Sample Draft of Thesis in Fili02-1
January 26, 2017 | Author: z_akatsuki | Category: N/A
Short Description
Download Sample Draft of Thesis in Fili02-1...
Description
PISIKAL NA PASILIDAD: EPEKTO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG PILING MAG-AARAL SA UNANG TAON SA KURSONG AKAWNTANSI NG DE LA SALLE LIPA AKADEMIKONG TAON 2008-2009
___________________________
Isang Pananaliksik na iniharap para kay Bb. Alona D. Catapang Kolehiyo ng Edukasyon, Sining at Siyensya Erya ng Panitikan, Filipino at Pagpapahalaga sa Sining De La Salle Lipa
___________________________
Para sa Pambahaging Pagtupad sa Mga Kailangan ng Asignaturang Filipino 2 (Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik)
Nina:
Mary Anne G. Alvarez Danielle Ann H. Perez Charisse Ann M. Pureza Marso 6, 2009
PASASALAMAT Ang mga mananaliksik ay nagpapaabot ng kanilang pasasalamat sa mga sumusunod para sa maluwalhating pagsasagawa ng pag-aaral na ito. Sa
Poong
Maykapal,
sa
pagbibigay
sa
mga
mananaliksik
ng
determinasyon upang isakatuparan ang pag-aaral at pagbibigay ng kaalaman na kanilang ginamit sa kanilang pag-aaral. Sa pagdinig sa kanilang dalangin lalunglalo na sa sandaling sila ay pinanghihinaan na ng pag-asang matapos ito ng ayon sa itinakdang panahon. Sa mga magulang ng mananaliksik, na nagbibigay ng moral at pinansyal na suporta at nagsilbi nilang inspirasyon. Sa tagpayo, Bb. Alona D. Catapang, sa pagbibigay ng mga ideya at payo sa paggagawa at pagrerebisa ng pag-aaral. Sa mga estudyante sa kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa para sa tapat nilang pagsasagot ng sarvey-kwestyoneyr.
Muli maraming-maraming salamat po.
Mga Mananaliksik
TALAAN NG MGA NILALAMAN Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran Nito Introduksyon
1
Layunin ng Pag-aaral
3
Kahalagahan ng Pag-aaral
4
Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral
5
Definisyon ng mga Terminilohiya
5
Kabanata II Mga Kaugnay na Pag-aaral at Literatura
8
Kabanata III, Disenyo at Paraan ng Pananaliksik Disenyo ng Pananaliksik
11
Mga Respondente
11
Instrumentong Pampananaliksik
12
Tritment ng mga Datos
13
Kabanata IV Presentasyon at Interpretasyon ng mga Datos
14
Kabanata V, Lagom, Kongklusyon at Rekomendasyon Lagom
32
Konklusyon
32
Rekomendasyon Listahan ng mga Sanggunian Apendiks Liham sa mga Respondente Sarbey-kwestyoneyr Resume
33 35
LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN AT GRAF A. Talahanayan 1:
Distribusyon ng mga Respondente sa kursong Akawntansi
12
B. Graf 1:
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Kasarian
14
C. Graf 2:
Distribusyon ng mga Respondente Ayon sa Edad
14
Talahanayan 2
Distribusyon ng mga Pasilidad Na makikita Sa Paaralan
15
D. Graf 3:
Kasapatan ng mga Pasilidad sa Paaralan
15
E. Graf 4:
Distribusyon ng mga pasilidad na madalas puntahan ng mga mag-aaral
16
F. Graf 5:
Distribusyon ng mga Gawain ng mga Respondente sa pasilidad
16
Ang Silid-Aklatan Batay sa Presensya ng Kard Katalog Ang Silid-Aklatan Batay sa Presensya ng Ensayklopedia Ang Silid-Aklatan Batay sa Presensya ng Mapagkakatiwalaang Libro Ang Silid-Aklatan Batay sa Bentilasyon Ang Silid-Aklatan Batay sa Laki Ang Silid-Aklatan Batay sa Kabilisan sa Serbisyo
17
Ang Kantina Batay sa Kasapatan ng Lamesa Ang Kantina Batay sa Bentilasyon Ang Kantina Batay saLaki Ang Kantina Batay sa Kabilisan ng Serbisyo
20
Ang Silid-aralan Batay sa Kasapatan sa Lamesa
22
F.1 Graf 5.1a Graf 5.1b Graf 5.1c Graf 5.1d Graf 5.1e Graf 5.1f F.2 Graf 5.2a Graf 5.2b Graf 5.2c Graf 5.2d F.3 Graf 5.3a
17 18 18 19 19
20 21 21
Graf 5.3b Graf 5.3c
Ang Silid-aralan Batay saBentilasyon Ang Silid-aralan Batay sa Presensya ng LCD Ang Silid-aralan Batay sa Laki
22 23
Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa Kasapatan ng Kompyuter Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa Bentilasyon Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa Epektibidad Ang Silid-Pangkompyuter Batay sa Laki
24
F.5 Graf 5.5a Graf 5.5b Graf 5.5c Graf 5.5d
Ang Ternstayl Batay sa Epektibidad Ang Ternstayl Batay sa Tulong na Hatid Ang Ternstayl Batay sa Dami Ang Ternstayl Batay sa Lokasyon
26 26 27 27
F.6 Graf 5.6a Graf 5.6b Graf 5.6c
Ang eleveytor Batay sa Laki Ang eleveytor Batay sa Bilang Ang eleveytor Batay sa Tulong na Hatid
28 28 29
G. Graf 6:
Kalagayan ng mga Pasilidad
29
H. Graf 7:
Kabutihang Dulot ng mga Pasilidad sa mga Respondente
30
I. Graf 8:
Distribusyon ng Marka ng mga Respondente noong Nakaraang Semestre
30
J. Graf 9:
Kahalagahan ng mga Pasilidad sa mga Mag-aaral
31
Graf 5.3d F.4 Graf 5.4a Graf 5.4b Graf 5.4c Graf 5.4d
23
24 25 25
KABANATA I ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO 1. Introduksyon Sa oras na ang isang bata ay dumaan sa iba at ibang estado ng buhay, siya ay nagkakaroon ng mas malawak na pang-unawa at kakayahan, kung kaya ang pag-unlad ng isang bata ay nakasalalay sa ilang aspeto na kanyang patuloy na pingadadaanan sa kanyang buhay. Sa pagpapaunlad ng isang estudyante tungo sa kanilang kabuuan, ang kominidad kaagapay ang paaralan ay nagsasagawa ng iba at ibang paraan at metodo para makamit ang pangangailangan ng mga mag-aaral. Nakaisip din sila ng mga posibleng teknik upang mapaunlad ang paraan ng kanilang pagtuturo. Iba-ibang ebalwasyon din ang itinuring na epektibo sa pagtukoy ng pangangailangan ng mga estudyante. Sa pagtaas ng pangangailangan, magkakaroon ng importansya ang mga paraan para sa kanilamg pagkatuto at pag-unlad. (ano ang source nito?) Isa sa mga aspeto sa pag-unlad ng isang bata ay ang kanyang pamilya. Sila ay nakatutulong sa pamamagitan ng mga aral na itinuro at minulat sa mga bata. Ang pinakamaimpluwensyang aspeto sa pag-unlad ng isang bata ay ang kanyang paaralan. Ito ang nagsisilbing pangunahing ahensya sa paghubog sa bata sa pamamagitan ng edukasyon. Ito rin ay nakatutulong sa pamamagitan ng kaalamang nabuo at nahulma sa isang institusyon. Ang paaralan ay hindi lamang dapat nagtataglay ng akademikong aspeto kundi meron ring dapat sapat na pasilidad at mga kasangkapan. Ang mga pasilidad na ito ay dapat na sapat para sa pagsasanay ng mga estudyante. Dapat din itong maging kapakipakinabang para sa pagpapaunlad ng isang estudyante. Ang mga tinutukoy na pasilidad ay matatawag din bilang pisikal na pasilidad.
2 Ang pisikal na pasilidad na matatagpuan sa paaralan ay ang laboratoryo, kantina, gymnasium, silid-aralan, silid-aklatan at iba pa. Ito ay may mahalagang gampanan sa pagsasanay at pagtulong sa estudyante. Ito rin ay malawakang ginagamt para mapaunlad at panatilihin ang pangangailangan ng mga estudyante. Sa ngayon, ang mga pasilidad na ito ay naging kailangan sa isang paaralan. Ito rin ay nakasama sa mga dapat tugunan ng isang paaralan. Ang pisikal na pasilidad ay pwedeng maiugnay sa pasilidad pangakademiko. Ang pasilidad pang-akademiko ay nakatutulong sa pagpapaunlad ng kaalaman at edukasyon ng estudyante. Ito ay ang mga kagamitan para sa pagsasanay gaya ng laboratoryong pang-ispits, laboratoryo, silid-aralan, silid pangkompyuter, at iba pa. Ang laboratoryong pang-ispits ay kung saan ang mga mag-aaral ay nageensayo nang tama at magandang pagbigkas. Nakatutulong din ito sa kanilang
kasanayang
pangkomunikasyon.
Ang
laboratoryo
ay
isa
ring
mahalagang pasilidad para sa isang estudyante. Dito isinasagawa ang iba at ibang eksperimento. Ang silid-aralan, ang pinakapangkaraniwang uri ng akademikong
pasilidad. Ito
ang pinakamaimpluwensyang uri dahil dito
nagaganap ang halos lahat ng diskusyon o talakayan at pag-aaral. Ang makabagong kaalaman ay dulot ng kompyuter. Silid pangkompyuter ay nagdudulot ng malaking pagbabago sa edukasyon. Ang mga talakayan ay madalas na gawa sa mga presentasyon. Ito ay napakagaling na paraan para ang isang estudyante ay maging palaban sa pagharap sa mabilis na pagbabago ng mundo. (source) Sa pag-aaral na ito ang mga mananaliksik ay sinusubukang ituro ang mga epekto ng pisikal na pasilidad sa akademikong pagganap ng mga piling magaaral sa unang taon ng kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa.
3 2. Layunin ng Pag-aaral Ang pamanahong papel na ito ay nagtatangkang alamin ang epekto ng mga pasilidad sa akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral sa unang taon sa kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa taong 2008-2009. Kaugnay nito, susubukan ding sagutin ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod na katanungan. 1. Anu-ano ang paraan ng pagpili ng pasilidad ng mga mag-aaral batay sa: 1.1 edad/gulang 1.2 kasarian 2. Anu-ano ang mga pasilidad na makikita sa De La Salle Lipa? 3. Gaano kagamitin ang mga pasilidad? 4. Ano ang lawak ng pagiging sapat ng mga pasilidad sa dalubhasaang ito? 5. Anong maimumungkahing solusyon sa pagpapaunlad ng mga pasilidad? Mga Palagay Ang mga sumusunod na palagay ay ginawa bilang basehan ng pag-aaral na ito: 1. Inaasahang nag-iiba-iba ang paraan ng pagpili pagdating sa pasilidad ng mga mag-aaral batay na rin sa ilang salik tulad ng edad/gulang at kasarian. 2. Ang mga pasilidad na matatagpuan sa paaralan ay kantina, gymnasium, mga laboratoryo, silid-aklatan, silid-aralan, eleveytor at ternstayl. 3. Ang paggamit ng mga pasilidad ay inaasahang nagbabago batay sa ilang salik tulad ng paggamit, lokasyon at iba pa.
4. Mayroong mga kailangang pasilidad na dapat magkaroon ang isang paaralan. 4 5. Maraming mga posibleng epekto na batid sa pagkakaron ng di-sapat na pasilidad. 6. Mayroong mahalagang ugnayan sa pagitan ng mga pisikal na pasilidad ng paaralan at ang akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
3. Kahalagahan ng Pag-aaral Sa kahalagahang hatid, ang pananaliksik na ito ay naghahangad na iukol ang hangarin at intensyon sa iba. Para sa mga mag-aaral, inaasahang sa pamamamgitan ng pag-aaral na ito sila ay magkakaroon ng kaalaman tungkol sa mga posibleng epekto ng mga pasilidad sa kanila. Mapapagtanto din nila ang kahalagahan nito sa kanila. Matututunan din nila ang tamang pag-aalaga sa mga pasilidad. Mahahalaga ang mga informasyong nakasaad dito sapagkat malaki ang maitutulong
nito
sa
mga
magulang.
Magaganyak
silang
tumutok
sa
pagpapaunlad ng magandang pasilidad sa isang paaralan na lubhang makatutulong sa pagganap ng mga mag-aaral pagdating sa pagkakaroon ng mga pisikal na pasilidad sa isang paaralan. Ang pananaliksik na ito ay makatutulong sa mga guro sa pamamagitan ng pagbabahagi nila ng mga kaugnay na kaalaman na sa kabilang dako ay makapag huhubog ng mga produktibong mag-aaral. Maaari din nilang malaman ang ilang mga posibleng paraan ng pagpapaunlad ng kanilang stratehiya sa pagtuturo kaugnay sa mga pasilidad na ito.
5 Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito, magkakadangal ang mga paaralan sa pagkakaroon ng mga produktibo at mahuhusay na mag-aaral. Magkakaroon din sila ng kaalaman sa mga pasilidada na kailangan ng isang paaralan. Bukod dito, mabebenipisyuhan din ang pamayanan dahil mayroon itong pagunlad kung kinabibilangan ito ng mga disiplinado, maaalam at mabubuting indibidwal.
4. Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pananaliksik na ito ay naglalayong malaman ang damdamin, pananaw, kaalaman at sitwasyong nararanasan ng mga mag-aaral. Saklaw nito ang mga mag-araal sa unang taon ng kursong Akawntansi kaugnay sa paggamit ng mga pisikal na pasilidad ng De La Salle Lipa. Nalimitihan ang pag-aaral na ito sa mga unang taon lamang ng De La Salle Lipan na kumukuha ng Akawntansi. Hinahangad din ng pag-aaral na ito na suriin ang mga epekto ng pasilidad sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa kanilang klase. Tatalakayin din ng mga mananaliksik ang mga posibleng impak na makaaapekto sa mga piling mag-aaral at sa kanilang pag-aaral.
5. Definisyon ng mga Terminolohiya
Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na bigyang definisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pag-aaral na ito: 6 Akademikong Pagganap. Ito ay tumutukoy sa kaalamang nakukuha o kakayahang napapaunlad sa mga asignatura sa paaralan, kadalasang idinisenyo sa pamamagitan ng iskor sa pagsusulit, ng puntos galling sa guro o sa pamamagitan ng pareho. (Encarta Encyclopedia Volume 13, 2008) Sa pag-aaral, ito ay tumutukoy sa paraan ng pakikitungo ng mga mag-aaral sa kanilang pagaaral at kung paano nila isinasakatuparan ang mga gawaing ibinibigay ng kanilang guro. Gymnasium. Ang salitang ito ay nangangahulugang isang malawak na kuwarto o gusali na ginawa para sa pisikal na edukasyon o panloob na laro (Britannica Encyclopedia Volume 26, 2008) Sa pag-aaral, ito ay isang pasilidad na pangmanlalaro na ginaya para sa palakasan at pisikal na pagsasanay. Ternstayl. Ito ay tinatawag ding isang baffle geyt, isang porma ng geyt kung saan ay nagbibigay daan sa isang tao na dumaan sa isang pagkakataon. (http://en.wikipedia.org/wiki/Turnstile). Sa pag-aaral na ito, ito ay isang pasilidad na itinayo upang masiguro ang kaligtasan ng mga pumapasok at lumalabas ng institusyon. Silid-aklatan. Ang salitang ito tumutukoy sa isang koleksyon ng mga impomasyon, mga pagkukunan, yaman, libro, at mga serbisyo, at ang istraktura na kung saan ito ay isang silid. (http://en.wikipedia.org/wiki/Library). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa pasilidad na pinupuntahan ng mga mag-aaral upang maghanap ng mga reperesya at makapagaral. Silid-aralan. Ito ay isang silid na kung saan ang pagtuturo ay nangyayari sa pamamagitan ng pagtatangkang magbigay ng isang ligtas na lugar kung saan
ang pag-aaral ay maaaring tumagal sa lugar na walang patid sa pamamagitan ng iba pang mga distractions. (http://www.answers.com/topic/classroom). Sa pagaaral na ito, ito ay tumutukoy sa silid na pinaglalagian ng mga mag-aaral kung saan dito sila madalas na matatagpuan. Dito isinasagawa ang mga klase. Kantina. Lugar na kung saan ang pagkain ay nabili sa isang pabrika, barracks atbp. (http://www.thefreedictionary.com/canteen). Sa pag-aaral nai to, ito ay pasilidad na matatagpuan sa loob ng isang paaralan kung saan dito bumibili ng pagkain ang mga estudyante. Eleveytor. Isang bertikal na sasakyan na mahusay ilipat ang mga tao o mga kalakal sa pagitan ng sahig ng isang gusali patungo sa itaas ng nito. (http://en.wikipedia.org/wiki/Elevator). Sa pag-aaral na ito, ito ay isang pasildad na gamit ng mga estudyante upang mapadali ang kanilang pagpunta sa mga sild-aralan na nasa itaas ng paaralan. Mag-aaral. Ito ay tumutukoy sa sinumang tao na nakaenrol at umaaten ng mga klase sa paaralan at kolehiyo. (http://education.yahoo.com/reference/ dictionary/entry/student). Sa pag-aaral na ito, ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral na kumukuha ng kursong akawntansi sa unang taon sa De La Salle Lipa. Kard catalog. Ang salitang ito ay isang alpabetikong fayl ng mga may-akda, paksa, at mga pamagat ng libro sa silid-aklatan. (http://www.library.uiuc.edu/rex/ instruction/cardcat.htm). Sa pag-aaral na ito, ito ay instrumento sa loob ng silidaklatan upang mapadali ang pagaahanap ng mga mag-aaral sa mga lirbo. Lobby. Ito ay nangangahulugang isang entranswey o pasukan sa isang gusali kung
saan
pwedeng
naghihintay
ang
mga
tao.
(http://www.yourdictionary.com/lobby). Sa pag-aaral na ito, ito ay pasilidad na matatagpuan sa may entrans ng paaralan kung saan dito naghihintay ang mga mag-aaral.
KABANATA II MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL AT LITERATURA Pangkaisipang Panitikan Ang akademikong pagganap ay tunay na nangangahulugan ng tatlong bagay: kakayahang mapag-aralan at maalala ang mga katotohanan; magkaroon ng kakayahang makapag-aral ng mabisa at malaman kung paanong ang mga katotohanan ay sumang-ayon sa isa at isa upang bumuo ng mas malawak na huwaran ng kaalaman at isipan ang sarili kaugnay sa mga katotohanang ito, at pangatlo, kakayahang maipahayag ang sariling kaalaman sa pagsasalita man o sa pagsulat man sa papel. Ang mabuting akademikong pagganap ay nakaugnay din sa pagkakaroon ng mabuting pagsasama-sama ng sariling kakayahan na ang ilan nga ay ang maayos na lugar para sa gawain at maayos na pamamahala sa oras. Ang lahat ng ito ang dapat na isaalang-alang. (Encarta, 2008) Ang salitang kantina sa tagalog at canteen sa Ingles ay nagmula sa salitang Italyanong cantina o istante ng mga alak at orihinal na nangangahulugan ng isang partikular na lugar sa isang pangmilitar na establisyemento kung saan makakakuha ang mga sundalo ng mga panghimagas. Patuloy itong ginagamit sa diwang ito upang ipakita/ituro.ilarawan ang mga lugar ng trabaho kung saan ang pagkain ay inilalaan mula sa isang sentral na paglilingkod. (Webb, 2000) Isang lugar kung saan ang siyentipikong pananaliksik at pagpapaunlad ay isinasagawa at kasama na rin ang mga pagsusuri, ang may kabaligtaran sa pabrika. Karamihan sa mga laboratoryo ay inilalarawan sa pamamagitan ng pagkontrol sa kondisyong panlahat (matimtimang temperatura, hanog, kalinisan).
Ang mga modernong laboratoryo ay gumagamit ng malaking bilang ng mga instrumento at pamamaraan sa pag-aaral, pagsisistema o pagbibilang ng mga bagay na nasa kanilang atensiyon. Ang mga pamamaraan ay madalas na 9 kinabibilangan ng pagsubok, pagtalakay, pagsukat, pagkakalkyula at ang presentasyon ng mga resulta; bawat isa ay maaaring isakatuparan sa pamamagitan ng mga tekniks/istratehiya na isinasaayos mula sa paggamit ng tauhan ng mga simpleng kasangkapan hanggang sa pagpapatakbo ng komplikadong sistema ng pagsusuri kasama ang kompyuter, lagakan ng impormasyon at mga kagamitan sa pagpapaliwanag. (Britannica Encyclopedia, 2008) Isang lugar para sa pag-aalaga ng permanenteng koleksyon ng libro para sa pampubliko o pampribadong gamit; sa tahanan, kadalasang binubuo ng isang kwarto, ngunit sa isang buong gusali. Isang lugar na itinayo upang magkaroon ng libro, manuskripto, at iba pang materyal para sa pagbabasa, pag-aaral, panonood,
pakikinig
o
pagpapatnugot,
kadalasang
mayroon
ng
mga
organisadong salansanan pati na rin ng mga lugar para sa pagbasa, pagkopya, panonood o pakikinig sa isang napiling materyal. (Wikipedia, 2008) Ang mga pisikal na pasilidad ay mayroon ding responsibilidad sa programing, pagpaplano, pagtatayo, pagpapanatili ng pasilidad upang maibigay ang mga pinkaposible at pinakmabuting kapaligiran para sa pampaaralang komunidad. Nagsisikap ang mga pisikal na pasilidad na ito upang makapaglaan sa mga tauhan ng unibersidad at mga mag-aaral ng komportableng kapaligiran kung saan makapagtatrabaho at makapag-aaral. Pinananatili nito ang mataas na kalidad para sa pagpapaunlad at maayos na pagtataguyod. (Encyclopedia Britannica, 2007) Pananaliksik Panitikan
Ang akademikong lipunan o matalinong samahan ay nagsimula bilang mga grupo ng mga akademiko na nagtatrabaho nang sama-sama at 10 ipenepreenta ang gawain sa isa at isa. Ang mga impormal na grupo na ito, nang nagtagal
ay
nagging
organisado
at
sa
maraming
pagkakataon
ay
pinayagan/pinahintulutan ng estado. Nakatakda ang pakikiisa, madalas ay kinakailangan ng pagpayag ng mga kasalukuyang miyembro at kadalasan ding ang pagmimiyembro ay limitado ng isang partikular na bilang. Ang mga akademikong lipunan ay nagsisilbi bilang parehong tagapagpresenta at tagapaglathala ng mga akademikong gawa, ang bahaging gagampanin na ito ay isinasakatuparan ngayon ng mga tagapaglathalang akademiko at bilang isang paraan ng pagtangkilik sa pananaliksik at tulong sa akademiko, patuloy silang nagseserbisyo.(Wikipedia, 2008) Ang pasilidad ng paaralan ay lubhang mas makabuluhan pa kaysa sa pagiging isang tahimik na lalagyan ng prosesong edukastonal: manapa ito ay isang napakahalagang bahagi ng pagkatuto. Ang plano at disenyo ng isang pasilidad ay nagsisilbing salik sa pagtukoy ng karanasan sa lugar ng mga magaaral, tagapagturo at miyembro ng samahan. Depende sa kalidad ng disenyo at pamamahala, ang pasilidad ay kayang makapagtukoy sa diwa ng pag-aari, kaligtasan
at
kasiguraduhan,
kontrol,
pagkapribado
pati
na
rin
ang
pakikipagsalamuha at ang kaluwagan at kasikipan. Kapag nagpaplano, nagdidisenyo o namamahala ng pampa-aralang pasilidad, ang mga bahaging ito ng karanasan sa lugar ay dapat na kung possible, isaalang-alang. (Encyclopedia Britannnica, 2006) Ang epektibong pampaaralang pasilidad ay sumusunod sa pagbabago ng mga sistema ng pagtataguyod ng edukasyon at dapat na makapaglaan ng mga pisikal na kapaligirang komportable, ligtas, sigurado, maaasahan, may maayos na pasukan ng hangin at liwanag, at presentable. Hindi lamang binubuo ng mga
pisikal na istruktura at sistema ng gusali ang isang pampaaralang pasilidad tulad ng
mekanikal,
lagusan
ng
tubig
(plumbing)
elektrisidad,
sistema
ng
telekomunikasyon, seguridad at sistema sa pamatay - sunog. (Wikipedia, 2007) (Note: Nasaan ang mga kaugnay na pag-aaral? Ito ay mga pananaliksik na isinagawa na at kukuha kayo ng hanngang lima upang ipahayag ang kaugnayan nito sa inyong pag-aaral.)
KABANATA III DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK
1. Disenyo ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa ayon sa disenyo ng pamaraang descriptive-analitik na pananaliksik. Layunin ng pag-aaral na ito na alamin at suriin ang damdami at pananaw ng mga respondent hinggil sa impak ng mga pisikal na pasilidad sa kanilang akademikong pag-aaral.
2. Mga Respondente Ang mga piniling respondent sa pag-aaral na ito ay ang mga mag-aaral sa unag taon ng De La Salle Lipa sa ikalawang semestre ng taong-akademiko 2008-2009. Sa kasalukuyan, may apat na pangkat ng mga estudyante sa kursong Akawntansi. Gumamit ng isandaang bilang ng mga respondent sa kabuuang bilang ng mga mag-aaral sa nasabing kurso sa pamamamaraang random sampling upang magkaroong ng pantay na representasyon ang bawat pangkat:
dalawampu at pitong mag-aaral sa A1A, dalampu at anim sa A1B, dalawampu at lima sa A1C at dalawampu at dalawa sa A1D. Pansinin ang sunod na talanahayan: 12 Talahanayan I Distribusyon ng mga Respondente sa iba at ibang pangkat sa kursong Akawntansi Respondente
sa
Seksyon
Populasyon
A1A
38
27
71.05
A1B
36
26
72.22
A1C
35
25
71.43
A1D
30
22
73.33
Kabuuan
139
100
71.94
bawat seksyon
Porsiyento
Pinili ng mga mananaliksik ang mga respondent sa kursong Akawntansi sa ikalawang semestre sapagkat sila ang pinakamadaling makatugon sa mga pangangailangan sa pamanahong-papel na ito at upang magkaroon ng pantay na representasyon ang bawat seksyon. 3. Instrumentong Pampananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng pagsasarvey. Ang mga mananaliksik ay naghanda ng isang sarvey-kwestyoneyr na naglalayong makangalap ng mga datos upang masuri ang impak ng mga pisikal na pasilidad sa kanilang akademikong pag-aaral. Nagsagawa rin ng pangangalap ng mga informasyon ang mga mananaliksik sa iba at ibang mga hanguan sa aklatan katulad ng mga nakaraang pananaliksik, dyaryo, at iba pang referensyal. Kumuha rin ang mga mananaliksik ng ilang informasyon sa internet.
13 4. Tritment ng mga Datos Dahil ang pananaliksik na ito ay isang panimulang pag-aaral lamang at hindi naman isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri tulad ng tesis at disertasyon, walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pag-aaral na ito sa pamamagitan ng matataas at kompleks na istatistikal na pamamaraan. Bilang o dami lamang ng mga pumili sa bawat pagpipilian ng bawat aytem sa kwestyoneyr ang inalam ng mga mananaliksik. Dahil isandaan (100) ang mga respondente, naging madali para sa mga mananaliksik ang pagkuha ng porsyento dahil sa bawat dami ng bilang ay awtomatikong katumbas sa porsyento niyon.
KABANATA IV PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS Natuklasan sa pag-aaral na ito ang mga sumusunod na datos at informasyon: Inalam ang distribusyon ng mga respondente ayon sa kanilang kasarian. Animnapu at lima (65%) sa kanila ay mga babae, samantalang, tatlumpu at lima (35%) ay mga lalaki. Pansinin ang kasunod na graf: Graf I Distribusyon ng mga Respondente ayon sa Kasarian 35%
A Respondenteng Babae 65%
B Respondenteng Lalaki
Ipinapakita ng Graf 2 ang distribusyon ng mga respondente ayon sa edad. Walumpu at isa (81%) sa mga respondente ay nasa edad 17-18. Ang labing-apat (14%) ay nasa edad 15-16. Ang natitirang lima (5%) sa mga respondente ay nasa 19-20 taong gulang. Graf 2 Distribusyon ng5%mga Respondente ayon sa Edad 14%
15-16 17-18 19-20 81%
15 Isinasaad sa talahanayan na ang silid-aralan (17.69%) ang pinakakaraniwang nakikita sa paaralan. Sumunod ditto ang silid-aklatan (15.82%) at kantina (15.55%). Kabilang din sa mga pasilidad na makikita sa paaralan ang silid-pangkompyuter (17.75%), eleveytor (14.48%), gymnasium (13.67%) at tarnstayl (8.04%).
Talahanayan 2 Distribusyon ng mga Pasilidad Na makikita Sa Paaralan Pasilidad Silid-aklatan Silid-aralan Gymnasium Eleveytor Tarnstayl Silidpangkompyuter Kantina Kabuuan
Bilang/Dami 59 66 51 54 30 55
Porsyento 15.82 17.69 13.67 14.48 8.07 17.75
Ranggo 2 1 6 5 7 4
58 100
15.55 100
3
Walumpu at tatlo (83%) sa mga respondente ang nagsabi na nakasasapat ang mga pasilidad sa paaralan. Ayon naman sa siyam (9%), hindi nakasasapat at walong (8%) respondente naman ang nagsabing sobrang nakasasapat. Wala naman sa mga respondente ang nagsabi na hindi nakasasapat ang mga pasilidad sa paaralan.
Graf 3. Kasapatan ng mga Pasilidad sa Paaralan 9%
8% Sapat ang mga pasilidad Hindi sapat Napakasapat 83%
16 Ayon sa Graf 4, ang silid-aralan (30.11%) ang pasilidad na madalas puntahan ng mga respondente. Smunod pa ang kantina (25%) at silid-aklatan (23.86%). Pinupuntahan din ng mga respondente ang silid-pangkompyuter (10.23%), eleveytor (3.41%), gymnasium (1.70%) at sa iba pa (5.68%) gaya ng lounge at student’s park. Graf 4 Distribusyon ng mga pasilidad na madalas puntahan ng mga mag-aaral
silid-aklatan silid-pangkompyuter eleveytor ternstayl 0%
5%
10%
15%
20%
25%
30%
35%
Pakikipag-usap at pakikipagkwentuhan (32.93%) ang madalas gawin ng mga respondente sa pagpunta nila sa pasilidad. Isa rin sa mga dahilan ay ang pag-aaral (29.34%). Naglalaan din ng oras ang mga respondente sa mga pasilidad upang mgahanap ng sanggunian/ pananaliksik (22.75%), sa iba pang dahilan gaya ng pagkain (10.18%) at paglalaro (4.39%). Graf 5 Distribusyon ng mga Gawain ng mga Respondente sa mga pasilidad sa paaralan
pakikipagusap pagkain pagsasaliksik pag-aaral paglalaro 0
10
20
30
40
17 Ayon sa Graf 5.1a apatnapu at apat (44%) na respondente ang sumasang-ayon na ang kanilang silid-aklatan ay epektibo batay sa presensya ng kard catalog. Tatlumpu at pito (37%) ang nagsabing napakaepektibo nito at labing siyam (19%) ang nagpahayag na hindi epektibo ang silid aklatan batay sa presensya ng kard catalog. Graf 51.a Ang Silid-aklatan batay sa presensya ng kard katalog 19% 37%
P inakamataas na marka Katamtaman
44%
P inakamababang marka
Makikita sa Graf 5.1b na apatnapu at apat (44%) ang nagsasabing epektibo ang silid-aklatan kung ang pagbabatayan ay ang presensya ng ensayklopedia. Napakaepektibo naman ang nakikita ng apatnapu at dalawa (42%) sa silid-aklatan at hindi epektibo ayon sa labing-apat (14%) na respondente.
Graf 5.1b Ang Silid-aklatan batay sa presensya ng Ensayklopedia
14%
42%
Pinakamataas na marka Katamtaman
44%
Pinkamababang Marka
18 Mahihinuha sa graf 5.1c na karamihan sa mga respondente sa bilang na apatnapu na tatlo (43%) ay nagsasabi na epektibo ang silid-aklatan para sa kanilang pagganap dahil sa laki nito samantalang tatlumpu at lima (35%) ang nagpahayag na napakaepektibo ang silid-aklatan at dalawampu at dalawa ang nagsabing hindi epektibo ang laki ng lugar g silid-aklatan.
Graf 5.1c Silid-aklatan batay sa laki ng lugar
22%
35%
Pinakamataas na marka Katamtaman
43% Pinakamababang marka
Hinggil sa palagay ng mga respondente ukol sa silid-aklatan batay sa presensya ng mga mapagkakatiwalaang libro, apatnapu at tatlo (43%) ang nagsasabing napakapektibo, apatnapu (40%) ang nagsabing epektibo at labing pito (17%) ang nagsabing hindi epektibo.
Graf 5.1d Ang sild-aklatan batay sa presensya ng mga mapagkakatiwalaang libro
17%
43%
Pinakamataas na marka Katamtaman
40%
Pinakamababang marka
19 Apatnapu at tatlo (43%) sa mga respondente ang nagsabing epektibo ang silid-aklatan kung ang pagbabatayan ay ang bentilasyon nito. Ayon sa apatnapu at isa (41%) respondente, napakepektibo nito at labing anim (16%0 naman ang nagsabing hindi epektibo.
Graf 5.1e Ang silid-aklatan batay sa bentilasyon ng lugar
16%
41%
Pinakamataas na marka Katamtaman
43% Pinakamababang marka
Hinngil sa kanilang palagay kung epektibo ang silid-aklatan sa bilis ng serbisyo, apatnapu at siyam (49%) ang nagsabing epektibo ito. Ayon sa dalawampu at anim (26%) na respondente, ito ay napakaepektibo at dalwampu at lima (25%) ang nagsabing hindi ito epektibo.
Graf 5.1f Ang silid-aklatan batay sa bilis ng serbisyo 25%
26%
Pinakmataas na marka Katamtaman
49%
Pinakamababang marka
20 Ipinapalagay sa graf 5.2a na maayos at epektibo ang pasilidad ng kantina batay sa kasapatan ng lamesa ayon sa animnapu at pitong (67%) respondente. Napakaayos at epektibo ayon sa dalawampu at dalawa (22%) respondente samantalang hindi epektibo para sa labing isa (11%).
Graf 5.2a Ang kantina batay sa kasapatan ng lamesa at upuan 11% 22% 67%
Pinalamataas namarka Katamtaman Pinakmababang marka
Hinggil sa kanilang palagay kung epektibo ang kantina batay sa bentilasyon nito, limampu at dalawa (52%) ang nagsasabing epektibo ito, tatlumpu at dalawa (32%) ang nagsasabing napakaepektibo samantalang labinganim (16%) ang nagsabing hindi ito epektibo.
Graf 5.2b Ang kantina batay sa bentilasyon ng lugar
16%
Pinakamataas na marka
32%
Katamtaman 52% Pinakamabababg marka
21 Hinggil naman sa pananaw ng respondente, limampu at tatlo (53%) ang nagsabing epektibo ang kantina. Dalawampu at pito (27%) sa kanila ang nagsabing napakaepektibo at dalawampu (20%) ang nagsabing hindi ito epektibo batay sa laki ng lugar.
Graf 5.2c Ang kantina batay sa laki ng lugar
53% 20% 27%
Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka
Ayon sa limampu at anim (56%) na respondente, ang kantina ay epektibo sa kanilang pagganap dahil sa kabilisan nito sa serbisyo, tatlumpu at tatlo (33%) ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang labing isa (11%) ang nagsabing napakaepektibo nito sa kanila.
Graf 5.2d Ang kantina batay sa kabilisan ng serbisyo
Pinakamataas na marka Katamtaman
11%
33%
56% Pinakamababan g marka
22 Ipinapalagay sa graf 5.3a na limampu at siyam (59%) na respondente ang nagsabing epektibo ang silid-aralan sa kanilang akademikong pagganap kung ang pagbabatayan ay ang kasapatan ng lamesa. Ayon sa dalawampu at apat (24%), napakaepektibo nito at hindi epektibo sa labing pito (17%) respondente. Graf 5.3a Pinakamataas 24% Ang silid-aralan batay sa kasapatan sa lamesa na marka 17% Katamtaman 59%
Pinakamababan g marka
Hinggil sa palagay ng mga respondente kung epektibo ang silid-aralan sa kanila, animnapu (60%) ang nagsabing epektibo ito, dalawampu at dalawa (22%) sa kanlia ang nagsabing napakaepektibo at labing walo (18%) respondente ang nagsabing hindi epektibo.
Graf 5.3b Ang silid-aralan batay sa bentilasyon ng lugar Pinakamataas na marka Katamtaman
22% 18%
Pinakamababan g marka
60%
23 Apatnapu at siyam (49%) sa mga respondente ang nagsabing hindi epektibo ang silid-aralan batay sa presensya ng LCD. Ayon naman sa dalawampu at anim (26%) sa kanila, epektibo ito samantalang napakaepektibo para sa dalawampu at limang (25%) respondente.
Graf 5.3c Ang silid-aralan batay sa presensya ng LCD, projector 25% 26% 49%
Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka
Ayon sa limampu at apat (54%) na respondente, ang silid-aralan ay epektibo sa kanilang akademikong pagganap, dalawampu at pito (27%) ang nagsabing napakaepektibo at ayon sa labing siyam (19%) sa kanila ay nagsabing hindi epektibo.
Graf 5.3d Ang silid-aralan batay sa laki Pinakamataas na marka Katamtaman
27% 19% 54%
Pinakamababan g marka
24 Limampu at dalawa (52%) respondente ang ngasabing epektibo ang silidpangkompyuter batay sa kasapatan ng kompyuter. Tatlumpu at tatlo (33%) ang naman ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang napakaepektibo para sa labing limang (15%) respondente.
Graf 5.4a Ang silid-pangkompyuter batay sa kasapatan ng kompyuter Pinakamataas na marka Katamtaman
15%
33%
52% Pinakamababan g marka
Ayon sa apatnapu at limang (45%) respondente, epektibo ang silidpangkompyuter batay sa bentilasyon, tatlumpu at lima (35%) ang nagsabing napakaepektibo at hindi epektibo para sa dalawampung (20%) respondente.
Graf 5.4b Ang silid-pangkompyuter batay sa bentilasyon ng lugar
Pinakamataas na marka Katamtaman
35% 20% 45%
Pinakamababan g marka
25 Ayon sa limampu at dalawa (52%) respondente, epektibo ang silidpangkompyuter batay sa epektibidad nito, dalawampu at pito (27%) ang nagsabing napakaepektibo nito at dalawampu at isa (21%) ang nagsaad na hindi ito epektibo.
Graf 5.4c Ang silid-pangkompyuter batay sa epektibidad
Pinakamataas na marka Katamtaman
27% 21% 52%
Pinakamababan g marka
Limampu at dalawang (52%) respondente ang nagsabing epektibo ang silid-pangkompyuter sa kanila batay sa laki nito at tatlumpu at apat (34%) sa kanila ang ngsasabing hindi ito epektibo. Napakaepektibo naman ito para sa labing apat (14%) na respondente.
Graf 5.4d Ang silid-pangkompyuter batay sa laki Pinakamataas na marka Katamtaman
14% 52%
34%
Pinakamababan g marka
26 Ayon sa apatnapu at siyam (49%) na respondente, epektibo ang ternstayl batay sa epektibidad nito, dalawampu at siyam (29%) ang nagsabing hindi ito epektibo at dalawampu at dalawa (22%) ang nagsabing napakaepektibo nito.
Graf 5.5a Ang ternstayl batay sa epektibidad Pinakamataas na marka Katamtaman
22%
29%
49%
Pinakamababan g marka
Ayon sa limampung (50%) pursyento o kalahating kabuuang bilang ng mga respondente, epektibo ang ternstayl ayon sa tulong na hated nito, tatlumpu at isa (31%) ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang labing siyam (19%) na respondente lamang ang ngasabing napakaepektibo nito.
Graf 5.5b Ang ternstayl batay sa tulong na hatid Pinakamataas na marka Katamtaman
19%
31%
50%
Pinakamababan g marka
27 Apatnapu at apat (44%) na respondente ang nagsabing epektibo ang ternstayl batay sa dami nito, tatlumpu at anim (36%) ang nagsasabing hindi ito epektibo at dalawampu (20%) sa kanila ang nagsasabing napakaepektibo nito.
Graf 5.5c Ang ternstayl batay sa dami Pinakamataas na marka Katamtaman
20%
36%
44%
Pinakamababan g marka
Ayon sa apatnapu at walong (48%) respondente ukol sa ternstayl batay sa lokasyon nito, epektibo ito. Tatlumpu at tatlo (33%) ang nagsasabing hindi ito epektibo samantalang labing siyam (19%) lamang sa kanila ang nagsabing napakaepektibo nito.
Graf 5.5d Ang ternstayl batay sa lokasyon
Pinakamataas na marka Katamtaman
19%
48%
33%
Pinakamababan g marka
28 Limampu at lima (55%) sa mga respondente ang nagsabing epektibo ang eleveytor sa kanilang akademikong pagganap batay sa laki nito. Dalawampu at apat (24%) naman sa mga respondente ang nagsabing hindi ito epektibo samanatalang dalawampu at isa (21%) ang nagsabing napakaepektibo nito.
Graf 5.6a Ang eleveytor batay sa laki
Pinakamataas na marka Katamtaman
21% 24% 55%
Pinakamababan g marka
Ayon sa apatnapu at walong (48%) respondente, epektibo sa kanilang akademikong pagganap ang mga eleveytor batay sa dami nito. Tatlumpu at isa (31%) naman ang nagsabing hindi ito epektibo samantalang dalawampu at isa (21%) ang nagsabing napakaepektibo nito.
Graf 5.6b Ang eleveytor batay sa bilang
Pinakamataas na marka Katamtaman
21%
31%
48%
Pinakamababan g marka
29 Apatnapu at walo (48%) sa mga respondente ang nagsabing epektibo sa kanilang akademikong pagganap ang tulong na hated ng eleveytor at tatlumpu at lima (35%) ang nagsabing napakaepektibo nito samantalang labing pito (17%) sa kanila ang nagsabing hindi ito epektibo.
Graf 5.6c Ang eleveytor sa tulong na hatid
35% 17%
48%
Pinakamataas na marka Katamtaman Pinakamababan g marka
Ayon sa walumpu at apat (84%) na respondente, nagkakaroon ng problema sa paggamit ng mga pasilidad samantalang labing anim (16%) ang nagsabing hindi.
Graf 6 Kalagayan ng mga Pasilidad
30 Ipinapakita ng Graf 7 na ayon sa animnapu at isa (61%) respondente, nakatutulong ang mga pasilidad ng paaralan. Tatlumpu at isa (31%) ang nagsabing napakalaking tulong nito at isa (1%) naman ang nagsabing hindi nakatutulong.
Graf 7 Kabutihang Dulot ng mga Pasilidad sa mga Respondente 1%
Apatna walo
(48%)
respondente 86-91 marka nakaraang
A Nakatutulong
pu
at
B Napakalaking Tulong
sa
mga
C Hindi Nakatutulong
noong
31% 68%
ang may
semestre. 81-85 ang marka ng tatlumpu at tatlo(33%) sa kanila at labing siyam (19%) ang mayroong 92 pataas na marka.
Graf 8 Distribusyon ng Marka ng mga Respondente noong Nakaraang Semestre 92 pataas 86-91 81-85 75-80 69-74 0
1
2
3
4
5
31 Ayon sa siyamnapu at walo (98%), lubhang kailangan ang mga pasilidad sa mga mag-aaral, samantalang dalawa (2%) ang nagsabing hindi. Graf 9 Kahalagahan ng mga Pasilidad sa mga Mag-aaral 2% Kailangan Hindi Kailangan
98%
KABANATA V
LAGOM, KONGKLUSYON AT REKOMENDASYON 1. Lagom Ang pag-aaral na ito ay isang pagtatangkang malaman ang epekto ng pisikal na pasilidad sa akademikong pagganap ng piling mag-aaral sa unag taon sa kursong Akawntansi ng De La Salle Lipa. Gamit ang disenyong deskriptiv-analitik, ang mga mananaliksik ay nagdisenyo ng sarvey-kwestyoneyr na pinasagutan sa isandaang (100) respondente, 27 sa A1A, 26 sa A1B, 25 s A1C at 22 sa A1D.
2. Kongklusyon Batay sa mga inilahad na datos, ang mga mananaliksik ay humantong sa mga sumusunod na kongklusyon: a. Ang pisikal na pasilidad na pinakakaraniwang nakikita sa De La Salle Lipa ay ang silid-aralan, gymnasuim, eleveytor, ternstayl, silid-pangkompyuter at kantina. Ang pinakadominante sa madalas puntahan ng mga mag-aaral ay ang silid-aralan at ang hindi dominante ay ang ternstayl. b. Ang mga pasilidad na makikita sa paaralan ay nakasasapat at nakasasabay sa pagdami ng bilnag ng mga mag-aaral. c. Madalas magpalipas ng oras ang mga mag-aaral sa silid-aralan. Kadalasang ginagawa nila dito ay pag-aaral at pakikipagkwentuhan. d. Ang silid-aklatan ng De La Salle Lipa ay epektibo sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral batay sa presensya ng kard catalog, ng ensayklopedia, ng mapagkakatiwalaang libro, bentilasyon at kabilisan sa serbisyo. e. Ang pagkakaroon ng kantina ng De La Salle Lipa ay nagbunga sa pagigng epektibo ng mga mag-aaral. Ang resultang ito ay binatay sa kasapatan ng lamesa at upuan ng pasilidad, bentilasyon ng lugar, laki at kabilisan sa serbisyo. f. Ang mga silid-aralan ng paaralan ay natuklasang malaki ang naitutulong sa pagigng produktibo ng mga mag-aaral dahil sa kasapatan nito sa
lamesa at upuan, sa bentilasyon, kasapatan ng LCD, projector na kalimitang ginagamit sa talakayan at sa laki ng lugar. 33 g. Ang silid-pangkompyuter na makikita sa De La Salle Lipa ay nagsisilbing malaking tulong sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral dahil na rin sa kasapatan ng kompyuter na mayroon ang pasilidad, sa bentilasyon ng lugar, epektibidad ng mga kompyuter at sa laki ng silid na angkop sa pagaaral. h. Ang paglalagay ng ternstayl sa De La Salle Lipa ay nadiskubreng bahagyang nakatutulong sa mga mag-aaral sa kabila ng katunayang mas marami ang nagsasabing hindi ito epektibo kaysa sa nagsabing napakaepektibo nito. Batay na rin ito sa epektibidad ng pasilidad, tulong na hatid, sa dami at sa lugar na pinaglagyan. i. Ang eleveytor ng institusyon ay napagtantong malaki ang nagagawang tulong sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral batay sa mga sumusunod na kraytirya: laki, bilang at tulong na hatid nito. j. Karamihan sa mga respondente/mag-aaral ay nagkakaroon ng mga problema kaugnay sa mga pasilidad na matatagpuan sa institusyon dahil ang mga pasilidad ay hindi ganoon kadebelop. k. Batay sa mga respondnete, ang kanilang marka ay naglalaro sa pagitan ng 86-91 at walang bumaba sa 80 na humantong sa konklusyon na malaki ang epektong nagagawa ng mga pisikal na pasilidad sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral.
3. Rekomendasyon Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong-pagpapakumbabang inirerekomenda ng mga mananaliksik ang mga sumusunod: 1. Nawa ay pag-ibayuhin pa ng pamunuan ng dalubhasaan ang lubos na pagtupad hinggil sa mga kailangan ng mga mag-aaral lalo na sa kasapatan ng mga pasilidad at kagamitan na magreresulta naman ng malaking tulong para sa mga estudyante upang paunlarin ang kanilang mga talento at potensyal.
34 2. Hikayatin ang mga mag-aaral na maging bahagi ng mga akademikong aktibidades at programa at gamitin nang maayos ang mga paslidad ng paaralan. 3. Magmungkahi ng mga proyekto at kampanya na makatutulong sa pagunald ng mga pisikal na pasilidad ng institusyon. 4. Suportahan ng mga magulang ang mga proyekto at kampanya ng paaralan sa pagdedebelop ng parehong paaralan at ng kabataan. 5. Lalo pang paunlarin ang mga hakbanging ginamit sa pananaliksik na ito ng mga susunod pang pag-aaral.
35 LISTAHAN NG MGA SANGGUNIAN
A. Libro (format) Surname, Given name, Middle initial., Year of Publication. Title. Place of Publication. Publisher Example: Garcia, Lakandupil C. et. al., 2008. Kalatas: Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishng House Encarta Dictionary: English (America) Encarta Encyclopedia (2008) Encyclopedia Britannica (2006, 2007, 2008) B. Internet Kailangan din ang Surname, Given name, Middle initial., Year of Publication. Title. Place of Publication. Publisher. website Example: Garcia, Lakandupil C. et. al., 2008. Kalatas: Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik. Cabanatuan City, Philippines: Jimcy Publishng House. Website http://www.answers.com/ http://www.about.com/ http://www.google.com.ph/ http://wikipedia.org/ http://yahoo.com/ http://education.yahoo.com/reference/dictionary/entry/student) http://www.thefreedictionary.com/canteen http://www.library.uiuc.edu/rex/instruction/cardcat.htm http://www.yourdictionary.com/lobby
MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL? Surname, Given name, Middle initial., Year of Publication. Pamagat ng Pananaliksik. School or agency. Address of the school or agency
Apendiks A
Sa mga Respondente, Bigyang alam na ang aming grupo ay nagsasagawa ng isang pagaaral tungkol sa epekto ng mga pasilidad sa akademikong pagganap ng mga piling mag-aaral sa unang taon sa kursong Accountancy ng De La Salle Lipa akademikong taon 2008-2009. Kaugnay nito, naggawa kami ng sarveykwetyoneyr upang makakalap kami ng impormasyon. Ang inyong partisipasyon sa aming pag-aaral sa pamamagitan ng pagsagot sa aming mga sagutan ay napakahalaga, kung wala ito, ang aming pag-aaral ay hindi makukumpleto. Sisiguraduhin namin na lahat ng impormasyong makakalap ay walang makakaalam. Maraming salamat sa inyong magandang pagtugon at kung kayo ay interisado, bibigyan namin kayo ng resulta ng pag-aaral.
Sumasainyo, Charisse Ann Pureza Mary Ann Alvarez Danielle Ann Perez - MANANALIKSIK –
Apendiks B
MGA PISIKAL NA PASILIDAD: EPEKTO NITO SA AKADEMIKONG PAGGANAP NG MGA MAG-AARAL SA KURSONG AKAWNTANSI SA DE LA SALLE LIPA AKADEMIKONG TAON 2008-2009 Panuto: Lagyan ng markang tsek ( √ ) ang patlang ng inyong sagot. Unang Bahagi: Pagkakakilanlan ng mag-aaral 1. Kasarian : ( 2. Edad: (
) lalaki ) 15-16
( ) babae ( ) 17-18
( ) 19-20
Pangalawang Bahagi: Mga tanong 1. Anu-ano ang mga pisikal na pasilidad na makikita sa paaralan? Maaring magmarka ng marami kung kinanailangan. ( ) silid-aklatan ( ) ternstayl ( ) silid-aralan ( ) silid- pangkompyuter / kompyuteran ( ) dyimneysiyum ( ) kantina ( ) eleveytor ( ) laboratoryong pangispits 2. Gaano kasapat ang mga pasilidad? ( )napakasapat ( ) sobrang hindi sapat ( ) hindi sapat ( ) sapat 3. Sa anong pasilidad ka malimit/ madalas magpunta? ( ) silid-aklatan ( ) ternstayl ( ) silid-aralan ( ) silid- pangkompyuter / kompyuteran ( ) dyimneysiyum ( ) kantina ( ) eleveytor ( ) iba pa; ilahad ____________________ ( ) laboratoryong pangispits 4. Ano ang iyong kadalasang ginagawa sa pasilidad na iyon? ( ) paghahanap ng sangunian/ pagsasaliksik ( ) pagkain ( ) pakikipag-usap/ pakikipagkuwentuhan ( ) paglalaro ( ) iba pa; ilahad ____________________
5. Lagyan ng tsek ang hanay ng numerong kumakatawan sa inyong sagot; 1 bilang pinakamatass at 3 bilang pinakamababang marka.
5.1 Silid- Aklatan 5.1a Presensya ng kard catalog 5.1b Presensya ng Ensayklopidya 5.1c Presensya ng mapagkakatiwalaang libro 5.1d Bentilasyon ng lugar 5.1e Laki ng silid 5.1f Kabilisan sa serbisyo
1
2
3
5.2 Kantina 5.2a Kakumpletuhan / kasapatan ng lamesa at upuan 5.2b Bentilasyon ng Lugar 5.2c Laki ng Kantina 5.2d Kabilisan sa serbisyo
1
2
3
5.3 Silid-aralan 5.3a Kasapatan ng lamesa at upuan 5.3b Bentilasyon ng lugar (maaliwalas, maliwanag….) 5.3c Kasapatan ng kagamitan sa pag-aaral (LCD, projector…) 5.3d Laki ng silid
1
2
3
5.4 Silid-Pangkompyuter/ Kompyuteran 5.4a Kasapatan ng mga kompyuter 5.4b Bentilasyon ng lugar 5.4c Epektibidad ng mga kompyuter 5.4d Laki ng silid
1
2
3
5.5 Ternstayl 5.5a Epektibidad 5.5b Tulong sa mag-aaral 5.5c Dami ng ternstayl 5.5d Lugar ng pinaglagyan
1
2
3
5.6 Eleveytor 5.6a Laki ng eleveytor 5.6b Bilang / Kasapatan ng eleveytor 5.6c Tulong sa mag-aaral
1
2
3
6. Nagkakaroon ba ng mga problema kaugnay sa mga pasilidad na ito? ( ) Oo ( ) Hindi 7. Gaano kalaki ang natutulong ng mga pasilidad na ito sa iyo? ( ) napaklaking tulong ( ) nakakatulong
( ) hindi nakakatulong 8. Ano ang iyong pangkalahatang marka sa katatapos na semestre? ( ) 69-74 ( ) 75-80 ( ) 81-85 ( ) 86-91 ( )92 at pataas 9. Sa iyong palgay, ang mga pasilidad ba ay isang kailanganin para sa pag-aaral ng mga estudyante? Bakit oo at bakit hindi? ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________ Maraming Salamat!
Apendiks C
CURRICULUM VITAE Personal Data Name: Charisse Ann Montalbo Pureza Address: San Carlos Rosario, Batangas Birth date: April 7, 1992 Birthplace: Baybayin Rosario, Batangas Civil Status: Single Age: 16 Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic Father’s Name: Nelson D. Pureza (deceased) Mother’s Name: Charito Montalbo Parent’s Address: San Carlos Rosario, Batangas EDUCATIONAL ATTAINMENT: School
Year
Pre-elementary education:
Christ Faith Child Academy
1998
Elementary education:
Sto. Niño Formation and Science School
2004
Secondary education:
Sto. Niño Formation and Science School
2008
Sgd. Charisse Ann Montalbo Pureza
CURRICULUM VITAE
Personal Data Name: Mary Ann Gonzales Alvarez Address: Brgy. Tipakan, Lipa City Birth date: 1992 Birthplace: Tipakan, Lipa City Civil Status: Single Age: 16 Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic Father’s Name: Demetrio Alvarez Mother’s Name: Josiephine Alvarez (deceased) Parent’s Address: Tipakan, Lipa City EDUCATIONAL ATTAINMENT: School
Year
Pre-elementary education:
Tipakan Elementary School
1998
Elementary education:
Tipakan Elementary School
2004
Secondary education:
Pinagkawitan National High School
2008
Sgd. Mary Ann Gonzales Alvarez
CURRICULUM VITAE
Personal Data Name: Danielle Ann Hombre Perez Address: Calamias, Lipa City, Batangas Birth date: November 28, 1992 Birthplace: Quezon City, Manila Civil Status: Single Age: 16 Citizenship: Filipino Religion: Roman Catholic Father’s Name: Diomedes Perez Mother’s Name: Rebecca Hombre Parent’s Address: Calamias, Lipa City EDUCATIONAL ATTAINMENT: School
Year
Pre-elementary education:
St. Luke’s Elementray School
1998
Elementary education:
Gapan South Central School
2004
Secondary education:
Dr. Juan A. Pastor Memorial National High School
2008
Sgd. Danielle Ann Hombre Perez
View more...
Comments