Street Foods

March 25, 2017 | Author: April Rose Airoso | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Street Foods...

Description

University of the Philippines Ermita, Manila

Ang Pagkaing Kalye: Bahagi ng Kulturang Pilipino ni April Rose J. Airoso 1st Yr / B.S. Public Health

Isinumite kay Prop. Amante del Mundo bilang pagpapatupad sa

Komunikasyon II Departamento ng Sining at Komunikasyon Kolehiyo ng Agham at Sining, U.P. Manila Ikalawang Semestre T.P. 2006 – 2007

2

Konseptong Papel

Masasabing isang phenomenon ang mga pagkain kalye. Saang sulok man ng bansa - sa siyudad man o probinsya, napakaraming tao – mayaman, may kaya at salat sa pera – ang nabubuhay, ginagawang hanapbuhay at tumatangkilik sa mga ito. Dito sa Pilipinas, hindi lamang ito maituturing na isang “uso” datapwat ito ay naging bahagi na ng kultura at ng pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino. Bagamat nakabubusog, ang karamihan sa mga pagkaing ito kung hindi malinis at mapangalaga sa kalusugan ay may dalang panganib sa kalusugan ng sinumang kakain nito. Sa loob ng mahabang panahon, napakarami nang mga pag-aaral ang nagawa ukol sa mga peligro sa kalusugan na dulot nito at makailang ulit nang binalaan ng mga eksperto ang mga tao ukol sa mga sakit na maaaring makuha rito – ngunit hanggang sa ngayon, patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga tao at tuloy-tuloy pa rin ang paglago ng industriya ng pagtitinda nito. Sa ganitong kadahilanan, mahalagang malaman at masuri ang mga epekto ng pagtangkilik ng mga Pilipino sa mga pagkaing ito na talaga namang nanapakahalaga bilang bahagi ng kabuhayang Pilipino. Layunin Pangkalahatang Layunin Alamin, talakayin at suriin ang mga sanhi at bunga ng pagtangkilik ng Pilipino sa mga pagkaing kalye.

3

Tiyak na Layunin 1. Ibigay ang kahulugan at saklaw na pagkain ng mga “pagkaing kalye” at magbigay ng halimbawa ng ilan sa mga pagkaing ito na kinagigiliwan ng mga Pilipino. 2. Ilarawan ang paraan ng paghahanda, presentasyon, at lugar kung saan ito pangkaraniwang makikita o mabibili at ang mga taong tumatangkilik rito. 3. Tukuyin ang mga sanhi at bunga ng pagtangkilik ng mga pagkaing ito sa kalusugan, kabuhayan o ekonomiya, at kultura ng bansa. 4. Makapagmungkahi ng paraan upang mapanatiling sa kulturang Pilipino at mapalago ang mga pagkaing kalye upang mas maging angkop na kainin ng mga tumatangkilik nito. Metodolohiya Maaring kumuha ng ilang datos mula sa mga artikulo sa dyaryo at journal sa mga aklatan, ilang artikulo at pahina sa internet, at abstrakto ng mga tesis ukol sa pagkaing kalye at epekto nito sa kultura, kalusugan at ekonomiya ng isang bansa. Sa ganitong paraan, maaring gamitin ang paraang hemenyutika sa pagsusuri ng mga datos at makahalaw ng ilang eksplanasyon mula sa mga ito. Inaasahang Output Isang 20 – 35 pahinang papel ang inaasahang mabubuo mula sa mga datos ng pananaliksik. Bahagi ng papel na ito ang bibliograpi.

4

Balangkas

Paksang Diwa: Ang mga pagkain kalye ay isang nang bahagi ng kulturang Pilipino at pamumuhay ng mga Pilipino, at di ito maikakaila. May masama man itong dulot, may buti rin naman itong hatid - kaya’t ating ating itaguyod ang isang tunay na markang Pinoy.

I. Ang pagkaing kalye ay isang grupo ng mga pagkaing popular sa Pilipinas. A. Ito ay anumang pagkain o inumin na ipinagbibili o hinahanda sa mga pampublikong lugar lalo na sa mga lansangan. B. Maraming mga sikat at popular na pagkaing kalye sa Pilipinas. C. Sa halos lahat ng mga bayan at lungsod, mayroong mabibilhang mga tindahan ng pagkaing kalye. D. Napakaraming Pilipino – iba’t iba man ang edad, kasarian o trabaho – ang naiinganyong bumili ng mga pagkaing ito. II. Maaaring masabi na may tatlong dahilan ng pagtangkilik ng mga tao sa mga pagkaing kalye. A. Ang masarap at kaiga-igayang ang lasa ng mga pagkaing ito. B. Ang pagkaing kalye ay isang paraan upang maipakita ang pagbabago sa pananaw ng mga Pilipino. C. Ang pangunahing dahilan ng pagtangkilik ng maraming Pilipino sa mga pagkaing kalye ay ang mababa at abot-kayang presyo nito.

5

III. Bagamat nakabubusog, mayroong ilang peligrong pangkalusugan ang hatid ng mga pagkaing kalye. A. Ilang mga sakit ang maaaring makuha sa pagkain ng mga pagkaing kalye na ang pangunahing sanhi ay ang hindi maayos na pagkakahanda at pagkakaluto ng mga ito. B. Alam ng mga nagtitinda at ng mga mamimili na maaaring magdulot ng sakit ang mga pagkaing kalye ngunit hindi pa rin sapat ang kanilang kaalaman ukol rito. C. Ilang ahensya ng pamahalaan at mga pribado at internasyonal na kagawaran ang nagbibigay pansin sa mga bunga ng pagkunsumo ng mga pagkaing kalye. 1. Nakapaglungsad ng ilang mga proyekto, hakbangin at kampanya ang Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas sa tulong ng iba pang mga ahensya at departamento sa Pilipinas upang mapalawak ang kaalaman ng mga tao ukol sa mga pagkaing kalye. 2. Nagkakaroon ng ilan pang pag-aaral at pagsasaliksik ukol sa mga mikrobiyong nakukuha sa mga pagkaing kalye at sa mabisang paraan ng paghahanda ng mga pagkain upang maiwasan ang mga suliraning ito. 3. Napag-alaman na ilang simpleng hakbang ang kailangang gawin upang makatiyak sa kaligtasan ng mga pagkaing ipagbibili at kakainin.

6

IV. Ang mga pagkaing kalye ay may mabubuting dulot din. A. Ang mga pagkaing kalye, sa maliit na paraan, ay nakakatulong tumugon sa kakulangan ng pagkain. B. Nakakatulong rin ito sa ekonomiya ng Pilipinas bagamat ito ay bahagi ng impormal na sektor ng ekonomiya. C. Sapagkat may kadalasan ding itinitinda ang mga tradisyonal na pagkain o kakanin ng Pilipinas, nakakatulong sa pagtataguyod ng tradisyon at kulturan ang pagtitinda ng pagkaing kalye. D. Ipinagkakasundo ng mga pagkaing kalye ang paghihiwa-hiwalay ng mga tao sa lipunan at pinagbubuklod nito ang mga Pilipino. Konklusyon at Rekomendasyon: A. Higit na kinakailangan ang pakikialam ng mga konsyumer at mamimimili ukol sa mga isyu kinahaharap ng mga pagkain kalye. B. Ang pakikisangkot ng ilang pribado at pampublikong mga institusyon ay makakatulong sa mas maigting pagpapabuti ng mga pagkain kalye. C. Ang pagtatatag ng maliliit na organisasyon sa iba’t-ibang lugar ng mga nagtitinda ng pagkaing kalye ay makakatulong upang mas mapagtagumpayan ang pangangalakal ng mga pagkaing kalye. D. Ang mga pagkaing kalye ay makakatulong sa turismo ng Pilipinas sapagkat naipapakita nito ang kakaibang kultura ng Pilipino sa larangan ng pagkain.

7

Pagkaing Kalye: Bahagi ng Kulturang Pilipino

Ang mga pagkaing kalye ay isang malaking penomenon sa buong mundo. May mga hinala na ito ay nag-umpisa noong mga panahong wala pang mga permanenteng pamilihan at kinakailangan ng mga nagtitinda na magpalilipat-lipat ng lugar at maglako. Datapwat sa paglitaw ng mga sentral at permanenteng lugar ng kalakalan, ang mga pagkaing kalye ay naging isang natatanging kategorya – naging isang kultura sa sarili nitong pamamaraan. Kaya naman ang mga pagkaing kalye sa iba’t ibang lugar ay naging paraan na ng pagpapahayag ng katangian, ng pagpapakita ng kultural at heograpikal na pinagmulan ng naninirahan rito. Ang mga pagkaing kalye ay maaari ring isang testamento ng mga lagalag na ninuno ng mga tao – ang mga tao ay likas na manlalakbay, at ang mga pagkain sa kalye ay nagbibigay ng isang abot-kayang uri ng pagkukunang sustansya kahit saan man mapadpad. Ngunit kadalasan ang mga paglago ng industriya ng pagkaing ito ay isang tanda ng di mapagkakamalang kahinaan ng ekonomiya – isang pahiwatig na parami ng parami ang umaasa sa mga di gaanong masustansiyang pagkain sapagkat ito lamang ang kanilang makakayanang bilhin. Sa Pilipinas, ang mga pagkaing ito ay isang lifestyle. Para sa mga Pilipino, ang mga pagkain sa kalye ay kadalasang isang paraan ng pang-aaliw sa sarili. Sapagkat maraming Pilipino ang nabubuhay sa mga pagkaing kalye.1

1

[Kai], “LP III: Pinoy Street Food”, http://bucaio.blogspot.com/2005_10_01_archive.html.

Bucaio,

October

07,

2005,

Blogger,

8

Mula sa mga musmos hanggang sa mga matatanda; mayaman man, middle class o salat sa pera, purong Pilipino, dayuhan, o naturalisadong Pilipino – sino nga ba naman ang hindi nakakakilala sa mga pagkain kalye? Ang katagang “pagkaing kalye” ay tumutukoy sa isang malawak na pagpipilian ng mga madadaling kaining pagkain at inumin na inihahanda sa mga pampublikong lunan, partikular sa mga lansangan. Ito ang depenisyon ng pagkaing kalye na napagkasunduan sa naganap na FAO Regional Workshop on Street Foods in Asia na ginawa sa Jagjakarta, Indonesia noong 1986 pa.

2

Ang mga pagkaing ito ay isang

malawak na serye ng pagkain magmula sa isang simpleng merienda hanggang sa isang kumpletong pagkain, mula sa isang lantay na pagkain hanggang sa mga mahihirap ihanda.3 Ang mga pagkaing kalye ay talagang parte na ng kulturang Pilipino. Tulad ng ibang bansang Asyano, ito ay paraan na ng pamumuhay.4 Malawak ang pagkakaiba-iba ng mga pagkaing kalye na popular sa Pilipinas.5 Bagamat karamihan sa mga pagkaing kalye ay rehiyonal, marami ang hindi, pagkat lumaganap na maging sa labas ng mga rehiyong pinagmulan. Karamihan sa mga pagkaing lansangan ay parehong pika-pika at fast food.6 Ang pagiging malikhain ng mga Pilipino ang nagbigay-buhay at ngalan sa mga pagkaing kalye. Ang ilan sa mga pinakapamilyar ay ang mga sumusunod:  Adidas

2

F.G. Winarno and A. Allain, “Street Foods in Developing Countries: Lessons from Asia”, FAO Corporate Document Repository, n.d., FAO - WHO, http://www.fao.org/docrep/U3550t/u3550t08.htm#TopOfPage. 3 “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4. 4 Grace Uddin, “Pedestrian Delights”, Bulatlat (Davao Today.com) 5, no. 45, (18-25 Dec. 2007), Alipato Pub Quezon City Philippines, http://www.bulatlat.com/news/5-45-delights.htm. 5 “Street Food”, Wikipedia: the Free Encyclopedia, Janaury 17, 2007,Wiki.org, http://en.wikipedia.org/wiki/street_food. 6 Ibid.

9

Ang inihaw na paa ng manok mas kilala sa tawag na adidas. Ito masarap pampulutan o pang-ulam sa mainit na kanin.  Balat ng Manok Ito ay ginagawang chicharon at masarap ng pampulutan sa mga inuman sa mga inuman.  Balut at Penoy Ang balut ay tumutukoy sa itlog ng pato o manok na mayroon nang sisiw sa loob. May dalawang pamilyar na klase nito, ang 16 araw at 18 araw na itlog.

7

Ang penoy naman ay ang mas batang balut, o iyong wala pang

sisiw.8 Ayon sa mga matatanda, ito ay mainam na pampatibay ng tuhod.  Banana-Q at Kamote-Q Ito ang mga tawag sa saging na saba o kamote na nirorolyo sa asukal at pinipirito nang lubog sa mantika at kapag naluto ay tinutuhog ng barbecue stick (taliwas sa maaaring isipin na inihaw na saging o kamote).9  Betamax Ito ang tawag sa inihaw na dugo ng baboy na hugis parihaba. Tulad ng Adidas, ito ay pinampupulutan rin.  Cotton Candy Malambot, makulay at matamis, ito ang malabulak na kendi na tunay na kinagigiliwan ng mga bata at kinakain ng mga hindi na bata upang

7

Uddin, op. cit. “Street Food”, Wikipedia: the Free Encyclopedia, Janaury 17, 2007,Wiki.org, http://en.wikipedia.org/wiki/street_food. 9 Edilberto N. Alegre, “Fast Food and Mobile Stand-up Sit-down Food Stalls”, Mr. & Ms., 21 Oct. 1986, 70. 8

10

maligayahan naman.10 Ito ay mula sa asukal na may kulay na inilalagay sa espesyal na gawaan ng cotton candy. Kadalasan, ito ay nilalagyan ng gatas at isinusupot ng nagtitindang nakabisikleta kasama ang gawaan.  Dirty Ice Cream at Ice Milk Ang dirty ice cream ay, sa katotohana, sorbetes. Ang ice cream at ice milk ay napakasarap lalo na’t mararamdaman mong natutunaw ito sa iyong bibig. Tunay na ikagagalak ng mga tagatangkilik ang iba’t-iba nitong panlasa, may durian (laganap sa Davao), mangga, strawberry, tsokolate, keso, at marami pang iba.11  Fish balls Ang fishball ay mga maliliit na bola-bolang gawa sa harina at hinimay na isda. Ito ay kadalasang piniprito nang lubog sa mantika, at isinasawsaw sa suka o kaya’y sa sweet and sour na maaaaring maanghang o hindi.12 Sinasabing mas katakamtakam itong kainin kung mas masarap ang sawsawan.  Helmet Ito ang tawag sa inihaw na ulo at palong ng manok. Isinasawsaw rin ito sa sawsawan ng fishball upang higit na maging malasa at masarap.  Hotcake Ito ay tinapay na kadalasang ding tinatawag na pancake sapagkat iniluluto ito sa kalan at hindi sa over. Malinamnam at gustong-gusto ng mga bata, ito ay mabibili sa halagang P3 bawat isa, ngunit maaaring mabili ang dalawang piraso sa halagang P5. 10

Uddin, loc. cit. Ibid. 12 Ibid. 11

11

 Ice Scramble Ito ay pinaghalo-halong kinakaskas na yelo, pampalasa at evaporadang gatas na kadalasan ay nilalagyan ng tsokolate. Ito ay matamis ang malamig, at nakaiinganyong kainin lalo na kapag mainit.13  Isaw Ito ang tawag sa inihaw ng bituka ng manok na mabibili nang P3 bawat tuhog. Madalas na may kasama itong balunbalunan ng manok.  Kikiam Ang kikiam ay prinosesong manok, na niluluto nang lubog sa mantika at sinasawsaw sa suka o sweet and sour sauce. Tulad rin ng fish ball at squid ball, ito ay madalas tinutuhog sa barbecue stick at kinakain ng nakatayo.  Kwek- kwek o Tokneneng Ito ay nilagang itlog ng manok o itlog ng pugo na binalutan ng harina, pinirito ng lubog sa mantika at kadalasan ay isinasawsaw sa asin at suka. Ang tinatawag na tokneneng ay iyong yari sa itlog ng manok samantalang ang kwek-kwek ay ang yari sa itlog ng pugo ngunit madalas na rin itong napagpapalit.14 Ang tokneneng ay nagkakahalagang anim na piso lamang (sa Davao), ngunit ito ay tunay nang nakakabusog.15  Mais Nilaga man o inihaw, ito ay pangmatagalang paborito ng madla.16 13

[Kai], “LP III: Street Food in Daet”, Bucaio, October 24, 2005, Blogger, http://bucaio.blogspot.com/2005_10_01_archive.html. 14 “Street Food”, Wikipedia: the Free Encyclopedia, Janaury 17, 2007,Wiki.org, http://en.wikipedia.org/wiki/street_food. 15 Uddin, op. cit. 16 Ibid.

12

 Mani Nilaga, adobo, mixed nuts, kornik, kasuy – ilan lang ito sa mga kutkutin na talaga namang patok na patok sa panlasa ng mga Pilipino binibenta man ito sa kariton o nilalako sa mga bus. Masasabi na ngang ito ay isang panghabambuhay na paborito ng madlang Pilipno.17  Pal Ito ang tawag sa piniritong pakpak ng manok.18  Pampalamig Buko, orange, gulaman o sago - ito ay mga inuming tunay na makakapawi ng uhaw ng kahit sino.  Prutas Sinong nagsasabing hindi maaaring makamtam ang magandang kutis sa mababang halaga? Hindi imposibleng makakain ng sariwa at masustanya sa bitamina C na prutas sa mababang halaga – 5 piso hanggang 10 piso lamang – sapagkat ang mga prutas na binalatan, maging nakasupot lamang o nakatuhog, ay hindi mawawala sa mga abalang kalye at lugar malapit sa terminal o sakayan ng mga pampublikong sasakyan. Ang mga prutas na kadalasang itinitinda ay mga papaya, pinya, bayabas at mangga.19  Squid balls Ang squidball ay halos katulad ng fishballs, ngunit ito ay mas bilog at mas malaki. Batay nga sa pangalan nito, ito ay gawa sa hinimay na laman ng pusit na ihinalo sa arina tulad ng sa paggawa ng fishball. 17

Ibid. Alegre, op. cit., 71. 19 Uddin, loc.cit. 18

13

 Taho Ang taho ay bean curd, isang malambot na pagkain na parang tokwa, na gawa sa soya. Ang inilalakong taho sa kalye ay ang pinaghalong taho, arnibal – ang maitim na pampatamis na gawa sa tinunaw na asukal, at sago.  Turon Turon na ube, maruya, turon na saging, pinaypay, ginanggang. Ano mang luto ng saging o ube ang naisin mo, ito ay siguradong perpektong pang merienda. Kadalasan, ang turon ay tumutukoy sa piniritong saging na saba, na nakabalot sa wrapper ng lumpia at asukal.20  Waffle Sa halip na tinapay at palaman, may mga alternatibong waffle na itinitinda na mayroong iba’t-ibang palaman, ang pinakakaraniwan ay keso o hotdog.  Walkman Ito ang tawag sa tainga ng baboy na inihihaw sa kalye at kadalasang kasama ng isaw, adidas at betamax. Ito ay isa sa mga masasarap na pampulutan.21 Tunay nang napakaraming klase ng pagkaing kalye ang mabibili, ngunit higit pa sa dami ng pagkain itinitinda ang dami ng nagtitinda at mabibilhan ng mga pagkain ito.

20

Likha Cuevas, “Special Report: Food Safety: Food Condemned to Eat Unsafe Food.” The Manila Times (The Sunday Times), July 2, 2006, http://www.manilatimes.net/national/2006/july/02/yehey/top_stories/20060702top1.html. 21 Uddin, loc. cit.

14

Ang mga pagkaing kalye ay naglipana sa mga bansang papalago pa lamang, at sa pagiging napakakaraniwan nito, maging sa mauunlad na bayan at lungsod ay hindi na ito kapansin-pansin.22 Bagamat nahaharap sa higit na makapangyarihang mga kakompetensiya, tulad ng mga fast food, ang industriya ng pagkaing kalye ay nananatili pa ring matatag sa kabuhayan ng Pilipinas. Kasabay ng paglaki ng populasyon sa mga urbanong lugar, ang paglago ng industriyang ito. Mababa ang halaga o gastusin sa pagpapatakbo ng ganitong negosyo at hindi pangkaraniwan ang istratehiya nito sa pagpapatuloy at hindi paglalugi – ito ay nakadepende sa lokasyon at bukambibig ng mga parokyano. Kadalasan, personal o pampamilya ang pagmamay-ari ng mga negosyong ito ngunit sa kasalukuyan, may mga komersyal na nagtitinda na rin nito.23 Ang mga tindahang naikikilos ay matatagpuan sa mga matataong lugar, lalo na sa Maynila at sa mga kalapitlungsod at bayan nito. Matatagpuan ang mga nagtitinda nito malapit at sa paligid ng mga paaralan, pabrika, opisina, at mga sakayan.24 Ang mga pagkaing kalye ay mabibili mula sa mga nagtitinda sa tabi ng kalsada o kaya’y sa silong na madaling mapuntahan at malapit sa kalye25, kadalasang ibinibenta sa mga pwesto o estante na pansamantala at naililipat-lipat.26

22

“Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4. 23 Winarno and Allain, op. cit. 24 Bernadette Carreas, “DOH Issues Warning vs. Peddled Food”, Malaya, Oct. 31, 2000, 2. 25 Winarno and Allain, op. cit. 26 “Street Food”, Wikipedia: the Free Encyclopedia, Janaury 17, 2007,Wiki.org, http://en.wikipedia.org/wiki/street_food.

15

Ang pinakapamilyar na imahen ng pagtitinda ng pagkaing kalye ay iyon kung saan ang isang tindero ay nagtutulak ng kariton o estante na lalagyan ng kaniyang paninda. Subalit sa katotohanan, kaunti lamang ang ganito. 27 Kahit ang mga may kariton ay madalas na pumupwesto sa kanilang ‘teritoryo’ sa umaga at doon nananatili buong araw. Ang mga ganitong tindero ay naniniwalang meron silang karapatan na magbenta sa espasyong iyon, at makikipag-away sa sinumang manggulo sa kanila. Kapag sila ay nagretiro, ang iba ay ipinagbibili pa ang kanilang pwesto.28 Ang ibang tindero naman ay nananatili sa labas ng mga paaralan sa umaga at sa palengke naman pumupwesto tuwing gabi.29 Ang mga babaeng may buslo o bilao ng pagkain ay maaaring lumipat-lipat ng lugar o lumibot habang binabalanse ang buslo o bilao sa kanilang mga ulo; ang mga lalaki ay maaaring magbalanse sa kanilang mga balikat ng isang kawayang may sisidlan ng pagkain sa isang dulo at upuan naman sa kabila para sa kanilang mga parokyano. Kahit ang mga ganitong nagtitinda ay tumitigil din sa isang lugar bawat araw o kaya’y naglalakad sa isang parehong ruta araw-araw, pagkat nais din namang bumili ng mga tao sa kakilala na nila at pinagkakatiwalaan. 30 Ang mga nagtitinda ng pagkain ay kadalasang naglalagay ng masisilungan para sa kanilang tagatangkilik lalo tuwing umuulan.31 Habang naglalakad sa kalye, may mga makikita ring naglalatag sa sapin ng paninda; sa mga bangketa naman makikita ang mga estante ng pagkain na nakadikit sa pader ng mga gusali.

32

Sa lugar ng mga

27

“Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4 + 2. 28 Ibid. 29 Ibid. 30 Ibid. 31 Ibid. 32 Ibid.

16

eskwater, may makikita na mga talon na nakatakip sa mga lamesa’t upuan kung saan maaaring kumain ang mga manggagawa. Meron ding mga babaeng nagtitinda sa ilalim ng lilim ng mga puno. 33 Sa paglilibot sa ilang unibersidad, kolehiyo o paaralan, maaaninag din ang mga nagtitinda – ang iba ay lisensiyado, ang iba ay hindi – na nagsisilbi p/ara sa mga estudyante sa kanilang munting estante.34 May tatlong paraan nang pagkain ng mga pagkaing kalye. Ang una ay bilhin ang pagkaing kalye at kainin ito habang naglalakad – tulad ng pagkain sa mani, at bananacue. Ang ikalawa ay ang ‘carenderia-type’, kung saan ang isang tao ay kumakain nang gumagamit ng plato at mga kubyertos, kawangis ng pagkain sa isang restawran o cantina. At ang ikatlo paraan, ang mamimili ay kinakailangang huminto at tumayo sa tapat ng karitong binilhan – tulad ng sa pagkain ng fishball at iba pang ihaw-ihaw – sapagkat ang mga pagkain ay nangangailangan ng sawsawan.35 Makikitang ang mga pagkaing kalye, sa paraan kung papaano ito ipinagbibili, ay nagbibigay-kaginhawaan sa mga tagatangkilik nito. Ang pagiging madaling makuha at aksisible, manapa ang indibidwal na kita at antas ng kaaunlaran ng estado ang makapagdidikta ng balangkas ng pagkonsumo ng mga pagkaing kalye. 36 Para sa mga Pilipino – hindi lamang doon sa mga maituturing na nasa ibaba ng poverty line; ngunit maging sa mga nabubuhay at sumusweldo nang mababa, at sa kanilang mga binubuhay na pamilya, ang mga pagkaing kalye, kasama ang kanin, ay isa nang mayos na pagkain. Ang dalawang tuhog ng pagkaing kalye at isang tasang

33

Ibid. Ibid. 35 Alegre, op. cit. 70. 36 Winarno and Allain, op. cit. 34

17

kanin, ay higit pa sa sapat na itinuturing na kumpletong pagkain (tanghalian) ng ilang trabahador sa konstruksyon.37 Para sa may mabababang kita, mahalaga ang mga pagkaing kalye at merienda. Ang mga mangagawa, gayundin ang mga estudyante na wala pang kita ay kumakain ng pagkaing kalye para sa kanilang almusal. Ang ilang pag-aaral ukol sa nutrisyonal na pangangailangan ng pamilya ang nagpakitang mas maraming mahihirapan kung walang magtitinda ng mga pagkaing mura at madaling kainin.38 Ngunit dito sa Pilipinas, maging ang mga may sapat sa salapi ay naiinganyo ring bumili ng pagkaing kalye. Pangkaraniwan ring makikita ang mga kababaihan at kalalakihang nakauniporme mula sa isang establisadong kumpanya ang bumili ng mga pagkaing ito, gayundin ang mga bata.39 Dito rin sa Pilipinas, maging ang mga dayuhan ay tumitikim ng mga pagkaing kalye. Tila ba di kumpleto ang kanilang pagbisita sa Pilipinas kung hindi sila makakatikim at makakakain ng mga pagkaing kalye tulad ng taho, fish ball, kwekkwek, at lalong-lalo na ang balut. Ano man ang estado sa buhay, karamihan ng mga Pilipino ay tumatangkilik ng mga pagkaing kalye. Nasabi rin na ang mga balikbayan mula sa Amerika at Europa na nalayo sa ating bayan at sa mga lansangang naglalaman ng mga pagkaing ito, ay nakakaranas ng biglaang pananabik sa mga inihaw at fishball na kanilang kinagisnan noong kanilang kabataan oras na maaapak sila sa tarmac ng NAIA. Ang ilang may matataas na posisyon sa mga malalaking korporasyon ay nanabik rin sa ‘dirty ice

37

Cuevas, op. cit. Winarno and Allain, loc. cit. 39 Shianee Mamanglu, “Experts Warn Folk on Street Food”, Manila Bulletin, 11 December 1996, 32. 38

18

cream’ sa tuwing nakaririnig ng kalembang ng munting kampanillo ng mamang sorbetero.40 Ang pagbili ng mga pagkaing kalye ay hindi lamang ginagawa ng mahihirap na tahanan at hindi lamang ang mga mahihirap na bansa ang may mataas na konsumsyon ng pagkaing kalye.41 Maging sa mga bansang Hapon, Timog Korea at Britanya, walang diskriminasyon at pag-uuri kung ang pagkain ay binili sa kalye o binili sa restauran.42 Bakit napakapopular ng pagkaing kalye? Napakaraming nagtitinda ng pagkaing kalye saanman. Ayon sa mga Propesor ng Sosyolohiya na sina Josephine Aguilar ng UST at Jose Wendell Capili ng UP, ang mga pagkaing ito ay tinatangkilik ng mga tao sapagkat ito ay masarap, madaling makita at mura. 43 Ang mga pagkaing kalye ay popular dahil malinamnam ang mga ito – mula sa matamis, maasim, maanghang, maalat, maging mainit man o malamig – ano man ang ibigin ay may pagkaing kalyeng babagay sa panlasa ng tao.44 Napakapangkaraniwan na rin ng mga pagkaing kalye – kahit sino kailanman ay maaaring makabili ng mga pagkaing ito sa halos lahat ng kanto lalo na sa mga lungsod.45 Ang pagiging aksisible, manapa ang indibidwal na kita o antas ng kaunlaran ng estado ang nakapagdidikta ng balangkas ng pagkonsumo ng mga pagkaing ito. 46 40

Cuevas, op. cit. Ibid. 42 Christian Esguerra, “As Sweet as Anything Forbidden”, Philippine Daily Inquirer, 2 July 2000, 15. 43 Ibid. 44 Uddin, op. cit. 45 Dabet Castañeda, “Poor Man’s Diet: Of Noodles, Chicken Skin and Isaw”, Bulatlat IV, no. 39, (31 Oct. – 6 Nov. 2004), Alipato Pub Quezon City Philippines, http://www.bulatlat.com/news/4-39/ 4-39-diet.html. 46 Winarno and Allain, op. cit. 41

19

Isa pang dahilan ng pagiging popular ng pagkaing kalye ay ang pagtaliwas sa nakagawiang pag-uuri. Naniniwala si Capili na ang pagkain ay isang pagpapahayag ng sarili; dagdag pa niya, ang mga tao sa bagong milenyo ay mas ekspresibo. Hindi na nila nais malimitahan ng mga panlipunang presyur na ibinibibigay sa mga tumatangkilik ng pagkaing kalye. Dito lamang sa Pilipinas may ganitong dikriminasyon – ang mga bansang Hapon, Timog Korea at Gran Britanya ay walang ganitong pag-uuri.47 At ang huli at pinakapangunahing dahilan ng pagtangkilik sa mga pagkaing kalye: syempre, ang mababa at abot-kaya nitong presyo – sa halagang P3 hanggang P25 bawat araw, makakabili na ng pang-ulam na makakasasapat sa isang buong pamilya48 o isang tasang kanin at ulam para sa tanghalian49. Ayon kay Capili, mahalaga sa mga Pilipino ang bilang – at kung ang paguusapan ay pagkaing kalye, sa unting halaga ay marami nang mabibili at minsan ay may pasobra pa na bigay ng suking tindero/a.50 Alam na nang mga tao na ang mga pagkaing ito ay maaaring magdulot ng sakit. Ngunit, nananaig pa rin ang paniniwalang kapag naluto na ang pagkain, mamamatay na ang mga mikrobiyo. Ayon kay Aguilar, “Basta mainit at dumaan sa apoy Ok na iyon sa mga Pilipino”.51 Sa mga nakalipas na taon, patuloy na binabalaan ng mga kalihim ng kalusugan ang mga tao ukol sa kontaminasyon ng mga pagkaing kalye at mga bakterya na maaaring makuha ng mga tao rito.

47

Esguerra, op. cit. Gerald Lacuarta and Donna Pazzibugan, “What Can You Buy With P20? ‘Adobong Mani’,” Philippine Daily Inquirer, 13 Oct. 1999, 1. 49 Carreas, op. cit. 50 Esguerra, op. cit. 51 Ibid. 48

20

Ang Food and Nutrition Research Institute (FNRI) ng Department of Science and Technology (DOST) ay nagpahayag na ang halagang pang-nutrisyon ng ilang pagkaing di maayos ang pagkakahanda at itinitinda sa mga lansangan ay higit na mababa kumpara sa mga mapanganib nitong sangkap. Sa madaling sabi, ang pakikinabang ng bituka ang magiging sanhi ng paghina ng kalusugan. 52 Halimbawa ng mga panganib na dulot ng pagkaing kalye ay ang mikrobiyolohikal na pagsusuri ng mga pagkaing kalye na ginawa ng FNRI sa Tondo, Binondo, San Juan at Los Baños, Laguna ay nagpakita na ang ilang pagkain ay mataas sa mikrobiyo tulad ng coliform, lebadura at amag. Ang ilang pinipiritong pagkain ay nagtataglay din ng salmonella at e. coli microorganismo.53 Bukod pa diyan, mataas din sa kolesterol ang ilang pagkaing kalyeng pinirito.54 Isa pa sa mga panganib na makukuha mula sa mga pagkaing kalye ay ang aflatoxin na napag-alamang nagdudulot ng kanser sa atay at cirrhosis sa mga bata.

55

Bukod sa pag-aaral na binanggit, sinabi na rin ng

din ng FAO na ang ilang kanser sa atay ay dulot ng pagkaing kalyeng nabubugahan ng mga usok ng sasakyan.56 Ang mga siyentipiko at eksperto sa kalusugan ay nagsasabi rin na ang mga pagkaing inihanda sa hindi maayos na paraan at kondisyon ay nagdudulot ng mga bulate sa tiyan at mga sakit tulad ng diarrhea o pagtatae hanggang sa mas malalalang sakit tulad ng kolera, tipus at hepatitis A. Ang mga pagkaing ito ay maaari ring magdulot ng pagkalason, sakit na panghabambuhay, o kamatayan. Ang ilang pag-aaral ay nagpakita na rin na ang ilang pagkain ay nagsisilbing medium ng paghahawahan ng mga sakit. 57 52

Carreas, op. cit. Ibid. 54 Eddee R.H. Castro,”Street Foods, Good Foods: As Protein Source”, Manila Bulletin, 31 Oct. 2000, 2. 55 Carreas, loc. cit. 56 Ibid. 57 Cuevas, op. cit. 53

21

Sa kabuuan, ang panganib na dulot ng mga pagkaing kalye ay sanhi ng kakulangan sa pangunahing imprastraktura at serbisyo tulad ng malinis na tubig, kahirapan sa pangangasiwa ng malaking bahagi ng mga nagtitinda ng pagkaing kalye dahil sa kanilang pagkakaiba-iba, mobilidad at di permanenteng kalikasan, kakulangan sa kagamitan para sa pag-iinspeksyon at pagsusuri sa laboratoryo, pangkalahatang kakulangan sa kaalaman ukol sa mikrobiyolohikal ng kalagayan at epidemiyolohikal na importansya ng mga pagkaing kalye, kakulangan sa kaalaman ng mga nagtitinda ukol sa mga panuntunang pangkaligtasan, at higit sa lahat, ang kakulangan sa kaalaman at pagwawalang bahala sa mga panganib na dulot ng mga pagkaing kalye ng mga mamimili.58 Isang pagsasalik ang ginawa upang mabatid ang kaalaman, ekspiryensiya at opinion ng mga nagtitinda ng mga pagkaing kalye ukol sa batas na sumasailalim sa mga ito. Napag-alamang malaking porsyento ng mga nagtitinda ng mga pagkaing kalye ay ilegal at hindi sumusunod sa mga batas dala na rin ng hindi maayos na pagpapatupad ng mga batas ukol rito. Gayundin, ang kaalaman at ekspiryensiya ng mga nagtitinda ay taliwas sa kanilang opinyon ukol sa mga batas ng pagkaing kalye. Ito ay nagpapakita lamang ng pangangailangan ng mga espisipikong regulasyon na ipapatupad bilang tugon sa edukasyong kinakailangan ng mga nagtitinda upang masiguro ang paglago ng industriya ng pagkaing kalye at pagiging ligtas ng mga pagkaing ititinda. 59 Anu-ano ang mga naging tugon sa ganitong suliranin? Simula noong 1989, ang Food and Agriculture Organization (FAO) ng World Health Organization (WHO) ay 58

“Essential Safety Requirements for Street Vended Foods”, Eldis (1996), World Health Organization Department of Food Safety, http://www.eldis.org/static/DOC12145. 59 Minerva Jane G. Del Rosario, “Knowledge and Options on Streetfood Vending Policies and Regulations of Vendors in Metro Manila”, Journal of PAHESCU (2005): 40.

22

nagumpisang umaksyon upang mapagbuti ang kalagayan ng sektor ng pagkain kalye, katuwang ang ilan pang asembleya ng United Nations (UN). Naniniwala sila na ang problema ay masosolusyunan at ang mga benepisyong makukuha mula sa mga pagkaing kalye ay masusulit kung mahihikayat ang mga municipal na pamahalaan na makipag-ugnayan sa mga nagtitinda ng pagkaing kalye upang mapabuti ang sistema ng pagkaing kalye na may magandang kalidad at ligtas na pagkaing ibebenta, maayos na sistema ng pagtatapon ng basura, ligtas na suplay ng tubig, at mas kaunting epekto sa trapiko.60 Ang organisasyon ay nakatuon sa pagbabago ng mga coda ng sanitasyon upang makaagapay sa takbo ng panahon gayundin ang iba pang mga rekomendasyon hinggil sa kaligtasan ng pagkain sa pamamagitan ng pagtuturo at pagsasanay ng mga tao kung paano ang mga ito isasagawa. Umaaksyon din ang organisasyon upang maisaayos ang mga nagtitinda nang sa gayon ay mabigyan sila ng pagkakataong makapagsanay, mabigyan ng paraan upang makapangutang, at mapabuti ang kanilang ugnayan sa pamahalaan. Ang mga konsyumer ay tinuturuan din hinggil sa nutrisyon.61 Ang World Food Summit ay nagsabing sa loob ng 10 hanggang 20 taon, ang distribusyon ng pagkain sa mga urbanong lugar ay tataasan ng kumulang-kulang na tatlong porsyento bawat taon. Sa gayon, ang mga pagkaing kalye ay magkakaroon ng pagkakataong lumago (na tinatayang halos kalahati sa taong 2015).62 60

“FAO Maps Out Future Activities in Nutrition and Hygiene: Street Food: Small Entrepreneurs, Big Business”, Food and Agriculture Organization of the United Nations (21 April 1997), http://www.fao.org/news/1997/970408-e.htm. 61 Ibid. 62* Nakapaloob sa Kabanata III ng Koda ng Sanitasyon sa Pilipinas ang mga alituntuning kailangang punan ng mga establisyamento ng pagkain. Ang Seksyon 32.e ng batas ay nakatuon sa pagtitinda ng pagkaing kalye. Ayon sa batas: (1) Ang mga maaari lamang itinda ay ang mga deboteng inumin, biskuwit, at matatamis; at (2) Ipinagbabawal ang pagtitinda ng mga pagkaing nangangailangan ng paggamit ng mga kubyertos. Ibid.

23

Ang Pamahalaan ng Pilipinas ay sinusubukang magpakita ng wangis na kapangyarihan ukol sa mga isyu ng pampublikong kalusugan tulad ng mga kinahaharap ng pagkaing kalye sa pamamagitan ng paglalabas ng mga regulasyon gaya ng Presidential Decree 856 o Koda ng Sanitasyon sa Pilipinas 1 at Consumer Act of 1992. 63 Ang mga ahensya tulad ng DOH, DTI, at DOA ay may sari-sariling seksyon na tumatalakay sa kaligtasan ng pagkain ng mga Pilipino. Ang mga yunit ng local na pamahalaan ang responsible sa pagbibigay ng mga sanitary permit at mga business permit sa mga nagtitinda sa palengke, establisyamento ng pagkain at maging sa mga nagtitinda ng mga pagkain kalye. Ang kanilang tungkulin ay ipatupad ang batas sa sanitasyon at ang iba pang sukatan ng pagiging malinis at ligtas ng mga pagkain na gawa ng lehislasyon sa Pilipinas. 64 Sa lahat ng mga ahensya ng pamahalaan, ang FNRI ng DOST ang pinaka abala sa paggawa ng mga aktibidad at pagsasanay para sa mga nagtitinda ng mga pagkaing kalye at pagpapaalala sa mga mamimili ng pagkaing kalye. Ang FNRI ay nagbababala sa mga mamimili ukol sa panganib sa kalusugan na dulot ng di maayos na preparasyon at distribusyon ng mga pagkaing kalye. Inumpisahan din ng FNRI ang produksyon ng ligtas, masusustansya at abotkayang pagkain ng mga mahihirap (fishball, squidball, hot cake mix na gawa sa kalabasa, kikiam na gawa sa isda na hinaluan ng manipis na hiwa ng nata de coco) na mayaman sa protina, calcium, niacin, iron, bitamina A at iba pang sustansya. 65

63

Cuevas, op. cit. Ibid. 65 Carreas, op. cit. 64

24

Hinihimok ng FNRI ang gobyerno upang pataasin ang antas ng pananaliksik ukol sa mga pagkaing kalye, turuan ang mga nagtitinda at mamimili, at isaayos ang mga nagtitinda upang maging higit na mainam ang pamamahala at pagsubaybay sa kanila. Ang mga panukalang ito ng FNRI sa gobyerno ay naglalayong makatulong sa paglutas ng problema sa polusyon, paglilinis ng mga bangketa dulot ng maraming nagtitinda, at maging sa pang-aabuso ng pulis sa mga nagtitinda.66 Naglungsad din ang FNRI ng mga pagsasanay para sa mga nagtitinda sa kalye ukol sa tamang pangangasiwa ng mga pagkaing kalye upang maiwasan ang pagdumi at hindi maayos na pagkakaluto na maaaring magdulot ng panganib sa kalusugan ng kakain.67 Ayon sa layunin ng programang ito, ang mga makakatapos sa ng maikling kurso ang magbabahagi ng kanilang kaalaman sa kanilang mga kapwa tindero/a. 68 Gayumpaman, nakikipagtulungan din ang FNRI sa mga lokal na yunit ng pamahalaan upang maipagpatuloy ang pagsasanay sa mga nagtitingda ng pagkaing kalye upang higit na mapagbuti ang pangkalahatang kalidad ng suplay ng mga pagkaing kalye.69 Sa kabila ng mga ginagawang pagkilos ng FNRI, makikitang kulang pa rin ang gingagawang hakbang ng pamahalaan upang mapag-igi ang kalagayan ng pagkaing kalye sa kabuhayan ng mga Pilipino. Ayon kay Dr. Concepcion Lizada ng UP College of Home Economics – Food Science and Nutrition, ang kapangyarihan na magbigay ng permit sa mga negosyante ay nasa kamay ng munisipal at pamahalaang panglungsod. Ngunit ang mga ito ay walang sapat na pondo, pisikal na yaman, kakayahan at kapabilidad upang ituon ang kanilang atensyon sa usapin ng kaligtasan ng pagkain. Ang karamihan sa mga yunit 66

Carreas, op. cit. Castro, op. cit. 68 Cheloy V. Garafil, “Street Food Vendor to Train on Sanitation”, Malaya, 5 Jul. 2000, 2. 69 Castro, loc. cit. 67

25

ng lokal na pamahalaan ay hindi ginagawa at hindi kayang gampanan ang kanilang tungkulin na siguraduhing ligtas ang pagkain ng mga mamamayan.70 Ang mga mananaliksik ay patuloy pa ring nagrerekomendang pagigihin ang pagpapatulad ng Koda ng Sanitasyon sa mga nagtitinda at mahigpit na iubliga ang mga ito na lutuing mabuti ang pagkain, maghanda ng malinis na lagayan ng mga itinitindang pagkain, magkaroon ng mga pantakip ng pagkain, at maglaan ng malinis na tubig na panghugas ng mga kagamitan sa pagtitinda. Ipinapaalala rin nila ang importansya ng promosyon ng tamang pagpili ng pagkaing kalye sa pamamagitan ng edukasyon ng mamimili na dapat ay asikasuhin din ng pamahalaan at ilang mga pribadong sektor.71 Ayon sa kanila, dapat magkaroon ng mga batas at ordinansa ukol sa kalinisan ng mga karinderya, estante ng pagkaing kalye, kariton at iba pang ambulatoryong pamamaraan ng pagtitinda ng pagkain. Dapat nasa maayos na kalusugan ng mga tagaluto at iba pang taong naghahanda o nagtitinda ng pagkain upang maiwasang makahawa ng sakit sa mga mamimili. Upang maiwasan ang sakit na dulot ng pagkain ng hindi maayos ang pagkakahandang pagkain, bawat hakbang sa distribusyon ng pagkain ay dapat na mabantayan. Bagamat may mga batas, regulasyon at unting ordinansa na nakadokumento, ang mga ito ay hindi sapat – dapat ipatupad ang mga ito.72 Ang pagkaing kalye ay may malaking pangangailangan sa mga lokal at di-lokal na produktong pang-agrikultura. Maraming ugnayang nakita ang EPOC sa pagitan ng mga magsasaka at nagtitinda. Sa gayon, makakabuting pagtuunan din ng mga 70

Cuevas, op. cit. Castro, loc. cit. 72 Cuevas, loc. cit. 71

26

tagapayong pang-agrikultura ang lumalaking pangangailangan ng industriyang ito sa pagpaplano nila ng mga itatanim partikular sa mauling rehiyon. Makakatulong rin kung magkakaroon ng kamalayan ang mga tagaplano ng industriyang rural na ang karamihan sa mga tradisyonal na pagkain ay gawa ng mga kababaihan sa probinsya. Kung maisasaayos ang sistema ng pamilihan, maaaring lumaki ang kita ng mga babae at makasisiguro namang maayos ang mga produktong maibebenta sa mga lungsod.73 Sa kabuuan, ang mga estratihiya para sa pagpapabuti ng mga pagkain kalye ay dapat nakabase sa pag-aaral ng lokal na sistema ng pagpapalakad ng pagkain kalye. Sa isang maikling lagom, ito ang mga estratihiyang dapat pagtuunan ng pansin: (1) Mga polisiya, regulasyon, rehistrasyon at lisensya para sa mga nagtitinda ng mga pagkaing kalye; (2) imprastraktura, serbisyo, disenyo at konstruksyon ng mga yunit; (3) pagsasanay ng mga nagtitinda; at (4) edukasyon ng mga mamimili.74 Sa kabila ng mga natalakay na suliraning pangkalusugang maaaring maidulot ng pagtangkilik sa mga pagkaing kalye, mga hakbang at pagkukulang ng pamahalaan upang tugunan ang suliraning ito, marami rin namang mabubuting dulot ang mga pagkaing kalye. Sa kabuuan, ang mga pagkaing ito ay maituturing na “pantawid gutom” o “pantawid uhaw”. Ang mga ito ay hindi kasimbigat ng ibang ulam sa tiyan, ngunit ito ay nakakapawi ng gutom. 75 Ang mga pagkaing kalye ay importanteng pinagkukunan ng pagkain ng mga mahihirap sa mga lungsod. Halos 20% ng pera ng mahihirap ay ginagastos sa mga pagkaing kalye. Ito rin ay nagiging pangunahing pagkain rin ng 73

“Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 4. 74 “Essential Safety Requirements for Street Vended Foods”, Eldis (1996), World Health Organization Department of Food Safety, http://www.eldis.org/static/DOC12145. 75 Alegre, op. cit., 71.

27

mga estudyanteng nagtitipid ng pera.76 Bukod pa rito, lahat ng sahog ng mga pagkain na ito ay hindi kasing mahal ng ibang pagkain kaya’t ang dikta sa pagpapanatili ng buhay sa isang bansang ‘third world’ ay napupunan.77 Ang mga pagkaing kalyeng maayos na naihanda at naibenta ng malinis at nasa maayos na kondisyon ay mainam na pagkukunan ng mga sustansya lalo na ng mga mamimili may mabababang kita ayon sa pag-aaral ng DOST. Napag-alaman ng mga eksperto na ang mga pinirito at inihaw na pagkaing kalye ay nagtataglay ng protina, 78 dagdag pa na mayroon ding mga prutas na itinitinda sa lansangan na nagtataglay ng mga bitamina. 79 Makakakuha ng 19.1 gramong protina mula sa inihaw na dugo ng baka o baboy (betamax) at 32.9 gramong protina mula sa bituka ng manok (isaw) na katumbas ng 33 hanggang 55 porsyento ng Recommended Dietary Allowance (RDA) ng isang normal na Pilipino. Ang piniritong sisiw ay napag-alamang nagtataglay ng maraming calcium at phosporus. Ang isaw ay napag-alamang nagtataglay ng pinakamaraming riboflavin at niacin samantalang ang betamax ang may pinakamaraming iron, 47.6mg, na humigit sa halos apat na beses na pangangailangan ng malusog na lalaking Pinoy o dalawa-katlong bahagi ng pangangailangan ng iron ng isang malusog ng Pinay. Ang fishball ang nagtataglay ng pinakamaraming carbohydrates, 32.8g. Lahat ng pagkaing kalye ay nagpag-alamang mataas sa fats.80 Ang mga pagkaing madaling kainin na itinitinda sa kalye ng mga papalagong bansa tulad ng Pilipinas ay makabuluhang nakapag-aambag sa seguridad na may 76

“Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 2. 77 Alegre, loc. cit., 71. 78 Castañeda, op. cit. 79 Uddin, op. cit. 80 Castro, op. cit.

28

makakain at nutrisyon ng mamamayan. Ang mga pagkaing kalye ay pisikal at ekonomikal na madaling makuha ng nakararami kaya’t makakatulong sa pagtagpo ng mga pangunahing pangangailangan sa nutrisyon at enerhiyang makukuha sa pagkain. Halimbawa, ang mga pampublikong paaralan ay umaasa sa mga nagtitinda ng pagkaing kalye upang suplayan ng merienda ang mga estudyante.81 Sa katotohanan, ang mga pagkaing kalye ang pinakamura at pinakamainam na paraan ng pagkamit ng isang masustansya at balanseng pagkain, ngunit dapat ay alam at pipiliin ng mamimili ang tamang kumbinasyon ng pagkaing. Sa ganitong kadahilanan, maaaring mabawasan ang bilang ng mga taong nagugutom sa mundo. 82 Ang mga maliliit na negosyo ng pagkaing kalye ay importante sa planong pangekonomiko at sa pag-unlad ng maraming bayan. Gayumpaman, ng kontribusyon ng mga nagtitinda ng pagkaing kalye sa ekonomiya ng mga papalagong bansa ay kadalasang naisasantabi at hindi pinapansin. Ito ay napagwawalang bahala sapagkat ito ay itinuturing na parte ng impormal na sektor ng ekonomiya. Sa mga nakalipas na taon, pinapaniwalaang ang impormal na sektor ng ekonomiya ay sumisimbolo sa kakulangan ng kaunlarang pang-ekonomiko na dapat nang mawala sa paguumpisa ng modernisasyon. At hanggang mas marami ang trabahong nagagawa ng pormal na sektor, ang impormal na sektor ang sasalo sa mga manggagawang galing sa probinsya at may kakulangan sa kaalaman, ekspiryensya o kakayahan.83 Sa pag-aaral ng Equity Policy Center, ang mga pagkaing kalye ng mga papaunlad na bansa ay gumagawa ng trabaho ng 6 hanggang 25 pursyento nang lakas-paggawa 81

“FAO Maps Out Future Activities in Nutrition and Hygiene: Street Food: Small Entrepreneurs, Big Business”, Food and Agriculture Organization of the United Nations (21 April 1997), http://www.fao.org/news/1997/970408-e.htm. 82 Ibid. 83 Winarno and Allain, op. cit.

29

ng mga lungsod. Ang mga tindero/a ay hindi lamang nagtitinda ng mga ready-to-eat na pagkain, halos ¾ ng mga ito ay prinoproseso rin ang ilan sa kanilang mga itinitinda. Ang maliliit na negosyanteng ito ay kapwa babae at lalaki, ang kanilang kita ay halos kapantay na rin ng kita ng mga regular na trabahador. 84 Ang mababang capital sa pagtataguyod ng negosyo sa pagkaing kalye ay isa sa mga panghikayat para sa ilang pamilya na pasukin ang ganitong negosyo. Bukod pa rito, ang mga magtitinda ay makakapili ng oras kung kailan nila nais magtrabaho at kaunti lamang ang sasagabal sa kanilang pagkilos sapagkat walang amo na mag-uutos sa kanila. Sa kabilang banda, maaari ring magtrabaho nang mahabang oras ang mga tindero/a ng pagkaing kalye maging sa mahihirap na kondisyon (tulad ng pagtitinda kahit bumabagyo) kahit direktang maapektuhan ang kanilang sarili; o kaya ay maaaring makaharap ang mga nagtitinda ng problema ukol sa mga opsiyal ng lokal na pamahalaan o mga sindikato.85 Ang mga pagkaing kalye kadalasang sumasalamin sa lokal na kultura.86 Sa katunayan, karamihan sa mga itinitindang pagkaing kalye ay mga tradisyunal na pagkain na nangangailangan ng mahabang oras ng paghahanda. Sa pamamagitan ng mga pagkaing kalye, nakikilala at nagiging pamilyar ang mga tao sa mga tradisyunal na pagkain iba’t-ibang lugar sa Pilipinas at higit sa lahat, natitikman at nakakain nila ang mga ito.87 Sa lawak ng sakop na pagkain ng mga pagkaing kalye, naipapakita rin ng mga ito ang iba’t-ibang mga pangkat at lahi na umimpluwensiya sa kultura n

84

“Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 2. 85 Winarno and Allain, loc. cit. 86 Ibid. 87 “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”, The Earthman Society: Science News Service, (November 5, 1986): 2.

30

gating bansa. Sa kabuuan, naipapakita ng mga pagkaing kalye ang walang kaparis na sining ng paghahanda ng pagkain ng mga Pilipno.88 Ang mga pagkaing kalye ay isang paraan ng pagtatagpo ng mamamayang Pilipino.89 Mula sa mga musmos hanggang sa mga matatanda; mayaman man, middle class o salat sa pera, purong Pilipino, dayuhan, o naturalisadong Pilipino, lahat sa Pilipinas, kahit minsan lang sa kanilang buhay ay nakakakain o kumakain ng mga pagkain kalye.90 Mapa-estudyante o guro, walang trabaho o nagtratrabaho sa isang prestihiyosong kumpanya naaakit bumili sa maraming nagkalat na nagtitinda ng pagkain kalye. Maaaring sabihing may epektong ‘band wagon’ ang pagkaing kalye; at maaring sabihing isa itong penomenon. Ngunit maging ano man ito, ang mga pagkaing kalye ay nakapaloob na sa kultura at sa kamalayang Pinoy.91

Konklusyon at Rekomendasyon Napakalawak ng impluwensiya ng mga pagkaing kalye sa kabuhayan ng mga Pilipino. Hindi kulong sa kultura ang impluwensiya ng mga pagkaing kalye, bagkus naiimpluwensiyahan rin nito ang pagkakaisa, kalusugan, ekonomiya at maging ang pagpapatakbo ng pamahalaan ng Pilipinas. Sapagkat tahasang nakakaapekto sa buhay ng mga Pilipino, ang mga pagkaing kalye ay marapat na mabigyang pansin nang sa gayon ay mas mapaayos ang kalidad ang mga ito at masulit ng husto ang mga benepisyong makukuha sa mga pagkaing ito. Hindi sapat na ang pamahalaan lamang ang kumilos upang mapabuti ang kalagayan ng mga pagkaing kalye sa Pilipinas. Upang magkaroon ng pag-unlad, 88

[Kai], op. cit. Esguerra, op. cit. 90 [Kai], loc. cit. 91 Ibid. 89

31

kinakailangan ang pagtutulungan at responsibilidad ng lahat – ng bawat Pilipino. Ang mga mga opisyal at tauhan ng mga ahensiya ng pamahalaan ay dapat umaksyon, samantalang ang mga nagtitinda at ang mga mamimili ay dapat magkaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga benepisyo at suliraning dulot ng mga pagkaing kalye at kumilos nang akma ukol sa kinakailangang gawin sa mga pagkaing kalye. Ang mga mamimili ay dapat matutong kumilatis ng mga pagkaing kalye na bibilhin. Dapat nilang malaman ang mga tama at masusustansyang kumbinasyon ng pagkaing kalye. Hindi masamang bumili, kumain o tumangkilik sa mga pagkaing kalye subalit kailangang matiyak na maayos ang bibilhing pagkain, at hanggang maaari, hindi ito gawing pang-araw-araw. Higit na kakailanganin ang pakikialam ng mga konsyumer at mamimimili ukol sa mga isyu kinahaharap ng mga pagkain kalye. Kapag nagising ang kamalayan ng mga konsyumer sa tamang pamimili, mas madaling maiiwasan ang mga suliraning (pangkalusugan) na hatid ng mga pagkaing kalye. Ang mga nagtitinda naman ay dapat maging responsable at magkaroon ng pananagutan sa mga pagkaing kanilang itinitinda. Ang pagsunod sa kaunting mga batas na gawa ng pamahalaan ukol sa pagtitinda ng pagkaing kalye ay hindi naman makakaapekto ng husto sa kita ng mga tindahan nito, bagkus maaaring makahikayat pa ng maraming mamimili ang pagsunod sa mga batas na ito. Dapat magkaroon ang mga nagtitinda ng konsiderasyon para sa kanilang mamimili at dapat isama nila sa kanilang layunin ang maayos na serbisyo sa kanilang mga tagatangkilik, at hindi lamang ang kanilang kikitain ang pagtuunan ng pansin.

32

Makakatulong rin kung makikisangkot ng ilang pribado at pampublikong mga institusyon upang maging mas maigting ang pagpapabuti ng mga pagkain kalye. Kung ang mga institusyong direkta at hindi direktang naapektuhan ng sektor ng pagkaing kalye ay magtutulungan, mas mapapadali ang pagganda ng kalidad ng mga pagkaing kalye. Isa mga ahensyang dapat kumilos NEDA. Dapat isama nila ang (ngayon ay itinuturing na) impormal na industriya ng pagkaing kalye sa kanilang mga bisyon at plano para sa hinaharap. Bagamat napakaliit ang kita ng sektor ng pagkaing kalye kumpara sa mga naglalakihang negosyo, napakaraming maliliit na tao ang nakikinabang at kumikita sa negosyong ito. Makabuluan rin kung makapagtatatag ng maliliit na organisasyon sa iba’t-ibang lugar para sa mga nagtitinda ng pagkaing kalye. Ito ay makakatulong upang mas mapagtagumpayan ang pangangalakal ng mga pagkaing kalye. Kapag nagkaroon ng mga alyansa at samahan ang mga nagtitinda ng mga pagkaing kalye sa Pilipinas, mas mapapadali ang pagpapalaganap ng kaalaman at gayundin ang pagbabantay sa kalidad ng mga pagkaing kalye. Bukod pa rito, ang mga kasapi ng organisasyon ay magkakaroon ng pagkakataong mangutang at umunlad sa tulong ng kanyan. Isa sa mga maaring maging papel o gampanang tungkulin ng mga pagkaing kalye ay pagtulong sa turismo ng Pilipinas sapagkat naipapakita nito ang kakaibang kultura ng Pilipino sa larangan ng pagkain. Maaaring magpuwesto ng ilang nagtitinda ng pagkaing kalye sa tourist area. Maipapakita nito sa mga turista ang isang mukha ng tunay na pamumuhay sa Pilipinas - hindi lamang ang mga magagandang tanawin at natibong gawi at kultura. Kung mapaghuhusay ang kalidad ng mga pagkaing kalye at magkakaroon ng maayos na promosyon ng mga pagkaing kalye, bukod sa salaping

33

kikitain, mas maipapakita natin ang pagkamalikhain at husay ng mga Pilipino. Mas masusulit din ng mga tao ang paggamit sa mga kayamanang nasa ating paligid na maaari pa nating pakinabangan. Sa kabuuan, masasabi kong tunay na ngang bahagi ng kabuhayang Pilipino ang mga pagkaing kalye. Hindi dapat katakutan o ikahiya ang mga ito ng mga Pilipino sa halip, dapat itong palaguin at isaayos upang ang mga susunod na henerasyon ay mamulat sa pambihirang kultura ng pagkaing kalye.

34

BIBLIOGRAPIYA Alegre, Edilberto N. “Fast Food and Mobile Stand-up Sit-down Food Stalls”. Mr. & Ms., 21 Oct. 1986. 70-71. Carreas, Bernadette. “DOH Issues Warning vs. Peddled Food”. Malaya, Oct. 31, 2000, 2. Castañeda, Dabet. “Poor Man’s Diet: Of Noodles, Chicken Skin and Isaw”. Bulatlat IV, no. 39 (31 Oct. – 6 Nov. 2004). Alipato Pub Quezon City Philippines. . Castro, Eddee R.H. “Street Foods, Good Foods: As Protein Source”. Manila Bulletin, 31 Oct. 2000, 2. Cuevas, Likha. “Special Report: Food Safety: Food Condemned to Eat Unsafe Food”. The Manila Times (The Sunday Times), July 2, 2006. Del Rosario, Minerva Jane G. “Knowledge and Options on Streetfood Vending Policies and Regulations of Vendors in Metro Manila”. Journal of PAHESCU (2005): 40. Esguerra, Christian. “As Sweet as Anything Forbidden”. Philippine Daily Inquirer, 2 July 2000, 15. “Essential Safety Requirements for Street Vended Foods”. Eldis (1996). World Health Organization Department of Food Safety. . “Everybody’s Going For Street Foods!: Street Foods: The Fast Foods of Developing Countries: Street Foods are Sold All-Over”. The Earthman Society: Science News Service. (November 5, 1986): 4 + 2.

35

“FAO Maps Out Future Activities in Nutrition and Hygiene: Street Food: Small Entrepreneurs, Big Business”. Food and Agriculture Organization of the United Nations (21 April 1997). . Garafil, Cheloy V. “Street Food Vendor to Train on Sanitation”. Malaya, 5 Jul. 2000, 2. [Kai]. “LP III: Pinoy Street Food”. Bucaio. (October 07, 2005). Blogger. . [Kai]. “LP III: Street Food in Daet”. Bucaio (October 24, 2005). Blogger. . Lacuarta, Gerald and Pazzibugan, Donna. “What Can You Buy With P20? ‘Adobong Mani’”. Philippine Daily Inquirer, 13 Oct. 1999, 1. Mamanglu, Shianee. “Experts Warn Folk on Street Food”. Manila Bulletin, 11 December 1996, 32. “Street Food”. Wikipedia: the Free Encyclopedia. (Janaury 17, 2007) Wiki.org. . Uddin, Grace. “Pedestrian Delights”. Bulatlat (Davao Today.com) 5, no. 45 (18-25 Dec. 2007). Alipato Pub Quezon City Philippines. . Winarno, F.G. and Allain, A. “Street Foods in Developing Countries: Lessons from Asia”. FAO Corporate Document Repository. (n.d.). FAO – WHO. .

36

1

This paper is originally written in Filipino.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF