Spoken Poetry

September 7, 2022 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Spoken Poetry...

Description

 

Balik-tanaw sa ating mga Ala-ala

Isa dalawa tatlo apat lima anim na minuto Gaano pa ba ako katagal magbibilang para sa’yo? Isang oras, apat na minuto at dalawamput dalawang segundo Mula nang ako’y sabihan mo ng mga katagang nagpahina ng puso ko Mga katagang hindi inaasahan na marinig mul a sa’yo Mga katagang nag-iwan ng sakit sa puso ko Mga katagang patuloy na nagpapasikip ng damdamin ko. Nakakatawa Nakakatawa ang dahil ang unang pumasok sa isip ko ay Yung mga pangakong binaon mo sa puso ko na ngayon ay pilit na nagdurugo Yung mga pangakong tuluyang napako dahil sa’yo kaya gabi -gabi hindi maiwasan na may pumatak na luha sa aking mga mata kasabay na dinadamdam ng paulit-ulit na dinadamdam na paulit-ulit na dinadamdam ang bawat ala-ala. Ang sarap. Ang sarap balikan ng mga panahong sinasabi ng labi mo na mahal mo ako Yung mga panahong nagbitaw ng mga pangakong hindi mo ako iiwan Na ako lang ang mamahalin mo magpakailanman At nangakong habang buhay tayo ay magkasama Basta't magkahawak ang mga kamay Ang sarap balikan Noong mga panahong ang kamay ko ay iyong hinahawakan na para bang wala kanang balak na ako'y pakawalan Yung mga panahong ako'y iyong niyayakap binabalot sa maiinit mong bisig Na laging nagsasabi na ako ay ligtas Ang sarap balikan Noong mga panahong kaya mo pa akong ipaglaban Kay sayang ala-ala ngunit kay sakit isipin na ang lahat ng iyon ay mga ala-ala nalang sa atin Dahil ako ay iyong binitawan Ikaw ay nawala, bumitaw at humulagpos Naputol na ang kadenang noon sayo ay nakagapos Kadenang sumisimbulo ng aking pagmamahal sayo Na para bang mga bisig kong nakayakap sayo noon. Hanggang ngayon ang sakit parin isipin Ang sakit isipin na napagod ka nang lumaban para sa akin. Ako ay isang baliw Ako ay isang baliw dahil ako'y naghanap ng saya Sa ating at ing mga ala-ala kahit alam ko namang may sakit rin itong dala Ako ay isang baliw dahil wala namang nagsabi sa akin na alalahanin ko ang lahat ng ating ala-ala ngunit wag kang mag m ag alala Bakit ka nga ba mag-aalala? Tunay ngang kay sarap balikan ng ating nakaraan ngunit ako ay pagod na kakadama sa sakit ng hagupit ng iyong pag alis Ako ay pagod na kakabalik sa kung saan nandoon ka ngunit may iba ka namang kasama. Pagod na ako Pagod na akong umiyak Pagod na akong umasa Pagod na akong magbilang At higit sa lahat, Pagod na akong masaktan Kaya tama na. Tama na dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ang kamay ng relo ay sasakto sa akala mong tamang t amang panahon Tama na Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon ay kayang tunawin ng luha ang nanlalamig na relasyon Tama na Na masyado nang masakit ang iyong ginawa kaya hindi na matakpan pa ng pagkukunwari ko araw -araw sa madla Tama na. Dahil minsan mas sakit ang pananatili ko kaysa paglisan Tama na Kasi baka ito na yung tamang panahon na ako ay sasaya Di man ngayon, baka bukas makalawa ako ay sasaya hindi dahil nagbalik ka kundi dahil nakalaya na ako sa selda ng ating mga ala-ala Ang sarap ngang balik-balikan ng ating nakaraan, ngunit ngayon ito ay bibitawan ko na Ngayon ang ating nakaraan ay kakalimutan ko na Mahal kita pero malaya ka na.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF