Script for Grad 2013

March 22, 2017 | Author: Maru Jing Cascante | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Script for Grad 2013...

Description

(Panimula) Isang kaaya-aya at pinagpalang araw po sa inyong lahat at MABUHAY! Sa araw pong ito’y ating masasaksihan ang ika-apatnapu’t pitong taunang palatuntunan ng Pagtatapos sa Paaralang Elementarya ng San Juan taong pampaaralan dalawang libot labing dalawa - dalawang libot labing tatlo, na may paksang “K to 12 Education Program – Tungo sa Paghuhubog ng mga Makabagong Lider ng Bansa.” (Pagpasok ng mga Magsisipagtapos) Simulan po natin ang palatuntunan sa pagpasok ng mga magsisipagtapos, mga magulang, mga guro at mga panauhin. Masasaksihan po natin ang pagpasok ng mga batang nagkamit ng karangalan kasama ang kanilang mga magulang, kasunod ang mga batang magsisipagtapos sa ika anim na baitang pangkat isa sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo na si Gng. Cecilia N. Alontaga. Kasalukuyang pumapasok ang mga batang magsisipagtapos sa ika anim na baiting pangkat dalawa. kasama ang kanilang mga magulang sa ilalim ng pamamahala ng kanilang gurong tagapayo, G. Rene R. Pinon. Mamamasdan po naman natin ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos sa ika anim na baytang pangkat tatlo kasama din po nila ang kanilang mga magulang sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo, Gng. Gina Sadiasa. Gayun din po, masasaksihan po ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos sa ika anim na baytang pangkat apat sa ilalim ng pamamatnubay ng kanilang gurong tagapayo Gng. Brenda L. Quitasol. Mamamalas ang pagpasok ng mga batang magsisipagtapos sa ika anim na baytang pangkat lima kasama ang kanilang mga magulang, sa ilalim ng pamamahala ng kanilang gurong tagapayo Gng. Roma C. Gamara.

(Pagpasok ng mga kawani ng DepEd at mga panauhin) Tunghayan po natin ang pagpasok ng mga kinatawan ng Kagawaran ng Edukasyon sa pangunguna ng ating Tagamasid Pampurok, Dr. Evelyn R. Mina, Pansangay na Tagamasid sa MSEP at Espesyal na Katulong na Tagapamanihala sa mga paaralang Sekondarya ng Sangay ng Rizal, G. Agapito M. Caritativo, punong-guro ng Paarlang Elementarya ng San Juan, Dr. Virgilio R. Ayhon, mga guro ng Paaralang Elementarya ng San Juan, mga panauhing pandagal, mga punong-guro at mga guro mula sa iba’t ibang paaralan sa ilalim ng Purok ng Cainta II. (Sa Pagpasok ng mga Kulay-Prosesyunal) Inaanyayahan ko po ang lahat na tumingin sa likod para bigyang daan ang pagpasok ng mga kulay……. Manatili po tayong nakatayo at sabay-sabay po nating awitin nang may buong pagmamalaki ang Pambasansang Awit ng Pilipinas sa pagkumpas ni G, Jose Roy C. Julian, guro sa Ikalimang Baitang na susundan ng panalangin ni NATHAN C. DOTE, ang batang nagkamit ng Unang Karangalang Banggit. Halina’t ating pakinggan ang “Himno ng Cainta”, “Rizal Mabuhay” mula sa musika at titik ni G. Bing de Leon, at “Calabarzon March” sa musika at titik naman ni G. Agapito M. Caritativo sa pagkumpas ni G. Virgilio C. Golla Jr. guro sa Ikaanim na Baitang. Maraming salamat, G. Golla. Pakinggan po natin ang pambungad na pananalita mula sa masipag at mapag-arugang punong-guro ng Paaralang Elementarya ng San Juan, Dr. Virgilio R. Ayhon. … pagkatapos magsalita ni Dr. Ayhon.. Maraming salamat po Dr. Ayhon sa inyong malaman at makabuluhang pananalita.

Isang pagbati ang ngayo’y atin namang maririnig mula sa masipag at pinagpipitaganang Punong lalawigan ng Rizal, Kgg. Dr. Casimiro “Jun-Jun” A. Ynares III na kakatawanin ni Atty. Bong Lopez. (Opsyonal) … pagkatapos magsalita ng kinatawan ni Gov…. Maraming salamat po sa mainit na pagbati mula sa ating punong lalawigan. (Pagpapakilala sa mga Magsisipagtapos) Saksihan po natin ang pagpapakilala ng mga magsisipagtapos mula sa ating punong-guro, Dr. Virgilio R. Ayhon. At ang pagpapatunay ng pagtatapos ay mula naman sa ating kinikilalang Ina ng Purok ng Cainta II, ang ating pinakamamahal na tagamasid Pampurok, Dr. Evelyn R. Mina. Gayundin ang pagpapatibay ng pagtatapos na isasagawa ni Dr. Carlito D. Rocafort, Punong Tagapamahala, Tanggapan ng Pansangay na Tagapamanihala ng mga Paaralan sa lalawigan ng Rizal na kakatawanin ng ating Pansangay na Tagamasid sa MSEP at pinunong tagasubaybay ng Purok ng Cainta II, G. Agapito M. Caritativo. (Inaanyayahan ko din po sina Kgg. Ramon A. Ilagan punong bayan ng Cainta at Kgg. Wilfredo Felix, punong barangay ng San Juan.) (Pagbibigay ng mga Sertipiko ng Magsisipagtapos) Sisimulan na po natin ang paggagawad ng katibayan ng pagtatapos na pangungunahan ng ating Pansangay na Tagamasid sa MSEP at pinunong tagasubaybay ng purok ng Cainta II, G. Agapito M. Caritativo, kasama ang ating Tagamasid Pampurok ng Cainta II, Dr. Evelyn R. Mina; at punong-guro ng Paaralang Elementarya ng San Juan, Dr. Virgilio R. Ayhon. Akin pong tinatawagan si Gng. Roma C. Gamara para sa pagpapakilala ng mga magsisipagtapos mula sa Ikaanim na Baitang Pangkat Lima.

(Paggawad sa mga May Karangalan) Dumako po naman tayo sa pinakatampok na bahagi ng ating palatuntunan--------- ang paggagawad ng medalya at gantimpala sa mga batang nagkamit ng karangalan kasama ng kanilang mga magulang….. Inaanyayahan po sa entablado ang ating masipag at iginagalang na punong bayan, Kgg. Ramon A. Ilagan kasama ang ating punong guro, Dr. Virgilio R. Ayhon, Pansangay na Tagamasid sa MSEP at pinunong tagasubaybay ng Purok ng Cainta II, G. Agapito M. Caritativo, at Tagamasid Pampurok ng Cainta II, Dr. Evelyn R. Mina upang ipagkaloob ang mga medalya at gantimpala. Ang mga naghandog ng medalya sa mga batang nagkamit ng karangalan ay sina: 1. ____________________________________ 2. ____________________________________ 3. ____________________________________ 4. ____________________________________ 5. ____________________________________ Mga batang nagkamit ng karangalan………. Ikatlong Karangalang Banggit…….. MAUIE GABRIELLE G. CHAN, anak nina G. at Gng. ERNESTO R. CHAN. Ang mga naghandog ng gantimpala sa batang nagkamit ng ikatlong karangalang banggit ay sina: Gng. Gina Sadiasa; Gng. Brenda Quitasol; Gng. Roma Gamara; Gng. Grace Seda; at Ang mga Opisyales ng Gen. PTA

Karangalang natanggap mula sa mga paligsahan sa iba’t ibang asignatura: First Place in Copy Reading (English Journalism)-Pampaaralang Paligsahan; 4th Place in Copy Reading and Headline Writing (English Journalism)-Pampurok na Paligsahan; Kagawad ng Supreme Pupil Government; Copy Editor ng The Blast; Miyembro ng Yes-O Organization; at aktibong nakikilahok sa mga gawain ng Girl Scouts’ of the Philippines. Muli, palakpakan natin si Mauie Gabrielle G. Chan, ang batang nagkamit ng ikatlong karangalang banggit. Ikalawang Karangalang Banggit…….. JUSSEL MAXINE F. MALLAPRE, anak nina G. at Gng. JESUS L. MALLAPRE. Ang mga naghandog ng gantimpala sa batang nagkamit ng ikalawang karangalang banggit ay sina: Gng. Rosalie Marubia; G. Danny Cruz; Bb. Lynette Tarubal; Gng. Grace Seda; at Mga Opisyales ng Gen. PTA Karangalang natanggap mula sa mga paligsahan sa iba’t ibang asignatura: First Place in Photojournalism (English)-Pampaaralang Paligsahan; 1 st Place sa Scrapbook Making Contest; 5th Place in Photojournalism (English) Pampurok na Paligsahan; 3rd Place in Flower Arrangement-Pampurok na Paligsahan; Tagasuri ng Supreme Pupil Government; Photojournalist ng “The Blast”,at Yes-O member. Aktibo rin siyang nakikilahok sa mga gawain ng GSP. Bigyan po natin ng masigabong palakpakan si Jussel Maxine F. Mallapre, ang batang nagkamit ng Ikalawang karangalang banggit.

Unang Karangalang banggit……. NATHAN C. DOTE, anak nina G. at Gng. CRESTITO L. DOTE. Ang mga naghandog ng gantimpala sa batang nagkamit ng unang karangalang banggit ay sina: G. Joel Fernandez; Gng. Diana Rabaca; Gng. Heidi Sabile; Gng. Grace Seda; at Mga Opisyales ng Gen PTA. Karangalang natanggap mula sa mga paligsahan sa iba’t ibang asignatura: 1st Place sa Poster-Making Contest-Pampaaralang Paligsahan; 2nd Place sa Poster-Making Contest-Pampurok na Paligsahan; 1st Place sa Mathrathon; 1st Place sa Science Quest; 4th Place sa Science Quest-Pampurok na Paligsahan; 3 rd Place in Editorial Cartooning-Pampurok na Paligsahan; 2nd Place sa Math Festival-Pampurok na Paligsahan; Editorial Cartoonist ng The Blast; Yes-O Member; at aktibo siya sa mga Gawain ng Boys’ Scouts of the Philippines. Muli palakpakan po natin si Nathan C. Dote, ang batang nagkamit ng Unang Karangalang Banggit. Ikalawang karangalan………. AARIENE VIENICE E. DELOS SANTOS, anak nina G. at Gng. ARNOLD DELOS SANTOS. Ang mga naghandog ng gantimpala sa batang nagkamit ng ikalawang karangalan ay sina: Gng. Anita Cruz; Gng. Mariet Baccay; Bb. Rhea Arangorin; Bb. Jeanaline Ajel; Gng. Sylvia Hinaut; Gng. Grace Seda; at

Mga Opisyales ng Gen. PTA. Karangalang natanggap mula sa mga paligsahan sa iba’t ibang asignatura: 1st Place sa Essay Writing Contest (English); 1st Place in sales Inventory; 1st Place sa Read-A-Thon Contest; 1st Place sa HeKaSi Quiz Bee ContestPampurok na Paligsahan; 1st Place sa Nutrition month Quiz Bee Contest; 1 st placein Editorial Writing (English); 1st place sa Science Quest-Pampaaralang Paligsahan; 3rd Place in Sales Inventory-Pampurok na Paligsahan; Bise-Alkalde ng SPG; Editor-in-Chief ng The Blast; Pangulo ng Yes-O Organization; at aktibong nakikilahok sa mga Gawain ng GSP. Palakpakan po natin si Aariene Vienice E. delos Santos, ang batang nagkamit ng ikalawang karangalan. Unang Karangalan…….. PATRICK RYAN C. TOLENTINO, anak nina G. at Gng. RYAN TOLENTINO. Ang mga naghandog ng gantimpala sa batang nagkamit ng unang karangalan ay sina: Gng. Razell Ho; Gng. Riza De Guzman; Gng. Sylvia Hinaut; Gng. Belilia Gapuz; Gng. Catherine Espante; Gng. Grace Seda; at Mga Opisyales ng Gen. PTA. Karangalang natanggap mula sa mga paligsahan sa iba’t ibang asignatura: 1st Place sa Slogan-Making Contest; 1st Place sa Sports Writing (English); 1st Place sa Read-A-Thon Contest; 1st Place sa Science Quest-Pampaaralang Paligsahan; 1st Place sa Math Festival-Pampaaralang Paligsahan; 4th Place sa Super Quiz bee-Pampurok na Paligsahan; 1st Place sa Sports Writing-Pampurok na Paligsahan; Alkalde ng SPG; Sports Editor ng The Blast; Vice-President ng

Yes-O at aktibo rin sa ilang mga paligsahan tulad ng Volleyball at aktibo sa mga Gawain sa BSP. Palakpakan po nating muli si Patrick Ryan C. Tolentino, ang batang nagkamit ng Unang karangalan. Sila po ang mga batang nagkamit ng karangalan kasama ang kanilang mga magulang. Palakpakan po natin sila. Pakinggan naman po natin ngayon ang pananalita mula kay Patrick Ryan C. Tolentino, ang batang nagkamit ng unang karangalan. (Pagpapakilala sa Panauhing Pandangal) Ang ating panauhing pangala sa hapong ito ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ _______________________________________________________________ ……. (Pagkatapos ng Pananalita) Hinihiling po sa ating panauhing pandangal na manatili sa entablado upang tanggapin ang plake ng pagkilala. Inaanyayahan din po sa entablado an gating punong guro Dr. Virgilio R. Ayhon upang ipagkaloob ang plake ng pagkilala. (Mga Pagbati at Ilan Pang Pananalita….) Ang ating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon Bro. Armin A. Luistro, ay nais iparating ang kanyang mensahe para sa mga nagsipagtapos na gagampanan ng ating Pansangay na tagamasid sa MSEP at Pinunong Tagasubaybay ng Purok ng Cainta II G. Agapito M. Caritativo.

(Pakinggan po natin ang pagbati mula sa kinatawan ng Unang Distrito ng Rizal, Kgg. Joel Roy Duavit na kakatawanin ni Atty. Bong Lopez. Sa pagkakataong ito, ikinararangal ko pong ipakilala sa inyo ang susunod na magbibigay ng pananalita sa hapong ito. Mga minamahal kong mga kaibigan at kababayan, pasalubungan po natin ng masigabong palakpakan ang masipag at magaling na alkalde, ang ating kagalang-galang na Punong Bayan, Mayor Ramon A. Ilagan!) Ang panunumpa ng mga nagsipagtapos sa pangunguna ni Aariene Vienice E. delos Santos, ang batang nagkamit ng Ikalawang karangalan. Pakinggan po natin ang awit ng Pagtatapos, ang “Paaralang Minamahal” sa musika at titik ni G. Agapito M. Caritativo sa pagkumpas ni G. Jose Roy C Julian, guro sa Ikalimang Baitang. (Martsang Resesyonal) Ang paglabas ng mga panauhin, mga guro, mga magulang at mga nagsipagtapos. Pagbasa ng pasasalamat………… Muli maraming maraming salamat po sa inyong pakikiisa at pagdalo sa mahalagang okasyong ito. Magandang Gabi sa inyong lahat! END

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF