SURING AKLAT (Bata-Bata.. pa'no ka Ginawa?)
January 8, 2017 | Author: Darlene Dela Fuente | Category: N/A
Short Description
Download SURING AKLAT (Bata-Bata.. pa'no ka Ginawa?)...
Description
Bata, Bata… pa’no ka ginawa? Isinulat ni – Lualhati Torres Bautista I. Introduksyon Bilang panimula, ang may-akda ng nobelang ito na “Bata, Bata… pa’no ka ginawa?” ay walang iba kundi sa Lualhati Torres Bautista. Ito ay nagsasalaysay ukol sa isang pangyayari o suliranin na karaniwan ng nagaganap sa ating lipunan. Bilang isang mamamayang Pilipino, dapat ay maging responsable tayo sa ating mga magiging desisyon. Lalong-lalo na kung ang kalalabasan nito ay hindi natin maibigan. Bilang isang estudyante, matuto tayong sabihin at tanggapin ang katotohanan na kung minsan masakit aminin sa ating sarili at kung minsan ay nakabubuti para sa nakararami. A. Kakayahan ng may-akda na sumulat ng Akda Si Lualhati Torres Bautista ay ipinanganak sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945 ang kanyang mga magulang ay sina Esteban Bautista at Gloria Torres. Siya ay nagtapos mula sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958. Siya nman ay nag-aral sa Torres High School at nagtapos noong 1962. Siya ay isang journalist na mag-aaral sa Lyceum ng Pilipinas. Siya ay nagsilbi bilang bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines at upuan ng Kapisanan ng mga Manunulat ng Nobelang Popular. Siya ay naging isang manunulat para sa pambansang fiction ng Unibersidad ng Pilipinas ng Creative Writing Center noong 1986. Sa taon ding 1986, siya ay inimbitahan na lumahok sa US-International Visit Leadership Program (IVLP), multi-region proyekto sa American film. Ang mga sumunod na taon ay lumahok siya sa ASEAN writers isang pagpupulong na gaganapin sa Singapore. Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulatingpampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object (1985). Para sa pagsulat nang isang pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best story-best screenplay), Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at mga gantimapalang URIAN.
Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Women’s Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika. B. Iba pang Aklat na Isinulat ng May-akda Ang iba pang aklat na kanyang nailathala ay ang:
Gapo (1980), Dekada ‘70 (1983),
Bata, Bata… Pa’no Ka Ginawa (1984),
Sa mga Gabing Wala ang Diyos… Ipagdasal N’yo Kami! (1987),
Charity Ward (1991),
Sayaw sa Apoy (1991),
Ang Babae sa Basag na Salamin (1994),
Apartment 3-A Mariposa St. (1994),
Araw ng mga Puso (1994),
Isang Buong Laot at Kalahati ng Daigdig (1994),
Sila at ang Gabi (1994),
Hugot sa Sinapupunan (2004),
Ang Kabilang Panig ng Bakod (2005),
Desisyon (2005)
C. Batayan ng May-akda sa pagsulat ng Aklat Sa aking palagay, ang naging batayan ng may-akda na si Lualhati Bautista sa pagsulat ng aklat na ito ay ang isang sitwasyon na kung saan ang karamihan sa mga kababaihan ay nalalagay sa ganitong sitwasyon. At isa pang aking naging batayan sa pagsulat ng may-akda ay dahil base sa kwento ang suliraning ganito ay kadalasan ng nakikita o naging suliranin sa ating lipunan.
II. Buod ng Aklat A. Tauhan Lea – Hindi man niya masasabi na siya ay isang masamang tao, ni hindi man niya masasabi na siya ay mabait, masasabi lang niya na siya ay nagpapakatotoo sa sarili at sa kanyang mga anak. Naniniwala siya na hindi dapat itago ang katotohanan kahit na masakit ito dahil ang katotohanan ay di dapat ikahiya. May dalawa siyang asawa, sina Raffy at si Ding at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng tig-iisang anak, sina Ojie at Maya. Siya ay kasapi ng isang organisasyon ukol sa human organization. Raffy – Siya ang unang asawa ni Lea at nagbunga ang kanilang pagmamahalan na si Ojie ngunit dahil sa nakaramdam siyang may lalaki si Lea ay ito ang naging hudyat kung bakit sila nagkahiwalay. Sa pagdaan ng panhon ay nagkita ulit sila ni Lea ngunit siya ay my ibang asawa na si Elinor at buntis ito. Ding – Siya naman ang pangalawang asawa ni Lea, bagamat hindi sila kasal ni Lea ay hindi ito nagging hadlang upang magbunga ang kanilang pagmamahalan na si Maya. Ngunit dahil sa mga suliranin na dumadaan sa buhay nila ay lumamig na si Ding kay Lea. Dahil dito, hindi nagtagal ay nagpakasal si Ding sa ibang babae. Ojie – Siya ang panganay na anak ni Lea kay Raffy. Si Ojie ay nasa edad sa transisyon sa pagkabata patungo sa pagiging lalaki. Hindi na siya bata pero hindi pa siya matanda rin. Nagtataglay pa rin ni Ojie ang walang muang na isip ng isang inosenteng bata.Marami pa siyang hindi naiintindihan sa mundong kinagagalawan niya lalong lalo na sa estado ng kanyang nanay at tatay. Maya – Siya ang bunsong anak ni Lea kay Ding. Matalino si Maya at mayroon talaga siyang mga pangangatuwiran sa anumang sitwasyon. Hindi man niya abot pa ang mga sitwasyon ng mga nakakatanda sa kanya, pinipilit niya itong iniitindi. Mahal na mahal niya ang tatay niya at nag-aalala siya kung may masasabi si Lea tungkol sa kanyang tatay na masyadong masama sa kanyang paningin.
B. Buod Katatapos pa lang ni Maya ng kinder ng malaman ni Lea na dumating na pala si Raffy, ang kanyang dating asawa. Nakipagkita si Lea sa kanya, sa pag-asa na baka
manunumbalik pa ang kanilang dating relasyon. Pero sa kabiguan ni Lea, makikipagkita lang si Raffy sa kanyang anak na si Ojie at nalaman rin niya na may bagong asawa na ito. Isa sa mga pinagusapan din nila ang mungkahi ni Raffy na dalhin na lang ang anak sa States kasama niya. Ipinagtapat ni Raffy iyon sa anak ng nagbakasyon si Ojie sa kanya. Nagpasiya rin si Lea na pabayaan na lang ang anak na magdesisyon para sa kanyang sarili kahit na mabigat sa loob niya dahil si Ojie ang mayhawak sa buhay niya. Nagkaroon ng PTA miting noon dumalo si Lea. Nagkaroon ng malaking pagtatalo doon ng inisulto si Lea ng isang lalaki. Napunta sa miting ng isang pagaalitan ng guro nilang Ojie at Maya tungkol sa apelyido ni Lea. Nalaman ito ni Ojie at halata na rin na naapektuhan siya nito. Hindi na siya pumapasok sa paaralan. Isang araw, nakita ni Lea si Ojie sa bilyaran. Pinauwi niya ito at naglabasan sila ng loob sa isa’t isa. Umiyak si Lea at sa matinding galit niya, nasampal niya si Ojie. Unti-unting nahulog ang loob ni Lea sa kaibigan niyang si Johnny. Nang makakita siya ng pagkakataon na pumunta sa Bagiuo at mapag-isa kasama si Johnny,ibinigay niya kaagad ang mga bata sa pagaalaga ni Raffy. Pero hindi sumipot si Johnny sa halip ay nagpapalit ito kay Sister Ann upang may makasama si Lea papuntang Baguio. Lumipas ang isang lingo ay umuwi na si Lea ngunit hindi niya agad nkuha ang kanyang mga anak dahlia sa labis na pagod at gabi na. Isang umaga ay nabalaitaan na lamang niya na naaksidente ang dalawang bata sa kanilang bisikleta at dinala sa ospital. Binintangan ng dalawang ama si Lea dahil sa nangyari. Sinasabi nila na wala nang panahon si Lea para sa anak niya dahil palahi na lang siyang nasa trabaho. Galit na galit si Lea, dahil dito iniwan niya ang dalawang ama para magalaga sa kanilang mga anak. Umuwi na rin ang mga bata sa bahay. Lumipas ang Pasko at Bagong Taon na hindi kapiling si Ding. Umuwi si Ding kay Lea na dala-dala ang balitang kasal na pala siya sa iba niyang nabuntis. Sana lang bago siya umalis madadala niya si Maya. Kagaya ni Ojie, ibinigay ni Lea kay Maya ang pagpasya. Sa wakas, umiral pa rin ang pagmahal ng dalawa sa kanilang nanay, sa halip ng pagkasabik sa tatay. Nagpasya ang dalawa na manatili kapiling si Lea. Bago umalis si Raffy, humingi siya ng isang gabi para manumbalik sa dating tamis ng kanilang pagmamahalan. Nagtatapos ang kuwento sa pag graduate ni Ojie. Nagbigay ng isang inspirasyonal na talumpati si Lea, dala ang kanyang inosenteng tanong; “Bata, Bata… pa’no ka ginawa?”
C. Paksa ng Aklat Ang aklat na ito ay tumatalakay sa isang suliranin na pam-pamilya. Ito rin ay naglalahad na kung saan ang isang ina/babae ay nagkaroon ng dalawang anak sa magkaibang lalaki. Ang aklat na ito ay nagsasalaysay tungkol sa mga nangyayari noong panahon ni Pangulong Ferdinand E. Marcos mula sa pagkakapatay kay Benigno S. Aquino hanggang sa maglunsad ng “Martial Law”. D. Layunin ng Aklat Para sa akin ang layunin ng aklat na ito ay mamulat tayong mga Pilipino tungkol sa mga nangyayari sa ating paligid at lipunan. Nais mapukaw ng may-akda na mula pa ng nagdaang panahon hanggang ngayon ay mayroon pa ring mga Pilipino na naaapi at nangaapi. Ipinapahatid din nito na maraming sa ating mga Pilipino ang sumasali sa mga
rally na tinitiis na huwag kumain para lamang makamit ang ating kalayaan. Ipinapakita rin dito na ang isang ina ay dapat na ituring na isang totoong bayani dahil sa mga sakripisyo at pag-aalaga sa kanilang mga anak hanggang sa ito’y magtagumpay sa kanyang nais abutin. III. Pagtataya Bilang isang mambabasa, masasabi ko na iba itong nobela ito sa mga dati nang binasa ko. Simple lang ang pagkasulat nito at interesting ang kuwento. Nagandahan ako sa nobelang ito dahil tinatalakay dito ang mga makatotohanang pangyayari na lumilibot sa ating sambayanan ngayon. Ang mga karakter ay sumisimbolo ng mga makatotohanang tao at kahit paano makaka-relate tayo sa kanila. Hindi rin ipinagkait ng may-akda na may kahinaan ang mga karakter niya. Pagkatapos kong mabasa ang aklat na ito ay naisip ko na isinulat ito ng may-akda parailarawan ang isang kahinaan ng tao. Mamumulat ang mga mata ng mga mamababasa nito tungkol sa mga nangyayari sa kanilang paligid.
IV. Kongklusyon A. Nagustuhan mo ba ang aklat? Bakit? Para sa akin, naging kawili-wili ang magbasa ng isang aklat na gaya nito. Sapagkat, sa pagbasa mo ng isang kwento o nobela marami kang mapupulot na aral. Isang aral na kung saan mapupukaw ang iyong sarili tungkol sa kalagayan ng ating bansa. Ang aral na ito rin ay maghahatid sa atin sa nais nating marating o maabot sa darating na panahon. B. Karapat-dapat bang irokemenda ang aklat? Bakit? Sa aking palagay, ang aklat na ito ay karapat-dapat na irekomenda sa mga mambabasa. Dahil sa nobelang ito mamumulat ang mga mata ng mambabasa kung ano ang sitwasyon ngayon ng ating lipunan. Mapupukaw din nito ang damdamin ng mga mambabasa, dahil na rin sa aral na mapupulot mo rito. C. May natutunan ka ba sa aklat? Ilahad ang mga ito. Sa pagbasa ko ng nobelang ito, marami akong napulot na aral. Una na dito ay dapat moong pasalamatan at pahalagahan ang iyong ina dahil sa mga suliranin at pagsubok na nagawa niyang lampasan para lamang sa atin. Bilang kapalit nito, dapat
tayong magsikap sa pag-aaral nang sa gayon sa darating na panahon ay maipakita natin sa kanila na may narating tayo dahil sa kanilang pagtitiyaga at sakripisyo. At ang pangalawa ko namang natutunan ay matuto tayong sabihin ang katotohanan kahit na ito’y masakit para sa atin at sa ibang tao kaysa naman takpan mo ito ng iyong kasinungalingan. D. Paano mo mapapaunlad ang aklat? Bilang isang mag-aaral, mapapaunlad ko ang aklat na ito sa pamamagitan ng pag- rekomenda sa iba pang mambabasa na tangkilikin o basahin ang aklat na ito na nilathala ni Lualhati Bautista upang mamulat o mapukaw ang kanilang mga mata kung ano ang nangyayari sa ating lipunan sa kasalukuyan.
E. Masama ba o mabuti ang aklat? Ipaliwanag. Para sa akin, ang aklat na ito ay isang mabuting aklat. Dahil kahit na may mga salitang hindi kanis-nais na ginamit sa aklat na ito ay naging makabuluhan naman at naging maganda ang naging resulta ng aklat na ito. Sa kabila nito, marami pa rin ang tumatangkilik na mambabasa upang basahin ito. V. Aral Maraming mensahe o aral ang kaakibat ng nobelang ito. Una na dito ay hindi dapat natin ikahiya o itago ang katotohanan dahil mas masama kung itago mo katotohanan at tatakpan mo ito ng kasinungalingan. Dapat marunong tayong panindigan ang katotohanan dahil tayo na rin ang gumagawa niyan. Isa pa sa mga mensahe nito ay dapat nating pahalagahan ang ating mga ama at ina at ang ibang pang tao na nagalaga at nagmahal sa atin. Matinding sakripisyo ang ginagawa nila lalong lalo na ang mga ina dahil mahal nila ang mga anak nila at gusto lang nila ang magandang kinabukasan para sa kanilang mga anak. Isa sa mga dahilan kung bakit sila nandito sa mundo ay para magalaga at humubog sa pag-asa ng kinabukasan. Dapat lang na ibalik ng mga anak sa kanilang mga magulang ang pagaalaga na ginawa nila.
View more...
Comments