Suring Basa Ng Ang Tundo Man May Langit Din

August 3, 2017 | Author: Donn Willard Atienza | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Suring Basa Ng Ang Tundo Man May Langit Din...

Description

BOOK REPORT SA FILIPINO-IV

PAGSUSURI NG ‗ANG TUNDO MAN MAY LANGIT DIN‖ NOBELA NI ANDRES CRISTOBAL CRUZ

Inihanda ni Donn Willard M. Atienza Inihanda para kay Ms. Nita P. Salva

I.

Paunang Pananalita Ang Tundo man may langit din ang naging pamagat ng nobela

dahil

ipinakikita

dito

ang

kalagayan

ng

isang

estudyanteng nangarap na maging isang titser aa kabila ng kawalang pag asa na hatid ng Tundo na kaniyang tinitirhan. Umahon siya at nakamit ang kanyang pangarap. Binibigyan diin dito ang ―man‖ sa pamagat dahil itoy isang inklitik o article. Sinasabi dito na sa kabila na binabadya ng madumi at magulong lugar na puno ng mga tao ay matatagpuan pa rin dito ang pag asa at mga pangarap. Sa panahon ngayon maraming lugar sa ating bansa ang nalulugmok sa kahirapan. Hanggang ngayon ay minamata pa rin ng ibang mayayaman yaong mahihirap. Tila hinuhusgahan na kaagad ng iba ang mga nanggaling aa mahirap na lugar. Marami pa rin ang nawawalan ng pag asa na maari pa tayong muling makabangon. Ang ating kalagayan ngayon ay sinisimbolo ng ng Tundo sapagkat ito‘y isa sa mahihirap na lugar kung saan ang paniniwala ng marami ay ―matira matibay.‖ Simisimbolo nito ang mga minamata at pinagsasamantalahan ng karamihan sa nakatataas. Imahe ito ng kawalang pag asa na umangat sa buhay na kinalulugmukan. Ngunit sa nobelang ito makikitang iba ang paniniwala ng pangunahing tauhang si Victor. Sa kanyang pananaw ay sa Tundo man may langit din. Naniniwala siya na mayroon pang pag asa na balang araw ay

maaari pang makaahon sa kahirapan ang mga mahihirap. Umaasa siya na kahit sa Tundo ay maaari pang makita ang kahit kaunting liwanag na magbibigay daan sa pagbabago.

II.

Kahalagahan ng Pag-aaral Ang nobela ay nagbibigay halaga sa paninindigan at moralidad ng isang tao. Sinasabi dito na huwag mawalan ng pag asa dahil lahat tayo ay may kakayahan upang iahon ang mga sarili sa kahirapan at kasamaan. Ang tanging kakailanganin lamang ay tiyaga, paninidigan at pananampalataya. Hindi kakailanganin

na

magsimula

sa

malaking

bagay

upang

magsimula ang pagbabago. Sa nobela, ipinakita ito sa katauhan ni Victor na nagsumikap upang magbago at maianggat ang sarili ang magiging unang hakbang tungo sa isang magandang kinabukasan. Magmula dito ay makapagbibigay ng pag asa sa nakararami ang mga taong nakaahon. Kasunod nito ay ang pag angkin ng respeto sa sarili at sa lugar na pinanggalingan. Dahil dito ay maari ng maisip na kaya rin pala ng mga mahirap makatapos na kahit mahirap ang isang tao ay mayroon silang paninindigan sa tama.

III.

Paglalahad ng Buod †Kabanata 1 Tumawag si Flor kay Victor del Mundo sa telepono. Kinausap niya ito sapagkat nais niyang makipagkita kay Victor sa Quiapo at pumayag naman si Vic. Habang papunta na si Victor sa Quiapo naalala niya ang pagkakasuntok sa kanya ni Estong nang ipagtanggol niya si Flor. Ito ay dahil si Flor at si Victor ang paborito ng mga guro sa kanilang eskwelahan lalo na ni miss Quilala, mahal na mahal niya silang dalawa sila kasi ang madalas utusan ni miss Quilala at nang mga iba pang guro, ito ang kinaiyamutan ni Estong kaya nagawang suntukin si Victor at sinabi pang magtulong pa silang dalawa ni Flor. Naging dahilan naman ito upang magalit ng husto si Victor at buong tapang na lumaban. Kapwa parehas nagtamo ng suntok ang dalawa. Inawat naman sila ni Tandang Siyanong Agwador. Ang pakikipaglaban yaon ni Victor ay hindi lamang para sa sarili. Isang taong nang mahigit ang hindi pagkikita nila ni Flor. Nang nakarating na si Vic nangamusta siya kay Flor at bila niyang nagunita ang malabong balangkas ng Looban ng Tundo. Umorder si Vic ng serbesa

at

kapeng

walang

gatas

naman

para

kay Flor.

Nagkamustahan sila at nag usap tungkol a isat isa. Kinamusta niya kay Flor si Tonyo.

†Kabanata~2 Nalaman ni Vic na may suliranin si Flor dahil sa hindi pagimik nito. Habang tinatanong niya si Flor napansin niya ang singsing ni Flor. Naalala ni Victor ang kaklase niyang si Alma na naghihintay sa kanya. Naipagtapat ni Flor na siya‘y mahigit dalawang buwan nang nagdadalang tao. Naliwanagan si Victor na maselan ang suliraning inihihinga sa kanya ni Flor. Naikwento ni Flor ang babaeng nagpunta sa inuupahan nilang apartment sa Ermita nang si Tonyo ay wala doon. Nahintakutan si Flor kung talagang totoo ma may asawa at anak na si Tonyo. Nagpasalamat si Flor kay Victor sa pag-unawa nito sa kanyang suliranin. Habang tinitingnan ni Victor na pauwi na si Flor nalarawan naman sa kanyang isipan ang naghihintay na namang si Alma na nakaupo sa upuang marmol. Nagpaalam na si Vic kay Flor at pinaalalahanan niya itong isipin ang batang kanyang dinadala. Samantala si Alma Fuertes na naghihintay kay Vic ay nagbabasa ng El Fili. Nailahad dito anf paniniwala ni Victor "sa pagkakaalam ko sa karanasan ko nasa tao ang gawa at nasa diyos ang awa". Napalapit na ang loob ni Alma kay Victor. Nang nakarating na si Vic nag-usisa si Alma kung bakit nahuli ang dating niya pero hindi sinasabi kung ano ang tunay na dahilan.

†Kabanata~3 Pasulyap-sulyap si Alma sa katabi niyang si Victor. Iniabot niya ang librong El Felibustirismo. Wala sa loob ni Victor na ipatong ang libro sad ala nitong inilapag sa kaliwang dulo ng upuang

marmol.

Nag-usap

silang

dalawa.

Naisipan

at

ipinasya ni Almang huwag sumagot ni kumibo. Titikisin niya si Victor. Iisipin nitong siya‘y talagang nagtatampo. Tumungo na silang dalawa sa lobby para sa kanilang susunod na klase. Nang nagkaklase na sila, hindi mapakali si Alma. Wala nang nagawa si Alma hanggang matapos ang klase kundi tumingin minu-minuto sa kanyang relong panggalang. Nagtungo na sa labas ng silid ang mga estudyante, naunang lumabas si Victor, iniiwasan siya ni Alma. Naglalakad siya sa Azcarraga patungong Avenida Rizal, wala siyang tiyak na paroroonan. Naalala ni Victor ang kagandahan ni Flor, naalala din niya ang pagkukulitan at pagbibiruan nila ni Flor. Napangit na lamang si Victor sa kanyang nagunita. Napabuntong hininga si Victor, nasa Plaza Santa Cruz na siya, sa ibang araw na dadalawin ni Victor si Flor sa apartment nito. Tiningnan ni Victor ang mga malalaking litrato ng mga pinanonood sa maliit na sinehang mailaw at pinapasok ng mga lalaki lamang. Dumukot na siya‘t pipila upang buili ng tiket. Ngunit nagbago ang kanyang isip – pupuntahan na lamang niya si

Flor. Tumawid muli sa Plaza Sta. Cruz. Ang tanging nasa isipi niya‘y ang nag-iisang si Flor sa sariling apartmen nito sa Ermita. †Kabanata~4 Nagbalak na pumunta si Vic sa apartment ni Flor. Si Flor ay nag iisa lamang sa kanyang apartment, siya ay walang malamang gawin, wala siyang ganang kumain, hindi siya dalawin ng antok, kung ilang tasang kape na ang kanyang naiinom, walang ganang magbasa ng mga babasahin na uwi ng kanyang asawa tungkol sa moda at pagpapaganda. Ayaw ni Tonyo na magka anak sila ni Flor, muli niyang naalala ang babaeng bumisita sa kanyang apartment at nagpakilala bilang asawa ni upang linawin na mas may karapatan ang pamilya nito kaysa kay Flor. Tinanong ni Flor si Victor kung kumain na siya at sabi naman ni Victor ay hindi pa at sabay yakag sa labas at siabing pang iblo blo out daw niya si Flor. Ngunit †Kabanata 5 Hinawakan ni Victor si Flor sa magkabilang balikat upang huwag mapasubsob sa kanyang balikat. Hinigpitan niya ang pigil sa dating katipan. Pinigilan ni Victor ang maaaring mangyaring pananamantala ng bawat isa. Nagtungo sa kusinerya si Flor upang itago ang kanyang pagluha hindi naman ito napansin ni Victor. Lumapit si Victor sa radyong-ponograpo at nahugot niya

ang paborito nilang tugtuging tango na gasgas at lumang luma na. Nagpauyuhan pa silang dalawa kung sinong magpapatugtog nito. Lumakad siya papalayo at umupo hindi malapit sa kinauupuan ni Victor isang panibagong luha na naman ang nangingilid sa mga mata ni Flor. Nilapitan siya ni Victor a inakbayan sa balikat. Kailangan pa rin niyang pigilan ang kanyang

nararamdaman.

Matapos

ang

mahaba

nilang

pagdidiskusyon, napag isipan na ni Victor na magpaalam at umuwi na. Madali siyang pumanaog sa hagdan at lumabas sa gusaling kinaroroonan ng aparment na tinitirhan ni Flor. Nang makarating na si Victor sa Tundo narinig niya ang malakas na tawag ng kanyang kuya Lukas. Niyaya siyang makipag-inuman sa iba pa nitong kaibigan. Nagkainitan ang apat na kasama ni Victor pati ang taga sawmill. Narinig na lamang ni Victor na nabasag ang isang bote sa mesa. Nangingislap ang matatalim na ngipin ng boteng nabasag sa kamay ni Lukas. †Kabanata 6 Nagkainitan ang mga taga saw mill at ang kasama ni Lukas kaya nagkagulo sa restawran. Ang kanya namang kapatid ay buong dipa ang pag awat sa kanila. Huminahon na si Lukas masama ang tingin sa kapatid. Itinanong niya sa weytres na si Pasing kung natakot ba siya sa ginawang panggugulo ng mga taga sawmill at ipinakilala niya ang kanyang kapatid na si Victor

dito. Gusto nang umuwi ni Victor ngunit ayaw pa siyang paalisin ng mga kainuman. Pero hindi umuwi si Vic dahil ayaw niyang mapahiya ang kanyang kuya sa kasama. Nagpatuloy ang pagtagay ni Vic ng serbesa. Isang babaeng nakakamisola lamang ang pumasok sa restawran ito‘y ang asawa ni Paeng Gasti dahil gusto na nitong pauwiin ang asawa. Nagyaya si Tatong Bamban ng isa pang raun pero napilit ni Vic ang mga kainuman na itigil na nila ang pag-iinom. Nang pauwi na ang magkatid sa madilim na kalye papuntang Looban ay pinag uusapan nila ang kailang pag-iinuman kanina. Tinanong ni Lukas si Vic kung ano ang napapala niya sa kanyang barkada. Hindi nagustuhan ni Lukas ang sagot ng kapatid kaya sinuntok niya ito pero nakailag naman si Victor. Natigil lang ang pag suntok sa kanya nang may narinig silang anasan sa dulo ng tambakan. Inaabangan sila ng apat na kalalakihan. Pinasibat ni Lukas ang kanyang kapatid at sinabing siya na ang bahala. †Kabanata 7 Hindi alam ni Victor kung ano ang gagawin. Hindi na siya nakatakbo. Inabutan na sila ng mga nag-aabang. Nagkaroon ng rambolan at matapang na hinarap nina Vic at Lukas ang apat na kalakihan. Naging mainit ang pakikipagbabakan ng magkapatid sa apat na umabang sa kanila, naramadaman ni Victor na natuklap ang kanyang kilay dahil sa daplis na suntok sa kanya

ng isa. Napagtagumpayan naman nilang magkapatid na matalo ang apat na kalalakihan. Tiningnan ni Victor ang putok sa kanyang kilay at binigyan pa ni Lukas ng flashlight upang maaninag ito at sabi pa‘y hindi ito masyadong malalim. Nang nakauwi na sila, ang kanilang ina ay walang kibo ni imik ay hindi magawa. Natanong ni Vic sa sarili kung bakit hindi magawang magalit ng kanyang ina. Nausisa ni Victor ang ngiti mula sa maninipis na labi ng kanyang tatay na pumanaw na ilang

taon

na

ang

nakalilipas.

Namatay

siya

dahil

sa

pagtatanggol sa isa niyang tauhan. Nang nasa lugar na si Victor, inusisa siya ng isang kaopisina kung anong nangyarisa kanyang kilay, hindi niya sinabi ang totoo. Nang mag aalas sinko na, naalala niya si Alma na naghihintay na naman. Nalaman nito na nakipagkita si Victor kay Flor. Ngunit paulit ulit na iniiba ni Victor ang usapan. Niloloko ni Victor si Alma na baka nagseselos siya. †Kabanata 8 Hindi maputul- putol ang pagtawa ni Victor. Nabigla si Alma nasabi niyang hindi ang klase ang ipinagseselos niya. Nauna na si Victor sa gusali ng Education. Nagngingitngit namang sumunod si Alma, nilakhan na lamang niya ang kanyang hakbang upang masundan niya si Victor. Nagsisisi si Alma na sana hindi na lamang niya nalaman ang totoo. Hindi inabutan ni

Alma si Victor, magkatabi sila ng upuan sa likuran ng nasa klase na sila. Hindi na nakatiis si Alma, pumilas siya ng isang dahon sa kwaderno at sumulat sa papel na humihingi ng kapatawaran kay Victor ngunit hindi naman ito pinansin. Natapos na ang klase. May bakante silang tatlumpung minuto, silang dalawa ang huling lumabas ng kwarto. Niyaya ni Alma si Victor sa canteen. Nakilala ni Alma si Flor mula sa bibig ni Victor. Nagpaliwanag si Victor sa nangyaring pagkikita nila ni Flor at ang tungkol sa sugat niya sa kilay. Patuloy silang nag-usap sa buong bakante na oras nila hangga't sa sumapit na ang alas siyete. Papunta na silang dalawa sa gusali ng Liberal Arts para sa susunod nilang klase. Napilitang umamin si Alma na nagselos nga siya kay Flor at humahanga siya kay Victor. †Kabanata 9 Habang naglalakad si Alma at si Victor iba ang naramdaman ni Alma na ang kasabay niyang iyon ay mas mas malaki sa kanya. Hindi na niya maitanggi ang paghangga niya kay Victor. Nais bumili ni Alma ng talaarawan bago sila pumasok ni Victor sa silid. Magulo sa loob ang babae at lalaki. Si Mendoza ang komiko ng klase ay ginagaya ang kanilang propesor na payat pa sa Butiki, ginaya rin niya ang mabagal na pagbabasa nito. Si Victor ang tagabantay nito kung dadating na ang propesor. Hindi na niya nasabihan ang pagdating ng propesor na may

kasamang panauhin alyas Agila na hindi magkandauga-ugaga sa pagdadala ng maninipis na mga libro. Nagsalita na ang propesor maging si Agila para hikayatin ang mga estudyanteng bilhin ang kanyang libro. Halos lahat ay hindi nakikinig maging si Victor. Sabi pa ng isa, "bakit ka makikinig pa kung bibili ka rin?". Nang matapos sa pagsasalita si Agila, nagkusa ng nagsalita si Victor ukol sa kanyang mga libro. Sinabi niya na ang mga nilalaman ay mga maiikling sinopsis lamang ng mga naunang libro na latha ng mga amerikano. Nagkaroon ng alitan ang estudyanteng si Victor at ang panauhing si Agila. Bunga ng pagsasalita ni Victor tungkol sa mga libro, ni isa ay walang bumili nito. Nang tumunog na ang bell, pinapunta ni Propesor Butiki si Victor sa kanyang deparment. †Kabanata 10 Hinihintay ni Victor si Alma na lumabas ng silid bago siya pumunta sa Department ng propesor. Tinanong niya si Alma kung bakit niya ginanyon si Agila, nangatwiran naman si Victor na

"magandang

negosyo

ang

kanilang

ginagawa

ngunit

masamang libro". Dumiretso na si Victor sa tanggapan kung saan naghihintay si Propesor Butiki at ang nabuko niya sa negosyo na si Agila. Hindi na nasabi ni Alma ang balak niyang sabihin kay Victor, "malalaman din naman niya" pakli pa nito. Naramdaman na naman niya ang pag ibig. Madaling lumabas

siya sa kanilang pamantasan upang bumili ng talaarawan. Nagbalik na sa lobby si Alma kung saan lagi niyang hinihintay si Victor, sinimulan niyang sulatan ang diary ngunit wala siyang mapiga sa kanyang isipan. Habang si Victor naman ay nasa tanggapan na, sinabi ng propesor na dapat humingi ng patawad si Victor sa ginawa niyang pagpapahiya kay Agila, galit ito. Ngunit tumanggi si Victor at pinanindigan niyang ang kanyang mga sinabi. Pinatunayan niyang ang mga nilalaman ng aklat nila ay mga ginagad, kinopya sa mga naunang librong sinulat ng mga dayuhan. Nagkainitan si Victor at si Agila. Lumabas na siya at nakita niya si Alma na naghihintay. Ibinalita nita kay Alma ang lahat ng nangyari at inaya siya ni Alma pumunta sa palamigan. †Kabanata 11 Natulog si Alma nang gabing iyon na nakaunan ang pisngi sa hawak niyang talaarawan. Ipinagdarasal niya si Victor at nangakong ilagdarasal parati simula nang oras na ‗yon. Dinatnan siyang tulog na ng kanyang ama't ina na dati ay parating nadaratnan pa siyang gising. Nag-usap ang mag-asawa kung bakit kaya maagang nakatulog si Alma, inisip ni Mrs. Fuertes na baka may problema ito o may dinaramdam. Nagsawa na sila sa pagpapaalala kay Alma at baka lalo pa itong mapasama, at kung bakit nagpumilit pa itong lumipat sa

pribadong pamantasan gayong tatlong taon na itong nag aaral sa eksklusibong paaralan ng mga madre. Tumigil na ang mag asawang Fuertes sa pagtatalo dahil alam nilang mauuwi lamang ito sa pagsisihan ng bawat isa. Nanaginip si Alma ukol sa kanyang ama at dati nilang labanderang si Dolores. Nagising si Alma at naitanong sa sarili kung nasaan si Dolores. Ibig niyang malaman kung naisilang ni Dolores at kung buhay ang bunga ng pagkakapariwara nito sa kamay ng kanyang ama. Nalaman niya ito nang kita niya sa kanyang panaginip ang pag-abot ng madaming pera ng kanyang ama sa isang babae. Nais ng magulang ni Alma na ibalik siya sa dating pagiging luho at masosyalin. Simula ng bumili siya ng talaarawan ay naging absent-minded siya. Marami na siyang naisulat sa talaarawan. †Kabanata 12 Lumapit si Alma sa kanyang Mommy at Daddy. Tinanong niya kung pwede ba siyang mag party. Sumang-ayon naman kaagad ang kanyang Daddy. Dagdag pa niya na ang party ay para sa mga kaklase lamang at hindi nangungumbida ng barkada. Pinipilit ng kanyang magulang na kumbidahin rin niya ang kanyang mga ka-gang ngunit ayaw ni Alma. Pumayag naman ang kanyang mga magulang sa gusto nito at may naiisip pa silang surpresa. Tanging ang mag asawang Fuertes lang ang nakakaalam. Nagtungo si Alma sa kanyang kwarto sa itaas ng

bahay. Nagsulat siya sa kanyang talaarawan at pagkatapos ay binasa niya ang ilang talata dito kung saan muntik na niyang masabi ang tungkol sa kanyang masamang panaginip. Ang pagkakasulat niya sa talaarawang iyon ay malinis at magandang tingnan kaya hindi agad mahahalata na kanya ang diary na iyon. Itinago na niya ito sa tukador na may kandado. Bago matulog, nagdasal muna siya at kasama sa kanyang panalangin si Victor. Kinabukasan, pagdating sa silid aralan, nag-anyaya na si Alma sa mga kaklase. Dumating na ang huling araw ng eksamin. Nagbasa nang maigi si Victor at Alma. Pagkatapos mag-review kinumbida ni Alma si Victor na pumunta sa party. Hindi sigurado si Victor dahil baka bisitahin niya si Flor sa araw na iyon. †Kabanata 13 Hindi pa maniwala si Alma na makikipagkita siya kay Flor sa araw ng kanyang party. Pilit niyang pinapupunta si Vic sa kanyang party. Nagdadalawang-isip na pumunta si Victor ngunit kailangang kailangan daw siyang makipagkitang muli kay Flor sa apartment nito ng tumawag sa telepono. Hinihintay ni Nick, Johnny at Monching sa lobby silang dalawa. Nagtuloy na sina Victor at Alma sa silid na pagdarausan ng kanilang huling eksamen. Minasdan ni Victor ang mga taong nakapaligid na animoy gustong-gustong ipasok sa utak ang lahat na natutunan

sa loob ng tatlong buwan. Tama ang hinala ni Victor ukol sa uri ng eksamin, isa itong objective test na sumusukat kung gaanong karaming impormasyon ang iyong nasaulo. Madaling nakatapos si Victor at unang lumabas ng silid. Nagpausok siya sa labas at hinintay si Alma. Naasapan ng usok ng sigarilyo ang isang mata ni Victor. Nangilid ang mga luha ni Victor ngunit hindi ang usok ang may dahil nito kundi ang kanyang ama. Naglabasan na ang iba pang nakatapos, parang namatayan si Alma nang siya'y lumabas. Natapos na ang oras ng eksamen, naglabasan na rin ang iba. Pinaaalalahanang muli ni Alma ang kaklase at si Victor tungkol sa party. Ngunit di tiyak na sumagot si Victor dahil may "date" ito kay Flor. Nauna nang pumunta si Victor sa lobby kung saan naghihintay sina Minnie, Nick at Monching. Hinabol siya ni Alma at hindi na ito nahiyang humabol. Naabutan niya ito sa lobby. Hinawakan ni Alma si Victor a kamay at nabigla si Victor. †Kabanata 14 Inunawa naman ni Victor ang pagpisil ni Alma sa kanyang kamay. Wala na siyang dapat alalahanin. Nag-usap ang kanilang mga mata, bumitaw na si Victor sa kamay ni Alma. Hindi pa nila napapansin ang tatlo. Hindi na sumama si Victor sa panonood nila ng sine at dumating na nga sila. Napansin ni Victor ang pagsulyap ni Alma at Monching sa isa‘t isa. Nagpaalam na siya sa grupo at umuwing iniisip- isip ang pagsasamahan nila ni

Alma. Hindi siya makapaniwalang pag-aaksayahan siya ng panahon ng katulad ni Alma. Dumating ang araw ng sabado. Ang party ni Alma. Umuwi na si Victor upang magbihis. Binati siya ng kanyang kapatid. Sinabi ni Lucas ―mukhang maaga ang tandahan-sayawan.‖ Nagtungo na sa apartment ni Flor si Victor. Wala nang ibang tao duon. Si Tonyo ay pumapasada na habang ang yaya nila‘y kaniyang pinag sine. Pinakamusta ng ina at ni Lukas kay Victor si Flor. Buong akala ni Flor ay lalabas sila kaya ito naka barong-tagalog. Tinanong nio Victor si Flor kung bakit nito

gustong

makipaghiwalayan

sa

asawa

gayung

sinisustentuhan naman siya nito. Sapat na sapat ang sustentong ibinibigay ni Tony okay Flor.ipinas-pas niya ang libreta sa bangko sa harap ni Victor at sinabing muling libre na siya, libre na silang dalawa. †Kabanata 15 Nabigla‘t

nangilabot

si

Victor

sa

maliwanag

na

iminumungkahi ni Flor. Malaya na silang dalawa. Ngunit kitangkita sa katawan ni Flor ang bunga ng kapusukan at nang kanyang bulag na paghihimagsik sa buhay Tondo. Hinawakan agad ni Victor si Flor sa magkabilang balikat upang hindi mangyari ang mungkahi ni Flor. Hinayaan niyang ilabas ni Flor ang lahat ng nasa dibdib niya habang nakasubsob kay Victor. Inilayo niya ito sa pagkakahawak. Tinanong ni Flor kung bakit

ayaw ni Victor. Mahaba ang kanilang naging pagdidiskusyon. Naisip ni Flor na gumawa ng malaking kasalanan—ang ipalaglag ang kanyang dinadala. Ngunit hindi nangailam si Victor dahil buhay naman ito ni Flor at sinabing huwag umasa mangyari ang gusto niyang mangyari sa kanilang dalawa. Tinanong nito si Flor kung bakit hindi siya bumalik sa Looban at doon palakihin at imulat ang kanyang anak. Hindi malaman ni Victor ang gagawin. Nangangamba si Victor na baka gumawa ng kasalanan si Flor. Napatingin siya sa orasan, naalala niya si Alma at ang party nito. Gusto na niyang matapos ang pag-uusap nila ni Flor. Ngunit gusto nitong siguraduhing walang gagawing masama si Flor bago siya umalis. Nagtimpla siya ng kapeng walang gatas para kay Flor. Nasiyahan si Victor sa mga sinabi ni Flor para sa kanyang anak. Biglang tumunog ang doorbell, si Tonyo

agad

ang pumasok sa ulo ni Victor. †Kabanata 16 Muling tumunog ang doorbell. Nagkatinginan si Flor at si Victor. May ngiting di maunawaan ni Flor si Victor. Ang kaba ng dibdib niya‘y lalong sumasal. Pumasok ang isang babae, ito ang maid ni Flor. Inutusan ni Flor si Dolores, ang kanyang katulong na magluto at dagdagan ito. Pero humindi si Victor, paliwanag niya ay may pupuntahan siyang party. Nagkasabay ang kamay ni

Flor at Victor sa hawakan ng pinto at nagpasalamat si Flor. Pagkaalis ni Victor sa apartment ni Flor at habang patungo siya sa address na ibinigay sa kanya ni Alma, iniisip-isip niya kung bakit ganon na lamang ang pag aalala niya kay Flor. Nang nasa lugar na si Victor kung nasaan ang party, sinalubong siya ni Nick. Nagulat si Victor sa sobrang dami ng tao. Tinanong si Victor ng mga kaklase niya kung bakit noon lamang siya. Dalawang party ang naganap; ang isa ay para sa mga kaibigan ni Alma at ang isa ay para sa mga kaklase lamang. Nagpakilala si Victor sa iba pang kaibigan ni Alma. Inalok siyang tumagay ng state-side, at pinaunlakan naman niya ito. Mabababa ang kanilang pagkukuwentuhan. Nagsipag-uwian na ang iba dahil malalim na ang gabi. Nagpaalam na rin si Victor. Nilapitan siya ni Alma at humingi ng paumanhin dahil hindi na siya naasikaso. Lumapit ang mga kaibigang babae ni Alma at ipinakilala ito kay Victor. Ipinagpaalam na lang ni Minnie kay Alma ang pag-alis ni Victor. Hanggang sa makasakay na siya sa isang bus patungong Quiapo.

Hindi

maubos

maisip

niya

kung

bakit

parang

mapapaiyak at suyang suyang tumakbo si Alma patungong bahay. †Kabanata 17 Patakbong umakyat sa paikot na hagdan si Alma. Hindi na niya pinansin ang mga nagsasayaw sa salas. Hindi na rin niya

hinarap ang mga pinagkukumbida ng kanyang mga magulang sa telepono. Humiga siya sa kanyang kama at nagsulat muli sa kanyang

talaarawan

ng

kanyang

katuwaan

at

hinanakit.

Pumasok si Minnie sa kwarto ni Alma, sinabi niyang umalis na si Victor, tinanong din niya kung bakit umalis na siya sa kanyang party. Muling bumaba si Alma at bumati siyang ang mga ngiti‘y pilit at pabalat bunga. Lasing na lasing ang kapatid ni Alma na si Pocholo. Inihatid ito ni Monching sa kanyang kwarto. Nagpaalam na si Monching kay Alma. Tinanong niya ito kung bakit di na ito sumama sa kanilang barkada, at ibang-iba na si Alma. Iniwasan ni Alma na makipag- usap sa kanyang mga magulang ng gabing iyon. Nagdaan ang mga araw. Isang umaga nagkita sila Victor sa kantina ng eskwelahan. Inasikaso nila ang kanilang pagtatapos. Naalala ni Alma ang kanyang sinulat sa talaarawan. Nag-usap sila tungkol sa mga taong nagmamartsa ng dahil lamang sa diploma at ito ang ayaw na ayaw ni Victor. Nasambit ni Victor na talagang mahirap magturo. Tinanong ni Alma si Victor kung sasama ito sa martsa. Sinabi ni Alma na mas mas maganda at mas mahusay magmartsa. Sinabi ni Victor na mas mahusay magmartsa sa altar. Napatingin si Alma sa kanya. Kinabahan siya.

†Kabanata 18 Tinitigan ni Victor si Alma at sinabing ―kung martsa lang sa graduation ay martsa na lang sa altar.‖ Binati ni Victor si Alma sa pagmartsa nito sa entablado sa sa kanya sa altar. Nakurot ito ni Alma. Masayang naghiwalay ang dalawa. Inihatid muna ni Victor si Alma sa pinaghihintayan nito ng sasakyan. Habang daan ay iniisip ni Victor kung talagang magkakaroon siya ng pagkakataong makapagturo. Naalala niya si Alma. Nang nasa kalye na siya papuntang Looban, binate siya ni Tonying dahil ibinalita sa kanya ni Lukas. Hinintay ni Lukas si Victor sa entreswelo para ibigay ang ipinatahi niyang toga at cap. Umakyat na si Victor. Sinukat niya ang toga, medyo maluwag ito ng kaunti. Masaya si Victor dahil makakadalo na siya sa baccalaureate sermon upang makinig sa huling tagubilin ng mga guro. Iniharap ni Victor ang kanyang ina sa salamin. Sumingit sa isang tabi si Lukas. Nasa gitna si Victor at sinabing silang tatlo ang ga-graduate. Nangingilid ang kani-kanilang luha dahil sa lubos na kasiyahan. Naghain na ang kanilang ina. Lumabas si Victor sa kapirasong likurang-bahay sa tabi ng estero. Doon nakita niya ang maiingay na kabayo, iyak ng bata at ang maruming estero. Naalala ni Victor si Flor at ang kanilang mga pangarap

na

binigo

ng

pangangailangan,

pangungulila‘t

kakulangan ng pagtitiwala. Nagulantang siya sa pagbubulay-

bulay sa tabi ng estero nang tawagin siya ni Lukas. Pahangos na nagsisipasok noon sa pasilyong patungo sa entreswelo sina Paeng Gasti, Tatong Bamban at Pilo. †Kabanata 19 Nagtatawanan sa ilalim ng bahay ni Aling Inggay sina Paeng Gasti, Tatong Bamban, Victor, Pilo at Lukas. Inabot kay Victor ang kahong karton na nakabalot nang maganda at may laso pa. Barong tagalog ang laman ng kahon na para sa graduation ni Victor. Naglabas ng alak si Pilo at sila‘y nagsalu-salo habang pinag uusapan ang graduation ni Victor. Pag alis at paglipas ng katuwaan, naiwan si Victor na nakatingala sa langit. Ang isipan ay nasa langit, na ang Tundo ay nasa ilalim nito na may pag asa pa roon. Ito ay pagsisikapang maunawaan at matagpuan. ―May katapat na langit ang lahat,‖ Ang Tundo Man, May Langit din‖, ang sabi ni Victor. Si Alma ay nakatingala din sa langit nang sandaling iyon. Binabalikan ang mga naisulat sa talaarawan tungkol sa pagtatangi kay Victor. Iniisip niya kung anong ireregalo niya kay Victor. Ang langit ding iyon ay tinitingala ni Flor mula sa kanyang silid. Inisip niya si Victor habang nabasa sa pahayagan ang pagtatapos nito. Nanghihinayang siya sa mga bigong pangarap nilang dalawa ni Victor na kanyang tinalikuran dahil sa kakulangan niya sa pagtitiwala sa paniniwala ni Victor na ang Tundo man ay may langit din. Nagsisisi siya sa kanyang

kapusukan at kahinaan ng loob. Ang naging bunga na dala niya sa kanyang sinapupunan ang handog niya sa graduation ni Victor. †Kabanata 20 Papasok si Victor sa opisina at magpapaalam sa kayang hepe na si Mister del Pilar na kalahating araw lamang siya. Dadalo sya sa baccalaureate at kukunin niya ang kanyang toga. Kumalat na sa opisina na siya‘y magtatapos na. Maraming bumati kay Victor. Nagpainom si Mister del Pilar para kay Victor. Biglang tumawag si Alma habang nasa opisina si Victor. Napag-usapang magkikita sila sa eskwelahan, sa baccalaureate. Bumili siya ng ibibigay kay Alma. Isang bagong dating na antolohiya o katipunan ng mga tulang kinatha sa iba‘t-ibang panahon at ibang sulok ng daigdig ang kanyang binili. Sa pagdalo sa baccalaureate, ipinaalala na ang edukasyon ay hindi natatapos sa pag-abot ng diploma. Ito ay pananagutan at layunin sa lipunan. Sa kanyang pakikinig, naalala niya ang kanyang ama. ―Mag-isip ka anak, sikapin mong mapanuto ka sa buhay, ang inyong kaligtasan ay nasa iyong pagsisikap‖. Matapos pagdalo, mayroon pang salu-salo kung saan nagkita si Alma at Victor. Nagbigayan sila ng kanya kanyang mga regalo nagkwentuhan silang dalawa. Kaya dadalo ng graduation si Victor ay sa kadahilanang,‖Wala akong karapatang magkait sa kanila, lalo na

sa inay ng kaligayahang maidudulot ng aking pag-abot sa tuwirang

salita

ay

kapirasong

papel

lamang.

Habang

nagsasalaysay si Victor, si Alma naman ay nasa dibdib niya‘y naghahari ang isang pagtatalo. Ito ang pagtatapat ng lihim tungkol sa ama. Tulad ni Victor, wala siyang karapatang magkait sa kanyang magulang ng kaligayahan. †Kabanata 21 Hinihintay ni Victor na magsalita si Alma. Nang paparating na sina Minnie at Monching, nagsalita si Alma. Mapalad raw si Victor na dadalo ang ina at ang mahal a kaibigan nito sa graduation. Magtapat na sana ng lihim si Alma na tungkol sa kanyang panaginip na bumabagabag sa kanya ngunit dumating na sina Minnie. Niyaya si Victor na ihahatid na lamang siya gamit ang malaking kotse ngunit tumanggi ito. Oras na nang graduation. Ang araw na hinihintay ng mga magsisipagtapos, oras na lamang ang hinihintay sa pag-abot ng diploma. Naghanda at inihatid si Victor ni Lukas at iba pang kasama sa eskwelahan gamit ang kotseng nahiram nila. Ikinagulat ito ni Victor. Tuluy-tuloy pa rin ang pagbati sa kanya ng mga nasa Looban. Nakadama ng kaliitan si Victor ng marinig niya ang ―Arya, Bata‖ mula sa kanilang kapitan, ganoon na lamang ang ginawa niyang pagpapakumbaba sa sarili. Dumating na sila sa eskwelahan. Pumuwesto na sina Tatong Bamban at Lukas sa

may loudspeaker upang pituhan at palakpakan kapag narinig ang pangalang Victor del Mundo. Sa graduation ay mayroong susunduing surpresa sina Tatong Bamban at Lukas para kay Victor. Nagtuloy na si Victor sa loob ng pamantasan. Tinanong niya sa sarili kung sinong surpresa kaya ang tinutukoy ng kanyang mga kaibigan. †Kabanata 22 Pumila at nag umpisa na ang seremonyas. Sunud-sunod ang pagtawag sa pangalan ng mga ga-graduate. Sunud-sunod din ang bawat sangay ng karunungang pinagtatapusan. Matapos tawagin ang mga pangalan ng mga magna cum laude at cum laude, ang iba pang mga mag-aaral ay tinawag na rin. Sa pagtawag ng pangalan ni Alma at ng pangalan niya, mayroong nabubuklod na palakpakan na nanggagaling kina Tatong Bamban at Lukas. Kitang kita ni Victor ang masayang ngiti sa mukha ng kanyang ina. Nagsalita ang panauhing pandangal ukol sa hamon at responsibilidad ng mag magtatapos. Naalala niya ang kanyang pagtitiwalang ang Tundo man ay may langit din at ang langit na iyon ay dapat niyang hanapin at pagsumikapang abutin. Ito ay hindi lamang para sa kanyang sarili kundi para sa lahat. Ipinaalala ng panauhing pandangal- Tundo: ang pook na kinakitaan ng liwanag ng dakilang anak- pawis na si Bonifacio, pook na pinagtatagan ni rizal ng La Liga Filipina. Matapos ang

graduation, nagsasaya ang magkakasamang dumalo dito. Buong pusong ibinigay ni Victor sa kanyang ina ang diploma. Makalipas ang ilang sandali, napansin niyang may kakaiba sa mga kasamahan niya. Si Flor ang tinutukoy na surpresa ni Lukas. †Kabanata 23 Nagulat si Victor nang Makita si Flor. Natuwa siya nang makita niya ito. Pinasiya ni Flor ang tawa ni Victor. Naalala niyang dapat ay magkikita na sila ni Alma sa lobby, ang dating tagpuan nila. Nagpaalam na ang mga kaibigan at kasama ni Victor. Pinuntahan nila si Alma matapos ang batian. Sa lobby, si Alma ay naghahanap na din kay Victor, madaming tao sa lugar na iyon. Habang pinagmasdan ni Alma ang mga pulutong ng pamilyang nagsasaya, siya‘y nangulila at naiinggit dahil sa masasayang

estudyanteng

gumaraduate

kasama

ang

kai-

kanilang mga pamilya. Nagkita sa wakas si Victor at Alma. Ipinakilala ng bawat isa ang mga kasama ngunit kitang kita ang ilangan ng pamilya at ang mga kaibigan ni Victor sa kay Alma. †Kabanata 24 Nagyaya na sa kainan sina Victor at ang mga kasama. Nagmamadaling paglayo sa mga kasama ni Alma ang grupo upang hindi na tumagal pa ang malamig na ilangan ng bawat isa. Masaya ang salu-salo. Maraming pagkain. Maraming serbesa.

Natuklasan ni Victor ang kaibahan ng daigdig niya sa daigdig ni Alma. Mayaman sa mahirap. Nagbukas na ng mga regalo si Victor sa kainan. Ang kay Flor ay relong may ukit ng pangalan ni Victor. Ang kay Alma ay fountain pens na mayroong ukit ng ―Victor-Alma‖. Nakauwi na silang lahat ngunit nakaukit pa din sa isipan ni Victor ang ukit sa regalong ibinigay ni Alma. Ayaw niyang isipan ni Victor ng kahit anong ibang kahulugan ang kanilang madikit na pangalan. Sa pagsusulat ni Alma sa kanyang talaarawan, nagunita niyang dito niya inamin ang lihim na nais niyang sabihin kay Victor noon. Ang dating labandera nila ay pinagnasahan ng kanyang sariling ama. Ang pangalan niya ay Dolores. Mahigit isang taon na nang umalis ang labandera. Binayaran upang umalis, at huwag gumawa ng kahit anong isyu. Kailangan ni Alma si Victor upang tulungan siyang hanapin ang labaderang ito. Si Dolores ay maid ni Flor sa kasalukuyan. Nagbalak magpatayo ng dress shop sina Flor. Nagkausap ng masinsinan sina Flor at Victor. Nagpasalamat ang dalawa sa bawat isa dahil sa tulong na ibinahagi nila at sa mga leksyon sa buhay na napulot nila sa bawat isa. Mag-aaply si Victor sa pagtuturo. Sinabi ni Flor kay Victor na halatang minamahal siya ni Alma.

†Kabanata 25 Binisita ni Alma si Victor sa kanyang trabaho. Inanyayahan ni Victor si Alma sa isang palamigan sa Avenida Rizal. Nakita ni Alma na maraming tao sa paligid kung kaya‘t inaya niya si Victor na makipag-usap sa ibang lugar. Sumakay sila ng taksi at nagtungo sa Luneta. Nang makarating, na nagtungo sila sa lehislatura. Napasok sa usapan si Flor sapagkat may isang panahong ang luneta‘y naging kaugnay ng nilikhang pangarap ni Flor at Victor. Binalita ni Victor na nagkita sila ni Flor noong gabi bago sila nagkita ni Alma. Magtatayo daw ng isang patahian si Flor at mamumuhunan doon. Nalakad ni Alma ang kanyang application para sa pagtuturo. Nagtaka si Victor, bakit daw niya itatali ang sarili niya sa chalk at blackboard. Sa Tundo daw magtuturo si Alma at pinigilan siya ni Victor sapagkat hindi naman daw niya kailangan ang sweldo, maliit kasi dahil may trabaho naman siya sa kanyang amain. Ipinagtapat ni Alma ang nagkasala niyang ama

sa isang hamak na labandera na

nagngangalang Dolores. Ibig niyang hanapin ang babaing iyon dahil nagkaroon siya ng kapatid kay Dolores at humihingi siya ng tulong kay Victor. †Kabanata 26 Ibig malaman ni Alma kung buhay ang kapatid niya kay Dolores, dalawang bagay ang gusto niyang malaman; kung may

nagsusustento sa mag-ina at kung kaninong pangalan ang dinadala ng bata. Gusto ni Alma na sa Tundo siya magturo, dahil iuugnay niya si Dolores sa buhay Tundo. Pinangako ni Victor kay Alma na tutulungan siya sa paghahanap kay Dolores. Tuturuan ni Alma ang mga bata tungkol sa kanilang karapatan at kapanagutan. Nais magtagtag ni Victor ng adult education sa kanilang

lugar

kung

hindi

man

siya

makapagturo

sa

eskwelahang gusto niya. At kung ayaw man, ay kindergarten. Nagbiruan si Victor at si Alma. Nang maghiwalay ang dalawa, namumuno sa kasiyahan ang dibdib ni Victor. Hindi lamang dahil sa katapatan ng pagmamalasakit ni Alma para kay Dolores na iyon, sa pakiwari niya ay masisira ang pangako niyang sa kanyang sarili na layuan si Alma. May pagtingin si Victor kay Alma gaya ng pagtingin niya kay Flor. Abril ng magtapos sina Victor at Alma. Nagdaan pa ang mga araw,noong buwan ng Mayo,hindi

sumama

si

Alma

sa

mga

paglalakbay-dagat,

pagbabakasyon sa Hongkong at kung anu- ano pa. Noon din buwan ng Mayong iyon naghahanap si Flor kay Dolores na bakit hindi dalhin ang kanyang anak sa Maynila. Inalok siya ni Flor kay Dolores na maging tauhan sa magiging patahian nila. Naisip ni Dolores si Mr. Fuentes ng mga oras na ‗yon.

†Kabanata 27 Hindi makatulog si Dolores. Naisip niya ang kanyang anak. Ibig ni Flor ay dalhin niya ito sa Maynila. Naalala rin ni Dolores ang ama ng kanyang anak. Ibig ipagtapat ni Dolores kay Flor na si Mr. Fuentes ang ama ng kanyang anak ngunit binigyan siya ni Mr. Fuentes ng pera upang huwag na itong maghabol o magiskandalo. Naalala ni Dolores ang kanyang masamang karanasan ng siya‘y mapariwara. Hanggang sa makatulog na si Dolores, hinabi siya ng isang magandang guniguni ng isang magandang kinabukasan ng kanyang anak. Nais niyang matupad ang kanyang inaasam: ang makalimot sa lumipas. Para kay Alma ang ―lumipas na iyon‖ na iyon ni Dolores ang isang kinasasalalayan ng kanyang paghihimagsik. Gusto ni Alma na makita si Dolores ibig niyang malaman kung buhay ang kapatid niya dito. Magtatapos na ang Mayo. Nagsisipaghandaan na ang mga magsisipagpasok sa eskwelahan. Nakakita na ng malilipatan na apartment si Flor. Tinawagan niya si Victor kung ubra ang kanyang napili. Nagkita si Victor at si Alma, isinama niya ito sa address na pinaglipatan ni Flor. Nakarating na sila sa kalyeng ng apartment na lilipatan ni Flor. Sinalubong siya ni Flor, kinamayan niya si Alma. Tinawagan ni Flor si Dolores. Nagulat si Alma. Napansin ni Victor ang pagkagitlang iyon. Sumungaw si Dolores sa hagdan. Napasigaw si Alma.

†Kabanata 28 Nagkita sina Alma at Dolores. Namagitan ang katahimikan sa kanila. Nang mga sandaling iyon, pasulyap-sulyap si Victor kay Alma at Dolores. Noon lamang niya napaghulong hindi alam ni Flor na ang anak ni Dolores na nasa lalawigan ay kapatid sa ama ni Alma, na si Dolores ay disgrasyada ng ama ni Alma. Nagpatuloy si Flor sa pagbabalita tungkol sa mga plano niya sa apartment. Iniisip ni Victor kung paano siya makatutulong upang malaman ni Alma na ang kapatid nito kay Dolores ay buhay. Naisip niyang ipaubaya niya kay Alma ang paglutas noon. Nagawang ipagtapat ni Dolores ang tungkol sa kanyang naging anak sa ama ni Alma ng maayos. Inihatid nina Victor at Alma sina Flor at Dolores sa apartment nilang tinitirahan; pagkatapos ,naglakadlakad sila patungo sa Luneta, aakuin ni Alma ang pagsusustento sa kanyang bagong kapatid. Ang araw na iyon ay mahalagang mahalaga kay Alma. Dumating siya sa bahay na ang dibdib ay namumuno pa rin ng katuwaang may kalanghap na kalungkutan. Muli siyang nagsulat sa kanyang talaarawan, maikli lang ang kanyang isinulat. Hindi niya matiyak ang kalooban ni Victor. Kung may pagtingin ito sa kanya, hindi nito ipinaalam sa kanya. At hindi naman niya pinagbigyan ng kahulugan ang mga biro ni Victor, bagama‘t kung minsan. Ng mga

sumunod

na

araw,

abalang

abala

si

Alma

sa

pagtuturo.Dumalaw si Tonyo kay Flor. At nuon ibinalita ni Flor kay Tonyo ang tungkol sa anak ni Dolores. Napatingin si Flor kay Tonyo. †Kabanata 29 Sandaling tinitigan ni Flor si Tonyo bago sumagot, sinabi ni Tonyo na sana'y bigyan siya ng karapatan sa kanyang anak. Napakagat labi si Flor. Tumingin lamang si Tonyo sa kanya. Bago umalis si Tonyo noong gabing iyon, muling nagpasalamat si Flor. Matagal ng nakaalis si Tonyo, iniisip pa rin niya si Flor. Hindi niya inihahambing si Tonyo sa ama ni Alma. Mula ng matagpuan ni Alma si Dolores, ang kanyang pakikitungo sa ama ay

nagging

lalong

malamig,

ngunit

hindi

niya

ito

nilalapastangan, sa kilos o salita, katulad pa rin siya ng dati, nakangiti ngunit pilit si Alma sa mga kasama ng kanyang ama, nagpaalam siya. Nasalubong niya ang kanyang Mommy na hindi na yata mawawalan ng hairclips sa ulo. Naging maestra si Alma sa mataas na paaralan Torres. Maraming pumapansin sa kanya sa eskwelahan noong unang pasukan. Sa pag-uwi ni Alma galing sa paaralan, ang dyip na sinasakyan niya‘y may lugar patungo sa Looban nila Victor. Muling nagsulat si Alma sa kanyang diary, ang huling isinulat niya noong araw na iyon ay tungkol sa gagawin niyang pakikipagkitang muli kay Dolores. Isang hapon ng sabado, nagulat na lamang at sukat si Flor ng dumating si

Alma sa patahian sa Ermita. Tinanong ni Alma si Dolores. Si Alma ay nakadama ng matinding pananabik na aakita ang anak ng kanyang daddy kay Dolores. Si Dolores ang sadya ni Alma, ibig niya itong makausap. Binigyan ni Alma si Dolores ng tseke para kay Boy. Nagpasalamat si Dolores pero sabi niya‘y hindi niya ito matatanggap. Napatingin si Alma sa kanya. †Kabanata 30 Hindi maunawaan ni Alma kung bakit tinatanggihan ni Dolores ang tsekeng ibinibigay niya para sa bata. Pinagmasdan ni Alma si Boy, ang anak ng kanyang Daddy kay Dolores. Ngunit pilit nitong ibinigay ang tseke at kay Rafael nito ibinigay. Nahiya si Dolores. Sinabi ni Alma na matatahimik ang aking loob kung matitiyak ko nang si Boy ay magkaroon ng mabuti-buting pagkakataon. Nagpaalam si Alma kay Dolores at kay Flor. Nagtuloy siya sa simbahan sa Ermita. Magdarapit hapon na ng lumabas siya sa simbahan. Si Victor naman ay walang kasiyahan pero hindi niya ito ipinahahalata sa matatandang nasa klase niya. Tinalakay niya ang kasaysayan ng panahon ng kastila. Dumating si Tatong Bamban at Paeng Gasti, kinamusta nila kung ayos ang klase, ipinaliwanag ni Victor sa dalawa na dapat maging literate ang mga tao sa Looban upang umunlad at luminis ang kanilang lugar. Isang biyernes ng hapon, umuwi ng maaga si Victor, dinatnan na niya sa kanilang entreswelo si

Opreng, ang magbibinatang anak ni Mang Ponsong Goma. May kasamang ibang kabataan taga Looban si Opreng. Kinumbida nila si Victor na pumunta sa kwadra upang magtayo ng club at pinaunlakan naman ito ni Victor. Pagkakain ng hapunan, nagbihis si Victor at nagpaalam, tumingin siya sa langit, narinig niya ang mga ingay ng mga bata. Naalala niya ang kanyang pagkabata. Naalala niya si Flor at si Alma. Nakita niya si Conrading na mukhang may haharanahin. Tiningnan niya ang harana kung okay na. si Flor at si Alma ang nasa isip niya. †Kabanata 31 Nakadama si Victor ng malalim na pangungulila sa narinig niyang kundimang inawit ng isang kababatang ngayon, katulad ng maraming iba, ay walang hanapbuhay. Nagkita sina Victor at Konsehal sa restaurant ng isang intsik. Uminon sila ng serbesa at nalibre pa nga ang kanilang mga inorder. Nais sana ng Konsehal na makuha ang lahat ng boto ng mga tao sa Looban. Kaya‘t

inanyayahan

niya

si

Victor

na

ikampanya

siya.

Nagdalawang isip si Victor dahil ayaw naman niyang magdikta sa mga tao nang kanilang nais iboto. Wala na siyang karapatang pakialaman ang boto ng taga Looban. Nagmiting sila sa kwadra ni Mang Ipe, sa may gilid na estero. Naroon sina Opreng, Myrna, Bernarda, at kung sino sino pang kabataan. Si Opreng ang tinalagang pangulo. Si Victor ang taga payo ng sikhay ng

kabataan, imunungkahi niya na sa halip na magkaroon ng acquaintance party ay maglinis sila ng estero. Halos lahat ay umungol, meron pang natawa. Nagpag usapan ang graft and corruption, at lahat ng katiiwalian na nangyayari sa pulitika. Kapalit ng paghakot ng boto ni Victor,

lalakarin niya ang

appointment ni Victor para magturo. Natapos ang mahabahabang pagpapalitan ng kuro-kuro. Marami pang ibang bagay silang napag-usapan bago matapos ang klase para sa Sabadong iyon. †Kabanata 32 Isang gabi, ilang araw pagkaraan ng pagkikita ni Victor at ng konsehal, sinundo nina Tatong Bamban, Paeng Gasti at Pilo si Lukas, may pupuntahan sila. Nasulyapan ni Victor ang kanyang inang nasa tapat ng isang luma't maliit na bumbilya. Nililinis nito ang salamin ng mga kwadro ng mga larawan ng ama niya. Nag-usap silang mag ina tungkol sa pagtuturo ni Victor. Hanggang sa makahiga na si Victor na iniisip-isip pa rin ang mga sinabi ng kanyang ina. Nagunita niya noong sinisimulan niyang itatag ang adult education class sa Looban. Naroon ang mga batang nag uusyoso at ang mga inang may kilik na bata at sumisilip-silip sa mga bintana nang unang gabi ng kanilang klase. Nagunita ni Victor ang kanyang mga mag-aaral sa kasaysayang ng Pilipinas. Ang mga kalagayang pinaghimagsikan

nina Rizal, del Pilar, Bonifacio at Mabini ay totoo ngang hindi pa nababago. Nagunita rin niya si Alma at ang kanilang naging pagtatalo tungkol sa ganoo't ganitong kalagayan sa Pilipinas noong sila'y nag aaral. Ang pagsusuring iyon ni Victor ay pinukaw ng mga kaluskusan at tinig sa kaltehon. Nabosesan niya si Tatong Bamban at Paeng Gasti at narinig niya ang masayang tawa ni Lukas. Narinig din niya ang pagbangon ng kanyang ina upang buksan ang pinto ng entreswelo. Malakas na malakas ang boses ni Lukas sa labas ng bahay. Nagtatawanan sina Tatong Bamban at Paeng Gasti. Nakarating si Victor sa pintuan. Sumusuray-suray si Lukas, kumakanta-kanta pa ito kahit sintunado, napansin niya si Lukas sa may pinto. Nabuwal itong kumakanta pa rin sa hagdan, kumakanta, nagmumura. †Kabanata 33 Iniakyat sa bahay nina Victor, Paeng Gasti at Tatong Bamban si Lukas. Umuungul- ungol pa ito. Hindi naman daw siya lasing. Nagpaalam na ang kanyang mga padres. Nang gabing iyon nagpasya si Victor na tanggapin ang tulong ng pulitikong kandidato. Nagtungo si Victor sa tanggapan ng konsehal sa City Hall. Kinamusta ang kanyang pagtuturo sa Looban ng isang pulitiko. Ngumiti lang si Victor. Nagpasalamat si Victor sa kanilang pinakamataas na manedyer pagkatapos ay nagpaalam. Kinabukasan nagbalik sa silid ang prinsipal. Iginala ni Victor ang

kanyang paningin. Alam niyang nandoon din si Alma at posible silang magkita. Pagkadaan ni Victor sa teacher's room, nakita niya ang mga naging guro niya dati. At biglang dumating si Alma. Nag-usap sila at kumain sa isang restawran sa Dewey Boulevard. Umuwi silang may parehong ngiti sa kanilang mga mata. Pumasyal si Alma sa Looban kinabukasan, at nakitang nililinis ng mga taga doon ang estero. Nagkatuwaan at nanglibre si Alma ng inumin. At hinayaan ni Victor na maglagos ang ga daigdig na katuwaang iyon, at sabi pa'y " May pag-asa pa"," Ang Tundo man, may langit din." †Kabanata 34 Wala nang pinag-usapan ang mga tao sa Looban kundi ang pagkakalinis ng kabataan ng estero sa pamumuno ni Victor. Hindi rin makalimutan ni Alma ang nangyaring iyon, naikwento niya iyon sa pinsan niyang si Minnie. Narinig ng ama ni Alma ang pangalang Victor, tinanong niya kung sino ba iyon. Si Minnie ang nagpakilala. Mainit ang nagaganap sa eleksyon. Kabikabilang mga pulitikong gumagamit ng politikal goons. Nang mga sandaling iyon, sa dress shop ni Flor sa Ermita, dumalaw muli si Tonyo . Natatakot siya ng dahil nagdadalantao ang asawa niya. Hindi ninanais na mabyudo si Tonyo dahil magiging magasawa silang legal, ilang araw pa ang nagdaan. Naging mainitan na ang pangangampanya sa eleksyon. Bumaba sa isang dyip si

Lukas. Nagkita sila ni Tatong Bamban. Nakita ni Pasing si Lukas, namuno ang kasiyahan sa kanyang dibdib. May sasabihin pa sana si Lukas ngunit napaudlot siya nang makita niya ang paghinto ng isang dyip na private. Nang mga sandaling iyon, si Pasing

ay

tumatakbo

patungo

sa

Looban.

Ang

bawat

masalubong niya'y pinagsabihan niya. ―Si Lukas sa kanto. May masamang nangyayari‖. At sa kanto, sa loob ng restawran, tahimik na tahimik ang lahat. Nakagwardiya sa pinto ang isa sa apat na lalaking pumasok. Si Victor naman ay nasa kalyehong madilim. Nauna na siya kay Pasing. Kailangang makarating siya sa kanto bago magkagulo. Natambad sa paningin ni Victor pagpasok niya sa loob ng restawran ang mga silyang batibot na nagkabuwal-buwal; mga nagkagulo; ang basag na iskaparate ng mami at siopao. Ilang mesa ang nawala sa lugar. nakaupo sa isang siyang batibot. Hawak pa rin niya sa leeg ang isang bote ng

beer,

basag

porselanang

ang

ibabaw

ilalim ng

nito.

mesa

ay

Sa

maputing-maputing

matingkad

ang

dugo!

Nakasubsob si Lukas. Nakasampay sa silya ang kamay niyang may hawak na binasag na bote ng beer. Madaling tumakbo si Victor kay Lukas, umuungol ito. Parang hindi nito maidilat ang kanyang mga mata. Inalis ni Victor mula sa kamay ni Lukas ang boteng binasag nito't hinawakan sa leeg niyon. isinandal niya ito sa silya. Wakwak at basang basa ng dugo ang kaliwang balikat ni

Lukas. Parang mahihilo si Victor sa nakita niyang pagtagas ng dugo roon. Madaling pinangko ni Victor si Lukas. Dinala ni Victor si Lukas sa North General. Doon habang isinasalin ang dugo niya kay Lukas, Si Victor ay nakahigang nag-iisip. Ibig niyang maluha. Naalala niya ang kamatayan ng kanyang ama. Lumingon siya kay Lukas. Maputlang-maputla si Lukas. †Kabanata 35 Pumikit na lamang si Victor. Hindi lamang dahil sa pangangambang may masamang mangyari kay Lukas kundi dahil rin sa paninisi sa sarili. Dumalaw sila Paeng Gasti, Tatong Bamban at Pilo sa hospital. May pinagkakaguluhan sa labas ng hospital. Nagulat si Tatong Bamban nang matanaw nila ang dumarating. Si Paking, ang kandidatong pulitika nina Lukas. Ibinalita ni Paking kung paano niya nalaman ang nangyari kay Lukas. Nagdaan

siya sa restawran sa Tundo na pinag-

iistambayan nina Lukas. Mga bata ni Reyes ang may kagagawan. Tumawag nga si Paking sa media. kumuha ng datos ang reporter. Gulat si Victor kay Paking. Umuungul-ungol ang mga taong nakapaligid sa kanila. Nalagay nga sa dyaryo ang tungkol sa

nangyari

kay

Lukas.

Nang

umagang

iyon,

ang

mga

dumarating sa hospital ay pasulyap-sulyap sa kama ni Lukas. Patuloy pa rin ang pulitika sa pangangampanya sa loob ng pagamutan. Nakatingin na lamang si Victor. Naririnig niya ang

sinasabi ni Paking, ang pulitikong tumulong upang siya'y maging guro sa Torres High. Wala siyang maipula sa sinasabi ni Paking. Hindi matiyak ni Victor sa sarili kung tapat ang mga sinasabi ni Paking. Pinagmasdan din niya ang ibang may sakit at ang nagbabantay sa kanila. Nagulantang siya at ang kanyang ina ng umungol si Lukas, nakadilat si Lukas. May pagtataka sa kanyang mga mata, tiningnan niya si Victor, tiningnan niya ang kanyang ina. †Kabanata 36 Nasamid si Flor. Lumigwak ang kape sa tasang hawak niya. ―Sino kaya ang nakaalala sa kanya?‖, sabi niya sa sarili. Matagal na silang di nagkikita ni Victor. Nagtuloy si Flor sa salas. sumakit na naman ang tiyan niya. Nagulat si Dolores nang makita niyang gising na si Flor. Naramdaman ni Flor ang biglang panlalamig ng mukha ng tumawag ng doktor si Dolores. Nagpunta na sila sa hospital. Iniwan nila si Boy sa isa nilang mananahi. Tiningnan ng doktor ang lagay ni Flor. Nagpasalamat si Flor. Naglakad-lakad si Flor, kasama niyang lagi si Dolores. Inihatid ng doktor at ni Dolores si Flor sa kanyang silid upang magpahinga. Binuksan nila ang dyaryo. Si Dolores at si Flor ay hindi magkandatuto sa nangyari tungkol kay Lukas. Nalaman nilang nasa North General si Lukas. Tinawagan ni Dolores ang doktor. Tiningnan si Flor at sinabing "lalaki siguro". Noong mga

sandaling iyon, si Tonyo ay nakasakay sa kanyang bagong biling kotse upang pumunta kay Flor. Binilisan niya ang takbo ng kotse. Masaya siya na ang dibdib ay puno ng katuwaan. Dinala na sa delivery room si Flor at nasa kanyang isip si Tonyo . Sa labas ng delivery room, si Tonyo ay nakaupong naghihintay. Alam niyang panatag ang kanyang isipan, sa kabila ng mga alon ng pangamba at pananabik sa dibdib niya. Taimtim siyang sumambit, nanindig ang kanyang mga balahibo sa bisig. Alam niyang ang sandali ng pagsisilang ay maaaring maging sandali rin ng kamatayan. Naturok ng kanyang pagmamahal kay Flor na ang kakambal ng buhay ay kamatayan. †Kabanata 37 Ang katahimikan sa malinis na silid na kinaroroonan ni Flor ay puno ng malulusog na uha. Nakangiti ang mga manggagamot at nars. Lalaki ang anak ni Flor. Pagkaraan ng ilang minuto, si Tonyo ay naroon na sa harap ng nursery upang tingnan ang anak. Hindi naman makakibo si Flor. Naalala lamang niyang tanungin ang pangalan ng bata. Mahigpit ang paghahawakan ng dalawa. Umuwi si Tonyo na walang pangamba sa dibdib. Nagulat ang kanyang maybahay nang makita siya. Sinabi ni Tonyo na galing siya sa hospital. Kinamusta ng asawa niya si Flor kay Tonyo, pati ang anak nito. Niyakap ni Tonyo ang asawa bilang pasasalamat at pagmamahal. Sinabi ng asawa ni Tonyo na

nagkita na sila ni Flor at sinabi na mahal niyang talaga si Tonyo. Nagulat si Flor nang makilala niya ang babaeng pumasok na kasama ng manggagamot, ito ay si Chabeng, ang maybahay ni Tonyo , kinamusta niya silang mag-ina, hindi akalain iyon ni Flor. Magaan na magaan ang loob ni Flor. Hindi niya maubos maisip ang kapanatagan ng loob ng maybahay ni Tonyo. Maya maya'y dumating si Dolores kasama si Victor at Alma. Natulala si Victor kay Flor. Napansin ni Flor ang pagiliw na nasa mata ni Alma para kay Victor. Ibinalita ni Flor ang nakitang mukha nila ni Lukas sa dyaryo. Pagkagaling ni Victor at Alma sa hospital, namasyal silang dalawa, sakay sila ng kotse na regalo ng ama ni Alma. Tinanong niya si Victor kung mahal siya o hindi. †Kabanata 38 Hindi makasagot si Victor sa tanong na iyon ni Alma. Tinanong naman ni Victor kay Alma kung ikararangal niya siya kung siya ang kapalaran ni Alma. Nang sumagot si Alma ng oo ay iniba agad ni Victor ang usapan. Nagkibit-balikat si Victor. Parang hindi na niya matiis ang pamumuno ng kanyang dibdib, pangamba at hinanakit ang siyang humahadlang sa kanyang pagpapasya.

Pinaandar

ni

Alma

ang

kotse,

pabigla

ito,

bumababa na si Victor. Muling nagsulat si Alma nang mga sandaling iyon sa kanyang talaarawan. Binabasa niya ulit ang kanyang naisulat na. Kinausap ng kanyang ama si Alma sa

kanyang kwarto tungkol sa taga Tundong si Victor at sa pagtuturo nito. Naghihinanakit si Alma sa mga narinig niya sa kanyang

ama,

naghihimagsik

siya.

Magdamag

na

hindi

nakatulog si Alma, ibig niyang magsulat, ngunit parang wala siyang maisulat. Hinayaan niyang dumaloy ang luha niya. Kinabukasan sa eskwelahan, binati siya ni Victor ng magandang umaga, ngumiti naman si Alma ngunit pilit iyon. Ipinadala ni Alma kay Victor ang gamit niya sa kanyang silid mas mabigat iyon kaysa dati. Nabuksan ang gamit ni Alma, nakita ni Victor ang diary ni Alma, nanggigigil siyang buklatin iyon. Tumingintingin si Victor sa paligid. Baka may makakita sa kanya. Hinawakan niya ang talaarawan ni Alma at ang kanyang kamay ay nanginginig sa kasalanang gagawin. †Kabanata 39 Binuksan ni Victor ang talaarawan ni Alma. Tinunghan niya't sa isang iglap ay binasa't isinaulo ang nakasulat sa dahong siya niyang nabuksan. Naging palaisipan kay Victor ang talatang kanyang nabasa. Muntik na siyang mahulog sa hagdan. Nagmamadaling binasa ni Victor ang iba pang talata. Ganoon na lamang ang kaba ng kanyang dibdib, para siyang

may

natuklasang lihim. Nasigurado niya na kay Alma nga ang talaarawang kanyang nabasa. Inangkin ni Victor ang karapatang bumasa ng talaarawan ni Alma. Nang isara nito ang talaarawan,

sa pakiwari niya'y nanggaling siya sa isang paglalakbay sa kung saang daigdig na batbat ng buhay at pag-ibig. Tumunog na ang bell, nag ayos na si Victor. Hindi na dinatnan ni Alma si Victor sa teacher's room. Dumating ang oras ng tanghalian, tulad ng dati sa kapiterya ng eskwelahan sila kakain ni Alma. Nagtungo na sila sa library pagkatapos kumain. Inalok ni Alma si Victor na kumain sa labas sa cafe indonesia sila nananghalian. Tamilmil ang kain ni Alma. Tinanong ni Alma kung may nakita si Victor sa kanyang bag. Sinabi ni Victor na patapusin muna siyang kumain. Lumabas sa restawran si Alma, naiwan si Victor. Pagbalik ni Alma dala nito ang talaarawan. Naupo uli si Alma sa kanilang mesa sa sulok. Sinabi ni Victor na nakita niya ang talaarawang iyon. Tinanong ni Alma kung binasa ni Victor ang talaarawang kanyang dala dala. †Kabanata 40 Inilapag ni Alma ang talaarawan sa mesa. Sinabi ni Victor na hindi naman niya binasa ang nasa loob niyon. Muling tinanong ni Alma kung binasa ang diary niya. Napakagat labi si Alma, nagpupuyos ang kaLooban nito. Hindi niya malaman kung nabasa ni Victor ang kanyang talaarawan. Inalok ni Alma kay Victor kung gusto niyang basahin ang diary niya. Umiling si Victor. At pagkatapos nga ng klase nila sa hapon, namasyal sina Victor at Alma. Nais ni Alma na malibot ang buong Tundo at

ginawa nga nila iyon mula sa Manuguit hanggang Solis. Nagtuloy sila sa kalye Dagupan, umikot sa Moriones, tumawid patungong North Harbor at Asuncion Extension, nagbalik sila sa simbahan ng Tundo. Pinasyalan nila Alma at Victor ang mga tanawin ng kanyang kabataan. Nadatnan nila ang isang matandang babae. Madali

ng

nakatagpo

Napakinggan

nila

ang

ng

miting

talumpati

si

Victor

ni

Paking.

at

si

Alma.

Naroon

ang

pangakong pagpapatayo ng marami pang eskwelahan. Muling tinanong ni Alma kay Victor kung nabasa niya ang kanyang diary at muli din niyang inalok na ipabasa. Hindi tinanggap ni Victor ang talaarawang inaabot sa kanya ni Alma. Nagpasalamat si Victor kay Alma. †Kabanata 41 Pinatakbong mabilis ni Alma ang kanyang kotse. Nasa isip niya si Victor. Inis na inis, suyang suya't galit na galit siya. Hindi niya iniisip kung saan ang punta niya. Kaya lamang napansin ni Alma na siya'y lumuluha ay nang biglang lumabo ang salamin sa kanyang harapan. Umuwi siyang sakbibi ng masidhing lumbay at pangungulila. Ang dinatnan niya sa bahay ay ang kanyang mommy at si Minnie. Pinabasa ni Alma kay Minnie ang kanyang talarawan. Ipinagtapat ni Alma kung anong nangyari nang araw na iyon. Ang mga sumusunod na araw ay pagbibigay ng eksamen sa mga bata. Isang hapon ay inanyayahan ni Alma si

Victor. Inihinto ni Alma ang kotse sa malapit sa cafe indonesia. Nagtungo sa paboritong kainan. Hanggang sa maka order na ng sanwits at kape si Alma ay wala pa ring kibo si Victor. Nakatapos na silang magmirinal. Nagyayang maglakad si Alma sa tabi ng dagat, tumahimik si Alma. Alam niyang nagdaramdam si Alma. Mahal niya si Alma. At alam niya ag hinihintat ni Alma. Iyon ang nasa isip ni Victor nang pumihit siya. Sa pagpihit niyang iyon, nasanggi niya ang kamay ni Alma. Tapos ay hawak na ni Victor ang kamay ni Alma. †Kabanata 42 Tinugon ni Alma ang pagpisil sa kanyang kamay ni Victor. Waring sa pagsasagutang iyon ng kanilang mga kamay upang ang pananabik ng isa sa isa ay maipagtapat at maipaunawa. Nagpatuloy sila sa ganoong paglalakad. Hindi napaghusto ni Alma sa kamay ni Victor, noong gabing iyon ay dadalaw si Paking. Nakarating sila sa Tundo. At habang patungo sila sa kalyeng bababaan ni Victor, isinalaysay niya ang ilang tagpong natatandaan niya sa ganito't ganoong pook. Ibinaba ni Alma si Victor a labasan. Nakita ni Victor si Pasing, ang weytres na nililigawan ng kanyang matandang kapatid na si Lukas. Tinanaw ni Victor ang kotse ni Alma hanggang lumiko ito sa bago umakyat ng tulay ng pritil patungo sa tayuman. Nagdaan muna s Victor sa restawran sa kanto upang bumili ng sigarilyo.

Lumapit si Pasing, ang weytres. Nagtuloy na sa Looban si Victor. Mapupuyat siya ngayong gabi. Ngunit hindi marahil daw sa caucus. Nasa isip niya si Alma, at ang pangako niyang dadalaw siya sa darating ba sabado sa bahay nito. †Kabanata 43 Ang nakatatandang kapatid ni Victor na si Lukas at kinukumpanya ang kandidatong si Paking. Nagkaroon ng pagpupulong o caucus sa Tundo at tinalakay ni Paking ang kalinisan ng Tundo bilang isa sa kanyang mga proyekto kapag siya'y nanalo. Sa pinsalang nadulot ni Lukas ay aaregluhin yun ng pinaka pinuno ng pangkat na nagtulung-tulong kay lukad. Hindi maunawaan ni Victor na nasisilaw sa pera ang kanyang kapatid na si Lukas. †Kabanata 44 Napag-usapan ni Alma at Victor ang tungkol kay Lukas at napg usapan din nila ang tungkol sa kanilang dalawa. Sinabi ni Victor ang malaking hadlang sa kanilang dalawa. Sinabi niya na malaking-malaki agwat ng mahirap at mayaman dito sa ating bayan. †Kabanata 45 Isang sabado ng hapon, tulad ng ipinangako ni Victor ay dapat papunta siya sa tahanan ni Alma ngunit may nagbalita sa kanya na nakaengkwentro ni Lukas ang mga bata ni reyes, ang

kalaban ni Paking sa pulitika, si

at Chabeng naman ay nag-

uusap tungkol kay Flor. Si Flor at dolores naman ay nag uusap naman tungkol sa kanilang kasalukuyang buhay bilang ina. Dala ni Dolores ang kanyang anak na si boy. Napag-usapan din nila si Tonyo. Naalala ni Flor ang mga ala-ala nila ni Victor noon. †Kabanata 46 Nakabihis na si Misis Fuertes. May pulong ang organisasyon ng kababaihang kanyang kinabibilangan. Wala pa si Victor. Naalala ni Mister Fuertes ang kanilang paghaharap ni Alma:ang pagtatapat ni Alma tungkol sa nalalaman nito kay dolores. At noong banggitin niya sa kanyang anak ang tungkol sa sasabihin ng mga kaibigan nila kung malaman ng mga ito na siya, ay may pagtatangi. Tumayo si mr. Fuertes. Binuksan niya ang ilaw sa kanilang malaking silid. Hindi niya napansin ang pagdatal ng dilim. Pupuntahan na sana ni mr. Fuertes si Alma sa kanyang silid nang marinig niya ang paghinto ng isang taksing parang nagmamadali sa harapan ng kanilang bahay. Nang inakala ni Alma na hindi na makakarating si Victor ay bigla namang nav doorbell si Victor at pagkatapos ay binalita na kay Alma ang nangyari sa kapatid. Ipinakilala na Alma si Victor sa kanyang ama at sinabing sila ay engaged na.

†Kabanata 47 Natuwa ang ama ni Alma at kaagad tinanong kung kailan na magiging maluwag, ang pagtanggap ng kanyang ama kay Victor, kahit ito'y mahirap lamang. Nang mga sandaling iyon, si Chabeng at

ay binisita naman si Flor. Nagpasiya si Flor na

putulin na ang pagsasama nila ni at sinabing nais si anton (ang kanilang anak) ang una't huling bunga ng kanilang pagsasama †Kabanata 48 Nais lamang ni Alma na magkaroon ng isang simpleng kasal seremonya nila ni Victor. Si aling sion ay binigyan sina Alma at Victor ng kanyang naipon na pera para sa pagsisimula ng magasawa. Si Lukas naman ay niregaluhan sila ng apartment at binayaran ang isang taong renta nila. At si Alma at si Victor ay nagpakasal at nangakong magsasama sa hirap at ginhawa. "Ang langit ko'y ikaw; ikaw ang langit ng aking bagong daigdig, daigdig na nasa Tundo, nasa iyo."

IV.

Pagsusuri ng Akda A. Tauhan 1. Victor a. taga-Tundo at naniniwalang may pag-asa pa ang lugar nila b. kaibigan at kaklase ni Alma c. nag-aaral ng kursong Liberal Arts at Education 2. Alma a. kaklase at malapit na kaibigan ni Victor kahit na madalas na nagkakatampuhan ang dalawa b. ang pamilya ay angkan ng mayayaman c. may talaarawang tinatago na binubuhusan ng mga lihim na damdamin d. hinahangaan si Victor 3. Flor a. kaibigan ni Victor nang kabataan pa nila b. misis ni Tonyo c. nagdadalantao na ng dalawang buwan d. humingi ng tulong kay Victor pagkatapos ng hindi paguusap nito ng isang taon e. nakatira sa apartment sa Ermita

f. inilarawan ng isang pinsan ni Alma na ―beautiful na beautiful‖ 4. Dolores a. labandera nila Alma b. nabuntis ng tatay ni Alma c. kasalukuyang katulong ni Flor 5. Tonyo a. may unang asawa maliban kay Flor b. may apat ng anak kay Chebeng 6. Lukas a. nakatatandang kapatid ni Victor b. binili si Victor ng toga kasama ng nanay nila

7. Paeng Gasti a. Kaibigan nina Victor at Lukas b. Sumusuporta sa isang kandidatomalakas uminom 8. Tatong Bamban a. Kaibigan nina Victor at Lukas 9. Pilo a. Kaibigan nina Victor at Lukas 10.

Anton

a. anak ni Flor kay Tonyo

11.

Chabeng

a. unang asawa ni Tonyo 12.

Aling Sion

a. ina nina Victor at Lukas 13.

Monching

a. matagal nang may gusto kay Alma 14.

Minnie

a. pinsan ni Alma na parati nitong nakakasama B. Tagpuan 1. Tundo- Kilala ang Tundo bilang isag magulo, madumi, maraming tao, puno ng mga krimen at sinasabing wala ng nagiging pag-asa kung patuloy na paiiralin ang mga hindi kanais-nais na mga pag uugali. Ngunit sa nobelang ito, ninanais na mabigyang buhay, mahanap at mapatunayan na ang tagpuang ito ay matatawag din na kalangitan. Sa kabila man ng mga katangiang taglay ng lugar na ito na tila mahirap tanggapin sa ating lipunan, patuloy pa ring isinusulong na maitaguyod ang pagbabago na dapat ay natatamasa na ng tagpuang ito. 2. Apartment nina Flor at Tonyo- Matapos ang pagpapasya ni Flor na lisanin ang Tundo, nanirahan na siya kasama ang kanyang asawa na si Tonyo sa isang apartmet. Kung

susuriin, ditto ay pagiang nagkikita sina Flor at Victor upang madalaw ang bawat isa. Naging saksi ang tagpuang ito sa pagnanasa ni Flor na maakit si Victor at makipag-isa sa piling ng bawat isa. 3. Pamantasan- Sina Victor at Alma ay kapwa mag-aaral sa iisang pribadong pamantasan. Sila din ay parehong kumukuha ng kursong pagtuturo na may espesyalisasyon sa kasaysayan. Sa tagpuang ito makikita ang mga alitan sa pagitan nina Victor at Alma tungkol sa pagseselos nito kay Flor na dating kasintahan ni Victor. Ang pamantasang ito ay ang siyang gumabay sa mga pangunahing tauhan kung saan ito ang nagsilbing pundasyon na tumulong sa kanila upang makamit ang kanilang mga pangarap bilang isang mahuhusay na mga tagapagturo. 4. Isang palamigan sa Quiapo- Dito ay kalimitang nagkikita sina Flor at Victor noong sila pa ay pinag-iisang pagmamahal bilang magsing-irog. Mapapansin na sa lugar na ito nabuo ang ilang masasayang bahagi ng mga pangarap nila Victor at Flor. Ditto din ay mapapansin ang kalagayan ng Quiapo. Marami ang mga pilang tindahan na nag-aalok ng iba‘t-ibang produkto gayundin ng mga serbisyo. Naglalarawan ito ng mga masasaya at mga makukulay na pamumuhay ngunit sa likod nito ay may

mga ilang hindi mabubuting kalagayang panlipunan ang nagaganap sa lugar na ito. 5. Opisina

sa

printing

press-

Sa

tagpuang

ito

naghahanapbuhay si Victor upang siya ay may maitustos sa kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Nakatulong ng malaki ang lugar na ito nang sa gayon ay maipagpatuloy niya ang kanyang pagtatapos bilang isang guro. 6. Restawran sa Looban ng Tundo- Ito ang kalimitang puntahan at tambayan ng mga naninirahan sa Tundo. Ditto makikita ang iba‘t-ibang uri ng mga tao sa lipunan na nais takasan kahit sandal ang mga problema nila sa buhay. Nagsilbi itong lugar aliwan para sa kanila. 7. Patahian nina Flor at Dolores- Ang tagpuang ito ay siyang sumisimbolo sa pagsusumikap at pagtitiyaga nina Flor at Dolores sa buhay kung kaya‘t sila ay nakapagtaguyod ng ganitong uring paghahanapbuhay. Nilalarawan din nito na sinumang tao na may nais na umahon sa kahirapan at mabuhay ng marangal ay dapat na may positibong pananawa upang magtagumpay.

C. Panahon Nangyari

ang

kwento

noong

dekada

1950.

Mas

konserbatibo ang mga tao sa kwento kaysa sa mga tao sa henerasyon

na

ito.

Ang

mga

ginagamit

para

sa

komunikasyong ito ay medyo makaluma din.ang ibang kalsada ay iba rin ang pangalan kaysa sa pangalan nito ngayon. Ang panahon ay ipinakita ng may akda sa iba‘t-ibang paraan.

Isang

komunikasyon.

paraan Mas

ay

ang

makaluma

paraan noon,

ng

hindi

kanilag pa

sila

gumagamit ng kompyuter para makipag-usap sa ibang tao. Ang ibang kalye ay ang ibang pangalan sa libro kaysa sa pangalan ng mga kalye ngayon.

D. Banghay 1. Panimula Sa umpisa ng nobela isa-isa pinakilala ang mga tauhang bubuo sa kwento. Inihanda muna ng may akda ang kapaligiran ng mambabasa. Sa bawat tagpo sa nobela talagang matatagpuan moang sarili mo sa katayuan ng tauhan. Inumpisahan ng awtor ang tagpo sa opisina ni Victor del Mundo. Kung saan may tumawag sa kanya at napagtanto niya na ito ay si Flor

ang dati niyang kasintahan sa Tundo ang kanilang mundo. Nakipagkita ito sa kanya sa dati nilang tagpuan sa Quiapo at doon napagtapat ni Flor ang kanyang suliranin. Muling bumalik ang lahat ng pakiramdam

ngunit

ito

ay

may

hadlang

na.

Samanatalang nabanggit din ng may akda ang nagging kaibigan ni Victor na si Alma na magkakaroon ng pagmamahal kay Victor sa pagdaan ng panahon pinakilala din ang ina ni Victor na malaki din ang magiging papel sa buhay ni Victor at Lukas na kapatid ni Victor dahil kay Aling Sion doon huhugutin ni Victor at Lukas ang kanilang magiging bukas. Iikot ang istorya sa pag-iibigan ni Alma at Victor gayundin ang kay Flor at ang suliranin niya sa kanyang dating asawa si Tonyo. Sinalaysay din ang mga tagumpay at suliranin ni Victor. Ang lahat ay nagsimula sa mga nasaad.

2. Saglit na Kasiglahan Matatagpuan ang saglit na kasiglahan sa kabanata bilang tatlo, kung saan natunghayan ko ang una nilang pagbibiruan at pagkukulitan. Dito rin nalaman ko ang na

may lihim na pagtingin si Alma kay Victor kung saan palihim siyang tumitingin dito. Ito ang kabanata kung saan ginugol ni Victor ang paghihikap

sa

Quezon

Boulevard

at

Azcaraga

sa

paglalakad habang pinagmamasdan ang mga makukulay at matitingkad na magi law ng mga sasakyan at iba‘t-ibang mga gusali at napagpasyahang pumunta sa tinitrhang apartment ni Flor. 3. Tunggalian Ang mga tunggalian sa akda ay mga:  Malalaman ba ni Victor na dalawang buwan ng nagdadalantao si Flor o hindi?  Mahuhuli si Victor sa usapan nilang pagkikita ni Alma

sa

lobby

ng

pamantasang

kanilang

pinapasukan o hindi?  Dadalaw ba si Victor sa apartment na inuupahan ni Flor o hindi?  Mapapaaway ba sila Victor at Lukas sa apat na Waray na umagaw sa kanilang serbesa noong sila‘y nasa isang restawran sa Tundo o hindi?  Kakalat ba ang balitang nakipagbakbakan sina Victor at Lukas o hindi?

 Kukwestyonin ba ni Victor ang librong isinulat ng isang awtoridad sa Kasaysayan ng Pilipinas na si Agila o hindi?  Bibili ba ng bagong talaarawan si Alma o hindi?  Magkakaroon bang muli ng masamang panaginip si Alma tungkol sa kanyang ama at sa dati nilang katulong na si Dolores o hindi?  Magkakaroon ba ng party si

Alma sa kanilang

bahay o hindi?  Magtutungo ba si Victor sa apartment ni Flor bago pumunta sa party nila Alma o hindi?  Makakarating ba si Victor sa party ni Alma o hindi?  Dadalo ba si Victor sa Baccalaureatte at sa Graduation niya o hindi?  Bibigyan

ba

ni

Victor

si

Alma

ng

regalo

pagkatapos ng kanilang Baccalaureate o hindi?  Ipapakilala ba ba ni Victor at Alma ang kani kanilang kaanak sa isa‘t isa o hindi?  Bubuksan ba agad ni Victor ang regalong bigay sa kanya ni Alma o hindi?  Susulat ba si Victor tungkol sa fountain pen na ibinigay ni Alma o hindi?

 Kakausapin ba ni Alma si Victor tungkol sa sulat na ipinadala nito o hindi?  Ipagtatapat ba ni Alma kay Victor ang kanyang masamang panaginip tungkol sa kanyang ama at kay Dolores o hindi?  Magtatatag ba si Victor ng isang adult education class upang maturuan ang mga matatanda sa kanilang lugar o hindi?  Makakapagpatayo ba ng isang patahian si Flor at katulong niya si Dolores o hindi?  Isasama ba ni Victor si Alma sa patahian ni Flor o hindi?  Makakapagturo ba kaagad si Alma sa Torres High School o hindi?  Tatanggapin ba ni Dolores ang tsekeng ibinibigay sa kanya ni Alma o hindi?  Magiging tagapagpayo ba ng samahang Sikhay ng Kabataan si Victor o hindi?  Makakapagturo ba si Victor sa Torres High School o hindi?  Malalaman bang kaagad ni Alma na nagtuturo na si Victor o hindi?

 Tutulong ba ang mga kabataan sa paglilinis ng estero o hindi?  Aabutan pa ba ni Alma ang paglilinis nina Victor sa estero o hindi?  Madadala bang kaagad si Lukas sa hospital o hindi?  Aabot ba si Tonyo sa pagbibigay buhay ni Flor sa kanilang anak o hindi?  Ipagtatapat ba ni Tonyo ang tungkol sa kanyang asawa‘t anak kay Flor o hindi? 

Pupunta ba ang maybahay ni Tony kay Flor o hindi?

 Magtatapat ba si Alma ng kanyang nadarama para kay Victor o hindi?  Sasabihin ba ni Alma sa kanyang mga magulang ang tungkol kay Dolores o hindi?  Makikita ba ni Victor ang talaarawan ni Alma o hindi?  Babasahin ba ni Victor ang talaarawan ni Alma o hindi?  Papayag ba si Victor sa alok ni Alma na pumasyal sa Tundo o hindi?

 Papatulan ba ni Victor ang paghawak sa kanyang kamay ni Alma o hindi? 

Magkakatuluyan ba si Victor at Alma o hindi?

 Tatanggapin ba ng mga magulang ni Alma na maging manugang si Victor o hindi?  Makakarating ba agad si Victor sa mga Fuertes o hindi?  Makikipaghiwalay ba si Flor kay Tonyo o hindi?  Malalaman ba ng mga taga-Looban ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Victor o hindi?  Mahal ba ni Victor at Alma ang isa‘t isa o hindi? 4. Kasukdulan Matatagpuan ang kasukdulan sa kabanata bilang tatlumpu‘t-apat.

―Victor

si

Lukas

napapalaban,

nasapanaganib‖. Ito ang naging sigaw ni Pasing ng si Lukas ay napapalaban at tuluyang nasaktan ng hinarap siya ng mga kaalyado o mga bata ni Reyes, ang kalaban sa politika ni Paking ang konsehal na nilalakad ni Lukas. Para sakin ito ang pinaka sukdulan ng kuwento dahil ito ang naging kinalabasan ng pagtulong ni Lukas kay Paking na kaya lamang niya nagawa ay dahil gusto niya na ilakad ni Paking ang appointment ni Victor upang makapagturo na ito sa Torres High School. Naramdaman ko talaga ang

pagmamahal ni Lukas sa kanyang kapatid kahit na siya ay tipikal na isang uri ng tambay na siga at lagging umiinom. Naipapakita talaga niya ang kabutihang loob at gayun na din ang pagpapahalaga sa pamilya. Ang pagtatapat ni Alma at Victor sa isat-isa sa pamamagitan ng pagpisil at paghahawakan

ng

kamay

ay

nagdulot

sa

akin

ng

masidhing damdamin at kagalakan na sa wakas naamin na din nila sa isa‘t isa ang pagmamahal na kanilang tinago. Ito parte ng nobela na ito nan agpasidhi ng kasukdulan. Ang pagtatagpo ni Dolores at Alma ay sa wakas natapos na ni Alma ang kanyang suliraning matagal nang tinatago. Sa pagkakataong yaon ay nalaman na din ni Alma na ang kanyang kapatid sa Ama na si Boy ay buhay sa gayon hindi na babagabag pa sa kanyang panaginip, sa kanyang konsensya sa huli ay napagtapat din niya ito sa kanyang ama na si Mister Fuertes. 5. Kakalasan Matatagpuan

ang

kakalasan

sa

kabanata

bilang

apatnapu. Nakapagpatayo si Flor ng isang patahian kung saan katulong niya sa pagpapatakbo si Dolores. Dinala ni Victor si Alma sa patahian ni Flor at doon nakita ni Alma ang matagal na niyang hinahanap na si Dolores, ang dati nilang katulong na sa kanyang

paniniwala ay nagawan ng masama ng kanyang ama. Nagsimula na si Alma sa pagtuturo sa Torres High. Ilan pang mga araw ang nakalipas at pumunta si Alma sa patahian nila Flor upang kausapin si Dolores at ibigay ang sustento nito para makatulong at makabawi sa maling nagawa ng kanyang ama. Si Victor naman ay tinulungan ni Paking upang makapagturo sa Torres High. Nakatanggap agad siya ng appointment bilang substitute teacher sa paaralan. Nagkita muli sina Alma at Victor sa Torres High kung saan pareho silang magtuturo. 6. Wakas Kasabihan nga ng nakararami ay ―sa hinahaba haba nga naman ng prusisyon ay sa simbahan din ang tuloy.‖ Sa huli sa halos araw-araw nga naman na banggayan ni Alma at Victor sila din ang nagkatuluyan. Sa dulo ay nahanap na din sa wakas ni Alma at Victor ang kanikanilang langit at yaon ay nakita nila sa isa‘t isa. Ang kasal na naganap ay naging daan upang magkatagpo ang mundo ng mga taga Tundo at yaong may kaya sa buhay, naging daan ang kasal upang maayos ang lahat ng gusot na nangyari sa nakaraan, naging Masaya ang lahat sa katapusan ng nobela sapagkat mas naintindihan ng

nakararami ang katagang ―Ang Tundo ManMay Langit Din.‖ Sa wakas ng Ang Tundo Man May Langit Din ay masasabing

happy

ending

sapagkat

sa

halos

puro

suliranin ng mga tauhan ay napagtagumpayan nilang lahat ito magsimula na lamang tayo kay Flor na natagpuan na ibig ipakahulugan sa kanya ni Victor. Inayos niya ang kaniyang buhay, maayos niyang nailuwal ang kanyang unang anak at nagpasyang huwag na makipag-ugnayan kay Tonyo ngunit sa maayos na paraan. Ang kay Dolores naman ay nakuha niya ang karapatang dapat matagal na niyang nakuha sinuportahan na ni Mister Fuertes ang kanyang anak dito. Si Lukas naman ay kumita ng malaki at binayaran na unang taon sa titirhan ni Alma at Victor. Muli pinakita na naman niya ang pagmamahal sa kapatid. Muli nasilayan na ni Victor ang kanyang ngumiti dahil alam ni Aling Sion na tama ang daang tinahak ng kanyang anak.

E. Bisa ng Akda 1. Bisa sa Kaisipan (natutunan) a. Ang pera at hindi batayan ng dignidad ng isang tao. b. Ang pag-ibig ay walang pinipiling uri o katayuan sa buhay. c. Hindi dapat husgahan ang tao sa kung saan sila nagmula. d. Libre ang mangarap at hindi masama ang tuparin ito. e. Ang edukayon ay nananatitling isang kayamanan sa isang tao upang magtagumpay. f. Ang kahirapan ay hindi maaaring maging hadlang sa tagumpay

kung

may

pagtitiwala

sa

sarili

at

pananampalataya sa Diyos "Ang pagwawalang-bahala sa loob o labas man ng iskuwelahan ay isang pagpapakamatay." Ang linyang ito ay sinabi ni Victor na sadya namang tumatak sa aking isipan. Ipinapakita rito na ang mga salitang "bahala na" ay wala sa kanyang bokabularyo. Talaga namang kahanga-hanga ang kanyang ipinakita. Dahil sa kanya, natutunan ko ang isang bagay. Ito ay ang pagiging responsable hindi lamang sa paaralan kundi kahit saan. Ang taong may responsibilidad ay may

paninindigan at may pananagutan. Kaya naman kung may pakialam ka sa mga bagay-bagay, hindi mo kailanman masasabi ang mga salitang "bahala na". Nasaksihan ko rin na ang tunay na pag-ibig ay sadyang mahiwaga. Kahit ano pa man ang mga maaaring maging hadlang, patuloy pa ring nagtatagumpay ang mga nagmamahalan. Sadyang marami

kang

matututunan

kapag

nabasa

mo

ang

nobelang ito. 2. Bisa sa Kaasalan (ano ang dapat tularan) Mga Dapat nating tularan kay Victor  Pagiging Matiisin- hindi niya ininda ang pagiging mahirap na taga-Tundo para makagraduate sa kolehiyo.  Pagiging Mapagtimpi- hindi niya pinatulan ang mga tangkang pang-aakit sa kanya ni Flor.  Pagiging Masipag- hindi lang siya isang estudyante kundi isang working student pa.  Pagiging ―Patas‖- hindi niya tinanggap ang alok ni Alma na kunin agad siya bilang isang guro. Ngunit naging isa pa rin siyang guro sa malinis na paraan.

Mga Dapat nating tularan kay Lukas  Pagiging Matulungin- nagtatrabaho hindi lamang para sa sarili kundi para din sa kanyang pamilya lalo na kay Victor, lalo na noong siya ay tumulong sa pangangampanya para kay Paking upang ilakad nito ang papeles para sa pagtuturo ni Victor. ―Marumi, Magulo, Squatter at Maraming tao.‖ Ito ang mga naiisip ko kapag narinig ang "Tundo". Ngunit sa kabila nito, napatunayan pa rin ni Victor na kahit ganoon ang kanilang lugar, hindi pa rin ito naging hadlang sa pagkamit ng kanilang mga pangarap. Ang pag-asa ay nananatili pa rin sa kanilang mga isipan. Ito ang ugali ni Victor na karapat-dapat lamang tularan. 3. Bisa sa Damdamin (naramdaman) Naantig ang aking puso at napukaw ang aking isipan nang mabasa ko ito. Pag-ibig ang nangingibabaw sa nobelang ito kaya naman ako ay nagalak dahil ako ay ang tipo ng mambabasa na mabilis tangayin ng damdaming nangingibabaw sa akin sa tuwing ako ay nagbabasa. Kaya naman kung ang eksena ay nakakakilig, ako ay talaga namang

kinikilig.

Kapag

ako

ay

natatawa,

ako

ay

humahagikgik. Kaya maraming nag-akala na ako ay nasisiraan na ng bait sapagkat ako ay tumatawang mag-

isa o kaya naman nagpapakita ng kakaibang kilos. Talaga namang hinahangaan ko si Andres Cristobal Cruz dahil nakalikha siya ng isang nobelang gumising sa aking damdamin. F. Pagsusuri sa Teoryang Ginamit 1. Gumamit ang awtor ng teoryang NATURALISMO sa kabanata bilang 1, 12 at 27.  Ang kabanata 1 ay nasa teoryang naturalismo dahil kakikitaan ito ng kasuklam-suklam na pangyayari; ito ay ang pag-suntok ni Estong kay Victor dahil sa ito‘y ay paboritong estudyante ni Ms. Quilala.  Ang kabanata 12 ay nasa teoryang naturalismo dahil sa pagka-alibadbad ni Alma sa mga sinabi ng kanyang Daddy.  Ang kabanata 27 ay nasa teoryang naturalismo dahil kakikitaan ito ng maruming pangyayari sa pagitan ng katulong na si Dolores at sa amo nitong si Mr. Fuertes.

2. Gumamit ang awtor ng teoryang FEMINISMO sa kabanata bilang 2, 4, 23, 32, 45, at 46  Ang kabanata 2 ay nasa teoryang feminismo sapagkat binigyan pansin dito ang panlabas na anyo ni Flor kung saan inilarawan ang kagandahan niya.  Ang kabanata 4 ay nasa teoryang feminismo sapagkat nakita dito ang pagbabagong emosyonal ni Flor. Ipinakita ito nang wala siyang malamang gawin nang

pupuntahan

siya

ni

Victor

sa

kanyang

apartment.  Ang kabanata 23 ay nasa teoryang feminismo sapagkat nakatuon ang pokus ng kabanata kay Flor na ipinakilala bilang isang sorpresa. Dito nakita na ang kababaihan ay binigyan ng mataas na halaga.  Ang kabanata 32 ay nasa teoryang feminismo sapagkat inilahad dito ang masasayang gunita ni Victor at Alma na kinakitaan ng magagandang ala ala.  Ang kabanata 45 ay nasa teoryang feminismo sapagkat kinakitaan ito ng transformasyon ni Flor na sa una sa ay natakot sa pagluluwal ng kanyang unang anak, ngunit nagkaroon ng lakas ng loob na harapin sa tulong ni Dolores.

 Ang kabanata 46 ay nasa teoryang feminismo sapagkat binigyan ng mataas na pagpapahalaga dito di Alma ni Victor, magaling niyang hiningi ang mga kamay nito kay Mr. Fuertes. 3. Gumamit ang awtor ng teoryang ROMANTESISMO sa kabanata bilang 3, 8, 16, 24, 25, 38, 41, 42, at 47.  Ang kabanata 3 ay nasa teoryang romantesismo dahil sa kabanatang ito si Victor at Alma ay kakikitaan ng walang katapusang pagsasamahan at pag-ibig.  Ang kabanata 8 ay nasa teoryang romantesismo dahil nakatuon dito ang pananalig ni Victor sa Diyos na isang katangian ng teoryang ito.  Ang kabanata 16 ay nasa teoryang romantesismo dahil kakikitaan ito ng masidhing pagnanasang pagibig ni Flor para kay Victor.  Ang kabanata 24 ay nasa teoryang romantesismo dahil ipinakita dito ang iba‘t-ibang emosyon ni Victor ng kanyang iniisip ang tungkol sa fountain pen na bigay sa kanya ni Alma.  Ang kabanata 25 ay nasa teoryang romantesismo dahil naiwaksi ni Victor sa mga mambabasa na ang

pagmamahal ay hindi natatapos sa kabila ng pagtatalusira.  Ang kabanata 38 ay nasa teoryang romantesismo dahil nailabas ni Alma ang kanyang matinding damdamin para kay Victor kung saan tinanong niya ito ng direkta kung mahal siya ni Victor o hindi.  Ang kabanata 41 ay nasa teoryang romantesismo dahil nakatuon ang kabanata ito sa pagpupuyos naman ng damdamin para pa rin kay Victor.  Ang kabanata 42 ay nasa teoryang romantesismo dahil kakikitaan rin ito ng mga pagdaramdam at paninibugho ni Alma, kasama rin dito ang paguumapaw ng kasiyahan sa kanyang dibdib.  Ang kabanata 47 ay nasa teoryang romantesismo dahil ipinakita ni Victor at Alma na sa kabanatang ito ay mag-asawa na ang pagtangkilik sa kanilang lugar—ang Tundo bilang panibagong lugar ng kanilang buhay.

4. Gumamit

ang

awtor

ng

teoryang

HUMANISMO

sa

kabanata bilang 7, 10, 11, 13, 18, 20, 23, 31, 33, 37 at 39.  Ang kabanata 7 ay nasa teoryang humanismo sapagkat ang sentro ng pokus ng kabanatag ito ay na

kay

Lukas

ng

sinarili

niya

ang

pakikipagbakbakan sa apat na Waray na umaabang sa kanila.  Ang kabanata 10 ay nasa teoryang humanismo sapagkat sa ginawang pagpapahiya ni Victor kay Agila ay dito nakasalalay ang kahihinatnan niya ngunit nanindigan siya sa kanyang mga sinabi at nagtagumpay tungkol sa kanyang ginawa.  Ang kabanata 11 ay nasa teoryang humanismo sapagkat, tulad ng naunang dalawa nakatuon ang pokus na tao ang sentro ng mundo—si Alma siya ang nilalaman ng kabanatang ito na pinag-uusapan ng mag-asawang Fuertes.  Ang kabanata 13 ay nasa teoryang humanismo sapagkat pinahalagahan ni Victor ang kaisipang iniwan sa kanya ng kanyang ama na—―mag-isip ka anak‖.  Ang kabanata 18 ay nasa teoryang humanismo sapagkat

ipinakita

dito

ang

katangi-tanging

indibidwalidad ni Victor dahil pinahalagahan siya ng kanyang kuya ng ibili siya nito ng toga at cap.  Ang kabanata 20 ay nasa teoryang humanismo sapagkat binigyan ni Victor ng pagpapahalaga ang kanyang sarili sa hindi na pagpasok nito sa trabaho upang umatend siya ng bacalaurreate.  Ang kabanata 23 ay nasa teoryang humanismo sapagkat ibat-ibang mga tao ang naging sentro ng pokus dito—Victor, Alma at Flor. Naging sentro si Victor at Alma dahil dumating na ang kanilang hinihintay na araw; ang graduation. At si Flor naman ay ng pasikreto nitong pagpasok sa kwento bilang isang surpresa.  Ang kabanata 31 ay nasa teoryang humanismo sapagkat ipinakita dito ang kasiya-siyang katangian, ng nakita ng bata ni Victor sa pag- awit nito ng isang kundiman upang manligaw.  Ang kabanata 33 ay nasa teoryang humanismo sapagkat naganap dito ang pagkakabuklud-buklod ng mga mamamayan ng Looban para sa paglilinis ng estero,

kinakitaan

ang

kabanatang

natatanging kakayahan ng mga tao.

ito

ng

 Ang kabanata 37 ay nasa teoryang humanismo sapagkat nakatuon ang dito si Flor kung saan kinakitaan ng lubos na pagpapahalaga sa paraang pagtulak sa kanya ni Dolores upang magkaroon ng lakas ng loob na magbigay buhay.  Ang kabanata 39 ay nasa teoryang humanismo sapagkat dito, nagkaroon ng malayang pag-iisip si Victor sa kanyang mga nabasa sa talaarawan ni Alma. 5. Gumamit ang awtor ng teoryang EKSISTENSYALISMO sa kabanata bilang 5, 9, 14, 15, 17, 22, 26, 27, 28, 29, 30 at 44.  Ang kabanata 5 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil kinakitaan ito ng malayag pagpapasya ni Victor na huwag patulan sa gustong mangyari sa kanila ni Flor.  Ang kabanata 9 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil ipinakita ni Victor ang kanyang malasakit sa kanyang mga kamag-aaral sa paraang maayos upang huwag bilhin ang librong dala-dala ni Agila.  Ang kabanata 14 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil ipinakita dito ang pagtupad sa usapan ni

Victor tungkol sa pagdalo sa party ni Alma at hindi niya ito binigo.  Ang kabanata 15 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil kinakitaan ito ng paggawa ng para sa ikabubuti ng marami, ito ay ang pag-iwas muli ni Victor

sa

iminumungkahi

ng

dati

niyang

kasintahang si Flor.  Ang kabanata 17 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil

ipinakita

dito

ang

hindi

pagkakalat

ng

nararamdaman ni Alma tungkol sa ginawa ng kanyang magulang tungkol sa party, sinarili na lang niya ang problemang ito at nagtungo sa kanyang kwarto.  Ang kabanata 22 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil

kinakitaan

idibidwalidad

ng

ito

ng

isang

pagkakaroon

tauhan—si

Flor,

ng ang

surpresa ni Lukas sa kanyang kapatid.  Ang kabanata 26 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil ipinakita dito ang resposibilidad ng isang malapit sa buhay para sa isa. Ito ay sa katauhan ni Alma, siya ang umako ng pagsusustento sa kanyang kapatid sa ama kay Dolores.

 Ang kabanata 27 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil ipinakita dito ni Dolores ang responsibilidad sa sarili, sinabi niya kay Mr. Fuertes, na kanyang amo na siya ay nagdadalatao sa kanya.  Ang kabanata 28 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil ipinakita dito na dapat mabuhay ang tao bilang tao. Tinugon agad ni Alma si Dolores ng diretso tungkol sa naging anak niya sa kanyang ama.  Ang kabanata 29 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil kakikitaan ito ng responsibilidad sa sarili at sa iba

pang

malapit

sa

kanya.

Si

Flor

ay

nakipaghiwalay kay Tonyo dahil ito ang makabubuti para sa kanilang dalawa.  Ang kabanata 30 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil

gaya

kakikitaan

ng din

madalas ito

ng

na

patunay

responsibilidad

dito sa

ay iba.

Binigyan ni Alma si Dolores ng tseke para sa kanyang kapatid dito.  Ang kabanata 44 ay nasa teorya eksistensyalismo dahil sa pagpapasya kaagad ni Victor na dalhin agad sa hospital ang kanyang kapatid na si Lukas.

Ito ay nakabatay sa teoryang ito na ang tao ay nakakapagpasya ng malaya para sa ikabubuti. 6. Gumamit ang awtor ng teoryang REALISMO sa kabanata 36.  Ang

kabanata

36

ay

nasa

teoryang

realismo

sapagkat nilahad dito na ang karanasan ng mayakda sa kanyang lugar na ginagisnan, ang Tundo. Ipinapakita rin ang totoong kalagayan ng paligid, mga tao at lipunan.Ito ay hango sa realidad ng buhay at mga karanasan ng mga tao na nangyayari.

7. Gumamit ang awtor ng teoryang SOSYOLOHIKAL sa kabanata 21, 34, 35, 40, at 43  Ang

mga

kabanatang

ito

ay

nasa

teoryang

sosyolohikal dahil pinagtuunan ng pansin sa mga kabanatang

ito

ang

paksa

ng

may-akda,

ang

karanasan ng awtor at ang kalagayang pampulitika, gaya na lamang ng pagkakasugod ni Lukas sa hospital

dahil

sa

isang

away-pulitika;

pangkabuhayan at pangkultura, gaya ng pagiging working student ni Victor at ang pananaw nitong ―lahat ay may katapat na langit.‖ V.

Puna at Rekomendasyon

A. Puna Maayos ang pagkakalahad ng nobela, napansin ko lamang na mayroong mga balbal na salita na hindi naging malinaw sa akin tulad na lamang ng salitang ―takwar‖ na ang ibig sabihin pala ay kwarta o pera. Magaling ang nagbuo ng akda sapagkat hindi masyadong gumamit ng mga talinhaga o anumang mga malalaim na salita upang aking maintindihan ang takbo ng nobela, at gayundin para para masuri ko ng ito. Hindi ako nagkita ng kahit na anong butas o aberya sa pagpapatuloy ng kabanata, maayos ang pagkakasunod nito at konektado ang bawat ideya. B. Rekomendasyon Sa isang kwento, madalas ay maganda ang pagtatapos nito. Kaya naman ako ay nagsasawa na rin sa ganitong klase ng istilo ng panitikan. Nais ko naman maramdaman ang matinding panghihinayang, pagka-inis o pagkalungkot kapag nabasa ko ito ngunit magugustuhan ko ang paraan ng pagtatapos ng kwento. VI.

Pangwakas na Pananalita Sa una ay parang ayaw ko basahin ang librong ito dahil kasi parang hindi ito ang tipo na gusto kong basahin. Sa katunayan ay ito ang una kong pagkakataon na bumasa ng isang aklat sa

loob ng isang linggo. Ito ay naging isang malaking tulong sa pagunawa ng nobela. Marami akong natutunan sa buhay na hindi kayang higitan ng kahit anong magasin na aking mga nabasa. Nalaman ko na kailangan ko talagang magsikap upang makamit ang aking mga nais. Hindi dapat magmadali at kailangan ko magkaroon ng direksyon sa pagtupad nito. Mapapatunayan ko dito na ang madalas na sabihin ng iba na ―Love conquers all.‖.Totoo nga. Walang mayaman o mahirap sa pag-iibigan. Dapat ay tanggap mo kung sino ka o kung sino ang iyon minamahal. Ang pagmamahalang walang pag-iimbot. Mayroon din namang mga pagkakamali at hindi ayon. Masasabi ko na ngayon na walang perpektong pamilya at lahat ay nagkakasala. Dito ko naintindihan ang aking sitwasyon sa buhay. Natutuhan kong maging maluwag sa pagtanggap ng katotohanang iyon. Nalaman ko din na kailangan kong matutunan ang katotohanan na mahalin at irespeto ang aking mga magulang sa abot ng aking makakaya. Na hindi sila pagbubuhatan ng kamay at sasagutin. Maraming salamat po Ms. Salva dahil binigyan ninyo ako ng pagkakataon na basahin at unawain ang nobelang ito. Marami po talaga akong nalaman at mga kaisipang natanto mula sa nobela. Natutuhan kong unawaan ang aking kalagayan sa pamamagitan ng mga tauhan ng nobela. Mas lalo ko po naintindihan ang aking pamilya. Sana po ay mabigyan ninyo po

uli ang ibang mga bata na mabasa ang isang obrang ito. Iyon lamang ang iba sa mga marami kong nalaman at natutuhan sa nobelang ―Ang Tundo Man May Langit Din.‖ Kaya naman katulad ko, sa pahina ng nobela nakangiti kong isinara ang libro at ibinulong na ―hahanapin ko din ang langit ko.‖

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF