Script_pampinid Na Pagtitipon Bw2015

August 22, 2017 | Author: Cher Dan Pueblas Agpaoa | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

script...

Description

Pampinid na Pagtitipon Calderon Quadrangle Martes, ika-1 ng Setyembre, 2015 Karen at Ronald : Sabay : Isang Mapagpala at magandang araw sa inyong lahat! ADLIB- (greet each other) Karen : Bago ang lahat, marapat lamang na ang programang ito’y simulan natin ng isang panalangin na pangungunahan ni Jessie Carl Agustin mula sa Grade 7 Adelfa na agad namang susundan ng pag-awit ng Lupang Hinirang ng Piling mag-aaral ng

Grade 7- Jasmine Ronald– Kasunod din nito ang Panatang Makabayan at Panunumpa sa Watawat ni Alyssa Joy S. Mendoza mula sa Dularawan at ang himno ng Calderon ni Sherilyn M. Versola mula rin Dularawan Sabay: Inaanyayahan po ang lahat na magsitayo. _________ PANALANGIN _________to HIMNO Karen- Maaari nang umupo nang tahimik ang lahat. Karen : Ang panahon ay parang WIKA. Ronald: Bakit? Karen: Ang panahon ay parang wika sapagkat patuloy na nagbabago. Ronald: Tama ka diyan Karen! Sadyang ang wika natin ay sumusunod din sa daloy ng panahon- nagbabago at patuloy na umuunlad. Sadyang kaybilis nga ng panahon! Karen: Totoo yan Ronald! Sa katunayan, parang kalian lang ay inilunsad natin ang pagbubukas ng Buwan ng Wika at ngayon naman ay narito muli tayo sa entablado bilang tagapagdaloy ng Pampinid o pangwakas na palatuntunan sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ronald: Ibig sabihin ba nito ay pararangalan natin ngayon ang mga nagsipagwagi o nagkamit ng karangalan sa bawat patimpalak gaya ng ___________________,(banggitin lahat ng contest)

Karen: Tumpak na tumpak Ronald! At upang lalo tayong maliwanagan sa umagang palatuntunan malugod kong inaanyayahan ang OIC, Kagawaran ng Filipino sa hapon walang iba kundi si Gng. Marilyn S. Lansangan para sa pambungad na pananalita SABAY : Isang masigabong palakpakan! _________ Pambungad na Pananalita________ Ronald : Maraming salamat Gng. Lansangan sa iyong napakalinaw na mensahe . ~ADLIB~ Simula pa lamang ay nagkaroon na tayo ng kaalaman para sa layunin ng pagtitipong ito. Ngayon ay tunghayan natin ang isang READER’S THEATER mula sa mga natatanging mag-aaral ng Grade 9 Accuracy na nagkamit ng ikaapat na karangalan sa DIVISION LEVEL Contest para sa Natatanging Bilang. ______________________Natatanging Bilang________________ ~~ADLIB~

Karen - Sa pagkakataong ito’y ating tawagin at pakinggan ang ating kapita-pitagang punungguro walang iba kundi si Gng Ma. Pura S. Talattad para sa isang mahalagang mensahe. Sabay : Isang matunog na palakpakan! _________ MENSAHE_________ RONALD : Maraming Salamat po Gng. Talattad . (ADLIB- tungkol sa sinabi ni Gng. Talattad) Alam mo Karen, sa simpleng paraan ng ating pakikiisa sa Buwan ng Wika ay patunay na tayong CALDERONIANS ay may malaking PUSO o pagmamahal sa ating sariling wika. Karen : Wagas ang iyong tinuran Ginoo. Ronald : Salamat Binibini. Ito na ang pinakahihintay ng lahat – Sabay: Ang PAGPAPARANGAL SA MGA NAGSIPAGWAGI ng _______________________________(mga contest - unang bahagi) mula sa pangunguna ni Gng. Pedilyn Florendo, guro sa Filipino ng Baitang 9. Ronald: Tinatawagan din sa entablado ang ating punungguro at ang mga puno ng Kagawaran gayundin ang tagapangulo ng Buwan ng Wika para sa paggawad ng parangal. Ang lahat ng magaaral na pararangalan ay mangyaring pumunta na sa gilid ng entablado. ___________ PAGGAWAD NG MGA PARANGAL _______________ Karen : Ronald, labis akong nagalak na makitang pinararangalan ang ating kapwa mag-aaral. Ronald: Maging ako man, kaya muli, palakpakan natin sila! Sandali lamang, simula pa lamang yan Karen dahil marami pa tayong pararangalan Kasama rin sa pararangalan natin ang pangkat ng mag-aaral ng Grade 9 Accuracy na lumaban sa Patimpalak Sabayang Pagbigkas sa University of Asia and Pacific- na nagkamit ng IKALAWANG KARANGALAN mula sa 13 paaralang pampubliko at pribadong lumahok sa METRO MANILA Karen : At may isa pa! Isang pagpupugay din para sa pangkat –AMITY na nakipagtagisan din ng husay sa Sabayang Pagbigkas sa Chiang Kai Shek College na nagkamit ng UNANG KARANGALAN mula sa 10 paaralang pampubliko at pribadong lumahok sa METRO MANILA Ronald: WOW!!! Wag na nating patagalin pa, tunghayan natin ang kanilang pagtatanghal ng SABAYANG Pagbigkas – ___________________________pagtatanghal____________________________________ PAGBIBIGAY –PARANGAL Ronald: Sobrang namangha ako sa pinakita nilang galing sa pagbigkas. Ito ay tunay na isang Karangalan ng buong CALDERONIANS! Karen : Tumpak! Kahanga-hanga talaga dahil mapaloob-o labas man na patimpalak ay may maipagmamalaki ang ating paaralan! Kaya palakpakan muli natin sila. Ronald: Sa pagpapatuloy ng paggawad ng mga parangal, tinatawagan si Gng. Myraflor Perez para pagbabasa ng pararangalan Ang MGA NAGSIPAGWAGI sa Timpalak _______________________________(mga contest - ikalawang bahagi) at muli tinatawagan sa harapan ang ating punungguro at ang mga puno ng kagawaran gayundin ang tagapangulo ng

Buwan ng Wika para sa paggawad . Ang lahat ng mag-aaral na pararangalan ay mangyaring pumunta na sa gilid ng entablado. ___________ PAGGAWAD NG MGA PARANGAL _______________ Ronald: Muli Tunghayan natin ang Kampeon ng Sabayang Pagbigkas – Grade 10- AMITY ______________________________Pagtatanghal___________________________________ Karen : Tunay ngang napakahuhusay ng bawat Calderonians! Ronald: Sadyang Tunay! Ngayon ay dumako naman tayo sa Ikatlong Bahagi ng Parangal Sabay : ANG PAGPAPARANGAL SA MGA NAGWAGI NG TIMPALAK GINOO AT MUTYA NG WIKA 2015 Karen : tinatawagan si Gng. Jeremia D. Nuῆez, isa sa mga punong abala ng patimpalak Ginoo at Mutya ng Wika , OIC Kagawaran ng Filipino –pang-umaga para pagbanggit ng mga pararangalan muli tinatawagan sa harapan ang ating punungguro at ang mga puno ng kagawaran gayundin ang tagapangulo ng Buwan ng Wika para sa paggawad . Ang lahat ng mag-aaral na pararangalan ay mangyaring pumunta na sa gilid ng entablado. ___________ PAGGAWAD NG MGA PARANGAL _______________

Ronald : Marapat lamang bago matapos ang programang ito ay marinig natin ang mensaheng pasasalamat ni Ginoong Danilo P. Agpaoa, Tagapangulo ng Buwan ng Wika 2015. Isang masigabong palakpakan! ______________________Pananalita______________ Karen: Lubos akong nagagalak sa naging matagumpay na pagdiriwang ng buwan ng wika ng taong 2015 Ronald - Gayundin ako Karen.. Hanggang sa muli. ako si _______________ at Karen - ako naman si _________ ,,na nagsasabing…. Sabay--: Mabuhay ! Isang Maalab na pagmamahal sa wikang Filipino , Ang WIKA NG PAMBANSANG KAUNLARAN

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF