Tagalog Manunulat (Gitnang Luzon)

August 24, 2017 | Author: Kim Rafaelle Reyes | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Tagalog Manunulat (Gitnang Luzon)...

Description

MGA MANUNULAT ABAD, ANTONIO K. Si Antonio Kabigting Abad ay ipinanganak sa San Isidro, Nueva Ecija noong Agosto 13, 1886 kina Atanacio Abad at Hermogena Kabigting. Dalawang beses siyang nakapagasawa: una kay Socorro Lugod, at nagkaroon sila ng 13 anak; at pagkatapos kay Leticia Palad kung kanino siya nagkaroon ng isang anak na lalaki. Ang isa sa mga unang akda ni Abad ay ang Unang Paghihimagsik sa Nueva Ecija na naitampok sa Muling Pagsilang. Ang iba pa niyang mga akda ay ang: Kasaysayan ng Nuweba Ecija; Ang Pagkanulo kay Heneral Aguinaldo; Ang Digmaanng Pilipino at Amerikano; Ang Mahiwagang Pagkamatay ni Heneral Luna at Diksiyunaryong Pilipino at Tagalog. Nagkamit ng parangal si Abad para sa Bakas ng Himagsikan mula sa Sulong sa Ikalalaya noong 1910; para sa Hatinggabi mula sa Kapisanang Balitawak noong 1915; at para sa Kasaysayan ng Nuweba Esija mula sa isang patimpalak na ginawa sa Munoz. AGULTO, TOMAS F. Ipinanganak sa Hagonoy, Bulacan noong Dec. 21, 1953. Anak siya nina Daniel Agulto at Rosa Fugueroa. Nagpakasal siya kay Eufrosina Rabulan at nagkaroon sila ng tatlong anak. Isa siyang aktibong miyembro ng Galian sa Arte at Tula at ng Pambansang Unyon ng mga Manunulat. Nagsilbi din siyang patnugot para sa iba’t-inagng organisasyon ng gobyerno. Ang kanyang mga koleksyon ng tula ay nanalo ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay ang: Lagi Na’y Kailangan Kong Gumising Nang Maaga’t Iba Pang Pagdidilidili na nanalo ng ikalawang gantimpala; Bakasyunista na nanalo ng unang gantimpala; at Batanes at Iba Pang Pulo na nanalo rin ng unang gantimpala. Ipinroklama siyang Makata ng Taon noong 1988. ALMARIO, VIRGILIO S. Mas kilala bilang Rio Alma, ay isang manunula, kritiko, tagasalin, patnugot, at guro siya ay pinanganak sa San Miguel, Bulacan noong Marso 9, 1944. Ang kanyang mga magulang ay sina Ricardo Almario at Feliciana Senadren. Napangasawa niya si Emelina Soriano at meayroon silang tatlong anak. Natapos niya ang kursong political science at masters degree sa Filipino mula sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan siya ngayon ay nagtuturo at dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Nakapagturo rin siya sa San Miguel High School sa Bulacan, Philippine Science High School at Ateneo de Manila

University. Naging puno siya ng UMPIL at nagsilbing bise-presidente ng Children’s Literature Association of the Philippines, secretariat member ng Afro-Asian Writers Association, komisyoner ng UNESCO National Commission, at sekretarya heneral ng Philippine Board of Books for Young People. Kabilang sa kanyang mga koleksyon ng mga tula ay ang: Makinasyon at Iba Pang Tula, Doktrinang Anakpawis, Mga Retrato at Rekwerdo, Palipad-hangin, (A)lamat as (H)istorya, Katon Para sa Limang Pandama, Mga Retaso ng Liwanag, Muli at Sa Kandungan ng Lupa. Marami na rin ang kaniyang naisulat na mga sanaysay, mga tula at dula na isinalin niya sa Tagalog, at mga pambatang kuwento at librong pangkolehiyo. Ang koleksyon ng mga tula ni Almario na nanalo ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ay ang: Peregrinasyon at Iba pangTula, unang gantimpala, 1970; at Isang Mamamayan ng Lungsod at Iba Pang Tula, ikalawang gantimpala, 1984. Ang iba pa niyang mga akdang nakakamit ng parangal ay ang: Mga Talinhaga sa Panahon ng Krisis, unang gantimpala, 1979; Pasyon at Katwiran sa Likod ng Salamin, ikatlong gantimpala, 1990;Doktrinang Anakpawis at Biyahe sa Timog at Iba Pang Tula na nakakuha ng parangal mula sa CCP Literary Contest. Nakamit din niya ang Southeast Asian Writers Award noong 1989, napili din siya bilang isa sa Ten Outstanding Young Men noong 1983, Patnubay ng Sining at Kalinangan award mula sa gobyerno ng Maynila noong 1992, Gawad Panitikan ng Quezon City at Dangal ng Lahi Award mula sa gobyerno ng Bulacan noong 1993. Siya ay idineklarang National Artist for Literature noong Hunyo 25, 2003. ANGELES, AURELIO G. Ipinanganak sa San Leonardo, Nueva Ecija noong na sa San Leonardo siya ipinanganak, mas kilala sa Munoz, Nueva Ecija. Kinilala siya bilang ang nakakuha ng katanyagan bilang isang balagtas. Press Club.

Nobyembre 12, 1918. Kahit siya bilang manunula mula unang tag Nueva Ecija na Miyembro siya ng National

Ang kanyang mga tula ay kinolekta sa Moog na inilathala noong 1975. Ang kanyang mga tula na nakakuha ng parangal mula sa Talaang Ginto ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang Tiwalag sa mga Hinirang, Paglingap sa Kamusmusan at Masaklaw. ANTONIO, LAMBERTO Si Lamberto E. Antonio ay ipinanganak sa Cabiao, Nueva Ecija noong Nobyembre 9 1946. Nagtapos siya ng BA Political Science mula sa University

of the East noong 1969. Naging punong patnugot siya ng Dawn, ang opisyal na publikasyon ng UE, at naging presidente siya ng KADIPAN. Naging patnugot din siya ng Aklat Adarna Project ng Children’s Communication Center. Ang mga tula ni Antonio ay nagdadala ng mga mensahe na nagpapahayag ni simpatya sa mahihirap at mga naaapi.Ang kanyang mga tula ay nakolekta sa Dalawampung Tula, 1971; Hagkis ng Talahib, 1980 at Pagsalubong sa Habagat, 1986. Lumabas rin ang kanyang mga tula sa mga antolohiyang gaya ng Manlilikha, Talaang Ginto sa tula, Parnasong Tagalog and New Poems in Pilipino. Ang kanyang mga maiikling kwento at sanaysay ay napagsama-sama sa Rebanse, 1991. Isa siya sa mga sumulat ng pinakamagndang pelikula ng 1970’s, Insiang, kasama si Mario O’ Hara. Siya ang unang pilipino na naimbita sa Cannes Film Festival. Ang kanyang mga tula ay nanalo sa KADIPAN literary contest, Palanca Awards, Talaang Ginto at CCP Literary Contest. ASISTIO, NARCISO Kilala rin bilang Nicholas Carter, si Narciso Asistio ay ipinanganak sa Bulacan. Miyembro siya ng Ilaw at Panitik, 12 Panitik, at Apat na Bituin. Sinimulan niya ang kanyang karera sa literatura sa edad na 22 nang ilathala nya ang ilang mga nobela, ang: Elena, Dahil Lamang sa Iyo, Nagising sa Sarap, Limutin mo na Ako, Patawad, Nasaan Ka Irog?. Ang Mutyang Pinaghahanap na nagmula sa The American Marquis ni Nick Carter ang unang akdang kanyang isinalin noong 1923. Sinundan into ng Natapos na ang Lahat na hango sa Anna Karenina ni Leo Tolsyoy at Nalantang Bulaklak na hango sa Charlotte Temple ni Susana Rowson, kung saan katulong niya sa pagsasalin si Aguedo Cagingin. Hindi nagtagal, bumalik ulit siya sa pagsusulat ng nobela sa pamamagitan ng Sa Laot ng Buhay noong 1933. Ito ay sinundan ng Sanga-sangang Dila at Ulilang Bituin noong 1937; Kapuwa Bayani at Aginaldo ng Dagat noong 1945; Kalbaryo ng Puso, Bukang Liwayway, Mahigit sa Ginto, Limot na Bayani, Lumigaya Ka Lamang; Bilangguang Kristal at Matimtiman na lumabas lahat noong 1946; noong 1947, lumabas ang Anak Ko, Laki sa Layaw, Nagbalik sa Luwalhati, at Ang Lihim ng mga Lihim. Ang kanyang Huling Awit ay ginawang pelikula. Ang mga maiikling kuwento ni Asistio ay nagwagi ng iba’t-ibang gantipampala mula sa iba’t-ibang patimpalak mula sa Liwayway, Ang Republika at Sampaguita. BALTAZAR, FRANCISCO

Kilala rin bilang Francisco Balagtas o Balagtas, si Francisco Baltazar ay ipinanganak sa Panginay, Bulacan noong Abril 2, 1788. Ang kanyang mga magulang ay sina Juan Baltazar at Juana de la Cruz. Siya ay pinadala sa kamag-anak ng kanyangb ina sa Tondo noong bata pa siya, at noong makita ang angking talino at galing, ang kamag-anak na iyon ay pinag-aral siya at binigyan ng matitirhan kapalit ng pagtulong ni Baltazar sa bahay. Ginamit niya ang apelyidong Balagtas, na apelyido ng kumupkop sa kanya noong nagaral siya sa Colegio de San Jose. Noong 1812, natapos na niya ang mga kursong Espanyol, Latin, phisics, Christian doctrine, humanidades, teolohiya at pilosopiya sa ilalim ni Mariano Pilapil. Nagaral pa siya ulit sa Colegio de San Juan de Letran at kahit nang siya ay matapos na, patuloy pa rin siyang nanilbihan sa nagpaaral sa kanya at nagsulat lamang siya ng tula sa kanyang libreng oras. Sinasabing inaral ni Baltazar ang istilo sa pagsulat ni Jose de la Cruz o Huseng Sisiw. Pero hindi nagtagal nakilala na rin si Baltazar sa kanyang sariling istilo bilang manunula. Madalas siyang kinukuha para sumulat ng mga korido, awit at komedya. Ang ilan sa kanyang mga kilalang likha ay ang: Pagsisisi, Parangal sa Isang Binibining Ikakasal, Sa Ikinasikat Niyaring Buhay, Paalam na sa Iyo at Labindalawang Sugat ng Puso. Noong 1835, si Baltazar ay umibig kay Maria Asuncion Rivera, isang anak ng isang may-kayang pamilya sa Pandacan. Ang kanyang tulang “Kay Celia” ay inialay niya kay Rivera. Ang kanyang karibal na si Mariano Capuli ang di naglaon nagpakasal kay Rivera. Sa hindi pa malamang dahilan, si Baltazar ay nakulong noong 1838. Sa loob ng piitan, sinasabing sinulat niya ang Glorante at Laura, isang kuwento ng pag-ibig na isinulat bilang isang awit; mayroon itong tatlong bahagi at nagsisimula sa kanyang tulang “Kay Celia”. Pag dating nang 1842 si Baltazar ay nagpakasal kau Juana Tiambeng at nagkaroon sila ng 11 na anak, limang lalaki at anim na babae. Noong 1856, muli siyang nakulong dahil ginupit niya ang buhok ng isang alipin ng isang mayamand mamamayan. Sa Balanga, Bataan siya nakulong at inilipat siya sa Tondo. Habang nasa Tondo siya noong 1857 hanggang 1860, nagsulat siya ng maraming komedya para sa Teatro de Tondo. Nang pinalaya siya noong 1860 bumalik siya ng Udyong kung saan siya ay sumalat ng marami oang mga tula at komedya hanggang sa kanyang kamatayan noong 1862. Si Baltazar ay namatay na isang mahirap at hindi kilalang manunulat. Ang Florante at Laura ay kinilala nila Jose Rizal, Andres Bonifacio, at Apolinario Mabini bilang isang obra ng sining at patriotismo. Ginawa na itong pelikula, mga dula at kung anu-ano pa. isinalin na rin ito sa iba’t-ibang wika. BATUNGBAKAL, BRIGIDO

Ipinanganak sa Pulilan, Bulacan kina Lucio Batungbakal at Leocadia de la Cruz. Siya ay tinuruan ng kanyang tito na magbasa sa Tagalog sa pamamagitan ng mga awit at korido. Siya ay nagaral sa San Sebastian Primary School at Mabini International School. Noong 1950’s siya ang naging patnugot ni Salvador Barros sa Panlinggo at Mabuhay at kay Alejandro Abadilla sa Sine Natin. Naging associate editor siya ng Mabuhay mula 1961 hanggang 1972. Nagtrabaho din siya sa Department of Public Information at sa National Media Production Center. Siya ay nagging miyembro ng Panitikan at ng Philippine Writers League. Unang nailathala ang unang kwento ni Batungbakal na pinamagatang “” sa Mabuhay. Mula 1935 hanggang 1975 siya ay sumulat ng mahigit sa 140 ba maiikling kwento. Karamihan sa mga ito ay inilathala sa Mabuhay, Hiwaga, Hiwaga Extra, Mabuhay Extra, Taliba at Liwayway. Lumabas rin ang kanyang mga akda sa Sinagtala, Ilang-Ilang, Malaya, Pawis, Bagong Buhay, Kayumanggi, Balita magazine, Bulaklak, Tagumpay at Foto Play. Kahit na mga kwentong pagibig ang sikat noong panahong iyon, pinili ni Batungbakal na sumalat ng may ibang tema: ang pagsisikap ng tao para sa magandang buhay. Kabilang sa mga nasulat niya ay ang: “Sanaysay sa Isang Kuwento” at “Kay Lamig ng Amihan” noong 1920; “Gabi sa Nayon”, 1938; “Ama Namin” at “Pula ang Kulay ng Dugo”; “Laki sa Nuno”, “Paghuni ng Tarat”, “Kay Ganda ng Ninang Ko”, “Ang Dios Ama”, “Ngayong Gabi”, at “Balo Maria” noong 1939. Habang noong 1940 ang kabilang sa mga naisulat niya ay ang “Ingkong Berto”, “Kasintahan ni Soliman, “Ngumingiti ang Tagaraw” at “Aklasan”. “Karimlan sa Bukang Liwayway”, “Nagbibihis na ang Nayon”, “Unang Patak ng Ulan”, “Kagitingan”, at “Siya sa Ibabaw ng Daigdig” noong 1946. Habang “Kalayaan” at “Liwanag sa Usok ng Punlo” naman ang mga naisulat niya noong 1947. Ang kanyang mga akda ay nabibilang sa mga sumusnod na antolohiya: 25 Pinakamabuting Maikling Kathang Pilipino ng 1943, Mga Piling Katha, 19471948, Diwang Kayumanggi, Vol I, Mga Kuwentong Gonti: Sampung Taon sa Literaturang Tagalog, 1925-1935, Maikling Kwentong Tagalog, 1886-1948, Maikling Katha ng 20 Pangunahing Awtor, Ang Maikling Kathang TagalogKasaysayan, Pamamaraan, Katipunan, Mga Batikang Kuwentista at Diwang Ginto, Vol III. Sumulat rin si Batungbakal ng limang nobela, tatlo sa mga ito ang nilathala: Ulap sa Kabukiran na nailathala sa Bituin noong 1946; Mapagpalang Lupa noong 1960-1961 sa Liwayway at Uhaw na sa Liwayway rin nailathala noong 1959-1960. Sumulat rin siya sa kulang-kulang tatlong dosenang mga tula mula 1936 hanggang 1938. At noong 1973 mga sanaysay naman ang kanyang isinulat para sa Kayumanggi, Haligi, Ang Bayan, Sinagtala, Bisig,

Magasin ng Balita, Bagong Balita Magasin, Liwayway, Kislap, Aliwan, Mabuhay, Taliba at Foto Play. Ang kanyang maikling kwentong “Busilak ng Sampaguita” ay nanalo sa isang patimpalak ng Taliba noong 1937.

BELTRAN JR., HERMINIO S. Siya ay ipinangank noong Agosto 15, 1953 sa Santa Cruz, Zambales. Siya ang pinakamatnda sa walong anak nina Herminio Beltran Sr. at Lorenza Soleto. At nagtapos ng dyornalismo mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay naging pampanitikang patnugot ng Philippine Collegian, patnugot ng Literary Apprentice at Diliman Review; naging kapwa patnugot din siya ng Kamao: Panitikan ng Protesta 1970-1978 na inilathala ng Cultural Center of the Philippines. Siya ay naging president ng UP Writers Club noong 1975. At nakatanggap siya ng research grant oara sa panitikang Ilokano mula sa President’s Center for Special Studies noong 1982; at miyembro para sa sanaysay ng UP Creative Writing Center. Nagsilbi siyang kinatawan ng Hilagang Luzon para sa National Committee for Literary Arts ng Presidential Commission on Culture and the Arts mula 1987 hanggang 1989. Noong 1987, kinatawan siya ng Plipinas sa ikatlong Southeast Asian Writers Conference sa Singapore at noong 1992 naman sa kaunaunahang ASEAN Writers WorkshopConference sa Penang, Malaysia. Ang mga tula ni Beltran ay kinolekta sa Bayambang: Tula, Daniw, Poems. Ang karamihan sa kanyang mga naisulat ay lumabas sa mga lathalain ng UP, CCP, at Gailian sa Arte at Tula, at mga magasin gaya ng Midweek, Focus Philippines, The Manila Review, Solidarity, Express week, The Review, Philippine Weekend, Philippine Graphic at Homelife. Lumabas rin ang kanyang mga akda sa mga antolihiya gaya ng Caracoa, Galian, Ani, Alintatao, Gems in Philippine Literature, Versus at New Writings from the Philippines. Ang kanyang mga itinatanging tula sa Tallang Ginto ng Surian ng Wikang Pambansa ay ang “Liham-Awit ng Isang Apayao sa Gabi ng Kanyang Paglalakbay Patungong Universidad”, 1983; “Siyudad”, 1984; at “ Pakikipagharap sa mga Mukha ng Kamatayan sa Ating Panahon, 1989. Nagkamit din siya ikalawang gantimpala sa Don Carlos Palanca Memorial Award for Literature para sa kanyang sanaysay na “Revolt as Spectacle”, 1986; ang Gantimpalang Collantes ng SWP para sa kanyang sanaysay “Ang Tulang Iloko sa Panahon ng Sigwa: 1969-1972”; at sa Palihang Aurelio V. Tolention para sa kanyang dula, Prosperidad Inkorporada noong 1977.

BELTRAN SR., HERMINIO M. Ipinanganak sa Infanta, Pangasinan noong Abril 25, 1915 kina Juan Beltran at Engracia Milanio. Pinakasalan niya si Lorenza Soleto at nagkaroon sila ng walong anak. Kabilang dito si Herminio Beltran Jr., na isa ring makata. Natamo niya ang kanyang pangelemntaryang at pangsekondaryang edukasyon sa Santa Cruz Academy sa Santa Cruz, Zambales at sa Pangasinan Academic High School sa Lingayen, Pangasinan. Nagtapos siya ng literature at abogasya sa Unibersidad ng Santo Tomas kung saan sumulat siya para sa mga pampaaralang lathalain at nanalo ng mga gantimpala para sa kanyang mga tulang nakasulat sa Ingles. Noong dumating ang Ikalawang Pandaigdigana Digmaan, bumalik siya sa kanyang bayan at sumulat siya ng mga tula sa gitna ng kanyang mga gawaing pang guerilla. Pagkatapos ng gera, si Beltran ay naging sekretarya ng munisipyo, at pagkatapos, presidente ng Infanta Cosmopolitan Academ at St. John Institute, mga pampublikong paaralan na kanyang itinatag at pinagturuan ng literature, gramatika ng Ingles at kayarian. Sa panahong ito, nagsaliksik rin siya at nagsulat patungkol sa kasaysayan ng kanyang tinubuan bayan. Nagsilibi siyang tagahatol ng Infanta mula 1946 hanggang 1980. Ang kanyang mga tula ay lumabas sa mga lathalian gaya ng Philippine Magazine, Heral Midweek Magazine, Kislap Graphic, Philippines Free Press at Sunday Tribune Magazine. Ang kanyang mga akda ay nasa antolohiya ni Teofilo del Castillo na A Brief History of Philippine Literature noong 1937; The Sowers, 1951; The Development of Philippine Literature in English Since 1900,1975; Man of Earth nina Gemino Abad at Edna Zapanta- Manlapaz noong 1989. At naglathala siya ng koleksyong ng kanyang mga tula sa Dawn and Other Poems, 1947. Bago ang kanyang kamatayan, Hulyo 18, 1984, nadiskubre na ang kanyang mga tula bago mag gera ay nailathala ng mga Hapones sa Pillats. Sumulat rin si Beltran ng mga maiikiling kuwento, pagsusuri ng mga libro, maiikling dramatiko at mga artikulo. Nag-iwan siya ng 14 na aklat ng mga hindi nalathalang tula ta iba pang sulatin. SI Beltran ay nakatanggap ng mga parangal mula sa Unyon ng Manunulat as Pilipinas noong 1984 at mula sa UP Creative Writing Center noong 1985.

BUHAIN, JOSE Si Jose Buahin ay ipinanganak sa Malolos, Bulacan. Pinakasalan niya si Arora Dona at nagkaroon sila ng tatlong anak. Nagaral siya ng dyornalismo sa Far Eastern University. Naging patnugot siya ng lingguhang dyaryo ng unibersidad, FEU Advocate sa loob ng dalawang taon at miyembro din siya ng

FEU Writers Guild. Inorganisa niya ang Kapisanan ng Mangangatha sa Tagalog. Bago ideklara ang Martial Law, naging patnugot siya ng Philippine Star. Nagturo siya sa Philippine College of Commerce, na ngayon ay Polytechnic University of the Philippines. Ang koleksyon ng mga tula ni Buhain na Paraanin Mo Ako, ay nagkamit ng ikalawang gantimpala ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature noong 1969. Ang kanyang tatlong-aktong dulang, Salubong ay nagkamit ng unang gantimpala sa CCP Literary Contest noong 1979. Ang kanyang mga tulang “Lunod sa Langit”, “Lumot sa Lawa”at “Ako sa Aking Daigdid” ay nakatamo ng honorable mentions mula sa Talaang Ginto ng Surian ng Wikang Pambansa.

CALALANG, CASIANO Si Casiano Calalang ay ipinanganak sa Malolos, Bulacan noong Agosto 13, 1906. Nag-aral siya sa Malolos Elementary School at Bulacan High School. Nagtapos siya ng pilosopiya at edukasyon mula sa Unibersidad ng Pilipinas at National Teacher’s College. Siya ang isa sa mga orihinal na nagtatag ng UP Writers Club at naging patnugot siya para sa unang labas ng Literary Apprentice. Nagturo siya ng isang taon sa Cebu High School. At pagkatapos noon, siya ay lumipat sa Balayan Institute kung saan siya ay nagturo mula 1930 hanggang 1971. Si Calalang ay kilala dahil sa kanyang maiikling kuwento sa ingles tulad ng “Soft Clay”, “Hard Clay” at “A Slave of the Sea”. Noong unang bahagi ng 1927, sa sanaysay niyang “How Shall We Write”, tinalakay ni Calalang ang tanong kung paano anong wika ba maipapahayag ng pinakainam ang mga Pilipino. Sabi niya hindi maipapahayag ng Ingles ng lubusan ang karanasang Pilipino kung ikukumpara sa ating katutubong wika. Noong 1955, pagkatapos ng pamamahing ng maraming taon, nagsimula ulit makgsulat si Calalang, pero sa pagkakataong ito, Tagalog na ang ginamit niyang wika. Ang karamihan sa kanyang mga maiikling kuwento sa Tagalog ay nailathala sa Liwayway. Ang huli niyang isinulat ay ang “Upang ang Sanlibutan ay Maligtas”, 1963. Noong 1927, ang The Home Breaker ay nagkamit nang unang gantipala sa UP drama writing contest. Ang kanyang kuwentong, “Soft Clay” na nailathala sa Philippine Herald Magazine ay naisama sa mga piling kuwnto ni Jose Garcia Villa. Sa taong iyon, si Calalang at Arturo Rotor lamang ang mga manunulat sa Ingles na nasama sa listahan. Ang iba pang mga akda ni Calalang na nasama sa listahan ay ang: “Barrio Teacher”, “Dawn”, “Descent”, “Fallen Idol”, “Hard Clay”, “Spurts of Blood” at “Supremo Andres”.

CENTENO, MABINO REY Si Mabini Rey Centeno ay ipinanganak sa Malolos, Bulacan noong Abril 22, 1922. Siy ay anak nina Pio Centeno at Basilica Reyes. Napangasawa niya si Cecilia Bocaya at nagkaroon sila ng limang anak. Siya ay pamangkin ng manunulang si Jose Domingo Karasig. Nagtapos siya ng sekondarya sa Bulacan High School. Hindi siya pumasok sa kolehiyo, kung hindi ay itinuon niya ang kanyang panahon sa pagsusulat. Noong Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, sumali siya sa mga guerilla sa Bulacan at tumulong sa maraming pakikipagdiga laban sa mga Hapones. Ang kanyang mga karanasang ito ay naging tampok sa kanyang mga akda. Pagkatapos ng digmaan si Centeno ay nagsilbing sekretarya ng gobernador ng Bulacan na si Gov. Alejo Santos. Nagbitiw siya sa kanyang trabaho at naging miyembro ng the Evening News Magazine, kung saan siya ay naging mang-uulat at pagkatapos noon siya ay naging patnugot na panglungsod. Sumulat din siya ng mga script para sa Camay Theater on the Air. Bilang mang-uulat para sa Liwayway, sinubaybayan niya ang mga ginagawa ni Pangulong Carlos P. Romulo sa kanyang Lingkod Ng Bayan. Naging president siya ng Malacanang Press Club at founding member ng ng National Press Club. Sa panahong ito, siya rin ang president ng Kapisanag Panitikan. Ang mga akda ni Centeno na nailathala sa Mabuhay at Liwayway mula 1939 hanggang 1960, ay hango sa kanyang mga pansariling karanasan at sa kanyang mga pananaw sa sitwasyon ng Pilipinas at ng kanyang mga kababayan. Ang kanyang kwentong, “Maghilom Ma’y Balantukan” ay naglalahad ng karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga walang awing sundalong Hapones. Ang kuwentong ito ay tumawag sa pansin ng kritikong si Teodoro A. Agoncillo na naglathala nito sa Malaya magazine noong 1945, at isinama ito sa kanyang antolohiya sa Maikling Kuwentong Tagalog 18861948. Ang kanyang “60-40”, at “Nagtatanong si Iton” ay patungkol sa mga problema ng mahihirap. Habang ang “May Liwanag sa Baybay-Dagat” ay patungkol naman sa kasakiman ng mga mayayamang mangingisda. Sa “Patuloy ang Buhay” ipinakita niya nag pagaaklas ng mga nagmamaneho ng mga bus. Ang iba pa niyang katangi-tanging kuwento ay ang “Sa Unang Umaga”, “Kislap sa Karimlan”, “Asawa ng kanyang Kapitbahay”, “Tinong Kikil” at “Nina”. 18 sa kanyang 43 na mga kuwento ay isinama sa antolohiyang 60-40 at Iba Pang Akda ni Mabini Rey Centeno. SI Centeno ay kinilala dahil sa kanyang mga likha ng UP Creative Writing Center noong 1985.

COLLANTES, FLORENTINO

Kilala rin sa pangalang Kuntil Butil, si Collantes ay ipinanganak sa Pulilan, Bulacan noong Oktubre 16, 1896. Siya ay anak nina Toribio Collantes at Manuela Tansioco. Nag-aral siya sa isang pampublikong paaralan sa Pulilan at sa Bulacan High School sa Malolos. Sa loob ng dalawang taon, nagturo siya at pagkatpos nagtrabago siya sa Bureau of Lands. Sa maagang edad, binasa at kinabisado niya ang maraming mga awit at korido at pasyon. Magaling siyang mag-Tagalog, Kapampangan, Ilokano at Bisaya. Sa gulang na 15, si Collantes ay nagsimulang magpasa ng mga tula sa mga local na dyaryo at magasin gaya ng Buntot Pagi, Pagkakaisa, Watawat, Pakakak at Ang Bansa. Si Collantes ay isa sa mga unang mga Tagalog na manunula na gumamit sa tula sa pagtuligsa sa politika sa panahon ng Amerikano. Nakilala siya bilang isang magaling na duplero, ang kanyang istilo ay tinawag na “tatak- Collantes”. Sa kanyang kasikatan, siya ay naging kumpetensya ni Jose Corazon de Jesus. Gamit ang alyas na Kuntil Butil, isinulat niya ang “Buhay sa Lansangan” para hamunin ang “Buhay Maynila” ni de Jesus. Noong 1924, sina de Jesus at Collantes ay nag-debate bilang “Bubuyog” at “Paruparo” sa unang balagtasan na idinaos sa Instituto de Mujeres. Sa mga sumunod na balagtasan, sila ay nag-tunggali patungkol sa “Bakal at Ginto” at ang pinakasikat na “Ang Dalaga Kahapon at ang Dalaga Ngayon”. Katulad ni Batute, siya ay pinangralang “Hari ng Balagtasan”. Ang kanyang sikat na tulang narratibo na “Ang Lumang Simbahan” ay ginawang pelikula. Ang iba pa niyang kilalang tula ay ang: “Ang Tulisan”, “Labindalawang Kuba”, “Ang Pagsalubong” at “Nuno sa Punso”. Kabilang sa kanyang mga nobela ay ang: Ang Lumang Simbahan, Barasoain, Aladin ay ang Kanyang Mahiwagang Lampara, Ang Ulilang Milyonaryo at Nabuksan ang Langit. Kabilang sa kanyang mga miikling kuwento ay ang: “Si Andong Tubig” at “Ang Asong Bayani”. Isinalin niya sa Tagalog ang banyagang mga akda gaya ng Aladin, Si Ali Baba ata ang Apatnapung Tulisan”, “Ang Ibon at ang Langgam” at “Ang Kuwintas na Perlas”.

CRUZ, JOSE ESPERANZA Si Jose Esperanza Cruz na kilala rin bilang Dario Vergel ay ipinanganak sa Malolos Bulacan. Siya ay nagaral sa Nueva Era at Far Eastern College. Siya ay naging miyembro ng Balagtasiana at president ng ng Aklatang Bayan at Ilat at Panitik. Nagsimula siya bilang mamamahayag noong 1923 sa Ang Mithi. Pagkalipas ng isang taon, siya ay nagsimulang magsulat para sa Taliba. At pagkatapos nun, sa Liwayway Publications naman siya nagtrabaho. Pagkatapos ng Ikalawang Pandaigdigang Digmaan, siya ay naging patnugot ng Silahis bago siya bumalik sa Liwayway at bago siya lumipat sa Aliwan.

Pagkatapos noon ay naging patnugot naman siya ng Tagumpay na pagaari an inilalathala ni J. Amado Araneta. Kahit marami siyang ginagawa, nakuha parin ni Cruz na magsulat ng mga nobela. Ang una niyang nobela ay ang Katarungan ng Diyos na sinundan ng Binhi at Bunga, Ang Ganid, Paruparong Itim, Dugong Makamandag, Sugat ng Puso, Sa Isang Halik Mo, Bagong Buhay, Mutya ng Dagat, Mabangong Bulaklak, Hagdang Bato, Alahas ng Birhen, Limang Pagsikat nga Araw, MagAmang Mahirap, Maganda ang Bituin, lakas ng Salapi, Hindi ko siya Asawa, Kapitan Lino, at Utang na Loob. Ang iba pa niyang mga akda ay ang Taong Demonyo, Habang Buhay, Krus na Bituin at Mayamang Balo. Ang isa pa niyang nobela ang Tatlong Maria, ay ginawang pelikula noong panahon ng Hapon. Kilala rin si Cruz dahil sa kanyang mga tula at maaikling kuwento. Ang kanyang “Ulirang Pagibig” ay napabilang sa antolohiyang 50 Kuwentog Ginto ng 50 Batikang Kuwentista. Nakatanggap siya ng mga parangal mula sa National Press Club, Surian ng Wikang Pambansa, Panitik ng Kababaihan at ang Samahan ng mga Alagad ng Sining. Natamo din niya ang Presidential Award at Patnubay ng Sining at Kalinangan Award mula sa pamahalaan ng Maynila noong 1973.

DAUZ, FLORENTINO S. Ipinanganak si Florentino Dauz sa San Leonardo, Nueva ecija noong Dec. 8,1939 kina Pascual Dauz at Urbana Salvatierra. Pinakasalan niya si Muriel Lim. Nakuha niya ang kanyang bachelor of arts degree mula sa Far Eastern University at ang kanyang English degree at master’s degree sa economics mula sa Lyceum of the Philippines. Mula 1964, nagtrabaho siya para sa gobyerno at sa mga pribadong koroporasyon. Siya ay nagtrabaho bilang public relations consultant at manunulat. Nakasulat siya ng mga tula, sanaysay, kuwento at mga artikulong political sa Ingles at Filipino. Ang kanyang mga tula ay kabilang sa Caligula at Two Filipino Poets. Sumulat rin siya ng epiko, The Beheaded one at ang snobelang The Survivor of Warsaw, at ang The Parvenu. Si Dauz ay nagpipinta rin at naipakita na niya ang kanyang mga obra sa mga lugar tulad ng The Manila Hotel.

DE LA MERCED, ANCIETO

Ipinanganak sa Norzagaray, Bulacan noong April 17, 1788. Nagaral siya ng teolohiya at naging pari noong 1814. Itinalaga siyang Vicar Forane ng Candaba. Ang kanyang Manga Puna ay inilarawan bilang unang akda ng pagkritiko sa katutubong wika. Meron rin siyang sariling pasyon, ang El Libro de la Vida na mas kilala bilang Pasyong Candaba. Ang pasyong ito ay nagkukuwento ng mga kaganapan sa Lumang Testamento sa plosa at ng kaganapan sa Bagong Testamento sa quintillas. Ang wika ng Pasyong Candaba ay mag elegante kung ikukumpara sa Pasyong Genesis. Nag-iwan rin si de la Merced ng mga Tagalog na tulang lumabas sa Apostolado de la prensa.

DEL PILAR, MACARIO H. Kilala rin bilang Dolores Manapat at Plaridel, si Macario del Pilar ay ipinanganak sa San Nicolad Bulacan. Siya ay anak ni Julian Hilario at Blasa Gatmaytan. Pinakasalan niya si Marciana del Pilar noong 1878 at sila ay nagkaroon ng dalawang anak na babae. Nagaral si del Pilar ng Latin sa isang pribadong paaralan ni Jose Flores at pagkatapos, siya ay nagtapos sa Colegio de San Jose at sa Unibersidad ng Sto Tomas ng abogasya nnong 1880. Sa edad na 30, bumalik siya sa Bulacan para maging abogado pero iniwan rin niya ito para maging isang mamamahayag. Kasama siya sa mga lumabas sa mga abusadong prayle ng Malolos. Si del Pilar ay isa sa mga dakilang propagandista ng Kilusang Reporma. Gumamit si del Pilar ng mga tradisyonal at popular na anyo. Sumali siya sa mga dupluhan, sumulat rin siya ng mga artikulo na tumutuligsa sa mga pangaabuso ng mga Espanyol at humihingi ng pagbabago. Kabilang rito ang: Dasalan at Tocsohan, Kadakilaan ng Diyos, at Caiigat Cayo! Noong 1882, isa siya sa mga nagtatag ng Diarion Tagalog. Dalawa sa kanyang mga tulang tumutligsa sa mga prayle ay ang “Sagot ng Espana sa Hibik ng Pilipinas” at “Pasyong Dapat Ipag-alab nang Puso nang Tauong Baba sa Kalupiyan ng Frayle”. Hindi nagtagal, pinagsuspetsyahan si del Pilar na pilibustero. Ang kanyang pamilya ay ginulo ng mga guardia sibil at sinunog ang kanyang bahay. Nang malaman niya ito, siya ay tumungong Espana. Pagdating sa Barcelona, sumali siya sa mga Pilipinong naroroon kabilang sina Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce at ang magkapatid na Luna. Noong 1889 si del Pilar ay pumalit kay Lopez Jaena bilang patnugot ng La Solidaridad. Mula 1892 hanggang 1896 si del Pilar ay magisang namahal sa paglalathala ng La Solidaridad.

Si del Pilar ay sumulat ng nasa 150 sanaysay at 66 na editorial sa espanyol.

DIAZ, RONY V. Ipinangank si Rony Diaz sa Nueva Ecija kina Felix Diaz at Maria Paz ng Nueva Ecija. Ikinasal siya kay Aida Garcia. Siya ay nag-aral sa Emilio Jacinto Elementary School sa Maynila. Kumuha siya ng English Literature sa Unibersidad ng Pilipinas at Comparative Literature ang Linguistics sa Indiana University sa Amerika. Siya ay miyembro ng UP Writers Club at ng International Vocational Training Association. Siya ay nagtrabaho sa Unibersidad ng Pilipinas. Si Diaz ay merong isang koleksyon ng maakling kuwento, ang Death in a Sawmill and Other Stories noong 1979. Ang mga kuwento ay tumalakay sa pagkagising, pagnanasa, kapangyarihan at karahasan mula sa kanyang mga alaala noon Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Tatlo sa kanyang maiikling kuwento ay nanalo ng Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literatuire. Ito ay ang “ The Centipede”, “Death in a Sawmill” at “The Treasure”.

EUGENIO, DAMIANA L. Si Damiana Eugenio ay ipinanganak sa San Miguel Bulacan noong Sept. 27, 1921. Siya ay anak nina Felipe Eugenio at Veronica Ligon. Nagtapos siya ng edukasyon sa Unibersidad ng Pilipinas, ng Masters in English Literature sa Mount Holyoke College sa Massachusetts at ng doctorate of philosophy sa University of California sa Los Angeles. Siya ay naging propesor sa UP, director ng graduate program at puno ng Department of English and Comparative Literature. Siya ay isa sa mga unang nagtatag ng Asian Writers League of the Philippines at naging president rin siya ng UP Folklorists Inc. Naging miyembro siya ng Cultural Research Association of the Philippines at puno ng National Research Council of the Philippines. Nagkaroon ng interes si Eugenio sa kuwentong bayan noong 1960’s habang siya ay nasa UCLA. Ang kaniyang artikulong, “Philippine Proverb Lore” ay lumabas sa Philippine Social Sciences at Humanities Review noong 1966. Bilang pagkilala sa kanyang mga akda siya ay tumanggap ng mga sumusunod na parangal: Most Outstanding Novo Ecijano in the Field of Arts (Literature) mula sa Nueva Ecija High School Alumni Association; Ina ng Folklore ng Pilipinas mula sa UP Folklorists Inc and UP Folklore Studies Program; Professional Achievement Award, UP Alumni Association; National

Book Award para sa Awit and Corrido: Philippine Metrical Romances mula sa Manila Critics Circle; Lifetime Achievement Award in Humanities; at Best Book in Literature para sa Philippine Folk Literature: The Folktales.

FABIAN, AGUSTIN C. Kilala rin bilang Angel Fernandez at M.S. Martin, si Fabian ay ipinanganak sa Plaridel, Bulacan. Nagtapos siya ng industrial administration mula sa Illinois University, USA. Mula 1929 hanggang 1940 siya ay patnugot pangpanitikan ng Graphic, isang posisyon na nagbigay sakanya ng paraan para makatulong sa paglago ng literaturang Pillipino sa Ingles. Nagtrabaho din siya sa Liwayway. SI Fabian ay isang popular na nobelista noong 1950s at 1960’s na gumawa ng mga pagaaralsa mga aspeto ng karakter: ang malakas at ang mahina; ang biktima at ang nagdadala ng kasiraan. Sa una niyang dalawang nobelang Timawa at Maria Mercedes na inilathala noong 1953, ipinakilala niya ang bagong uri ng mga bida: ang maabilidad, matalino, walang-takot at kung minsan ay mapangahas. Ang iba niyang mga nobela ay ang Sino Ako?, Hindi Man Hanapin, Magbayad Ka! At Ana Malaya.

FLORES, CATALINO V. Si Catalino Flores ay ipinanganak sa Pulilan, Bulacan. Siya ay nagtapos sa National University. Siya ay naging konsehal ng Pulilan mula 1931-1934 at 1937-1940. Siya ay naging patnugot ng Hiwaga at manunulat ng Liwayway. Miyembro siya ng Ilaw at Panitik. Ang kanyang mga akda ay lumabas sa Hiwaga, Liwayway at Aliwan. Kabilang sa mga nobela niya ang: Dugo ni Cain, Anak ng Tampalasan, Walang Kasalanan, Mahiwagang Punyal, Kontrabandista, Paru-parong Bukid, Perlas ng Silangan, Gabay ng Magulang, Makahiya, Dolores, Kakawati, Ehem, ehem pusang itim, Kiangan, at Halina Neneng Ko.

FRANCISCO, LAZARO A. Ipinanganak sa Orani, Bataan. Si Laazaro Francisco ay anak ni Eulogio Francisco at Clara Angeles. Napangasaw niya si Pelagia Tinio at pagkamatay ni Pelagia, pinakasalan niya si Trinidad Pengson at nagkaroon sila ng 11 na anak.

Noong 1958, itinatag niya ang Kapatiran ng mga Alagad ng Wikang Pilipino (KAWIKA), isang samahang naglalayon na palaguin ang wikang Pilipino. Sumulat siya ng maiikling kuwento at mga nobela. Nakapaglathala siya ng 12 nobela, pitong maikling kuwento at isang sanaysay. Ilan sa mga isinulat niyang mga nobelang ay ang Singsing na Pangkasal, Bayang Nagpatiwakal, Sa Paanan ng Krus, Ilaw sa Hilaga, Binhi at Bunga, Cesar, Sugat ng Alaala, Ama, Maganda Pa Ang Daigdig, at ang pinakahuli niyang nobela, ang Daluyong. Makikita sa kanyang mga nobela na pinayaman niya ang panitikan ng bansa at sinubukan niyang pagandahin ang Pilipinong daigidig sa pamamagitan ng kanyang pambihirang kakayahan sa wika at pakikisangkot sa kapakanan at mithiin ng mga Pilipino. Maliban sa Bayang Nagpatiwakal, lahat ng kanyang nobela ay nalathala sa Liwayway. Iginawad sa kanya ang mga karangalang ”Patnubay ng Lahi” ng Maynila. ”Dangal ng Lahi” ng Lungsod ng Quezon, at noong 1970 ay ipinagkaloob sa kanya ang ”Republic Cultural Heritage Award” sa Panitikan.

GATMAITAN, PEDRO M. Si Pedro Gatmaitan ay ipinangank sa Bulacan kina Julian Gatmaitan at Veronica Manahan. Dalawang bese siyang nakapagpakasal, una kay Feliza de Jesus at pagkatops sa nakababatang kapatid nito na si Rosario. At nagkaroon sila ng walong anak ni Rosario. Sa edad na pito, si Gatmaitan ay nagsimulang sumali sa mga kompetisyon ng tula sa kanyang paaralan. Siya ay itinuturing na pinakamagaling na makata ng mga tulang liriko. Ang hindi makakalimutang katipunan ng kanyang mga tula na nalimbag noong 1912 ay ang Tungkos ng Alaala. Siya ang unang nakasulat ng tulang pasalaysay na Kasal. Ang pagiging makata ni Gatmaitan ay minana niya sa kanyang ama na isang makatang taga-Bulacan. Sa kanyang ama niya natutuhan ang tungkol sa berso. Ang mga tula niya ay higit na malalalim ang diwa at mapilosopiya. Si Gatmaitan ang unang gumamit ng lalabing-animin at lalabingwaluhing pantig sa panuluan. Bukod sa pagiging magaling na makata, naging mamamahayag, reporter at editor din si Gatmaitan ng babasahing Alitaptap.

GENER, TEODORO E.

Si Teodoro Gener isinilang sa Norzagaray, Bulacan. Siya ay nagtapos ng abogasya sa Philippine Law School.Nagturo siya ng Filipino sa National Teachers College at Far Eastern University. Si Gener ay kasama sa pangkat ng mga makatang makaluma o konserbatibo tulad nina Deogracias Rosario at Jose Corazon de Jesus sa Ilaw at Panitik. Isa siyang makata, nobelista mananagalog. Siya ang nagsalin sa Tagalog ng nobelang Kastila na Don Quijote dela Mancha. Ito ang itinuring niyang Obra Maestra. Tinagalog din niya ang sinuring Kodigo Penal. Ang pagkakasalin niya sa Tagalog ng Don Quijote ang nagbigay sa kanya ng higit na karangalan sapagkat pinag-kalooban siya ng gantimpala ng Companya Tabacalera. Kabilang sa mga tulang naisulat niya ay Ang Guro, Ang Masamang Damo, Ang Buhay, at Ang Pag-ibig. Akda niya ang isang aklat na ginagamit sa panulaang Tagalog na ang pamagat ay Ang Sining ng Tula na lumabas noong 1958. Ang katipunan ng kanyang mga tula ay pinamagatang Salamisim. Tradisyunal siyang manunulat ng tula, tagasunod siya ni Balagtas sa pagtula subalit sa pagbabago ng panahon, nagbago rin ang anyo ng kanyang tula sinubukan niya ang malayang taludturan.

GUINIGUNDO, SERAFIN Si Serafin ay ipinanganak sa San Miguel, Bulacan. Siya ay nagtapos ng kursong commerce mula sa Far Eastern University at ng abogasya sa University of Manila. Ang kanyang maakling kuwento ay nakilala sa kakulangan nito ng sentral na karakter. Sumusulat siya para makapagiwan ng ipresyon sa mga isip ng kanyang mga mambabasa. Ang ilan sa kanyang mga akda ang “At Patuloy ang mga Anino”, “Nagmamadali ang Maynila”, “Bahagyang Tag-araw sa Isang Tahanan” at “Gatas”.

HERNANDEZ PEÑA, VALERIANO Si Valeriano Hernandez Peña ay isinilang sa San Jose del Monte, Bulacan noong Disyembre 12, 1858. Bunsong anak siya ng isang maralitang platero. Natutuhan niya ang kartilya (alpabeto) sa pagtuturo ng isang matandang kapiibahay. Natuto siyang bumasa at sumulat ng Tagalog sa gulang na

sampung taon. Kakabit na ng kanyang pangalan ang nobelang Nena at Neneng na siya niyang Obra Maestra. Naging tanyag siya dahil sa kanyang pitak na Buhay Maynila na nalathala sa pahayagang Muting Pagsilang at nang malaunan ay sa pahayagang Muling Pagsilang at nang malaunan ay sa Taliba. Ginamit niya ang sagisag na Kinting Kulirat sa kanyang pagsusulat. Sa tulang Luha ng Panulat ay pinaksa niya ang tungkol sa paggamit ng panulat sa pagpapahayag ng lahat ng mga tinitimping damdamin ng kalungkutan. Ang kanyang nobelang Nena at Neneng ang itinuring na unang nobelang Tagalog na napalimbag at nalathala nang yugtuyugto sa pahayagang Muling Pagsilang noong 1903. Isa pang nobela ni Peña na kinagigiliwan ng mga mambabasa ay ang Mag-inang Mahirap na sinundan pa ng isang nobela na Miminsan Akong Umibig. Tulad ni Balagtas, Si Tandang Anong ay nanungkulan din sa Hukuman. Marami ang humanga sa ganda at porma ng kanyang sulat. Si Tandang Anong ang manunulat na hanggat maaari ay hindi gumagamit ng mga hiram na salita sa kanyang pagsusulat. Dalawa ang iniwan niyang bantayog sa panitikang Pilipino: ang Nena at Neneng bllang kauna-unahang nobelang Tagalog na naipalimbag at ang kabuuan ng kanyang mga nasulat na punung-puno ng katatawanan.

ICASIANO, FRANCISCO B. Kilala rin bilang Mang Kiko, Ho-ti, Salvador de Covadonga, Knicker Knocker van Loon, si Francisco Icasiano ay pinanganak sa San Rafael, Bulacan. Pinakasalan nuya si Carolina Icasiano. Siya ay nagtapos sa Unibersidad ng Pilipinas. Noong siya ay estudyante pa lamany, siya ay nagtrabaho bilang isang mamahayag para sa The Citizen, The Tribue, at Literary Apprentice. Siya ay miyembro ng UP Writers Club. Nagturo siya sa National Teachers College sa loob ng 11 taon kung saan siya ang nagsilbing patnugot ng Fiat Lux. Pinakakilala siya bilang si Mang Kiko, isang kolumnistang nagsulat patungkol sa buhay sa probinsya. Ang kanyang maikling kuwentong The Veil ay naisama sa listahan ni Jose Garcia Villa mula 1926-1940.

JACOB, AVE PEREZ

Si Ave Perez Jacob ay ipinanganak sa Bulacan. Siya ay nagaral sa Manuel L. Quezon University at nagsimulang sumulat noong unang bahagi ng 1960s. siya ay nagsusulat sa Ingeles at Tagalog at ang tema ng kanyang mga akda ay ang kawalang katarungan. Nakapaglathala siya ng mga kuwnto sa iba’t-ibang mga magsin gaya ng Liwayway. Ang Kanyang dulang Gising at Magbangon ay itinanghal sa UP Los Banos noong 1978. Nakapagakda siya ng nobela ang Maunos na Gabi, Malalim ang Umaga noong 1987.

JOSE VIVENCIO R. Isinilang si Vivencio Jose sa Gapan, Nueva Ecija kina Mauricio Jose at Fabiana Reyes. Siya ay nagturo sa Unibersidad ng Pilipinas at nagsilbing puno ng Department of English and Comparative Literature, director ng UP Press at dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura. Siya ay nakapgsulat ng tatlong libro: The Rise and Fall of Antonio Luna, The Duplo: Verse, Debate and Performance, Ideological Trends in Philippine Folk Literature.

KARASIG, JOSE DOMINGO Si Jose Domingo Karasig ay ipinanganak noong July 31, 1904 sa Malolos, Bulacan. Siya ay nagtapos ng dyornalismo mula sa University of Manila, at pagkatapos ay nagtrabaho siya sa Ang Republika and Liwayway. Si Karasig ay nagsilbing gobernador ng Bulacan noong 1946. Siya ay miyembro ng Bulalakaw, Tatsulok and Apat na Bituin. Nagkamit siya ng mga parangal sa larangan ng tula at piksyon sa Filipino. Ang kanyang maikling kuwentong, “Pilyang-pilya” ay nailathala sa 50 Kuwentong Ginto ng 50 Batikang Kuwentista (1939). Kabilang sa kanyang mga nailathalang nobela ay ang Ang Saing-Saingan (1936), Agimat (1945), Tala ng Umaga (1948), at Anak ng Bulkan (1959). Siya ay binawian ng buhay noong August 22, 1975. LABOG, HILARIA Si Hilaria Labog ay isinilang noong Enero 14, 1890 sa Samal, Bataan. Naging kasapi siya ng samahang Ilaw at Panitik, 12 Panitik, Mithi ng Bataan, at Aklatang Balagtas. Nag-aral siya sa Tondo Secondary School, Tondo Grammar School at Escuela Municipal. Ang nobela niyang Lumang Kumbento ay nagtamo ng gantimpala

sa patimpalak sa nobela ng Liwayway. Obra Maestra niya ang Kabayanihan. Ang kanyang maikling kuwentong Walang Maliw ay kasama sa 50 Kuwentong Ginto ng 50 Kuwentong Ginto ng Batikang Kuwentista. Nagtamo rin siya ng parangal mula sa Commenwealth literary contest noong 1940 .

MANGAHAS, ROGELIO G. Si Rogelio Mangahas pinanganak noong May 9, 1939 sa Palasinan, Cabiao, Nueva Ecija. Siya ay nagtamo ng unang gantimpala mula sa Palancapara sa kanyang koleksyon ng mga tula, "Mga Duguang Plakard" at para sa kanyang sanaysay patungkol sa nobela ni Edgardo M. Reyes, "Sa mga Kuko ng Liwanag." Nagtrabaho siya bilang punong patnugot ng Phoenix Publishing House at ng SIBS Publishing Hous. Nagturo rin siya ng Filipino at literature sa De La Salle University, University of the East, UP Manila at St. Scholastica's College. Siya ay nagtamo ng parangal na 'Poet of the Year' mula sa SWP at Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas mula sa UMPIL

MANUEL, E.A. Ipinanganak si Espiridion Arsenio Villarivera Manuel sa Santo Domingo, Nueva Ecija kina Casimiro Manuel at Vicenta Villarivera. Siya ay nagturo sa Unibersidad ng Pilipinas, Unibersidad ng Santo Tomas, Centro Escolar University at Philippine Women’s University. Siya ang nagtatag ng Philippine Folklore Society noong 1958. Nagtamo siya ng mga sumusunod na parangal at pagkilala: UP Service Award, 1967; Gawad CCP para sa Sining para sa pananaliksik pangkultural, 1989; at National Scietist of the Year Award, 1991 mula sa Philippine Social Science Council.

MERIZ, HELEN Ipinanganak sa Cabanatuan City, Nueva Ecija, si Helen Meriz ay isang manunulat ng komiks. Nagaral siya sa Cabanatuan East Central School, Nueva Ecija High School at University of the East.

Siya ay nakapaglathala ng mga 100 maikling kuwento at 23 nobela para sa komiks at 68 akda para sa New Romance, Young Love, BFP Super Romance at Valentine Romances. Ang ilan sa kanyang mga akda ay ginawa nag pelikula kabilang na ditto ang Pati Ba Pintig ng Puso?, Kung AAgawin mo na ang Lahat sa Akin, Una Kang naging Akin, Hangga’t Ikaw ay Akin, Wala Kang Karapatang Lumuha at Babawiin Kita sa Kanya.

PINEDA, MACARIO Si Macario Pineda ay ipinanganak sa Malolos Bulacan kina Felisa de Guzman at Nicanor Pineda. Pinakasalan niya si Avelina Reyes at nagkaroon sila ng pitong anak. Nailathala ni Pineda ang kanyang unang kuwento na “Five Minutes” sa Graphic. Nagpatuloy siya sa pagsulat sa Ingles oero mas naging popluar ang kanyang mga likha sa Tagalog. Noong 1937, ang kanyang likhang, Walang Maliw ang mga Bituin ay napili bilang isa sa 10 pinakamagaling na maikling kuwentong nalimbag sa taong iyon. Ang kanyang mga akda ay lumabas rin sa Liwayway, Malaya, Bulaklak, Ilang-ilang, Daigdig at Sinag-tala. Ang kanyang mga kuwento ay kilala dahil sa mga karakter tulad ng “Suyuan sa Tubigan”, “Kung Baga sa Pamumulaklak”, “Sinag sa Dulong SIlangan” at “Ang Langit ni Ka Martin”. PINPIN, TOMAS Si Tomas Pinpin ay kilala bilang unang Pilipino-Intsik na manunulat at tinaguriang "Prinsipe ng Manlilimbag sa Pilipino". Ang araw ng kapanganakan ni Tomas Pinpin ay hindi naitala, subalit pinaniniwalaang siya ay isinilang sa pagitan ng mga taong 1580 at 1585 sa Abucay, Bataan. Nag-aral ng paglilimbag si Tomas Pinpin sa pagtatapos ng taong 1608 sa isang imprenta sa bayan ng Abucay, na pag-aari ng isang Dominiko. Noong 1610, nilikha niya ang pamosong aklat na "Arte y Reglas de Lengua Tagala", ang kauna-unahang aklat na nailimbag tungkol sa wikang Tagalog. Noong 1612, inilimbag niya ang "Vocabulario de Lengua Tagala" ni Padre San Buenaventura. Ilan pa sa kanyang mga nalimbag ay ang mga sumusunod: Relacion de Martirio (1625), Carreras Triumpo (1626), Lopez Arte Ilocano (1627), at Herreras Confessionario (1636). PONCE JR., MARIANO

Kilala rin bilang Naning, Kalipulako at Tigbalang; si Mariano Ponce Jr. ay ipinanganak sa Baliuag, Bulacan noong Marso 23, 1863. Siya ay anak nina Mariano Ponce Sr. at Maria Collantes. Nagtapos isy ng meidsina sa Universidad de Santo Tomas, ngunit hindi niya ito ginamit; sa halip inilaan niya ang kanyang oras sa mga nasyonalistang usapin kasama sina Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Gracaiano Lopez Jaena at iba pang mga makabayan. Tinulungan niya si Lopez Jaena sa pagtatag ng La Solidaridad sa Barcelona. Sandaling nakulong si Ponce nang pumutok ang digmaan noong 1896. Mahigit sa 40 ang mga artikulong nailathala ni Ponce sa La Solidaridad. RAMOS, BIENVENIDO A. Ipinanganak sa Malolos, Bulacan, nagtapos si Bienvenido Ramos ng kanyang pang sekondaryang edukasyon sa Bulacan High School kung saan nagsimula siyang magsulat sa Ingles at Tagalog. Naging patnugot siya ng ng Liwayway Extra at ng Balitang Maynila, at hindi naglaon ng Liwayway ,ula 1979 hanggang 1982. Sumulat rin siya ng mga iskript para sa radyo at telebisyon, pati na rin ng letra ng mga kanta. Si Ramos ang unang nakakamit ng parangal na Makata ng Taon mula sa Talaang Ginto of the Surian ng Wikang Pambansa noong 1963 par sa kanyang tulang “Maynila”. Marami pa siyang nakuhang mga parangal para sa kanyang mga tula. REYES, EDGARDO M. Kilala rin bilang Edgar Reyes, ipinanganak siya sa Idelfonso, Bulacan noong Setyembre 20, 1936. Inilaan niya ang kanyang oras sa pagsulat ng mga iskrip para sa mga pelikula at sa draman pang-telebisyong Kapag May Katwiran… Ipaglaban Mo! Naging kolumnista rin siya ng Diyaryo Pilipino. Unang nakakamit ng parangal si Reyes para sa kanyang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag, 1967-1968. Ang iba niyang mga nobela na inilathala sa Liwayway ay ang: Sa Kagubatan ng Lungsod, Sa Iyong Paanan, Kung Ano ang Bawal, Bulaklak ng Aking Luha at Laro sa Baga. Kasama sa mga kuwento o nobela niya na ginawang pelikula ay ang Sa Mga Kuko ng Liwanag na ginawang Maynila: Sa Mga Kuko ng Liwanag nai Lino Brocka; Ligaw na Bulaklak; Sa Kagubatan ng Lungsod; Markadong Angel; at ang Kapangyarihan ni Eba. SI Reyes ay nakakuha ng maraming mg aparangal kabilang na ang Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature para sa kanyang maiikling kwento: Di Maabot ng Kawalang Malay, Si Ama, at Mga Yagit. REYES, JUN CRUZ1 Si Jun Cruz Reyes ay isa sa mga natatanging muhon ng wikang Filipino at kamalayang Bulakenyo ng ating panahon. Mula 1993 hanggang 2004, kung

kailan siya ay Assistant Professor sa Departamento ng Filipino at Panitikan ng Unibersidad ng Pilipinas, nakapaglabas siya ng maraming libro, kabilang ang Etsa-Puwera na nagkamit ng unang premyo sa National Centennial Literary Contest noong 1998 at National Book Award mula sa Manila Critics Circle noong 2001. Isa rin siyang magaling na guro na binigyan ng parangal bilang pinakamahusay na Assistant Professor ng College of Arts and Letters sa UP Diliman, Most Outstanding Faculty sa Polytechnic University of the Philippines, at ng isang Writing Grant mula sa UP Office of the Chancellor at Office of the Vice President for Academic Affairs noong 2003. Si Reyes ay kinikilala rin sa marami pang unibersidad tulad ng Ateneo de Manila University, De La Salle University, at University of Sto. Tomas, na kadalasang iniimbitahan siyang maging panelist, judge o tagapagsalita sa mga palihan at patimpalak. Abala rin siya sa pagiging judge sa mga pambansang patimpalak gaya ng Palanca Awards at NCCA Writers Prize. Ginawaran siya ng Gawad Alagad ni Balagtas ng Unyon ng Manunulat sa Pilipinas noong 2002. Sa taong iyon din siya hinirang bilang Most Outstanding Alumni for Literature and the Arts ng Hagonoy Institute noong Diamond Anniversary nito. Patuloy na isinusulong ni Reyes ang kamalayan para sa kanyang bayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng libreng workshop sa pagsusulat, journalism, pelikulang dokumentaryo, pagpipinta at iba pa, sa kanyang bahay sa Bulacan. Editor-in-Chief din siya ng D yaryo Hagonoy , kasalakuyan niyang tinatapos ang pag-akda sa Hagonoy, Paghilom sa Kasaysayan . Muling nilathala ng UP Press ang kanyang Utos ng Hari noong 2002. Ang pinakabago niyang aklat ay ang Armando na inilabas ngayong taon. Patuloy siyang nagtuturo ng pagsusulat sa UP. REYES, ROMAN G. Ipinanganak sa Bulacan, pinakasalan ni Roman Reyes si Sebastaiana Santos at nagkaroon sila ng 13 anak. Nag-aral siya sa Colegio de San Jose at nagturo sandali bago siya sumali sa rebulosyon laban sa Espanya. Noong 1899 lumipat sil;a ng kanyang pamilya sa Maynila kung saan nagtrabaho siya sa Muling Pagsilang at sa La Vida Filipina. Nakatrabaho niya ang mga sikat na manunulat gaya nina Lope K. Santos at Valeriano Hernandez Pena. Ang una niyang nobelang nailathala ay ang Luha ng Pag-ibig na unang lumabas sa La Patria. Sumunod ang Bulaklak sa Kalumpang, Wakas sa Pagtitiis at Hinagpis at Ligaya. SALANDANAN, RODOLFO Ipinanganak sa Abucay, Bataan noong Pebrero 1, 1937 kina Engracio Salandanan at Emilia Soriano. Ikinasal siya kay Teodula Guanzon at nagkaroon sila ng tatlong anak. Nagaral siya sa Tomas Pinpin Memorial Elementary School at sa Arellano Memorial High School sa Balanga. Nagtapos siya sa Manuel L. Quezon University noong 1962 at kumuha rin siya ng mgayunit sa dyornalismo noong 196801969.

Naging patnugot siya ng Bataan Journal, Luzon Tribute, Balita at Liwayway. Naging presidente rin siya ng Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS). Sumulat siya ng higit sa 12 nobela, mahigit isang daang maiikling kwento at tula, at mga iskript para sa radyo, telebisyon at pelikula. Kasama sa kanyang mga likha ang Isusumbong Kita sa Diyos na ginawang pelikula at ang University Belt na nabigyan ng Gawad Inang Bayan ng Polytechnic University of the Philippines bilang pinakamagaling na nobela na naisulat noong panahon ng Martial Law. SEMPIO, ANTONIO Ipinanganak sa Calumpit, Bulacan, si Antonio Sempio ang panganay sa anim na mga anak nina Jacinto Sempio at Lucia Gonzales. Pinakasalan niya si Sixta Villanueva at nagkaroon sila ng limang anak. Miyembro siya ng Ilaw at Panitik, Anino at Espiritista Cristiana. Ang unang nobela ni Sempio na Ilat at Panitik ay nailathala noong 1919. Nasundan ito ng Pangarap Lamang, Dalagang Bukid, Ang mga Ulila, at Magandang Loleng. Gumawa rin siya ng isang salin ng Vendetta. Naging patnugot siya ng Alitaptap at naging manunulat din para sa pelikula. SUJECO, ALFONSO Ipinanganak si Alfonso Sujeco sa San Miguel, Bulacan. Siya ay nagsulat ng mga maikling kuwento, sanaysay at mga artikulo para sa Liwayway. Ang kanyang mga nobela ay nailathala sa Liwayway at Aliwan ay ang: Dalisay, Tubo ng Puhunan, Dangal ng Lahi, Pangalawang Larangan, Bagwis ng Pagibig, Bughaw na Langit, Dalawang Bandila, Naghihintay ang Umaga at Lambong na Puti. SICAT, ROGELIO Si Rogelio R. Sikat ay piannganak at lumaki sa San Jose Nueva Ecija. Si Sicat ay nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas at ng M.A. sa Filipino mula sa Unibersidad ng Philippines. Nakatanggap siya ng mga parangal pero siya ay pinakanakilala dahil sa Impeng Negro, ang kanyang maikling kuwento na nakakuha ng 1962 na gawad Palanca. Marami sa kanyang mg alikha ang unang lumabas as Liwayway. Naging propesor at dekano ng Kolehiyo ng Arte at Literatura ng Unibersidad ng Pilipinas si Sicat. Sikat was University Professor and Dean of the College of Arts and Letters, University of the Philippines in Diliman from 1991 to 1994. U.P. College of

Mass Communication Professor Angelito Tiongson worked on a feature film Isang Munting Lupa based on Sicat's Tata Selo, another prizewinning story . Playwright and film/theater director Auraeus Solito, on the other hand, created a short film narrative based on "Impeng Negro" in 1999. Sikat was posthumously awarded by the Manila Critics Circle with a National Book Award for Translation in 1998. TIONGSON, NICANOR Ipinanganak sa Malolos Bulacan kina Ceferino Tiongson at Estelita Gadia. Nagtapos siya sa Ateneo de Manila University ng humanidades at nakuha niya ang kanyang MA at doctorate ng pilosopiya mula sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagturo siya ng literatura at teatro sa Ateneo de Manila University, La Salle University, University of Hawaii at Unibersidad ng Pilipinas. TORRES, CESARIO Si Cesario Y. Torres ay isinilang noong Nobyembre 1, 1927 sa Saklang Tagalog, isang nayon sa Cabiao, Nueva Ecija). Si Ka Sario ay isang premyadong pambansang makata, mananaysay, kuwentista, mandudula at nobelista. Nag-aral at nagtapos sa Philippine College of Commerce na ngayon ay Polytechnic University of the Philippines (PUP) ng kursong Bachelor of Science in Commerce-Economics (Cum laude). Isa siya sa tagapagtatag ng PANDAYLIPI, Ink. (Pandayan ng Literaturang Pilipino). Mula noong 1977 hanggang sa siya ay bawian ng buhay ay siya ang pangulo ng nasabing samahan. Kasapi siya kung hindi man isa sa pamunuan ng iba't ibang pambansang organisasyong pangwika at pampanitikan. Nagturo siya ng mga asignaturang Ekonomiks, Pilipino, at Panitikang Pilipino sa PUP. Nabilanggo ng labinsiyam na taon, dalawang buwan at labimpitong araw dahil sa pagkakasapi sa isang kilusang makabayan para sa ganap na kasarinlan ng bansa. Ang di-mapasusubaliang pagmamahal ni Ka Sario sa kasarinlan ng ating bansa ay malinaw na nasasaad sa kanyang tulang pasalaysay na may pamagat na GULOK, na inuri ayon sa ginawang pagsusuri ng mga kilalang manunulat, na isang epiko ng kasalukuyang panahon. VILLANUEVA, PEDRO REYES Ipinanganak sa Bulacn noong Sptyembre 23, 1901 nagtapos siya sa National University. Si Villanueva ay miyembro ng Ilaw at Panitik, Akademya ng Wikang Tagalog, Aklatang Balagtas, Kalipunan ng mga Makata at ang Kalipunan ng mga Kuwentista. Kasama sa kanyang mga nobela ang: Pulot-gata sa Ilalim ng Lupa, Sa Tokyo Ikinasal, Sa Harap ng Bibitayin, Bituin sa Hatinggabi, Sa Sariling Dugo at Lasong May Patak ng Luha. Nakakuha ng pitong parangal si Villanueva para sa tula at lima naman para sa mga kuwento.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF