Script for Wlang Sugat
March 29, 2017 | Author: Sleeptalker Cullen | Category: N/A
Short Description
Download Script for Wlang Sugat...
Description
Script Mga Tauhan: Julia- Chanet
Tenyong-Edier Lucia- Danica Juana- Angela (7)Girls- Anna, Marian, Gem, Hazel, Chrisha,Jessa, Anna,Jiah Marcelo-Orlando Relihiyoso 1- Sharrmene Relihiyoso 2- Carla Relihiyoso 3- Marian Tadea -Chrisha Monica-Mary Miguel-Carlo Pari Teban-Edward Putin-Vinarica Inggo-Kevin
Prologue- Ipapakitang pinapahirapan si Inggo. Hapak there and there. (optional) First Scene (Sala sa bahay nila Julia) [Ari kay nanahi ang girls and Julia] (Mag smile2x si Julia while nagburda den mu-stop sa work tan-awon den i put close sa heart) Jessa: Hoy, tingnan niyo si Julia pati panyo'y sinisinta! Jemimah: Tiyak para kay Tenyong iyan. Julia: Naku, hindi ah. (smile na pud balik sa panyo) Hazel: Naku, nakakainggit naman si Julia may Tenyong na.. Anna: Oo nga. Chrisha: Naku ipagbuburda ko rin ang aking si Gem: Ay ipagbuburda ko rin si Delano. Julia: Hayan, tapos na ko. Gem: Ako rin! JJCHA: Kami rin! Julia: (mutindog) Sige, ligpitin niyo na ang mga bastidor. (mangligpit pud sila JJCHGA den kinalasan muhawa sa scene si Chanet nga magpatunga den smile na pud niya i hug ang panyo) Second Scene: (Nag rocking chair si Julia dapit sa durungawan. P.S. nag smile japon) (den muabot si Tenyong) Tenyong: Ah, Julia! Julia: O, Tenyong. Napadalaw ka? Tenyong: (Smirk) Bakit, Julia. Hindi ba pwedeng dalawin ang napakagandang dilag? Julia: (hapak sliigghttly sa arm ni Tenyong) Ikaw talaga, Tenyong. (makit-an ni tenyong ang panyong binurda on the table) Tenyong: Aba, isang panyo! Ikaw ba ang nagburda nito Julia? Julia: Oo. (walk to the table to get the hanky pero ma-stop no Julia) Julia: T-Teka, Tenyong.(taguan maayo sa likod) Huwag na. huwag mo nang tingnan. Masama ang pagkakayari, nakakahiya... Tenyong: (sisilip silip sa likod ng dalaga) Isang silip lamang, hindi ko hihipuin, ganoon lang. Julia: Sa ibang araw na lang, pagkatapos... sige na nga ipakikita ko na sa iyo. (i-hand over ang panyo) Tenyong: (I-prolong ang paghold sa hand) Ang daliri bang ito na hubog kandila, ay may yayariing
hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang..(kuhaon unta ang panyo sa other hand na gitago but dle ihatag) Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko. Tenyong: (pagalit na sad) Ay!(mutalikod) Julia: Bakit Tenyong, napagod ka ba? (dili muanswer si Tenyong) Masama ka palang mapagod. Tenyong: Eh bakit kasi hindi mo pinapakita ang panyo eh mukhang maganda naman. Julia: Nagalit tuloy! Tenyong,Tenyong..(yugyugun ang shoulder) Tenyong: Ay! tsk. Julia: (Take a deep breath den ilabay ang hanky den walk out galore) Tenyong:(kuhaaon ang panyo look at the panyo, smile,niya duolon si Julia) Julia, Julia ko.(Mustop si Julia nia mu face front nia den muluhod ka sa atubangan ni Julia) Patawarin mo ako. Hindi naman ako nagalit. Julia: Masakit sa aking magalit ka at isa iyong malaking bagay para sa akin. Tenyong: (stand na den smile)(get the two hands of Julia and place it near ur heart) Hindi ako nagalit, Julia. Natutuwa ako. Natutuwa akong narito ako at kaharap ka at mas lalo akong nagalak sapagkat nakikita ko na inilimbag mo sa panyong ito ang pangalan ko. Julia: (taken aback tries to get the panyo=fail then blush) H-Hindi ah. Nagkakamali ka. Hindi ukol sa iyo ang panyong iyan. Tenyong: (patuya) Sinungaling. At kaninong pangalan ito? A. Antonio; N. Narciso, at F. ay Flores. Julia: Na-Namamali ka! H-Hindi mo pangalan iyan! (tries to get the panyo again=fail) Tenyong: Hindi pala akin eh kanino nga? Julia: (think for awhile) Sa... Sa... Sa A-Among! Iya'y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan niya sa pasko. Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra'y A, N at F? Julia: Oo nga. Sapagkat ang A ay Among, ang N ay natin, at F ay Frayle. Among Nating Frayle. Tenyong: Among Nating Frayle? Malaking kaalipustaan! Huwag mo ngang mabanggit ang mga taong iyan at madaling magpanting ang aking mga tainga. Julia: Hah! Nakaganti rin ako! Tenyong: (Kuha posporo sa pocket den sigai) Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko masilaban ito ibig sabihin nagsisinungaling ka.Sabihin mo sa akin, para sa kura nga ba ito?(ipatungod gamai ang flame sa panyo) Julia: H-Huwag! (Iwakli ang hand na naaii posporo ni Tenyong) Huwag mong silaban! Huwag mong silaban ang iyong pangalan! Tenyong: Salamat naman at ito nga'y sa akin. Nang sinabi mo ang pangalan ng kura ay nagising ang galit na di ko mapigilan. Julia: Hindi ko sinasadya. Para sa iyo talaga iyang panyo. Tenyong: Salamat! Salamat, o, Juling ko! (kiss the hand) Julia: Oh, Tenyong ng puso ko. (HUG mo DUHA) Tenyong: Pag-ibigan nati'y sana lumawig! At paglingap mo sa akin ay kusang mamalagi. Huwag mo sana akong limutin tuwi-tuwi. Julia: Pangako ko dudulog tayong dalawa sa altar. Tenyong: Asahan mo. [close curtains] Third Scene: (Ang kani nga scene kay si Juana naa sa kwarto nia naaii dakong aparador) Juana: Juliaa.. Juliaa! Saan mo ba inilagay ang baro kong makato? (mugawas sa room den magkita sila sa sala w/ Tenyong) Julia: Po? Juana: Yung baro kong makato-Lucia: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong...! (panting) Tenyong: Oh, Lucia! Napaano ka? Lucia: Si Tatang Inggo po. Juana: Bakit? Anong nangyari sa kanya?
Lucia: Dinakip po ang tatang mo ng boluntaryo ng Santa Maria. Tenyong: Ano!? Dinakip si Tatang? Lucia: Opo. Tenyong: Saan kaya dinala? Lucia: Sa Bulakan daw po dadalhin. Tenyong: Tiya, pupunta po muna ako doon at susundan si Tatang. Lucia: Sige po. Mauna po muna ako sa inyo. Tenyong: Sige Lucia, salamat. Juana: O sige, Tenyong. Julia magbihis ka may pupuntahan tayo. (mawala sa scene si Juana ug si Julia. Mabilin sa scene si Tenyong) Tenyong: (Pabagsak nga mulingkod sa lingkuranan. Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligaya ay kapalit ang matinding dusa! (hipuin ang sentido) [close curtains] Fourth Scene: (Ang naa dre kay si Lucia ug si Anna and Gem) Lucia: Tayo na't dalawin natin ang ating mga pamilya sa bilangguan. (mag pack ka ari nga scene) Anna: Oo, magdala tayo nitong mga bihisan. Gem: Eto ring mga pagkain dalhan natin sila. Lucia: Salamat at madadalaw ko na rin ang aking kapatid. Anna: Madadalaw ko rin ang aking ama. Gem: at ako ang aking asawa. Lucia: Hali na kayo sumakay na tayo sa tren doon sa estasyon. Fifth Scene: [patyo ng Gobyerno] Relihiyoso 1: Hay naku. Yang si Kapitan Luis, masama yang tao! Tagaroon siya sa amin kaya alam ko ang ugali niya! Marcelo: Mason po yata, Among? (stop ug walk) Relihiyoso 1: (umiling-iling) Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka't kung siya'y sumulat ay maraming K, cabayo K.(tsk. tsk) Marcelo: Naku! Hindi po ako kabayo, Among! Relihiyoso 1: (mu-face ni Marcelo) Hindi ko sinasabing kabayo ka kundi kung paano isulat ni Kapitan Luis ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao talaga, mabuti pa't mamatay siya! (muduol sa usa ka table den mulingkod sila tanan dle pa mu-lingkod si Marcelo tagaan niya juice ang mga religious people) Relihiyoso 2: Marcelo, daragdagan nga pala natin ng rasyon sina Kapitan Piton, Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz. Marcelo: Ngunit baka hindi sila makakain niyan Among! Relihiyoso 1: Ano ba! Hindi rasyon ng pagkain ang tinutukoy ko. Ano sa akin kung hindi sila kumain mabuti nga't mamatay silang lahat. Ang tinutukoy ko ay ang rasyon ng palo. Maraming palo ang kailangan. Marcelo: Opo Among. Ngunit, hirap na po ang katawan ng mga bilanggo at nakakaawa po yung mga nagsisipagdaing. Isang linggo na po ang paluan at isang linggo na po silang walang tulog! Relihiyoso 2: (mubarog out of anger) Badword! Loko ito! Anong awa-awa!? Ahh! Walang awaawa!(lingkod ka inom juice) Ilang kaban na ba ang rasyon? Ang rasyon ng palo ha. Marcelo: Dati po'y tatlong kaban at tatlong beses sa isang araw po, ngunit ngayon po'y lima na po ang kaban at limang beses sa isang araw ang palo. Relihiyoso 2: Ah! Magaling! Magaling! Samakatwid pala'y limang beses na 25 at makalimang 125 ay hustong 526(count ka sa imu fingers) Kakaunti pa siguro ang kaban. (kuha ka ug kwarta and
tabako) Sige dagdagan mo pa ang palo. Marcelo: Sige po among at salamat po dito. Relihiyoso 1:(inom juice) Ilan nga pala ang namatay kahapon? Marcelo: Wala po sana, ngunit nang mag-umaga ay pito po ang namatay. Relihiyoso 1: Bakit ganoon? Marcelo: Sapagkat si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga. (Mu-bust in daun Si Relihiyoso 3 sa scene na nag-pant) Relihiyoso 2: O, Campanera! Naparito ka? Relihiyoso 3: Si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga-Relihiyoso 1: Alam na namin iyan-Relihiyoso 3: at narito si Kapitana Putin ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. (lingkod daun ka niya inom sa juice) Relihiyoso 2: Ah, ganoon ba. Teka Marcelo, diba sabi mo pinagsaulan na ng hininga si Kapitan Inggo, eh hindi pa pala siya namamatay? Marcelo: Malapit na ho. Mamamatay ho syang walang pagsala. Wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso'y litaw na ang mga buto, na nagigit sa pagkagapos. Relihiyoso 1: Hah! May buhay-pusa pala si Kapitan Inggo! Saang selda siya naroroon? Marcelo: Nariyan lang ho sa kabilang silid, at tinutuluyan ulit ng limang kabang palo. Relihiyoso 3: Mabuti. Marcelo, huwag mo palang kalimutan na si Kapitan Inggo ay araw-araw paluin at ibibilad at bubuhusan ng tubig ang ilong at huwag bibigyan ng mabuting tulog, ha? Marcelo: Opo, Among. Relihiyoso 2: Marcelo, dalhin mo nga dito si Kapitan Inggo. Marcelo: Eh, hindi po makalakad. Relihiyoso 3: Dalhin mo dito ang papag. Marcelo: Opo, Among. (mulakaw) Relihiyoso 2: Tonto! -(sa balay ni Miguel) Juana: Nandiyan ba sina Miguel? Kasambahay: Nandito ho pasok ho kayo. Julia: Ina, bakit ho tayo naparito? Juana: (dili ka mu-answer niya makit-an ninyo si Pari Teban)Sige umupo ka muna diyan at makikipag-usap muna ako kay Pari Teban. (mahimu nang background si Julia niya musulod si Miguel niya mutupad niya mag-talk2x sila) Juana: Among, kumusta ho kayo?(nag-talk mu dapit nilang Julia nagbarog mo) P.Teban: Masama talaga, Juana. Hirap na lang parati ang aming dinaranas at wala kaming ibang inaasahan kundi ang kaunting sweldo dahil kami'y alipin ng mga prayle. Pero ngayong, namamahala na kami wala na kaming kinikita; wala nang mga pamisa, ngayon ko lang napagtantong ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pakunwari lamang dahil sa takot nila sa mga prayle. Juana: Totoo ho talaga yang sinasabi niyo. P.Teban: Kaya Juana, di malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka. (nia musulod si Tadea) P.Teban: Sige mauna na ako sa inyo Juana, Tadea. (mu-nod si J and T) Juana: O, kumare Tadea! Kumusta ka? Tadea: Mabuti naman. (mu-tan-aw nilang Miguel) Aba! Mukhang malalim ang pinag-uusapan ng dalawa. Juana: Oo nga. (mu-duol sila ni Miguel and Julia) Miguel: (makakita sa iya mama) Ay! Julia... ay.. ma-ma-malapit na... Julia: (ma-confuse ka. i-distort imu nawng) Alin ang malapit na? Miguel: Ang... ang... ang... Tadea: Tayo na Miguel at nagkasundo na kami ng Ina ni Julia. Miguel: Ay... salamat.(tuwang-tuwa)
Tadea: Ano ba ang sinabi mo kay Julia? Miguel: Po? Ah.. Sinabi ko na... Sinabi kong... Siya si Julia ko... Ay! Ay! Julia ko! (ma-confuse ang nawng ni Julia) Tadea: Wala ka na bang ibang sasabihin sa kanya kundi, "Ay"!? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo? Miguel: Sinabi ko pong malapit na.. Tadea: Malapit na ang alin? Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung ano ang malapit, eh, hindi ko po nasagutan... Tadea: Hay naku! Napakadungo mo talaga! Hay naku Ige, tumahimik ka nalang baka mahalata ka pa! Juana: Sige kumare, mauna na kami. Tadea: Sige. Ige, ihatid mo muna sila. Miguel: Opo. Sixth Scene (ang naa ari nga scene kay si Putin, Tenyong and the boys, Si Juana and Julia) Kapitana Putin: Tenyong, napano na kaya ang ama mo? Tenyong: Hindi ko alam, Ina. (duol na mu sa bilangguan) Relihiyoso 1: Ah, Kapitana Putin! Ngayon, makikita mo na si Kapitan Inggo, ahm sinabi ko na pala sa Alkalde na huwag na siyang papaluin at hindi na ibibilad sa araw at ipinagbilin ko ring bigyan siya ng mabuting tulugan. Putin: Salamat po, Among. Relihiyoso 1: Ah, kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador, at sasabihin namin na pawalan, lahat ang mga bilanggo, kaawa-awa naman sila.(fake nimu hap) Putin: Opo, among. Mano ho (mu-bless ka and Juana and Julia) Maraming salamat ho talaga, among. (mu-bless si Putin pero si Tenyong ug the others kay dle) Relihiyoso 1: (sa mga kasama in a hushed tone, muduol gamai si Tenyong ani kay maminaw) Despues de ver el Gobernador.. a Manila, cogemeros el tren en la Estacion de Guiginto, es necessario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal. Relihiyoso 3: Ya lo creo que va mal. Relihiyoso 2: Si si a fusilar, a fusilar. (hawa na sa scene ang mga religious people) Putin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit hindi ka humalik sa kamay sa among? Tenyong: Inang, ang mga kamay pong... mamamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag kayong maniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus pa ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Isulod daun si Inggo nagdapa sa papag nga gidala) Putin: (dagan daun ka to Inggo) Inggo ko! Tenyong (dagan pud ka) Tatang! (niya duol daun ang uban) Julia: Kaawa-awa naman! Juana: Mahabaging Langit! Tenyong: Ano ang nangyari sa mga braso mo amang, bakit naglalabasan na ang mga buto at balot sa sugat ang iyong katawan? Mga lapastangang pari sa Pilipinas na kampon ni Lusiper! Kapag namatay kayo amang, asahan niyo't igaganti ko kayo sa inyong nasapit at isa isa kong puputulin ang mga ulo ng mga prayle na kalahi ni Satanas! Putin: Inggo ko, ititihaya ka namin upang hindi ka mangalay...(sob2x) Inggo: (naghihingalo)Hu-huwag na Putin. A-anak ko h-huwag mong pabayaan ang I-inang mo. JJuana-Julia.. kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila... A-ang kaluluwa ko'y inihain ko na kay Bathala. (mu-make daun ka anang last breath) Putin: (mahunong ang sob daun) I-Inggo ko... Inggo.. Tenyong: T-Tatang?
Putin: Inggo!!! [close curtains] [niya inig-abli kay nanggawas na sila sa selda] Putin: T-Tenyong mukhang hindi ko na kayang maglakad. Nag-Nagsisikip ang aking dibdib. HHindi ako makahinga! (himatay na si Putin) Tenyong: Ina!! Juana: Putin! Julia: Tiya Putin! [close curtains] Seventh Scene: (naa sila sa ilang headquarters) Tenyong: Mga kasama, magsikuha kayo sa inyong mga gulok at mga rebolber! sundalong P(Anna): Ah! Meron akong gulok! Sundalong P(Hazel): May rebolber na man ako! Tenyong: Ihanda ninyo ang mga iyan at sasalakay tayo sa estasyon ng Guiginto. Sundalong P(Anna): Nakasisiguro ka bang magsisilulan sila sa tren? Tenyong: Oo, narinig ko ang pag-uusap nila at nabatid ko na sasabihin nila sa Heneral na pagbabarilin tayo! Sundalong P(Hazel): Mga Tampalasan!! Sundalong P(Anna): Walang patawad!!( imu ituslok ang imu gulok sa lamisa) (mu-gawas kadjut si Tenyong niya makit-an niya si Julia) Julia: Tenyong, Tenyong! Tenyong: Julia! Julia: Matitiis mo bang iwan ang ina mong kahapis-hapis ang anyo? Di ba't ikaw lang na bugtong na anak ang makakaaliw sa kanya? Bakit mo siya iiwan? Tenyong: (gunitan sa shoulders si Julia) Julia, tunay ang sinabi mo. Ngunit diba sinabi mo sa akin na kakalingain mo si Ina na parang sarili mo na ring ina kagaya ng pagkalinga mo sa akin? Kaya ano pa ba ang ipag-aalala ko? Julia: Ngunit... Huwag ka nang umalis, Tenyong.(kuhaa ang hand) Tenyong: (kiss the hand of Julia) Julia, alam mo namang hindi iyan maaari. Hinihintay na ako ng aking mga kapatid, Julia. Oras na Julia upang makawala tayo sa tanikalang nagbibigkis sa atin sa mga kaapihan. (talikod) Halos tatlong daan na Julia!(atubang na pud) Hindi ko pwedeng pabayaan na lang at ganito parati ang ating dinadanas hindi ko pwedeng pabayaang ang mga magiging anak at mga inaanak natin ay makakadanas ng kalagim-lagim na kaalipin. Julia: S-Sige. Heto, (kuhaa imu necklace) nang sa hindi mo ko makalimutan at isipin mong sa pakikidigma mo ay parati akong nasa tabi mo. Kung sakali mang masugatan ka aking irog, pumunta ka kaagad sa akin at huhugasan ko ang mga sugat mo ng aking pagmamahal. Tenyong: Nananalig ako sa Diyos na magtumpay kami at kung saka-sakali mang hindi kami magtagumpay at masawi ako--(ma-stop kay ibutang ni Julia ang isa ka finger sa lips ni Tenyong) Julia: Sssh. Huwag kang magsalita nang ganyan Tenyong huwag, natatakot ako. Tenyong: Huwag kang matakot, mahal. Tutuparin ko ang sinumpaan ko sa aking mga kapatid at pakatandaan mong nandito ka parati sa puso ko. (ibutang nimu ang iya hand sa imu heart). (One last hug niya out daun si Tenyong) Eighth Scene: (sa estasyon ng Guiginto) Relihiyoso 1: Hali na kayo mga Campanera! (daun bam! Giyera) Tenyong: Mga kampon ni Lusiper! Dapat kayong mamatay! (Thwack!)(Slash!) Sundalo P(anna): Pinatay niyo ang kapatid ko! (Patyon ang isa ka sundalo) Sundalo P(hazel): Pinatay niyo ang asawa ko!!! (Barilin ang isa sa sundalo)
Tenyong: (Kwelyuhun si Rel. 2) Ikaw ang pumatay sa ama ko! Walang utang na hindi pinagbabayaran! (Kuhaon si Rel.1niya sumbagon) Ikaw! Ikaw demonyo ka! [when patay na tanang prayle, magpant2x] Tenyong: Nagawa natin mga kapatid!!!! Mabuhay ang Pilipinas! [close curtain] Ninth Scene: Juana: Julia, maggayak ka na. Paparito na sina Miguel at ang kanyang ina, dapat lang na pakitaan mo sila ng kagandahang asal at anyo. Julia: (nagdungaw ka sa bintana) Kung pumarito ho sila eh di kausapin niyo po.(inis ang tone) Juana: Ano ang sinabi mo? Julia: Wala po! Juana: (hakliton niya ang arm ni Julia) Halika nga dito. Hindi naman pangit at lipi ng mga mabubuting tao, bugtong pa at nakakariwasa, ano pa ang hahangarin mo? Julia: Inang, hindi ko po hinahangad ang mga kabutihang sinasabi niyo. Ang hinahangad ko po... Juana: Ay ano? Sabihin mo nang maintindihan kita! Julia: Ang hinahangad ko po ay ang lalaking minamahal ko at mamahalin ako. Juana: (mu laugh) Hah! Julia, ako'y natatawa . Ikaw ay bata pa nga- anong puso-puso ang sinasabi mo? Iba na talaga ang takbo ng panahon ngayon! Noon, kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap sa mata at itinutuloy sa puso at kung ano ang tibok ay siyang sinusunod ngunit ngayon!? Ngayon, kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap sa mata at itinutuloy dito (anaan sa finger si Julia sa noo) diyan! at hindi sa puso! At kung ano ang pasya ng isip ay siyang susundin hindi na talaga gumaganap ng maganda sa katungkulan ang puso ngayon! Julia: (taken aback) Nakasisindak ang mga pangungusap mo, Ina! Juana: Siyang tunay! Julia: Ngunit Ina! Hindi po ako makasusunod sa masamang kalakaran ng panahon ngayon! Juana: Hindi Julia! Hindi... (den ma-shock) May kinalulugdan kang iba! Julia: (mamilog ang mga mata) W-Wala po! Juana: Kung wala ay balit ka sumusuway sa aking inaaalok? (makalma na ang HB) Sige na maggayak ka na. Bukas-makalawa'y mag-aasawa ka na. (biyaan si Julia) Julia: (weep ka nia naaii effect nga lugmok2x) Tenth Scene: (bedroom ni Julia) Julia: (di mapakali, palakad-lakad) Ano ang gagawin ko? Bukas na ang aming kasal sa Miguel na iyon! Sino ba ang makakatulong sa akin? (mu-stop ug palakad-lakad) Tama! Si Lucas! Julia: Monicaaaa! Monicaaa! (Si Monica kay nanilhig) Monica: Pooo! Julia: Halika nga saglit! Monica: Opo! (sulod sa kwarto) Monica: Ano po iyon? Julia: May ipapagawa sa iyo. Maghintay ka muna dito sa silid ko at tatapusin ko lang ito. Monica: Opo. (After 3 minutes) Julia: (Fold the letter niya seal-an) Heto.(ihatag kay Monica) Ibigay mo to kay Lucia. Kilala mo naman si Lucia, hindi ba? Monica: Opo, siya ho iyong parating kasa-kasama--Julia: Ooo! Sige alam kong alam mo. Ibigay mo iyan sa kanya at sabihin mong pakibigay ang sulat kay Tenyong. Kuha mo? Monica: Opo! Julia: Hala sige. Lumakad ka na at baka gabihin ka pa. Monica: Opo.
(mu-hawa na unta si Monica) Julia: Ah, Monica? Monica: Po? Julia: Huwag mo tong sabihin kay Inang ha? Monica: (Smile) Opo. Makakaasa ho kayo. Julia: Salamat. --(lakad-lakad si Monica sa may gubatan, makit-an si Lucia dapit sa headquarters) Monica: Lucia! Lucia! Lucia: O! Naparito ka? Monica: May ipinabibigay nga pala si senyorita( optional ra) Julia para kay Tenyong. (niyai-abot ang letter) Lucia: Ah sige. Makakaasa kang makakaabot ito kay Tenyong. Monica:Salamat. -(naa pa sila sa balay) P.Teban: (Pumapalakpak) Napakaganda mo, Julia datapwa't nakikitaan kita ng pagkalumbay.. Julia: (awakened in her reverie) Patawad po at hindi ko alam na kayo'y nagsirating .. kahiya-hiya po. P.Teban: Hindi, hindi kahiya-hiya, mainam nga ang dalit mo. Ang inang mo? Julia: Nasa labas po, tatawagin ko ho saglit.(mugawas) P.Teban: Magandang bata si Julia at mukhang lalabas na mabuting asawa.. marunong kang pumili, Miguel. (tapikon sa shoulder si Miguel) Tadea: Ha!(proud) Ako, among, ang mabuting mamili, Si Miguel po'y hindi maalam makiusap. (Ani nga time-a musulod na si Juana with Julia at the back) Juana: Aba, narito pala ang among! Mano po, among. P.Teban: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay? Juana: Mabuti po among. Tadea: (Kay Miguel sitsitan) Lapitan mo. Miguel: Ngunit baka murahin po ako. Tadea: (sigaan ug mata) [daun mu interrupt ang kasambahay] Lucas: Aling Juana! Aling Juana! Juana: Mahabaging langit! Sino kaya iyon? (niya mu-burst in daun sa scene sila Lucia angd Tenyong) Lucia: Tulungan niyo ho kami! Si Tenyong ho ay sugatan! Julia: Naku! Tenyong! Ano ang nangyari sa iyo!! Tadea: Diyos ko! Anong nangyari sa lalaking iyan!? Juana: Halika kayo dito. At magpapakuha ako kay Monica ng mga gamot. Monicaaaa! Monica: Pooo! Juana: Halika dito! Kumuha ka ng mga gamot! Monica: Opo!! Nandiyan na po! P.Teban: Diyos ko! Anong nangyari sa iyo, Antonio? Lucia: May tumusok ho sa kanya ng gulok at pinagbubugbog. Julia: Naku! Nasaan na ba si Monica ba't ang tagal? Monicaaaa! Monica: Poo! Andiyan na po! (Magdala ug basin with water towel and leaves) Juana: Naku! Ipinagbilin pa naman siya sa akin ni Inggo! Mapasalangit nawa ang kaluluwa niya! (daun mu-gasp) Julia: Ina? May nangyari ho ba sa iyo? Juana: T-Tadea. Tadea: Bakit kumare? Juana: H-Hindi na pwedeng magpakasal si Julia kay Miguel. Tadea: Ano!? Hindi maaari! Nakatakda na silang ikasal! Juana: Pero, ipagpaumanhim mo, Tadea. Nakapangako ako sa ama ni Tenyong na aalagaan
namin siya. Miguel: Wala po sa amin iyon. Halika na Inang. Umalis na tayo. (then practically drag her mother) Tadea: Hindi maari! Miguel! Tigilan mo nga yan! (until they left: T&M) Juana: Julia, bukas na bukas din ay magpapakasal kayo ni Tenyong.(then turn to P.Teban) Among, pwede ho bang kayo na ang magkasal kina Julia at Tenyong. P.Teban: Oo naman! Julia: Oh, Tenyong! [close curtains] Narrator: At sa gayon, ikinasal nga sina Tenyong at Julia at namuhay nang mapayapa at hindi sugatan ang kanilang pag-iibigan. Epilogue Julia: Dahan-dahan lang Tenyong at ikaw ay mabinat! Tenyong: Wala kang dapat ipangamba, mahal ko. Mas malakas pa ako sa kabayo! Julia: Ngunit--- (gasp) Nagsinungaling ka! Tenyong: sssh! Nagawa ko lang iyon dahil mahal na mahal kita. Julia: (throw her hands around his neck) Oh, Tenyong! Minamahal din kita! [close curtains] END
View more...
Comments