Simuno at Panag-Uri

February 6, 2018 | Author: Celani Trajano | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Simuno at Panag-Uri...

Description

A. Bilugan ang payak na simuno at salungguhitan ang buong simuno. 1. Ang mga anak ay tulomg-tulong na gumawa ng gawaing-bahay. 2. Nag-alay ng bulaklak sa altar si Rowena. 3. Sina Billy at Arnold ang mga bago kong kaibigan. 4. Nagbabasa ng aklat ang mga bata. 5. Ang bulaklak ay totoong mabango. 6. Sinumpong ng sakit ang matanda. 7. Masayang sumalubong sa ama ang mga bata. 8. Naligo at nagbihis ng maganda si Lolita. 9. Ang mga bata at matatanda ay umawit at sumayaw. 10. Si G. Toralba ay nagbebenta ng iba’t ibang produkto. B. Lagyan ng X ang payak na panaguri at salungguhitan ng makalawa ang buong panaguri. 1. Ang babae ay mahusay maglala ng banig. 2. Dumating ang mga balikbayan kaninang umaga. 3. Sama-sama kami sa pagdalaw sa ampunan. 4. Namalengke at nagluto si Aling Melba. 5. Ang nanay ko ang pangulo ng PTA. 6. Tuwang-tuwa sila na tinanggap na sweldo. 7. Si Kuya Dan ay mabait at matalino. 8. Sinigang ang paborito niyang ulam. 9. Ang guro ay matiyagang nagpaliwanag ng aralin. 10. Mahal ng Diyos ang mapagkumbaba. C. Kahunan ang payak na simuno at lagyan ng

ang payak na panaguri.

1. Mabilis na tumawid ng kalye ang lalaki. 2. Ang buhok in Ester ay itim na itim. 3. Nag-aaral siya ng kanyang leksyon gabi-gabi. 4. Buong pusong tumulong ang mga tao sa mga nasunugan. 5. Ang mga prutas at gulay ay itinitinda niya sa palengke. 6. Malusog ang bunsong anak ni Daria. 7. Si. Dr. Fe Del Mundo ay mahusay na manggagamot. 8. Siya ang aking pinakamamahal na ina. 9. Laging malinis ang uniporme ng mag-aaral. 10. Magbabakasyon sa lalawigan sina Luis at Teresa.

D. Salungguhitan nang minsan ang buong simuno at nang makalawa ang buong panaguri. 1. Ang ina at anak ay sabay na umalis. 2. Malugod niyang tinanggap ang paanyaya. 3. Si Daniel Cruz ay isang matapat na kawani ng pamahalaan. 4. Naghulog ako ng sulat kahapon. 5. Naglinis ng bakuran ang magkapatid. 6. Iniabot niya ang kard sa may bertdey. 7. Sina Anita at Fred ang inanak ko sa kasal kahapon. 8. Ang sanggol ay malusog at masigla. 9. Ginupit niya nang maikli ang kanyang mga kuko. 10. Ang lahat ay masayang nag-aawitan.

E. Punan ang talahayanan ng mga bahagi ng sumusunod na mga pangungusap. 1. Si Lily ay masayang kausap. 2. Umalis siya kaninang umaga. 3. Matapang na nakipaglaban ang mga sundalo. 4. Kami ay handing tumulong sa inyo. 5. Naglalaro ang mga bata sa likod-bahay. 6. Si Johnny ay nag-aaral nang mabuti. 7. Sina Dan at Kim ay tumutulong sa tindahan. 8. Ang aking mga magulang ay mabait. 9. Ang mga aklat ay nakapatong sa mesa. 10. Nasira ng bagyo ang mga kagubatan.

Payak na Simuno

Buong Simuno

Payak na Panaguri

Buong Panaguri

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF