Scribd Downloader Free: Download Scribd Document in PDF, DOCX, TXT

February 4, 2017 | Author: Anonymous | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Scribd Downloader Free: Download Scribd Document in PDF, DOCX, TXT...

Description

PNTC Colleges (Quezon City Campus) 39 Aurora Boulevard, Quezon City

PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK PAMANAHUNANG PAPEL SA FILIPINO

Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas

Ipinasa kay: G. Armenio L. Gallardo, M.A. Ed. Propesor

Ipinasa nina: Mdn Charles Lordwin D. Magtibay

March 2015 PASASALAMAT

Ang pag-aaral tungkol sa Epekto ng Social Media sa mga Magaaral sa Unang Antas ng PNTC na isinagawa ng mga mananaliksik ay lubusang nagpapasalamat sa mga sumusunod:

Sa aming guro na si Professor Armenio L. Gallardo na walang sawa sa pagtuturo sa amin na magsisilbing pundasyon namin upang magkaroon ng mas marami pang kaalaman at lumawak ang aming isipan.

Sa aming mga magulang na walang patid sa pagsuporta sa aming pag-aaral at sa pagkamit namin ng aming mga pangarap at mga mithiin na nais naming maisakatuparan. Gayundin sa pagkaloob sa amin ng tulong pinansyal.

Sa aming mga kamag-aral sumuporta sa paggawa namin ng aming pamahunang papel. Sa pagsagot sa talatanungan na

aming ginawa at sa pagbigay ng kanilang mga opinyon at impormasyon sa aming ginagawang pamanahunang papel.

Sa Poong Maykapal na gumabay sa amin sa lahat ng oras. Gayundin sa pagbigay at pagkaloob sa amin ng karunungan at lakas upang mapagtagumpayan namin ang pananaliksik na ito.

DAHON NG PAGPAPASYA

Ang tesis na ito na may pamagat na ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA WIKANG FILIPINO SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES na inihanda ni Midshipman Charles Lordwin

D.

Magtibay

bilang

bahagi

ng

pagtupad

sa

mga

pangangailangan para sa Filipino 2 at pagtibayin para sa isang pagsusulit na pasalita.

Professor Armenio L. Gallardo Tagapayo

Talaan ng mga Nilalaman

Kabanata I: Ang Suliranin... Sanligan Nito Panimula........................................................................ 1 Layunin ng Pag-aral.........................................................4 Paglalahad ng mga Suliranin.............................................4 Batayang Teoretikal.........................................................5 Balangkas Konseptwal......................................................7 Saklaw at Limitasyon.......................................................8 Kahulugan ng mga Terminolohiya......................................9

Kabanata II: Pamamaraan ng Pananaliksik

Kabanata III: Disenyo ng Pananaliksik at Pamamaraang Ginamit Disenyo ng Pananaliksik...................................................11 Respondente...................................................................11 Talatanungan..................................................................11 Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos.....................13

Kabanata IV: Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon

KABANATA I Ang Suliranin... Sanligan Nito Panimula Bago pa dumating ang mga Kastila sa ating bansa, ang ating mga ninuno ay mayroon ng sariling sistema ng pagsusulat, ito ay tinatawag na Alibata. Sa paglipas ng panahon, ito ay napalitan ng alpabetong Filipino na atin ngayong kasalukuyang ginagamit. Ayon sa kasaysayan ng Pilipinas, natuklasan ng mga Kastila noong 1521, na mayroong humigit kumulang dalawang daang dayalekto ang ginagamit ng mga Pilipino. Sa mga dayalektong

ito, ang Tagalog ay ang pinakalaganap sa bansa at ito ay itinalaga bilang opisyal na wika sa kapuluan ng Luzon. Sa

pagdating

ng mga

Amerikano

sa

bansa,

kanilang

pinalaganap ang wikang Ingles, subalit tinuturo pa rin ang wikang Tagalog.

Sa

panahong

ito,

nagkaroon

ng

pagpapasya

sa

paghirang ng Wikang Pambansa sa ilalim ng saligang batas at ang wikang Tagalog ang itinalaga. Pinili ang wikang ito dahil ito ay ang wikang pinakamadaling pag-aralan, madaling maunawaan, may pinakamayaman na talasalitaan, panitikan at pinakalaganap sa buong kapuluan. Sa kasalukuyan, ang wikang Tagalog ay tinatawag na wikang Filipino. Ayon kay Dr. Alfonso Santiago, may iba’t-ibang klase ang wikang Filipino. Ito ay ang Puristic Tagalog, ang Taglish o Enggalog at ang Bertaglish. Ang Puristic Tagalog ay wikang nililikha sa halip na humihiram. Ang Taglish o Enggalog naman ay pinaghalong Tagalog at English habang ang Bertaglish naman ay binubuo ng Bernakular, Tagalog at English. Ayon naman kay Gonzales taong 1977, ang mga Pilipino ay nagsasalita ng bersyon ng Taglish para sa layuning pangsosyolinggwistika at hindi dahil sa hindi alam ang sistemang pangwika. Ang wika ay nagsisilbing instrumento sa pagkakaroon ng mas

epektibong

komunikasyon

at

pundasyon

ng

mabuting

pakikipagtalastasan at pakikipag-ugnayan. Ito ay sumisimbolo sa

mga bagay na nagbibigay ng kahulugan, interpretasyon at kabuluhan sa pamamagitan ng mga salita at simbolo na ating nakikita, naririnig at nababasa. Ang pagiging daynamiko o nagbabago ay isa sa mga makabuluhang katangian ng wika. Ito ay dahil sa paglipas ng panahon at pagkakaroon ng pagbabago sa kapaligiran at dahil na rin sa malikhaing pag-iisip ng tao na nagsisilbing dahilan ng pagkakaroon ng mga bagong salita. Sa pag-usbong ng moderno at makabagong teknolohiya, nagkakaroon ang mga tao ng mga bagong kaalaman dahil sa pananaliksik at malikhaing pag-iisip. Isa sa mga produkto ng makabagong teknolohiya ay ang pagkakaroon ng mga Social Media. Ang pagkakaroon ng mga Social Media ay may iba’t-ibang dahilan. Ang pagkakaroon ng mas mainam na komunikasyon ay isa na rito. Ang Facebook ay isang Social Media site na ginagamit sa buong mundo. Sa pamamagitan nito, nakakakapag-usap ang mga gumagamit nito kahit saan mang dako ng mundo naroroon. Malaki na ang naitulong ng Facebook sa mga tao, ngunit hindi sa wika. Dahil, madalas napapalitan ang orihinal at tamang pakabaybay ng mga salita. Halimbawa, sa halip na sabihing “dito” ay

“d2”

nlang

ang

ginagamit.

Habang

may

mga

bagong

lenggwahe naman ay nabubuo katulad ng Jeje Language o Jejemon, Gay Language o Bekimon at iba pa. Nagkakaroon din ng

bagong salita tulad ng “gg” na ang ibig sabihin ay good game, selfie, at iba pa. Ang paggamit ng mga bagong grupo ng mga salita ay nabubuo din tulad ng edi wow!, rak na itou at pusuan tayo. Ang mga nabanggit na suliranin ang nagtulak sa mga mananaliksik upang tuklasin at alamin ang kalagayang pangwika sa mga mag-aaral nang dahil sa paggamit ng Social Media.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay may layunin na matugunan ang mga suliranin ng mga mag-aaral sa pagkakaroon ng sapat nakaalaman sa ating sariling wika. Ang pagmulat sa isipan ng mga mag-aaral tungkol

sa

makabagong

kalagayan

ng

teknolohiya

wikang ay

isa

Filipino rin

sa

sa

panahon

layunin

ng

ng mga

mananaliksik. Buhat sa pag-aaral na ito, magkakaroon ng kaisipan ang mga mag-aaral kung paano gamitin ng tama at wasto ang ating sariling wika, ang wikang Filipino.

Paglalahad ng Suliranin

Ang pag-aaral na ito ay isang deskriptibong pagsusuri sa mga epekto ng social media sa mga mag-aaral ng PNTC sa unang antas. Ito rin ay naglalayong tugunan ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang epekto ng social media sa wikang Filipino sa mga mag-aaral ng PNTC? 2. Ano-anong wika ang kadalasang ginagamit ng mga magaaral sa social media?

3. Bakit iniiba ng mga mag-aaral ang mga salita sa wikang Filipino sa Social Media? 4. Paano maiiwasan ang mga masasamang epekto ng social media sa wikang Filipino?

Batayang Teoretikal

Ang pag-aaral na ito na may pamagat na Ang Epekto ng Social Media sa Wikang Filipino sa mga Mag-aaral ng PNTC sa Unang Antas ay nakabatay sa mga sumusunod na teorya:

Ang Teoryang Eureka na naglalahad na ang wika ay sadyang inimbento. Ayon kay Boeree(2003), ang paglikha ng mga ideya ay

mabilis

na

kumakalat

sa

iba

pang

tao

kung

kaya’t

nagkakaroon ng pangalan o katawagan ang mga bagay-bagay. Ang Teoryang Hey you! na tinatawag ding teoryang kontak. Ayon

kay

Revesz,

nagmula

ang

wika

sa

mga

tunog

na

nagbabadya ng pagkakalilanlan at pagkakabilang. Iminungkahi ng

linggwistikang si Revesz na bunga ng interpersonal na kontak ng tao sa kanyang kapwa tao ang pagkakaroon ng wika. Ayon kay Rene Descartes, ang tao ay hindi pangkaraniwang hayop kung kaya’t likas sa kanya ang gumamit ng wika sa aangkop sa kanyang kalikasan bilang tao. Mayroong aparato ang tao lalo na sa kanyang utak gayundin sa pagsasalita upang magamit sa mataas at komplikadong anta sang wikang kailangan niya hindi lamang para mabuhay bagkus magampanan ang iba’t ibang tungkulin nito sa kaniyang buhay Balangkas Konseptuwal

Ang Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa Unang Antas ng PNTC Colleges Pananaliksi k

Wika ng Filipin o

Sarv ey Mga Teorya Mga Epekto ng Social Media

Saklaw at Limitasyon sa Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa pagsusuri ng mga epekto ng paggamit ng social media sa wikang Filipino sa mga mag-aaral ng PNTC. Nakatuon ang pag-aaral na ito sa pagkakaroon ng mga pagbabago sa wikang Filipino dahil sa paggamit ng social media. Pinagtutunan din ng pansin ang pagkakaroon ng iba’t-ibang lenggwahe na ginanagamit sa social media ng mga mag-aaral. Ang

pagbasa

at

pananaliksik,

pagsisiyasat

at

pakikipagpanayam ay isinagawa ng mga mananaliksik upang magkaroon ng kaalaman sa suliraning napili. Ilang piling magaaral sa unang antas ng PNTC Colleges ang nilapitan ng mga mananaliksik at hiningian ng impormasyon batay sa nasabing paksa.

Kahulugan ng mga Terminolohiya

Magkakaroon ng mas madaling pag-unawa sa pag-aaral na ito kung malalama ang mga kahulugan ng mga salita. Kaya’t minarapat ng mga mananaliksik na bigyang kahulugan ang mga sumusunod na terminolohiya na ginamit sa pag-aaral.

 Social

Media



mga

website

at

application

na

nagpapahintulot sa mga gumagamit upang lumikha at magbahagi ng nilalaman o upang lumahok sa mga social networking.  Teknolohiya kasangkapan,



ang

pagsulong

makina,

at

kagamitan

paglapat at

ng

proseso

mga upang

tumulong sa paglunas ng suliranin ng tao.  Filipino – ang pambansang wika ng Pilipinas.  Alibata/Baybayin – ay isang lumang paraan ng pagsulat ng mga kayumangging Pilipino bago nakarating sa kapuluan ang mga dayuhang Kastila.  Ingles – isang wika na nagmula sa mga wikang Alemanya na isang sangay ng Indo-Europeong Pamilya ng mga wika. KABANATA II Pamamaraan ng Pananaliksik

Ang pag-aaral na ito, na may paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay matagumpay na isinagawa ng mga mananaliksik sa pamamagitan ng iba’t ibang pamamaraan ng pananaliksik. Ang mga ito ay ang mga sumusunod:

1. Pagbasa - sa pamamagitan ng pagbasa sa mga sulatin at mga akda sa libro, social media sites at iba pang mga materyales ay matagumpay na nasagutan at natugunan ang mga katanungan at suliranin batay sa nasabing paksa. 2. Panggagalugad-utak – ang mga mananaliksik ay nagpulong upang magbigay ng kanyang pahayag at ideya batay sa paksa. 3. Pagsisiyasat – ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsisiyasat ayon sa paksa. 50 mag-aaral sa PNTC Colleges sa unang antas ang hiningian ng mga mananaliksik ng impormasyon pamamagitan ng pagsagot sa talatanungan.

KABANATA III Metolohiya

Disenyo ng Pananaliksik

Upang matugunan

ang mga suliranin na nakatala sa

pananaliksik na ito, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pagsisiyasat. Ang mga katanungan na nakapaloob sa isinagawang pagsisiyasat ay makikita sa susunod na bahagi ng presentasyong ito.

Respondente

Sa isinagawang pagsisiyasat, mayroong 50 mag-aaral na kasalukuyang nag-aaral sa unang antas sa PNTC Colleges ang hiningian ng mga mananaliksik ng mga impormasyon batay sa nasabing paksa.

Talatanungan Ang Epekto ng Social Media sa mga Mag-aaral sa Unang Antas sa PNTC Colleges (Pagsisiyasat) I.Social Media A. Ano ang dahilan mo sa paggamit ng Social Media? Paglalaro

Pananaliksik

Pampalipas-oras

Pakikipagkomunika syon

B. Sa isang araw, ilang oras ka gumagamit ng Social Media? 1-3 oras

4-6 Oras

7-9 Oras

10 o mahigit pa

II. Wika A. Anong wika ang ginagamit mo sa Social Media? Filipino

Ingles

Parehas (Taglish)

B. Sa paggamit ng Social Media, iniiba mo ba ang baybay ng mga salita? Oo

Hindi

C. Naisusulat mo ba ng tama ang baybay ng mga salita? Oo

Hindi

Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos

Dahilan ng paggamit ng Social Media

100

98 86

90

78

80 70

62

60 50 40 30 20 10 0

Bilang oras ng paggamit ng Social Media ng mga mag-aaral

1-3 Oras 7-9 na Oras

4-6 na oras 10 o mahigit pa

16%

52% 32%

Wikang ginagamit sa paggamit ng Social Media

Taglish; 28

Filipino; 72

Bilang ng mag-aaral na nagbabago o nagpapalit ng baybay ng mga salita

100%

Oo Hindi

Pagsulat ng tamang baybay ng mga salita.

46% 54%

Oo Hindi

Kabanata IV

Natuklasan, Kongklusyon at Rekomendasyon

Paglalagom Ang pag-aaral na ito na may paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay tumatalakay sa kalagayan ng wikang Filipino sa panahon ng makabagong teknolohiya. Sa pamamagitan ng pagaaral na ito, matutuklasan kung ano ang mga epekto ang Social Media sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wikang Filipino.

Natuklasan Sa maikling panahon ng pananaliksik sa paksang ANG EPEKTO NG SOCIAL MEDIA SA MGA MAG-AARAL SA UNANG ANTAS NG PNTC COLLEGES ay natulasan ang mga sumusunod:

1. Ang paglalaro ay ang pangunahing dahilan kung bakit gumagamit ng Social Media ang mga mag-aaral, pumapangalawa dito

ang

paggamit

bilang

pampalipas-oras

pangatlo

pakikipagkomunikasyon at ang huli ay ang pananaliksik.

ang

2. Pumapatak sa isa hanggang tatlong oras ang kadalasang oras ng

paggamit

ng

Social

Media

ng

mga

mag-aaral.

3. Ang wikang Filipino ang karaniwang wika na ginagamit ng mga mag-aaral sa social samantalang may iba din namang gumagamit ng Taglish o pinaghalong Filipino at Ingles.

4. Lahat ng mga mag-aaral ay nagpapalit ng baybay ng mga salita sa paggamit ng Social Media.

5. Mahigit limangpung porsyento ng mga mag-aaral ay naiisulat pa rin ng tama ang mga baybay ng mga salita sa panahon ng pag-aaral.

Kongklusyon

Ang wika ay isa sa mga pinamahalagang imbensyon ng tao. Ito ay may mga katangian na tumutulong sa pagkakaroon ng magandang pakikipag-ugnayan ng mga tao at may malaking kontribusyon sa pag-unlad at pagkakaroon ng mga makabago at modernong tekonlohiya. Ang Social Media ay bunga ng malikhaing pag-iisip ng tao. Ito ay inembento upang makatulong sa tao, ngunit sa kasamaang palad ito ay ginagamit iba sa masamang paraan at lubusan na nagdudulot ng kasamaan sa tao. Isa na dito ang suliraning pangwika kung saan kalimitan ang pagkakamali sa pagbaybay ng mga salita.

Ang

suliraning

ito

ay

nais

na

matugunan

ng

mga

mananaliksik upang magkaroon ng mas malawak na pagkatuto ang mga mag-aaral sa wika. Ang paggamit ng social media ay hindi masama, ang kailangan lang ay tamang pagkontrol sa sarili sa paggamit nito upang hindi ito makasama. Nararapat na unahin ang pag-aaral kaysa pagbabad sa paggamit ng social media, sapagkat

ang

pag-aaral

ay

isa

sa

mga

pangunahing

pangangailangan ng tao kaya dapat ito muna ang unahin habang may pagkakataon pa. Ayon sa isang kasabihan “You Only Live Once.” ito ay nangangahulugan na habang may pagkakataon pa ay unahin muna ang mga mahahalagang bagay kaysa sariling kasiyahan sapagkat makakamit din ito sa pamamagitan ng sipag at tiyaga. Sabi nga ni Drew Arellano “Lamang ang may alam.”

Rekomendasyon

Batay

sa

mga

natuklasan

at

kongklusyon

mananalisik, ay iminumungkahi ng pag-aaral na ito na:

ng

mga

1. Gamitin ang oras na tama. Unahin muna ang pag-aaral bago ang mga bagay na ating ninanais. 2. Huwag ubusin ang oras sa paggamit ng social media, may mas mahalagang bagay pa na nararapat bigyan ng pansin. 3. Ang pag-aaral sa pamamagitan ng social media ay mas mainam sapagkat mas maraming impormasyon ang nakapaloob dito ngunit tapusin muna ang ginagawa bago ang paglilibang. 4. “Aral muna bago laro”.

Sanggunian

Aklat Dr. Sanchez, Remedios A.; Galit, Gilbert C. Komunikasyon sa Akademikong Filipino Dr. Sanchez, Remedios A.; Galit, Gilbert C. Masusing Pagbasa at Malikhaing Pagsulat Tungo sa Pananaliksik

Tesis Cunanan, Graciel Ann T.; Deinla, Glenda C.; Galit, Gilbert C.; San Diego, Karen G.; Tudtod, Arche R. (Abril 2013). Barayti ng Wikang Filipino sa Balita o Lathalaing Panshowbiz sa mga Pangunahing Peryodiko

Websayt http://www.wikpedia.org/ Wikipedia

Kurikulum Bita

Charles Lordwin D. Magtibay

Block 12 Lot 32 Phase 1Paliparan Site, Paliparan 3, Dasmarinas City, Cavite 09086309806

[email protected]

Personal information         

Age Birthday Birthplace Civil status Sex Height Weight Nationality Religion

: : : : :

: :

18 January 29, 1998 Valderrama, Antique Single Male : 5’4 : 52 kg Filipino Roman Catholic

Educational Background 

Tertiary: 2014-2015 Transportation

Bachelor of Science in Marine PNTC Colleges 39 Aurora Blvd., Quezon City



Secondary:

Jogen Andrila Academy Block 109 Lot 14 Phase 3 Paliparan 3,

2012-2014

Paliparan Site, Dasmarinas City, Cavite 2010-2012 

Elementary:

2004-2010

St. Luke’s Academy Valderrama, Antique Buluangan 1 Elementary School Buluangan 1, Valderrama, Antique

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF