Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg

September 29, 2017 | Author: Shulamaye Velasco | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Sa Mga Bulaklak Ng Heidelberg...

Description

Shulamaye P.Velasco

February 23, 2011

Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg Hayo kayo sa bayan ko, bulaklak ng ibang lupa Na tanim ng naglalakbay sa lupaing mapayapa At sa lilim niyong langit na sa buhaw ay sagana’ t Nagtatago rin ng lahat ng pag-ibig ko at haka Hayo kayo at sabihing akong dito ay banyaga Pananalig ay kimkim pa sa Bayan kong minumutya Hayo kayo at sabihin, ang pagbubukang liwayway, Na una unang nagbukas ng talulot ninyong mahal Sa tabi ng ilog Neckar na labis sa kalamigan, Ay nakita ninyo akong tahimik na nagninilay Sa piling ng inyong punong sa tagsibol nabubuhay Ibalita ninyo tuloy na paghihip ng amihang Nagnanakaw ng pabango ng inyo ring kagandahan At awing ng pagmamahal ang sa inyo ay pang-alay Ako naman ay iyo ring pabulong na kinaringgan Na awit ko sa pag-ibig sa sariling wika naman Na kapag ang haring araw, ang tugatog ng bundukin Ng Koenigsthul ay natyagang giniginto sa paningin At ang kanyang malahiningan liwanag ay nagniningning Pinasisigla ang nayon, ang gubat at ang kaingin Ako nama’y nagpupugay sa araw na bagong dating. Sa ngalan ng araw roon sa Bayan ko’y maningning din. Paliwanag: Ginamit ni Rizal ang mga bulaklak sa Heidelberg bilang simbolo ng kanyang pagmamahal sa lupang sinilangan. Ang kagandahan ng mga bulaklak ay naikukumpara sa kung paano niya tingnan ang ating bansa na kung sino mang makakita rin nito ay mararamdaman ang pagaaalala at pagmamahal ni Rizal sa Pilipinas.Ang halimuyak naman ng mga ito ang sumisimbilo sa mga adhikain niya para sa bansa. Pinapakita ang kanyang katayuan bilang dayuhan sa ibang bansa, na kahit ang kanyang anyo o katawan ay nabubuhay dito, ang kanyang kaluluwa o pagkatao ay nakatanim sa kanyang Inang Bayan, ang Pilipinas.Gaya ng mga bulaklak na maiiwan ang bango athalimuyak nito sa lupang kanyang tinubuan,

Shulamaye P.Velasco

Sa Mga Bulaklak ng Heidelberg Pumaroon kayo mga bulaklak na itinanim ng manlalakbay sa ibang bayan Sa ilalim ng bughaw na kalangitan, Na lakip ang saloobi’t alala Para sabihing ako’y isang banyagang Alaala ang Bayan kong minumutya Pumaroon kayo at sabihing sa pagkagat ng liwanag Ay unang nagbukas ang talulot nitong mga bulaklak Sa pampang ng ilog Neckar na labis ang kalamigan Ako’y nagmumuning naratnan Sa tabi ng iyong punong sa tagsibol nabubuhay Sabihin sa pagsabay sa pagihip ng hanging Dala ang inyong halimuyak At himig ng pagmamahal Ay ako ri’y kinaringgan ng awit ng pagi-big sa tinubuang lupa Dagling sumungaw ang liwanag sa pagitan ng bulubundukin Ng Koenigsthul na kahangahanga Kasama ng pagtapon ng liwanag sa kapaligiran Habang binabati ang araw sa kanyang pagsikat Na siyang sumisikat rin sa sariling Bayan.

February 23, 2011

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF