinakailangan nitong magsanay at maging bihasa sa paggamit ng Nihongo upang magamit sa komunikasyon, magkaunawaan at makibagay sa kanilang paligid. Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga OFW o Overseas Filipino Workers. Maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa bansang Hapon dahil sa malaki ang kita doon, may ibang impluwensya ng barkada kaya nagtatrabaho sa Japan, ang iba ay para makatulong sa pamilya at makapag-aral ang mga anak o kapatid, hindi sapat ang kita ng kanilang asawa o sa kanilang negosyo at higit sa lahat, makaahon sa kahirapan upang makipagsapalaran at magkaroon ng magandang kinabukasan. (Ballescas, 1992) Ang Takbuhin ng Nihongo Sa tatlong aspekto na nabanggit sa itaas (politika, kultura, ekonomiya), nagkakaroon ng ugnayan at relasyon ang Hapon at Pilipinas; gayundin, ang maiangat ang antas at kagalingan ng mga nagtuturo at nag-aaral ng Nihongo. Ayon sa pag-aaral ni Deogracias Edwin P. Monica (The Japan Foundation, 1998), inilawaran niya sa kanyang papel ang kasalukuyang kalagayan ng edukasyon sa pagtuturo ng Nihongo sa parehong sekondarya at tersyaryang lebel sa mga piling institusyon mula sa listahan ng JFMO; at ilang obserbasyon ng pagtuturo ng Nihongo kung ano ang hamon at obligasyon nito sa Pilipinas. Sa lumabas na sarbey, karamihan sa mga guro ay nakuha ang kanilang lebel ng kalinangan sa pagtuturo ng Nihongo habang nag-aaral sa Hapon bilang iskolar. Dahil dito, lalo pa itong pinagiigting ang mga nagtuturo upang mapalawak pa ang komunikasyon at pagpapalit ng impormasyon sa mga kapwa-guro na nasa labas ng Kalakhang Maynila; at bigyang-suporta sa mga pagsasagawa ng seminar/kumperensya

10

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

tungkol sa nasabing wika hindi lamang sa mga Pilipino kundi sa mga Hapones na pumili at maglaan ng oras sa pagtuturo ng Nihongo. Kung ang Nihongo ang bahagi ng kanilang pagkakakilanlan ng mga Hapon, ito naman ang kabaligtaran pagdating sa relasyon at pagpapalitan-dunong ng ibang bansa. Kung ang mga Pilipino ay nag-aaral ng Nihongo, ang mga Hapones naman ay kinakailangan na mag-aral ng banyagang wika lalo na ang Ingles. Malaki ang pagsisikap na ituro ang Ingles sa Hapon, pero napakaliit ng tagumpay nito. (Yu-Jose, 1992) Kung minsan, alam nila ang mga termino sa Ingles pero mala-Hapon ang kanilang pagbigkas. Hindi lingid sa kaalaman natin na ang mga Hapones ay hindi ganoon kahusay sa banyagang wika. Nakakulong sila sa mga tradisyon at paniniwala. Kinakailangan tayo ng bansang Hapon upang tugunan ang kanilang problema sa pakikipagtalastasan sa ibang bansa. Natatakot din sila na habang dumadami ang nagsasalita ng wikang Ingles, sila ang nahuhuli at may posibilidad na humina ang kanilang kahusayan o mabawasan ang pagkakilanlan nila. Nangangailangan ng mahabang proseso upang malutas ang suliranin na kanilang kinakaharap. Sinisikap ng mga Hapones na matugunan ang kanilang kakulangan sa pag-aaral ng Ingles at ibang banyagang wika. Ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Mahalaga ang papel ng Wikang Pambansa sa pagpapaunlad at pagpapayabong ng mga katutubong wika sa ating bansa at ito ay nagsasama upang bumuo ng nagkakaisang nasyon sa buong sambayanan. Ito ay nagiging daan tungo sa pagiging intelektuwalisado nito. Bago matupad ito, maraming pang proseso ang dapat pagdaanan ng Wikang Filipino.

11

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Nagsimula ang pangarap noong 1935 na ang Wikang Pambansa ay may intensyong gawing wika ng mga mamamayang Pilipino. (Sibayan, 1999) Sa naganap na 1934 Kumbensyong Konstitusyonal, ang kapulungan ay bumalangkas sa paghahanda ng kasarinlan ng Pilipinas sa ilalim ng Estados Unidos. Ang pagpaplanong ito ay nauwi sa di inaasahang pagpasiyang pangwika. Bagamat nasa ilalim pa rin ng kolonisador ang Pilipinas noon, matagumpay nilang inilatag ang sistema ng edukasyon na wikang Ingles ang ginamit sa pagtuturo sa mga paaralan, ang mga delegado ay bihasang magsalita ng wikang Ingles at Kastila. Ang mga tagapagtagtaguyod ng mga katutubong wika ay nagpaligsahan para sa pagpili ng magiging batayan ng wikang pambansa. Ngunit noong Agosto 16, 1934, si Delegado Felipe R. Jose, isa sa 12 delegado mulang Mountain Province, at nagpahayag na: “Antes de comenzar, yo quisiera anunciar a la Mesa que el discurso preparado por mi nor esta en ingles, ni en castellano, esta en tagalog” (Bago ako magsimula, nais kong ipaalam sa hapag na ang inihanda kong talumpati ay hindi sa Ingles, ni nasa Espanyol, kundi nasa Tagalog.”). (Almario, 2014) Pinagpatuloy ang kanyang talumpati at lahat ay natauhan ang mga manorya sa kumbensyon. Dahil dito, nagsagawa ng mga pagdinig at tumanggap ng mga petisyon. Sa inilabas na ulat, ipinaliwanag nila na ang katutubong wika ay maging batayan ng wikang pambansa. Nasundan ito ng pagpasiyang “ibatay sa isa sa mga katutubong wika” ang wikang pambansa sa 1935 Konstitusyon. Ang paggalang sa iba pang katutubong wika ay naging daan sa pagbuo ng Surian ng Wikang Pambansa (Komisyon sa Wikang Filipino

12

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ngayon) upang pumili ng magiging batayan ng wikang pambansa. Ang wikang Tagalog ang nahirang na wikang pambansa alinsunod sa 1935 Konstitusyon. Sa sinasabing 100-taong plano (o tinawag na “Plano” ni Bonifacio Sibayan), malinaw na isinaad ang tunguhin ng plano ng Wikang Filipino simula noong taong 1937 at matatapos sa 2037. Dapat ay noong 1935 pa nag-umpisa ang plano ngunit pinili ni Sibayan na naging 1937 dahil hinirang ng Pang. Manuel L. Quezon ang mga naging unang miyembro ng Surian ng Wikang Pambansa. (Sibayan, 1999) Sa naunang 32 taon (1937-1969), naisagawa ang ilang Plano sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Narito ang iilan: 1937-1939 – Paghahanda at publikasyon ng balarila ng pambansang wika batay sa Tagalog 1940 – Simula ng pagsasanay ng mga guro ng pambansang wika; pagtuturo ng pambansang wika sa ikaapat na taon ng mataas na paaralan at sa katapusang taon ng mga kurso sa edukasyong pangguro simula noong Hulyo 19, 1940; kasabay ng paghahanda ng mga kagamitang panturo ng wikang pambansa 1942-1944 – Pagpapabilis ng paggamit ng pambansang wika at pag-aalis ng Ingles noong panahon ng Hapon. Nagpatuloy pa rin ito pagkatapos ng digmaan. 1946 – Sa ilalim ng batas ang pambansang wika ay naging opisyal na wika. Humigit-kumulang, simula noong 1947 o 1948 pataas – Ang pambansang wika sa mga paaralang pampubliko.

13

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

1947-1948. Pataas lalo na ang dekada 1950s – Ito ang pasimula ng paggigiit ng pambansang wika ng karapatan at kapantayan sa Ingles sa mga paaralan sa pamamagitan ng pagtatag ng posisyon ng “superbisor ng Pambansang Wika” at isang seksyon sa pagtuturo at superbisyon ng pambansang wika sa General (Central) Office sa Maynila at sa pampaaralang dibisyon sa probinsya at lungsod. Mga huling taon ng 1950s at dekada ng 1960s pataas – Mga panimula ng paggamit ng Filipino bilang wika ng pagtuturo at/o para sa pagsulat ng tesis para sa degring M. A. sa iba’t ibang kolehiyo at unibersidad sa Kalakhang Maynila. Idagdag pa, may inimungkahi ang Plano ni Sibayan na tunguhin at kaugnay na mga gawain para sa paglinang ng Filipino simula noong 1970. Narito ang mga sumusunod: 1970-1990 – Seryosong panimula ng isang intensibong programa sa pagsasalin ng mga malawakang importante at malawak na karunungan. Nangangailangan ng isang ahensya sa pagsasalin. Maaaring makipagtulungan sa mga kolehiyo at unibersidad sa ilang pagsasalin at publikasyon. 1990-2010 – Sa panahong ito, ang mga nasa negosyo at industriya ay dapat na sanang gumamit ng Filipino sa kanilang mga transaksyon. Maging ang pamahalaan ay may tungkulin ng paggamit ng Filipino sa iba’t ibang ahensya. 2010-2037 – Panahon ng pagpapakinis. Sa panahong ito halos kumpleto na ang pagpapakinis ng paggamit ng Wikang Filipino bilang pangunahing wika ng gawain sa halos lahat ng larangan ng wika (Language Domain).

14

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Sa loob ng panahong iyon, binigyang-katuparan ang mga hakbang mula 19702010. Tulad ng pagkatatag ng Patakarang Bilingguwal noong 1974, ang pagtakda ng Artikulo XV Sek. 2-3 ng 1973 Konstitusyon na “Pilipino” ang opisyal na wika ng komunikasyon at instruksyon kasama ang Ingles; pinagpatuloy ito ng Artikulo XIV, Sek.7 ng 1987 Konstitusyon na naging “Filipino” ang opisyal na wika ng Pilipinas para sa komunikasyon at instruksyon, at ang Executive Order No. 335 ng Pangulong Corazon C. Aquino na “Nag-aatas sa Lahat ng mga Kagawaran/Kawanihan/Opisina/ Instrumentaliti ng Pamahalaan na Magsagawa ng mga Hakbang na Kailangang Para sa Layuning Magamit ang Filipino sa Opisyal na mga Transaksiyon, Komunikasyon, at Koresyondensya.” Sa mga inilahad sa itaas, masasabing marami nang pinagdaanan ang wikang pambansa sa pagpapaunlad nito. Maraming isyu man na hinarap, ito ay tumitindig at napatunayan na malayo na ang narating ng pagtataguyod ng Wikang Filipino sa bansa. Sa hinaharap, marami pang hakbangin ang kailangang bigyan ng aksyon. Hindi lamang ito natatapos sa pagpapatupad ng batas, hanggat nabubuhay ang tao ay nabubuhay ang wika.

Ang Suliranin ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay may paksang “PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG MIDYUM NG PAGTUTURO NG BASIKONG NIHONGO TUNGO SA INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG PAMBANSA”. Natugunan ang mga sumusunod na suliranin:

15

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

16

1. Paano ginagamit ang Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng Basikong Nihongo? 2. Paano nakatutulong ang Wikang Filipino sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Basikong Nihongo? 3. Paano nakatutulong ang paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng Basikong Nihongo tungo sa intelektwalisasyon ng Wikang Pambansa?

Ang Layunin ng Pag-aaral Ang pag-aaral ng mga mananaliksik na may paksang “Paggamit ng Wikang Filipino bilang Midyum ng Pagtuturo ng Basikong Nihongo Tungo sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Pambansa”. Layunin ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1. Malaman kung paanong ginagamit ang Wikang Filipino

bilang midyum sa

pagtuturo ng Basikong Nihongo. 2. Mabatid kung paanong nakatutulong ang Wikang Filipino sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Basikong Nihongo. 3. Malaman kung paanong nakatutulong ang paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng Basikong Nihongo tungo sa intelektwalisasyon ng Wikang Filipino.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito na may paksang “Paggamit ng Wikang Filipino bilang Midyum ng Pagtuturo ng Basikong Nihongo Tungo sa Intelektuwalisasyon ng Wikang Pambansa” ay naging kapaki-pakinabang sa mga sumusunod:

Sa mga Mag-aaral Nakapagbigay ito ng ideya hinggil sa pagsasapraktika ng kanilang mga natutunan sa Nihongo gamit ang Wikang Filipino. Ang pag-aaral na ito ay nakatulong upang maiangat ang tiwala sa sarili na maging bihasa sa pag-aaral ng Nihongo gamit ang Wikang Filipino at sa pakikisalamuha sa iba pang mag-aaral at makakuha ng mataas na marka sa pagkatuto ng Nihongo.

Sa mga Guro Nakapagbigay ng mga payo at gabay kung paano maging mabisa ang pagtuturo ng Nihongo gamit ang Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo. Gayundin, upang malaman kung ano ang antas/lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral kung ang Wikang Filipino ang gamit na midyum ng pagtuturo. Nagbigay ito ng solusyon sa kanilang suliranin na mas epektibong gamitin ang Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo.

17

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Sa mga Mambabasa Nakapagdagdag ng impormasyon at napalawak ang kaalaman hinggil sa pag-aaral ng Nihongo at ang relasyon nito sa Wikang Filipino.

Sa mga Paaralan/Institusyon Natuklasan na epektibo ang paggamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng Nihongo at magkaroon ng paghikayat na paunlarin ang Wikang Filipino sa mga nagtuturo/nag-aaral ng banyagang wika, publiko man o pribado. Sa mga Mananaliksik Nagsilbing sanggunian sa mga susunod na pag-aaral na may kinalaman sa pagtuturo ng Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng Nihongo o iba pang banyagang wika. Sa Bayan Nakapagpaunlad ng sariling wika—Filipino; upang mapanatili ang paggamit nito sa iba’t ibang larangan partikular na sa pagtuturo ng banyagang wika at maging daan sa intelektwalisasyon ng Wikang Filipino. Saklaw at Limitasyon Ang pag-aaral na ito ay may paksang “PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG MIDYUM NG PAGTUTURO NG BASIKONG NIHONGO TUNGO SA

18

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG PAMBANSA” ay sasaklawin kung gaano ka-epektibo ang paggamit ng Wikang Filipino bilang wikang panturo ng Basikong Nihongo (kinapalolooban ng pagsasalita at pag-unawa ng mga pangungusap sa Nihongo, mga panimulang pagbati, pagsulat ng Hiragana, Katakana at Kanji, lubos na maunawaan at magamit sa pakikipagtalastasan gamit ang mga bokabularyo, at magkaroon ng kalaman sa kulturang Hapon sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dulang pang-Hapon) sa nagtuturo at mga nag-aaral sa dalawang Unibersidad: Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Sa tulong ng isa pang guro ng Basikong Nihongo sa PLMar na si G. Vidal S. Mendoza Jr. at guro ng Basikong Nihongo sa PUP na si G. Romeo P. Peña at sa pag-aanalisa ng mga bidyo o mga dokumentaryo ni G. Ramil Lagasca- isang Pilipinong TV Host, Atleta, Potograper at Kolumnista sa Japan. Nakatuon ang pananaliksik na ito sa pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro sa nasabing mga unibersidad at kung paanong intelektwalisado ang Wikang Filipino sa ganitong larangan. Maglalapat ang mga mananaliksik ng teorya ni Bonifacio Sibayan at Andrew Gonzalez patungkol sa intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino. Sinakop nito ang maliit na bahagi ng Edukasyong Pangkolehiyo ngunit hindi ang turismo, ekonomiya at pulitikal na aspekto nito.

19

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Balangkas Teoretikal Sa aklat ni G. Bonifacio P. Sibayan at G. Andrew Gonzalez sa kanilang The Intellectualization of Filipino (Other Essays on Education and Sociolinguistics) inilahad ang intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino. Una kailangan munang alamin kung ano ang kahulugan ng intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino. Ang intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino ay ang paggamit ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang larangan at domeyn ng karunungan; halimbawa ng mga ito ay sa indyiniring, medisina, batas, negosyo, industriya, agrikultura, edukasyon at iba pa. Ayon sa intelektuwalisasyon, nararapat na sa paggamit ng Wikang Filipino ay makapagbubukas ng panibagong mga kahusayang makapagtatamo ng isang malalim na pag-unawa o pagkatuto sa isang disiplina. Ang mga salita sa Ingles at iba pang banyagang wika na pinagmumulan ng bukal ng kaalaman sa iba’t ibang register ay nararapat na may katumbas sa Wikang Filipino. Ikalawa, may tatlong antas ng domeyn ang nararapat na masangkot sa pag-iintelelektuwalisa ng Wikang Pambansa. Kinlasipika ito ni Sibayan bilang mga Domeyn ng Wika. (i) hindi kumokontrol na mga domeyn ng wika (ii) bahagyang kumokontrol na mga domeyn ng wika at (iii) at kumokontrol na mga domeyn ng wika. Sa hindi kumokontrol na domeyn ng wika, sa barayti ng mga wika, ito ay ang nasa tahanan o ang tinatawag na lingua franca o ang wikang sinasalita at hindi naman ibayong kailangan sa pagsulat. Ang lingua franca ng Pilipinas ay Wikang Filipino. Sa bahagyang kumokontrol na mga domeyn ng wika, ito ay ang mga nasa relihiyon at libangan. Sa mga kumokontrol na domeyn naman na wika at pinakakrusyal sa lahat ay ang nasa administrasyon ng gobyerno, ang batas at ang hudikatura, lehistatura,

20

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

21

pangmadlang midya (na kinapalolooban ng telebisyon, palimbagan, radyo), edukasyon (sa lahat ng antas propesyunal, pang-agham, teknolohiya, negosyo, komersyo

at

industriya). Sa domeyn ng wika na ito ay nararapat na bigyang pansin ang pasalita at pasulat na diskurso. Nararapat na may kaukulang batas ang ipapataw upang sa gayon ay pormal na magamit ang Wikang Pambansa sa iba’t ibang larangan. Sa pagtatakda nito, nararapat na unawain muna ang kaibahan ng intelektuwalisasyon sa modernisasyon ng Wikang Filipino. Maaaring maging moderno ang wika ngunit hindi intelektuwalisado. Kapag moderno ang wika, ito ay ginagamit sa pangmadlang midya at sa mga pahayagan. Kapag intelektuwalisado, dapat na ito ay ginagamit hindi lamang sa midya kundi pinapasok din nito ang daigdig ng akademya. Ginagamit dapat ito ng mga nasa kontroling domeyn

ng

wika.

Halimbawa

sa

edukasyon,

nararapat

na

magamit

ang

intelektuwalisadong wika sa pagkatuto ng pisika, palakasan o kahit sa pag-aaral ng ibang wika upang makapagtamo ng bagong karunungan ukol dito. Sa pagtatamo ng intelektuwalisasyon at sa lahat ng mga aktibidad na ginugugulan ng oras upang mapayabong ang wika, ang karaniwang layunin nito ay mapaunlad ang identidad ng mga Pilipino. Ang nasyonalismo at pagmamahal sa bayan ang pinapaksa ng mga ito. Ngunit, sa ating panahon, kulang na ito. Bagamat kabilang pa rin ang mga ito sa mga rason, ang kapakinabangan natin sa Wikang Filipino ay isang praktikal na dahilan kung bakit nararapat na maging wika ng intelektuwalisasyon ang Wikang Pambansa. “Gusto nating mabigyang-kaalaman ang mga Pilipino sa pamamagitan ng Wikang Filipino.” (Sibayan 1999) Ang wikang sariling atin. Makapangyarihan ang wika kung makapangyarihan ang gumagamit nito. Isa pa, mayorya sa mga mamamayan ng Pilipinas ay hindi naman ganoon kahusay at katatas sa Ingles. Nararapat na ang wika ay

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

makasasapat sa mayorya, at ang wikang ito ay Filipino. Ang Ingles ay magiging o nagiging wika na lamang ng mga mayayaman, elitista at iyong mga may prebilehiyo. Filipino ang wikang sinasalita ng mga karaniwang Pilipino. Hindi sila maaaring maiwan na lamang sa ere. Hindi tayo maaaring maging kaaway ng mga mahihirap. Ang Proseso ng Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Gamitin natin ang terminong “balon” sa deskripsyon ng karera ng Wikang Filipino tungo sa intelektuwalisasyon nito. Napakalayo at napakalalim ng trabahong ito para sa mga tagapagtaguyod ng Wikang Pambansa. Hindi ito mabilisang proseso at kinakailangan ng malawakang pagkilos sa gawaing ito. Upang makapanik tayo sa hinahangad na intelektuwalisasyon ng Wikang Pambansa, kailangan munang alamin kung ito ba ay ginagamit ng mamamayan. Nararapat na makipagtulungan ang mga intelektuwal na Pilipino sa iba’t ibang larangan sa mga tagapagtaguyod ng Wikang Filipino. Nararapat na ang may mga kahusayan sa espesipikong larangan ay magkaroon ng pagsasalin mula sa mga salitang orihinal patungo sa Wikang Filipino. Dapat na tanggapin ng buo ng mga mamamayang mapaintelek man o hindi ang Wikang Filipino bilang bukal ng kaalaman. Hindi ibig sabihin na kapag nasa bibig ng mga tao ang wika ay sapat na ito. Nararapat na maisulat ang mga ito. “Kung walang nakasulat sa Filipino sa mga iba’t ibang asignatura, hanggang kailanman, hindi pwedeng gamitin ang Filipino na panturo sa mga disiplinang teknikal, atbp.” (Sibayan 1999)

22

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Edukasyon bilang Domeyn ng Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Ang papel ng Wikang Filipino sa intelektuwalisasyon ay nakatuon sa pagpapaunlad ng Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng antas ng edukasyon mula sa elementarya hanggang sa tersyarya o unibersidad. Upang umigpaw pang lubos, nararapat na gamitin ang Filipino sa mga kumokontrol na domeyn ng wika, ito ay ang gobyerno at mga pribadong sektor. Nararapat na maisalin sa Filipino ang mga akdang matagal nang nakasulat sa Ingles o iba pang pangunahing wika na ginagamit sa daigdig. Kung makapag-ari tayo ng ganitong mga akda, ang mga banyagang wika ay hindi na magiging sagabal sa pagkatuto natin sa iba’t ibang karunungan sa mundo dahil mayroon na nito sa Wikang Filipino. Halimbawa, kapag ginamit ang Wikang Filipino sa pagkatuto sa larangan ng inhinyero, pisika, ikalawang wika o iba pa ay posible, mas mapadadali at mapagagaan ang pagkatuto. Sa madaling sabi, hindi na lamang nasa memorya o pag-iisip ng tao ang kaalaman bagkus ito ay naisasalin, naroroon at libreng nagagamit ng mga intelektuwalisadong tagapagsalita ng intelektuwalisadong wika. Ayon sa mga tagapagtaguyod ng Wikang Pambansa sa intelektuwalisasyon, hindi mapauunlad ang Wikang Filipino hangga’t hindi ito ginagamit bilang midyum ng instruksiyon sa lahat ng antas ng sistemang pang-edukasyon mula sa elementarya hanggang sa mga pamantasan. Ang pag-iintelektuwalisa ng wika ay dedepende kung ang wika ay nagagamit sa domeyn ng mga trabaho at pakikipagkalakalan. Halimbawa sa siyensya at teknolohiya, komersyo, industriya at sa iba’t iba pang disiplina. Nararapat na nakapaghahabi ito ng karunungan

23

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

upang makapag-ambag sa bayan at sa pagpapayabong nito. Sa karanasan ng Pilipinas ay nagpapakita na ang mga teknikal at bokasyunal na mga mamamayan ang may malaking kakayahan sa pag-intelektuwalisa ng Wikang Filipino dahil sa espesiyalisasyon ng mga ito sa kanilang ginagawa. Halimbawa, ang mga wikang nakahanay sa listahan ng mga “wikang intelektuwalisado” katulad ng Ingles, Pranses at Ruso, napaunlad ang kanilang bansa dahil sa paggamit ng kanilang wika. Sa ating kaso, ang paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng instruksyon sa akademya ay isang lunsaran ng pagiintelektuwalisa ng Wikang Filipino.

24

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Balangkas Konseptuwal

Ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino Ni Bonifacio P. Sibayan at Andrew Gonzalez

Paggamit ng Wikang Filipino Bilang Midyum sa Pagtuturo ng Basikong Nihongo

Pagtuturo at Pagkatuto ng Basikong Nihongo

Mga Pagkukunang mga Datos (Obserbasyon, Pagsusulit, Panayam, Presentasyon o Dokumentaryo)

Kabisaan ng Paggamit ng Wikang Filipino Bilang Midyum ng Pagtuturo ng Nihongo

Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino

25

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

26

Hindi mabilang na dulog o estratehiya ang iminumungkahi sa mga guro ng pangalawang wika. Maraming usapin at panukala sa isyu kung ano ang gagamiting wikang midyum sa pagtuturo ng banyagang wika. Sa balangkas konseptuwal na ito, ipinapakita na umangkla ang mga mananaliksik sa teorya ni Bonifacio P. Sibayan at Andrew Gonzalez na pumapaksa patungkol pagiging intelektuwalisado ng Wikang Filipino dahil sa kakayahan nitong magamit upang maging daan sa iba’t ibang larangan at disiplina ng karunungan. Susukatin ng mga mananaliksik ang kabisaan nito sa pamamagitan ng obserbasyon sa tatlong klase na may dulog na Basikong Nihongo at gumagamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo, sa pagkuha ng mga resulta ng pagsusulit, at sa mga panayam mula sa mga guro at mag-aaral ng Basikong Nihongo upang masukat ang antas ng kabisaan ng paggamit ng Wikang Filipino sa pagkatuto ng nasabing banyagang wika. Isang basehan din ang mga dokumentaryo ni Ramil Lagasca. At kung mapatunayan ng Wikang Filipino ang kakayahan nito sa pagtuturo at pagkatuto ng Basikong Nihongo, maging isang halimbawa, daan, parte ang edukasyon sa pagtuturo ng banyagang wika sa takbuhin tungo sa katagumpayan ng Wikang Filipino upang kasamang

mailuklok

ang

Wikang

Pambansa

sa

iba

pang

mga

Wika

ng

Intelektuwalisasyon. Katuturan ng mga Salitang Ginamit Anime. Isang pabalbal na salita sa wikang Hapon. Ang kahulugan nito ay mga larawang gumagalaw na iginuhit. Ayon sa isang guro mula sa Bulacan State University, ang salitang anime ay nagmula sa salitang “Anima” na ang kahulugan ay kaluluwa. Dahil sa pagbibigay buhay sa mga makukulay na iginuhuit na larawan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Baylingguwalismo. Ipinapakitang kakayahan sa pakikipag-usap sa pamamagitan ng dalawang wika. Ito’y hindi nangagahulugan ng kahit na anong natatanging kapantayan ng ipinakikitang kakayahn o sa ano mang natatanging uri ng pakikipag-usap. Cosplay. Mas kilala sa katawagang Costume Play. Terminong ginagamit para ilarawan ang isa sa mga tanyag na subculture ng bansang Japan kung saan ang mga artista o mga taong nagsasagawa ng Cosplay na mas kilala sa tawag na Cosplayers ay masayang nagbibihis kahalintulad ng mga nais nilang pisiyonal na karakter. Cultural Antropology. Isang sangay sa Antropolohiya na tumatalakay sa kalinangang pantao at lipunan. Hiragana. Ito ay mga karakter na ginagamit sa pagsusulat ng katutubong salitang Hapon. Ingles.Internasyonal na wika o global na wika Japan Foundation. Isang pampublikong institusyon na nakatuon sa pamamahagi ng kaalaman, kultura at wikang Hapon sa mga mamamayan sa bung mundo. Kanji. Ang sistema ng pagsulat ng Nihongo gamit ang mga Chinese na karakter. Katakana. Ang mga karakter na ginagamit sa pagbuo ng mga salitang nagmula sa dayuhan. Ginagamit ito sa pagsulat ng mga pangalan na hindi Hapon (foreign names). Minsan ito’y ginagamit bilang pamalit sa mga mahihirap na kanji o magbigay ng tuon. Ang mga hayop at prutas ay karaniwang isinusulat gamit ang katakana. Metropolitan. Pangkalakhang lungsod.

27

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Midyum. Wikang tagapamagitan. Gamit na wika sa pagsasalita, pagtuturo at pagpapaliwanag. Mindanao Kokusai Daigaku. Ang tanging kolehiyo sa mundo na pagmamay-ari at pinapatakbo ng mga (Japanese Descendants) ninuno ng mga Hapon o Nikkei-Jins. Itinayo ito upang bigyang kaloob ni Gng. Ayako Uchida na asawa ni Datu-Bago Tasuo Uchida, isang repetadong “ama” ng Nikkei-Jin sa Davao. Mother Tongue. Katutubong wika. Unang wika na nagtataglay o natutunan ng bata mula sa kanyang kapaligiran. Multilingguwal. Ang multilingguwalismo o multilingguwal ay angpaggamit ng dalawa o higit pang salita ng isang indibidwal o komunidad. Nihongo. Opisyal na wikang ginagamit sa bansang Hapon. Ang wikang Hapones o wikang Hapon (Nihongo, Nipponggo) ay sinasalita ng mahigit sa 130 milyong katao, UNESCO. United Nations Educational Scientific Cultural Organization. Ang laynin nito ay palawakin ang kaisipan ng mga mag-aaral tungkol sa edukasyon, kalinangan at agham. Wikang Bernakular. Dayalekto ng iba’t ibang lalawigan at rehiyon. Katutubong wikang pang-araw-araw na gamit sa isang partikular na lugar. Wikang Filipino. Opisyal na Wikang Pambansa ng Pilipinas.

28

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

29

KABANATA II PAGLALAHAD NG MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Ipinapakita sa kabanatang ito ang iba’t ibang pag-aaral na may kinalaman sa isinasagawang pag-aaral na may paksang “PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG

MIDYUM

NG

PAGTUTURO

NG

NIHONGO

TUNGO

SA

INTELEKTWALISASYON NG WIKANG PAMBANSA” ng mga mananaliksik. BANYAGANG PAG-AARAL Sa librong Japanese Language Teaching sa kabanata 6 na “The Experimental Methodology” ng isang pag-aaral, binigyang-pansin ang kahalagahan ng pananaliksik ng tamang teoryang gagamitin para sa mas mainam na pagtuturo o pagkatuto ng pangalawang wikang ituturo o pinag-aaralan. Para kina Larsen-Freeman at Long (1991), upang maitaguyod ang ekperimental na pananaliksik sa lawak ng mga hakbanging pagtuturo, panlokal na mga pagsasanay ang dapat pagtuunan ng pansin. Ang pagtingin ng espesipiko at mas pinong obserbasyon sa mga mag-aaral ay kinakailangan. Ayon naman kay Spada (1990) sa pagtuturo ng pangalawang wika, proseso at produkto nito ang sangkap sa hustong pagtuturo. Sa gayon, kung positibo ang proseso, positibo ang tugon ng produkto. Sa isang pag-aaral sa Namibian School sa Africa patungkol pa rin sa paksa ng pananaliksik na ito, sinabi na ang isang teorya ay hindi para sa lahat ng katulad na pagaaral; depende ito sa lugar na sakop at sa sitwasyong kinahaharap ng bansa na may kaugnayan sa tuon ng pananaliksik. Kaya naman, hindi maaaring mapatunayan kung

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

tama o mali ang isang teorya dahil ang magtatakda nito ay ang lagay ng isang bansa sa usapin ng pagtuturo at pagkatuto ng pangalawang wika. Ang matagumpay na henerasyon ay bunga ng matagumpay na henerasyong bago sila. Kapag nagdulot ng mahusay ang naging pagtuturo at pagkatuto, ito ang magiging batayan ng susunod sa kanila. ‘’Dahil sa wika, tayo ay nakapagbabahagi, nakapangangatwiran, nakalulutas ng suliranin at nakapagpipino ng karanasan. Ngunit, upang mangyari ang bagay na ito, ang gumagamit, nagsasalita o nagsusulat man ay nararapat maging mahusay, pamilyar at komportable sa kanyang wika.’’ (Senkoro 2004: 47) Ibig sabihin, sa kaso natin, kailangang bigyang espasyo ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng banyagang wika. Ngunit, hindi lamang ito upang magamit at mapansin bilang pansuporta lamang sa oras na kritikal ang pagtuturo ng Nihongo at iba pang target na wika. Sa kabilang dako, sinasabing malaki ang kaugnayan ng wika sa kaunlaran. Patunay dito ang pagkakatatag ng African Academy of Languages (ACALAN) sa Africa. Tulad ng Pilipinas, mabibilang ang Africa sa mga bansang may mababang antas ng ekonomiya at nagtataglay ng maraming wika. Nabuo ang nabanggit na samahan matapos masuri ang hambingan ng mga polisiyang pangwika at kaunlaran ng bansa (Alexander 2005). Ganito ang maaring lunsaran ng pagpapaunlad sa larangan ng edukasyon partikular na sa pagtuturo sa Pilipinas. Nararapat ang mapagpalayang edukasyon sa bayan. Kapag sinabing edukasyon sa bayan ay hindi lamang dapat ito tumutukoy sa iilang mga tao na kakayahang makapag-

30

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

aral. Tulad sa obserbasyon ni Gunnar Myrdal noong 1968, ayon sa kanya, sa patuloy na paggamit ng wikang Europeo sa mga modernong negosyo, indusriya, administrasyon at lalo na sa mataas na edukasyon habang ang ginagamit na wika ng mga ordinaryong tao ay ang kanilang inang wika, kailanma’y hindi mabibigyan ng pagkakataon ang mga bayang nasa laylayan ng tinatawag na “pag-unlad” upang mapayabong. Sa ating kaso, hindi natin maaaring isawalang-bahala ang mga ito. Nararapat na ang Filipino ay maging wika ng aspirasyon; ito ay mangyayari lamang kung magiging wika ito ng mga kumokontrol na domeyn na wika at magagamit ng husto sa mataas na antas ng edukasyon at propesyon. Ito ang layunin natin sa pag-intelektuwalisa ng Wikang Pambansa.

LOKAL NA PAG-AARAL Napakahalaga ng karanasan sa pagkatuto ng isang tao sa disiplina na kanyang piniling pag-aralan. Dedepende ang pagkatuto sa kung paano niya pinrosesong unawain ang mga bagay na naging daan ng kanyang pagkatuto. May makabuluhang impormasyon mula sa nagdaang pananaliksik maging sa iba pang bagong pag-aaral sa Pilipinas at sa buong mundo na nagpapatunay na ang paggamit ng inang wika ay pinakaangkop na gamitin para sa literasi at edukasyon sa mga lipunang multilingguwal tulad ng Pilipinas. (Nolasco, 2008). Sa kabilang dako, sa pag-aaral na isinagawa ng Mindanao Kokusai Daigaku Journal (2005), ang pag-aaral na A Follow-up Study of Japanese Language Learners in Davao City. Pinag-aaralan ng isang mag-aaral ang isang wika dahil nais nitong magamit

31

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

at makipagtalastasan sa mga katutubong tagapagsalita nito, nais nilang makaalam ng ibang kultura at matutuhan ang tungkol sa bansa kung saan sinasalita ang nasabing wika. Maituturing na ang Nihongo ay isang wikang hindi madaling matutuhan. Kaalinsabay ng katayuan ng Nihongo ang katayuan nila sa lipunan. Sa kultura ng mga Hapon, isa ang katayuan sa mahalagang gampanin. Sa global na usapin, isa ang Nihongo sa nangungunang banyagang wika na pinagaaralan. Ito ay dahil na rin sa hindi mapagkakailang pagtaas ng bilang ng mga negosyo at industriyang Hapon sa lahat ng panig ng mundo, kaya isa na ring pangangailangan ang pag-aralan ang kanilang wika upang makipagkalakalan (MKD Journal Vol. 3, 2005). Itinuturo ang wikang ito sa mga eskwelahan at kolehiyo bilang bahagi ng kanilang kurikulum (MKD Journal Vol. 5). Sa Metropolitan areas sa Pilipinas, ang pag-aaral ng Wikang Hapon ay inaalok sa iba’t ibang lebel ng pormal at di-pormal na edukasyon (The Japan Foundation, 2004). Mahalaga na ang isang guro ng Nihongo ay may sapat na kaalaman, estratehiya at mga metodo sa pagtuturo ng wika upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang mga aralin (MKD Journal Vol.4, 2006).

SINTESIS NG MGA KAUGNAY NA BANYAGA AT LOKAL NA PAG-AARAL Sa pagsusuri sa “The Experimental Methodology”, naipakita ang kahalagahan ng pagbabatayang teorya upang makapaglutas ng problema sa mag-aaral ng banyagang wika. Mahalagang nakabatay sa panlokal na pangangailangan ng tutunguhan ang maging

32

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

salalayan ng posibleng solusyon. Kailangang nasa pabor ng mga mag-aaral (dahil sila ang tinuturuan) ang batayan ng maaring maging proseso ng gagawing hakbang sa pagkatuto. Ipinakita sa pag-aaral ni Rathore at Panchoii sa “Effects of Medium of Instruction on Students Anxiety”, ginamit dahil napag-alaman kung paanong makatutulong ang likas na wika sa pagkatuto ng banyagang wika. Nagkaroon ng oryentasyon ang mga mambabasa na may malakas na pwersa ang wika upang makapagpagaan ng daloy ng pagaaral at may naunawaan kung paano o nakakaapekto sa mag-aaral sa kanyang emosyon, pagtanggap at pagpapahayag. At dahisinagawang pag-aaral sa Africa, upang maintelektuwalisa naman ang wika, nararapat na kaakibat ng pag-unlad ng bansa ang kanilang wika. Binibigyang-pansin sa lokal na pag-aaral ang papel ng paggamit ng katutubong wika o Inang Wika (Mother Tongue) sa porma ng edukasyon na isa sa mga pangunahing pangangailangan upang malinang at magamit sa pagpapalitan ng talastasan sa mga Hapon. Sa pinakitang mga pag-aaral ng Mindanao Kokusai Daigaku, mahalagang pagaralan ang Nihongo para matugunan angkinakailangan ng mga mag-aaral na matutuhan at maisapraktika ang kanilang kaalaman sa pag-aaral. Nakasalalay ang pagkatuto sa paraan ng pagtuturo ng guro at kung anong midyum na mas magaang gamitin. Mahalaga ang binahaging kaalaman nina Pascasio at Nolasco na mas mainam na gamitin ang katutubong wika dahil mas epektibo ang pag-aaral ng Nihongo na maunawaan ang nilalaman ng pag-aaral para sa mga Pilipino. Maraming pananaliksik na ang napatunayan na tunay na epektibo ang paggamit ng katutubong wika sa mga naunang batis ng

33

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

karunungan tulad ng agham, teknolohiya, humanidades, araling panlipunan, at iba pa. Ang katutubong wika ay nararapat na ituro sa mga Pilipino dahil sila ang nag-aaral ng anumang asignatura na makatutulong sa kanilang pag-unlad.

BANYAGANG LITERATURA Magkayakap ang wika at kultura. Nakadantay ang wika sa kanyang kultura at ang kultura sa kanyang wika. Ang kultura ang basehan ng wika at masasabi na kung gaano kayaman ang kultura ay gayun din ang kanilang wika. Ang halimbawa ng isang bansang mayaman sapagmamahal sa wika at kultura ay ang bansang Hapon. Kaya marami sa ating mga Pilipino ang nag-aaral at nagtuturo ng kanilang wika. Ngunit bago ito ituro, kailangan o mahalagang pag-aralan ng tagapagturo ang kulturang kanyang ituturo. Ang wika ay parte lamang ng isang kultura na kinabibilangan ng tao sa lipunang kanyang kinapapalooban. Ayon kay Lado(1964), sa kanyang “ Language Teaching A Scientific Approach”, “Cultural Anthropology is useful to the language teacher in determining the cultural content is to be learned the order of presentation, and what content beyond the scope of anthropology of educated individuals in a society.” Sa maagang sabi, kailangan ng isang guro na pag-aralan ang antropolohiyang kultural ng isang bansa kung saan ito ay magiging batayan ng kanyang pagtuturo at kung gaano ito magiging epektibo.

34

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Tuntungan ng tinatarget mong kultura o wika ang iyong wika at kulturang katutubo. Ang karanasan at kaugalian kung ika’y likas na nag-aaral ng iyong katutubong kultura ay nakaiimpluwensiya ng malaki sa inaaral na pangalawang kultura at wika sa kasalukuyan. Gayunpaman, hindi natin isinasara ang kahalagahan ng paggamit ng Nihongo o Ingles man sa pakikipag-usap, pakikipagtalastasan at pakikipagkomunikasyon sa mga mag-aaral sa loob at labas ng klase dahil makatutulong ito sa pag-inog ng kabatiran ng mga estudyante hindi lamang sa pag-aaral ng Nihongo kundi sa iba pang pag-aaral. Ang pagkatuto ay hindi lamang sa usapin ng gagamiting wika sa pagtuturo, mahalaga rin ang gumagamit ng wika. Ang relasyon ng guro at mag-aaral ay isang matibay na pundasyon sa pagkatuto. Sa aklat na Whole World Guide to Language Learning ni Terry Marshall (1989) na ang pagpaplano kung paanong mabisang makapagtuturo ay nangangailangan ng kooperasyon. Dapat ay nakikinig ang mag-aaral sa guro at ganoon din ang guro sa kanyang mag-aaral kahit na iba ang wika at ang kinalakhang kultura ng isa. Nakapagbubuo ito ng relasyon na isang mahalagang sangkap ng pagkatuto. Hindi dapat laging idinidikta lamang ng guro ang itinuturong wika at nararapat na may palitan sa pagitan ng dalawa. Katulad na lamang ng pahayag ni Paulo Freire sa aklat na Pedagogy of the Oppressed (1970) na pumaksa ng Banking Approach. Ayon sa kanya, hindi dapat laging taga-deposito lamang ang mga guro at bangko naman ang mga nag-aaral. Hindi na dapat maging Pasalaysay ang pagtuturo. Ang hungkag na sistema ng edukasyon ay kailangan nang kitlin. Sabi niya,

35

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Narration (with the teachers as narrator) leads the students to memorize mechanically the narrated content. Worse yet, it turns them into “containers,” into receptacles” to be “filled” by the teacher.” Ang ganitong uri ng edukasyon ay hindi masasabing matagumpay. Kung ang guro at mag-aaral ay walang pagkakaunawaan at isang bangko lamang ang mag-aaral o garapong taga-tanggap ng datos gamit ang pagmememorya habang siya ay may kalituhan, hindi nagtatagal o hindi nagiging ganap ang karunungan. Hindi nabibigyang pagkakataon ang mga mag-aaral na tumuklas gamit ang kanilang mga natutuhan. Upang magkaintindihan, nararapat na talos ng guro ang pangangilangan ng mag-aaral sa pagkatuto hindi lamang sa inaaral na banyagang wika kundi sa iba pang uri ng pag-aaral.

LOKAL NA LITERATURA Malaki ang nagagawa ng wika sa paghugis ng kamalayan. Ito ay makapangyarihan. Hindi ito pasibong sumasalamin o nagpapahayag lamang ng katotohanan. Naisasabuhay natin ang katotohanan. Walang iisang unibersal na katotohanan. Bagkus mayroon lamang mga katotohanang humuhugis sa malaking bahagi ng ating wika (Daluyan, 1993). Tunay na makapangyarihan ang wika. Ang wikang ginagamit ang pinakaunang sangkap na huhubugsa kamalayan ng tao upang mabatid ang napakaraming katotohanan at karunungang magagamit na magkaroon ng kaunlarang pangwika.

36

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Ngunit wala tayong nasasasikhang malinaw na pagtaguyod sa sariling wika. Tila kulang ang atensiyon at pagtitiwalang inilalaan natin, lalo na ng mga nasa posisyon at awtoridad, para maisakatuparan ang pangako at kapangyarihan ng Wikang Filipino. (Daluyan, 1997) Tulad na rin ng nangyayari sa kasalukuyan. Walang malinaw na pagpapahalaga ang nangyayari sa pagpapaunlad ng wikang pambansa. Kung mayroon mang ahensya na dapat manguna sa pagpapaunlad sa wikang pambansa, ito ay ang ahenyang panggobyerno na itinatag sa gayong layunin. Sa bisa ng Batas Republika Blg. 7104, nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) noong Agosto 14, 1991. (Santos,2002) Ang ahensya na inaasahang magiging boses sa mga usaping pangwika. Noong ika-10 araw ng Marso, 1993 naghain ang KWF sa pangunguna ni Punong Komisyoner Ponciano B.P. Pineda ng Resolusyon Blg. 93-2 na nagtatakda ng programa ng paghahanda at pagpapahanda ng kinakailangang gamit sa pagtuturo at/o pagkatuto ng Wikang Filipino, at sa paggamit nito bilang midyum sa pagtuturo. Layunin ay ang sa mabisang maituro ang Wikang Filipino at magamit bilang midyum sa pagtuturo ng antas ng edukasyon. Kaugnay din ang paghahanda at pagpapahanda ng mga kinakailangang mga kagamitan, babasahin at iba pang uri ng pantulong sa pagtuturo at/o pag-aaral (KWF, 1996). “the implication is that in order to be a successful language teacher, one must first look into the learner’s capabilities and incapabilities before concentrating on the

37

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

language, as the learners are consideredand should be made aware that they are the most important factor in the learning process.”(Habaluyas-Peñaflorida, 2000) Ang wikang taglay ng guro ang magsisilbing wika sa loob ng klase. Ito’y isang mahalagang katangian sa lubusang pagkatuto ng mag-aaral. “The best way to impart basic knowledge to children is by means of their nature tongue.”(Miclat, 2001) Sinasabing waring bagong hango sa karagatan ang utak ng mga bata kaya madali pa para sa kanila ang tumatanggap ng mga ideya. Para sa mga basikong kabatiran, malaki ang naitutulong ng kanilang likas na wika sa pagkatuto at paghubog ng kanilang pagkatao. Sa kabilang dako, ang wika ayon kay Plato ang siyang pangunahing kaparaanan ng tao sa pag-iisip. Natatakdaan ang ating pag-iisip ng mga kategoryang panlinggwistika na ating alam. Samakatuwid, nagkakayon ang ating iniisip sa pamamagitan ng wikang ating ginagamit sa pag-iisip. Ang ating iniisip ang siya namang nilalaman ng ating wika (Constantino,et.al, 1996). Madadalumat na mas madaling nakapag-iisip ang mag-aaral kung bihasa at naiintindihan niya ang wikang ginagamit na midyum ng kanyang guro sa pagtuturo. Sa gayong paraan nakabubuo ng mas malawak na anyo ang tinuturuan ng pagkatuto. Maging ang mga Amerikanong kolonisador ay kumikilala sa mabisang pagtuturo sa katutubong wika. Tinagubilin ni Presidente William Mckinley noong 1900 sa komisyong pinamunuan ni William H. Taft na “primary instruction should be given in

38

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

39

the first instance in every part of the island in the language of the people.” (Constantino,et.al, 1996) Sa makatuwid ang Wikang Filipino ang para sa Pilipino. Hindi tayo dapat labis na mangilala sa itinuturing na wika ng kapangyarihan. Ang tamang saloobin ay ang pagkilalang mayroong maiaambag ang Filipino sa dakilang pamumukadkad ng kaalaman ng siglo 20. Binigyang diin naman ni Dr. Paraluma Giron ng DepEd sa kanyang lektyur na may pamagat na “The Mother Tongue-Based Multilingual Education The Philippines Challenge” ang paggamit ng wika ng bata bilang midyum ng pag-aaral. Sang-ayon kay Giron, ang unang wika ay ang wika ng bata sa kanyang tahanan. Ang kanyang pag-iisip ay nakabalangkas sa wikang ito kung kaya dahil dito ang pagkatuto sa unang wika ay maghahanda sa bata upang maging multilingguwal. Dagdag pa ni Giron ang pagtuturo gamit ang unang wika ay isang mainam na puhunan kung ang layon ay tumulong sa batang mag-aaral na sa dakong huli ay makatatamo ng maaring pinakamataas na antas ng kasanayan sa nilalaman at kahusayan sa pangalawang wika. Binanggit niya na maraming pag-aaral at saliksik ang nagpatunay na mas maigi at mabilis na natututunan ang pangalawang wika kung antimano ay mataas ang bata sa kanyang unang wika, natututunan din aniya ng bata ang ibang mga asignatura na mas madali

kung

ito’y

ituturo

sa

isang

(wika.pbworks.com/w/page/8021659/Filipino)

wikang

malapit

sa

puso

ng

bata.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Bigyang sipat natin ang pahayag ni Bienvenido Lumbrera sa dyornal na Kartilya ng Wikang Filipino Bilang Wika ng Edukasyon na “Anumang wika ay imbakan ng karunungan. Mabubuksan ang kaban ng pandaigdigang kaalaman. Sa katunayan, ang dimakatwirang pagbibigay-diin natin sa Ingles ay naglilimita sa karunungang maaari nating pakinabangan sa ibang pangunahing wika ng daigdig tulad ng Aleman, Espanyol, Hapones, Pranses, Ruso, Tsino, at iba pa. Ang Wikang Filipino ay may kakayahan ding maging imbakan ng karunungan. At bahagi na ating ganap na intelektuwal na paglaya ang patuloy na pagpapaunlad at pagpapalaganap ng Filipino bilang tunay na wikang akademiko.” Nagiging mababa ang pagtingin ng karamihan sapagkat mas ginagamit ang wikang itinuturing na makapangyarihan, na ang wikang ito ang magbubukas sa marami pang karunungan na ikauunlad sa sariling kapakinabangan. Pagmamaliit sa kakayahan ng katutubong wika na makipagtunggali at maipakita ang pagiging intelektuwal nito sa globalisayon. Tanikala ng pag-unlad ng Wikang Pambansa ang pagtingin ng marami na Ingles lamang ang nararapat na maging nasyunal na wika sa ating bansa dahil sa ito lamang ang may kakayahan na makapagbukas ng iba’t ibang karunungan. Kabilang ang pagpapalit at paglilipat ng wika (language replacement and shift) sa higit ding masalimuot na lawak ng pag-aaral na binibigyang-pansin ng mga tagaplano ngunit isa sa pinakamahalagang salik ng pagpapaunlad. Ang papel ng Wikang Filipino na may kinalaman sa Ingles at sa ibat ibang lawak ng wika o language domains, ang papel ng Wikang Ingles sa Intelektuwalisasyon ng Filipino, ang karapatan na pangwika ng isang tao o pangkat ng tao (language right), ang kontribusyon ng ibang katutubong wika

40

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

sa pagsulong ng Filipino at ang intelektuwalisasyon ng Filipino sa ibat ibang lawak. (Gangoso, 1998) Ang pagpapaunlad o intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino ay hindi isang mabilis na gawain para sa lahat ng may kinalaman sa pagtuturo, pagsulong at pagpaplano ng wika, gayun din sa lahat ng mga tagapagtaguyod, tagapagtanggol at tagatangkilik ng wikang pambansa. Ayon kay Sibayan (1993) dapat maunawaan na ang isang intelektuwalisadong wikang gaya ng Ingles na ginagamit sa controlling domain ng wika ay hindi ganoon kadaling mapalitan. Hindi sapat ang mga dahilang nasyonalismo o pag-ibig sa bayan at patriotismo pag-ibig sa bayang tinubuan gayundin ang identidad upang palitan ang Ingles. Hindi lamang ang Wikang Filipino ang dapat gawing intelektuwalisado kundi maging ang kaisipan ng mga tagatangkilik, tagapagtaguyod at tagapagtanggol ng Filipino (Gangoso, 1998). Hindi maaring maging intelektuwalisado ang wika hangga’t hindi tinatanggap ng mga mamamayan nito na nararapat tayong maging mga intelektuwal. Sa Resolusyon Blg. 94-3 noong ika-19 ng Oktubre hinggil sa pinabilis na intelektwalisasyon ng Filipino na naghahayag na dapat pag-ukulan ng KWF ng panguna at ibayong diin sa panunuparan ng tungkulin nito ang pinag-ibayong gawain tungo sa mabilis na intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino. (KWF, 1996) Kinakailangang palawakin ang paggamit nito sa daigdig ng akademya upang lubos ang pagsulong nito. Dapat itong tanghaling wika ng iba’t bang disiplina katulad ng edukasyon at midyum ng pagsulat sa mga larangang kinabibilangan ng panitikan,

41

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

linggwistika, pananaliksik, at maging sa agham at teknolohiya para sa mabisang intelektwalisasyon ng wika. Ang mga institusyong nasa antas tersyarya ang mangunguna sa patuluyang intelektwalisasyon ng Filipino. Gayunman, ang programa ng intelektwalisasyon ay itataguyod din sa elementarya at sekundarya. (Patakaran sa Edukasyong Bilinggwal 1973 at 1987) Walang tigil sa pagsasagawa ng ibat ibang aktibidad para sa debelopment ng Wikang Filipino tungo sa intelektwalisasyon nito ang KWF. Pinangungunahan na ng malalaki at kilalang mga unibersidad sa Metro Manila tulad ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Dapat maunawaang ang Wikang Filipino, kung hindi pa man nagagamit sa pagtatamo ng matataas na antas ng karunungan, ay hindi nangangahulugang isang mahina at dahop na wika. Kailangan lamang nito ng sapat na panahon at tamang mga taong mangangasiwa sa mga gawain upang ito ay maging isang wikang intelektwalisado. Ang intelektwalisasyon ay susi sa lalong maunlad na pagtuturo at pagkatuto ng alinmang uri ng karunungan. Hindi maaring malimitahan ito ng uri ng taong gumagamit, nararapat na masipat dito ang matinding kalakasan upang makapagtamo ng bagong karunungan. Tuluyang maaangkin ng Filipino ang pagiging intelekwalisadong wika kung bibigyan ng bawat mamamayang Pilipino ng pagkakataong mangibabaw ang wikang ito sa lahat ng domeyn ng wika tulad ng mga intelekwalisadong wika gaya ng Aleman, Pranses, Ingles, at iba pa.

42

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Sa kabilang dako, inakala nilang ang pagtuturo ng Ingles, sa kung anong mahiwagang kaparaanan, ay hahantong sa pagpapayaman ng mga demokratikong konseptong nakatalaga nilang ihasik. Subalit hindi ito nangyari. Hindi lamang ito naangkin ng masang Pilipino, sa kabila ng sapilitang walang bayad na edukasyong primarya, manapa, naging kasangkapan pa ito sa pagbigo sa demokratikong proseso sa bansa. (Constantino,et.al., 1996) Samakatuwid, dahil Ingles ang pinakadominanteng wika sa kasalukuyan, ito ay nararapat na payabungin bilang pangalawang wika lamang. Nararapat itong pagyamanin upang magamit sa inobasyon ngunit nangangailangang ito ay bigyan ng sapat na panahon upang maituro ng mga mag-aaral sa hiwalay na pamamaraan at hindi sa agarang paggamit bilang isang tsanel sa pagkatuto ng pangalawang wika. Mangangailangan ng ibayong kalinga bago maitatanghal ang respetadong wika. May nagsasabi na ang mga wika sa Pilipinas ay may taglay na henong higit pa sa inaakala ng mga gumagamit nito. Kung tunay ito, dapat na magdiwang ang mga Pilipino. (Daluyan, 1997)

SINTESIS NG MGA KAUGNAY NA BANYAGA AT LOKAL NA LITERATURA Sa Language Teaching A Scientific Approach ni Robert Lado (1964) nailahad ang kaugnayan ng kultura at wika kapag nag-aaral ng wika hindi maiiwasang mag-aral ng kultura. Nagamit ng mga mag-aaral ang akda dahil sa tumutugon ito sa relasyon ng kultura at wika. Kapag nagtuturo ang mga guro ng banyagang wika, hindi

43

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

naiiwasan ang mga gawi at ugaling nagmula sa lugar kung saan opisyal na wika. Sa aklat naman ni Terry Marshall (1989) sa Whole World Guide To Language Learning. Naging batayan ito ng mga mananaliksik upang maipaunawa ang direktang relasyon ng guro sa mag-aaral dahil sa ang mga respondente ay guro at mag-aaral ng Nihongo, nakapagbibigay ito ng ideya kung ano dapat ang nararapat na pag-uugalu ng guro sa magaaral at sa kabaliktaran. Dapat ay hindi maging “Banking Approach” ang pagtutro (tulad ng paraan ng maraming paaralan/unibersidad sa Pilipinas) nagamit ang Pedagogy of the Oppressed ni Paulo Preire upang maikintal sa isip ng mga mambabasa na ang edukasyon ay hindi lamang pagdedeposito kundi sariling pagtuklas din. Isa rin sa nais tunguhin ng paananaliksik ang pagpapahalaga at pagpapaunlad sa Wikang Filipino. Ang Daluyan noong 1997 ni mabanglo at noong 1993 ay sumoporta sa mas lalo pagpapaunawa kung bakit kailangang pahalagahan ag wika natin. Upang mas lalong maunawaan ng tao naglagay kami ng mga sitwasyong makapagpapagising sa kamalayan na tunay na nagyayari sa ating wika ito ang aklat na may pamagat na “ Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan” ni Constantino et al. noong 1996. Pagwawalang atensiyon sa sariling wika. Ngunit gayon pa man, ang nais naming mga mananaliksik na palakasin ang hindi lang ang wika kundi maging ang mga tagapagpaguyod nito. Ang artikulo ni Miclat na may pamagat na “Globalization and National Language” at sa lektura ni Dr. Giron ng DepEd na may pamagat na “The Mother Tongue-Based Multilingual Education The Philippines Challenge” na nag paggamit Inang wika ay kailangan sa pagkaunawa ng tao. Nakatuong din ang pagbibigay sipat ni Bienvenido Lumbrerasa kanyang pahayag sa pambansang Komite sa Wika ang pagpapaunlad sa

44

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

sariling karunungan ay pagbubukas ng karunungan sa pandaigdigang kaalaman. Ito ng mga pagpapahapyaw sa aming pinagkuhanan na datos na nakatulong sa aming pag-aaral.

45

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KABANATA III MGA PAMAMARAANG GINAMIT AT PINAGKUNAN NG DATOS Sa pag-aaral ng paksang “PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG MIDYUM NG PAGTUTURO NG BASIKONG NIHONGO TUNGO SA INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG PAMBANSA” ay may pamamaraang ginamit ang mga mananaliksik upang mas maunawaan, mapabuti at mapaunlad ang pananaliksik. Pamamaraang Ginamit Sa proyektong ito, gumamit ang mga mananaliksik ng deskriptibong pamamaraan. Ang pamamaraang deskriptibo o paglalarawan ay ang anyong nagpapahayag na nakatuon at nagbibigay-diin sa pagbubuo ng malinaw na larawan ng tiyak na anyo, hugis, kulay, at iba pang mga katangian ng isang bagay, tao, lugar, o kaya ay isang pangyayari. Gumamit ang mga mananalikik ng paraang kwalitatibong pananaliksik. Ito ay hindi gumagamit ng estadistikal na pamamaraan ng pagsisiyasat. Populasyon at Bilang ng mga Kalahok Kumuha ng isang klase na may dulog na Basikong Nihongo sa Unibersidad ng Pilipinas at dalawang klase naman na may dulog na Basikong Nihongo sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Apat na guro ng Basikong Nihongo ang kinapanayam.

46

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Paraan ng Pagpili ng Kalahok Sa pagpili ng mga kahalok, pinili ng mga mananalisik ang mga mag-aaral at guro sa Unibersidad ng Pilipinas at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas na gumagamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo mula sa mga talaan ng mga nag-aalok ng asignaturang Nihongo; at naging respondente ng mga mananaliksik upang maging katanggap-tanggap ang pagsasagawa ng pananaliksik. Nakipanayam din sa mga guro ng Nihongo at nagsuri ng mga bidyong may kinalaman sa pagkatuto ng Nihongo at kulturang Hapones ni G. Ramil Lagasca. Pagpapakilala ng Kalahok Ang mga kalahok sa pananaliksik na ito ay mga mag-aaral na kumukuha ng asignaturang Nihongo para sa kanilang kahingiang Hapon10 at guro na nagtuturo ng Nihongo, at ang mga mag-aaral ng Batsilyer ng Agham sa Matematika (BSMATH) na kumukuha ng asignaturang Nihongo para sa kanilang kahingian ng medyor (FOLA) at guro na nagtuturo ng Nihongo. Instrumentong Ginamit Ang mga mananaliksik ay gumamit ng mga instrumento na siyang makakatulong sa pangangalap ng datos katulad ng laptop, camera, recorder, video camera, internet, aklat, magasin, dyornal, tesis, pluma at papel. Sa tulong ng mga ito, maisasakatuparan ang nasabing pananaliksik.

47

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Paraan ng Pangangalap ng Datos Gagamit ang mga mananaliksik ay ng aklat at tesis bilang sanggunian na may kinalaman sa pananaliksik. Nagtungo ang mga mananaliksik sa ilang mga silid-akalatan tulad ng Sentro ng Wikang Filipino sa Unibersidad ng Pilipinas, Pambansang Aklatan ng Pilipinas Komisyon ng Wikang Filipino, The Japan Foundation, Manila’s (JFM) Library, SilidAklatan ng Kolehiyo ng Artes ar Literatura at Ninoy Aquino Library and Learning Resources Center (NALLRC) ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at Summer Institute of Linguistics. Naghanap din sa mga websayt ang mga mananaliksik para sa mga karagdagang datos. Tumungo ang mga mananaliksik sa dalawang Unibersidad bilang benyu ng pananaliksik at naghanap ng mga dalubguro na gumagamit ng Wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo ng Nihongo. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng obserbasyon sa klase ng UP at PUP na nag-aaral ng asignaturang Nihongo. Gumawa ng talaarawan ang mga mananaliksik tungkol sa nasaksihan nila sa araw ng obserbasyon ng klase ng Nihongo. Nangalap rin ang mga mananaliksik ng mga karagdagang datos (mga pagsusulit, resitasyon, quiz, atbp.) para maging katanggap-tangap ang pagsasagawa ng pananaliksik. Personal silang nakipanayam sa mga respondenteng mag-aaral at guro ng UP at PUP upang maging batis ng pagpapatunay sa pag-aaral at nagsuri ng ilang mga presentasyong bidyo ni G. Ramil Lagasca.

48

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Kumonsulta rin sa tagapayo ang mga mananaliksik at tinanggap ang lahat ng mga pagbabago/pagrerebisa ng nilalaman upang mas mapalawig pa ang pananaliksik.

49

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

50

KABANATA IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI AT PAGPAPAKAHULUGAN SA MGA DATOS Ang pag-aaral ng mga mananaliksik na may paksang “Paggamit ng Wikang Filipino Bilang Midyum ng pagtuturo ng Basikong Nihongo Tungo sa Inteektuwalisasyon ng Wikang Pambansa” ay naglahad, nagsuri at nagpahalaga sa mga datos. Mula sa mga nakalap na datos lumabas ang mga sumusunod:

TALAARAWAN NG OBSERBASYON UPANG MATUKOY ANG PAMAMARAANG GAMIT NG GURO SA PAGTUTURO

August 14, 2014 UP (Diliman)

Unang araw ng obserbasyon sa klase ni G. Junilo Espiritu sa asignaturang Basikong Nihongo, ikatlong araw na nila sa klase kaya inaasahan na ng guro na alam na ng mag-aaral ang itsura ng` mga titik ng Hiragana at paraan ng pagsulat nito. Gamit ang prodyektor, isa-isang lalabas ang mga titik ng Hiragana at sasabihin ng tinawag na magaaral kung anong titik na iyon. Samantalang sa pagsulat naman ay itinuro ng guro ang proseso ng pagsulat ng bawat titik. Halimbawa na lamang ng titik “a” o

. Sa klase,

mahilig siyang magbigay ng mga halimbawa ng pangyayari sa paraang kakatwa. Pinapasaya niya ang klase at sa pamamagitan nito ay damang dama ang masiglang pakikipagkaisa ng mga mag-aaral sa tuwing siya ay magtatanong. Nagkakaroon ng

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

magandang ugnayan ang guro at mag-aaral dahil na rin marahil sa komportable ang lahat na makipagtalastasan dahil sa Wikang Filipino sila nagpapahayag ng saloobin. Kung minsan ay hindi sinasadyang nakapagsasalita ang guro ng salitang Ingles tulad ng “kumuha lamang ng isang polboron sa box ha.” Ay agad naman niyang babawiin sa susunod na siya ay mangungusap, “oh, isa-isa lang ang pagkuha ng polboron sa kahon ha.” Pinapanatili niya na hangga’t may katumbas sa salita Wikang Filipino ay nararapat na ito ang gamitin.

Agost 26, 2014 UP (Diliman) Sa araw na ito ay sinubukan ni G. Espiritu kung tanda pa ng mga mag-aaral ang kanilang mga nakaraang talakayan. Sinimulan ng guro ang pagpapakinig sa mga mag-aral ng awdyo sa Nihongo na naglalaman ng iba’t ibang pagbati, pangalan ng bansa, kurso, hanapbuhay at miyembro ng pamilya. Halimbawa: Ohayoo gozaimasu!- (Awdyo) Magandang Umaga!- (Sagot ng mag-aaral) Chuugoku- (Awdyo) Tsina- (Sagot ng mag-aaral) Rekishi- (Awdyo) Kasaysayan- (Sagot ng mag-aaral)

51

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Shigoto- (Awdyo) Trabaho- (Sagot ng mag-aaral) Okaasan- (Awdyo) Ina- (Sagot ng mag-aaral) Wikang Filipino ang nararapat na isagot ng mga mag-aaral ayon kay G. Espiritu. Nakakatuwang tignan ang masiglang kooperasyon ng mga mag-aaral sa lektura ng guro. Nakasusunod ang mga mag-aaral kahit may halong kakatawanan ang mga sinasabi ni G. Espiritu habang nagtuturo. Pagkatapos ng pagbabalik tanaw sa mga naunang talakayan, nagsimula naman ng pagbibilang ang mga mag-aaral na nagsilbing resitasyon ng mga ito. Bawat isa ay tinawag upang magbilang mula una hanggang sampu sa Nihongo. Matapos ang pagbibilang, kasunod na inaral ang pagsasalita ng oras at ipinaalala sa mga mag-aaral na dapat ay kabisado nila ang alas kwatro, ala siyete at alas nuwebe dahil nagbabago ang anyo ng mga ito. Halimbawa ang orihinal na 4 na “yon na kapag naging oras na ito ay nagiging “yoji”. Nakakaltasan ng isang letra at nag-iiba ang anyo nito. Kaya’t pinaaalalahanan ni G. Espiritu ang mga mag-aaral na tandaan ang mga oras na kanyang binanggit dahil marami ang nagkakamali sa pagsusulit. Mahalaga ring ipinaliwanag ni G. Espiritu na nauuna ang Umaga (A.M) at Hapon (P.M) sa pagbabanggit ng oras. Hinayaan ni G. Espiritu na magkaroon ng interaksyon sa dalawang mag-aaral. Magtatanong ng oras ang isang mag-aaral sa Nihongo. Halimbawa nito ay Ima nanji desu ka? na ang salin sa Filipino ay Anong oras na? na sasagutin naman ng isang mag-aaral. Madalas na ipinagagawa ito ni G. Espiritu sa kanyang klase upang masanay ang mga

52

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

mag-aaral sa pagsasalita at masaulo ang mga bokabularyo sa Nihongo. Bago tuluyang matapos ang klase ay nagkaroon muna ng resitasyon sa paggamit ng no sa pangungusap. Halimbawa nito ay Watashi no sensee na may salin sa Filipinong Ang aking guro. Doon nagtapos ang talakayan sa araw na ito.

Agosto 28, 2014 UP (Diliman) Sa araw na ito gamit ang Wikang Filipino, tinalakay ni G. Espiritu kung paano tumukoy at magbanggit ng oras sa Nihongo. Nagtawag siya ng mag-aaral sa klase upang magbilang mula isa hanggang sampu sa Nihongo bilang pagbabalik tanaw sa nakaraang talakayan at nakasagot naman ang mag-aaral. Ipinaliwanag ni G. Espiritu na nauunang banggitin ang pantukoy ng panahon Gozen (AM) at Gogo (PM) bago ang bilang ng oras at idinurugtong ang Ji pagkatapos ng bilang kapag oras ang tinutukoy at nananatili naman sa orihinal na anyo ng pagbilang kapag minuto ang tinutukoy. Bilang halimbawa ang Gozen shichiji yon juppun (7:45 am). Pagkatapos nito ay nagkaroon ng mabilis na resitasyon sa pagbilang ng oras. Tinanong ni G. Espiritu sa bawat mag-aaral ang oras kung kailan nila ginawa, ginagawa ang mga nakasanayang bagay tulad ng paggising at pagpasok ng unibersidad. Tinanong niya kung sino ang nagigising ng maaga at natutulog ng huli at kung bakit sila natutulog at nagigising ng ganoong oras. Sumagot ang karamihan na sila’y nag-aaral pa sa gabi kaya huli na silang makatulog. Maging ang mga mananaliksik ay nagkaroon ng partisipasyon sa resitasyon. Sa pagmamasid, malinaw na natutuhan ng mga mag-aaral ang pagtukoy ng oras sa Nihongo dahil nakasagot ang lahat sa resitasyon.

53

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Setyembre 2, 2014 UP (Diliman) Sa araw na ito ay nagbigay ng pasulat at oral na pagsusulit si G. Espiritu sa kanyang mga mag-aaral. Ang mga papel o ang pagsusulit ay nakasalin sa Wikang Filipino. Naglalaman ang pasulat na pagsusulit ng Bokabularyo, Pagsulat sa Hiragana at Katakana, Gramatika at Pagbasa. Sa unang bahagi, kinakailangang bilugan ang titik ng tamang salin sa Nihongo ng mga nakalahad na salita. Sa ikalawang bahagi, may apat na salitang nakahanay na nararapat na makita kung ano ang naiiba sa mga ito. Sa ikatlong bahagi, isasalin ng mga mag-aaral ang mga salita sa Hiragana at Katakana. Sa ikaapat na bahagi, nararapat na bilugan ang titik ng may pinakaangkop na kasagutan at isusulat sa puwang ang tamang salin sa Nihongo. Sa ikalimang bahagi, kailangang masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral sa gramatika ng Nihongo. Sa ikaanim na bahagi, nararapat na ayusin ng mga mag-aaral ang paagkakasunod-sunod ng mga salita sa isang pangungusap. At sa pampitong bahagi (huling bahagi), may babasahing konbersasyon ang mga mag-aaral at may mga katanungang pang-komprehensyon silang nararapat na sagutin. Sa oral na pagsusulit, inihanda ng guro ang awdyo na iparirinig sa mga mag-aaral. Sinukat sa unang bahagi ang talas sa pandinig at kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsasabi ng oras at petsa sa Nihongo. Sa ikalawang bahagi ay nararapat na ipareha ang mga pangyayari ayon sa mga larawang nasa kani-kanilang papel. Gumamit ng mga larawan ang guro sa pagsusulit. Nang matapos

ay iwinasto ang mga papel upang

malaman kung sino ang nakakuha ng pinakamataas sa eksaminasyon. Lahat ay nakakuha ng mataas na marka.

54

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Setyembre 4, 2014 UP (Diliman) Nagkaroon sila ng panauhing Hapones mula sa Ateneo ng araw na ito. Bago magsimula ang klase, nagpaalam si G. Espiritu sa panauhin sa pamamagitan ng Nihongo na gagamit siya ng Wikang Filipino imbis na Wikang Ingles bilang midyum ng instruksyon dahil sa ito ang kanyang nakasanayan. Naunawaan naman ito ng panauhing Hapones kaya agad siyang sumang-ayon. Nag-aral sila ng aralin ukol sa pagtuturo ng mga pangungusap na may kore, sore at are (ito, iyan, iyon) at kung paano ito ginagamit sa Nihongo. Mas madaling unawain ang kore, sore at are kung isasalin sa Filipino dahil may tiyak itong salin ayon sa guro. Para masaulo ito, ipinakita muna ni G. Espiritu sa simpleng paraan at magaang paglalahad kung ano ang pinagkaiba ng paggamit. Pagkatapos, naganap ang palitan ng diyalogo ng mga kapwa-mag-aaral na nauukol parin sa talakayan. Nararapat na magtanong sila sa kapwa-mag-aaral ng may kinalaman sa pagtatanong ng mga bagay tulad ng bag, panulat, notebook, aklat, sapatos, payong at iba pa gamit ang Nihongo. Ang mga mag-aaral ay nagpakita ng kahusayan sa panauhing Hapones. Binalikan lamang nila ang kanilang napag-aralan mula sa kabanata 1 at nagtanong sila kung anong tawag sa mga bagay na kanilang tangan na hindi nakalagay/nakasulat sa modyul. Gayundin, napag-aralan nila ang basikong bilang na nagsisimula sa hyaku (isangdaan) hanggang man (sampung libo). Isinapratika ito sa pamamagitan ng pagpapalitan muli ng diyalogo ng mga mag-aaral. Kinakailangang ipakita ang mga bagay at nararapat na ilahad ng mga mag-aaral ang presyo nito. Ipinaliwanag naman ni G. Espiritu ang paggamit ng kono, sono at ano (itong, iyang, iyong) ng Nihongo. Mas madaling unawain ang kono, sono at ano kung isasalin sa Filipino ayon sa guro dahil may tiyak itong salin at ipinaliwanag ito sa pamamagitan ng

55

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

56

Wikang Filipino. Naunawaan naman ito ng mga mag-aaral. Nagsanay sila sa pagsasalita ng Nihongo tulad ng naunang aralin na napag-aralan nila kanina. Nagkaroon naman ng pagsasanay ang mga mag-aaral gamit ang awdyo. Pagsasapraktika tungkol sa pagbibigay ng direksyon gamit ang koko, soko, asoko (dito, diyan, doon). Muli, mas madaling unawain ang koko, soko, asoko kung isasalin sa Filipino ayon sa guro dahil may tiyak itong salin. Naisapraktika naman ang mga magaaral gamit ang salitang mo (rin,din) na magkapareho ng bagay, kurso, edad, hilig, atbp. Ipinaliwanag rin ang salitang janai (negatibong anyo) sa pormal na pag-uusap. Pagkatapos ng talakayan, nagpakita siya ng mga presentasyon na ginawa noon ng mga mag-aaral niya ng Nihongo. Ang tawag sa presentasyon ay J-commercial. Nagpapakita ang presentasyon ng mga produkto ng mga Pilipino ngunit

nagsasalita

ng

Wikang

Hapon. Pinakita niya ang mga nanalo sa J-commercial na nilikha ng kanyang mga magaaral sa UP noong 2010 at 2011. Bukod sa komersyal, may ginawa rin sila ng music video na likha naman ng mga mag-aaral sa Ateneo. Dahil sa ganitong likha, nagkaroon ng mga kompetisyon sa mga iba’t ibang paaralan. Natuwa naman ang panauhing Hapones sa ipinakitang presentasyon. Nagpapakita ito ng isang paraan upang maipakilala ang mga produktong Pilipino gamit ang Nihongo.

Setyembre 8, 2014 PUP (Sta.Mesa) Unang araw ng pagoobserba namin kay Bb. Lagrama sa kanyang klase sa BSMATH IV-2. Tinuro niya ang pagsulat at pagbigkas ng mga bilang (numero) sa Nihongo. Ipinasaulo niya ang bilang mula isa hanggang isangdaan noong araw na iyon. Sinabi ni Bb. Lagrama na basta kabisado ang bilang isa hanggang 10 sa salitang Nihongo

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ay madali nila itong matatandaan. Halimbawa ay ang labing isa. Ang bilang isa ay ichiji idadagdag ang salitang juu upang maging labing isa na juuichiji. Ang bilang dalawa naman ay niji idadagdag muli ang salitang juu upang maging labing dalawa na juuniji. Masiglang nakikipagkaisa ang mga mag-aaral sa kanyang pagtuturo. Mabilis natuto ang kanyang mga mag-aaral . Nagpanood siya ng mga video clips na ginawa ng kanyang iba pang mga klase na nauukol sa mga kultura ng Hapon. Natapos ang klase na habang lumalabas ang mga mag-aaral sa kanilang silid patuloy na kinakabisa ang mga natutuhan at ito’y ginagamit na rin nila.

Setyembre 9, 2014 UP (Diliman) Ito ang araw na pinanabikan ng mga mananaliksik, ang pagdating ng mga panauhing Hapones. Sinabi noon ni G. Espiritu na ang mga darating na panauhin ay marunong mag-Filipino at susubukan ng mga mag-aaral kung gaano na kabihasa sa pagsasalita at kahusay na makaalala ng mga bokabularyo ng Wikang Filipino ang mga panauhing Hapones. Gayun din, susubukan kung gaano na kabihasa ang mga mag-aaral sa pagsasalita at paggamit ng mga bokabularyo na kanilang inaral sa Nihongo. Isang oras silang magsasalita ng Nihongo at Wikang Filipino; ang papaksain nito ay pagbabahagi ng kani-kanilang kultura. Bago magsimula, isa-isang tinatawag ni G. Espiritu ang mga magaaral upang sagutan ang nasa modyul na magsisilbing resitasyon ng mga ito. Halimbawa ng kanilang tinalakay ang pagkakaiba-iba ng paggamit ng kore ( ito ), sore ( iyan ), are ( iyon ) at paggamit ng mo ( din/rin ). Tulad ng halimbawa ng pangungusap na Kore wa dare no saifu desu ka? na may salin sa Filipinong Kaninong pitaka ito? Kung pag-

57

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

uusapan ang anyong pansintaktika nito, ang kadalasang anyo nito ay S (subject), O (object) at V (verb). Madalas itong ipinaliliwag ni G. Espiritu (gamit pa rin ang Wikang Filipino) na sa pag-aaral ng Nihongo ang pinakamalapit na panturong wika ay Filipino. Gayun din naman ang paggamit ng mo, halimbawa nito ay: Tanaka wa nihonjin desu. Yoshida san mo nihonjin desu o sa Wikang Ingles (na nakasulat sa aklat o modyul) ay Ms. Tanaka is Japanese. Mr. Yoshida is Japanese, too. Ilang minuto ang lumipas habang nagsasagot ang mga mag-aaral nang dumating na ang mga panauhing Hapones at sabaysabay na nagsipag tayo ang mga mag-aaral upang bumati sa panauhin sa tradisyunal na paraan. Nagsimula nang muli ang klase sa pamamagitan ng pakikinig sa awdiyo at nagsimula na ang isang oras na pagpapalitan ng Nihongo at Wikang Filipino. Pinarinig ni G. Espiritu ang nagsasalitang hapon sa awdyo na kailangang pakinggan mabuti ng mga mag-aaral at ng mga panauhing Hapones. Nagkaroon ng pagtatanong ang mga mag-aaral gamit ang Nihongo at sasagutin naman ng mga panauhing Hapones gamit ang Wikang Filipino. Matapos ang pakikinig ay pinagharap ni G. Espiritu ang isang mag-aaral at isang panauhing Hapones bilang personal na interaksyon sa pagitan ng dalawang magkaibang wika. Unang nagtanong ang mag-aaral sa Nihongo na sasagutin naman ng panauhing Hapones sa Wikang Filipino at gayundin ang panauhing Hapones na magtatanong gamit ang Wikang Filipino at sasagutin ng mag-aaral sa Nihongo. Sa bahaging ito ay tinitignan ni G. Espiritu bilang pagsasanay kung may kahusayan na ang mga mag-aaral na makipag-usap sa katutubong Hapones gamit ang mga paksang nauna nang natalakay. Sa puntong ito, kapag hindi nauunawaan ng mga panauhing Hapones ang ibang mga Filipinong salita ay ipinapaliwag ni G. Espiritu sa Nihongo. Hanggang nagkaroon ng pinakamagandang parte sa pagtatanong ng mag-aaral sa mga panauhing

58

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Hapones. Itinanong ng isang mag-aaral sa panauhin kung saang bahagi ng Wikang Filipino sila nahihirapan ng lubos. Ayon sa kanila, pag-aaral ng gramatika ng Wikang Filipino ang isa sa mga ito. Para sa isang panauhin, ang wika raw nating mga Filipino ay masyadong organisado kumpara sa kanilang wika na may tiyak na salita at para sa mga pangungusap na patanong o mga prase na naghahanap ng kasagutan. Kabilang sa pagaaral ng gramatika ang paglalagay ng panlapi sa salitang ugat. Binigay na halimbawa ni G. Espiritu ang salitang ugat na “kain” at humingi siya sa mga mag-aaral ng mga panlapi sa salitang “kain” tulad ng kumain, pagkain, pinagkainan, kinain, kumakain, kakainin, pinakain, papakainin, kinakain, at kainan na para sa atin, mabilis nang nauunawaan ang kahulugan depende sa panlaping gagamitin ng salitang-ugat. Matapos ang diskusyon ay nabigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na magtanong sa mga panauhing Hapones. Tinanong nila ang mga ito kung ano ang nakaagaw sa kanilang atensyon dito sa Pilipinas mapalugar o mapa-pagkain. Nagtanong din ang mga ito kung ano ang magandang pasyalan sa bansang Hapon kung sakaling sila ay makabibisita doon. Sumagot ang isang panauhing Hapones na ang pinakamataas at pinakamagandang bundok na bisitahin ay ang Mount Fuji. Paborito naman ng isang panauhing Hapones ang biko ng Pilipinas. Pagkatapos ng pagpapalitan ng Wika at Kultura sa pagitan ng mag-aaral at panauhing Hapones, nagpamigay ng siping awit si G. Espiritu na may pamagat na Voltes V at sabay sabay itong inawit ng mga mag-aaral at mga panauhin. Habang sabay-sabay na inaawit ay tuwang tuwa ang mga mag-aaral hanggang matapos ang klase.

59

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Setyembre 9, 2014 PUP (Sta. Mesa) Sa araw na ito, nagsimula ang klase ni Bb. Lagrama sa pagsulat niya sa pisara ng mga salita sa pamamagitan ng hiragana at kanji. Pinabasa niya sa kanyang mga mag-aaral ang mga salitang kanyang isinulat upang malaman kung naaalala pa ng mga ito ang nagdaang talakayan. Nagtawag siya ng isang mag-aaral sa kanyang klase upang basahin ang na sa pisara tulad ng pagbilang katulad ng ichi, ni, san (isa, dalawa, tatlo), nakapagbigay ng tamang sagot ang mag-aaral. Bagamat medyor niya ang Wikang Ingles, gumagamit si Bb. Lagrama ng Wikang Filipino sa kanyang pagtuturo hindi lamang dahil sa nakasanyan kundi mas madali ang pagpapaliwanag gamit ang sariling wika. Tinuro niya ang pagsulat at pagbigkas ng mga bilang (numero) sa Nihongo. Ipinasaulo niya ang bilang mula isa hanggang isangdaan noong araw na iyon. Sinabi ni Bb. Lagrama na basta kabisado ang bilang 1 hanggang 10 sa salitang Nihongo ay madali nila itong matatandaan. Halimbawa ay ang labing isa. Ang bilang isa ay ichiji idadagdag ang salitang juu upang maging labing isa na juuichiji. Ang bilang dalawa naman ay niji idadagdag muli ang salitang juu upang maging labing dalawa na juuniji. Masiglang nakikipagkaisa ang mga mag-aaral sa kanyang pagtuturo. Ipinaliwanag niya sa klase ang kanilang magiging talakayan sa araw na ito, may pagkakataong magsasalita ang guro sa Wikang Ingles ngunit isasalin naman niya itong muli sa Wikang Filipino. Matapos nito nagpanuod siya ng bidyo na ginawa ng kanyang dating mga mag-aaral mula sa HRDM upang ipakita sa kanyang klase ang kailangan nilang gawin bilang kahingian sa kanilang asignaturang Banyagang Wika. Kinakailangan nilang gumamit ng kantang Nihongo at isalin ito sa Wikang Filipino. Isasadula nila sa gagawin nilang bidyo ang kahulugan ng

60

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

kantang kanilang pinili. Isang uri itong pagsasanay upang masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral sa ponolohiya ng Nihongo.

Setyembre 11, 2014 UP (Diliman) Masasabing ang araw na ito ay isang masiglang talakayan tungkol sa kultura ng Hapon at Pilipinas. Nagpakita si G. Espiritu ng mga larawan ng babaeng/lalaking kumakain ng agahan, tanghalian, hapunan at mga larawan ng babaeng/lalaking gumising at natulog. Pagkatapos ng mga ito, ay iba’t ibang pagkain at inumin naman ang kanyang ipinakita. Halimbawa ay ang larawan ng Hamburger. Waring nagsarbey ang guro kung sino ang kumakain ng Hamburger at nakakailan silang Hamburger kapag sila ay kumakain nito. Aktibong sumagot ang marami dahil na rin sa masayang talakayan gamit ang Wikang Filipino. Ang pandesal ang isa sa mga pinakapaboritong tinapay ng mga Pilipino. Bagamat ito ay simple lamang, iba naman ang kalugurang dala nito sa ating mga panlasa. Napag-alaman ng lahat na ang unang ginagawa ng mayorya sa pandesal kapag may nag-abot sa kanila nito ay binubuksan at tinitignan ang palaman. Nakatatawa ngunit parte nga ito ng kultura ng mga Pilipino. Pahapyaw na kasama sa lektura ang salin sa Nihongo ng pitong araw sa isang linggo. Nichiyobi para sa Linggo, Getsuyobi para sa Lunes, Kayobi para sa Martes, Suiyobi para sa Miyerkules, Mokuyobi para sa Huwebes, Kinyobi para sa Biyernes, at Doyobi para sa Sabado. Muli, tumawag ang guro ng mga mag-aaral upang malaman kung lubos na naintindihan ng mga mag-aaral ang Nihongo ng iba’t ibang araw.

61

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Araw din ito ng mga pandiwa. May tatlong pangunahing pandiwa ang tinalakay ni G. Espiritu, ito ay ang okiru (gumising), taberu (kumain), miru (manood) at neru (matulog). Gumamit siya ng mga sign language upang mas mabilis na mamemorya ng mga mag-aaral ang mga nabanggit na salita. Tinalakay din ng guro ang pagkakaiba ng mga ru-verbs, u-verbs at irregular verbs. Ang mga ru-verbs ay ang mga pandiwang nagtatapos sa ru, ang mga u-verbs ay ang mga pandiwang nagtatapos sa u at ang mga irregular verbs naman ay maaring magtapos sa ru o di kaya ay u. Inilahad ang tamang paggamit ng masu (na tumutukoy sa pagiging magalang ng isang pangungusap) na dinudugtong sa pandiwa upang maging anyong pangkasalukuyan ito. Halimbawa ay tabemasu o kumakain, at kung tabemasen naman ay hindi kumakain. Mahigpit na kinakailangan ang tamang pagbigkas sa mga salita upang maging malinaw din ang kahulugan nito. Upang mas maging malinaw ang mga pahayag ay muling nagparinig ang guro ng isang awdyo na may kinalaman sa talakayan o sa pandiwa. Bagamat sa Ingles nakasalin ang modyul ng Nihongo, Filipino ang ginagamit ng guro sa mga oral na halimbawa. Nagtanong ang guro sa kanyang mga mag-aaral kung ano ang kanilang pananaw sa 3 oras na tagal ng ibang asignatura na may kinalaman sa kanilang kurso. Iba-iba ang reaksyon ng mga mag-aaral. Karamihan ang sagot ay may nasanay na, laging kalaban ang gutom dahil sa tagal ng oras, minsan nahuhuli sa klase dahil tinatanghali ng gising at sa trapik, at kung ano-ano pang mga suliranin na nakaaapekto sa kanilang pag-aaral. Ngayon naman, gustong malaman ni G. Espiritu kung ano ang masasabi sa 3 oras ng kanilang pag-aaral ng asignaturang Nihongo. Karamihan ang kanilang sagot ay mas madali ang pag-aaral gamit ang Wikang Filipino, laging aktibo at interesado sa klase

62

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

dahil sa dala ng estratehiya ng pagtuturo na gamit ni G. Espiritu, maayos ang daloy ng aralin, at maraming natutunan sila sa pag-aaral nila.

Setyembre 16, 2014 UP (Diliman) Sa araw na ito ay nagkaroon ang mga mag-aaral ng maikling pagsusulit sa bokabularyo at gramatika na nakasulat sa Hiragana at Kanji. Umupo sila sa kanilang mga nakatalagang pwesto. Gamit ang Wikang Filipino binigyan sila ng labinlimang minuto para sumagot, hinikayat rin ni G. Espiritu na subukan ring sumagot ng mananaliksik sa kanyang ibinigay na pagsusulit sa abot ng kanilang makakaya bilang pagsasanay sa kanilang natutuhan habang nagmamasid at nag-aaral sa kanyang klase. Nakasulat sa Wikang Filipino ang mga panuto. Binubuo ng apat na bahagi ang pagsusulit. Sa unang bahagi upang masubok ang kakayahan sa natutuhang mga bokabularyo, kinakailangan punan ang bawat patlang ng angkop na salitang bubuo sa ibinigay na pangungusap, sa pamamagitan ng pagbilog sa titik ng tamang sagot. Sa ikalawang bahagi kailangang ayusin ang mga salita upang makabuo ng pangungusap, isulat ang mga numero sa mga puwang at bilugan sa mga pagpipilian ang numerong tumapat sa puwang na may larawan ng isang bituin. Sa sumunod na bahagi bilang pag-alam sa kaalaman sa gramatika ng wikang Hapon ng mga mag-aaral, kailangang kumpletuhin ang bawat diyalogong nakatala, hindi tulad ng mga naunang bahagi na may pagpipilian ang parteng ito ay walang pagpipilian bagkus sila na ang bahalang mag-isip ng angkop na salitang makapagbubuo ng isang tamang diyalogo. Sa huling bahagi na binubuo ng isang buong konbersasyon, kailangan nilang tukuyin kung alin ang tama at maling pangungusap,

63

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

lalagyan ito ng bilog kung tama at ekis naman kung mali. Ang mga naunang natapos magsagot ay nagpawasto na ng kanilang papel kay Propesor Espiritu samantalang ang mga nagsasagot pa ay patuloy ang pagpopokus sa kanilang sinasagutan. Makalipas ang ibinigay na oras ni Propesor Espiritu nagpalitan na sila ng mga papel. Nagtawag si G. Espiritu sa klase ng magbabasa ng panuto at sasagot sa bawat bilang. Sa bawat pagsagot ng mag-aaral sinasabi niyang muli ang tamang sagot pagkatapos ng mga ito. Ganito ang naging daloy hanggang matapos ang pagwawasto sa kanilang mga pagsusulit. Nagpakinig si Propesor Junilo sa klase

ng awdyong naglalaman ng mga pandiwa,

halimbawa taberu, okiru, neru, miru, na ang ibig sabihin ay kumain, gumising, matulog, manood. Nagbigay siya ng paraan para mas madaling matandaan ng mga mag-aaral ang bawat pandiwa at ito’y sa pamamagitan ng pag-aksyon ng mga ito halimbawa kumakain para sa pandiwang taberu (kumain). Matapos nito tinalakay niya ang pagbabanghay at pagbuo ng pangungusap. Upang makabuo ng isang pangungusap na may pandiwa ginagamit ang palabuuan ng pangungusap na pangngalan + O + pandiwa. Halimbawa, Koohii o nomimasu (kape + o + iinom) na sa kabuuang salin sa Filipino ay “Iinom ako ng kape”. Ipinaliwanag ni Propesor Junilo na walang salin ang (particle) O sa Wikang Ingles ngunit mayroon naman itong malapit na katumbas sa ating sariling wika at ito ay ang ng. Kanya ring binigyang diin na mahalagang maunawaan ng mga mag-aaral ang sinasabi sa huling bahagi ng pangungusap dahil doon madalas matatagpuan ang pandiwang ginamit. Matapos maipaliwanag ang mga nabanggit nagtawag siya ng mga mag-aaral para magbigay ng kanilang sariling mga halimbawa ng pangungusap. Halos lahat ng natawag ay nakapagbigay ng wastong halimbawa tulad ng Miso o nomimasu (Iinom ako ng tubig), Hanbāgā o tabemasu (Kakain ako ng Hamburger). Nang maunawaan na ng buong klase

64

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ang paggawa ng pangungusap na may pandiwa kasunod naman nito ang paglalagay ng lugar kung saan ginawa ang kilos gamit ang (particle) de. Ang palabuuan ng pangungusap ay araw/lugar na pinangyarihan ng kilos + de + pangngalan + O + pandiwa, halimbawa Yoshinoya de sushi o tabemasu (Kumain ako sa Yoshinoya ng sushi). Tulad ng ginawa ni Propesor Espiritu sa naunang bahagi ng talakayan nagtawag siyang muli ng mga mag-aaral na magbibigay ng halimbawa. Muli niyang binanggit na mas madaling maisasalin ang Nihongo sa Wikang Filipino dahil magkalapit ang dalawang wika. Nagtapos ang klase sa paglilinaw ng mga tinalakay, ipinaliwanag niya ang dapat tandaan sa paggamit ng (particle) de at ni. Ginagamit ang ni para sa direksyon at de naman para tukuyin kung saan ginawa ang aksyon.

Setyembre 16, 2014 PUP (Sta. Mesa) Gumagamit na ng Nihongo si Bb. Lagrama dahil natalakay na niya ang mga ito sa mga naunang sesyon ng klase. Madalas sa mga pagsasanay ni Bb. Lagrama ang paggamit niya ng Nihongo upang masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral sa Nihongo. Tumatawag si Bb. Lagrama ng mga mag-aaral na sasagot sa mga katanungang ito. Halimbawa ng mga katanungan ay: Sore wa nan desu ka? Kamera wa ikura desu ka? Bagamat hindi agad nakasasagot ang mga mag-aaral ng wasto, binigyang pagkakataon ng guro ang mga mag-aaral na ulitin ang kanilang sagot upang maitama ito.

65

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Magiliw na magturo si Bb. Lagrama at mapapansing malapit siya sa kanyang mga magaaral dahil madalas itong magbiro. Nagkaroon ng pagpapares sa klase dahil sa isang maiksing dula. Nasa isang tindahan si Bb. Lagrama at magtatanong kung ano at magkano ang produktong kanyang napili. Sasagutin naman ng dalawang mag-aaral ang mga katanungan sa Nihongo. Sa mga salitang hindi nabibigkas ng wasto, inuulit ito ng guro upang makuha ng mga mag-aaral. Kuminsan ay isinasalin pa niya ito sa Wikang Filipino. Halimbawa nito ay irasshaimase o pagbati. Isinalin ni Bb. Lagrama ang Kankoku mo desu ka sa Wikang Filipino upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang ibig nitong sabihin, ito ay isinalin bilang Galing din ba ‘yan ng Korea?

Setyembre 18, 2014 UP (Diliman) Araw ng kanilang Oral na Pagsusulit. Nakatuon sa bilang (numero) at oras. Pakikinggan nila ang babanggitin ng awdyo, tatlong beses na pinapaulit-ulit ito ni G.Espiritu upang mas maintindihan ng kanyang mga mag-aaral. Nahirapan ang mga magaaral sapagkat nabibilisan sila sa pagsasalita na mula sa awdyo. Mula sa Nihongo ay isasalin ng tagapagsaita sa awdyo ang mga kataga sa Ingles. Gayunpaman, maganda ang naging resulta ng pagsusulit ng guro sa mag-aaral ang bawat aytem.

Setyembre 23, 2014 UP (Diliman) Sa araw na ito ay tinalakay ni G. Espiritu ang basikong pagsulat ng mga numero gamit ang Kanji. Ang Kanji ay isang uri ng panulat ng mga Hapones, kasama nito ang

66

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Katakana at Hiragana. Ang Kanji ay impluwensya ng Tsina sa bansang Hapon at unang ipinakilala noong 1,500 na taon na ang nakalilipas. May dalawang paraan ang pagbasa ng Kanji, ito ay ang on-yomi o pagbasang Tsina at kun-yomi o pagbasang Hapon. Ipinaliwanag din niya ang mga instruksyon sa darating nilang pinal na pagsusulit gamit pa rin ang Wikang Filipino. Sa pagtatalakay ay gumagamit pa rin ang guro ng Wikang Filipino, may mga salita lamang na hindi naisasalin dahil sa ito na ang malawakang ginagamit sa pagsasalita at nakasanayan ng guro. Halimbawa ay multiple choice, okay, set, number, strokes, good, spell, hundred, go, yen at iba pa. Ang strokes ay napakahalaga sa pagsusulat ng mga Hapones. Nararapat na ito ay may disiplina at isulat ng ayon sa pagkakasunod-sunod nito, kapag hindi ito naisulat ng ayon sa tamang sistema, mababawasan ang kawastuhan ng salita o numerong sinusulat. Pinasulat ni G. Espiritu sa mga mag-aaral ang bawat numero sa Kanji upang maisapraktika ng mga ito. Magiliw pa ring magturo ang guro at nagpapatawa sa klase. Pinatatayo ng guro ang ilan sa mga mag-aaral upang magtungo sa harap at isulat sa pisara ang mga numerong hinihingi niya. Gumagamit ang guro ng mga imahe katulad ng bata, araw, samurai upang mas madaling maisulat ang Kanji dahil kahawig ng mga ito ang pagsulat. Sa ganitong paraan, mas mabilis na nasasaulo ng mga mag-aaral ang Kanji. Inilahad ng guro kung paano at kailan nagkakaroon ng pagsasama o kombinasyon ang kanji at hiragana o kanji at katakana. Madalas ay nakikipag-usap ang guro sa kanyang mga mag-aaral kung ano ang pagtingin nila sa pagkakaroon ng kombinasyon ng Kanji sa Hiragana at Katakana. Tinatawag niya isa-isa ang mga mag-aaral upang magkaroon ang mga ito ng partisipasyon sa talakayan. Naikwento ni G. Espiritu na siya ay taga-Bulakan kaya siya ay Tagalog ngunit kung mag-aaral siya ng Cebuano ay hindi tunog o puntong

67

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Cebuano ang paraan o punto ng kanyang pagsasalita. Ganoon din sa Kanji, may mga salitang mula sa Tsina at nagkakaroon ng adaptasyon ang mga Hapones sa mga ito, ngunit dahil nga sila ay mga Hapones, hindi nila ito nabibigkas ayon sa orihinal nitong tunog. Samakatwid, gumamit si G. Espiritu ng rehiyunal o katutubong pag-aaral ng wika upang magsilbing halimbawa sa kanyang tinatalakay. Sa bandang dulo ng talakayan ay nagbigay si G. Espiritu ng pasulat na pagsusulit upang masukat ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral na may kinalaman sa Kanji. Bilang pagsasanay sa darating na oral na pagsusulit ng klase sa huwebes, tumawag siya ng tatlong mag-aaral upang maka-usap ang mga ito gamit ang Nihongo. Ibinigay din ng guro ang mga marka o kalagayang pang-klase ng kanyang mga mag-aaral upang maging malay sila sa kanilang katayuan sa klase.

Setyembre 29, 2014 PUP (Sta.Mesa) Nagbalik-tanaw sila sa nakaraang aralin tungkol sa mga bilang mula hyaku (isangdaan) hanggang man (sampung libo) at ang pagbanggit ng presyo sa Nihongo. Nagkaroon ng resitasyon ang mga mag-aaral sa nasabing aralin. May nakakasagot naman sa resitasyon na isinagawa ni Prop. Lagrama. Dagdag pa, tinalakay ni Prop. Lagrama ang pagggamit ng koko, soko, asoko (dito, diyan, doon). Sa araw na rin ito, napag-aralan nila ang pagbanggit ng oras sa Nihongo. Halimbawa, sa pagtatanong ng oras ay Ima nanjidesu ka? O sa Wikang Filipino ay anong oras na ngayon? Ang sagot ay hindi ibabanggit na 7:45 p.m. sa Ingles kundi isasalita sa Nihongo na “Ima gozen nanaji yo jun gofu desu”. Sa Nihongo, inuuna muna ang gogo (AM) o gozen (PM) bago ang oras. Sa

68

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

pagbanggit ng oras, mayroon itong paghahati ng oras at minute. Ito ang tinatawag na ji o kolon (:) Ang tawag sa pagbanggit ng 30 minuto ay han. Sa aralin ito, nagkaroon muli ng resitasyo ang mga mag-aaral sa pagbabasa ng oras. At dahil Wikang Filipino ang gamit ng kanilang guro, madali nilang natandaan at nakasasagot sila ng wasto.

Setyembre 30, 2014 UP (Diliman) Nagkaroon ng Pinal na Pagsusulit si Prop. Espiritu sa kanyang klase. Ang nilalaman ng pagsusulit ay mula Kabanata 1-3 na nagsimula mula 7:00 n.u. hanggang 8:16 n.u. Ang mga mag-aaral ay marunong nang magbasa ng Katakana at Kanji na nakasulat sa pagsusulit. Lahat sila ay mataas ang nakuhang marka pagkatapos ng pagsusulit. Pagkatapos, nagkaroon ng maikling pagsusulit sa pamamagitan ng pakikinig ng diyalogo sa awdyo na nasa Nihongo. Naging aktibo ito ang mga mag-aaral sa pakikinig at isusulat ito kung ano ang kailang narinig. Maraming mag-aaral ang nakakuha ng mataas na marka mula sa kanilang pakikinig. Ibinahagi rin ni Prop. Espiritu ang mga katayuan ng marka ng kanyang mga mag-aaral. Maraming mag-aaral ang nakakuha ng mataas na marka dahil palaging pumapasok at aktibo sa klase simula noong pasukan.

Setyembre 30, 2014 PUP (Sta.Mesa) Sa araw na ito tinalakay ni Bb. Lagrama ang pagbabanghay ng mga pandiwa sa Nihongo. Nagbigay siya ng mga pandiwang salita tulad ng okimasu (gumising), nemasu (matulog). Ang mga pandiwang ito ay hinati niya sa anyong pangnagdaan, anyong

69

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

pangkasalukuyan at anyong panghinaharap. Muli siyang nagbigay ng mga halimbawang salita na nasa iba’t ibang anyo upang lalong maunawaan ng mga mag-aaral ang pagbabanghay tulad ng Okimasu (gumising), Okimasen (hindi gumising), Okimashta (hindi nagising), Okimasendeshta (hindi gumigising). Ipinaliwanag niya na ang anyo ng okimasu ay nasa present +, ang okimasen ay nasa present -, ang okimashta ay nasa past +, at ang okimasendeshta ay nasa past -. Matapos nito, si Bb. Lagrama ay nagbigay naman ng halimbawang pangungusap sa Nihongo. Isinalin ito ng mga mag-aaral sa Filipino at tinukoy ang anyo ng pandiwang ginamit sa pangungusap. Nagtawag si Bb. Lagrama ng mga mag-aaral na magbibigay ng kanilang mga sariling halimbawa. Sa pagtatapos ng klase karamihan ng mga ito ay nakapagbigay ng tamang halimbawa.

RESULTA NG PAGSUSULIT NG MGA MAG-AARAL SA DALAWANG UNIBERSIDAD NA SANGKOT SA PAGAARAL Ang kabuuan ng antas ng mga markang nakuha ng mga mag-aaral na mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Sa Unang Maikling Pagsusulit, 80% ang kabuuang marka na nakuha ng mga mag-aaral, ito ay upang masukat ang kahusayan ng mga mag-aaral sa pagsusulat ng Katakana at Hiragana—sistema ng panulat sa Nihongo. Ito ang kaunaunahang pagsusulit na nakuha nila sa Hapon10 at naging batayan sa pagpapaunlad ng kanilang pag-aaral. Samantala, sa Unang Mahabang Pagsusulit, 82% ang nakuha ng mga mag-aaral, binubuo ito ng pagsusulat muli ng Katakana at Hiragana at pagtukoy at pagbigkas ng tama sa oras. Mas mataas kumpara sa naunang pagsusulit. 83% naman ang nakuhang marka ng mga mag-aaral sa Ikalawang Mahabang Pagsusulit na nagbigay

70

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

tuon sa pagsasalita, gramatika at pakikipagdiyalogo ng wasto. Sa Ikalawang Maikling Pagsusulit, 81% ang nakuhang marka ng mga mag-aaral. Mapapansing bumaba ito ng 2% dahil sa ito ay unang araw ng pagtatalakay ng guro sa pagsulat ng Kanji kaya naman nabawasan ang bahagdan ng kanilang marka. Habang 89% ang markang nakuha sa Ikatlong Mahabang Pagsusulit na naglalaman ng mga pagsasanay sa bokabularyong partikular na ginagamit sa Wikang Hapon at Pilipinas (halimbawa ay osake at kapihan), 92% naman ang nakuhang marka sa Pinal na Pagsusulit na may pinakamataas na bahagdan sa grap na naglalayong mailahad ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa pakikinig, pagsasalita, pagsulat sa Katakana at Kanji ng Wikang Hapon. Nagpapakita ito ng malinaw na resulta na umuusbong ang kaalaman ng mga magaaral sa Nihongo dahil sa mabisang pagtuturo ng kanilang guro gamit ang Wikang Filipino bilang midyum. Ang mga kabuuan ng antas ng mga markang nakuha ng mga mag-aaral na mula sa unang seksyon (BSMATH IV-2) ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sa nagiisang Mahabang Pagsusulit, 86% ang kabuuang marka na nakuha ng mga mag-aaral. Mapapansing mataas ng nakuha ng mga ito kumpara sa 100%. Ang kabuuan ng antas naman ng markang nakuha ng mga mag-aaral na mula sa ikalawang seksyon (BSMATH IV-3) ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Sa Maikling Pagsusulit, 86% ang kabuuang marka na nakuha ng mga mag-aaral. Makikitang mataas ang nakuha ng mga ito bagamat isa lamang ang kanilang pagsusulit.

71

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

PANAYAM SA MGA DALUBGURO AT MAG-AARAL NG BASIKONG NIHONGO G. Junilo S. Espiritu, Guro sa Unibersidad ng Pilipinas Nagtapos ng kursong Batsilyer ng Agham sa Pagtutuos o BS Accountancy sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Bagamat nakapagtapos na ng apat na taon sa kolehiyo, nagpatuloy pa rin si G. Espiritu sa pag-aaral at ibang larangan ang kanyang tinahak na aralin—ito ay ang pag-aaral ng isang banyagang wika na Nihongo. Nag-aral siya ng sampung buwan sa Japanese Language Course sa Tokyo School of Japanese Language sa Japan. Ngunit bago siya mag-aral sa Japan nag-aral muna si G. Espiritu ng Intensibong Pag-aaral ng Hapon ng sampung buwan din. Sa kanyang pag-aaral madali niya itong natutuhan sa iba’t-ibang pamamaraan katulad ng awdiyo biswal at kanyang apat na tagapagturo dalawang guro na Pilipino na nagtuturo ng gramatika at guro na Hapon na ang tuturo ng Nihongo. At ngayon kasalukuyang nagtuturo ng Nihongo sa dalawang Unibersidad ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Ateneo De Manila University (ADMU). Sa kanyang pagtuturo at pamamaraan ang gamit niyang midyum o wikang panturo ay Wikang Filipino. Ginagamit niya ito sa mga ilang kadahilanan. Una ginagamit niya ang Wikang Filipino sa panturo ng Nihongo dahil madali ng gamitin at ito ang wikang kinagisnan niya. Pangalawa para sakanya hindi lohikal ang magturo ng Wikang Filipino gamit ang iba pang wikang dayuhan. Ayon sa kanya, banyagang wika na ang tinuturo tapos ang ginagamit pa ay banyagang wika rin samantalang ang mga tinuturuan ay Pilipino. Pangatlo madaling iparating ang mensahe sa mga mag-aaral kung ang gamit na wika ay wikang alam ng mga mag-aaral. Pang-apat malapit at madaling

72

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

ikumpara ang Nihongo sa estruktura ng Wikang Fillipino. At pang huli, mas palagay ang mga mag-aaral na sumagot o makipagpalitan ng kuro-kuro at kaalaman. Ayon kay G. Espiritu sa pag-aaral ng ibang wika o Nihongo ay kaugnay o kasama ang kultura nito. Halimbawa na ang Wikang Pambansa, kung ang mga dayuhan ang nag-aaral ng Wikang Filipino, kapag ginagamit nila ang mismong mga salita at nagkaron na ito ng paggalang. Halimbawa ng “PO” kasama na sa kultura natin na kapag gumamit ng “PO” ay nagiging magalang. Ganun din sa pag-aaral ng ibang wika. Sa kabilang dako, ayon sa kanya wala siya sa posisyon upang husgahan ang mga guro na nagtuturo ng Wikang Ingles bilang panturo sapagkat marami siyang kaibigan nagtuturo ng Nihong gamit ang Wikang Ingles. Para sa kanya, natututo ang kanilang mga estudyante anumang wika ang gamit nilang panturo. Mas pinili o ginusto niyang magturo ng Nihongo gamit ang sarili niyang wika dahil dito sya mas komportable at mas naipapahayag niya ang nais niyang sabihin at sa tingin ni G. Espiritu, mas nauunawan ito ng kanyang mga mag-aaral.

Bb. Joy Anne C. Lagrama, Guro sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Si Bb. Lagrama ay nagtapos ng Batsilyer ng Artes sa Ingles sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay nakapag-aral ng Nihongo sa tulong ng DEMFA Foundation noong nagpadala ang Embahada ng Hapones ng mga gurong magtuturo ng Nihongo sa mga mag-aaral at iba pang mga guro. Nag-aral din siya ng Nihongo sa Nihongo Center Foundation, Inc. sa Morayta, Maynila. Siya ay kasalukuyang nagtuturo ng Basikong Nihongo sa BS Mathematics IV-2, BS Mathematics IV-3 at AB English sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Anim na taon na siyang nagtuturo ng Basikong

73

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Nihongo at simula pa noon ay Wikang Filipino ang midyum ng kanyang pagtuturo. Bagamat medyor niya ang Ingles, hindi niya maiwasang gumamit ng Wikang Filipino. Ito ang natutuhan niya sa kanyang mga naging guro (sensei) sa Nihongo at ito ang kanyang nakasanayan noon pa man. Ayon sa kanya, hindi nalalayo ang Wikang Filipino sa Nihongo. Kung tutuusin ay mas malapit ito kaysa sa Wikang Ingles. Kung sabay na pinag-aaralan ang Ingles at Nihongo ay may pagkakataong malito ang mag-aaral. Binansagan niya itong complete opposite. Ayon sa kanya, wala namang masama sa paggamit ng Wikang Ingles sa pagtuturo ng Nihongo dahil na rin sa ito ang wikang nakasulat sa mga modyul at mga aklat sa pagaaral ng nasabing wika. Ngunit, isang mahalagang sangkap ng pagtuturo ang paggamit ng Wikang Filipino dahil ang target na mga mag-aaral ay mga Pilipino. Ito ang lubos nilang mauunawaan kaya ito ang nararapat na gamitin sa mga instruksyon. May dalawang pagtingin si Bb. Lagrama na nauukol sa pag-aaral niya ng Nihongo. Nakatutuwa ang pag-aaral na ito ayon sa kanya. Ang rason ng pag-aaral ng Nihongo ay hindi lamang basta makasapat sa kanyang pangangailangang maaliw (dahil sa mahilig siya sa mga anime) kundi makaangkin ng isang wika upang maituro ito sa iba, isa itong daan upang makakonekta sa mga Hapones. Bagamat hindi madali ang pag-aaral ng Nihongo, nangangailangan ito ng sapat na tiyaga at sapat na kagustuhang matuto nito. Para sa kanya, mas mabilis na mauunawaan ng mga mag-aaral na Pilipino ang lektura dahil sa malapit ang mga patinig at katinig ng inaaral na wika sa wikang sarili—ang Wikang Filipino.

74

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

G. Romeo P. Peña, Guro sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Siya ay nagtapos ng kursong Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP). Siya ay nagturo ng Nihongo. Natuto siya ng wikang ito, noong napagtapos niya ang tatlong taong inalok ng PUP sa pamamagitan ng DEMPA Foundation mula 2004. Nakatulong din sa kanyang pagkatuto ang pagpasok sa National Language Institute ng TESDA ng buong bakasyon (Abril hanggang Mayo) sa taong 2012. Ayon sa kanya, hindi lamang Ingles ang ginagamit na panturo sa DEMPA Foundation. Ginagamit din ang Wikang Filipino sa pagpapaliwanag. Kapag nagbibigay ng magandang halimbawa sa kultura Pilipino ay gumagamit ng Wikang Filipino ang guro. Sa kanyang karanasan ay mas madaling maunawaan ang mga mahihirap na termino sa Basikong Nihongo kung isinasalin sa sariling wika. Nagturo si G. Peña ng Wikang Nihongo at ang pinakahuli nito ay sa PUP San juan noong 2012. Naisipan niyang magturo upang maranasan niya kung paano magturo ng ibang wika. Lalo na kung maituturo mo ito na maipapaunawa mo sa sarili mong wika. Gamit kasi ang sariling wika mas masaya ang mga mag-aaral. May partisipasyon at mas matataas ang nakukuha nilang marka o resulta ng pagsusulit, at madali nilang nakukuha ang instruksiyon ng guro. Noong una ay nag-eksperimento siya kung ano ang mas epektibong wika ang gagamitin sa pagtuturo ng banyagang wika. Nakita niya na malaki ang pagkakaiba. Mas mabilis ang daloy ng klase pagtuloy-tuloy ang pagtuturo sa Wikang Filipino.

75

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

76

Para kay G. Peña, depende rin sa gagamit ng wika ang pagkatuto. May nasanay talagang magturo gamit ang Wikang Ingles dahil sa masterado niya ang wika na iyon. Hindi natin pinag-aaway ang mga wika. Ang mahalaga sa pagtuturo ay ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Ang mahalaga, kapag pag-inaaralan mo iyong wika ng iba, binubuksan mo iyong kultura at wika nila, hindi upang yakapin sila bagkus saliksikin at alamin sila. Ganoon ang kasabihan ng mga Hapon, kapag pumunta ka sa kanilang bansa ay dapat mo munang alamin ang kultura at wika namin. Hindi sila mag-iingles para mo sila maunawaan. Iyon ang wala sa konsepto ng Pilipino. Halimbawa na lamang sa kanilang teknolohiya ay Western Technology, Japan Spirit. Ang teknolohiya ay mula sa ngunit ang paggamit ay sa pamamaraang Hapon.

Hindi tayo ganoong mga Pilipino,

tayo ay Western

Technology,Western Spirit. Kaya sa AB Filipinolohiya, hindi magtataka kung bakit may banyaga at bernakular na wika. Nakapanghihiram tayo doon sa mga wika na nakaapekto sa atin. Pinag-aaralan natin hindi lamang ang wika kundi ang kultura rin. Makapangyarihan ang sariling wika ayon sa kanya. Ang magdidikta ng pagkatuto sa pangalawang wika ay ang paggamit ng sariling wika. Ang ating mga pagkakamali ay nasanay tayong isinasalin agad ang mga salita sa Wikang Ingles. Hindi natin tinutumbasan ang mga termino sa sarili nating wika. Kapag pinagaaralan natin ang Basikong Nihongo nararapat na isalin natin direkta sa Wikang Filipino dahil mas mainam iyon. Kahit si Dr. Rizal, nag-aral ng maraming wika, hindi para pahalagahan iyon wika kundi para maging bukas sa wika at kultura ng iba.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

G. Vidal S. Mendoza, Guro sa Pamantasan ng Marikina Nagtapos si Propesor Vidal S. Mendoza Jr. ng Batsilyer ng Artes sa Filipinolohiya opsyon sa Komunikasyong Pangmadla at Masterado sa Artes sa Filipino sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyan siyang kumukuha ng Bilingual Education, Doktorado sa Pilosopiya Medyor sa Bilingual Education sa Unibersidad ng New Era. Natutuhan niya ang Nihongo sa dalawang pamamaraan, pormal at impormal. Sa impormal na pamamaraan, natuto siya sa tulong ng kanyang kapatid na babae na nagtrabaho noon sa Japan at

ng mga Hapones niyang pamangkin. Sa pagkatutong

pormal, nag-aral siya sa TESDA Language Skills Institute at sa DEMFA Foundation sa PUP. Ayon kay Propesor Vidal, maraming pamamaraan ang ginamit ng kanyang guro sa Nihongo upang sila ay matuto sa nasabing wika. Kabilang na ang tinatawag nilang “educainment” na mula sa pinaghalong edukasyon at entertainment. Maliban sa natututo na ang mga mag-aaral ay naaaliw pa sila sa kanilang talakayan at “teachnology” na mula sa pinaghalong “teach” at “technology” na gumagamit ng mga video at recorder upang mapakinggan nila ang kanilang mga boses at mapanuod ang kanilang mga sarili habang nagsasalita ng Nihongo. May tinatawag rin silang experiencial learning na makikipagusap ang mag-aaral sa isang Nihonjin o Hapon. Nakatutuwang isipin na bagamat Ingles ang modyul na gamit ng kanyang guro sa pagtuturo sa TESDA ay nakakokonekta pa rin ang kanilang guro sa kanilang mag-aaral dahil sa paggamit nito ng Wikang Filipino sa instruksyon. Ito ang nakapagbigay ng motibasyon sa kanya upang lalong malaman ang taglay na kultura ng kulturang Hapones.

77

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

78

Mula taong 2009 hanggang 2014, apat na taon at kalahating buwan nang nagtuturo si Propesor Vidal ng Wikang Filipino at

Nihongo. Nagturo siya nito sa

Pamantasan ng Lungsod ng Marikina at nabigyan rin ng pagkakataon na makapagturo sa PUP noong nakaraang bakasyon nang imbitahan siya ni Gng. Perla DS. Carpio sa pamamagitan ni G. Romeo P. Peña. Higit na napalalapit at nakakokonekta ang guro sa mga mag-aaral sa paggamit ng Wikang Filipino. Sa kanyang sariling karanasan, ang oryentasyong kinasanayan nila sa akademya ay Filipino, iba ang kapangyarihan ng Wikang Filipino. Sa paggamit nito bilang midyum ng pagtuturo, ang paksa na lamang ang kailangang problemahin, nagiging natural ang daloy ng talakayan

at nagiging

mabilis ang pagkatuto ng mga mag-aaral. Gamitin ang wikang kinasanayan, hindi kinakailangang ipilit ang paggamit ng wikang hindi bihasa. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang nakauunawa sa Wikang Filipino, kung gayon ay higit na mainam na gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura partikular na ang wikang Hapones. Iba ang katungkulang mayroon ang Ingles at Filipino; magkatulad silang may katungkulan sa atin bilang tao. Samakatuwid kung lalahatin, kinakailangang isulong natin ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura sa kolehiyo o kung maaari pa nga ay sa mas mataas na antas ng edukasyon.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

G. Darwin Austria, Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Si G. Austria ay isang mag-aaral mula sa Unibersidad ng Pilipinas ay kasalukuyang nag-aaral ng Nihongo. Naiibigan niya itong pag-aralan dahil sa pagkakaroon ng mataas at maunlad na teknolohiya ng bansang Hapon at para sa kanya, hindi ito mahirap matutuhan. Wikang Filipino ang gamit ng kanilang guro bilang midyum ng instruksyon. Sa paggamit ang nasabing Wikang Pambansa sa pagtalakay ng Nihongo sa kanilang klase ay higit niyang nauunawaan ang talakayan. Sa kanyang sariling pananaw mas epektibo ito kung ihahalintulad sa ibang mga banyagang wika tulad ng Ingles dahil napadadali nito ang pagtuturo ng Nihongo.

Bb. Arlene Santiago, Mag-aaral sa Unibersidad ng Pilipinas Sa paggamit ng Wikang Filipino ng guro niyang si G. Junilo Espiritu, kasabay na napalilinang ang kakayahan sa Nihongo ang pagpapaunlad ng Wikang Filipino sa loob ng klase. Ayon sa kanya, isang mahalagang paktor sa pagkatuto niya ang direktang pagkakaroon ng relasyon sa kanyang guro (o mga naging guro sa Banyagang Wika). Nakatutulong din ang paraan ng pagtuturo ng kanyang guro upang mas maging ganap ang pagkatuto niya. Mahirap aralin ang Nihongo dahil sa malawak nitong disiplina. Bago tuluyang mapagtagumpayan ang pagkakaroon ng isang ganap na kahusayan sa Nihongo, nararapat na pag-ibayuhin ang kasanayan sa romanji, kanji, katakana at hiragana. Dahil sa hindi simple ang pag-aaral nito, malaki ang papel ng midyum na wikang gagamitin ng guro sa

79

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

pagtuturo upang lubos na maipaunawa sa mga mag-aaral ang Nihongo. Isa pa, hindi nalalayo ang Nihongo sa Wikang Filipino. Mayroon silang reverse relationship sa anyong pansintaktika ng pangungusap. Halimbawa ay Trinoma ni ikimasu na may salin sa Filipinong Pupunta ng Trinoma. Ikimasu para sa salitang “pupunta”, ni para sa salitang “ng” at Trinoma para sa salitang “Trinoma”. Kung sa kabuuang pagkatuto, lubos na epektibo at mabisa ang paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng Nihongo.

Bb. Osorio, Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas Si Bb. Osorio ay isang mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas. Maraming beses na siyang nag-aral ng Nihongo sa iba’t ibang institusyon na naghahain ng asignatura kaya madali na sa kanya ang mag-aral ng Nihongo. Ngayon lamang siya nakaranas na ang guro ay gumagamit ng Wikang Filipino. Kumpara sa Ingles, mas lalo niyang nauunawaan ang talakayan sa klase. Kaya siya nag-aaral ng nasabing wika ay dahil may asawa siyang Hapon at may anak na isang Japanese citizen at nanirahan dito sa bansa. Kaya imbis ang anak ang mag-aral, siya mismo ang nag-aral ng Nihongo para maipakilala sa kanyang anak ang kultura ng Pilipinas. Hindi lamang banyagang wikang inaaral ang kanyang nayakap, kundi ang Wikang Filipino ay kasama niyang isinabuhay. G. Jon Paulo Remingtuda, Mag-aaral sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Si G. Remingtunda ay isang mag-aaral mula sa Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay kasalukuyang nasa ika-apat na taon ng kursong Batsilyer ng Agham sa Matematika. Isa sa kanilang asignatura ang pag-aaral ng Nihongo. Para sa kanyang

80

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

paghahanap ng trabaho at magandang kinabukasan, naiibigan niya ang pag-aaral nito. Sa kanyang sariling pananaw, masaya at hindi ito mahirap pag-aralan. Nagkakaroon ng pagsasalin ang kanilang guro sa pagtuturo ng wikang nabanggit. Ang mga pangungusap na nakasulat sa Nihongo ay isasalin sa wikang Ingles at isasalin naman sa Wikang Filipino upang higit na maunawaan ng buong klase. Sa paggamit ng Wikang Filipino sa kanilang klase higit silang natututo sa pagsasalita ng Nihongo na satingin niya ay kakailanganin nila. Nakadaragdag ito sa kanilang abilidad at magkakaroon ng pagkakataong makapaghanapbuhay sa bansang Hapon na may maunlad na teknolohiya. Lugar na angkop para sa kursong kaniyang tinatapos. Bilang kanyang paglalahat, napapaiigi ng Wikang Filipino ang pag-aaral ng Nihongo.

Bb. Ara Naga, Mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas Si Bb. Ara Naga ay isang mag-aaral ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas. Kasalukuyang kumukuha ng kursong Batsilyer ng Agham sa Matematika at nasa ika-apat na taon. Hindi siya nahihirapan dahil siya ay nagpopokus sa kanilang aralin na tinatalakay ng kanyang guro. May mga pagkakataon na hindi niya naiitindihan ito kaya gumagamit ang kanilang guro ng Wikang Filipino para lubusang maunawaan ito. Kahit sa kanilang asignatura sa Matematika, gumagamit din ang kanilang guro ng Filipino sa mga pag-aaral na hindi nauunawaan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan ng paraan ng guro at ang Wikang Filipino bilang midyum nito, mas lalo niyang naiintindihan ang mga talakayan sa asignaturang Nihongo.

81

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

82

PAGGAMIT NI G. RAMIL LAGASCA NG WIKANG FILIPINO SA PAGTUTURO NG NIHONGO AT KULTURANG HAPON Si G. Ramil Lagasca ay isang Pilipino na nakatira sa bansang Hapon. Siya ay isang TV Host, Kolumnista, Potograper at Manlalaro. Sa kasalukuyan, siya ay nagsasagawa ng isang palabas o segment na tumatalakay sa

bansang

Hapon.

Sa

kanyang

Facebook

account

(https://www.facebook.com/ramil.lagasca), nakapag-upload siya ng 21 episodes na pinamagatang “Itanong Mo Kay Onisan”. Sa bawat episode, tinatalakay niya ang mga kultura, ang uri ng pamumuhay, at kung ano-ano pa na may kaugnayan sa mga mamamayan ng bansang Hapon gamit ang Wikang Filipino. Ilan dito ang mga sumusunod: Sa episode 21, tinalakay niya kung bakit “apologetic” ang mga Hapones. Ipinaliwanag niya ito sa pamamagitan ng iba’t ibang paraan ng pagyuko at pagsasabi ng sumimasen gomenasai o humihingi ako ng paumanhin. Kahit sa simpleng bagay ay humihingi sila agad-agad ng paumanhin para sa kanilang kamalian kamalian o kaya bago humingi ng pabor sa kanila. Ang pagyuko ng mga Hapon ay kailangang inangkop batay sa tao, kagananap, panahon at pangyayari na kinasasangkutan nila. Sa episode 11, kanyang tinalakay ang tamang pagbigkas ng mga salitang Hapon na madalas ginagamit sa pangkaraniwang pamumuhay. Sa mga salitang ito madalas malito at magkamali

sa pagbigkas at paggamit ang mga dayuhan. Bilang ilan sa

halimbawa ang hyakuen (hyaku ay 100 at en ay yen) at hindi hakyen, kapag naman magpapakilala ng sariling pangalan ay hindi na dapat lagyan ng san ang pangungusap.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Katulad ng Boku wa Ramiru san desu bagkus ang tama ay Boku wa Ramiru desu. Binanggit rin niya ang katumbas na salin sa Filipino ng iku, iki, yuki na papunta at kuru naman sa paparating. Matapos nito isinalin niya pa ito sa Ingles na salitang going at coming. Gamit ang Wikang Filipino ipinaliwanag niya ang pagkakaiba ng mga salitang ito na akala ng nakararaming dayuhan ay tama ngunit kapag hinanap na ang kahulugan ng mga ito ay doon lamang malalamang ito pala ay mali. Sa episode 13, kanyang tinalakay kung bakit matindi pa rin ang “seniority” sa mga Hapones. Gamit ang Wikang Filipino ipinaliwanag niya na ang bahagdang sistemang mula sa kasaysayan ng mga Hapon ay kanilang nadala hanggang sa modernong panahon ngayon. Ito ang sistema na kung ano ang iniutos ng nasa taas ay kailangang sundin ng nasa baba. Ang mga Hapones ay naniniwala na sa bawat indibidwal ay may higit na nakatataas sa kanya at sa kanyang ibaba naman, nandoroon ang tagamasid at kailangan nitong gawin ang kanyang tungkulin ng mahusay at walang mali. Para sa bawat isa sa kanila, mahalaga ang karangalang magampanan ang tungkulin sa lipunan. Kadalasang ipinauubaya ng mga Hapones ang desisyon sa mas nakatatanda upang maiwasan ang pagsisi at magkaroon ng matiwasay na relasyon. Sa episode 5, muli, gamit ang Wikang Filipino, kanyang tinalakay ang mga tamang kaugalian, etiquette sa Kulturang Hapon. Ito ang mga kinakailangang malaman at matandaan ng mga dayuhang bibisita sa bansang Hapon. Sensitibo ang mga Hapones sa pagbibigay galang sa mga matatanda at pagbibigay respeto sa kapwa. Halimbawa na lamang sa paliligo, mauuna muna ang mga matatanda at huli ang mga bata, kapag naman inimbitahan ang isang indibidwal sa tahanan ng isang Hapon mahalagang magdala ang

83

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

nasabing indibidwal ng isang regalo dahil ito ay bilang tanda ng pasasalamat sa imbitasyon ng kanyang kaibigang Hapon. Sagrado ang pagkain sa mga Hapones kaya hindi nila pinahihintulutan kung maaari ang kumain at uminom habang nakatayo. Ipinaliwanag rin ni G. Lagrasca na kilala ang mga Hapon bilang istrikto sa oras, mahalaga sa mga ito ang pagbibigay halaga sa oras ng kanyang kapwa kaya kinakailangang dumating ng sampung minuto bago ang napag-usapang oras. Sa paglalahat ng mga nakuhang datos, tumugon ang mga ito sa teoryang inilapat sa pag-aaral—ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino. Sa paggamit ng Wikang Filipino ay mas napagaan ang pag-aaral ng mga mag-aaral sa Basikong Nihongo. Nakapagbukas ito ng bagong karunungan sa nasabing disiplina na natamo ng mga magaaral sa katapusan ng asignatura. Sa pagbubuod, ang Filipino ay naging mohon ng pagkatuto.

84

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

KABANATA 5 PAGLALAGOM, NATUKLASAN, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON Sa pag-aaral na may pamagat na “PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG MIDYUM NG PAGTUTURO NG BASIKONG NIHONGO TUNGO SA INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG PAMBANSA”, naglagom ang mga mananaliksik. PAGLALAGOM Sabihin nating maraming pagkakataon na kahit may kabatiran tayong mga bahagi ng isang lipunan kung ano ang suliranin, pinipili nating magkibit-balikat. Kung hindi naman, wala tayong kamalayan sa mga ito kaya wala tayong nagiging aksyon upang mapunan ang ating mga pagkukulang. May mga panukalang solusyon na hindi nabibigyan ng panahon at oportunidad kahit may sinasabi. Sa ating Pambansang Edukasyon, maraming isyu ang dapat na nalalapatan ng kasagutan, ang iba ay natutuldukan at ang iba naman ay natatabunan ng iba pang mga dinudulog na problema. Sa pagkitil sa lumalalang dilema, nararapat na bigyang tuon ang pinakabasikong ugat ng suliranin. Napakahalaga ng papel na ginagampanan ng wikang midyum sa instruksyon sa pagkatuto. Sa kabilang dako, globalisasyon ang isa sa dahilan ng pagkakaroon ng ugnayan ng bansang Pilipinas at Hapon, ito rin ang pangunahing dahilan ng mga Pilipino sa kanilang pag-aaral ng Nihongo. Mahalaga ang pagkakaunawaan ng mga guro at mag-

85

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

aaral sa bawat aralin na tinatalakay. Malaki ang papel na ginagampanan ng wikang ginagamit ng guro sa pagkatuto ng mag-aaral. Sa pag-aaral ng isang wika hindi rito maihihiwalay ang pag-aaral ng kanilang kultura. At dahil sa globalisasyon, patuloy tayong nakikilahok at nakikisama sa iba pang mga bansa tungo sa kaunlaran. Nais nating mapatunayan na may kakayahan ang ating Wikang Pambansa na paunlarin ang ating bayan at mga sarili. Hindi na lamang tayo hahanay sa mga na sa laylayan, itataas natin ang antas ng Wikang Pambansa. Nailahad ang kahalagahan ng pagtuklas ng kabisaan ng paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng Basikong Nihongo. Kung paano ito nakatutulong sa pagkatuto ng mga mag-aaral, sa anong pamamaraan na palawak ang kaalaman ng mga mag-aaral sa Nihongo. Hindi lamang ang banyagang wikang pinag-aaralan ang napauunlad bagkus maging ang gamit na wika sa instruksyon ng pagtuturo. Nakatulong ito sa mga mag-aaral sa pagsasapraktika ng kanilang natutuhan sa Basikong Nihongo gamit ang Wikang Filipino. Nakapagbigay ng mga payo at gabay sa mga guro kung paano naging mabisa ang pagtuturo ng Nihongo gamit ang Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo. Nakadagdag ng impormasyon at napalawak ang kaalaman ng mga mambabasa hinggil sa pag-aaral ng Basikong Nihongo at ang relasyon nito sa Wikang Filipino. Nakapagbigay ng impormasyon sa mga paaralan/ institusyon ng pagiging epektibo ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng Basikong Nihongo. Sa paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng Basikong Nihongo, naiangat ang pagkatuto sa nabanggit na wikang inaaral. Kasabay nito, mas

86

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

naging laman ng bibig ng mga tagapagturo ang Wikang Filipino. Sa aspektong ito, tumaas ang pagiging intelektuwalisado ng Wikang Pambansa. Sinaklaw ng mga mananaliksik ang Edukasyong Pangkolehiyo na siyang naghahain ng asignatura at gumagamit ng Wikang Filipino sa pagtuturo ng Basikong Nihongo at naging instrumento upang mapatunayan ang kabisaan ng Wikang Filipino bilang wikang panturo ng nasabing banyagang wika. Gumamit ang mga mananaliksik ng teorya ni Bonifacio P. Sibayan at Andrew Gonzalez na nakapokus sa paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng instruksiyon sa iba’t ibang larangan partikular na sa edukasyon tungo sa intelektuwalisasyon nito. Ibayong paghahanap ang ipinamalas ng mga mananaliksik upang maisakatuparan ang pagbuo ng mga kaugnay na pag-aaral at literatura. Itinuon nila ang pananaliksik sa kung ano ang nararapat na gamiting wikang panturo ng guro sa pagtuturo ng Basikong Nihongo sa klase. Ito ay nararapat na makatutugon sa pangangailangan ng mag-aaral na matuto ng mabilis at episiyente. Iniugnay ng mga mananaliksik ang wika sa kultura. Ang relasyon ng nagtuturo at tinuturuan ay mahalagang aspekto ng pagkatuto. Naipakita sa pag-aaral kung bakit Basikong Nihongo ang napiling wikang banyagang pagtuunan ng pansin. Ang papel ng wika ay natalakay sa ikalawang bahagi ng pananaliksik at kung paanong nakatutulong ito sa pag-unlad ng bata o ng tao. Nailahad ang mga pamamaraang ginamit at pinagkunan ng datos ng mga mananaliksik sa kabanata tatlo. Sinagot ng Deskriptibong pamamaraan ang pananaliksik na nakatuon sa anyo ng napagpapahayag at nagbibigay diin sa pagbuo ng malinaw na larawan at katangian ng isang bagay, tao, lugar, o pangyayari sa pananaliksik na

87

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

pagpapaunlad. Sangkot ang mga paaralan na nag-aalok ng asignaturang Basikong Nihongo tulad ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) at Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas (PUP) na gumagamit ng Wikang Filipino bilang midyum sa pagtuturo. Sila ang naging batayan sa pagpili ng mga mag-aaral at gurong kalahok. Paggamit ng laptop, camera, recorder, video camera, internet, aklat.Magasin, dyornal, tesis, pluma at papel na nakatulong maisakatuparan ang pananaliksik. Nagtungo sa mga silid-aklatan ng Sentro ng Wikang Filipino sa UP, Pambansang Aklatan ng Pilipinas Komisyon ng Wikang Filipino, The Japan Foundation, Manila’s (JFM) Library, Silid-Aklatan ng Kolehiyo ng Artes at Literatura at Ninoy Aquino Library and Learning Resources Center (NALLRC) ng Politeknikong Unibersidad ng Pilipinas at Summer Institute of Linguistics at paghahanap sa websayt. Nagsagawa ng mga obserbasyon sa klase ng UP at PUP para sa pagtuturo ng mga guro ng Basikong Nihongo gamit ang Wikang Filipino bilang Midyum sa pagtuturo. Kumuha ng mga pagsusulit na naging basehan ng pagkatuto ng mga magaaral. Nakipanayam sa mga guro at maging sa kanilang mga mag-aaral upang maging batis ng pagpapatunay sa pananaliksik at nag-analisa ng mga dokumentaryo ni Ramil Lagasca. Maging ang paghingi ng konsultasyon sa mga tagapayo upang mas mapakinis at mapalawig pa ang resulta ng pananaliksik ay pinag-ibayo. NATUKLASAN Sa pag-aaral na ito na may pinamagatang “PAGGAMIT NG WIKANG FILIPINO BILANG MIDYUM NG PAGTUTURO NG BASIKONG NIHONGO TUNGO SA INTELEKTUWALISASYON NG WIKANG PAMBANSA” ayon sa pagkakabahagi, natuklasan ng mga mananaliksik:

88

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

A. Natuklasan sa Pagmamasid sa Klase 

Aktibo nakikilahok sa mga talakayan ang mga mag-aaral sa klase



Kawili-wili ang pagtuturo ng guro kapag nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanyang mga sinasabi sa paraang nakatutuwa.



Mas nakapagsasalita ang mga mag-aaral na may wastong bigkas sa Nihongo lalo na at inuulit ito ng guro at mas malaya naman silang nakasasagot sa mga katanungan gamit ang Wikang Filipino.



Mas malapit ang istruktura ng Nihongo sa Wikang Filipino, may mga tiyak na katumbas mula sa Nihongo patungong Wikang Filipino at malapit ang mga katinig at patinig ng inaaral na wika sa wikang sarili.



Komportable ang mga mag-aaral kung sila ay nagsasabi ng kanilang mga saloobin.



Pinagagaan ng paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ang pagtuturo ng Basikong Nihongo.

B. Mula sa Pagsusulit ng mga Mag-aaral Batay sa mga pagsusulit naitala ng mga mananaliksik ang mga sumusunod. B.1 UP Hapon10 

Na sa unang maikling pagsusulit, 80% ang kabuuang nakuhang marka ng magaaral upang masukat ang kahusayan sa pagsulat ng Hiragana at Katakana.

89

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS



Na sa unang mahabang pagsusulit, 82% ang kanilang nakuha na mas mataas kumpara sa unang maikling pagsusulit ng Katakana at Hiragana, naglalaman ito ng pagtukoy at pagbigkas ng tamang oras.



Na sa ikalawang mahabang pagsusulit,

83% ang nakuha ng mga mag-aaral

patungkol sa pagsasalita, gramatika at pakikipagdiyalogo ng wasto. Mas mataas ito kumpara sa naunang pagsusulit. 

Na sa ikalawang maikling pagsusulit, 81% ang nakuha ng mga mag-aaral na nakatuon sa pagtalakay at pagsulat ng Kanji. Mapapansing bahagyang bumaba ang marka ng mga mag-aaral sa pagsusulit.



Na sa ikatlong mahabang pagsusulit, 89% ang nakuha ng mga mag-aaral na nakatuon sa pagsasanay sa mga bokabularyong partikular na ginagamit sa Wikang Hapon at Pilipinas.



Na sa pinal na pagsusulit, 92% ang nakuha ng mga mag-aaral sa pakikinig, pagsasalita, pagsulat sa Katakana at Kanji ng Wikang Hapon. Ito ang pinakamataas nilang nakuha.

B.2 BsMath IV-2 

Na sa kaisa-isang mahabang pagsusulit ng BSMATHIV-2, 86% ang nakuha ng mga mag-aaral na naglalaman ng pagsusulat ng Katakana at Hiragana at mga araw sa isang buwan.

90

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

B.3 BsMathIV-3 

Na sa kaisa-isang mahabang pagsusulit ng BSMATHIV-3, 86% ang nakuha ng mga mag-aaral na naglalaman ng pagsusulat ng Katakana at Hiragana at mga araw sa isang buwan.

C. Panayam sa mga Guro at Mag-aaral ng Basikong Nihongo



Mas mabilis ang daloy ng pag-aaral sa klase kung Wikang Filipino ang gagamitin bilang midyum sa pagtuturo ng Basikong Nihongo



Makapangyarihan ang Wikang Pambansa dahil sa ito ay ginagamit lalo na sa mga kritikal na paglalahad at pagpapaliwanag ng Basikong Nihongo



Nabubuksan ang kultura at wika ng iba at nagsisilbing tulay nito ang sariling wika. Ito ay tinatawag na cross-linguistic networks.



Direktang naisasalin ang Nihongo sa Wikang Filipino dahil sa may mga katumbas itong salita.



Sa larangan ng edukasyon—sa paggamit ng Wikang Filipino sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa Basikong Nihongo, tuluyan silang nakapagtatamo ng kahusayan sa Basikong Nihongo.



Mapauunlad ang Wikang Pambansa kung ito ay tuloy-tuloy na nagagamit.

91

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

D. Mula sa pagtuturo ni G. Ramil Lagsca gamit ang midya 

Na malaki ang papel ng pagsasalin mula sa Nihongo tungo sa Wikang Filipino sa pagkatuto ng indibidwal at manunuod.



Na sa paggamit ng Wikang Filipino mas nagiging appreciative o interesante ang talakayan para sa mga manunuod dahil mas nauunawaan nila ang nais iparating ng tumatalakay.



Na karamihan sa mga salitang Nihongo ay may tiyak nang salin sa Wikang Filipino tulad na lamang ng iku, iki, yuki na may saling papunta, kuru na may saling paparating, kore (ito), sore (iyan) at are (iyon).



Na mahalagang malaman ang kultura at kaugalian ng mga Hapon upang maging magaan ang pag-aaral ng Nihongo.

KONKLUSYON Batay sa natuklasan, nagkaroon ng paghihinuha ang mga mananaliksik sa mga sumusunod: A. Mula sa pagmamasid sa klase 1. Na sila ay nakasusunod sa talakayan at mabilis na nakasasagot dahil may kalayaang gumamit ng kanilang wikang sarili. 2. Na kawili-wili ang pagtuturo ng guro lalo na at nauunawaan ng mga mag-aaral ang kanyang mga sinasabi sa paraang nakatutuwa. Ipinapakita nito na mahalaga ang direktang relasyon ng guro at mag-aaral upang parehong umunlad sa banyagang wikang inaaral.

92

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

3. Na dahil sa inuulit ng guro ang tamang bigkas sa Nihongo at isinasalin sa Filipino, mas nakukuha ng mag-aaral ang wastong bigkas at wastong kahulugan ng salita o pangungusap. 4. Na dahil mas malapit ang istruktura ng dalawang wikang sangkot, mas mabilis ikumpara ang dalawa na daan upang mabilis na matuto ang mga mag-aaral. 5. Na mas naipapayahag o naisisiwalat ng mga mag-aaral ang kanilang mga saloobin. 6. Na mas gumagaan ang pagtuturo ng Basikong Nihongo gamit ang Wikang

Filipino bilang midyum sa pagtuturo.

B. Mula sa Pagsusulit ng mga Mag-aaral B.1 UP Hapon10 1. Sakanilang unang maikling pagsusulit, 80% ang kabuuang nakuhang marka ng mag-aaral. Ibig sabihin, sa kauna-unahang pagkakataon ay hindi mababa ang nakuha ng mga mag-aaral sa pagsusulit at nauunawaan nila ang leksyon. 2. Samantalang ang unang mahabang pagsusulit naman ay mas tumaas sa unang maikling pagsusulit. Ang kabuuang nakuha na marka ng mga mag-aaral ay 82%. Nagpapakita ito na tumaas ang antas ng kahusayan ng magaaral sa leksyon. 3. Mataas pa rin ang nakuha ng mga mag-aaral saikalawang mahabang pagsusulit at ang kabuuang marka ng mga mag-aaral ay 83%. Bagamat isang bahagdan lamang ang itinaas, mas naunawaan pa rin ng mga mag-aaral ang lektura sa pagtagal ng panahon.

93

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

4. Bahagyang bumaba ang ikalawang maikling pagsusulit na nakatuon sa pagtalakay at pagsulat ng Kanji na may kabuuang 81%. Bumaba ito dahil sa ito ang unang pagkakataon nilang magsulat sa Kanji. Ngunit ; 5. Nabawi ito sa kanilang ikatlong mahabang pagsusulit na ang muling lalamanin ay pagsulat ng Kanji namay kabuuang marka ng mga mag-aaral na 89%. Tumaas ito ng 8% at mas naunawaan na nila ang Kanji ng mas maipaliwanag nito. 6. Lubhang mataas ang natamong marka ng pinal na pagsusulit. Ang kabuuang marka ng mga mag-aaral ay 92% na pinakamataas at maganda ang resultang naipakita. Nagpapakita ito na tumaas ng lubos ang pagkatuto ng mga mag-aaral sa kanilang huling pagsusulit. Naunawaan nila ang lektura gamit ang Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng Nihongo. B.2 PUP BsMathIV-2 1. Na sa 100%, sila ay nakakuha ng 86%. Sa kauna-unahang pagsusulit ay naunawaan ng mga mag-aaral ang talakayan kaya naging mataas ang resulta nito.

B.3 PUP BsMathIV-3 2. Na sa 100%, sila ay nakakuha ng 86%. Gayundin, sa kauna-unahang pagsusulit ay naunawaan ng mga mag-aaral ang talakayan kaya naging mataas ang resulta nito.

94

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

95

C. Mula sa panayam sa mga Guro at Mag-aaral ng Basikong Nihongo

1. Agad nilang nauunawaan ang sinasabi ng guro at nakatutulong ito upang hindi tumagal bagkus maging mabilis ang kanilang klase. 2. Totoong may kakayahan ang ating wika na makapagbukas ng mga karunungan sa Basikong Nihongo. 3. May mga katumbas itong salita na naging rason kung bakit mas naipaliwanag ng mabilis at malinaw ang mga lektura gamit ang hambingan ng gramatika ng dalawang wikang sangkot dahil direktang naisasalin sa wikang alam ng mag-aaral ang salitang inaaral. 4. Nabibigyan ng pagkakataon ang ibat ibang wika at kultura na magkaroon ng ugnayan sa isat isa. 5. Mapauunlad ang Wikang Pambansa kung ito ay tuloy-tuloy na nagagamit dahil hindi ito namamatay. Patuloy itong gagamitin at magagamit ng mga Pilipino dahil nakabatay sa wikang ito ang kanilang pangangailangan.

D. Mula sa pagtuturo ni G. Ramil Lagsca gamit ang midya 1. Dahil isang paraan ang pagsasalin sa pag-iintelektuwalisa ng isang wika, ibig sabihin

may

posibilidad

ang

Wikang

Filipino

bilang

isang

Wikang

Intelektuwalisado. 2. Gamit ang Wikang Filipino, mas madaling nauunawaan ng mga tagapanuod ang nais iparating o ipakahulugan ng impormasyon. 3. Ang dalawang Wikang nabanggit ay may direkta ring relasyon sa isa’t isa.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

4. Na mahalagang maunawaan ng mag-aaral ang kultura at kaugalian ng kanyang inaaral na wika.

REKOMENDASYON 1. Dahil sa lubos na napadadali at naipaliliwanag ng mas mabilis ang mga lektura sa pag-aaral ng Basikong Nihongo na lalong ikinabibilis ng pag-unawa ng mga mag-aaral dahil sa direktang relasyon at salin ng mga kataga at gramatika, gamiting lubos ang Wikang Filipino upang hindi maging isang napakahabang proseso at nakalilito ang pagkatuto ng mga mag-aaral at pagtuturo ng mga guro. 2. Ang paggamit ng Wikang Filipino ay lubos na nakatutulong upang mas mabilis na maunawaan ang mga proseso ng pag-aaral ng Basikong Nihongo sa halip na dalawang wika ang ginagamit sa pagtuturo, mas nakatuon lamang ang mag-aaral sa proseso ng kanyang pag-iisip kung paanong intindihan ang isasagot sa sinasabi at hindi na sa kung ano ang sinabi ng guro. 3. Upang maging aktibo ang talakayan sa klase, magkaroon ng bukas na partisipasyon sa lahat, upang hindi maging nakaiinip at nakatatamad ang pagtuturo at pagkatuto, gamitin ang Wikang Filipino bilang midyum ng pagtuturo ng Nihongo. 6. Ang pagpapayabong ng Wikang Filipino para sa pagpapaunlad ng makabayang edukasyon ay hindi lamang dapat na pantulong o paningit lamang na wika, bagkus pangunahing gamitin ang Wikang Filipino sa pagtuturo ng Basikong

96

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

97

Nihongo o kahit ng iba pang banyagang wika. Isa itong disiplina na nararapat na mas mapalakas. 7. Isaalang-alang ang mga mag-aaral sa wikang gagamiting panturo. Gamitin ang pinakamadaling pamamaraan ng pagtuturo sa mag-aaral. 8. Paigtingin ang paggamit ng Wikang Filipino sa pamamagitan ng mga guro at mga dalubhasa sa Basikong Nihongo, magkaroon ng pormal na pagsasalin mula sa Basikong Nihongo patungong Wikang Filipino sa tulong ng mga ito. 9. Panatilihin o payabungin ang Wikang Filipino sa Basikong Nihongo at sa iba pang banyagang wika patungo sa pag-unlad. Ang pagbibigay ng pokus sa basikong instruksyon ay isang malaking responsibilidad ng guro sa kanyang mga mag-aaral. Isalin ang mga materyales at kagamitang panturo (mapa-modyul, awdyo, dinig-tanaw) sa Wikang Filipino. 10. Sa karera ng Wikang Filipino upang maging isang wikang intelektuwalisado, maging

parte

ang

pag-aaral

na

ito

upang

maging

batayan

ng

pagsasaintelektuwalisado ng Wikang Pambansa. 11. Hinihiling ng mga mananaliksik na magkaroon pa ng mga susunod na pagaaral patungkol sa paggamit ng Wikang Filipino bilang midyum ng wikang panturo sa iba pang mga banyagang wika o kahit sa iba pang mga disiplina o bukal ng karunungan.

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

98

BIBLIOGRAPIYA Mga Aklat: Almario, Virgilio S. Salin sa Ingles ni Marne L. Kilates. Madalas Itanong Hinggil Sa Wikang

Pambansa

(Frequently

Asked

Questions

on

the

National

Language).Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 2014 Ballescas, Ma. Rosario P. Filipino Entertainers in Japan: An Introduction. Quezon City: The Foundation for Nationalist Studies, Inc., 1992 Carpio, Perla S. et al. Komunikasyon Sa Akademikong Filipino. Malabon City: Jimczyville Publication, 2012 Constantino, Pamela C. at Monico M. Atienza, mga pat. Mga Piling Diskurso sa Wika at Lipunan. Lungsod Quezon: University of the Philippines Press, 1996 Friere, Paulo. Pedagogy of the Oppressed.New York, NY: Intercultural Press, Inc., 1986 Galdon, Joseph A. Why Bilingual? Theory and Praxis in Philippine Bilingualism. 2007 Garcia, Lakandupil C. Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Ika-3 Edisyon.). Malabon City: Jimczyville Publication, 2010 Habaluyas-Peñaflorida, Andrea. Points of Departure Essays on Language Pedagogy. Manila: Dela Salle University Press, Inc., 2000 Lado, Robert. Language Teaching A Scientific Approach. Bombay – New Delhi, India: Tata McGraw-Hill Publishing Co. Ltd., 1964

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Marshall, Terry. The Whole World Guide for Language Learning.USA: Intercultural Press, Inc., 1989 Santos, Benilda S. Ang Wikang Filipino sa Loob at Labas ng Akademya’t Bansa: Unang Sourcebook ng SangFil 1994-2001. Quezon City: UP-SWF, 2003 Sibayan, Bonifacio P. The Intellectualization of Filipino Other Essays on Education and Sociolinguistics. Manila: Dela Salle University Press, Inc, 1999 The Japan Foundation.Contemporary Philippine Culture Selected Papers on Arts and Education. Manila: The Japan Foundation Manila Office, 1998 Yu-Jose, Lydia N. Ang Mga Hapones. Ni Edwin O. Reischauer. Manila: Solidarity Foundation, Inc., 1992 Tesis: Bravo, Ma. Bernadette C. The Influx of Japanese Animations in the Philippines and Philippine – Japan Cultural Relations. Quezon City: University of the Philippines, 2006 Mga Dyornal: Daluyan: Opisyal na Publikasyon ng Sentro ng WF Sistemang UP. Tomo IV, Bilang 1-4. Quezon City: Sentro ng Wikang Filipino, 1993 Gabijan, Iris G. et al. “Self-Evaluation of Nihongo Learners From Selected Japanese Language Schools in Malaybay City, General Sanos City, Digos City and Davao City.” Mindanao Kokusai Daigaku Journal.Bolyum 5, Blg.1 (2007): 1-21

99

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Gangoso, Narissa G. “Ang Intelektuwalisasyon ng Wikang Filipino.” The WVSU Graduate Journal. Bolyum XXXII, Blg. 2 (1998): 40-43 Ganzon, Luzviminda T. “Ang Pagpapahusay sa Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga DiFilipino.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika. Tomo VIII (1997): 211-223 Komisyon sa Wikang Filipino. Journal ng KWF. Maynila: Komisyon sa Wikang Filipino, 1996 Mabanglo, Ruth Elynia S. “Pagpapahusay ng Pagtuturo ng Filipino sa mga Filipino/DiFilipino sa Labas ng Filipinas.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika. Tomo VIII (1997): 35-48 Matsuo, Marie Mariko S. “Comparative Analysis of Cultural Practices Among Japanese Descendants in Calinan, Davao City.” MKD Journal.Bolyum 3 (2005): 83-88 Nolasco, Ricardo Ma. Duran. 21 Reasons why Filipino Children Learn Better Using Their Mother Tongue. The Mindanao Forum.Bolyum XXI, Blg. 2 (2008): 129-145 Ocho, Rosario Q., Candy Jane M. Kagitomi at Leonardo D. Baluya, Jr. “Survey of Experiences of Students at the Mindanao Kokusai Daigaku with the Japanese Language CA. 2002-2006.” Mindanao Kokusai Daigaku Journal.Bolyum 4, Blg.1 (2006): 43-51 Oue, Masanao. “Ang Pagpapahusay sa Pagtuturo ng Wikang Filipino sa mga Estudyanteng Hapones: Mga Suliranin at Solusyon.” Daluyan: Journal ng SWF sa Talakayang Pangwika.Tomo VIII (1997): 21-33

100

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

Rathrore, Bharti, Margi Panchoii, “A Study of the Effects of Medium of Instruction on Students’ Anxiety at College of Education”. Voice of Research. Bolyum 2, Isyu 3. India: Vallabh Vidyanagan, 2013 Tinnae, Sherwin B., Loida M. Don at Fritz Alvin C. Dinopol. “A Follow-up Study of Japanese Language Learners in Davao City.”MKD Journal.Bolyum 3 (2005): 5-11 Artikulo: Miclat, Mario I. “Globalization and National Language.”Agung.Bolyum VII, Blg. 4. Hulyo-Agosto 2011: 5-6 Monograp: Chee–Meoh Seah, David at S. Hayden Lestirel.Japanese Studies in Southeast Asia: Towards a Cooperative Approach. Singapore: National University of Singapore, 1994. Monograph Series No. 5 Internet: Cantoni, Mayari. What role does the language of instruction play a successful education? A case study of the impact of language choice in a Namibian school.Växjö Universitet, 2007. Makikita sa http://www.diva-portal.org/smash/get/diva2:205547/FULLTEXT01.pdf Pambansang Komite sa Wika at Salin. Kartilya ng Wikang Filipino bilang Wika sa Edukasyon.Maynila: Pambansang Komisyon sa Kultura at mga Sining, 2005. Makikita sa

101

POLITEKNIKONG UNIBERSIDAD NG PILIPINAS

http://sentrofilipino.upd.edu.ph/programa_at_proyekto/download/uswagan_kartila _fil.pdf http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMO-No.20-s2013.pdf wika.pbworks.com/w/page/8021659/Filipino http://www.ched.gov.ph/wp-content/uploads/2013/07/CMO-No.23-s2010.pdf https://www.facebook.com/ramil.lagasca?fref=ts

102

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF