Silabus Fili 100

October 15, 2017 | Author: Ma. Leni Francisco | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Kompayleysyon ng mga Aralin sa Filipino 100 Komunikasyon sa Akademikong Filipino...

Description

WEST NEGROS UNIVERSITY BEED/BSED PROGRAM SY 2013 – 2014 KOMPAYLEYSYON NG MGA ARALIN SA FILIPINO 100 KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO

INIHANDA NINA DR. AGNES B. ALGARA DR.OPHELIA M.DUAYAN DR. MA.LENI C. FRANCISCO MR. BAYANI G. LACSON

Paunang Salita Nabuo ang kompaylesyon ng mga aralin para sa Filipino 100 sa layuning matugunan ang mga pangangailangan ng mga mag-aaral na malinang ang kanilang kasanayang pangkomunikatibo sa wikang Filipino, gayundin magiging kasangkapan nila sa pakikipag-ugnayan sa mundong ginagalawan. Bilang pagtugon sa programa ng Bagong Kurikulum ng Filipino sa Antas Tersyarya inilakip dito ang mga iminungkahing nilalaman para sa Filipino 1-Komunikasyon sa Akademikong Filipino (GEC,Filipino 1, September 11, 2006). Nahahati sa anim na yunit ang mga aralin, ipinaloob dito ang mga paglilinaw sa ilang mahahalagang konseptong pangwika, ang komunikasyon, mga konseptong pandiskurso,kayarian ng wikang Filipino, ang Filipino bilang wikang pambansa at isinama na rin ang mga makrong kasanayan at istruktura ng wika. Ang kabuuan ng rebisyong ito ang lilinang sa mas mataas na kaalamang magagamit ng mga mag-aaral sa epektibong kasanayan sa paggamit ng akademikong Filipino sa iba’t ibang larangan.

WEST NEGROS UNIVERSITY Bacolod City College of Education Komunikasyon sa Akademikong Filipino Bilang ng kurso

:

FILI 100

Pangkat ng Kurso

:

Komunikasyon sa Akademikong Filipino

Bilang ng Matanong Yunit

:

3

Deskripsyon ng kurso: Ang kursong FILI 100 istruktura,gamit, katangian at kahalagahan

ay nakatuon

sa

ng wikang Filipino sa

akademikong larangan.Sa lapit disiplinaryo at paraang interaktibo, matutukoy at matatalakay ang mga pangunahing kaalaman sa wikang upang malinang ang mga kasanayan sa paggamit ng wikang Filipino tungo

sa

lalong

mataas

na

komunikasyon

at

sa

kritikal

na

pagdidiskurso. Mga layunin: Pagkatapos ng kursong ito,ang mga estudyante ay inaasahang; 1. Natutukoy ang pangkalahatang kaalaman at konsepto kaugnay ng metalinggwistikang pag-aaral sa Filipino. 2. Nakikilala ang iba’t ibang diskurso sa wikang Filipino tungo sa pag-unawa at pagpapahalaga sa teksto at konsteksto nito. 3. Nalilinang ang lalong mataas na antas ng kasanayan sa akademikong komunikasyon: pakikinig, pagsasalita, pagbabasa at pagsusulat.

4. Nailalapat ang mga kasanayang pangwika sa pag-aaral, pagtataya at pagpapahalaga sa mga kaalaman sa kultura at lipunang lokal at global.

KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO FILI 100 MGA NILALAMAN: YUNIT 1: WIKA:DIWA NG BANSA A. Ang Kahulugan ng Wika B. Kahalagahan ng Wika C. Katangian ng Wika D. Mga Teoryang Pinagmulan ng Wika E .Kaantasan ng Wika F .Tungkulin o Gampanin ng Wika G. Pitong Kategorya ng Gampaning Pangwika H. Barayte at Baryasyon ng Wika I. Rejister ng Wika YUNIT 2: KOMUNIKASYON A. Kahulugan ng Komunikasyon B. Uri ng komunikasyon C. Elementong Nakaapekto sa Proseso ng Komunikasyon D. Mga Potensyal na Sagabal sa Komunikasyon E. Ang mga Sangkap ng Komunikasyon F. Berbal at Di-Berbal na Komunikasyon YUNIT 3: MGA KONSEPTONG PANDISKURSO A. Kahulugan ng Diskurso B. Uri ng Diskurso C. Teksto at Konteksto D. Tatlong Konsepto sa Pagpapakahulugan ng Teksto YUNIT 4: KAYARIAN NG WIKANG FILIPINO A. Ponolohiyang Filipino B. Ang mga Ponemang Patinig

C. Ang mga Diptonggo D. Ang mga Ponemang Katinig E. Ang mga Klaster ng Filipino F. Pares Minimal G. Mga Ponemang Malayang Nagpapalitan H. Mga Ponemang Suprasegmental I. Palabigkasan at Palatuldikan YUNIT 5: ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA A. Ang Kalikasan at Istruktura ng Wikang Filipino B. Gabay sa Ortograpya ng Wikang Pambansa C. Mga Tuntuning Panlahat sa Pagbaybay D. Ang Pantig at Palapantigan E. Ang Paghihiram YUNIT 6: MGA MAKRONG KASANAYAN AT ISTRUKTURA NG WIKA A.PAKIKINIG 1. Mga Antas ng Pakikinig 2. Mga Uri ng Tagapakinig 3. Mga Salik na Nakaimpluwensya sa Pakikinig 4. Mga Pamamaraan sa Mabisang Pakikinig B.PAGSASALITA 1. Kahulugan ng Pagsasalita 2. Mga Katangian ng Isang Mahusay na Tagapagsalita 3. Mga Kasanayan sa Pagsasalta 4. Iba’t ibang Gawain sa Pagsasalta 5. Mga Katangian ng Isang Mabisang Pakikipag-usap 6 Mga Dapat Iwasan sa Pakikipag-usap 7. Mga Araling Pangwika a. Pagbabagong Morpoponemiko b. Mga Kayarian ng Salita c. Mga Bahagi ng Pananalita C.PAGBASA 1. Mga Salik sa Mabisang Pagbabasa 2. Estilo ng Pagbasa 3. Mga Tulong sa Pag-unawa sa Binasa 4. Mga Paraan sa Pagkuha ng Kahulugan ng Binabasa

5. Patayutay na Pahayag Mga Araling Pangwika: 6. Sintaksis o Palauganayan 7. Mga Bahagi ng Pangungusap 8. Ayos ng Pangungusap 9. Iba’t ibang Uri ng Paksa at Panaguri 10. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Anyo 11. Mga Uri ng Pangungusap Ayon sa Tungkulin 12. Pagpapalawak ng Pangungusap D. PAG-SULAT 1. Kahlugan,Kahalagahan ng Pagsulat 2. Proseso ng Pagsulat 3. Mga Mekanismo sa Pagsulat 4.Uri at Anyo Ayon sa Layunin ng Pagsulat 5. Ang Pagsulat ng Liham-Aplikasyon at Resume’ 6.Ang Dalawang Uri ng Liha Aplikasyon 7. Mga Patnubay sa Pagsulat

YUNIT 1: WIKA: DIWA NG BANSA

Ang bayang bumubuo sa isang kabansaan at isang estado ay dapat na magkaroon ng isang wikang sinasalita at nauunawaan ng lahat.Ito’y isa sa pinakamatibay na buklod na bumibigkis sa bayan at nagpapa-unlad sa pagkakaisa ng mga pambansang mithiin,lunggati at damdamin. Hindi makaiiral ang isang diwang pambansa, roon sa walang wikang panlahat.Hindi tayo magkakaroon kailanman ng tunay na pagkakilala sa ating karangalan bilang isang bansa hanggat wala tayong wika na sarili natin.Lagi nating tataglayin ang tanda ng kababaang uri…. Sa alin mang bayan ay wala nang napakamahalaga na tulad ng pagkakilala nila sa kanilang kaisahan bilang isang bansa: at bilang isang bayan, ay hindi magkakaroon ng higit na pagkakilala sa bagay na ito hanggat hindi nagsasalita ng isang wikang panlahat….May maiisip ba kayong higit na kakatwa kaysa pakikipanayam o sesyon ng mga Pilipino na ang lahat ng kagawad ay hindi makapagsalita o ayaw magsalita ng isang katutubong wikang panlahat?....(Halaw sa mga kalatas at talumpati ng Pangulong Manuel L. Qezon) A. ANG KAHULUGAN NG WIKA Nagmula ang salitang wika sa salitang Latin na Lengua na ang literal na kahulugan ay dila, kaya’t magkasintnog ang mga salitang “lengua” (dila) at “lingua”(wika).Isa sa pinakadakilang biyayang ipinagkaloob ng Panginoon ang wika,nang dahil sa wika,nailarawan ng tao ang kanilang karanasan,tagumpay at kabiguan.Sa pamamagitan din nito, nasasalamin din ang uri ng pamumuhay ng kanilang mga ninuno at ang kanilang pinagmulang bansa. Batay sa aklat na “What is Language” ni Archibald A. Hill,ang wika ay pangunahing maelaboreyt na anyo ng simbolikong gawaing pantao.Ang mga tunog na likha ng aparato sa pagsasalita ay naayon sa mga klase na lumilikha ng isang komplekado at simetrikal na istruktra.

Ayon kay Panganiban, ang wika, ay isang paraan ng pananagisag o pagbibigay kahulugan sa mga tunog sa tulong ng mga bahagi ng katawan sa pagsasalita upang makamit ang layuning makaunawa at maunawaan ng iba. Ayon naman sa aklat na “Introdction to Descriptive Lingistics”, ni Henry Allan Gleason, nasusuri at nailalarawan ang wika sa pamamagitan ng kung paano ito ginamit,ginagamit at gagamitin ng isang pamayanan batay sa iba’t ibang larangan ang wika, tulad ng ponolohya,morpolohya,sintaksis,leksikon at bokabularyo. Ang edukador at pilosopong Ingles na si Alfred North Whitehead ay nagsabing, kabuuan ng kaisipan ng lumikha nito ang wika.Wika ang gamit ng tao upang magkaroon ng ugnayan sa bawat isa.Ipinalalagay na ang wika ay salamin ng lahi at ng kanyang katauhan. B.KAHALAGAHAN NG WIKA 1. Nagkaisa ang kaisipan, damdamin at adhikain ng bawat mamamayan. 2. Naitala at naihahayag ng tao ang mga karanasan at kasaysayan ng sinaunang panahon. 3. Nasasalamin ang mga pangyayari sa lipunang ginagalawan. 4. Naipapahayag ng tao ang kanyang malaon ng pag-ibig, galit at pagkasuklam na naging daan ng paghihirap ng kanyang loob. 5. Nakipag-usap at napapalapit ang tao sa kanyang kapwa, bayan, at higit sa lahat sa Poong Maykapal. 6. Ang wika ay kasangkapan sa pagtuklas ng karunungan. 7. Ang wika ang pangunahing kasangkapan sa komunikasyon. 8. Ang wika ang daan sa pagkakaisa at pagbubuklod ng bayan. 9. Ang wika ay lumilinang at nag-iingat ng kultura at kasaysayan ng bansa. 10. Ang wika ang daan sa kaunlaran ng bansa. C. KATANGIAN NG WIKA 1. Ang wika ay isang masistemang balangkas. Ito ay binubuo ng mga makabuluhang tunog na kapag pinagsama-sama sa maayos na sikwens ay makalilikha ng mga salita, parirala at mga pangu-

ngusap. Ang istraktyur ng pangungusap ang naging basehan sa pagpapakahulugan sa paggamit ng wika. 2. Ang wika ay binubuo ng mga tunog. Upang magamit nang mabuti ang wika kailangang pagsama-samahin ang mga binibigkas na tunog upang makalikha ng mga salita. 3. Ang wika ay arbitraryo. Lahat ng wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito. Alam ng mga Ilokano na kapag sinasabing balay , bahay ang tinutukoy nito. Sa Chavacano naman ay casa, kapag nais tukuyin ang bahay at bay naman sa Tausong samantalang house sa Ingles. Kung sakaling hindi maintindihan ng isang tao ang isang salita o pangungusap ng isang wika, nangangahulugang hindi siya bahagi ng kasunduang pangkauwanan. Ngunit kung pag-aaralan at matutunan niya ang wika, nangangahulugang sumasang-ayon siya sa kasunduan ukol sa naturang wika. 4. Ang wika ay may kakanyahan o may sariling kaangkinan. Lahat ng wika ay may sariling set ng palatunugan, leksikon at istrukturang panggramatika. May katangian ang isang wika na komon sa ibang wika samantalang may katangian namang natatangi sa bawat wika. Halimbawa: a. Wikang Swahili - atanipena (magugustuhan niya ako)Mapapansin sa wikang Swahili (isang wika sa kanlurang Afrika) isang salita lamang ngunit katumbas na ng isang buong pangungusap na yunik sa wikang ito. b. Wikang Filipino - Opo, po -Sa Filipino lamang matatagpuan ang salitang opo at po bilang paggalang c. Wikang Subanon - mangga (mangga)-Sa Subanon naman,

mayroong di pangkaraniwang ayos ng mga ponema gaya ng di kompatibol na dalawang magkasunod na katinig sa iisang pantig na wala sa karamihang wika. d. Wikang Ingles - girl/girls (batang babae/mga batang babae)-Sa Ingles naman, isang ponema lamang ang dinagdag ngunit nagdudulot ng makabuluhang pagbabago. e. Wikang Tausong – tibua (hampasin mo) pugaa (pigain mo) Sa Tausug naman, ang pagkabit ng ponemang /a/ ay nagdudulot na ng paggawa sa kilos na saad ng salitangugat. f. Wikang French – Francois (pangngalan/fransh-wa/)-Sa French naman, mayroon silang natatanging sistema sa pagbigkas ng mga tunog pangwika. 5. Ang wika ay buhay o dinamiko. Patuloy na nagbabago at yuma- yaman ang wika. Nagbabagu-bago ang kahulugan ng isang salita na dumaragdag naman sa leksikon ng wika. Halimbawa:

BOMBA

Pampasabog Igiban ng tubig mula sa ilalim ng lupa Kagamitan sa paglalagay ng hangin Bansag sa malalaswa at mapanghalay na larawan at pelikula  Sikreto o baho ng mga kilalang tao.    

Lahat ng wika ay nanghihiram. Humihiram ang wika ng ponema at morpena mula sa ibang wika. 6. Ang wika ay ginagamit sa komunikasyon. Dahil sa wika ang tao ay maaring magsalin o magpasa ng mga kaisipan at ideya hanggang sa susunod niyang salinlahi, mapreserba ang kaalaman at maipamana

ang mga ito sa mga susunod pang henerasyon. 7. Ang wika ay nakabatay sa kultura . Nakabatay ang wika sa kultura ng taong gumagamit ng wika.Sa pamamagitan nito nagkakaugnay sa tradisyon, kaugalian, mga mithiin at paniniwala ang mga tao. 8. Ang wika ay pantao . Nagagamit ito sa pagsasalin ng kultura,bukod pa roon, ito ay may sistemang tunog at kahulugan. 9. Ang wika ay binubuo ng mga sagisag. Bawat wika ay may sariling ispeling o baybay.

D. MGA TEORYANG PINAGMULAN NG WIKA Ayon sa mga antropologo,kasabay na sumibol sa mundo ang wika at lahi.Masasabing ang kanilang wika noon ay kasingkahulugan ng ginagamit ng mga hayop.Subalit sa paglipas ng panahon,sabay sa pag-unlad ng kultura ng tao,umunlad din ang wika. Ang kasalukuyang wika ay nagdaan sa napakaraming taon ng pagbabago.Magmula sa paninirahan sa mga bato at paggamit ng simpleng paraan ng pakikipagtalastasan,narating ng tao ang puntong makontrol ang kalikasan,manirahan sa mga airconditioned na tahanan,maglabay sa himpapawid, makausap ang isang tao sa ibayong dagat,umakyat sa pamamagitan ng elebeytor at gumawa ng komunikasyon sa tulong ng mga makabagong sistema ng pakikipagtalastasan. Bago pa man dumating ang panahong ito,may ilang teorya si David Berlo na maaarng nalathala o nagpalipat-lipat sa pamamagitan ng bibig na maaaring gawing batayan ng pinagmlan ng wika sa daigdig. Teoryang DING DONG - Ipinalalagay sa teoryang ito na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay may sariling tunog na siyang

kumakatawan sa nasabing bagay.Mga tunog na nagpapakahulugan sa mga bagay,tulad ng kampana,relo,tren, tunog ng kampana,patak ng ulan at langitngit ng kawayan. Teoryang BOW WOW – Dito ang tunog na nalilikha ng kalikasan, anuman ang pinagmulan ang ginagagad ng mga tao.Halimbawa nito ang tunog ng kulog,ihip ng hangin pagbagsak ng alon, pagngiyaw ng pusa at pagtilaok ng manok. Teoryang POOH POOH –Ipinalalagay na ang tao ang siyang lumilikha ng tunog at siya ring nagbibigay ng kahulugan.Kasama dito ang pagpapa-kita ng tuwa sa pamamagitan ng pagtawa,kalungkutan o sakit sa pama-magitan ng pag-iyak,pagkabigla,pagtataka at iba pang bulalas ng dam-damin Teoryang TARARA-BOOM-DE-AY- May mga ritwal na ginagamit ang mga sinaunang tao.Halimbawa nito ay sa pakikidigma, pagtatanim, pag-aani, pangisngisda at iba pa.Ang mga isinasagawang ritwal ay may kaakibat na pagsayaw.Pinaniniwalaan na ang wika sa mga ritwal ay nagbabago at nilalapatan ng kahulugan. Teoryang YO-HE-HO - Ito ang teoryang nabuo ni Noire, isang iskolar noong ika-19 na dantaon.Naniniwala siya na ang wika ay nagmula sa mga ingay na nililikha ng mga taong nagkakatuwaan sa kanilang pagtatrabaho gaya ng pagbubuwal ng kahoy o pag-angat ng malaking bato. Ito ay may kaugnayan sa pwersang pisikal. Teoryang Pamuestra (pagkumpas) – May mga teoryang gumagamit naman ng pagkumpas o mga senyas upang maiparating ang nais na sabihin.Pinakikilos dito ang bahagi ng katawan upang makagawa ng aksyon.Dito pinakikilos ang dila.Sa pagbabago ng posisyon ng dila sa loob ng bibig,nakagagawa ng tunog at nababawasan naman ang pagkumpas at senyas Teoryang YUMYUM – Nagsasaad na ang tao ay tumutulong sa pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangngailangan ng aksyon. Sa pananaliksik na ginawa sa larangan ng sikolohiya,ang mga sumusunod na teorya ay may malaking impluwensya sa proseso ng pagkatuto ng wika.

Teoryang “Behaviorist”. Batay sa teoryang ito ang bata ay ipinanganak na may sapat na lakas at kakayahan sa pagkatuto.Ang gawi at kilos ay maaaring hubugin sa pamamagitan ng pagkontrol ng kanyang kapaligiran.Ayon kay Frederic Skinner,higit napinagtutunan ng pansin ang pag-aalaga sa tuluyang pag-unlad ng intelektwal kaysa sa pangganyak at pagbibigay sigla at pagpapatibay na may kaugnayan sa kilos o gawi.Ang konsepto ng pagkatuto ay itinakda ng mga panloob(mga mekanismong pambigkas) at panlabas(mga tunog na napapakinggan na siyang ginagaya ng ga bata) na mga salik. Teoryang “Innative”. Ito ay ang mabilis na pagkatuto ng wika ng bata batay sa kanyang angking likas na kakayahan.Nagsisimula ang ganap na pagkatuto ng wika ng isang bata sa gulang na lima o anim na taon.Sa paliwanag ni Chomky,ang kakayahan sa pagkatuto ng wika ay kasama na mula pagkasilang na umuunlad sa pakikipag-interaksyon ng bata sa kanyang kapaligiran kung saan nabibigyang hugis ang kanyang kakayahang sosyo-kultural. Teoryang Kognitib. Ayon sa pananaw ng teoryang ito,ang pagkatuto ng wika ay nagaganap matapos maunawaan ang isang bagay o kaganapan.Kailangang naunawaan ng tao ang mga impormasyon natanggap upang makabuo ng isang orihinal na pangngusap.Ayon sa teoryang ito ang kamalian sa paggamit ng wika ay karaniwan at kadalasang nangyayari,subalit ang pagkakamali ay palatandaan ng pagkatuto.Ito ay itinturing na isang integral na bahagi sa proseso ng pagkatuto. Teoryang Makatao. Isinaalang-alang sa teoryang ito ang kahalagaan ng mga salik na may kinalaman sa damdamin at emosyonal na reaksyon.Ang tagumpay ay makakamit kung angkop ang kapaligiran,kawilihan o pagkagusto ng mga mag-aaral sa mga positibong saloobin ng mga bagong impormasyon.Matamang paguukulan ng pansin ang pagbibigay halaga sa saloobin ng mga magaaral,walang kalangkap na pananakot at maginhawa ang kanilang pakiramdam upang tiyak na masukat ang kanilang kakayahan sa paggamit ng wika. E . KAANTASAN NG WIKA

Ang tagumpay sa pakikipagtalastasan ay nababatay sa kaalaman at kasanayan sa lawak ng wikang ginagamit sa pagsasalita, pakikinig, pagbasa at pagsulat at sa pagtitiwala sa pagpapadala ng mensaheng may kahalagahan. Nababatay rin ito sa lawak ng kaalaman sa paksa at pagpili ng angkop na salitang nababagay sa antas ng pagkataong tatanggap ng mensahe. Ang wika ay nahahati sa iba’t ibang kategorya ,sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirahan, panahon, katayuan at okasyong dinadaluhan. 1. Pormal - Ito ay antas ng wika na istandard/kinikilala at ginagamit ng nakararami. a. Pambansa - Ito ang mga salitang ginagamit sa mga aklat pangwika at nagsasaalang-alang sa paggamit ng balarila. Ginagamit din itong wikang panturo sa mga paaralan.Ito rin ang wikang ginagamit sa pakikipagugnayan sa pamahalaan. Ito ay ginagamit ng karaniwang manunulat sa aklat at pambalarila para sa paaralan at pamahalaan. Halimbawa: asawa, anak, tahanan. b. Pampanitikan - Ito ay maituturing na pinakamataas na antas ng wika.Dito nakasalalay at nakikita ang kagan-dahan,yaman,kariktan at retorika ng wika. Ito ay gina-gamit ng mga malikhaing manunulat. Ang mga salita ay karaniwang malalim, makulay at masining.Dito rin nasa-salamin ang galling ng taong gumagamit nito sa mga tala-kayan, simposyum, talumpati, panayam at maging sa pagsulat ng aklat. Hal. Kahati sa buhay Bunga ng pag-ibig Pusod ng pagmamahalan 2.Impormal . Ito ay antas ng wika na karaniwan, palasak, pangaraw-araw, madalas gamitin sa pakikipag-usap at

pakikipagtalastasan. a. Lalawiganin. Ang ginagamit na wika sa mga tiyak at partikular na pook at lalawigan, makikilala ito sa kakaibang tono o punto. Ito’y dayalekto ng isang wika, may tanging bigkas o pamamaraan kung paano binibigkas ang mga salita ngunit ito’y nauunawaan ng mga naguusap Hal. > toyo-patis (Hiligaynon) > langgam-guyam (Batangas) > maalinsangan-mabanas (Cavite)> nilalagnat-agurigor (Ilocos) > dingding-ringring (Morong) > kaligayahan-kalipay (Cebu) b. Kolokyal. Ito ay mga salitang ginagamit sa mga pagkaka- taong impormal, halimbawa sa pakikipagusap sa taha-nan, kaibigan at paaralan. May kagaspangan ang mga salitang ginagamit ngunit magawang repinahin ng nagsa-salita. Hindi pinapansin ang wastong gamit ng gramatika bagamat hindi ito tinatanggap sa masining na paraan ng pagpapahayag. Kasama na rito ang pagpapaikli ng isa o dalawa o higit pang titik sa salita. Hal.1. I take vitamins pero payat pa rin ako. 2. Nas’an, Pa’no?, sa’kin, kelan 3. Feel na feel ko ang sariwang hangin. 4. Meron ka bang dala? c. Balbal, barbarismo o panlansangan. Ito’y katumbas ng slang sa Ingles.Hindi ito sumusunod sa wastong gramatika at malimit ay maririnig sa mga lansangan at sinasalita ng mga di’ nakapag- aral. Nagkakaroon ng sariling “codes”, mababa ang antas na ito; ikalawa sa antas bulgar. Hal. 1. Dyahi ako sa syota ko kasi di ako nakasipot sa tipar ng ermats nya. 2. Nasa haybol ba ang waswit mo? 3. Chicks ( dalagang bata pa )

Orange ( biente pesos ) Pinoy ( Pilipino ) Karaniwang Paraan at Proseso ng Pagbuo ng mga Salitang Balbal: 1. Paghango sa mga salitang katutubo: gurang ( matanda ) bayot (bakla ) barat ( kuripot ) 2. Panghihiram sa mga wikang banyaga: epek ( effect ) futbol ( naalis, natalsik) tong ( wheels) 3. Pagbibigay kahulugan ng salitang Tagalog: buwaya (crocodiles – greedy ) bata ( child – girlfriend ) durog ( powdered – high addiction) papa ( father – lover ) 4. Pagpapaikli - pakialam – paki, tiyak – tyak 5. Pagbabaliktad -

Buong salita - etneb – bente Papantig- dehin – hindi ngetpa – pangit tipar – parti

6. Paggamit ng Akronim -

G-get - naunawaan, US – under de saya

7. Pagpapalit ng pantig -

lagpak – palpak – bigo torpe – tyope – naduwag

8. Paghahalo ng salita -

Bow na lang ng bow mag-jr (joy riding) mag-gimik mag-MU

9. Paggamit ng bilang-

45 – pumutok 1433 – I love you too

50-50 –naghihingalo 10.Pagdaragdag-

puti – isputing kulong – kulongbisi

11. Kumbinasyon a.Pagbabaligtad at pagdaragdag - hiya – yahi – dyahi b.Pagpapaikli at pagdaragdag -

Pilipino - Pino – Pinoy , mestiso – tiso, tisoy

c.Pagpapaikli at pagbabaligtad -

pantalon – talon– lonta, sigarilyo– siyo– yosi

d.Panghihiram at pagpapaikli –

“security”- sikyo, “brain damage” – Brenda

e.Panghihiram at pagdaragdag -

“get” – gets/getsing, “cry” – crayola

F . TUNGKULIN O GAMPANIN NG WIKA Batay sa depinisyong ibinigay ng Komisyon sa Wika ng Filipino, masasabing ang wikang Filipino, ay ginagamit na instrumento ng mga mamamayang Pilipino sa kanilang pakikipagkomunikasyon. Sa pamamagitan ng wikang Filipino, nasasabi nila sa kanilang kausap ang tungkol sa mga bagay-bagay, upang isagawa ang mga ito o naipapangako nila sa kausap na isasagawa nila ang isang aksyon sa hinaharap, atbp Ang lahat ng ito ay tinatawag na tungkulin o gampanin ng wika. Ito’y nangangahulugan na ang bawat pahayag sa wikang Filipino ay gumaganap ng isang tungkulin. Na sa tuwing nagsasalita ang isang tao, tinatangka niyang isagawa ang isa o mahigit pang bagay sa pamamagitan ng kanyang wika. . G. Si Halliday (1973) ay nagbigay ng pitong kategorya ng mga gampaning pangwika.

1. Instrumental (Instrumental). (Gusto ko) na nagsasaad ng hanga- ring mabigyang kasiyahan ang pangangailangang materyal ng nagsasalita.  “Pahingi naman ako ng pansit mo.”  “Gusto ko iyang kinakain mo.” 2. Regulatori (Regulatory). (Gawin mo ang sinasabi ko). Ito’y ginagamit upang kontrolin ang gawi o kilos ng ibang tao tulad ng pag-uutos, pakikiusap at pagmumungkahi.  “Ihanda ang inyong mga takdang-aralin.”  “Pakisara ang pinto.”  “Makabubuting sundin mo ang sinasabi ng nanay mo.” 3. Interaksyonal (Interactional). Ito ay mga pahayag na nagpapanatili ng relasyong sosyal, tulad ng mga pormularyong panlipunan, pangungumusta at pagpapalitan ng biro.  “Magandang umaga.”  “Kumusta kayong lahat diyan.” 4. Hyuristik (Heuristic). Ginagamit ito sa pagtuklas ng mga bagaybagay na nakapaligid sa nagsasalita o sa pagtatamo ng mga datos,kaalaman at impormasyon.

 “Kailan ipinanganak si Dr. Jose Rizal?”  “Ano bang ginagawa mo? 5. Personal (Narito ako). Ito ay ginagamit sa pagpapahayag ng personal na damdamin o opinyon.

 “Wala nang magandang kinabukasan ang susunod na salinlahi dahil sa pangungurakot ng mga taong nasa gobyerno.”  “Hindi tayo uunlad kung hindi natin tutulungan ang ating sarili. 6. Imahinatib (Imaginative).(magkunwari tayo). Ginagamit ito sa pagkukunwari, pagsasadula,paglikha o pagpapahayag ng mga artistikong kaisipan. Karaniwang ginagamit sa mga akdang pampanitikan.

 “Para kang nakakita ng multo,” bulong ni Liza sa kanyang kaibigan nang makitang papalapit sa kanila ang isang guwapong binata.”  “Simbagal ng pagong kung kumilos si Ana Marie. 7. Impormatib (Informative). (May sasabihin ako sa iyo) na ginagamit sa pagbibigay ng mga impormasyon, tulad sa paguulat, pagpapahayag, pagsasaysay at iba pa.

 “Maraming namatay sa China dahil sa malakas na lindol.”  “Inilikas na sa mas mataas na lugar ang mga naapektuhan ng baha.” Sa “Explorations in the Functions of Languge” ni M.A.K. Halliday (1973) binigyang-diin niya ang pagkakategorya sa wika batay sa mga tungkuling ginagampanan nito sa ating buhay. Ang pitong “Tungkulin ng Wika” ay inilarawan sa talahanayan sa ibaba at binigyan ng mga halim-bawang madalas gamitin sa pasalita at pasulat na paraan. Tungkuling Pangwika 1. Panginteraksyunal 2. Panginstrumental 3.Panregulatori 4. Pampersonal 5. Pangimahinasyon 6. Panghyuristiko

Katangian

Halimbawa Pasalita Pasulat Nakapagpapanatili, Pormularyong Lihamnakapagpapatatag ng panlipunan, pangkaibigan relasyon pangungumusta, pagpapalitan ng biro. Tumutugon sa mga Pakikiusap, Pag-uutos Lihampangangailangan pangangalakal Kumokontrol/gumagabay Pagbibigay direksyon, Panuto sa kilos o asal ng iba paalala o babala Nakapagpapahayag ng Pormal o di-pormal na Liham sa sariling damdamin o talakayan patnugot opinyon Nakapagpapahayag ng pagsasalaysay, Akdang imahinasyon sa paglalarawan pampanitikan malikhaing paraan Naghahanap ng mga Pagtatanong o Sarbey, impormasyon o datos pakikipanayam pananaliksik

7. Pangimpormatib

Nagbibigay ng mga impormasyon o datos

Pag-uulat o pagtuturo

Ulat,Pamanahong papel

H. BARAYTI AT BARYASYON NG WIKA Ayon kay Constantino (2009) nahahati sa dalawang dimensyon ang baryabilidad o pagkakaiba ng wika 1. Heograpiko –ay nagpapaliwanag ng pagkakaiba-iba ng wika dahil sa kalat-kalat na lokasyon ng taga- pagsalita ng isang wika. Mula rito nadebelop ang barayti ng pangwika. 2. Sosyo-ekonomiko – ay nagkakaroon ng pagkakaiba-iba ang wika dahil sa iba- ibang estado ng tao sa lipunan.Kung kaya nagkaroon ng wikang bakla,elit masa at iba pa. Ayon naman kay Alonzo, ang barayti ng wika ay may dalawang malaking uri: 1. Permanenteng barayti ay binubuo ng: a. Idyolek- ay katangian o gamit ng wika na kakaiba sa isang indibidwal. Nagpapakilala ng kakayahan ng nagsasalita bunga ng kaalaman, karanasan o pag-aaral, paraan ng pagsasalita o uri ng wikang ginagamit, timbre ng boses, kwalite ng boses o paboritong ekspresyon ng nagsasalita. b. Dayalek – paggamit ng wika batay sa lugar, panahon at kaanyuan sa buhay. Ang paraan ng pagsasalita rito ay bumabatay sa kan- yang estado o grupong kinabibilangan. Ang baryasyon ay dayalekto na tumutukoy sa tunog o punto, pagkakaiba ng salita at paraan ng pagsasalita. Ito ang wikang ginagamit sa tahanan ng isang pamilya, ang wikang ginagamit sa limitadong pook o pamayanan.  Istandard na Dayalekto – Ang wikang ginagamit ay katanggaptanggap sa lahat ng antas ng lipunan sa mga pormal na usapan, sa paaralan, unibersidad, pamamahayag o “broadcast” o ng

anumang pagpupulong.  Dayalektong Pampook – Ang mga salita ay nagkakaiba-iba dahil sa pook na pinagmulan. Hal. Batangas Bulakan mabanas mainit malibog marumi amargoso ampalaya  Dayalektong Pamanahon – Ang wika ay nababago sa paglipas ng panahon. Hal. pinipintuho minamahal kaisang-dibdib mag-asawa marikit iniibig  Dayalektong Sosyal o Panlipunan -nakikita rito ang mga salita na ginagamit sa iba’t ibang antas ng buhay. Hal. may hika, asthma- may allergy sasakyan-wheels mahina ang isip o matalino- special child tunog o musika-sounds 2. Pansamantalang barayti- ay tumutukoy sa kagyat na sitwasyon ng pahayag. Bahagi nito ang mga sumusunod: a. Estilo o Rejister – Ang baryasyon sa register ay tumutukoy sa ispesipikong salitang ginagamit ayon sa hiningi ng sitwasyon at pagkakataon, tulad halimbawa. ng siyentipikong rejister, relihiyusong rejister o rejister ng magsasaka. b. Moda – ay yaong barayting kaugnay sa midyum na

ginagamit,maaring pasalita o pasulat I. REJISTER NG WIKA Nagkakaroon ng pagbabago ang wika sa taong nagsasalita o gumagamit ng wika. Kung sino ang kausap o tagapakinig, anong paksa ang pinag-uusapan at paraan o paano nag-uusap. a. Paraan o paano nag- uusap – usapang pasalita o usapang pasulat.  Usapang Pasulat- mas pormal ang mga salita - sumusunod sa mekaniks ng pagsulat - gumagamit ng bantas sa pagsulat  Usapang Pasalita – maaring nangangatuwiran may pagkamagalang, nagliligawan, nag- aaway,balita,showbiz b. Paksang pinag-uusapan – Ang mga salita ay batay sa larangan na tinatalakay o pinag-uusapan. Hal. Kung ang pinag- uusapan ay tungkol sa iba’t ibang larangan gaya ng elektroniks, panitikan, pagpipinta at iba pa. c. Tuno ng kausap – nagbabago ang wikang ginagamit depende sa kausap. Nagkakaroon ng pagbabago kung ama o anak, magkaibigan, propesor sa estudyante, magkasintahan, pangulo ng kompanya at empleyado.

YUNIT 2: KOMUNIKASYON Ang salitang komunikasyon ay galing sa salitang-ugat na talastas na ang ibig sabihin ay alam at sa kabilaang panlaping/an na ang tinutukoy ay paraan ng pagsasagawa nang hindi isahan kundi dalawahan o maramihan sapagkat dapat ay may magkabilang panig na nasasangkot:isang nagsasalita at isang nakikinig. Ayon naman sa isang sikologo, “Ang komunikasyon ay napiling pagtugon ng

organismo sa anumang bagay na nangangailangan ng pagkilos o reaksyon,” Samakatuwid, ang komunikasyon ay isang paraan ng pakikitungo ng tao sa kanyang kapwa; ito’y kailangan sa kanyang pakikihalubilo sa mga tao sa lipunan at isang paraan ng pakikibagay sa kanyang kapaligiran. Ayon naman kay Greene at Petty sa kanilang aklat na “Developing Language Skills”, ang komunikasyon ay isang konsyus na paggamit sa anumang uri ng simbolong tunog o anumang uri ng simbolo upang makapagdadala ng katotohanan, ideya, damdamin o emosyon mula sa isang indibidwal tungo sa iba. B. URI NG KOMUNIKASYON Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay maaring berbal o di-berbal. 1. Komunikasyon Intrapersonal. Antas ng komunikasyon na walang iba kundi ang pakikipag-usap ng tao sa kanyang sarili. Ito ay komunikasyong pansarili. Ito ay tumutukoy sa proseso ng komunikasyong nagaganap sa sariling katuunan. Halimbawa nito ay ang pag-aalala, pagdama at pag-iisip. Ito ang pinakabatayan ng komunikasyon. 2. Komunikasyong Interpersonal. Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawang tao o maliit na pangkat. 3. Komunikasyong Pampubliko. Ang komunikasyong pampubliko ay hindi lamang pagtatalumpati o pagsasalita sa harap ng madla, bagkos saklaw nito ang relasyong pampubliko,komunikasyong pampulitika at pagpapatatag ng samahan. 4. Komunikasyong Pang-midya. Ito ang antas ng komunikasyon kung ang pinagmulan ng mensahe ay gumagamit ng mga kagamitang pang-midya tulad ng pelikula, radio, telebisyon at mga peryodiko.

C. MGA ELEMENTONG NAKAAPEKTO SA PROSESO NG KOMUNIKASYON 1. Ang Mensahe. Ang mensahe ay naiimpluwensyahan ng layunin, kaalaman, kakayahan, pag-uugali, persepsyon at kredibilidad ng nagpapadala ng mensahe. May dalawang aspekto ng mensahe, ang mensaheng pangnilalaman at ang mensaheng di-berbal. 2. Ang tsanel ng Mensahe. May dalawang kategorya ng mga tsanel ng mensahe, una, daluyang sensori o tuwirang paggamit ng paningin, pandinig, pang-amoy, panlasa at pandama at ang daluyang institusyonal. Halimbawa ng daluyang institusyonal ay sulat, telegrama, telepono, e-mail, fax machine, cellular phone, chat room at iba pa. 3. Tagatanggap ng mensahe. Siya ang tumatanggap ng mensahe. Siya ang nagbibigay pakahulugan sa mensaheng natatanggap. Ang kanyang pakahulugan sa mensaheng natanggap ay maaaring maapektuhan ng kanyang layunin, kaalaman,kakayahan,pag-uugali, pananaw at kredibilidad. 4. Ang Fidbak. Ito ay nauuri sa tatlo.  tuwirang tugon.; -------Sinabi ng guro,” Tama ang iyong sagot  di-tuwirang-tugon; ---------Ngumiti ang guro sa iyong sagot.  naantalang tugon.------Mataas ang marka na ibinigay ng guro sa iyo sa katapusan ng semester. D. MGA POTENSYAL NA SAGABAL SA KOMUNIKASYON Ito ay may apat na uri.  Semantikong sagabal.( mga salitang may dalawa o higit pang kahulugan).

 Pisikal na sagabal. (ingay sa paligid, distraksyong biswal).  Pisyolohikal na sagabal. (kapansanan sa paningin, pandinig at pagsasalita) at,  Saykolohikal na sagabal. (mga bagay sa isipan) E. ANG MGA SANGKAP NG KOMUNIKASYON Ayon kay Aristotle ay may tatlong sangkap ang komunikasyon: ang nagsasalita , ang sinasabi at ang nakikinig. Ang kina Claude Shannon at Weaver naman , hindi lamang tuwirang pag-uusap ng tao ang kanilang binabanggit kundi ang ginagamit ng pahatid-kawad. Ayon sa kanila, Lima ang sangkap ng komunikasyon: 1. Pinanggalingan 2. Tagapaghatid (transmitter) 3. Senyas o kodigo 4. Tagatanggap ng pahatid (receiver) 5. Destinasyon Si Wilbur Schramm ay nagsabing tatlo ang pinakahalagang salik ng komunikasyon: ang pinanggalingan, mensahe, at destinasyon. Ang pinanggalingan ay maaaring ang taong nagsasalita, sumusulat, gumuguhit, kumukumpas o organisasyong pangkomunikasyon na gaya ng palimbangan, estasyon ng telebisyon o tanghalan. Ang mensahe ay maaaring nasa porma ng tinta sa papel, usok buhat sa siga (India), tunog na dala ng hangin, kumpas ng kamay, bandilang iwinawagayway o senyas na may dalawang kahulugan. Ang destinasyon ay maaaring ang taong nakikinig, nanonood, nagbabasa o miyembro ng pangkat; halimbawa’y pangkat na nagtatalakayan,nagsisipagpanayaw, nanonood ng basketbol, nagbabasa ng pahayagan o nanonood ng telebisyon. F. BERBAL AT DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON

Ang wika ay kailangan ng berbal na komunIkasyon samantalang ang di-berbal na komunikasyon ay hindi nangangailangan ng paggamit ng wika. Kinakailangan lamang sa di – berbal na komunikasyon ang paggamit ng sensori: paningin, pangamoy, panlasa at pandama. 1. MGA KAHALAGAHAN NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON a. Inilalantad nito ang kalagayang emosyonal ng isang tao. b. Nililinaw nito ang kahulugan ng isang mensahe . c. Pinananatili nito ang interaksyong resiprokal ng tagapagpadala at tagatanggap ng mensahe. 2. IBA’T IBANG ANYO NG DI-BERBAL NA KOMUNIKASYON a. Oras – Ang tamang paggamit ng oras ay maaring kaakibatan ng mensahe. Ang pagdating nang huli sa “Commencement Exercises” ng unibersidad ay maaaring maipakahulugan ng kakulangan sa disipina. Samantala, ang pagdating ng maaga sa isang piging o handaan ay maaring mainsulto o mataranta ang maghahanda ng salu-salo. b. Espasyo – Ang espasyong inilalagay ng tao sa sarili at sa kausap ay may kahulugang “intimate”, personal o pablik. Ganoon din sa kaayusan ng mga bagay-bagay sa isang lugar. c. Katawan- Ang “body language” ay may kahulugan din. Ito ay tumutukoy sa mabilis na pagkilos, maaaring nagmamadali, kamot ng ulo,hindi sigurado o hindi alam, pagkibitbalikat, padabog na pagsara ng pinto at iba pa. . d. Pandama – Ito ay tumutukoy sa paggamit ng “sense of touch” sa paghahatid ng mensahe. Halimbawa: Paghaplos, pagyakap o pagkalong ng ina sa kanyang sanggol,paghawak ng kamay ng nag-

iibigan, pagtapik sa balikat at iba pa. e. Simbolo – ito ay tumutukoy sa mga simbolo o “icons” na may malinaw na mensahe. f. Kulay – Ang kulay na nakikita sa ating paligid ay maaari ring magpahiwatig ng damdamin o oryentasyon.  Itim – kalungkutan  Berde – buhay, pag-asa, makakalikasan  Pula – pakikibaka  Ilaw - trapiko g. Para-Language – Ito ay tumutukoy sa paraan ng pagbigkas sa isang salita h. Ekspresyon ng mukha – Nakikita o nababasa sa mukha kung ano ang gustong ipahayag ng isang indibidwal: kung gusto, ayaw, masaya, nalulungkot, nababahala, nagugulat, nasasaktan at iba pa. i. Mata – May kasabihan na ang mata ang bintana ng iyong kaluluwa. Kung ano ang nararamdaman ng isang tao ay nakikita sa kanyang mga mata. (umiibig, nagsasabi ng totoo, nagaalala at iba pa). j. Awit o Musika – Naghahatid ng damdaming masaya, malungkot o masigla. Ang hindi masabi ng bibig ay daanin na lang sa awit o himig. Maliban sa nagpapakilala ng bansang pinagmulan maaari ring nagpapahayag ng kasaysayan ng bansa. k. Pananamit – nagpapakilala ng lahi o tribung pinagmulan, panahon at kasaysayan, nagpapakilala rin ng antas ng buhay, uri ng hanapbuhay, edad ng tao, pook na kinalalagyan. l. Tunog – ang busina ng sasakyan maaaring may makikiraan, may kilalang tao o mahalagang tao na darating, ambu-

lansya,bumbero o pulis na may hinuhuling salarin,kampana – masaya,piyesta, binyag at iba pa. m. Sayaw – nagpapahayag ng panahon, lahi, tribu o kasaysayan ng bansa. n. Bandila – simbolo ng bansang malaya. o.

Kumpas ng kamay – konduktor ng musika kung malakas, mahina o mataas ang tunog. Maaari rin na nagpapatahimik sa mga estudyante, nagtatawag,nagpapabilis ng

kilos o ginagamit sa talumpati. p. Kulay ng balat – nagsasabi ng lahing pinagmulan. Kayumaggi – Pilipino Puti – Amerikano Itim – Aprikano q. Pagkain – pinakbet – Ilokano, Laing –Bikol, Spaghetti – Italyano r. Bulaklak – nagpapahayag ng pagmamahal, pag-aalala, paghanga, pagbati,pakikiramay, paumanhin at iba pa. s. Senyas – ginagamit ng mga repere ng basketbol at sa lahat ng iba’t ibang laro.Ginagamit din ito ng mga pipi at bingi.

YUNIT 3: MGA KONSEPTONG PANDISKURSO A. KAHULUGAN NG DISKURSO Ang diskurso, mula sa salitang Ingles Medya na discourse na galing naman sa salitang Latin na discursus na nangangahulugang diskusyon o argumento , o kaya’y kumbersasyon, isang berbal na pagpapalitan ng ideya na pwede sa mga sosyalang pampamilyaridad o kaya’y sa isang pormal at maayos na karaniwang humahabang pagpapahayagan ng kaisipan hinggil sa kung anong paksa, na maaaring pasalita o pasulat.

B. URI NG DISKURSO a. Istruktural ay isang partikular na yunit ng lenggwahe/wika.Kaugnay na suliranin ay ang paraan ng pagsasalita ng mga tao na kadalasan ay hindi nauuring isang pangungusap o may tamang kayarian at hindi sumusunod sa mga tuntunin ng balana. b. Pangsyunal – ay may tiyak na pokus sa gamit ng wika kung saan maaari itong humantong sa lalong malawak o pangkalahatang pagsusuri sa pangsyon ng wika. Ang diskurso ay karaniwang tumutukoy sa sinasalita at isinusulat na komunikasyon. Halimbawa, malawak na sinasalitang interaksyon sa araw-araw > Nagtataglay ng sariling pormula at mga kumbensyong sinusunod. > Iba’t ibang paraan ng pagbubukas at pagsasara ng salitaan. C. TEKSTO AT KONTEKSTO Aspekto ng proseso sa pag-unawa ng diskurso ang teksto at konteksto .Ang Teksto - ang wika ay pangsyunal dahil ipinahahayag ito alinman sa pasalita o pasulat na paraan.Isa itong semantikong yunit na makabuluhan na nililikha ayon sa dalawang pananaw , bilang produkto at proseso. Produkto dahil resulta ng pagpapahayag na maaaring itala at pag-aralan sapagkat may anyo itong maparaang nairepresenta sa mga salita. Samantala, proseso dahil patuloy na isinasagawa sa mapamiling paraan ng pagpapakahulugan, samakatuwid, dinamiko

itong nagpapa- hayag ng potensyal na interpretasyon kung titingnan nang lubusan sa mga salita at istruktura. Halimbawa: ekspresyon ng mukha, galaw o kilos ng katawan, tono ng pananalita o kahit ang pagpili ng koda o ang paggamit ng leksikal na mga ekspresyon. Dapat isaalang-alang ang mga norms at panununtunan na sinusunod ng tao kung sila ay gumagawa ng teksto. Karamihan sa mga teksto ay naglalantad ng mga pag-uugnay mula sa isa patungo sa iba’t ibang anyo ng gramatika gaya ng promina-lisasyon, ellipsis (tawag sa nawawalang elemento ng pahayag. Hal. Masaya sana……pero hindi tayo nagkita.) at mga pangatnig sa iba’t ibang uri at iba pang kaalamang pambalarila. Ang Konteksto naman ,pinag-angkop na panlaping Ingles na “con”,ibig sabihin kasama: at teksto,salita o termino,na kasama ng teksto ang kahulugan sa kabuuan. D. TATLONG KONSEPTO SA PAGPAPAKAHULUGAN NG TEKSTO 1. Ang larangan ng diskurso na walang iba kundi ang pangyayari,ang sosyal na aksyong nagaganap,ang pinagkaabalahan ng mga taong nasasangkot sa diskurso kung saan pangunahing ginagamit ang wika. 2. Ang tenor ng Diskurso,ang mga kasangkot sa pag-uusap,ang kanilang papel na ginagampanan at ang kanilang relasyon sa isa’t isa. 3. Modo ng diskurso,ang gamit ng wika ang inaasahan nila dito, kabilang na ang stanel sa pagsasagawa nito,gayundin ang mga paraan ng kanilang pagsasaretorika nito: pasalaysay,pahikayat, palahad,paargumento, paturo ,pautos atb.

YUNIT 4 – KAYARIAN NG WIKANG FILIPINO A. PONOLOHYANG FILIPINO

Tulad ng mga ibang wika sa daigdig, ang Filipino ay binubuo rin ng mga tunog. Ang mga tunog na ito ay nalilikha sa pamamagitan ng mga sangkap ng pananalita, tulad ng mga labi, ngipin, dila, guwang ng ilong, ngalangala, paringhe, laringhe at mga babagtingang pantig. Ang isang makabuluhang tunog sa wikang Filipino ay tinatawag na ponema. May 21 ponema sa wikang Filipino na hinati sa dalawang kategorya: Mga Patinig : Mga Katinig :

/i/, /e/, /a/, /o/, /u/ /p/, /t/, /k/, /?/, /b/ /d/, /g/, /m/, /n/, /ng /, /s/,/h/, /l/, /r/, /w/, /y/

B. ANG MGA PONEMANG PATINIG May 5 ponemang patinig sa wikang Filipino. Ang mga ito ay isinaayos sa tsart batay sa kung aling bahagi ng dila ang gumagana sa pagbigkas ng mga ito, na maaring bahaging unahan, sentral o likod, at kung ano ang posisyon ng mga bahaging ito ng dila sa pagbigkas, na maaari namang mataas, gitna o mababa. Tunghayan ang tsart ng mga patinig sa ibaba.

Mataas Gitna Mababa

Harap i e

Sentral

Likod u o

a

C. ANG MGA DIPTONGGO Kapag ang mga patinig sa Filipino ay sinusundan ng malapatinig na /w/ o /y/, nabubuo ng tinatawag na diptonggo. Ang mga ito ay dapat na makasama sa iisang pantig, tulad ng “iw” sa salitang “baliw”. Makikita naman sa sumusunod na tsart ang mga diptonggo sa wikang Filipino. Mga Diptonggo sa Filipino

Mataas Gitna Mababa Hal.

aruy kami’y beywang

Harap iw, iy ew,ey

Sentral

Likod uw, uy ow, oy

aw, ay nanay kasoy kalabaw

daloy buhay baliw

palay dalaw saliw

D. ANG MGA PONEMANG KATINIG Mayroong namang 16 na katinig sa wikang Filipino na isinaayos ayon sa punto at paraan ng artikulasyon at kung ang mga ito ay binibigkas nang may tunog (m.t) o walang tunog (w.t). Inilalarawan ng punto ng artikulasyon kung saang bahagi ng bibig nagaganap ang saglit o pag-antala sa pagpapalabas sa hangin sa pagbigkas ng katinig. May Limang Punto ng Artikulasyon na Naglalarawan sa mga Katinig sa Filipino, gaya ng: 1. Panlabi - ang ibabang labi ay dumudiit sa labing itaas, /p, b, m/; 2. Pangngipin - ang dulo ng dila ay dumidikit sa mga ngiping itaas, /t, d, n/ 3. Panggilagid - ang ibabaw ng dulong dila ay lumalapat o dumidiit sa punong gilagid, /s, l, r/ 4. Pangalangala (velar) - ang ibabaw ng punong dila ay dumidiit sa malambot na ngalangala (velum), /k,g,ng/ at 5. Glottal -kung saan ang mga babagtingang pantinig ay nagdidiit o naglalapit at hinaharang ang presyon ng papalabas na hininga upang lumikha ng impit o pasutsot na tunog, (?,h).

Sa kabilang dako inilalarawan naman ng paraan ng artikulasyon kung papaanong gumagana ang mga ginagamit na sangkap ng pananalita at kung papaanong ang hininga ay lumalabas sa bibig o sa ilong sa pagbigkas ng alinman sa mga ponemang katinig. Mayroon namang anim Artikulasyon, gaya ng:

na

Kategorya

ng

Paraan

ng

1. Pasara - kung saan ang daanan ng hangin ay harang na harang, /p,t,k,?,b,d,g/; 2. Pailong - ang hangin ay nahaharang dahil sa pagtikom ng mga labi, pagtukod ng dulong dila sa itaas ng mga ngipin, o sa pagbaba ng malambot na ngalangala kaya ang hangin ay lumalabas sa ilong, /m,n,ng/ ; 3. Pasutsot - kung saan ang papalabas na hangin ay sa pagitan ng dila at ngalangala o ng mga babagtingang pantinig, /s,h /; 4. Pagilid - ang hangin ay lumalabas sa gilid ng dila dahil ang dulo ng dila ay nakadiit sa punong gilagid, /l/; 5. Pakatal dahil sa hangin nakaarkong dila , /r/ ;

ay paulit-ulit ang pagpalag ng

6. Malapatinig - kung saan nagkakaroon ng pagbabago ang galaw ng bibig o dila mula sa isang pusisyon patungo sa ibang pusisyon /w,y/.Kapag binigkas ang /w/nagkaroon ng bagbabago ang pusisyon ng mga labi mula sa puntong panlabi- papasok. Kapag binigkas naman ang /y/, ang posisyon ng mga labi ay papalabas sa halip na papasok. Makikita sa ibaba ang tsart ng mga ponemang katinig sa wikang Filipino. Mga Ponemang Katinig ng Filipino

Paraan ng Artikulasyon

Panlabi

Pasara w.t m.t Pailong m.t Pasutsot w.t Pagilid m.t Pakatal m.t Malapatinig m.t

Punto ng Artikulasyon Pangngipin Panggilagid Pangalangala Glottal Pakatal Velar

p b

t d

m

n

k g ŋ (ng)

?

s

h

l r y

w

E. ANG MGA KLASTER NG FILIPINO Ang mga klaster ay tinatawag ding kambal-katinig. Nagkakaroon ng klaster sa Filipino dahil sa impluwensya ng mga salitang hiram sa wikang Ingles. Ang mga klaster ay magkasunod na magkaibang katinig sa isang pantig na maaaring matagpuan sa pusisyong inisyal o pusisyong pinal ng pantig. Mga klaster sa pusisyong inisyal sa pantig ng salita.

/p/ /t/ /k/ /b/ /d/ /g/ /m/ /n/ /l/ /r/ /s/ /h/

/w/ pwede twalya kweba bwaya dwende gwantes mwebles nwebe lwalhati rweda swabe hwebes

/y/ pyano tyanak kyosko byahe dyaryo gyera myentras nyebe lyabe ryan syarap hya

/r/ prito trato krus braso drakula grado

/l/ plantsa

/s/ tsinelas

klase blusa glorya

Mga Klaster sa Pusisyong Pinal sa Pantig ng Salita /p/ /w/ /y/ /r/ /l/ /s/ /n/ /k/

/t/ /k/ /b/ /d/ /m/ iskawt istrayp plaslayt bayk drayb reyd geym apartment park kard balb desk absent

/n/ /l/ dawntawn pawl syayn barganseyl patern

/s/ blaws beys nars dimpols alawans relaks

F. MGA PARES MINIMAL Ito’y mga pares ng salita na magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema na siyang ipinagkaiba ng kanilang kahulugan. Mga halimbawa: /p/ at /b/ palo - pole destroyed balo - widow

/s/ at /h/ silo - loop hilo - dizziness

/w/ at /y/ wasak yasak - tramping

G. MGA PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN May mga ponema sa Filipino na malayang nagpapalitan. Ang mga ponemang ito ay magkaiba na matatagpuan sa katulad na pusisyon ngunit hindi nakapagbabago sa kahulugan ng mga salita. Samakatuwid, magkaiba man ng dalawang ponema sa dalawang salita, magkatulad pa rin ang taglay nilang kahulugan. Narito ang ilang halimbawa. Ang mga ponemang may mga salungguhit ay malayang nagpapalitan ngunit hindi nila naaapektuhan ang kahulugan ng mga salita. lalaki o lalake babae o babai bibe o bibi daw o raw

tutuo o nuon o rin o

totoo noon din

H. MGA PONEMANG SUPRASEGMENTAL Sa wikang Filipino, may apat na uri ng ponemang suprasegmental; ang tuno , haba , diin at antala 1 Ang tono ay tumutukoy sa taas-baba ng pagbigkas ng pantig ng salita.Nakakatulong ito sa mas mabisang pakikipag-usap sa kapwa dahil nililinaw nito ang mensaheng nais iparating sa kanya ng nagsasalita. May 3 antas ng tono: mababa, katamtaman,at mataas. Pansinin ang mga halimbawa sa ibaba: 3 na

3 ni

2 ka

2) ka 1 ni

1 na

Sa unang halimbawa, ang nagsasalita ay nagtatanong o nagdududa at humihingi ng kasagutan mula sa kausap. Sa ikalawang halimbawa naman, ang nagsasalita ay nagsasalaysay.

2. Ang haba ay tumutukoy sa haba ng bigkas ng pantig ng salita habang ang diin ay tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa pantig ng salita. Kapag isinulat ang salita, ginagamit ang tuldok [.] sa pagpapakilala ng haba ng pagbigkas sa patinig na pinal ang bigkas. Ang haba at lakas ng diin sa pagbigkas ng pantig ay nakakapagpabago sa kahulugan ng salita.Tunghayan ang mga halimbawa sa ibaba: /magnana. kaw/ /magna.na.kaw/ /mag.nakaw/ “will robbing” /ba . ba?/ /baba?/

“thief o robber” “will steal o will rob” continue stealing” o” will “chin” “to go down”

continue

/aba. la/ /abala/

“disturbance” “busy”

3. Ang antala naman ay tumutukoy sa saglit na pagtigil sa pagsasalita,maging mas malinaw ang mensaheng inihahatid sa kausap. Pansinin ang pagkakaiba ng kahulugan ng mga sumusunod na pangungusap. a) Hindi, taga-Batac ang ama ni Linda. b) Hindi taga-Batac ang ama ni Linda. Ang unang pangungusap ay may antala pagkatapos ng salitang hindi na ipinakikilala ng kuwit. Ang antala sa pangungusap ay nagsasaad na ang ama ni Linda ay taga-Batac at hindi taga-ibang lugar. Sa ikalawang pangungusap, walang antala pagkatapos ng hindi ,kaya tuloy-tuloy ang pagbigkas ng buong pangungusap.Masasabi kung gayon na ang antala ay nagdudulot ng pagbabago sa kahulugan o mensahe ng pangungusap. I. PALABIGKASAN AT PALATULDIKAN Sa pag-aaral ng wikang Filipino, lubhang mahalagang matutunan ang iba’t ibang uri ng katangian nito. Natutunan natin na maraming salita sa wikang Filipino ang may iisang baybay ngunit nagbabago ang kahulugan sa pamamagitan ng paggamit ng tuldik.. 1. Ang iba’t ibang Uri ng Diin a. Diing malumay - >Ito’y binibigkas nang banayad, >ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa huli. >Ito’y walang tuldik at >maaring magtapos sa patinig o katinig Halimbawa: buhay, tunay, aso, kabundukan b. Diing malumi ->ito’y binibigkas din nang banayad, >ang diin ay nasa ikalawang pantig buhat sa huli >ito’y may impit sa huling pantig at >laging nagtatapos sa patinig. >Ito’y may tuldik na paiwa ( \ ) sa itaas ng huling

patinig. Halimbawa: pusò, bandilà, luhà, lagì c. Diing mabilis - >Ito’y binibigkas nang tuloy-tuloy at pabunto sa huling pantig. >Ito’y nagtatapos sa patinig o katinig at >nilalagyan ng tuldik na pahilis ( / ) sa itaas ng huling patinig. Halimbawa: asó, malusóg, bató, totoó d. Diing maragsa - >Ito rin ay binibigkas nang tuluy-tuloy hanggang sa huling pantig. >Ito’y may impit sa huling pantig at >laging nagtatapos sa patinig. Ito’y nilalagyan ng tuldik na pakupya ( ˆ ) sa ibabaw ng huling pantig. Halimbawa: dugô, maputî, napunô, ngitî YUNIT 5: ANG FILIPINO BILANG WIKANG PAMBANSA A. ANG KALIKASAN AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO 1. Ang mga Alpabeto at Ortograpiyang Filipino Ang ortograpiya ay tumutukoy sa paraan ng pagbibigay ng simbolo sa wikang pasalita kapag ito ay isinusulat. Kaya naman ang mga tunog o ponema ng wikang Filipino ay binibigyan ng katumbas na mga letra sa palabaybayan na tinatawag na alpabeto. Dumaan sa proseso ang pagkakabuo ng Alpabetong Filipino. Bago dumating ang mga mananakop sa ating bansa, mayroon nang ginagamit na paraan ng pagsulat ang ating mga ninuno na tinatawag na baybayin o alibata. Sa sistemang ito ang pagpapantig at pagbabaybay ay iisa. Nang dumating ang mga Kastila, ipinakilala ang sistema ng pagbabaybay na tinatawag na abecedario. Sa sistemang ito sinasabi munang isa-isa ang mga letra ng unang pantig at pagkatapos ay sasabihin na ang mga letra ng unang pantig at pagkatapos ay sasabihin na ang pantig. Halimbawa: / Be-a/ba;te-a / ta = bata.

Ipinakilala naman ni Lope K. Santos ang kanyang abakada noong panahon ng komonwelt. Ito ay binubuo ng 20 letra, 5 patinig at 15 katinig: A,B, K, D, E, G, H, I, L, M, N, NG, O, P, R, S, T, U, W, Y. Taong 1987 nang ipakilala ang tinatawag na Bagong Alpabetong Filipino batay sa Kautusang Pangkagawaran blg. 81, 1987 ng kagawaran ng Edukasyon Kultura at Isports. Isinasagawa ng Surian ng Wikang Pambansa (na ngayon ay Komisyon ng Wikang Filipino) upang umayon sa itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 tungkol sa patuloy na pagpapayabong at pagpapayaman ng Filipino bilang wikang pambansa. Ayon sa kautusang ito, ang alpabetong Filipino ay binubuo ng 28 letra na ang ayos at basa ay ganito (Santiago at Tiangco, 2003): A /ey/

B /bi/

C /si/

D /di/

E /i/

F /ef/

G /dzi/

H /eyts/

I /ay/

J /dzey/

K /key/

L /el/

M /em/

N /en/

Ñ /enye/

NG /endzi/

O /o/

P /pi/

Q /kyu/

R /ar/

S /es/

T

U

V

X

Y

Z

/ti/

/yu/

/vi/

W /dobol yu/

/eks/

/way/

/zi/

Sa 28 letrang alpabeto ang letrang orihinal na abakada: A,B,K,D,G,H,I,L,M,NG,O,P,R,S,T,U,W,Y ay ginagamit sa mga karaniwang salitang tinatanggap o nagsimula na sa bokabulayo o talasalitaan ng wikang pambansa. Halimbawa: Banyo (baño), trak (truck), bintana (ventana), nars (nurse) Ang pagbasa sa mga letra ng alpabetong Filipino ay ayon sa bigkas-Ingles maliban sa ñ (enye)na tawag-Kastila.

B. GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG PAMBANSA (Komisyon sa Wikang Filipino , Mayo 20, 2008) Ang gabay sa ortograpiyang Filipino ay binubuo ng mga kalakaran kung paano sumusulat ang mga Pilipino sa kanilang wikang pambansa. Inilalahad sa ortograpiyang ito ang istandardisadong mga grapema ( o pasulat na mga simbolo) at mga tuntunin sa paggamit at pagbigkas ng mga simbolong ito. 1. Mga grapema: Ang mga grapema sa praktikal na ortograpiya ng wikang pambansa ay binubuo ng: a. Letra. Ang serye ng mga letra ay tinatawag na alpabeto. Ito ay binubuo ng dalawampu’t walong (28) simbolo: b. Di-Letra, na maaaring buuin ng: (1).Gitling (-), at paiwa (`), na sumisimbolo sa impit na tunog . (2).Tudlik na pahilis ( /) na sumisimbolo sa diin at / o haba. (3).Bantas, gaya ng tuldok (.), patanong (?), pandamdam (!), kuwit (,),tuldokkuwit (;), tutuldok (:), at kudlit (‘). D. MGA TUNTUNING PANLAHAT SA PAGBABAYBAY 1. Pasalitang Pagbaybay Paletra ang pasalitang pagbaybay na ang ibig sabihin ay isaisang pagbigkas sa maayos na pagkakasunud-sunod ang mga letrang bumubuo sa isang salita,pantig,daglat,akronim,inisyal, simbolong pang-agham,atb. PASULAT

PABIGKAS

Salita-----boto Pantig----pan Akronim-----MERALCO

/bi-ow-ti-ow/ /pi-ey-en-ti- ay-dzi/ /em-i-ar-ey-el-si-ow/

Daglat-----Bb. Inisyal-----MLQ Simbolong Pang-agham----- Fe (iron)

/bi-bi/ /em-el-kyu/ /ef-i/

2. Pasulat na Pagbaybay a. Panatilihin ang orihinal na anyo ng mga salitang mula sa ibang katutubong wika sa Pilipinas. “vakul” (Ivatan)-panakip sa ulo na yari sa palmera na ginagamit bilang pananggalang sa ulan at init ng araw. “bananu”(Hudhud)-hagdan-hagdang palayan “cabalen” (Pampango)- kababayan b. Sa pagbaybay ng mga hiram na salita mula sa mga banyagang wika,panatilihin ang orihinal nitong anyo. “status quo” “bouquet” ”pizza pie” c. Sa pagbaybay ng mga salitang mula sa Español,baybayin ito ayon sa ABAKADA. “familia” pamilya “baño” banyo “cheque” tseke “maquina” makina d. Sa pag-uulit ng mga salitang –ugat na nagtatapos sa patinig na “e”, hindi ito pinapalitan ng letrang “i”.Kinakabitan ng “ng” ginagamitan ng gitling sa pagitan ng salitang-ugat. Berde/berdeng-berde karne/karneng-karne

kape/kapeng-kape

e. Kapag hinuhulapian ang huling pantig ng salitang-ugat na nagtatapos sa “e”,ito ay nagiging “i” at ang “o” ay “u”. korte – kortihan hinto – hintuan atake – atakihin balot – balutin f. Gayunpaman, may mga salitang nananatili ang “e” kahit hinuhulapian.

Sine-sinehan

bote-botehan

base -basehan

E. ANG PANTIG AT PALAPANTIGAN 1. Ang Pantig ay isang saltik ng dila o walang antalang bugso ng tinig sa pagbigkas ng salita.May isang patinig lamang sa bawat pantig. Halimbawa:

oras ulo ilaw

o-ras u-lo i-law

2. Kayarian ng Pantig Tinutukoy ang pantig ayon sa kayarian nito sa pamamagitan nang paggamit ng simbolo: K – para sa katinig at P – para sa patinig. Kayarian P KP PK KPK

Halimbawa i-log bu-nga us-bong bul-sa

Dahil sa panghihiram, nadagdagan ang kayarian ng pantig sa wikang pambansa. Ang mga hiram na pantig ay: KKP, KKPK, KKPKK at KPKKK. “trá - po” “plan - ta” “trans – por – tas - yón” “is - pôrts

(KKP-KP) (KKPK-KP) (KKPKK-KPK-KPK-KKPK) (PK-KPKKK)

3. Pagpapantig- ang pagpapantig ay paraan ng paghahati ng salita.Ito ay ibinabatay sa grapema o nakasulat na simbolo

a. Kapag may magkasunod na dalawa o higit pang patinig sa posisyong inisyal,midyal, at pinal ng salita,ito ay hiwalay na mga pantig. Halimbawa:

Salita aakyat totoo uuwi

Mga Pantig a-ak-yat to-to-o u-u-wi

b. Kapag may magkasunod na katinig sa loob ng isang salita,katutubo man o hiram,ang una ay kasama sa patinig na sinusundan at ang pangalawa ay sa kasunod na patinig. Halimbawa:

Salita

Mga Pantig

aklat bunso isda

ak-lat bun-so is-da

c. Kapag may tatlo o higit pang magkakaibang katinig na magka- sunod sa loob ng isang salita, ang unang dalawa ay kasama sa pantig na sinusundan at ang huli ay sa kasunod na patinig. Halimbawa:

Salita

Mga Pantig

eksperto transpormer transportasyon

eks-per-to trans-por-mer trans-por-tas-yon

d.Kapag ang una sa magkasunod na katinig ay m o n at ang kasunod na dalawa ay alinman sa bl,br, dr,pl, at tr,ang unang dalawa ay sa kasunod na patinig. Halimbawa:

Salita

Mga Pantig

alambre balandra templo

a-lam bre ba-lan-dra tem-plo

e.Kapag may apat na magkakasunod na katinig sa isang salita,ang unang dalawa katinig ay kasama sa patinig na sinusundan at ang huling

dalawa ay sa patinig na kasunod. Halimbawa:

Salita

Mga Pantig

ekstra ekslusibo ekstradisyon

eks-tra eks-klu-si-bo eks-tra-dis-yon

E. ANG PAGHIHIRAM Ang mga tuntunin sa panghihiram at pagbabaybay ng mga hiram na salita ay ang mga sumusunod: 1. Huwag pa ring manghiram, ihanap ng katumbas sa wikang pambansa ang konsepto. “rule” = “narrative” =

“tuntunin” hindi “rul” “salaysáy” hindi “nárativ”

2. Huwag manghiram, ihanap ng katumbas sa mga wikang lokal na wika ang konsepto. “tarsier” = “whale shark”=

máomag” “málmag” (Bol-anon) “butanding’(Bikol)

3. Kapag walang eksaktong katumbas, hiramin ang salita batay sa sumusunod na kalakaran: a. Kung wikang Espanyol ang pinaghiram, baybayin ang salita ayon sa ABAKADA. “cebollas” “componer” sikolohiya

> >

sibuyas “Socorro” > “kumpuni” “psicologia”

“saklolo” >

b. Kung wikang Ingles at iba pang wikang dayuhan ang pinaghiram, panatilihin ang orihinal na anyo. “daddy” “psychology”

“boyfriend” >

“psychology” hindi “saykoloji”

“sir”

c. Panatilihin ang orihinal na baybay ng mga salitang pantangi, panteknikal at pang-agham. “Manuel Luis Quezon” Ilocos Norte” “chlorophyll” “sodium chloride” d. Baybayin alinsunod sa ABAKADA ang mga hiram na salita na naiba ang bigkas at/ o kahulugan sa orihinal. “ stand by” > “ hole in” >

“istámbay” “up here” “holen” “caltex”

> >

“apir” “kaltek”

e. Gamitin ang baybay ng salitang hiram na matagal na o lagi nang ginagamit. “teleponó” hindi “teléfonó” “pamilya” hindi “familiá” o familya” “epektibo” hindi “efektibo” o “efectivo” f. Iwasan ang paggamit ng mga letrang wala sa ABAKADA sa pagbaybay ng mga hiram na salita. Ang istriktong ponetikong baybay ng mga salita, laluna sa wikang Ingles, ay nakikipagkumpetensiya sa orihinal na baybay. Maaaring pagkamalan itong maling ispeling. “ponolohiya” o “palatunúgan” “Uri ng wika” o“barayti ng wika” “pasalaysay”

hindi “fonóloji” hindi “varayti ng wika” hindi “narativ”

f. Sumunod sa opisyal na pagtutumbas “Repúbliká ng Pilipinas” Filipinas” “Agham panlipunan”

hindi

“Repúbliká

hindi “Sosyal-Sayans”

YUNIT 6:MGA MAKRONG KASANAYAN AT ISTRUKTURA NG WIKANG FILIPINO A. PAKIKINIG

ng

Ang pakikinig ay isang kasanayang unang dapat na matutunan bago pa man matutunan ang iba pang kasanayang pangwika.Pinakamalaki ang panahong ginugugol ng tao sa pakikinig kung ihahambing sa iba pang mga kasanayang ginagamit sa pakikipagtalastasan. Kahit hindi mo intensyon ang makinig ay nakapakikinig ka nang hindi sinasadya. Anuman ang iyong ginagawa maliban kung ikaw ay himbing, ay gumagana ang iyong pandinig. Maaari kang makinig habang nagluluto, naglalaba at nagmamaneho. May mga mag-aaral na nakapag-aaral habang nakikinig ng musika. Pinatutunayan sa mga pananaliksik na naisagawa na 45 % bahagdan ang oras na nailalaan ng isang tao sa pakikinig . Higit na malaki ito kung ihahambing sa iba pang mga kasanayan gaya ng pagsasalita, pagsulat at pagbasa. Ang pakikinig ay isang makrong kasanayang pangkomunikasyon na kinasasangkutan ng sensoring pandinig at pag-iisip. Sa pakikinig gumagana ang tainga at utak. Ang tainga ang tagatanggap ng tunog, ipinadadala agad ito ng mga “auditory nerves” sa utak. Lalapatan ng utak ang signal ng tugon na natanggap ng interpretasyon at kanya itong tatandaan. Sa pakikinig, naipamamalas ang paggalang at pagkakaunawaan. Nahuhubog din nito ang pasensiya at tiyaga. Nakikinig ang tao upang makakuha ng mahahalagang impormasyon, makapagbigay ng tamang tugon o makapagbigay ng reaksyon. Tandaan na mahirap matamo ang kasanayan sa mabisang pagsasalita kung wala ang kasanayan sa pakikinig. Ang isang magaling na tagapagsalita ay nararapat na isa ring mahusay na tagapakinig. Samakatwid, ang pakikinig ay napakahalaga sa pagtatamo ng mga karanasan, impormasyon, at pakikisalamuha sa kapwa. Kaya dapat malinang ang kasanayang ito upang makaangkop ang tao sa pang araw-araw na pangangailangan sa buhay. Ang pakikinig ay kumbinasyon ng pandinig, ng pagpapakahulugan at ng pag-aalaala. Ayon naman kay John Marshall, ang pakikinig ay isang makapangyarihang instrumento ng komunikasyon na nagsisislbing impluwensiya upang makapag-usap nang mabuti.

1. MGA ANTAS NG PAKIKINIG a. ”Appreciative” na pakikinig. Ito ay uri ng pakikinig upang maaliw. Halimbawa ay pakikinig sa radyo, “tapes”, konsyerto at tula. b.

Pakikinig sa Diskriminatori. Kritikal na pakikinig ito. Pakikinig upang makilala ang kaibahan o katangian ng tunog. Inuunawa at inaalala ng tagapakinig an impormasyong kanyang napakinggan. c.

Pakikinig ng Terapyutik. Pakikinig upang mabigyan ang isang tao ng kapanatagan sa sarili.

d. Komprehinsibong Pakikinig. Pakikinig upang maunawaan ang mensahe. e. Implayd na Pakikinig. Nakikinig upang matuklasan ang mga mensaheng nakatago sa likod ng salitang naririnig. f. Internal na Pakikinig. Pakikinig sa sarili. Inuunawa ng isang tagapakinig ang mga pribadong kaisipan at katanunungan. 2.MGA SALIK NA NAKAKABISA SA MABUTING PAKIKINIG

a. Oras-may mga taong nagtatakda ng oras sa pakikinig.May mga oras na ayaw nating makinig o kung tayo’y nagugutom na o inaantok. b. Tsanel-maipahahatid natin ang mensahe sa iba’t ibang paraan,maaari sa narinig,internet,fax,atbp. Ngunit hanggat maaari mabisa pa rin ang personal na paghahatid ng mensahe. c. Gulang-piliin ang mga salita o paksang ipararating sa kausap ayon sa kanyang gulang.Baka hindi makuha ang mensahe ng matanda sa bata o ang mensahe ng bata sa matanda. d. Konseptong pansarili-magiging mabisa ang pakikinig kung ang naghahatid ng mensahe ay katulad ng pag-iisip o paniniwala ng tumatanggap. e. Paksa- ang pinakikinggang paksa ay nagbibigay impormasyon at angkop sa antas ng tagapakinig.

ng

f. Tagatanggap-para sa tagatanggap ang tagapagsalita , dapat bihasa sa pagsasalita.Gumagamit ng kumbinasyong berbal at diberbal sa pagpapahayag ng opinyon o pagbibigay diin sa isang ideya.Kailangang mag -“adjust” ang tagapakinig depende sa kung ano ang tsanel na ginagamit niya.Ang konsepto sa sarili ng iba’t ibang tagapakinig ay nagkakaiba rin, kaya maaari ring magkaiba-iba ang pakahulugan nila sa mga tunog na naririnig.Ang edad ng mga tagapakinig ay iba- iba kaya isa rin ito sa mga batayan ng pagkakaiba-iba ng kasanayan sa pakikinig. 3.MGA URI NG TAGAPAKINIG Aplikabol ang karamihan sa mga uring ito sa mga pormal na kaligirang pangklasrum.

a. “Two-eared Listener”. Ang pinakamagaling at epektibong tagapakinig. Ginagamit niya ang kanyang tainga at isip. b. “Eager Beaver”. Ang uri ng tagapakinig na mapagkunwari. Ngiti nang ngiti o kaya’y tango nang tango habang may nagsasalita sa harapan.Makikita sa kanyang mga mata ang kawalan ng pokus kaya isang malaking tanong kung naiintindihan ba niya ang kanyang naririnig. c. “Bewildered”. Wala siyang alam o malay sa mga paksang naririnig.Masasapantaha ito sa pagkunot ng kanyang noo, pagsimangot at anyong pagtataka sa kanyang mukha. d. “Busy Bee” Isang kaptib na tagapakinig. Hindi nakikinig ngunit hindi naman makaalis lalo na kung nasa loob ng klasrum. Abala sa ibang gawain gaya ng pagsusulat, pagdo-drowing, pagmemake-up at iba pang gawaing walang kaugnayan sa pakikinig. e. “Sleeper” Tagapakinig na nauupo sa isang tahimik na sulok ng silid.Ipinipikit ang mga mata at unti-unting inihihilig ang ulo hanggang sa makatulog. f. “Frowner”. Siya ang tagapakinig na wari ba’y laging nagdududa at may katanungan sa bawat naririnig. Gustong magpaimpres lamang. g. “Tiger”. Laging naghihintay ng mga kamalian o maling sasabihin ng tagapagsalita. Para siyang tigre kung sumugod at managpang kung nagkakamali ang ispiker. 4. MGA SALIK NA NAKAIMPLUWENSYA SA PAKIKINIG a. Panlabas na bagay o Mga Suliraning Eksternal.  Ingay sa paligid-nagsisilbing hadlang sa mabisang pakikinig ang ingay sa paligid (maingay na katabi, hugong ng “electric fan o aircon” o dumadaang mga sasakyan at iba pa.) Nakakasira ang mga ito sa ating konsentrasyon o atensyon habang nakikinig,

 Temperatura – ang sobrang init sa kapaligiran (sa klasrum) ay nakakaapekto sa atin habang tayo ay nakikinig.Ito ay maaaring sanhi sa pagkasira ng ating atensyon sa sinasabi ng nagsasalita. 

Pananamit,paraan ng pagsasalita at boses ng ispiker. May mga pagkakataon na ayaw nating makinig sa isang ispiker dahil sa hindi maayos ang kanyang pananamit,paraan ng pagsasalita at boses ay maari ding hadlang sa pag-unawa natin sa kanyang mensahe.

Halimbawa: mabilis ang pagsasalita o basag ang boses ng ispiker. b. May kinalaman sa sarili o Mga Suliraning Mental.  Pagkapagod-mahirap makinig kung pagod  Karamdamang pisikal –ang sakit tulad ng lagnat,sipon,ubo o mas malala pang karamdaman ay nagsisilbing hadlang sa mabisang pakikinig  Kapansanan sa pandinig-ang kapansanan sa pandinig ay nagiging sanhi ng hindi paunawa sa mensaheng nais ipabatid ng ispiker. 5.MGA PAMAMARAAN SA MABISANG PAKIKINIG Ilan sa mga pamamaraan upang ang kasanayan sa pakikinig ay lubusang malinang sa mga estudyante. a. Pagbibigay-pansin sa diin ng pagsasalita ng tagapakinig. Binibigyang-diin at linaw ng tagapagsalita ang mga salitang importante nang sa gayon, madaling maunawaan ng mga tagapakinig. b. Pagbibigay ng pansin sa mga marker. Ang mga marker ay maaring salita, parirala o anong na naghuhudyat ng kasunod na detalyeng tatalakayin ng tagapagsalita. Okay, ngayon –

pagpapahayag ng bagong ideya

Una, tulad, at huli, - pagpapahayag ng pagkakasunodsunod ng ideya Ibig sabihin, sa madaling salita - para sa pagpapaliwanag c. pansin

Ang pinakamahalagang ideya ay gustong bigyan ng

Tandaan ninyo - para sa importanteng detalye Samakatuwid, ang kinalalabasan, bilang kongklusyon pagpapahayag ng resulta Tulad ng, halimbawa, gaya ng – pagbibigay ng halimbawa Ngunit, datapwat, gaya ng – pagbibigay ng paliwanag Sa wakas, bilang kongklusyon, sa kabuuan – paglalagom d. Pagbibigay-pansin sa mga “clue”. Pansinin ang mga “clue” na ibinigay ng tagapagsalita tulad ng: sino ng nagsabi, pagbabago ng tono ng tagapagsalita at lugar na narinig mo ang salitang ito. e. Pagtatala. Kailangan isulat ang mga mahalagang impormasyong napakinggan. B. PAGSASALITA 1. KAHULUGAN NG PAGSASALITA Ang pagsasalita sa harap ng maraming tao o pakikipag-usap sa pribadong tao ay hindi maiiwasan sa pang-araw-araw na buhay. Ito ay walang pagkakaiba sa layunin – ang masabi ang nais mong ipakahulugan sa mensaheng gusto mong iparating sa taong kausap. Sinasabi sa pag-aaral na sumusunod sa pakikinig ang pagsasalita sa malaking may bahaging nailalaan ng tao sa kanyang pakikipagtalastasan, tatalumpung bahagdan (30%) ang nagagamit ng tao sa kasanayang ito. Sa pagsasalita ang tao nakapagbabahagi ng kanyang mga kaalaman at karanasan. Nakahihikayat at

nakapagpapaniwala siya batay sa kanyang mga sinasabi. Kalabisan man ay sadyang mahirap mabuhay kung wala ang kasanayang ito. Sapagkat may responsibilidad ang isang tagapagsalita sa kanyang kausap o tagapakinig, dapat taglayin ng isang tagapagsalita ang mga talento tulad ng pagiging malinaw, epektibo at kaangkupang pumili ng mga salita sa pagpapahayag upang mapagtagumpayan ang layunin ng isang mabisang komunikasyon. Dapat na isaalang-alang na ang kasanayan sa mabisang pagsasalita ay repleksyon ng ating pagkatao. Kaya dapat lang linangin ng isang individwal ang kanyang kasanayan sa pagsasalita sa mga sumusunod na kadahilanan: a. Upang maipahayag ang ideya, saloobin at opinyon ng isang tao. b. Upang makisalamuha at makipag-ugnayan sa kapwa. c. Upang magkaroon ng kredibilidad. d. Upang magkaroon ng tiwala sa sarili. e. Upang magkaroon ng magandang destinasyon, positibong pagbabago sa buhay ng isang tao. Ang pagsasalita ay pagkaunawaan kung natutunan ng tao ang isang bagay. Sa apat na makrong kasanayan sa wika, ang kasanayan sa pagsulat at pagsasalita ang ginagamit upang makapagpahayag ng naging bunga ng mga ideyang narinig o nabasa na nagdaan sa proseso ng pag-iisip ng tao. Ang pagsasalita ay ang kahusayan o kapangyarihan ng taong ipahayag ang mga opinyon o ideya sa pamamagitan ng mga salita. Ang pagsasalita ay ang komunikasyon ng mga ideya, damdamin at saloobin sa pamamagitan ng mga simbolong naririnig mula sa tagapag-salita. Ang pagsasalita ay ang kakayahang maiparating sa harap ng mga tagapakinig ang mensaheng gustong maiparating sa pormal man o hindi pormal na paraan. 2. MGA KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA TAGAPAGSALITA a. Kagalang-galang- ang personalidad, pagiging responsable, wastong pananamit,may angkop na pananalita. dapat mayaman sa talasalitaan ang tagapagsalita.Kung ang siya ay

gmagamit ng angkop na salita sa kanyang pagpapahayag tiyak na mauunawaan siya ng mga tagapakinig.Kung ang kanyang mga tagapakinig ay mga bata,gagamitin niya ang mga salitang hindi gaanong malalalim dahil iyon ay angkop sa kanilang gulang. b. Dalubhasa o may malawak na kaalaman sa paksang tinalakay.ang pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa paksa ay lubos na nakatutulong sa tagapagsalita sa kanyang pagpapahayag.Ang iba’t ibang kaalaman ay maaaring matamo sa pamamagitan ng karanasan,pagmamasid at pagbasa ng maraming uri ng babasahin.Nakagaganyak pakinggan ang mga taong nagsasalita na bihasa sa kanilang larangang tinatalakay. c. May tiwala sa sarili.-Kailangan ang pagkakaroon ng tatag ng loob bilang tagapagsalita, sapat na panahon sa paghahanda at pagsasanay sa pagharap sa madla dahil lubos itong nakada-ragdag ng tiwala sa sarili. d. Maingat siya sa pagbibigay ng kongklusyon,paratang at pananaw,hindi mayabang,walang nakadidistrak na “mannerisms”, may “sense of humor” at may kasanayan sa wikang gagamiting midyum sa pagpapahayag 3. MGA KASANAYAN SA PAGSASALITA Sa pagpapahayag hindi lamang wika o berbal na komunikasyon ang kailangan upang maging mabisa ang pagpapahayag. Ang kumbinasyong paggamit ng berbal at di-berbal na pagpapahayag ay makatutulong nang malaki upang maunawaan ng isang tagapakinig ang kahulugan ng mensaheng gustong iparating ng isang tagapagsalita. a. Tindig. Ang isang tagapagsalita na may kaiga-igayang personalidad,kalugud-lugod sa paningin ng madla ay may bentahe kaysa sa mga tagapagsalitang mukhang sakitin. Dapat na siya ay kagalang-galang tingnan. May tikas mula ulo hanggang paa. c. Kumpas. Ang angkop na kumpas ng kamay o kaya’y ng buong

katawan ay mahalaga sa pagsasalita. Ibig sabihin dapat na tumutugma sa kahulugan ng mga salitang binibigkas ang menasahe, kasabay ng kumpas, maging bahagi ng katawan lang o buong katawan. d. Ekspresyon ng Mukha. Ang emosyon ng nagsasalita ay nailalantad sa ekspresyon ng kanyang mukha. Upang maiwasan ang pagkalito, tawanan o distraksyon sa mga tagapakinig siguraduhing angkop sa ekspresyon ng mukha ang salitang binibigkas. e. Bigkas. Ang maling pagbibigkas ng mga salita ay maaring magbunga ng ibang pakahulugan lalo na’t ang mga wika sa kapuluan ay napakaraming salitang magkatulad ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas, at kahulugan. Upang maging malinaw ang mensahe ng pahayag ng isang tagapagsalita, kailangang pansinin niya ang bigkas ng mga salita kasama nito ang tinis, haba, lakas, intensidad, bilis ng pagbigkas, intonasyon, diin, bagal at hinto ng pagsasalita. 4. IBA’T IBANG GAWAIN SA PAGSASALITA May iba’t ibang anyo ang pagsasalita. Maaaring ikaw ay nakikipag-usap; nagkukuwento; nakikipanayam, nakikipagtalo, nakikipagdebate o nagtatalumpati . Pakikipag-usap. Ito ay isang masining na paraan ng komunikasyon. Ito ang madalas gawin ng mga tao, ang pagpapalitan ng kaisipan at saloobin sa pamamagitan ng mga salita. Sa pamamagitan ng pakikipag-usap, nagkakaroon tayo ng kapalagayangloob, kaibigan, kakilala, tumatalas ang ating pakiramdam, mauunawaan natin ang kapwa, nalilinang ang ating kagandahang-asal, natutunan natin ang ibang kultura at natututo tayong rumespeto sa pagkakaiba nito at higit sa lahat natututo tayo ng mga bagong kaisipan lalo na sa teknolohiya at agham. Pagkukuwento. Ito ang pagsasalaysay ng mga akdang may mga pangyayaring kathang-isip o kaya’y hango sa tunay na buhay ng may akda.

Pakikipanayam. Ito ang pakikipag-usap na karaniwang kinasasangkutan ng dalawang tao. Maaari isang tao sa pangkat o pangkat sa isang tao. Ito ay may layuning nakakuha ng impormasyon tungkol sa kinakapanayam gaya ng mga personal na bagay, opinyon tungkol sa napapanahong isyu higit sa lahat ang kanyang mga ideya o saloobin tungkol sa paksa o larangang kung saan siya ay dalubhasa. Debate. Ang debate ay ang pagtatalo ng dalawang pangkat tungol sa isang kontrobersyal o napapanahong isyu na ginagamitan ng kritikal na pananaw. 5. MGA KATANGIAN NG ISANG MABISANG PAKIKIPAG-USAP a. Ang pag-uusap ay sirkular at hindi linyar. Hindi dapat maging monopolyo ng panig. Ito ay ang pagbibigayan ng dalawang panig. b. Dapat may magandang layunin ang pakikipag-usap. c. Dapat mag-“eye contact” sa pakikipag-usap. d. Dapat maging magalang a kausap. e. Kailangan maging likas at bukal sa kalooban ang pakikipagusap. 6. MGA DAPAT IWASAN SA PAKIKIPAG-USAP a.Ang pagyayabang b.Ang panghihiya sa kausap c.Ang hindi pakikinig sa kausap d.Ang pamimintas sa sinasabi ng kausap e.Ang pangmamaliit sa kausap 7. MGA ARALING PANGWIKA A. PAGBABAGONG MORPOPONEMIKO Ito ay tumutukoy sa anumang pagbabago sa karaniwang anyo ng isang morpemang dulot ng impluwensya ng kaligiran nito. Ang kaligiran ay tumutukoy sa mga katabing ponemang nakakaimpluwensya sa pagbabago ng anyo ng morpema na maaaring sinusundan ng morpema o iyong sumusunod dito (Santiago at tiangco, 2003).

1. Mga uri ng pagbabagong Morpoponemiko a. Asimilasyon. Sa uring ito, may pagbabagong nagaganap sa ponemang /ŋ/ sa pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng ponemang kasunod nito. May dalawang uri ng asimilasyon:  Asimilasyong di ganap, ang /ŋ/ sa posisyong pinal ng morpema ay naging /m/ kapag ikinabit sa salitang- ugat na nagsisimula sa /p/ o /b/. Halimbawa: [ pang + paaralan ] → pampaaralan [ pang + bayan ] → pambayan Ang /ng / ay nagiging /n/ naman kapag ikakabit sa mga salitangugat na nagsisimula sa /d,l,r,st,/. Halimbawa: [ pang ] + dakot → pandakot [ pang ] + lima → panlima [ pang ] + rehiyon → panrehiyon [ pang ] + sungkit → pansungkit [ pang ] + tasa → pantasa Ang /ng/ sa hulihan ng isang morpema ay nanatiling /ng/ kapag ikinakabit sa salitang-ugat na nagsisimula sa /h/. Halimbawa:

[ pang ] + hambalos → panghambalos [ pang ] + huli → panghuli

 Ang ikalawang uri ng ay ang asimilasyong ganap kung saan may nagaganap na nagbabago sa /ŋ/ ng morpema sa pusisyong pinal at nawawala rin ang unang ponema ng inunlapiang salita dahil ito ay naasimila na o napapaloob na sa sinusundang ponema. Halimbawa: [ pang ] + pamalo → pampalo → pamalo [ pang ] + tali → pantali → panali [ pang ] + tabas → pantabas → panabas

b. Pagpapalit ng ponema. Sa uring ito ng pagbabagong morpoponemiko, may mga ponemang nagbabago o nagpapalitan sa pagbubuo ng salita tulad ng mga sumusunod: Ang /d/ ay nagiging /r/ Halimbawa: ma- + dapat ma- + dunong lapad- + -an tawid + -in

→ → → →

madapat madunong lapadan tawidin

→ → → →

marapat marunong laparan tawirin

Ang /h/ sa hulaping –han ay nagiging /n/ Halimbawa: tawa + -han → tawahan → tawanan Ang /o/ sa huling pantig ng salitang-ugat na hinuhulapian o salitang inuulit ay nagiging /u/. Halimbawa: dugo + -an sang-ayon

→ →

duguan sang-ayung-sang-ayon

c .Matatesis. Sa mga salitang-ugat na nagsisimula sa /l/ o /y/ na ginigitlapian ng / -in / ang /l/ o /y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay nagpapalitan ng pusisyon . -in+ lipad → linipad → nilipad -in+ yaya → yinayaya → niyaya May mga salita ring may nagaganap na pagkakaltas ng ponema bukod sa pagpapalit ng pusisyon ng dalawsang ponema. Atip tanim

+ +

-an -an

→ →

atipan taniman

→ →

aptan tamnan

d. Pagkakaltas ng ponema. Nagkakaroon ng pagbabago kapag ang huling patinig ng salitang-ugat ay nawawala sa paghuhulapi dito. Halimbawa:

takip sara laba

+ + +

-an → -han → -han →

takipan sarahan labahan

→ → →

takpan sarhan labhan

e .Paglilipat- diin kung saan nalilipat ang diin ng salita kapag ito ay nilapian. Halimbawa; basa → kasama → sabi

ba : sa + hin kasa : ma + sa : bi +

→ basa : hin -han → kasama : han -hin → sabi : hin

2. MGA KAYARIAN NG SALITA a. Payak. Ito’y binubuo ng salitang –ugat lamang, walang palapi hindi inuulit at walang katambal na ibang salita. Hal: kahoy, sayaw…. b. Inuulit. Kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit,at batay sa kung anong bahagi ng salita ang inuuulit. May 2 pangkalahatang uri ng pag-uulit: >pag-uulit na ganap (araw-araw,bahay- bahayan) at >pag-uulit na di-ganap (aaraw, kasa-kasama). c.Maylapi. Binubuo ng salitang –ugat at isa o higit pang panlapi. Mga uri ng panlapi:  unlapi – ikinakabit sa unahan ng salitang –ugat, Halimbawa:magbasa, naglaba, ipambura,magkasindunong.  gitlapi –Isinisingit sa pagitan ng unang katinig at kasunod na patinig.Nagagamit lamang ang gitlapi kung ang salitangugat ay nagsisimula sa katinig. Halimbawa: tumakbo, kumanta, tinapos

.  hulapi –ikinakabit sa hulihan ng salitang-ugat Halimbawa: sulatin.dalian, akayin. MGA PARAAN NG PAGLALAPI pag-uunlapi – ipalunok, nag-aral, isama paggigitlapi – tumulong, kinain,pinisa paghuhulapi – limasin, tapusin, unahin pag-uunlapi at pagigitlap – ikinuha, magsumikap, isinaing pag-uunlapi at paghuhulapi / kabilaan – pagbutihan, naintindihan, nakunan  paggigitlapi at paghuhulapi – tinahian, binuhusan, pinakilaman  pag-uunlapi, paggigitlapi at paghuhulapi / laguhanpagsumikapan, magdinuguan,ipagsumigawan magdinuguan, ipagsumigawan     

d. Tambalan. Dalawang salitang pinagsama para makabuo ng isa lamang salita.Ito ay may dalawang uri:  di-ganap na tambalan o tambalang salitang nanatili ang kahulugan. -

Naglalarawan----- asal-hayop, kulay- dugo, bahay-kubo Layon-------------- ingat-yaman, pamatid-uhaw, bayad-utang Gamit-------------- bahay-ampunan, silid-tanggapan Pinaglalagian o pinagmulan--- Lapaz-batsoy, pansit-Molo Pagtitimbangan---------- urong-sulong, lumubog-lumutang

 ganap na tambalan o mga tambalang salitang nagkakaroon ng kahulugang iba sa isinasaad ng mga salitang pinagsasama. basag-ulo – basagulo hampas-lupa – hampaslupa bahag-hari - bahaghari 3. MGA BAHAGI NG PANANALITA Mga Salitang Pangnilalaman

a. Nominal:  Pangngalan-ngalan ng tao, hayop, bagay, pook o pangyayari. Hal. Nakatapos ng pagdodoktor ang anak na matiyaga. Pangulo ng klase si Miguel. Mga Klasipikasyon ng pangngalan Kasarian ng pangngalan  Panghalip – panghalili sa pangngalan. Hal. Nakatapos naman kami rito ng pagaabogasya. Mga uri ng panghalip b. Pandiwa – nagsasaad ng kilos o galaw. Hal. Masigasig niyang itinaguyod ang kapakanan ng madla. Aspekto ng pandiwa Pokus at kaganapan ng pandiwa c. Mga Panuring – ginagamit sa paglalarawan o pagbibigay-turing.  Pang-uri – naglalarawan sa pangngalan at panghalip. Hal. Nasa grasya ng Diyos ang banal na tao. Ang mapagtimpi ay malayo sa gulo. Uri ng pang-uri Hambingan ng pang-uri  Pang-abay -naglalarawan sa pang-uri, pandiwa at kapwa pangabay. Hal. Kinamayan niya ako nang mahigpit. Uri ng pang-abay d. Mga Salitang Pangkayarian  Pag-ugnay- nagpapakita ng kaugnayan ng isang salita o parirala sa iba pang salita o parirala sa loob ng pangu-

ngusap.  Pangatnig –maaaring magpakita ng relasyon ng pagsasalungatan, ng pagiging sanhi at bunga atb. Hal. Ispiritwal at material ang pangangailangan ng tao, sapagkat ito ay binubuo ng katawan at kaluluwa.  Pang-angkop – nagpapakita naman ng relasyon ng panuring sa salitang binibigyan turing. Halimbawa: (ng, na,)  Pang-ukol – nagpapakita ng kaukulan ng isang tao, bagay, atbp. sa isa pang tao, Hal.Para sa mga bata ang binili kong mga laruan. e. Mga Pananda  Pantukoy – mga katagang lumilinaw sa kailanan ng mga kasamang pangngalan o panghalip at kung ito ay tumutukoy sa tao, bagay o pook. Hal. May bagong alkaldeng hinirang ang Pangulo ng bansa  Pangawing – Nagsisilbing kawing sa paksa at panaguri ng pangungusap.Ang “ay” na isang pangawing ay tinuturing na isa lamang pananda ng ayos ng pangungusap,ito’y nagpapakita na ang paksa ay nauuna sa panaguri. Hal. Ang mga estero ay nilinis upang makadaloy ang tubig. C. PAGBASA Tulad ng pakikinig, ang pagbasa ay isang “receptive” na kasanayan din. Ang pagbasa ay karaniwang sumusunod matapos malinang ang kasanayan sa pakikinig at pagsasalita. Sa pamamagitan ng pagbabasa, lumalawak ang ating daigdig. Natututo tayo ng iba’t ibang kaalaman at karunungan. Para ka na ring naglakbay kapag ikaw ay nagbasa sapagkat nadadaanan ng mga mata mo ang pook na hindi

mo pa nararating, nababatid mo ang kasaysayan ng isang lahi, nalalaman mo ang kanilang kultura at kabihasnan sa pamamagitan ng mga limbag na titik. Nagiging lohikal ang isang taong mahilig magbasa sapagkat natututo siyang magsuri at mag-analisa sa kawastuhan ng mga isang impormasyon sa tekstong kanyang nababasa. Nagagamit ng tao ang mga impormasyong kanyang nababasa bilang batayan ng kanyang mga pangangatwiran at paninindigan. Hindi ba’t kung mapapansin natin ang taong palabasa o mahilig magbasa ang siyang karaniwang maraming sinasabi at ipinaliliwanag? Ito’y sapagkat marami siyang nalalaman at natutunan mula sa pagbabasa. Gayunpaman, hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagkakataong matamo ang mga kaalamang natutunan ng isang taong likas na mahilig magbasa sapagkat ang pagbabasa ay isang kasanayang nangangailangan ng tiyaga at sapat na oras at panahon upang ito’y maging ganap na bahagi ng iyong pang-araw-araw na buhay. Mabilis ang pagbabago ng panahon. Kasabay ng pagbabagong ito ang pagpasok ng mga bagong kaalaman at karunungan sa iba’t ibang disiplina. Hindi maawat ang paglaganap at pagdami ng mga impormasyong maaaring makatulong sa tao upang umunlad. Ang bagay na ito ay tinatawag na “knowledge explosion”. Bunga ng mga makabagong teknolohiya, higit pang dumadami ang mga nailalathalang babasahin kada taon, subalit sinasabing sa milyunmilyong mahuhusay na aklat sa mga aklatan, ang isang mahusay na mambabasa’y hindi pa nakabasa ng isang porsyento ng mga aklat na ito sa buong buhay niya (Belvez, et. Al). Sa bagay na ito, hindi dapat isantabi ang pagbabasa sapagkat kaakibat ito ng ating pag-unlad , ito ang unang hakbang anumang pagkatuto ang siyang pag-usapan. Maraming pagpakahulugang ibinigay ang mga kilalang dalubwika at sikologo sa pagbasa. Ang pagbasa ay pagkuha at pagkilala ng mga ideya at kaisipan sa mga sagisag na nakalimbag upang mabigkas nang pasalita. (Bernales, 2001)

Ang pagbasa ay isang tiyak at madaliang pagkilala ng ayos at pagkakasunud-sunod ng mga salita, pagsasama-sama ng mga salita para makabuo ng ideya at kahulugan. (Lorenzo, 2001). Ang pagbasa ay isang paraan din ng pag-unawa sa wika ng awtor sa pamamagitan ng mga nakalimbag na simbolo. (Lazaro, 2006) Ang pagbasa ay isang “psycholinguistic guessing game” kung saan ang nagbabasa ay bumubuong muli ng isang mensahe hango sa tekstong binabasa. (Goodman: Badayos, 1999) 1. MGA SALIK SA MABISANG PAGBASA Maging ang pagbabasa ay isang kasanayang nakagawian na,mahalaga ang mga salik na makatutulong upang matamo ang ganap na kasiyahan sa gawaing ito.Ang isang malusog na pangangatawan ay mahalaga. Ang mga sensori tulad ng mata para sa mahusay na paningin ay puhunan sa mabisang pag-unawa ng isang lathalain. Ang maliwanag, tahimik at mahanging kapaligiran ay makatutulong upang magkaroon ng kawili-wiling saloobin ang isang mambabasa. Iwasan ang ingay na likha ng telebisyon, radyo, ingay ng sasakyan upang mapanatili ang tuon o konsentrasyon sa binabasa. Kailangan din na maging handa ang ating pag-iisip sa pagbabasa. Ang anumang bagay na gumugulo at nakagagambala sa ating pag-iisip ay makakasira sa ating pagpokus sa ating binabasa at maaring magbigay ng ibang pagpapakahulugan sa tunay na diwang isinasaad ng mga nakalimbag na titik sa teksto. Alamin ang oras kung saan higit na handa ang ating isip at hinahanap ng ating sarili ang pagbabasa. Ang tao kasi ay may kanya-kanyang estilo sa pagbasa gawa ng kanyang kakanyahan. Ayon kina Dunn at Dunn, may mga nakagawiang magbasa sa umaga,mayroon sa hapon at gayundin sa gabi. Ang mga salik na ito ay makatutulong bilang patnubay upang matamo ang mabisang kasanayan sa pagbasa. 2. ESTILO NG PAGBASA a. Iskiming-estilo ito ng pagbasa na ginagamit upang agarang makilal pangunahing kaisipan sa isang teksto. Makatlo o makaapat na beses itong mabilis kaysa normal na bilis ng pagbasa.

b. Iskaning- ito ang estilo ng pagbasa na ginagamit kung may tiyak nasalita o paksang nais mabatid sa isang teksto.Mabilis na pagdaan ng mata sa teksto habang naghahanap ng susing salita o ideya ang karaniwang ginagawa ng mambabasa sa estilong ito.Mabisa ito kung may tiyak nang katanungan sa isipan o nais hanapin ng mambabasa sa babasahin. c.Ginagabayang pagbasa-Ito ay estilo ng pagbasa na kung saan ay kailangan ng gurong gagabay habang nagbabasa ang mag-aaral.Ang layunin ng pagbasang may gabay ay upang maturuan ang mga magaaral ng maging mahusay sa pagbasa na umaayon sa tamang proseso. d. Bahaginang pagbasa- ito ay isang interaktibong gawain.Ang mga mag-aaral ay kailangang sumubok magbasa ng iba’t ibang uri ng babasahin pagkatapos ay magbibigay ng reaksyon tungkol sa binasa. e. Tutukan o kritikal na pagbasa- ang estilong ito ang pinakamasinsinang pagbasa.,iniisa-isa ng mambabasa ang bawat salita, inuunawa ang ugnayan ng bawat salita sa loob ng pangungusap.Inaalam sa estilong ito ang pahiwatig ng akda upang mabatid ang mas malalim pang kahulugan ng mensahe. 2. MGA TULONG SA PAG-UNAWA SA BINASA Paano ba natin mapalalawak ang ating kasanayan sa mabisang pagbasa? May tinatawag na masaklaw at masinsinang pagbasa. Ang masaklaw na pagbasa ay itinuturing na isang malayang pagbasa. Ito ay dahil sa malaya tayong nakapagbabasa nang walang nagtatakda sa atin na basahin ang isang lathalain o teksto. Layunin ng masaklaw na pagbasa ang magbigay kasiyahan at kaaliwan. Malaya kang nakauupo sa isang maginhawang pook at nakapagbabasa ng kinagigiliwan mong magasin, pahayagan o anumang babasahing nakapagbibigay sa atin ng panlasa, kulay at mga pagpapahalaga sa buhay. Sa kabilang dako, ang masinsinang pagbasa ay karaniwang nagaganap sa klase o aklatan. Nangangailangan ang uring ito ng pagbasa ng pag-uukol ng sapat na panahon sa pag-unawa ng teksto.

Layunin ng masinsinang pagbasa na hasain ang kasanayan sa pagkatuto at paggamit ng aklatan. Pinahahalagahan dito ang kaalaman sa mahusay na pagbibigay-kahulugan sa mga salita at pahayag. 4. MGA PARAAN SA PAGKUHA NG KAHULUGAN NG BINABASA a.Pag-alam sa singkahulugan o kasalungat na kahulugan ng salita.Sa patuloy na pagbabasa, nakatatagpo tayo ng maraming salitang nagtataglay ng kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan. Sa ganitong paraan nadaragdagan ang naiipong talasalitaan o bokabularyo sa ating isipan na minsan ay kusang lumalabas at nagagamit kapag tayo ay nagsasalita o nagsusulat. b.Kaalaman sa konotasyon at denotasyon Ang kahulugang konotasyon ay ang pahiwatig o patalinhagang kahulugan ng salita samantalang ang denotasyon ay ang tunay na kahulugan ng salita na maaring makita sa diksyunaryo. 5.PATAYUTAY NA PAHAYAG– ay isang anyo ng paglalarawang diwa na ang kahulugn ay nakukuha sa malalim na pagunawa. a. Pagtutulad ( simile ). Dalawang bagay na magkaiba ang pinaghahambing gamit ang mga salita o pariralang tulad ng, para ng, kawangis ng, anaki at iba pa. Hal. Si Mark ay tulad ng anghel sa kabutihan. b.Pagwawangis ( metaphor ). Tiyak na paghahambing dalawang bagay na magkaiba. Hindi ito gumagamitng mga salita o pariralang panulad. Hal. Hubog kandila ang kanyang mga daliri. c.

Pagbibigay-katauhan (personification). Ito ay pahayag na ang mga karaniwang bagay ay ginagawang parang tao sa pamamagitan ng pagsasalain sa mga ito ng mga katangian at kakanyahan ng tao. Hal. Sumasayaw ang mga dahon sa ihip ng hangin.

d. Pagtawag (apostrophe). Pakiusap o panawagan sa isang taong hindi kaharap,nasa malayo o kaya’y patay na o kinakausap na parang tao ang isng bagay. Hal. Pag-ibig! Lapitan mo ako. e.

Pagsalungat (oxymoron). Gumagamit ng dalawang salitang magkasalungat ang kahulugan. Hal. Paroo’t parito, tatayo-uupo and bana sa pagkabalisa sa panganganak ng asawa.

f.

Pagmamalabis (hyperbole). Lagpas-lagpasang pagpapalaki o pagpapalit ng katangian o kalalagayan ng tao, bagay at pangyayari. Hal. Sa sobrang problema pumuti na ang buhok ko.

g. Pag-uyam (irony). Sa pamumuring pananalita, ipinahiwati ang panlilibak o pangungutya. Hal. Ang galing-galing ninyo! Bumagsak kayong lahat sa pagsubok. h. Pagpapalit-tawag (metonymy). Pinapalitan ng pangalan ang isang bagay o taong tinutukoy pero ang ipinapalit ay may kaugnayan sa pinalitan. Hal. Nagiging pulahan na ang iba nating kawal. i.

Pagpapalit-saklaw (sinekdoke). Pangalan sa bahagi ang ginagamit bilang kabuuan o kabaligtaran nito. Hal. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo sa pamamahay ito.

j.

Paglilipat-wika. Pinasasabagay ang mga katangiang panato gamit ang mga pang- uri. Hal. Nahihiyang ang mga mata, subukin mong ititig sa akin.

6 . SINTAKSIS O PALAUGNAYAN Ang sintaksis o palaugnayan ay tumutukoy sa pag- aaral ng pagbubuo ng mga pangungusap. Sinusuri nito ang pagkakaugnayan ng mga salita upang makabuo ng pangungusap.

Ano ang pangungusap? Ayon kina Santiago at Tiangco (2003) ang pangungusap ay isang sambitlang may patapos na himig sa dulo na nagsasaad na maipahayag na ng nagsasalita ang kaisipang nais niyang ipaabot sa kausap. Sa matandang balarila, sinasabing ang pangungusap ay salita o lipon ng mga salita na nagsasaad ng buong diwa. 7 . MGA BAHAGI NG PANGUNGUSAP Ang pangungusap ay binubuo ng dalawang bahagi: a. ang paksa o ang bahaging pinagtutuunan ng pansin sa loob ng pangungusap na maaaring tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. b. ang panaguri o ang bahagi ng pangungusap na nagbibigay ng kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa. 8. AYOS NG PANGUNGUSAP a. karaniwan-----------panaguri+paksa Nag-aaral ang mga batang bumasa. b. di-karaniwan-------paksa+panaguri Ang mga bata ay nag-aaral bumasa. 9. IBA’T IBANG PANANALITANG

URI

NG

PAKSA

AYON

SA

BAHAGI

NG

GINAMIT a. Paksang pangalan

Naglalaro sa daan ang mga bata. Masipag ang aking ama.

b. Paksang panghalip

Siya ay patungo na sa America. Kami ay lalahok sa paligsahan sa pagawit.

c. Paksang pang-uri

Kinaiinisan ang mayayabang.

Hinahangan ko ang masipag. d. Paksang pang-abay

Ang dito ay umupo na. Ang doon ay paalisin na.

e. Paksang pandiwa

Panoorin mo ang sumasayaw Pakinggan natin ang nagsasalita.

f. Paksang pawatas

Gustung-gusto niya ang magtnda. Hilig niya ang umawit.

10. IBA’T IBANG URI NG PANAGURI AYON SA BAHAGI NG PANANALITANG GINAMIT a. Panaguring pangangalan

Pedro ang kanyang pangalan.

b. Panaguring panghalip

Siya ang aming guro sa Filipino Kayong lahat ang inaasahan kong tutulong sa akin.

c. Panaguring pang-uri

Matatalino ang mga anak ni Mang Juan Mabuti na ang aking pakiramdam.

d. Panaguring pang-abay

Sa susunod na linggo ang alis

nila. Ganyan ang gusto kong tahi ng damit. e. Panaguring pandiwa

Kumakain ang mga bata. Nahulog sa bangin ang sasakyan.

f. Panaguring pawatas

Magluto ang kanyang libangan. Mamasyal sa Hongkong ang kanya pangarap.

11.MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA ANYO

a. Ang payak na pangungusap ay nagbibigay ng isa lamang buong pangungusap. Ang pangungusap na ito ay

maaring may

payak na paksa at payak na panaguri; Hal.

Si Gil ay nag-aaral. Mababait sila.

Maaari namang ang paksa ng pangungusap ay payak at ang panaguri ay tambalan o kabalikan nito. Hal.

Ang guro ay mabait at masipag. Siya ay kumakanta at sumasayaw. Si Alma at Cheryl ay magkapatid.

Maaari naman tambalang pareho ang paksa at panaguri. Hal.

Ang bahay at lupa ay malaki at maayos. Mapagmahal at maunawain ang nanay at tatay ko.

b. Ang tambalang pangungusap ay nagbibigay ng dalawang malalayang kaisipang pinag-uugnay sa isa. Ito’y binubuo ng dalawang malalayang sugnay na may kaisipang magkaugnay. Ginagamitan ito ng mga pangatnig na at, saka, pati, ngunit, subalit, datapwat, habang, samantalang na nagpapahayag ng mga kaisipang magkatimbang. Hal.Kayo ay saganang-sagana habang kami ay nagdarahop. Si Maria ay naglalaba at si Ana ay naglilinis ng bahay. Si Jose ay nag-aaral ngunit si Kulas ay nangungulit. c. Ang hugnayang pangungusap ay binubuo ng isang sugnay na malaya o nakapag-iisa at isang sugnay na di- nakapagiisa.

Kaiba sa parirala na isang lipon ng mga salitang walang paksa at panaguri at walang buong diwa Hal. ang mga bulakalak sa halamanan, ang mga tao sa lansangan, nagsisibak ng kahoy, kumakain ng pansit, Ang sugnay ay lipon ng mga salitang may paksa/simuno ngunit bahagi lamang ng isang pangungusap. Ito ay maaaring sugnay na  malaya o makapag-iisa - na bahagi ng isang pangungusap nagtataglay ng kanyang sariling buong diwa.,  di-malaya o di-nakapag-iisa - ay may simuno at panaguri ngunit hindi nagtataglay ng buong diwa kapag inihiwalay sa ibang bahagi ng pangungusap. Ginagamit sa pangungusap ang mga pangatnig na nang, upang, kapag,kaya, dahil sa, sapagkat, kung, habang, atb. Hal.. ng Hugnayang pangungusap Kung ako’y may trabaho, hindi na ako magugutom. ( di-malaya) ( malaya) Isama mo ako, kung ikaw ay pupunta sa Manila. (malaya) ( di-malaya) Pag-aalis ka, kagagalitan ka ng iyong Nanay, (di-malaya) (Malaya) Biglang sinumpong ng pagkahilo si Lydia, nang kasalukuyang siyang umaawit. ( di-malaya) (Malaya) d. Ang pangungusap na langkapan ay binubuo ng pinagsamang dalawang malayang sugnay at isang di-malayang sugnay;

(dalawang malayang sugnay)

(di

malayang

sugnay)

Ang nanay at tatay ay nagluluto at kami ay naglilinis ng bahay (dahil sa darating sina Lolo at Lola mula sa Maynila.)

12.MGA URI NG PANGUNGUSAP AYON SA TUNGKULIN a. Pangungusap na paturol. Ito ay pangungusap na nagpapahayag ng isang bagay o mga bagay at ginagamitan ng tuldok (.) . Hal.

Nanalo si Manny Pacquiao sa larong boksing. Ang bulking mayon ay matatagpuan sa Bicol.

b. Pangungusap na patanong. Ang pangungusap na ito ay nagtatanong ng isang bagay at binabantasan ng tandang patanong (?). Hal.

Bakt umiiyak ang bata? Sino ang mga magulang mo.

c. Pangungusap ng pautos. Ang pangungusap na ito ay naguutos o nakikiusap. Ito ay ginagamitan din ng tuldok (.) . Hal.

Magluto ka na at darating na ang mga binata. Maaari bang ikuha mo ako ng inumin

d. Pangungusap na padamdam. Ang ,pangungusap na ito ay nagpapahayag ng masidhing damdamin. Ginagamit naman dito ang tandang padamdam (!). Hal.

Ang ganda ng Banawe Rice Terraces! Kinasusuklam kita! Naku po! Mahuhulog ang bata.

13.PAGPAPALAWAK NG PANGUNGUSAP Ang isang payak na pangungusap sa Filipino ay napapalawak sa pamamagitan ng: paningit o ingklitik, panuring na maaaring pang-uri o pang-abay, ponema, at mga kaganapan. Ang mga paningit ay mga katagang isinasama sa pangungusap upang gawing mas malinaw ang kahulugan nito. Ang mga paningit sa Filipino ay: ba

ma

sana

kaya naman

na yata

daw/raw din/rin

Bakit ka nagagalit? Bakit ka ba nagagalit?

kasi muna nga

ko

tuloy

pala lamang/lang

Magpapaalam na sila. Magpapaalam na raw sila.

Nanalo si Lito sa pag-awit. Nanalo pala/raw/yata/rin si Lito sa pag-awit. Ang mga panuring tulad ng mga pang-uri at pang-abay ay ginagamit ding pampalawak sa pangungusap. Ang mga pang-uri ay ginagamit na panuring sa pangngalan o panghalip at ang pang-abay ay mga panuring sa pang-uri, pandiwa o kapwa pang-abay. Ang batayang pangungusap ay napapalawak sa pamamagitan ng: karaniwang pang-uri, pariralang panuring, ibang bahagi ng pananalita na gumaganap ng tungkulin ng pang-uri. Batayang pangungusap: Pinalawak na pangungusap sa pamamagitan ng karaniwang pang-uri:  Ang bata ay iskolar.  Ang matalinong bata ay iskolar. Pinalawak na pangungusap sa pamamagitan ng pariralang panuring:  Ang matalinong bata sa klase ko ay iskolar.  Ang matalinong batang taganayon ay iskolar sa Mariano Marcos State University.

B. PAG-SULAT Ang pagsulat ay isa sa mga makrong kasanayang pangwika na lubhang makabuluhang matutunan. Gaya ng kasanayan sa pagsasalita, ang pagsulat ay daluyan ng pagpapahayag ng ating damdamin at iniisip. Ngunit kaiba sa pagsasalita, higit ang panahong naibibigay sa atin ng pagsulat upang makapagpahayag. May pagkakataon tayong mag-isip ng ating mga sasabihin, makapamili ng angkop na salita at makapaghanay ng mga kaisipan. May isinilang na sadyang mahusay at may kawilihan sa pagsulat. Bagaman dahil lahat ay binibigyan ng galing o talino sa kasanayang ito, ang pagsulat ay isang kasanayang napag-aaralan at maaaring matutunan ninuman. Sapagkat ang pagsulat isang gawaing hindi madali, nangangailangan ito ng ibayong kaalaman at kaisipan. Ito ay dahil sa katotohanang ang pagsulat ay isa ring paraan ng pagbabahagi ng kaalaman. Ginagamit ang pag-iisip sa pagpapaunlad ng ideya at kung paano ilalahad ang hanay ng mga kaisipan sa paraang higit na mauunawsaan. Teknikal ang pagsulat sapagkat hindi basta’t sumusulat, may proseso itong pinagdaraanan. Isinaaalang-alang ang paggamit ng bantas, angkop ng gamit ng mga salita at maayos na pagbuo ng mga pangungusap. Ang kasanayan sa pagsulat ay mahalaga sapagkat salamin ito ng iyong pagkatao. Ito ang nagpapakilala ng iyong sarili at identidad. Hindi maaaring magaling ka lamang magsalita ay sapat na upang magpatunay ka ng iyong kakayahan. Ang pagsulat, katulad din ng pagsasalita ay nangangailangan ng lalim at esensya ng iyong iniisip upang mabisang makapagpahayag, makisalamuha at makipagugnayan sa lipunan mong ginagalawsan. Ang pagsulat ay isang prosesong sosyal, produkto sa sosyokultural na konteksto sa pagkatuto ( Lydia Lalunio). Ang pagsulat ay paglilipat sa papel o anumang bagay na maaaring magamit sa paglilipat ng mga nabubuong salita, simbolo at ilustrasyon ng isang tao o mga taong may layuning maipahayag ang kanyang kaisipan ( Consolacion Sauco).

Ang pagsulat ay isang mental at pisikal na aktibidad para sa iba’t-ibang layunin (Lazaro). 1. KAHALAGAHAN NG PAGSULAT a. Naipahahayag ang sariling damdamin. Gaya ng pagsasalita, malayang naipahahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pagsulat. Kaya nga’t sabi nila, kung hindi mo kayang bigkasin ay sabihin mo sa pamamagitan ng panulat,gayunpaman, kaiba sa pagsasalita, na maaaring maakit ang tagapakinig sa pamamagitan ng tinig at kakayahang magbigay-diin sa sinasabi mahirap makapukaw ng pansin ang mga nakalimbag na pahayag. b. Naipararating ang mga inpormasyon sa iba. Naipalalaganap ang anumang kaalaman sa pamamagitan ng pagsulat. Ang pagsulat ay isang paraan upang mapalaganap ang impormasyon sa higit na nakakaraming tao dahil sa ito’y maaaring mailathala. Bunga nito, maraming tao ang maaaring makinabang. c. Nalilinang ang malikhain at lohikong pag-iisip. Ayon kay Jocson (2005), na sinabi ni Hugney, et. A1 (1983), nakatutulong ang pagsulat sa paglinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa lohikal na pag-iisip at paglutas ng suliranin. Bago pa man magsulat, nag-iisip, nag-aanalisa at nagsusuri ng mga datos na napakinggan o nabasa ang tao. Sa ganitong paraan, maraming mga kasanayang pangwika ang nalilinang sa mga mag-aaral. d. Nakapag-iingat ng kultura at kabihasnan ng isang lahi. Hindi natin mababatid ang kariktan ng ating kasaysayan o kaya nama’y makikilala ang bayani ng bayan kung hindi mailimbag o naisatitik ang mga ito. Kailangan ng pagtatala ng mga pangyayari nang nakalipas upang patuloy na ito’y maingatan at mabuhay sa alaala ng mga tao sa kasalukuyan, kinabukasan at ng hinaharap. 2. PROSESO NG PAGSULAT a. Bago sumulat Ito ang unang bahagi kung saan pinaplano ng manunulat ang paksang kanyang isusulat. Kasama ang pangangalap ng impormasyon o datos na makatutulong nang malaki sa paglalaman ng kanyang isusulat.

b. Burador Sa bahaging ito pansamantalang isinusulat ang pagbabalangkas ng ideya at maaaring rebisahin nang paulit- ulit. c. Pagrerebisa Ito ang yugto ng pagbabasang muli ng burador. Maaaring paulit-ulit ito depende sa pangangailangan. Sa yugtong ito, maaaring magpalit, magdagdag o magbawas ng mga impormasyon ang isang sumusulat d. Pag-eedit Iniwawasto sa bahaging ito ang baybay, gramar, pagbabantas at kaangkupan sa paggamit at pagpili ng mga salitang gagamitin. e. Pinal na dokumento Ito ang kinalabasan o awtput ng mga ideya. 3.MGA MEKANISMO SA PAGSULAT a. Kaisahan. Ang kaisahan ng mga pangungusap ay nabubuo ng isang pangkalahatang ideya. Kailangan ang isang pamaksang pangungusap na siyang susundan sa pagbuo ng mga sumusunod pangungusap. b. Kaugnayan. Kailangang maipakita ang pagkakauganay-ugnay ng mga pahayag at pangyayari sa loob ng isang paksa. Mahalagang isaalang-alang na ang pagbuo ng pangungusap ay kailangang magkakaugnay c. Kabuuan. Nangangahulugang buo ang dapat na kaisipang nakapaloob sa isang talata. Hindi lamang pangungusap ang dapat na magkakaugnay kundi gayundin ang transisyon ng bawat talata magmula sa panimula, katawan at bahaging wakas ng talata. 4. URI AT ANYO AYON SA LAYUNIN NG PAGSULAT a. Pagsasalaysay. Ito ay isang paraan na nagkukuwento ng mga magkakasunod at magkakaugnay na mga pangyayaring batay sa buhay ng tao na maaring totoo o kathang isip lamang.

b. Paglalarawan. Pangunahing layunin ng uring ito ay ang pagbuo ng isang kongkretong larawan sa isipan ng mambabasa. Ang kulay, hugis o anyo ng isang bagay, lugar o pangyayari ay masining na inilahad ng naglalarawan. c. Eksposisyon. Ang editoryal, artikulo sa mga magasin, patalastas sa telebisyon ay gumagamit ng ganitong uri. Layunin nitong makagawa ng isang malinaw at walang kinikilingang pagpapaliwanag sa isang disiplina. d. Pangangatwiran. Layunin nitong mapaniwala at makakilos ang iba tungo sa ninanais ng sumusulat.Ginagamitan ito ng lohika upang makaimpluwesya ng mga kaisipan. 5.ANG PAGSULAT NG LIHAM-APLIKASYON AT RESUME’ a.Ang liham-aplikasyon Humihiling ng mapapasukang okupasyon ang liham.Ma- halaga ito dahil dito unang kinikilatis ng prospektibong employer ang aplikante.Isa rin sa pinagbabatayan para interbyuhin ang aplikante. b.Resume’ Isang organisadong lagom naman ng mga bakgrawn o pangkaligirang kaalaman at kwalipikasyon ng aplikante ang resume’.Kinapapalooban ito ng mga sumusunod na impormasyon:personal na data, bakgrawn ng pinag-aralan, mga karanasan sa trabaho, mga katangi-tanging nagawa na, mga espesyalisadong kasanayan, mga organisasyon at samahang kinasasapian kasama na ang posisyong hinahawakan at mga tungkuling ginagampanan, mga paglilingkod pamayanan,atb at mga reperensya. 6.ANG DALAWANG URI NG LIHAM-APLIKASYON a. Ang magkahiwalay na Liham-aplikasyon at Resume’ b. Nakapaloob na ang resume’ sa liham 7. PATNUBAY SA PAGSULAT NG PANAKIP NA LIHAMAPLIKASYON

a.Mga Dapat Gawin:  Mas makabubuti kung iaadres ang sulat sa tiyak na indibidwal.  Agad magsimula sa ugnayang aplikante at employer,kung paano napag-alaman ang bakanteng posisyon.  Iklian ang mga pahayag na nagbibigay diin sa kwalipikasyon para sa posisyon.  Direktang kunin sa nilathalang “ADS” ang mga salitang magbibigay deskipsyon sa mga magagawa sa trabaho.  Pagtuunan ang magagawa sa employer sa halip na ang magagawa nito sa aplikante.  Lagyan ng pananda sa pamamagitan ng kulay o guhit ang bahagi sa resume’ na tiyakang nauukol sa trabahong inaaplayan.  Itakda ang petsang pwede sa interbyu.  Ipakita ang kasigasigan sa buong sulat.  Pirmahan ang sulat.  Tumawag para ma-“follow up” ang sulat. b. Mga Di- Dapat Gawin:  Huwag gamitan ang sulat ng mga gasgas nang salutasyon gaya ng “Sa Kinauukulan”,”Mahal na Ginoo/Madam”.  Huwag simulan ang bawat pangungusap sa “AKO”.  Huwag punuin ang buong pahina, mga 3 o 4 na maiikling talata lamang sapat na.

 Huwag gamitan ng iba’t ibang estilo ang isang sulat.  Huwag magpadala ng duplikadong sulat.

MGA SANGGUNIANG AKLAT Arrogante, Jose A. et.al.Sining ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino:National Bookstore.2009. Rodrigo, Komunikasyon sa Akademikong Filipino (Filipino 1).2009. Castillo,Joy A. et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Manila:Bookstore Publishing Corp.,2008. Aguilar, Reynaldo L. et al. Sining ng Komunikasyon. Manila: Grandwater Publication and Research Corporation.2006. Catacataca ,Wikang Filipino:Kasaysayan at Pag-unlad. 2005. Javier, Clarita G. Sining ng Kasaysayan ng Pakikipagtalastasan. Mandaluong City, Phil.: Books Atbp. Publishing Corp. 2005. Angelas, Feliciano S. Sining ng Pakikipagtalastasan (Pantersyarya) Manila, Phil.: Booklore Publishing .2005. Agustin-Decena, Josefina. Retorika: Patnubay sa Masining na Pagpapahayag. 2nd ed. Mandaluyong City, PhilL.atbp.Publishing Corp. 2005. Mangahis ,Josefina C. et.al.Komunikasyon sa Akademikong Filipino.Manila: C & E Publishing Inc.2005.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF