Rito Ika 10 Anibersaryo Sa Pagkapari
October 18, 2017 | Author: Shirly Benedictos | Category: N/A
Short Description
Rites for Sacerdotal Anniv...
Description
Holy Cross Parish Amparo Village, Caloocan City Diocese of Novaliches
MISA PARA SA ANIBERSARYO SA PAGKAPARI Ika-10 Taong Anibersaryo sa Pagkapari Rev. Fr. Romel C. Cruz Marso 3, 2017
I.
PASIMULA (Pambungad na Awit)
ANTIPONA SA PAGPASOK (Basahin kung walang Pambungad na Awit) [Lucas 4:18-19] Espiritung Banal ng Diyos, sa akin ay lumulukob, nang sa dukha’y maidulot balita ng pagkatubos, lunas, patawad na lubos. PAGBATI (Gawin dito ang tanda ng krus) Pari:
Sa ngalan ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo.
Bayan:
Amen.
Pari:
Ang pagpapala ng ating Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama, at ang pakikipagkaisa ng Espiritu Santo nawa’y sumainyong lahat.
Bayan:
At sumaiyo rin.
PAUNANG SALITA (sariling pahayag ng pari)
1
PAGSISISI Pari:
Mga kapatid, aminin natin ang ating mga kasalanan upang tayo’y maging marapat gumanap sa banal na pagdiriwang. (Tumahimik)
Bayan:
Inaamin ko sa makapangyarihan Diyos at sa inyo, mga kapatid, na lubha akong nagkasala (dadagok sa dibdib) sa isip, sa salita, sa gawa at sa aking pagkukulang. Kaya isinasamo ko sa Mahal na Birheng Maria, sa lahat ng mga anghel at mga banal at sa inyo, mga kapatid, na ako’y ipanalangin sa Panginoong ating Diyos.
Pari:
Kawaan tayo ng makapangyarihang Diyos, patawarin tayo sa ating mga kasalanan, at patnubayan tayo sa buhay na walang hanggang.
Bayan:
Amen.
KYRIE (Awitin ang KYRIE kung hindi ito babasahin) Pari:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Pari:
Kristo, Kaawaan mo kami.
Bayan:
Kristo, Kaawaan mo kami.
Pari:
Panginoon, kaawaan mo kami.
Bayan:
Panginoon, kaawaan mo kami.
GLORIA Bayan:
Papuri sa Diyos sa kaitaasan at sa lupa’y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya. Pinupuri ka namin, dinarangal ka namin, sinasamba ka namin, ipinagbubunyi ka namin, pinasasalamatan ka namin dahil sa dakila mong angking kapurihan. Panginoong Diyos, Hari ng Langit. Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Panginoong Hesukristo, Bugtong na Anak. Panginoong Diyos, Kordero ng Diyos, Anak ng Ama. 2
Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Ikaw na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, tanggapin mo ang aming kahilingan. Ikaw na naluluklok sa kanan ng Ama, maawa ka sa amin. Sapagka’t ikaw lamang ang banal, ikaw lamang ang Panginoon, ikaw lamang, O Hesukristo, ang kataas-taasan, kasama ng Espiritu Santo sa kadakilaan ng Diyos Ama. Amen. PAMBUNGAD NA PANALANGIN Pari:
Manalangin tayo. (Tumahimik) Ama naming makapangyarihan, hinirang mo ang iyong Bugtong na Anak na maging kataas-taasan at walang hanggang pari. Ipagkaloob mo ang kanyang hinirang na maging mga lingkod para gampanan ang pagdiriwang ng pagtubos sa sansinukob ay makatupad nang may katapatang lubos sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang-hanggan.
Bayan:
Amen.
II.
PAGPAPAHAYAG NG SALITA NG DIYOS (Umupo ang lahat)
PAGBASA 1 Corinto 9:16-19, 22-23 Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita. Lector 1:
Pagbasa mula sa unang sulat ni Apostol San Pablo sa mga taga-Corinto Mga kapatid, hindi ngayo’t nangangaral ako ng Mabuting Balita ay maaari na akong magmalaki. Iyan ang tungkuling iniatang sa akin. Sa aba ko, kung hindi ko ipangaral ang Mabuting Balita! Kung ginagawa ko ito sa sarili kong kalooban, ako’y may gantimpalang hihintayin; ngunit ginagawa ko ito bilang pagtupad sa tungkulin sapagkat ito’y ipinagkatiwala sa akin. Ano ngayon ang aking gantimpala? Ang maipangaral ko nang walang bayad ang Mabuting Balita at ang di ko pagkuha ng nauukol sa akin bilang tagapangaral. 3
Malaya ako at di alipin ninuman; ngunit napaalipin ako sa lahat upang makahikayat ako ng lalong marami. Sa piling ng mahihina, ako’y naging gaya ng mahihina upang mahikayat ko sila. Ako’y nakibagay sa lahat ng tao upang ang ilan man lamang ay mailigtas ko, kahit sa anong paraan. Ginagawa ko ang lahat ng ito alang-alang sa Mabuting Balita, upang makabahagi ako sa mga pagpapala nito. Ang Salita ng Diyos. Bayan:
Salamat sa Diyos.
SALMONG TUGUNAN Salmo 110:1-2, 3-4 (Awitin) Cantor:
Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.
Tugon:
Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.
Cantor:
Sinabi ng Poon, sa Hari ko’t Panginoon, “Maupo ka sa kanan ko, hanggang ang kaaway mo ay lubos na mapasuko, pagkat iyong matatalo.”
Tugon:
Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.
Cantor:
Magmula sa dakong Sion, ay palalawakin niya ang lupaing iyong sakop; “At lahat ng kaaway mo’y sakupin at pagharian,” gayun ang kanyang utos. Sasamahan ka ng madla, kung dumating ang panahong lusubin ka ng kaaway; magmula sa mga bundok, lalabas at sasamahan ka ng mga kabataan.
Tugon:
Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.
Cantor:
Panginoo’y may pangako na ito’y tiyak magyayari, ganito ang kanyang saysay: “Katulad ni Melquisedec, gagawin kang saserdote, na hindi na wawakasan.” 4
Tugon:
Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.
Cantor:
Ika’y paring walang hanggan katulad ni Melquisedec.
AWIT PAMBUNGAD SA MABUTING BALITA (Tumayo ang lahat) (Basahin kung hindi aawitin ang Aleluya) [Juan 10:14] Aleluya! Aleluya! Ako’y Pastol na butihin, kilala ko’ng tupang akin; ako’y kilala nila rin. Aleluya! Aleluya! MABUTING BALITA Juan 10:11-16 Pari:
Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Juan
Bayan:
Papuri sa iyo, Panginoon.
Pari:
Noong panahong iyon: Sinabi ni Hesus, “Ako ang mabuting pastol. Iniaalay ng mabuting pastol ang kanyang buhay para sa mga tupa. Ang upahan ay tumatakas, kapag nakikitang dumarating ang asonggubat. Iniiwan niya ang mga tupa, palibhasa’t hindi siya ang pastol at hindi kanya ang mga tupa. Kaya’t sinisila ng asong-gubat ang mga ito, at pinangangalat. Tumatakas siya palibhasa’y upahan lamang at walang malasakit sa mga tupa. Ako ang mabuting pastol. Kung paanong nakikilala ako ng Ama at siya’y nakikilala ko, gayun din naman, nakikilala ko ang aking mga tupa at ako nama’y nakikilala nila. At iniaalay ko ang aking buhay para sa mga tupa. Mayroon akong ibang tupa na wala sa kulungang ito. Kinakailangang sila’y alagaan ko rin; pakikinggan nila ang aking tinig. Sa gayo’y magiging isa ang kawan at isa ang pastol. Ang Mabuting Balita ng Panginoon.
Bayan:
Pinupuri ka namin, Panginoong Hesukristo. 5
HOMILIYA (Umupo ang lahat) PAGPAPAHAYAG NG PANANAMPALATAYA (Tumayo ang lahat) Bayan:
Sumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo, ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Poncio Pilato, ipinako sa krus, namatay, inilibing. Nanaog sa karoroonan ng mga yumao. Nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli Umakyat sa langit, naluluklok sa kanan ng Diyos Amang Makapangyarihan sa lahat. Doon magmumulang paririto't maghuhukom sa nangabubuhay at nangamamatay na tao. Sumasampalataya naman ako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika, sa kasamahan ng mga banal; sa kapatawaran ng mga kasalanan, Sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan. Amen.
PANALANGIN NG BAYAN Pari:
Tayo ang kawang ginagabaya’t iniingatan ni Hesus, ang Mabuting Pastol na nag-alay ng kanyang buhay para sa atin. Lubos na nananalig sa kanyang pag-ibig, manalangin tayo sa kanya: HESUS NA MABUTING PASTOL, DINGGIN ANG AMING PANALANGIN.
Tugon:
Hesus na Mabuting Pastol, dinggin ang aming panalangin.
Lector 2:
Para sa Simbahan, na kawan ng Diyos dito sa lupa: Nawa tuwina siyang maging halimbawa ng pagkakaisa, pagtutulungan, at pagmamahalan sa pangangalaga ng mga kinatawan ng Diyos. Manalangin tayo: (Tugon) 6
Lector 2:
Para sa mga namumuno sa Simbahan - ang Santo Papa, mga obispo, at mga pari: Nawa sila’y maging mabubuting pastol, lubos na tapat sa kapakanan at kaligtasang walang hanggan ng kanilang kawan. Manalangin tayo: (Tugon)
Lector 2:
Para kay Rev. Fr. Romel C. Cruz, na naglilingkod sa wangis ni Hesus, ang Mabuting Pastol: Puspusin nawa siya ng Espiritu Santo upang masigasig na magpatuloy sa pagpapahayag sa sangkatauhan ng kadakilaan ng pag-ibig ng Diyos, at lagi nawa niyang alalahanin ang kahalagahan ng kanyang tungkulin at tupdin ito nang buong katapatan. Manalangin tayo: (Tugon)
Lector 2:
Para sa mga laiko at kabataan: Marinig nawa nila ang tinig ng ating Panginoon na tumatawag sa kanila para sa pagbabagong-loob at sa pagtatalaga ng buhay para maglingkod; mahalin nila ang kanilang mga pastol at malasap nawa nila ang masuyong kalinga ng Diyos sa pamamagitan ng mga ito. Manalangin tayo: (Tugon)
Lector 2:
Para sa lahat ng nagdurusa at may sakit: Nawa’y maunawaan at maramdaman nila ang pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ng pagkalinga at paglingap na ibinibigay natin sa kanila. Manalangin tayo: (Tugon)
Lector 2:
Para sa yumao nating mga kamag-anak at kaibigan: Nawa’y magtamo ng kaligayahan at kapayapaan sa walang hanggang tahanan ng Ama. Manalangin tayo: (Tugon)
Pari:
Hesus na mapagmahal, inialay mo ang iyong buhay upang iligtas kami sa masama at akayin tungo sa buhay na walang hanggan. Tulutan mong pahalagahan namin ang kaligtasang iyong tinamo para sa amin at laging sumunod sa iyo, aming Dakilang Pastol, na nabubuhay at naghahari magpakailanman.
Bayan:
Amen. 7
III. PAGDIRIWANG NG HULING HAPUNAN (Umupo ang lahat) PAGHAHANDA SA MGA ALAY (Awit sa pag-aalay) Tatayo ang pari sa gawing gitna ng dambana, hahawakan niya ang pinggan ng tinapay nang bahangyang nakaangat sa dambana, habang dinarasal niya nang pabulong: Pari:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa lupa at bunga ng aming paggawa ang tinapay na ito para maging pagkaing nagbibigay-buhay.
(Itutugon ang sumusunod kapag malakas ang pagkabanggit ng pari sa kanyang dasal)
Bayan:
Kapuri-puri ang Poong maykapal ngayon at kailanman!
Magbubuhos ang pari ng alak at kaunting tubig sa kalis habang dinarasal nang pabulong: Pari:
Sa paghahalong ito ng alak at tubig kami nawa’y makasalo sa pagkaDiyos ni Kristo na nagpagindapat makihati sa aming pagkatao.
Pagbalik sa gawing gitna ng dambana, hahawakan ng pari ang kalis ng bahagyang nakaangat sa dambana habang dinarasal niya ng pabulong: Pari:
Kapuri-puri ka, Diyos Amang lumikha sa sanlibutan. Sa iyong kagandahang loob, narito ang aming maiaalay. Mula sa katas ng ubas at bunga ng aming paggawa ang alak na ito para maging inuming nagbibigay ng iyong Espiritu.
(Itutugon ang sumusunod kapag malakas ang pagkabanggit ng pari sa kanyang dasal)
Bayan:
Kapuri-puri ang Poong maykapal ngayon at kailanman! 8
Yuyuko ang pari habang dinarasal niya nang pabulong: Pari:
Diyos Amang Lumikha, nakikiusap kaming mga makasalanan. Tanggapin mo an gaming pagsisisi bilang handog upang kami’y matutong sumunod sa iyo nang buong puso.
Pupunta ang pari sa gilid ng dambana, maghuhugas siya ng mga kamay samantalang pabulong niyang dinarasal: Pari:
O Diyos kong minamahal, kasalanan ko’y hugasan at linisin mong lubusan ang nagawa kong pagsuway.
PAGHAHAIN NG ALAY (Tumayo ang lahat) Pari:
Manalangin kayo, mga kapatid, upang ang paghahain natin ay kalugdan ng Diyos Amang makapangyarihan.
Bayan:
Tanggapin nawa ng Panginoon itong paghahain sa iyong mga kamay, sa kapurihan niya’t karangalan, sa ating kapakinabangan at sa buong Sambayanan niyang banal.
PANALANGIN UKOL SA MGA ALAY Pari:
Ama naming Lumikha, niloob mong ang iyong mga pari sa dambana ay maglingkod din naman sa kapakanan ng madla. Pakundangan sa paghahaing ito na aming ginagawa, ang paglilingkod nawa’y maganap ayon sa iyong adhika at mamunga itong lagi ng ikadarakila ng iyong Samabayanan sa langit at lupa sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen. 9
Unang PREPASYO sa araw-araw Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At sumaiyo rin.
Pari:
Itaas sa Diyos ang inyong puso at diwa.
Bayan:
Itinaas na namin sa Panginoon.
Pari:
Pasalamatan nating ang Panginoong ating Diyos.
Bayan:
Marapat na siya ay pasalamatan.
Pari:
Ama naming makapangyarihan, tunay ngang marapat na ikaw ay aming pasalamatan sa pamamagitan ni Hesukristo na aming Panginoon. Ikinalulugod mong sa kanya’y baguhing mabuti ang lahat at sa pamamagitan niya’y aming tinatanggap ang iyong abut-abot na kaloob at paglingap. Kahit na siya ay hindi naiiba sa iyo minabuti niyang maging di rin naiiba sa mga tao. Hamak siyang tulad naming sa kamatayang totoo noong inihain niya ang sarili nang kami’y makasundo mo. Kaya naman iyong idinangal siya at iyong itinampok upang sa lahat siya’y manguna. Ngayon nga’y lahat ng sa kanya’y nakikiisa ay talagang magkakamit ng iyong buhay at ligaya. Kaya kaisa ng mga anghel na nagsisiawit ng papuri sa iyo nang walang humpay sa kalangitan, kami’y nagbubunyi sa iyong kadakilaan:
Bayan:
(Awitin) Santo, Santo, Santo Panginoong Diyos na makapangyarihan! Napupuno ang langit at lupa ng kadakilaan mo. Osana sa kaitaasan. Pinagpala ang naparirito sa ngalan ng Panginoon. Osana sa kaitaasan.
(Lumuhod ang lahat) 10
Nakalahad ang mga kamay ng pari sa pagdarasal: Pari:
Ama naming banal, ikaw ang bukal ng tanang kabanalan.
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay at lulukuban ng mga kamay niya ang mga alay habang siya’y nagdarasal: Kaya’t sa pamamagitan ng iyong Espiritu gawin mong banal ang kaloob na ito Pagdaraupin ng pari ang kamay at kukrusan niya ang tinapay at kalis, samantalang kanyang dinarasal: upang para sa ami’y maging Katawan at Dugo ng aming Panginoong Hesukristo. Pagdaraupin ng pari ang kamay. Bago niya pinagtiisang kusang loob na maging handog, Hahawakan ng pari ang tinapay nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag: Hinawakan niya ang tinapay, pinasalamatan ka niya, pinaghati-hati niya iyon, iniabot sa kanyang mga alagad at sinabi: Bahagyang yuyuko ang pari. TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT KANIN: ITO ANG AKING KATAWAN NA IHAHANDOG PARA SA INYO. Ipamamalas niya ang ostiyang itinalagang maging Katawan ni Kristo, ipapatong niya ito sa pinggan, at luluhod siya bilang pagsamba. 11
Ang pari ay magpapatuloy. Gayun din naman, noong matapos ang hapunan, Hahawakan ng pari ang kalis nang bahagyang nakataas sa ibabaw ng dambana habang kanyang patuloy na inihahayag:
hinawakan niya ang kalis muli ka niyang pinasalamatan, iniabot niya ang kalis sa kanyang mga alagad at sinabi: Bahagyang yuyuko ang pari. TANGGAPIN NINYONG LAHAT ITO AT INUMIN: ITO ANG KALIS NG AKING DUGO NG BAGO AT WALANG HANGGANG TIPAN, ANG AKING DUGO NA IBUBUHOS PARA SA INYO AT PARA SA LAHAT SA IKAPAGPAPATAWAD NG MGA KASALANAN. GAWIN NINYO ITO SA PAG-ALALA SA AKIN. Ipamamalas niya ang kalis, ipapatong niya ito sa telang patungan ng Katawan ni Kristo, at luluhod siya bilang pagsamba. Pagkatapos, ay ipahahayag ng pari: Ipagbunyi natin ang misteryo ng pananampalataya.
PAGBUBUNYI (Manatiling nakaluhod) Bayan:
(Awitin. May mga iba pang paraan ng pagbubunyi na maaring awitin) Sa krus mo at pagkabuhay kami’y natubos mong tunay, Poong Hesus naming mahal, iligtas mo kaming tanan ngayon at magpakailanman.
Ilalahad ng pari ang kanyang mga kamay samantalang siya ay nagdarasal:
12
Pari:
Ama, ginagawa naming ngayon ang pag-alala sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong Anak kaya’t iniaalay naming sa iyo ang tinapay na nagbibigay-buhay at ang kalis na nagkakaloob ng kaligtasan. Kami’y nagpapasalamat dahil kami’y iyong minarapat na tumayo sa harap mo para maglingkod sa iyo. Isinasamo naming kaming magsalu-salo sa Katawan at Dugo ni Kristo ay mabuklod sa pagkakaisa sa pamamagitan gn Espiritu Santo. Ama, lingapin mi ang iyong Simbahanng laganap sa buong daigdig. Puspusin mo kami ng pag-ibig kaisa ni Francisco, na aming Papa at ni Antonio, na aming Obispo at ng tanang kaparian. Alalahanin mo rin ang mga kapatid naming nahimlay nang may pagasang sila’y muling mabubuhay gayun din ang lahat ng mga pumanaw. Kaawaan mo sila at patuluyin sa iyong kaliwanagan. Kaawaan mo at pagindapatin kaming lahat na makasalo sa iyong buhay na walang wakas. Kaisa ng Mahal na Birheng Maria na Ina ng Diyos, kaisa ng mga apostol at ng lahat ng mga banal na namuhay dito sa daigdig nang kalugud-lugod sa iyo, maipagdiwang nawa naming ang pagpupuri sa ikararangal mo
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay. sa pamamagitan ng iyong Anak na aming Panginoong Hesukristo. Hahawakan ng pari ang pinggang may ostiya at ang kalis at kapwa niya itataas habang kanyang ipinahahayag:
13
Pari:
Sa pamamagitan ni Kristo, kasama niya at sa kanya ang lahat ng parangal at papuri ay sa iyo, Diyos Amang makapangyarihan, kasama ng Espiritu Santo, magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen! (Awitin – Dakilang Amen)
IV. PAKIKINABANG (Tumayo ang lahat) Pari:
Sa tagubilin ng mga nakagagaling na utos at turo ni Hesus na Panginoon natin at Diyos, ipahayag natin nang lakas-loob:
AMA NAMIN Bayan:
(Awitin) Ama namin, sumasalangit ka, Sambahin ang ngalan mo. Mapasaamin ang kaharian mo. Sundin ang loob mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw at patawarin mo kami sa aming mga sala para nang pagpapatawad namin sa nagkakasala sa amin. At huwag mo kaming ipahintulot sa tukso. At iadya mo kami sa lahat ng masama.
Pari:
Hinihiling naming kami’y iadya sa lahat ng masama, pagkalooban ng kapayapaan araw-araw, iligtas sa kasalanan at ilayo sa lahat ng kapahamakan, samantalang aming pinananabikan ang dakilang araw ng pagpapahayag ng Tagapagligtas naming si Hesukristo.
Bayan:
(Awitin) Sapagka’t iyo ang kaharian at ang kapangyarihan at ang kapurihan magpakailan man.
14
PAGBATI NG KAPAYAPAAN Pagkatapos, malakas na darasalin ng paring nakalahad ang mga kamay: Pari:
Panginoong Hesukristo, sinabi mo sa iyong mga Apostol: “Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyo. Ang aking kapayapaan ang ibinibigay ko sa inyo.” Tunghayan mo ang aming pananampalataya at huwag ang aming pagkakasala. Pagkalooban mo kami ng kapayapaan at pagkakaisa ayon sa iyong kalooban,
Pagdaraupin ng pari ang kanyang mga kamay. kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan. Bayan:
Amen.
Ang pari’y paharap sa sambayanang maglalahad at magdaraop ng mga kamay sa pagpapahayag: Pari:
Ang kapayapaan ng Panginoon ay laging sumainyo.
Bayan:
At sumainyo rin.
Pari:
Magbigayan kayo ng kapayapaan sa isa’t isa.
Pagkatapos, hahawakan ng pari ang ostiya at hahati-hatiin niya ito sa ibabaw ng pinggan at isasawak niya ang kaputol sa kalis habang pabulong niyang dinarasal: Pari:
Sa pagsawak na ito ng Katawan sa Dugo ng aming Panginoong Hesukristo tanggapin nawa naming sa pakikinabang ang buhay na walang hanggan.
Bayan:
(Awitin) Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, maawa ka sa amin. Kordero ng Diyos, na nagaalis ng mga kasalanan ng sanlibutan, ipagkaloob mo sa amin ang kapayapaan. 15
PAANYAYA SA PAKIKINABANG (Lumuhod ang lahat) Pari:
Ito ang Kordero ng Diyos. Ito ang nag-aalis ng mga kasalanan ng sanlibutan. Mapalad ang mga inaanyayahan sa kanyang piging.
Bayan:
Panginoon, hindi ako karapat-dapat na magpatuloy sa iyo nguni’t sa isang salita mo lamang ay gagaling na ako.
Ang pari ay makikinabang nang magalang at nakayuko sa dambana habang pabulong na nagdarsal: Pari:
Ipagsanggalang nawa ako ng Katawan ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo. Pagkatapos, hahawakan ng pari ang kalis at pabulong na magdarsal. Pari:
Ipagsanggalang nawa ako ng Dugo ni Kristo para sa buhay na walang hanggan.
Mapitagan niyang tatanggapin ang Katawan ni Kristo.
PAKIKINABANG (Mga Awit sa Pakikinabang) PANALANGIN PAGKAPAKINABANG (Tumayo ang lahat) Pari:
Ama naming mapagmahal, ang iyong mga pari at lahat ng mga kasambahay ay pamalagiin mong nabubuhay sa paghahain at sa pakikinabang upang sa buklod ng pag-ibig na sa iyo’y nag-uugnay sa tanan marapatin mo ang lahat na ikaw ay paglingkuran sa pamamagitan ni Hesukristo kasama ng Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Bayan:
Amen. 16
V.
PAGTATAPOS
Pari:
Sumainyo ang Panginoon.
Bayan:
At sumaiyo rin.
Pari:
Pagpalain kayo ng makapangyarihang Diyos, Ama at Anak at Espiritu Santo,
Bayan:
Amen.
Pari:
Humayo kayong taglay ang kapayapaan upang ang Panginoon ay mahalin at paglingkuran.
Bayan:
Salamat sa Diyos.
HOLY CROSS PARISH, AMPARO VILLAGE, CALOOCAN CITY WORSHIP MINISTRY 2017
17 Holy Cross Parish
View more...
Comments