Script Vanessa

May 11, 2017 | Author: Vanessa Halili | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Script ng buhay ni Rizal hanggang sa kanyang pagkamatay,...

Description

Mga huling sandali sa buhay ni Rizal Sa panulat nina: V.P. Halili at MJ Soliman (BSA-III-Obedience) Sa gabay ni: Zoilo

MGA TAUHAN AT GAGANAP: 1. Dr. Jose Rizal 2. Doña Teadora Alonso 3. Josephine Bracken 4. Trinidad 5. Tagabasa 1 6. Tagabasa 2 7. Gwardiya 8. Governor General Camilo de Polavieja 9. Lieutenant Luis Taviel de Andrade 10.Jesuit 11.Jesuit 12.Spanish Officer 13.Tagahatol/Juez Francisco Olive 14.Paciano 15.Announcer 16.Kastila1 17.Kastila2 18.Kastila3 19.Filipino Soldier/Guard 20.Filipino Soldier/Guard 21.Filipino Soldier/Guard 22.Filipino Soldier/Guard 23.Filipino Soldier/Guard 24.Filipino Soldier/Guard 25.Filipino Soldier/Guard 26.Pilipino1 27.Pilipino2 28.Pilipino3 29.Kababayan 30.Tagapagsalaysay

SCRIPT: |Noong Hulyo 31, 1897 natapos ang pagpapatapon kay Jose. Apat na taon din siyang nanatili sa Dapitan. Labis ang lungkot at pangungulilang naramdaman ng mga naninirahan duon nang umalis si Jose. Nawalan sila ng isang pangulo, ng isang manananggol at ng isang kaibigan. Nagpaalam kay Jose lahat ng mga mamamayan ng Dapitan at untiunti silang lumuha habang untiunting lumalayo ang Espaniya, ang steamer na sinakyan ni Jose papuntang Maynila. Scene 1 |Nang nasa Maynila na si Jose ay marami siyang nalaman na lubhang bumagabag sa kanya. (May isang kababayan niya na kakausap sa kanya.) Kabanayan: Magandang araw, Jose! Jose: Magandang araw din naman sa iyo, kaibigan. Kababayan: Nabalitaan kong kailangan mo raw pumunta sa Espaniya para makatulong sa labanan sa Cuba? Jose: Tama ka diyan, kaibigan! Sasakay sana ako sa Isla de Luzon ngunit nahuli ako dahil nakaalis na pala ito kahapon ng alas singko. Kababayan: Kaya naman hihintayin mo ang susunod na steamer, tama ba? Jose: Tama at hindi na magtatagal at darating na ang Castilla, dun ako sasakay. Kababayan: Mabuti. Hiling ko ang kaligtasan mo sa iyong paglalakbay – Jose: -- Salamat – Kababayan: Nabalitaan mo na ba ang mga pagyayari sa ating bayan? Jose: Mukhang nahuhuli na ako sa mga pangyayari dito. Maaari mo bang ikuwento sa akin?

Kababayan: Nalaman ng ga prayle ang planong pagpapatapon ng mga miembro ng Katipunan sa pamamahala ng Espaniya dito sa Pilipinas. Dahil don ay naguguluhan na ang mga mga Kastilang opisyal. Jose: May mga pagaalsa na bang sumiklab? Kabanayan: Pumutok na ang mga paghihimagsikan sa iba’t ibang mga probinsiya gaya ng Bulacan, Cavite, Batangas, Laguna, Pampanga, Nueva Ecija at Tarlac. Jose: Nalulungkot akong malaman ‘yan, kaibigan. Kababayan: Nalulungkot? Hindi ba’t dapat kang matuwa at nagsisimula nang kumilos ang mga Pilipino upang bawiin ang ating kalayaan? Jose: Huwag mong isipin na hindi ko nais ang kalayaan. Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at iiyak. Ngunit sa tingin ko’y hindi pa tayo handa. Ano ang laban ng sumpit at bolo sa malalakas na mga armas ng mga kastila? Dadanak lang ang dugo at madadamay ang mga inosenteng mga Pilipino at mga Kastila.

Scene 2 |Ala sais ng hapon, noon Setyembre dos, mil nueve cientos nuventa y sais, inilipat si Jose sa steamer na Isla de Panay mula sa Castilla. Nakasama niya sa steamer na iyon si Don Pedro Roxas, isang mayamang taga-Maynila. Nakarinig siya ng babala mula sa mga kapwa niyang Pilipinong nakasakay sa steamer na iyon. P1: Jose, Jose, nabalitaan naming may planong dakpin ka bago tayo makarating sa Barcelona. P2: Tumakas ka na, Jose, habang may pagkakataon ka pa! Jose: Nangako ako kay Gobernador General Blanco na pupunta ako sa Barcelona at tutulong ako sa labanan sa Cuba bilang isang manggagamot. Hindi ko pwedeng baliin ang pangako ko.

P3: Jose, walang magagawa ang tapang mo. Puputulin ng mga Kastila ang ulo mo. Kung gusto mong mabuhay nang mas mahaba, tumakas ka nalang at manahimik sa isang tagong lugar. Jose: Hindi ko pwedeng gawin ‘yon. Mayroon akong palabra de honor at prisipyo na kailangan kong alagaan. (Uupo si Jose at aalis ang mga Pinoy na nagbabala sa kanya. Magbabasa siya ng diaryo sa steamer at biglang darating ang mga tropa ng mga Kastila na aaresto sa kanya.) K1: Eres Jose Protacio Rizal Mercado? (Titingin lang si Jose at hindi magsasalita.) Eres Jose Protacio Rizal Mercado!? Jose: Si. Que usted necesitas? K2: Inaaresto ka namin, gamit ang kapangyarihang ipinagkaloob sa amin ni Gobernador General Ramon Blanco. Jose: Sa anong dahilan ako aarestuhin? K1: Sumama ka nalang sa amin. Sige, dakpin siya. Jose: Saan niyo ako dadalhin!? K2: Ididitini ka muna namin sa Ceuta. Doon ka mananatili hanggang makarinig kami ng kautusan mula kay Gobernador General Blanco.

|Pinabalik si Jose sa Maynila sakay ng isang steamer, Colon. Punongpunong ng mga sundalo at mga opisyal ang steamer. Ang huling paguwi ni Rizal sa kanyang bayan ay noong 1896. Alam ni Jose na iyon na ang pinakamalaking pagsubok sa kanya at maaring buhay niya ang maging kabayaran. (Ipapakita ang isang paglilitis. Nakaupo si Jose sa katabi ang kanyang mananaggol – Si Luis Taviel de Andrade. Babasahan siya ng mga ebidensiya laban sa kanya ni Juez Francisco Olive.)

Juez: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ito na ang huling araw ng iyong paglilitis sa kasong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Babasahin sa iyo, bilang bahagi ng iyong karapatan, ang mga ebidensiya laban sa iyo. (Papalo) Tagabasa: 1. Sumulat si Antonio Luna kay Mariano Ponce na nagpapatunay ng iyong koneksyon sa kampanya para sa reporma sa Espanya. 2. Sumulat ka sa iyong pamilya na nagsasabing mabuti ang pagpapatapon dahil hinihikayat nito ang mga tao upang maghimagsik. 3. Sumulat si Marcelo del Pilar kay Deodato Arellano na nagpapatunay na ay kinalaman ka sa Propaganda sa Espaniya. 4. Sumulat ka ng isang tulang pinamagatang Kundiman na mapanghikayat ng himagsikan. 5. Sumulat si Carlos Oliver sa hindi matukoy na isang tao na naglalarawan sa iyo bilang isang taong magpapalaya sa Pilipinas. 6. Isang dokumentong masonika na nagpapatunay sa iyong mapanghimagsik na serbisiyo. 7. Isang sulat na pinirmahang Dimasalang na nagsasaad na ikaw ay naghahanda ng isang lugar na maaaring tuluyan ng mga lumalaban sa Espaniya. (Papalo nanaman si Juez.) Tagabasa2: Narito ang ilang pang mga ebidensiya laban sa iyo: 1. Sumulat si Dimasalang sa isang di matukoy na organisasyong na humihingi ng tulong nito para sa paghihimagsik. 2. Isang di kilalang sulat na tumutuligsa sa pagpapatapon sa iyo. 3. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagsasabing ikaw ang tagapagligtas ng mga Pilipino.

4. Isang sulat ni Ildefonso Laurel sa iyo na nagpapaalam sa iyo ng mga pinatatapon ng gobyerno. 5. Isang sulat ni Marcelo del Pilar kay Don Juan Tenluz na nagrerekomenda ng pagpapatayo ng espesiyal na organisasyon. 6. Isang kopya ng talumpati ni Emilio Jacinto kung saad nakasaad, “Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang kalayaan! Mabuhay si Doktor Rizal!” 7. Isang kopya ng talumpati ni Jose Turiano Santiago kung saan nakasaas, “Mabuhay si Jose Rizal! Kamatayan sa mga manlulupig!” 8. Isang tula ni Laong Laan na pinagamatang Talisay na umaawit ng paglaban para sa karapatan. (Papalo nanaman ang Juez.) Juez: Ngayong narinig na ang lahat ng ebidensiya laban sa’yo, bibigyan ng pagkakaton ang iyong mananaggol na iprisenta ang inyong huling depensa. (Papalo.) Lt: Ako po si Luis Taviel de Andrade, ang mananaggol ng nasasakdal – Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realando. Sa maraming taon, ang pangalang Rizal ay naging simbolo ng hindi mabilang na rebelyon. Siya rin ay naging simbolo ng mga karaingan ng mga tao at ngayon ay nabibinbin siya sa panganib ng kamatayan. Ano ba ang naging kasalanan niya? Nagsabi ba siya sa harapan ng madla ng pagkamuhi o paglaban sa Espaniya? Nagsdeklara ba siya sa madla ng paghihiwalang ng sarili niya sa rehimen ng Espaniya. Idineklara ba niya, sa harap ng Simbahan at ng Espaniya, na lumalaban siya sa kapangyarihan ng mga ito? Hindi. Kaya naman ipinapanalngin ko sa harapan ng kagalang-galang na korteng ito na bigyan ang ng kapatawaran sa kung ano mang pagkakamaling nagawa niya. Juez: Gracias, Abogado Luis Taviel de Andrade. Ngayon naman ay binibigyan ng pagkakataon ang nasasakdal upang magbigay ng panghuli niyang depensa. (Tatayo si Jose at magsasalita.)

Jose: Napaitapon ako sa Dapitan at nanatili doon ng apat na taon. Sa boong pananatili ko ay wala akong ibang iniisip kundi ang kalagayan ng aking pamilya at ang ikabubuti ng aking bayan. Pinagbuti ko ang pananatili ko sa Dapitan at sinikap kong maging produktibo ang pananatili ko doon. Nalaman, sa pamamagitan ng sulat sa aking ng aking kaibigan si Ferdinand Blumentritt, na kailangan ng espanya ng isang doktor na tutulong sa Cuba upang gumamot ng mga biktima ng digmaan. Dalidali akong sumulat sa Gobernador General para iaabot ang makakaya ko ngunit ito ang nakuha kong kapalit. Nakalulungkot isipin na may mga taong sumamantala ng katahimikan ko sa Dapitan at ginamit ang aking pagkawala para idiin ako. Ngayon ay nadidiin ako sa loob ng korteng ito dahil sa mga paratang, mga kasalanang ipinupukol sa akin. Isa lang ang alam kong nagawa kong kasalanan – minahal ko ang sarili kong bayan. (Papalo uli ang Juez. Magkakagulo at magiingay ang mga tao.) Juez: Silencio. Babasahin na ang hatol sa nasasakdal. Este tribunal condena, don José Rizal Mercado Y. Alonso con la pena de muerte, así decretado y ordenado por el tribunal ordinario marcial del cargo como testigo por el presidente y los miembros del tribunal. (Papalo ang Juez.) (Habang binabasa ng tagapagsalaysay ang mga sumusunod na linya, si Dr. Jose Rizal ay nakatingin sa mga papel na nagpapataw sa kanya ng kamatayan na desisyon sa kanyang kaso, samantalang si Tenyente Andrade naman ay lumakad patungo sa prison cell ng kanyang kliyente.) l Ikaw, Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda, ay napatunayang nagkasala sa harap ng korteng ito dahil sa iyong panguupat ng himagsikan laban sa Espaniya. Ikaw ay pinapatawan ng parusang kamatayan. ( Sa kabilang dako naman, pinuntahan ni Lt. Andrade si Dr. Jose Rizal sa kanyang prison cell at kinausap ukol sa kinalabasan ng desisyon ng korte sa kaso.)

Lt : Assholes! (Binagsak ang mga papel sa paanan ng table ni Rizal at nagpatuloy…) culos!

Jose: (Sumagot ng kalmado) Ito ang unang beses na narinig kong binigkas mo ang mga salitang iyan Taviel, parang lumilitaw na sanay ka sa pagbigkas ng mga iyan.

Lt: Ang nangyari ay hindi patas, hindi nila tayo binigyan ng pagkakataon na ipaglaban ang kaso! They manipulated the proceedings! Ginamit lang nila tayo!

Jose: Bakit tila ikaw ang lubhang nagagalit kung gayong sa puntong ito ay ako ang hinatulan ng kamatayan?

Lt : Mabuti at tila may gana ka pang magbiro.

Jose: Luis….

Lt: Tama na! Ako ay bibitiw na sa aking mga tungkulin at obligasyon sa gobyerno. Babalik ako sa Espaniya!... Wala na akong mukhang ihaharap sa iyo… Wala na kong mukhang ihaharap sa inyong lahat…

Jose: Bakit?

Lt: Sa kadahilanang, Ako ay nabigo.

(Munting katahimikan ang namutawi sa pagitan nina Rizal. Tumayo siya at tinapik sa kanang balikat si Lt. at nagsalita). Jose: Ikaw ay hindi Kastila Taviel, kapwa tayo’y magkatulad lamang.

Scene 2

(Sa bahay ng Gobernador General Polavieja, si Doña Teodora Alonso ay umiiyak at kinakabahan na nakipagusap sa isang gwardiya)

Doña: Ma-walang galang na Senior, Maari ko bang makausap si Gobernador General Polaviejo, Nais ko lamang humingi ng tulong para saaking anak na si Dr. Jose Rizal.

Gwardiya: Ang gobernador ay walang panahon para sa mga ganyan, Alis na!

Doña: Pakiusap, maawa ka na. Ito na lamang ang natitirang paraan para maisalba ko ang buhay ng aking anak… Pakiusap po Senior.

Gwardiya: Senyora, bor pabor!

(Pagkatapos marinig ang salitang pabor, bumaba ang Gobernador General at lumakad patungo sa kanila sa labas ng pintuan kung saan nagmamakaawa si na tulungan siya. Ng malapit na sa pintuan ang gobernador, pinapasok siya ng gwardiya at kaagad na nakiusap sa gobernador at nagmakaawa.)

Doña : Oh Gobernador!, Gobernador!, Gobernador…

GG: Senyora, bor pabor!... No tengo tiempo

Doña: Maawa ka na Gobernador, Pakiusap, Nagmamakaawa ako sayo… (inaabot ang isang envelope sa gobernador habang nakikiusap ditto) para sa aking anak na si Jose Rizal

GG: (kinuha ang envelope) Lo Siento (at ang gobernador ay nagpatuloy ng maglakad sa kanyang bahay, at naiwan si Doña Alonso na parang dinudurog ang puso sa takdang pagpatay kay Dr. Rizal)

Scene 3

(Sa pagtitipon ng mga Katipunero)

Bonifacio: Tayong lahat ay lulusob sa mga Kastila sa lalong madaling panahon. Kailangan nating iligtas si Dr. Jose Rial! Mabuhay si Dr. Jose Rizal!

Katipuneros: Mabuhay si Dr. Rizal! Mabuhay si Dr. Rizal!

Paciano: Sandali! Sandali! Tayong lahat ay humimahon! Ang mga bantay sa aking kapatid ay tila mahirap kalabanin, ang mga Kastila ay handa sa kung anumang plano laban sa pagsagip sa aking kapatid…

Bonifacio: Ganun din sa panig natin, hindi tayo takot sa kanila, mga kapwa ko katipunero, hanggang sa kamatayan para kay Dr. Jose Rizal!

Paciano: Sandali lamang! Huminahon tayo! Hindi tayo dapat nagpapadalusdalos! Bagamat ako man ay nais kong sagipin ang akig kapatid na si Rizal, ngunit siya rin ay ayaw itaya ang kapakanan ng ating mga buhay gayong

wala tayong kalaban-laban sa mga Kastila… Ang kapalaran ni Pepe ay nasa kamay ng Panginoon… Wala tayong magagawa sa bagay na iyon…

(Tumingin si Paciano kay Andres Bonifacio . Tinapik siya ni Bonifacio sa kanyang kanang balikat.)

Scene

| Ika dalawamput siyam ng Desyyembre taong isang libo walong daan at siyam naput anim. Si Dr. Jose Rizal ay dinala sa isang simbahan upang hintayin ang bukang liwayway sa araw ng kaniyang kamatayan. Siya ay nagsusulat ng liham para sa kanyang nakakatatandang kapatid na si Paciano. (Habang sumusulat si Rizal, binabasa ng tagapagsalaysay ang kanyang liham para kay Paciano)

“My dear brother, for more than for years, we have neither seen nor written each other, not for lack of love on your part nor mine, but because knowing each other as we do, we needed no words to understand each other. Now that I am about to die, I dedicate these last lines to you to tell you how sorry I am to leave you alone in the world, bearing the burden of the whole family and our old parents. I think of the hardships you went through to help me in my career and I believe I tried my best to waste no time. My brother, if the fruit is bitter, the fault is not mine, but fate’s…”

| Habang nakadungaw sa bintana si Pepe ay dumating ang kanyang Ina, nagkaroon ng ngiti sa mukha ni Rizal ng masilayan ang pinakamamahal niyang ina. (Agad itong lumuhod at nagmano) Jose: Inay… Mano po Inay…

(Patuloy na nagluluksa si Doña Teodora habang nagmamano si Rizal at nakatingin sa kanya)

Jose: Nawa’y patawarin niyo po ako sa aking mga pagkukulang inay.

(Ang mag-ina ay nagsimula ng mag-iyakan ngunit agad na hinila ang dalawa ng mga gwardya at pinaglayo) Mahal na mahal kita Inay…

Doña: Pepe…

Jose: Inay, sa oras ng aking kamatayan, ipagtanong nyo po ang aking katawan sa kadahilanang baka itapon na lamang nila ako sa kung saan… ilibing niyo po ako at lagyan ng krus kasama ng aking araw ng kapanganalan at kapamatayan… yun lamang po ang aking huling kahilingan...

| Sumunod na dumating ang kapatid ng bayani kung saan mahigpit niya itong niyakap. Bakas sa mukha ng ating bayani ang pagkalungkot at pagaalala sa pamilya niyang maiiwan. Inabot ni Trinidad ang isang munting regalo kay Rizal.

Jose: Ito ay nagmula kay Pardo de Taveras, may kung ano sa loob nito.

| Si Trinidad at ang kanyang ina ay lumakad na paalis. Saka na lamang nila napagalaman ang ibig sabihin ni Rizal sa munting regalo ng basahin ito ng pamilya. Ito ang tula na ginawa ng bayani na pamamaalam, matagumpay ito nakuha sa kulungan at gayon na lamang ang pagkakaroon nito ng hindi mababayarang halaga sa Kasaysayan sa Litaratura ng Pilipinas.

| Pagkatapos ng pagbisita ng kaniyang mga mahal sa buhay, gabi bago harapin ang kanyang kamatayan, siya ay sumulat kay Blumentrit:

(Habang sumusulat s Rizal, binabasa ng tagapagsalaysay ang liham niya para sa kaibigan na si Blumentrit)

“When your receive this, I shall be dead. Tomorrow at seven I shall be shot, but I am not guilty of the crime of rebellion. I shall die with a clean conscience. Goodbye, my best friend and dearest friend”

|Ginugol ni Rizal ang kanyang oras kagabi sa pagdadasal at natulog hanggang sa dumating na ang nakatakdang huling araw sa kanyang buhay. Ika tatlumpu ng Disyembre, alas singko ng umaga, siya ay inahinan ng tatlong itlog na nilaga para sa kanyang almusal

Jose: Esto para los pobres ratones que ellos ambien hagan su fiesta!

|This is for the poor mice, let them celebrate, likewise. Alas singko y media ng umaga ng dumating si Josephine Bracken kasama ni Josefa…

Jose: Josephine this is for you… (niyakap nila ang isa’t isa)

| At lumabas sina Josephine at Josefa ng may dalang libro na may pamagat na Imitation of Christ by Thomas Kempis.

(Sinuot ni Jose Rizal ang kanyang black suit at black howler hat. Dumating si at ang mga gwardiya at tinalian siya sa kamay sa kanyang likod)

Jose: (Habang nakatingin kay Lt.) Iniisip nila siguro na ako ay tatakas… saan? Sa Dapitan?...

(Marching music plays…)

| At ang pagmartsa papalapit sa lugar na kung saan siya papaslangin ay nagsimula na, ang grupo ay dumaan sa Postigo Gate palabas sa Paseo de Maria Cristina. Ilang beses na tumingin ng pabalik-balik si Rizal upang maanigan sa huling sandal ang mga pamilyar na lugar na kanyang iiwanan.

Jose: Tayo ay papunta sa kalbaryo…

| Saad nya sa paring kaniyang tinignan

Jose: Mas higit pa dito ang hirap na naranasan ni Kristo.

Jose: Iyon ba ang Ateneo?

Jesuits: Oo

Jose: Diyan ko ginugol ang mga masasayang araw sa aking buhay…

(Ilang minute nakarating na sila sa lugar ng eksekyusyon. Nagmartsa na ang mga sundalo habang binabasa ito ng tagapagsalaysay. I-play ang marching music)

| Para lalong mapahiya si Rizal at maparusahan, isang firing squad na kinabibilangan ng mga Pilipinong sundalo ang naatasan na magsagawa ng pagbaril. Sa likod ng mga Indio ay ang mga Kastilang sundalo na handang siguraduhin ang mga rifles na gagamitin kung gagawin ba nila ng maayaso ang kanilang trabaho. Bago ang pagpatay, isang militar na sugeon ang nakiramdam sa pulso ni Rizal. Nagulat na lamang siya ng para lamang itong normal na tao bagamat alam nitong ilang minute nalang ang kanyang pananalagi sa mundo.

(Tigil ang Marching music, nagsalita si Rizal)

Jose: (humarap sa mga tao) I have not been a traitor to my country nor to the Spanish nation. (pagkatapos naman ay humarap sa mga Kastilang opisyal) on ultimo pabor. déjame hacer frente del pelotón de fusilamiento

Spanish Officer: Impossible’

Jose: entonces por lo menos salvar mi cabeza

(Tumingin ang Kastila kay Lt. Andrade at tumango, pinagbigyan nito ang hiling ng bayani.Tinaas ni Rizal ang kanyang kanyang kanang kamay at inaabot it okay Lt. upang makipagkamay at hinawakan ito ni Lt. Andrade pati sa balikat na para bang ito’y tila nangangahulugan ng pagpapasalamat at pamamaalam. Ang grupo na kasama ni Rizal ay dumistansya patungo sa mga kumpol ng tao.)

Announcer: En el nombre del rey de España, cualquier persona que levanta la voz en favor de la penal… También se ejecutará

| Sa ngalan ng Hari ng Espanya, ang sino mang nagtaas ng kanyang boses sa pabor ng kriminal ay mahahatulan din ng kamatayan.

(Si Rizal ay umikot…)

Announcer: Listo (thrill drum sounds)!... cargar! …Establecer!

(habang tumutugtog ang thrill drum. Binigkas ni Rizal ang kanyang huling salita.)

Jose: Consummatum est!

Announcer: fuego

(Big bang sound effect insert at namatay si Rizal. At may isang Kastila ang lumapit upang bigyan siyang muli ng isa pang mercy shot upang masigurong patay na siya. Kinuha niya ang panyo sa bulsa ni Rizal at nilagay sa mukha nya.)

Announcer: muerte a los traidore! Viva España

| Alas! The Indio Bravo was dead…

People: Viva España! Viva España!

|Mabuhay ang Espanya!

(march of cadiz)

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF