Tagalog Verskunt: Sulating Diwa

October 12, 2017 | Author: De Leon Jerome | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Tungkol ito sa panayam ni Rizal na nagkarron ng ikalawang salin na siya rin mismo ang nagsulat....

Description

Jerome S. de Leon BSIT 3 – 1 Tagalog Verskunt Ang “Tagalog Verskunt” ay pamagat ng papel panayam na binasa ni Jose Rizal sa isinagawang pagpupulong ng Samahang Etnograpiko o Ethnographic Society ng Berlin. Ito ay hindi lamang iisang salin. May iba’t ibang salin ito na ang dalawa ay mismong si Rizal ang nagsulat. Ang orihinal na salin nito ay mula pa sa wikang Aleman na pinamagatang, “Tagalische Verskunst” at ang sumunod na salin ay mula sa wikang Espanyol na pinamagatang, “Arte métrica del Tagalog”. Ang ikatlong salin ay mula kay Christopher B. Nuyles, “Ang Pagtulang Tagalog”, at ika-apat, ang salin ng Jose Centennial Commission na “Ang Sining ng Tugma at Sukat ng Tagalog” sa ilalim sa pagkapatnugot na si Virgilio S. Armalio. Ayon kay Armalio, “Ito ang unang paglahok ng isang Filipino tungo sa pagganap ng Poetikang Tagalog. Sa loob ng napakaikling panayam, na ayon na sa kanya'y hindi niya napalawig dahil sa kanyang hitadong kaalaman sa wikang Aleman, maraming nadagdag na obserbasyon si Rizal bukod sa kanyang nasusugan ang mga depekto ng paliwanag ng mga kritikong misyonero.”. Sa pagtingin pa niya, masasalamin sa loob ng konteksto ng kanyang mas malawak na makabayang proyekto na si Rizal ay nagsusumikap na mailabas ang partikular na aspeto ng pampanitikang sining ng mga Pilipino, “Masisilip sa mga inihanay kong obserbasyon ang pakikitunggali ng teksto ni Rizal laban sa mga naunang misyonero. Bawat punto niya'y waring nagdidiin sa katangian ng tugmang Tagalog kaya't hindi dapat hanapan ng karakter na Espanyol o Europeo. Nang banggitin niyang laging isahan ng tugmang Tagalog ay hindi niya napigil ang komentaryong: "En vano los españoles han procurado introducir construccion de sus versos." o “The Spaniards have tried in vain to introduce the construction of their verses.” sa wikang Ingles. Nangangahulugan na ang maikling sanaysay na ito ay maaring isipin mula sa bayograpikong pananaw tulad ng paglalarawan ni Coates sa bahaging ng buhay ni Jose Rizal bilang “fulfillment in Berlin” o mula sa pananaw ng mga literary scholarship sa Pilipinas na kung saan ito ay hinuhusgahan na nangunguna at hindi maaring mawala or maalis kahit na ito ay hindi kumpleto at pansamantalang gawa ni Rizal. Ngunit, ayon sa nailimbag na mga paglilitis, ang sikat na scientist at social reformer na siyang pangunahing tumangkilik kay Rizal sa Berher Gesellschaft na si Rudolf Ludwig Carl Virchow ay mayroong maikli pero nakakahiyang komentaryo sa huling bahagi ng panayam ni Rizal: “H. Virchow remarked, that the collection of melodies of the savage peoples (e.g. the Tagalogs - R.G.) constitutes a gap in the ethnological literature so that contributions in this same direction are much desired”. Ang paghingi ng paumanhin sa katapusan ng panayam ni Rizal – ay sinasabi na hindi niya nagawang palawaking maigi ang kanyang panayam dahil sa

kakulangan niya ng kaalaman sa wikang Aleman – ay mapapaisip ang sinumang babasa na ano pa ang kayang gawin ni Rizal kung sakaling gumamit siya ng wikang kanyang lubos na ginagamit o nakasanayan niyang wika gaya ng wikang Espanyol. Kaya naman bilang pagbawi ay gumawa siya ng isa pang salin ng “Tagalog Verskunt” sa wikang Espanyol at masasabi na ito ay mas malawak kumpara sa orihinal na panayam. Ang pahayag ni Ramon Guillermo sa kanyang akda na Rizal’s “Tagalische Verskunst” Essay: A Case of Self-Translation and Pseudotranslation: “Jose Rizal's "Tagalische Verskunst" essay is considered to be a high point in his intellectual life in Europe and deemed an important and pioneering contribution to the study of the principles of Tagalog poetry. This study points out some discrepancies between the original German text and the Spanish translations that have followed it. It concludes by speculating that Mariano Ponce may have altered the text substantially with- out being detected and that these alterations have been accepted uncritically for decades”.

Sanggunian Aklat sa pagsusuri ni Rizal sa Pagtulang Tagalog, inilabas ng KWF. Nakuha mula sa http://kwf.gov.ph/aklat-sa-pagsusuri-ni-rizal-hinggil-sa-pagtulang-tagaloginilabas-ng-kwf/ Guillermo, Ramon. 2006. Philippine Studies: Rizal’s “Tagalische Verskunst” Essay: A Case of Self-Translation and Pseudotranslation. Ateneo de Manila University, Quezon City.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF