Research Paper For Filipino 2
December 7, 2020 | Author: Anonymous | Category: N/A
Short Description
Download Research Paper For Filipino 2...
Description
Tawa-tawa o Euphorbia hirta: Bisa sa sakit na Dengue batay sa Pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas
Isang pananaliksik na isinumite sa Universidad ng Santo Tomas Fakultad ng Farmasya Departamento ng Medical Technology
Bahagyang Katuparan sa mga Kinakailangan Para sa Antas ng Bachelor of Science Major in Medical Technology
Nina: Delos Santos, Jefferson S. Ladera, Kier Angelo S. Masangkay, Einor John G. Mercado, Averille Dean M. Olaguer, Antonio II E. Yanga, Aedrick B.
1G- Medical Technology
Tagapayo sa pananaliksik: Rhodelia H. Mendoza Ph.D.
Marso, 2013
ii
Abstrak
Ang Tawa-tawa, kilala rin sa pangalangEuphorbia hirta, ay isang halamang karaniwang natatagpuang tumutubo sa gilid ng kalsada sa bansang Pilipinas. Ayon sa mga nakalap na saliksik, ang halamang ito ay mayroong mga katangian o compounds na matatagpuan sa katas nito na maaaring maging gamot sa sakit na Dengue. Samantala, ang sakit na Dengue ay mayroong tatlong klasipikasyon, ito ay ang mga sumusunod: ang Dengue fever, Dengue hemorrhagic fever, at Dengue shock syndrome. Ang mga sintomas ng tatlong klasipikasyon ng Dengue ay pawang magkakatulad maliban na lamang sa bilang ng platelet ng taong mayroong sakit na ito. Ayon din sa mga pananaliksik mayroong phenolic compounds ang Tawa-tawa na maaaring labanan ang pagbaba ng platelet ng isang taong mayroong Dengue. Ito rin ay mayroongantimicrobial photoconstituents katulad ng flavonoids at alkaloidsna maaaring lumaban sa mga sintomas nito, katulad ng lagnat na buhat ng Dengue virus. Maaari ring iparating na ang Tawa-tawa ay naglalaman ngantimicrobial compounds na lumalaban sa pathogenic microorganisms,katulad ng virus at bacteria. Nagsagawa ang mga mananaliksik ng isang sarbey sa mga mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas ukol sa paggamit ng Tawa-tawa. Ayon sa mga tumugon, ito ay nakatulong sa kanilang pagpapagaling mula sa sakit na Dengue, nakapagbigay ginhawa sa mga karamdaman at nagpataas ng bilang ng platelet. Positibo ang mga tugon ng mga gumagamit nito ngunit kaunti lamang ang mulat sa positibong epekto nito, kung kaya’t nararapat lamang na malaman ng nakararami ang bisa nito sa sakit na Dengue.
Mga susing salita: Tawa-tawa, Euphorbia hirta,Dengue fever, platelet, phenolic compounds, karamdaman, positibo
iii
Pagkilala
Ang pananaliksik na ito ay naisagawa nang matagumpay ng pangkat, unang-una sa tulong ng Diyos na kung kanino ay posible ang lahat. Pangalawa ay sa tulong ng aming tagapayo sa pananaliksik na si Ginang Rhodelia H. Mendoza Ph.D. Nagpapasalamat ang mga mananaliksik sa lahat ng taong nagbigay ng payo, tulong at oras upang matapos ang pananaliksik na ito, lalo na kina Dr. Wifredo Vendevil ng Dibisyon ng Botany ng Pambansang Museo ng Pilipinas at Asst. Prof. Ophelia S. Laurente mula sa Fakultad ng Farmasya ng Universidad ng Santo Tomas na nakapagbigay ng mahahalagang impormasyon ukol sa pag-aaral ng pangkat.
Nais ding pasalamatan ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na naging bahagi ng pananaliksik:
Ang mga mag-aaral ng Fakultad ng Farmasya at Kolehiyo ng Agham na tumugon sa aming pagsisiyasat na naging pangunahin batayan ng aming pananaliksik.
Ang mga mag-aaral ng 1G-Medical Technologyna naglaan ng oras upang tumugon sa pre-test ng aming survey.
Ang mga manunulat ng mga aklat at iba pang kaugnay na literatura na ginamit sa pananaliksik na ito.
Ang mga magulang namin na walang tigil sa pagbigay ng pagmamahal at suporta sa aming mga ginagawa.
Ang mga tauhan sa silid-aklatan ng Miguel de Benavides, sa pagtulong sa paghanap ng mga aklat na aming ginamit bilang batayan.
Ang mga mananaliksik ay muling nagpapasalamat sa lahat ng taong naging bahagi ng pananaliksik na ito. Kung hindi dahil sa kanila ay hindi namin ito matatapos. Iniaalay namin ang lahat ng ito sa Diyos, sa aming pamilya at sa aming mga sarili. Delos Santos, Jefferson S. Ladera, Kier Angelo S. Masangkay, Einor John G. Mercado, Averille Dean M. Olaguer, Antonio II E. Yanga, Aedrick B.
iv. Mga Nilalaman Abstrak …………………………………………………………………………………………. ii Pagkilala………………………………………………………………………………………..iii Mga Nilalaman ………………………………………………………………………………....iv Talaan ng mga Pigura at Talahanayan …………………………………………….………..... v
Mga Kabanata: I.
Ang Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik ………………………………………………………………………………………..1 Panimula…………………………………………………………………………1 Suliranin………………………………………………………………………….3 Mga Layunin ng Pananaliksik………………...………………………………… 3 Kahalagahan ng Pananaliksik……………………………………………………4 Saklaw at Limitasyon…………………………………………………………….4 Batayang Konseptwal…………………………………………………………… 5 Kahulugan ng mga Katawagan………………………………………………….. 6
II.
Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral ……………………………………………………………………………………… 10
III.
Metodolohiya ……………………………………………………………………………………… 17
IV.
Pagsasaad at Interpretasyon ng mga Datos ……………………………………………………………………………………… 19 Resulta ng Pakikipanayan ………………………………………………………27
V.
Buod, Konklusyon at Rekomendasyon ……………………………………………………………………………………… 31
Talasanggunian……………………………………………………………………………….. 35 Apendiks ………………………………………………………………………………………. 38
v.
Talaan ng mga Pigura at Talahanayan
Pigura 1.00 Batayang Konseptwal…………………………………………………………… 5 A. Resulta ng Surveysa mga Mag-aaral sa Universidad ng Santo Tomas………………... 19 Pigura 2.0 ………………………………………………………………………….……19 Pigura 3.0 ……………………………………………………………………….………20 Pigura 3-A………………………………………………………………………………21 Pigura 3-B………………………………………………………………………………22 Pigura 3-C………………………………………………………………………………23 Pigura 3-D………………………………………………………………………………24 Pigura 4.0……………………………………………………………………………….25 Pigura 5.0 ……………………………………………………………………………….26
1 Kabanata I Ang Suliranin at Kaligiran ng Pananaliksik
I. Panimula Sa taong 2012,51,597 na kaso ng Dengue ang naitala ng Kagawaran ng Kalusugan oDepartment of Health (DOH) sa Pilipinas. Ang bilang na ito ay higit na mataas ng 16.43% kumpara sa nakaraang taon na 44,315 at noong taong 2010 na mayroong bilang na 39,556 (DOH). Mahihinuha mula sa nakasaad na datos na labis na tumataas ang bilang ng mga nagkasakit ng Dengue. Ipinaparating ng pagtaas ng bilang ng mga nagkasakit ng Dengue ay ang kawalan ng kalinisan sa kapaligiran. Sa kontekstong ito, inaasahan na lulubha ang paglaganap ng Dengue dahil sa climate change o ang pagbago ng temperatura ng panahon. Ang pagbabago sa temperatura, presipitasyon, at halumigmig ay lubusang makakaapekto sa biolohikal at ekolohikal na antas ng lipunan at makapagtataas ng transmisyon ng sakit katulad ng Dengue. Inaasahan ng mga dalubhasa ang pagtaas ng 2°C sa temperatura na maaaring maging kadahilanan upang tumaas din ang transmisyon ng sakit dahil tataas ang temperatura ng tubig kung saan nanggagaling ang itlog ng lamok. Dahil dito, iikli ang panahon ng pagbubuo ng itlog o ang tinatawag nadeveloping stage at kasabay nito higit na maraming lamok ang maaaring ipanganak mula sa itlog. Tataas din ang bilang ng mga gutom na lamok sa ilalim ng mainit na temperatura at higit na mabilis ang pagtunaw ng kanilang pagkain. Dahil doon ay bibilis ang transgresyon ng sakit na Dengue. Ang nagbibigay ng katangian sa Dengue virus ay nanggagaling sa RNA (ribonucleic acid) nito na nagmumula sa pamilyang Flaviviridae. Sa RNA, nagkakaroon ng apat naserotypes na nabubuo mula sa magkakaparehas na bilang ng mga antigens na matatagpuan sa katawan ng virus. Ang uri ng lamok naAeeisaegypti ay ang mga lamok na nakapagdadala ng sakit na Dengue. Nadadala ito sa tao sa pamamagitan ng pagkuha ng dugo ng lamok at nagkakaroon ng transgresyon ng sakit. Ang mga iba pang uri ng lamok na nagdadala ng sakit na Dengue ay ang Aedes albopictus, Aedes polynesiensis, at ilang uri ng Aedes scutellaris. Nangingitlog ang mga lamok sa mga liblib at mga urban na lugar kung saan inilalagay nila ang kanilang mga itlog sa basang lugar, dito namumuo ang mga larvae. Makalipas ang walo hanggang sampung araw ay
2 tuluyan ng magiging ganap na lamok ang mga ito. Mayroong tatlong klasipikasyon ang sakit na Dengue, una ang naturang Dengue fever, pangalawa ay ang tinatawag na Dengue hemorrhagic fever, at ang huli ay ang Dengue shock syndrome. Naaayon lamang sa panahon ngayon, kung saan laganap ang polusyon at sakit na Dengue, na magkaroon ng sapat na bilang ng mga gamot na mabisa at mura para sa madla. Ang paggamit ng halamang Tawa-tawa bilang gamot o panlunas sa sakit na Dengue ay isang pamamaraan ng panggagamot ng Filipino folk medicine. Ngunit ngayon ay napapatunayan na ng agham na mayroon itong katangiang maaaring magpagaling sa sakit na Dengue. Mayroong mga mga pananaliksik na sa ibang bansa na nagpapatunay na mayroong mga nilalaman ang Tawatawa bilang panlunas sa sakit na gastrointestinal disorders (diarrhea, dysentery, intestinal parasitosis, atbp.), bronchial at mga sakit sa baga (asthma, bronchitis, hay fever, atbp.) at sa conjunctivitis. Ang sakit na Dengue ay nagdudulot ng pagbaba ng platelet ng isang tao. Karaniwang bumababa ang platelet ng dugo mula saDengue virus dahil sa pagpuntirya ng Dengue virus sa bone marrow ng katawan at sinasarado ang lagusan nito. Sabone marrow ng katawan nakikita ang karaniwang produksyon ng platelet, kaya nagkakaroon ng pagbaba nito sa katawan kapag mayroong Dengue fever ang isang tao. Ayon sa mga pag-aaral na naisagawa, ang Tawa-tawa ay mayroong mga katangiang nagpapataas ng platelet ng ating dugo. Ito ay tumutulong sa pagpapagaling ng taong mayroong sakit na Dengue. Ayon naman sa mga ilang nakalap na pananaliksik, natukoy ang pagkakaroon ng antimicrobial photoconstituents katulad ng flavonoids at alkaloids sa Tawa-tawa. Ang substansyal na epekto ng antimicrobial na katas mula sa halaman ay dahil sa secondary metabolites na makikita rito. Ang flavonoids na mahahanap sa halaman ay responsable sa pagkikipaglaban sa mga impeksyon na dala ng microbacteria. Ang metabolites na mahahanap sa Tawa-tawa ay maaaring hiwalayin sa pamamagitan ng isang kemikal na proseso kung saan matutukoy ang iba’t ibang katangiang mayroon ang mga metabolites na ito. Naaayon at kinakailangan ang masinop na pag-aaral tungkol sa alternatibong medisina katulad ng Euphorbia hirta o Tawa-tawa bilang panlunas sa sakit na Dengue fever. Sa panahon ngayon, tumataas ang presyo ng mga bilihin at tumataas din ang bilang ng mga nagkakasakit ng Dengue. Kinakailangan ang praktikal na alternatibo sa mga kumbensyunal na medisina.
3 Sapamamagitan ng pagamit ng herbal na medisinang ito, maaaring makatipid ang nakararami sa lipunan.
II. Suliranin Ang pananaliksik na ito ay nagnanais malaman ang bisa ng Tawa-tawa (Euphorbia hirta) sa pagpapagaling ng sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. Ang mga tiyak na katanungang nais sagutin ng pananaliksik na ito ay ang mga sumusunod: 1. Kung gaano kaepektibo ang Tawa-tawa (Euphorbia hirta) sa pagpapagaling ng sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. 2. Kung ang nilalaman ng Tawa-tawa (E. hirta) ay nakapagtataas ng bilang ng plateletng taong mayroong sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga piling magaaral ng Universidad ng Santo Tomas. 3. Kung paano inihahanda ang Tawa-tawa (E. hirta) sa simple at praktikal na pamamaraan upang higit na maging mabisa ang epekto nito sa mayroong sakit. 4. Kung ang Tawa-tawa (E. hirta) ay ginagamit ng karamihang mayroong sakit na Dengue bilang gamot para dito batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas.
III. Mga Layunin ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay naglalayong: 1. Alamin kung gaano kabisa ang Tawa-tawa laban sa Dengue batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. 2. Alamin kungang nilalaman ng Tawa-tawa ay nakapagtataas ng bilang ng platelet ng taong mayroong sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. 3. Alamin kung papaano inihahanda ang nasabing gamot batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. 4. Magbigay kaalaman sa nakakarami ukol sa mga epekto nito batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas.
4 IV. Kahalagahan ng Pananaliksik Ang pananaliksik na ito ay magbibigay kabuluhan sa pagtataguyod ng kalusugan. Ito rin ay makaaagapay sa mga mamamayan at mga pagamutan sa pangangasiwa ng sakit na Dengue. Sa pag-unawa ng pangangailangan ng mga pasyente at mga benepisyo ng kalidad ng kalusugan, ang mga dalubhasa at mamamayan ay makasisiguro sa mataas na kalidad ng pamumuhay. Sa karagdagan, ang pananaliksik na ito ay magbibigay rekomendasyon kung paano tutugunan ng nakararami ang ganitong karamdaman. Ang pananaliksik na ito ay magiging batayan din ng mga mananaliksik sa hinaharap ukol sa halamang Tawa-tawa at mga epekto nito na makatutulong sa pagtataguyod ng kalusugan. At higit sa lahat, ito ay magbibigay aral sa mga mamamayan kung gaano kabisa ang nasabing gamot.
V. Saklaw at Limitasyon Ang pananaliksik na ito ay nagsasakop ng bisa ng Tawa-tawa (Euphorbia hirta) sa sakit na Dengue. Tatalakayin ng pananaliksik ang mga epekto ng Tawa-tawa (E. hirta)at kung paano ito tumutulong sa pagpapataas ng bilang ng platelet ng taong mayroong sakit na Dengue. Saklaw din sa pananaliksik ang tatlong uri ng sakit na Dengue at mga sintomas ng mga nito, kabilang na ang epekto nito sa bilang ng plateletng isang tao. Ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa dalawang dalubhasa upang kunin ang kanilang propesyonal na ideya hinggil sa bisa ng Tawatawa (E. hirta) sa sakit na Dengue. Nagsagawa rin ng sarbey sa isang daang katao mula sa Universidad ng Santo Tomas, limampu mula sa Fakultad ng Farmasya at limampu rin mula sa Kolehiyo ng Agham, ang mga mananaliksik upang malaman ang bilang ng taong gumamit ng Tawa-tawa (E. hirta) bilang lunas sa sakit na Dengue at kung ano ang panananaw ng nakararami hinggil sa epekto ng Tawa-tawa sa nasabing sakit. Langkap din ng pananaliksik na ito ang wastong paghahanda ng Tawa-tawa sa paggamit ng mga mayroong sakit nito. Hindi kabilang sa pananaliksik ang teknikal na paliwanag ng mga compound at nilalaman ng Tawa-tawa at ang eksaktong prosesong teknikal kung papaano kinukuha ang nilalaman nito. Ang detalyadong proseso ng pagpapataas ng bilang ng white blood cells partikular na ang lymphocytes, at red blood cells gamit ang mga nilalaman ng Tawa-tawa ay hindi rin kabilang sa pananaliksik. Ang paraan ng pagtubo ng Tawa-tawa ay hindi rin kabilang sa itinalakay.
5 VI. BatayangKonseptwal Pigura 1: BatayangKonseptwal
Holistic Medicine Mga Nakakahawang sakit (Infectious diseases) Komplimentaryo at Atlernatibong Medisina
Dengue
Erbal na Medisina
Euphorbia hirta (Tawa-tawa)
Mga sintomas
Nakatutulong sa pagtaas ng Platelet Count
Phenolic compounds
Antimicrobial photoconstituents
Paglunas ng sakit na Dengue
Thrombocytopenia (Mababang bilang ng platelet)
6 VII. Kahulugan ng mga Katawagan 1. Aedes aegypti – Urban na lamok na nagsisilbing pangunahing vector ng Dengue sa mga tao. Ito ang siyentipikong pangalan ng lamok na nagdadala ng Dengue. 2. Aedes albopictus - Rural na lamok na maaaring magsilbing isang vector ng Dengue virus sa mga tao. 3. Aedes polynesiensis – Lamok na matatagpuan lamang sa mga pulo ng Timog Pasipiko na nagsisilbing vector ng Dengue virus at lymphatic filariasis. 4. Aedes scutellaris – Lamok na matatagpuan sa Ambon, Aru Islands, Seram, at New Guinea. Ito ay isang vector ng Dengue virus. 5. Alkaloids – Mga complex organic compoundsna binubuo ng nitrogen at nakaaapekto sa katawan ng mga hayop at tao. 6. Analgesic – Droga na ginagamit upang paginhawain ang sakit. 7. Anti-inflammatory – Sangkap na kayang bawasan ang pamamaga sa katawan. 8. Antibacterial – Gamot na pumapatay ng mikrobiyo o pinipigilan ang paglaki nito. 9. Antipyretic – Gamot na ginagamit upang mabawasan o maiwasan ang lagnat. 10. Anxiolytic – Gamot na ginagamit upang mabawasan ang balisa. 11. Asthma – Isang sakit sa baga na nagpapamaga sa mga daanan ng hangin. 12. Bacteria – Isang miyembro ng isang malaking grupo ng mga unicellular microorganismsna kulang ang organelles at may isang maayos na nucleus, kabilang ang ilang maaaring maging sanhi ng sakit. 13. Benepisyo – Magandang dulot. 14. Bisa – Epekto ng naturang gamot. 15. Bone marrow – Dito nabubuo ang platelet ng kaatawan. Pinupuntirya ito ng Dengue virus
na naghahantong sa pagbaba ng platelet count ng isang tao. 16. Bronchitis –Pamamaga ng mga daanan ng hangin mula sa ilong papunta sa baga. 17. Climate change – Isang penomena na nagbabago ang klima sa isang lugar. 18. Clotting – Pagbuo ng mga blood clot upang maiwasan ang paglabas ng dugo sa katawan.
19. Column chromatography – Kromatograpiyana gumagamit ng selective adsorption ng hanay ng mga pulbo. 20. Compounds – Isang bagay na mayroong dalawa o higit pang elemento.
7 21. Dengue fever – Isang uri ng viralna impeksiyon na nailalarawan sa pamamagitan ng malubhang sakit ng ulo at mata, sakit sa buto at laman. 22. Dengue hemorrhagic fever - Malubhang viralna impeksiyon na nailalarawan sa pamamagitan ng lagnat, pagtaas ng vascular permeability, mataas na hematocrit at hemoconcentration. 23. Dengue shock syndrome - Malubhang viralna impeksiyon na nailalarawan, karagdagan sa mga sintomas ng Dengue hemorrhagic fever, sa pamamagitan ng pagbaba ng presyon ng dugo. 24. Developing stage – Estado kung saan ang pagbuo ng itlog ay nagaganap. 25. Diarrhea – Isang uri ng sakit na mayroong kinalaman sa pagbabawas ng higit sa kinakailangan. 26. DOH (Department of Health) – Isang kagawaran sa Pilipinas na nag papasilidad ng kalusugan sa bansa. 27. Dysentery – Ang pamamaga na nagaganap sa mayroong baba ng bituka sanhi ng mga mikrobiyo. 28. Entheropathogenic – Mayroong kakayahang magdulot ng sakit sa mayroong banda ng bituka. 29. Enzyme – Isang bagay na nagmula sa isang organism na sinisimulan ang isang tiyak na chemical reaction. 30. Euphorbia hirta –Mayroong lokal na pangalan na Tawa-tawa sa bansang Pilipinas. Ginagamit ito bilang gamot sa mga sakit na Dengue, Gastrointestinal disorder, kabilang na ang bituka, mikrobyo at iba pa. 31. Filipino folk medicine – Paraan ng panggagamot na paggamit ng mga ritwal at mga natural na halaman ng mga albularyo. 32. Flaviviridae – Binubuo ang family Flaviviridae genus Flavivirus, na naglalaman ng animnapu’t limang kaugnay na mga species at dalawang posibleng mga miyembro. 33. Flavivirus – Urban na lamok na nagsisilbing pangunahing pinagmulan ng Dengue. 34. Flavonoids- Kahit anong klase ng mga sangkap ng pangkulay sa tanim na batay o magkapareho sa flavone. 35. Gastrointestinal disorders – Sakit na sanhi ng nakakalasong pagkain o sirang pagkain. 36. Herbal medicine – Alternatibong gamot na gawa sa mga halaman o herbs.
8 37. Hinggil – Tungkol. 38. Impeksyon – Pangangati. 39. Kabuluhan – Ang mensahe na pinapaabot 40. Kalusugan – Ang naturang kalagayang pisikal ng isang tao. 41. Katas – Naturang nilalaman ng isang bagay. 42. Klase – Uri o klasipikasyon nito 43. Kumbensyonal – Madaling gamitin dahil sagana ito sa bilang. 44. Larvae – Isang estado kung saan nagaganap ito bago lubusang tumanda o sumailalalim sa methamorphosis. 45. Langkap – Sakop ng isang bagay. 46. Lokal – Tinutukoy nito ang mga tao na naninirahan sa Pilipinas. 47. Lubos – Higit na. 48. Lymphocytes - Isang uri ng leukocytes o white blood cellsna mahalaga sa immune system ng katawan. 49. Magpapagaling – Makabigay lunas. 50. Makakaagaapay – Makakatulong. 51. Metabolites – Mga sangkap na kinakailangan sa partikular na prosesong pangmetaboliko. 52. Mikrobiyo – Isang microorganism na karaniwang nagdudulot ng sakit. 53. Nabanggit – Nasabi. 54. Naidagdag – Naisama. 55. Nilalaman – Ang loob-looban ng isang bagay, at ang pinaka katawan nito. 56. Organism – Mga indibidwal na nabubuhay tulad ng tao, halaman, hayop, mikrobiyo at iba pa. 57. Organic –Tumutukoysa mga nabubuhay na bagay o mga organism. 58. Paghahanda – Preparasyon. 59. Pagpapagaling – Proseso matapos ang panggagamot, o pagbibigay lunas. 60. Pagtataguyod – Pagpapatuloy ng isang bagay hanggang sa matapos. 61. Pag-unawa – Pag-intindi sa isang pahayag o nabasa, atbp. 62. Pananaw – Ang pagbibigay ng isang tao sa kanyang opinion o lagay sa isang bagay 63. Panggagamot – Proseso ng paghanap ng lunas sa karamdaman. 64. Pangangasiwa – Panghahawakan ang isang bagay, o magbibigay ayos.
9 65. Parasitosis – Mga sakit nanggagaling sa mga parasite. 66. Pathogens – Mga ahente buhat ng bakterya o bayrus na nagdudulot ng mga sakit. Ang halimbawa nito ay ang mga mikrobiyo. 67. Pharmaceutical – Tumutukoy sa mga gamot. 68. Platelet- Isang anyo ng metabolites na mahahanap sa ating dugo.Ang pagbaba rin nito ay
isa sa mga sintomas ng Dengue fever. 69. Polusyon – Isa sa mga kadalasang sanhi ng dengue. 70. RNA(Ribonucleic acid) – grupo ng nucleic acidsna matatagpuan sa lahat na mga buhay
na cells na mahalaga sa paggawa ng protina at pagpasa ng genetic na impormasyon. 71. RBC count – Isang pagsusuri na ginagawa sa dugo upang malaman ang bilang ng red
blood cells at hemoglobin. 72. Saklaw – Nakapaloob ito sa isang bagay.
73. Serotype - Magkakaibang uri ng mga microorganismssasurface antigens.Mayroong apat na serotype ang Dengue virus. 74. Tatalakayin – Bibigyang pansin at pagdidiskusyunan. 75. Tissue - Grupo ng mga cells na mayroong tiyak na gawain sa katawan. 76. Tradisyonal – Nakasanayan na ng marami. 77. Tutugunan – Bibigyang pansin. 78. Virus – Kahit anong grupo ng submicroscopic entitiesna madalas nagdudulot ng sakit. Naglalaman ito ng bahagi ng DNA o RNA at hindi itinuturing buhay dahil hindi ito kayang magpadami kung hindi ito nasa loob ng buhay na organism. 79. WBC count – Pagsusuri na ginagawa sa dugo upang malaman ang bilang ng nilalamang white blood cells na silang lumalaban sa mga sakit sa katawan.
10 Kabanata II Mga Kaugnay na Literatura at Pag-aaral
I.Mga katotohanan higgilsa Tawa-tawa Ang Euphorbia Hirta ay matatagpuan sa pinakamalaking pamilya ng Euphorbiaceae na mayroong humigit kumulang na 1,600 na klase nito. Maraming uri ng halaman ang nanggagaling sa pamilya ng Euphorbia na ginagamit sa tradisyunal na medisina kung saan kinukuha ang magatas na katas nito upang gamitin bilang gamot (Kumar, 2010). Ang Euphorbia Hirta ay ginagamit sa panggagamot ng mga gastrointestinal disorders, tulad ng dysentery. Ginagamit din ito bilang panggamot sa kasakitang repiratoryo, tulad ng asthma at bronchitis. Ang nakukuhang solusyon o ang extractsa halaman na ito ay mayroong katangiang nagbibigay ng antiinflammatory, anxiolytic, analgesic,at antipyretic. Ang anti-inflammatory na katangian na mahahanap sa katas ng halaman na ito ay maaaring makapagpagaling ng mga sakit na nangangailangan pigilan ang inflammation ng mga tissue sa ating katawan dahil sa pag-atake ng mga pathogens, kagaya ng bacteria o virus, sa ating katawan. Ang pananaliksik na isinagawa nina Sunil Kumar, Rashmi Malhotra, Dinesh Kumar ay nagpapakita ng kakayahang makapagpagaling ng mga sakit ang nilalaman ng Tawa-tawa (E. hirta).
Ang Tawa-tawa o mayroong siyentipikong pangalan naEuphorbia hirta ay isang mabalahibong halaman na matatagpuan na nakakalat sa kapaligiran ng Pilipinas. Ito ay matagal nang ginagamit sa bansa bilang gamot sa sakit na Dengue (Argon, 2012). Ang pamamaraan upang magamit ng mga lokal ang halaman na ito ay sa pamamagitan ng pagpapakulo ng halaman at kukunin ang naiwan nitong katas sa pinakuluang tubig. Isinaad din sa isang pag-aaral na ginawa ng mga estudyante ng Universidad ng Santo Tomas, Fakultad ng Farmasya,ang pagtaas ng platelet sa dugo ng daga sa pamamagitan ng paggamit ng Tawa-tawa. Napabilis ng Tawatawa ang mga proseso ng pagpapagaling ng daga mula sacell bleeding at sa clotting ng mga blood cells. Natuklasan din mula rito ang phenolic compounds na maaaring magpataas sa platelet ng ating dugo.
11
Ang isinagawang aral sa Malaysia tungkol sa Euphorbia hirta ay nagpapakita ng pagpapagaling mula sa impeksyon ng mga pathogens, kabilang dito ang mga virus at bacteria. Naitala rin ang pagkakaroon ng Euphorbia hirta ng biological properties katulad ng antioxidant, antibacterial, antifungal,atanticancer (Perumal, 2012).Mayroon ding nahanap naantimicrobial photoconstituents katulad ng flavonoids at alkaloids. Ang substansyal na epekto ng antimicrobial na katas mula sa halaman ay dahil sa secondary metabolites na makikita rito. Ang flavonoids na mahahanap sa halaman ay ang responsable sa pagkikipaglaban sa mga impeksyon na dala ng microbacteria. Ang metabolites na mahahanap sa Tawa-tawa ay maaaring hiwalayin upang malaman ang iba’t ibang uri nito. Kabilangsa mga metabolites na ito ay ang flavonoids, tannins triterpenes, phenolic acid, at amino acid. Ipinakita sa resulta ng kanilang eksperimento na tunay ngang mayroong potensyal ang katas ng Euphorbia hirta bilang isang antimicrobial, laban sa pathogenic microorganisms, tulad ng virus at bacteria.
Ang pangalawang edisyon ng aklat na Systematic Botany ay naglalaman ng malawak na impromasyon tungkol sa pag-aaral ng mundo ng mga halaman. Mula sa unang edisyon, naidagdag din dito ang detalyadong paglalarawan sa Unified Codes of Nomenclature at taxonomy. Nabanggit dito ang mga pangunahing impormasyon kaugnay sa pamilyang Euphorbiaceae kung saan kabilang ang Tawa-tawa. Inilarawan ang ilang mga specimenna halaman kasama ang pisikal na anyo at mga kemikal na aspeto ng mga ito. Nakasaad din ang mga kahalagahan ng genus Euphorbiasa aspetong pang-ekonomiya o ang gamit nito (Bhattacharyya, 2009). Makikita sa apendiks ang mga terminong pangmorpolohiya na magagamit sa tamang pagsulat sa paglalarawan ng taxon. Ang lubos na talino sa kemistri ng mga halamang-gamot ay kinakailangan upang maintindihan ang mga maraming gawain ng mga halaman, ang kalidad ng mga hilaw na sangkap nito, katas at pormulasyon upang mabenta ang gamot na hango dito (Daniel, 2006). Ang aklat na Medicinal Plants Chemistry and Properties ay tungkol sa karaniwang paglalarawan ng mga produktong halaman at ang mga pakinabang nito ay ipinaliwanag nang daglian. Lahat ng mga datos na nagagamit sa mga chemical compounds at ang pharmacological na pag-aaral sa mga halaman at mga compounds na ito ay kasama rin. Ang mga halaman ay naayos ayon sa uri at katalagahan ng mga chemical compounds na taglay nito. Naidagdag din ang mga pangalawang
12 metabolites, ang mga produkto ng prosesong metabolism, upang maipaliwanag ang ginagampanan nito sa panggagamot. Ang herbal na medisina ay nakabase sa katotohanan na ang mga halaman ay naglalaman ng mga likas na sustansya na kayang pagtibayin ang kalusugan at maibsan ang sakit (Kurian, 2010). Ipinaliwanag sa aklat na Amazing Healing Plants ang gamit at kung paano gamitin ang mga halamang-gamot. Karamihan sa mga naitalang sakit o karamdaman ay karaniwan lamang at hindi komplikado. Ilan sa mga iminungkahing lunas ay subok na at napatunayang epektibo. Ang iba’t ibang parte ng Euphorbia hirta: dahon, bulaklak, sanga at ugat, ay kinatasan at sinubukan sa iba’t ibang klase ng mikrobyo na importante sa larangan ng medisina gamit ang agar disc diffusion method(Rajeh, 2004). Apat na gramo ng positibo(Staphylococcus aureus, Micrococcus sp., Bacillus subtilis and Bacillus thuringensis),apat na gramo rin ngnegatibo (Escherichia coli, Klebsiella pneumonia, Salmonella typhi and P. mirabilis) at isang yeast (Candida albicans) ang ginamit sa pagtatabing. Sa mga resulta ng pagsusuri ang nagpakita ng labis na epekto ay ang katas ng dahon dahil ito ay nagpakita ng magaspang na ibabaw at mahabang epekto ng paggamot. Ang mga mikrobyong nakasalang ng tatlumpu’t anim na oras ay nagpakita ng pinakamatinding pinsala at maraming biyak na maaaring tumungo sa pagkasira at pagkawalang bisa ng mga nasabing mikrobyo. Ang mga nasabing parte ng halamang ito ay naging mabisa at maganda ang resulta, higit na sa Artemia salina. Masasabi natin na ang halamang ito ay maaaring gamitin upang makatuklas ng bago at natural na uri ng panggagamot na maghahantong sa makabagong medisina. Ang antibacterialna kinatas mula sa Camellia sinensis L. at methanol na kinuha mula sa Euphorbia hirta L. ay pinag-aralan ng mabuti laban sa dysentery na nagiging sanhi ng Shigella spp. gamit ang Vero cell line(Vijaya, 2011). Ang pag-aaral sa katas ay isinagawa gamit ang call line at non-cytotoxic laban sa purong katas ng nasabing halaman at ito ay nagpakita ng aktibidad na pumapatay ng mga mikrobyo. Ang resulta ng nasabing pagaaral ay epektibo at maaaring gamiting panlaban sa mga mikrobyo.
13 II. Mga pananaliksik hinggil sa hakbang kung paano makuha ang katas ng Tawa-tawa
Ang pamamaraan upang makuha ang hinahanap na katas sa halaman na Euphorbia hirta o Tawa-tawa ay ang sumusunod. Una,kinakailangang haluan ng 85% ethanol ang 15 kilo ng halamang ito. Pagkatapos ay dudurugin ng pino ang halaman sa nahalong ethanol at kukunin mula rito ang residyu sa pamamagitan ng paglalagay ng presyur sa nakuhang katas (Yi, 2012). Kalahati sanakuhang katas ay inilagay sa mainit na tubig at tinagal ito sa pamamagitan ng paghalo ng petroleum ether, dichloromethane, at ethyl acetate. Ang praksyon na mayroongdichloromethane ay isinailalim sa column chromatography.Dahil dito ay nahati ito sa pitong praksyon. Ang kalahati ng praksyong ito ay hinaluan ng silica gel.Ang nakuhang mga compounds dito ay ang scopoletin, scoparone, isoscopoletin, quercetin, isorhamnetin, pinocembrin, kaempferol, leutolin, at gallic acid.
Maraming aral ang tumutukoy saEuphorbia hirta bilang isang halaman na mayroong kakayahang antimicrobial laban sa mga naturang enteropathogens (Ramesh, 2005). Ang naturang hinahalo sa halaman upang makuha ang chemical compounds nito katulad ng flavonoids ay ang 80% ethanol at methanol. Ang paglalagay ng ethanol sa halaman ay magbibigay ng katas nito kung saan ang katas na ito ay mayroong katangiang immunostimulatory. Ang experimentasyon na ito ay nagpakita ng pagtaas saphagocytic index. Ito ay ang pagtulong ng cells ng katawan sa pakikipaglaban sa mga naturang pathogens. Kinakailangan lamang ang mataas na konsentrasyon ng Euphorbia hirta upang makuha ang antimicrobial nitong katangian. Naipapakita rin ng Euphorbia hirta ang pagpipirmi ng mast cell membranena tumutulong sa paglabas ng inflammatory mediators. Ang mga cells ng katawan ay maaaring gumawa ng depensa laban sainflammation buhat ng pathogens, maaaring galing sa lagnat, flu, at iba pa.
Ang tawa-tawa ay mayroong posibilidad na makatulong sa pagpapagaling sakit na Dengue. Sa bansang Pilipinas, maraming gumagamit ng halamang Tawa-tawa upang magamot ang Dengue (Ong, 2009). Ang Kagawaran ng Kalusugan ay kasalukuyang pinag-aaralan ang kalidad at epekto ng halamang ito dahil na rin sa pag-aalalang baka mayroong negatibong epekto ito kung labis ang paggamit. Nakasaad din ang pamamaraan kung paano ihanda ang nasabing
14 gamot. Kumuha ng limang halaman ng Tawa-tawa at putulin ang mga ugat nito. Hugasan at linising mabuti, pakuluan ito sa malinis na tubig, isalin sa lalagyan, at hayaang lumamig. Tatlo hangang apat na baso lamang ang iminumungkahing pag-inom ng nasabing herbal.
III. Mga pananaliksik hinggil sa klinikal na kasanayan
Ang aklat na Hematology in Clinical Practice ay isang praktikal na patnugot tungkol sa pagsisiyasat at paggagamot ng mga sakit na mayroong kaugnayan sa mga red blood cells, white blood cells, at homeostasis (Hillman, 2011). Ang bawat karamdaman o sakit na nabanggit ay tinalakay nang maigsi subalit malaman at iniugnay sa pathophysiology, mga clinical feature nanagmumungkahi sa pagsusuri, ang paggamit ng state-of-the-art laboratory test sa diagnosis at differential diagnosis ng kalagayan nito, at ang mga kasalukuyang istratehiya sa pangangasiwa nito. Sa pamamagitan ng pagkukumpol-kumpol sa pader ng ating sugat, ang platelet ang mayroong kagagawan sa pamumuo ng dugo at tuluyang pagtigil ng pagdaloy nito (Corbett, 2013). Ito ay nabubuo sa ating bone marrow at inaalis ng pali kung ito ay luma na o napinsala. Dahil dito, napoprotektahan ang tao sa kawalan ng dugo at impeksyon. Ngunit sa oras naman ng pagbaba ng bilang ng plateleto thrombocytopenia,maaari itong magdulot ng spontaneous hemorrhage o labis na pagdudugo o kaya naman ay kamatayan. Ito ay maaaring dala ng viral infection dulot ng mababang bilang ng lymphocytes sa ating katawan.
Ang nakakahawang parental bayrusay kakabit sacell membrane at unti-unting papasukin ang host cell. Sunod namang huhubaran ang viral genome nito sa pamamagitan ng pagtanggal ng capsid proteinat bahagyang mapalaya ang genome nito upang magamit (Levinson, 2010). Matapos ang prosesong iyon, ang earlymRNA at protina ay magsasama. Ang early Proteins ay enzymes na ginagamit sa pagkopya ng viral genome. Samantalang ang late proteins naman ay ang estruktural nacapsid protein. Bilang wakas, ang mga bayrus magtitipun-tipon galing sa ginayang genetic material at bagong gawang capsid proteins at ang mga ito ay tuluyang mailalabas mula sa cell.
15 IV. Mga pananaliksik hinggil sa sakit na Dengue Ang insidente ng heograpikong distribusyon ng Dengue ay tumaas nang kamangha-mangha sa nakaraang mga taon (Rigau-Pérez, 2004). Ang Dengue ay isang talamak na sakit na dinadala ng lamok na mayroong sintomas na lagnat, pananakit ng ulo, pananakit ng katawan, pantal, alibadbad at pag-susuka. Ang iba ay nagreresulta sa impeksyon na nagreresulta sa hemorrhagic fever (DHF), isang sintomas na nagbabanta sa buhay ng pasyente. 44% ng nagkakaroon nito ay maaaring mamatay.Sa loob ng ilang dekada, dalawang teyorya lamang ang nakakapagpaliwanag ng DHFat ang pinagsamang teoryang ito ay maaaring ipaliwanag. Ang Dengue ay isa sa pinakakaraniwang impeksyon sa mga tropikal at subtropikal na rehiyon sa mundo (Dengue Conundrums, 2006). Ang Dengue ay isang umuusbong na karamdaman; ito ay dumadami sa heograpikong pamamahagi at kalubhaan, kahit hindi lahat ay natatala. Ang World Health Oranization (WHO) ay nakapagtala ng higit na matinding antas ng impeksyon; ito ay ang Dengue heamorrhagic fever (DHF). Ang DHF ay isang klase ng plasma leakage. Ang pagkakaroon ng maraming serotype ay nagreresulta sahigit na malubhang sakit kung nagkaroon ng pangalawang impeksyon. Ang komplipikasyon sa bakuna ay maaari maranasan ng taong mayroong DHF. Gayunman, ang pagkakaroon ng ligtas at mabisang bakuna ay isa sa pinakamagandang prebensyon laban sa Dengue. Malaking bahagdan ang itinaas ng kaso ng Dengue isang dekada na ang nakalilipas. Ito ay isang self-limitingdisease ngunit ang Dengue hemorrhagic fever (DHF) at Dengue shock syndrome (DSS) ay nakamamatay (Tripathi, 2005). Ayon sa mga dalubhasa, ang recombinant Dengueenvelope protein ay maaaring gamitin panuklas ng mga antibodies, IgG at IgM na panlaban sa apat na serotypes ng virus gamit ang E.coli vector. Samantalang ang purong protina naman ay maaaring gamitin sa pagtukoy sa tiyak na IgG o IgMantibodies sa serum ng pasyente na mayroong mataas na reaksyon. Kahit napakaraming makabagong teknolohiya sa panahon ngayon, ang pagbubukod ng mikrobyo ay isa pa ring gold-standard sa pagsusuri ng Dengue. Gamit ang Peripheral blood count, maaaring mahulaan ang antas ng Dengue ng isang pasyente. Ayon sa resulta ng pagsusuri, ang mga taong mayroongDHF ay sinasabing mayroong higit na mababang bilang ng leukopenia at lymphocytes kung ikukumpara sa taong mayroongMild Denguefever lamang (Eu-ahsunthornwattanab, 2008). Dahil dito, napatunayan na
16 ang leukopenia at lymphocytes ay nagsisilbing tanda ng Dengue hemorrhagic fever (DHF). Sa paggamit ng mga simpleng hemtalogic parameters tulad nito ay maaaring mapababa ang bilang ng di-inaasahang pagpasok ng mga pasyente na mayroong hinihinalaang impeksyon ng Dengue sa kawalan ng mga magpapatunay nito. Ang Dengue virus ay lumalabas na kapareho ng maraming iba’t ibang angkan ng cells (Noisakran, 2010). Ngunit itong mga pagkakapareho ng katangian sa kontroladong kapaligarin ay mahirap ulitin kung ginawa na ang pagsusuri sa buhay na organismo. Kaya sa pagmamasid ng Dengue virus sa katawan ng tao, nalaman na sa ating bone marrow ang erythroid cells ay kumokonti sa lahat ng uri ng Dengue. Ngunit dahil sa mahabang half-life ng RBC sa ating dugo, ang natigil na erythropoiesis ay hindi nagdudulot ng severe anemia sa pasyente ng Dengue. Dahil dito, ang bagong natuklasang angkan ng cell naMEP o CD41+CD61+, tulad ng megakaryocytes at platelets, ay iminungkahing mayroong pananagutan sa pagkabuo ng Dengue viremia sa tao. Madalas na kabakas ng neutropenia at thrombocytopenia ang Dengue (Rothwell, 2003), maaari nating sabihin na ang cells ng ating bone marrow ay pinatatamaan ng Dengue viral na impeksyon. Naghanda ng dalawang long-term marrow culturesna mayroong ikalawang uri ng Dengue o DEN-2 virus at inilantad sa viral antigen-positive cells. Gamit ang immunofluresence microscopy at immunehistochemical staining, natagpuan ang dalawang stromal cellsna postibo sa DEN-2 virus antigens. Ang parehong cells na iyon ay posibleng magdulot ng nerve growth factor receptor, habang ginagawa parin ang tungkulin bilang adventitial reticular cells.
17 Kabanata III Metodolohiya
Ang pananaliksik ay naglayong makakalap ng sapat at maaasahang datos tungkol sa bisa ng Euphorbia hirta o higit na kilala sa tawag na Tawa-tawa o gatas-gatas bilang lunas sa sakit na Dengue fever. Inalam ng pananaliksik ang dahilan ng kakayahan ng Tawa-tawa na mabigyang lunas ang thrombocytopenia o ang mababang bilang ng platelet sa dugo dahil sa labis na pagdudugo dala ng Dengue fever.Alinsunod dito, ang mga pangunahin at pangalawang paraan ng pananaliksik ay ginamit bilang batayan sa kabuuang datos na nakalap ng pangkat. Bukod doon, ang pananaliksik ay naging kombinasyon din ng qualitative at quantitative na pamamaraan kung saan ang mga estatistika at teorya ay ginamit na basehan sa pagpawi ng mga katanungan na nakapaloob sa papel na ito.
Ang unang hakbang naisinagawa ng mga mananaliksik ay ang mapanuring pagbabasa ng mga literaturang mayroong kaugnay sa paksa, kasama na ang mga sintomas ng Dengue, at ang naturang nilalaman ng Tawa-tawa o Euphorbia hirta. Masigasig nanaghanap ang mga mananaliksik ng mga batayan upang maipaliwanag ang ginagawa ng Tawa-tawa laban sa virus ng Dengue.Dahil dito, ang mga aklat, artikulo, pahayagan, at iba pa, kapwa galing sa silid aklatan partikular na sa seksyon ng medisina ng silid-aklatan ng Miguel de Benevides, at sainternet partikular sa EBSCO at ScienceDirect, ay lubusang nagamit.
Angpangalawang bahagi ng pananaliksikay pinangasiwaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng isang daang mga sagutang sarbeyat talatanungan sa mga naging pasyente ng Dengue fever o mga nadapuan ng sakit na ito. Ngunit ipinadaan muna sapre-testing ang nagawang sarbey ng mga mananaliksik bago nabigay ang huling bersyon ng sarbey sa mga tagatugon.Ang mga tumugon sa sarbey na isinagawa ay mga mag-aaral mula sa Fakultad ng Farmasya at Kolehiyo ng Agham. Ang mga ito ay ginamit bilangquantitativena datos. Matapos ang ginawang sarbey sa Universidad ng Santo tomas, ang mga mananaliksik ay nakipanayam sa mga dalubhasang sinaAsst. Prof. Ophelia S. Laurente mula sa Fakultad ng Farmasya, at si
18 Dr. Wilfredo F. Vendivil na mula naman sa sangay ng botanika ng Pambansang Museo ng Pilipinasna mayroong malawak na kaalaman hinggil sa paksa. Ang kanilang pananaw ang naging qualitativena datos, at ang mga nakuhang datos mula sa mga nakapanayam ng mananaliksik ay idinagdag sa naturang rekomendasyon at konklusyon.
Matapos ang dalawang parte ng pananaliksik, nagtipon ang mga mananaliksik upang bigyang linaw ang mga suliranin ng pananaliksik sa pamamagitan ng lubos na pagkakaunawa ng paksa mula sa nakalap na impormasyon sa iba’t ibang panig. Dito, bumunot ng konklusyon ang mga mananaliksik ukol sa bisa ng Tawa-tawa sa sakit na Dengue batay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas.
19 Kabanata IV
Pagsasaad at Interpretasyon ng mga Datos
Sa isinagawang sarbey mula sa mga tumugon na isangdaang mag-aaral mula sa Fakultadng Farmasya at Kolehiyo ng Agham, natuklasan ng pananaliksik na ito na ang Tawatawa ay hindi kalimitang ginagamit laban sa Dengue, sa kabila ng hatid na epekto nito kontra sa nasabing sakit. Pigura 2: Kamalayan ng mga taga tugon tungkol saTawa-tawa
Kamalayan tungkol sa Tawa-tawa
25%
Alam ang bisa ng Tawa-tawa 52%
Kilala lamang ang Tawa-tawa Hindi alam ang Tawa-tawa
23%
Ang sumusunod ay ang bilang ng mga mayroong kamalayan sa halaman na Tawa-tawa Alam ang bisa ng Tawa-tawa 52
Kilala lamang ang Tawa-tawa 23
Hindi alam ang Tawa-tawa 25
Pigura 2: Makikita sa datos na ito ang malaking bahagdan na nakatala sa mga mayroong alam ng bisa ng Tawa-tawa o Euphorbia hirta laban sa sakit na Dengue. Limampu’t dalawa ang totoong bilang o pigura ng mga sumagot nanakakaalam ng bisa nito, dalawampu’t tatlo ang nagsaad na alam nila ang halamang Tawa-tawa ngunit hindi nila alam ang bisa nito, at
20 dalawampu’t lima naman ang nagsabi na hindi talaga nila alam ang naturang halaman. Sa gayon humigit sa bilang na pitumpu ang nakakaalam sa halaman na Tawa-tawa, na talagang higit na nakakataas sa bilang ng mga hindi nakakaalam nito.
Pigura 3: Mga kaso ng Dengue at mga gumamit ng Tawa-tawa laban dito.
Mga mag-aaral na edad 17-21
Hindi pa nagkaroon ng Dengue 38%
Nagkaroon na ng Dengue 62%
Hindi gumamit ng Tawa-tawa Gumamit ng 44% Tawa-tawa 18%
Ang sumusunod ay ang eksaktong bilang ng mga responde na pumili ng kanilang sagot: Mga hindi pa
Total na bilang ng
Gumamit ng Tawa-
Hindi gumamit ng
nagkakaroon ng
mga nagkaroon na
tawa bilang panlunas
Tawa-tawa bilang
Dengue
ng Dengue
sa sakit na Dengue
panlunas sa sakit na Dengue
38
62
18
44
Pigura 3: Kung titignan ng maayos, ang datos na nakasaad sa itaas ay naglalahad sa kaliwang bahagi nito ng pagkakaroon ng mataas na bilang sa mga nadapuan na ng sakit na Dengue. Samantala sa kanang bahagi rin ng datos nakasaad ang pagkakaroon ng mababang bahagdanng mga hindi pa nagkakaroon ng Dengue. Kapansin-pansin din mula sa kanang bahagi ng datos na ang mga nakalagay na pigura o bilang ay nangaling lamang mula sa animnapu’t dalawang bahagdan o ang bahagdan ng mga nagkaroon ng Dengue. Sa kanang bahagi ng datos
21 makikita na talamak na higit na mataas ang bilang ng mga hindi gumagamit ng Tawa-tawa bilang panlunas sa sakit na Dengue, at kakaunti lamang ang mga gumagamit nito.
Pigura 3-A: Mga naramdaman ng mga taga tugon matapos gumamit ng Tawa-tawa laban sa sakit na dengue.
Mga naramdaman pagkatapos gumamit ng Tawa-tawa 16 14
Paggaan ng pakiramdam
12
Pagkawala ng Lagnat
10 Pagkawala ng Pantal 8 6
Paggaan ng pakidramdam ngunit may panghihina pa rin
4
Pagkawala ng pagsasakit ng ulo
2
Walang Ipinagbago
0 Mga mag-aaral na edad 17-21
Ang sumusunod ay ang mga sagot na pinili ng 18 na responde (Maaaring humigit sa isa ang sagot ng bawat responde): Paggaan ng
Pagkawala
Pagkawala
Paggaan ng
Pagkawala ng
Walang
Pakiramdam
ng Lagnat
ng mga
Pakiramdam ngunit
pagsasakit ng
ipinagbago
Pantal
mayroong panghihina
ulo
pa rin 15
12
9
9
11
1
Pigura 3-A: Sa datos na ito makikita ang mga karaniwang naramdaman ng mga gumamit ng halamang Tawa-tawa bilang lunas sa sakit na Dengue. Mapapansin din na dahil sa maaaring
22 pumili ng higit sa isang karamdaman ang gumamit ng Tawa-tawa mula sa sarbey, lumagpas sa labing-walo ang kabuuang bilang ng mga sagot. Karamihan sa mga sumagot ay isinama ang paggaan ng pakiramdam, kung saan makikita na tatlong tao lamang ang hindi isinama ang sagot na ito sa kanilang pagpipilian. Sumunod dito ang pagkawala ng lagnat ng mga mayroong karamdaman, matapos naman ay ang pagkawala ng sakit ng ulo, pantay naman ang bilang ng pagkawala ng pantal sa katawan at ang kaunting paggaan ng pakiramdam, at isa naman ang nagtala ng pagkawalang epekto ng Tawa-tawa sa kanyang sakit na Dengue.
Pigura 3-B: Patuloy na paggamit ng Tawa-tawa sa mga gumamit nito.
Patuloy na paggamit ng Tawa-tawa matapos inumin Hindi na muling ginamit ang tawa-tawa 38%
Hanggang sa gumaling 73%
Ginamit pa ang tawatawa 62%
tuwing masama lamang ang pakiramdam 27%
23 Ang mga piniling sagot mula sa 18 na mga tumugon: Hindi
na
muling Gumamit pa ng Tawa- Gumamit hanggang sa Gumamit lang tuwing
gumamit ng Tawa- tawa
gumaling
masama
tawa
ang
pakiramdam
7
11
8
2
Pigura 3-B: Ang pigurang ito ay nagsasaad ng pitong katao na hindi na muling gumamit ng Tawa-tawa matapos niyang inumin itosapagkakataon. Samantalang sa labing walo na tumugon ng “Oo” sa pangalawang bilang, walo lang ang gumamit ng Tawa-tawa hanggang siya ay tuluyang gumaling mula sa sakit, at dalawa lamang ang gumamit nito tuwing masama lang ang kanilang pakiramdam.
Pigura 3-C: Platelet count ng mga taga tugon matapos gumamit ng Tawa-tawa
Platelet count ng 18 na mag-aaral matapos gumamit ng Tawa-tawa 6% 22%
50,000 μL pababa
22%
50,000 μL – 100,000 μL 100,000 μL - 150,000 μL
11%
150,000 μL - 450,000 μL Hindi na maalala 39%
Ang sumusunod ay ang eksaktong bilang ng mga responde na pumili ng kanilang sagot: mababa
pa
50,000 μL 1
sa
50,000 μL –
100,000 μL -
150,000
μL
100,000 μL
150,000 μL
450,000 μL
4
7
2
- Hindi ko na maalala 4
24 Pigura 3-C: Sa pag-aalam ng naturang bilang ngplatelet ng tao, magkakaroon ng ideya kung epektibo nga ba ang pag-inom ng Tawa-tawa bilang lunas sa sakit na Denguebatay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. Sa detalyeng nakasaad mula sa datos, makikita ang malaking bahagdan ng mga tumugon na mayroong mga 100,000 μL 150,000 μL na bilang na platelet sa kanilang katawan. Ang bilang na ito ay nagpapahayag na ang Tawa-tawa ay nakapagtataas ng platelet ng katawan, dahil ang madalas na bilang ng platelet ng isang taong mayroong Dengue ay nasa 50,000 μL - 100,000 μL. Ngunit marami rin sa bilang ng mga tao ang sumagot sa 50,000 μL - 100,000 μL, kung saan maaaring mayroong anomalya ang katangian ng Tawa-tawa na nagpapataas ng platelet sa katawan.
Pigura 3-D: Bilang ng mga gumamit ng ibang gamot maliban sa Tawa-tawa laban sa Dengue
Mga gumamit ng ibang gamot maliban sa Tawa-tawa laban sa Dengue
Mga nagkaroon ng Dengue
18 16 14 12 10 8 6 4 2 0 Gumamit ng ibang gamot maliban sa Tawa-tawa
Tawa-tawa lamang ang ginamit na gamot
25 Pigura 3-D: Ipinapakita ng datos na ito ang bilang ng mga gumamit ng ibang gamot maliban nalamang sa Tawa-tawa habang mayroong sakit na Dengue. Sa datos nakalahad na labing anim ang bilang ng mga gumamit ng ibang gamot maliban nalamang sa Tawa-tawa, at dalawa lamang ang gumamit ng Tawa-tawa hanggang siya ay gumaling.
Pigura 4: Opinyon ng mga taga tugon sa paggamit ng Tawa-tawa
Palagay ukol sa paggamit ng Tawa-tawa laban sa sakit na dengue
31%
Sang-ayon Hindi Sang-ayon
59%
Sang-ayon. ngunit kaakibat dapat nito ang kumbensyunal na gamot 10%
Ang eksaktong bilang ng mga napiling sagot ng mga tumugon ay ang sumusunod: Sang-ayon ngunit kaakibat
Sang-ayon lamang
dapat nito ang kumbensyunal
Hindi sumasang-ayon sa nakasaad
na gamot 59
31
10
26 Pigura 4: Mula sa datos na nakasaad higit na malaki ang bilang ng mga sumang-ayon sa paggamit ng Tawa-tawa sa sakit na Dengue, ngunit kailangang kaakibat nito ang kumbensyunal na gamot, na umaabot sa limampu’t siyam. Samantalang tatlumpu’t isa ang tumugon na sangayon sila sa paggamit ng Tawa-tawa kahit na hindi kaakibat ang kumbensyunal na gamot, at sampu naman ang tumatanggi sa paggamit ng Tawa-tawa bilang gamot sa sakit na Dengue.
Pigura 5: Opinyon ng mga tagatugon sa pagkalap ng impormasyon gamit ang pananaliksik tungkol sa bisa ng Tawa-tawa laban sa Dengue at ang paggamit ng Tawatawa kung ang bisa nito ay tiyak na mapatunayan ng pananaliksik. 100 93 90 80 70
65
60 50 40 33 30 20 10
6 2
1 0 Patuloy na pagkalap ng impormasyon ukol sa Tawatawa Sang-ayon
Hindi Sigurado
Paggamit ng Tawa-tawa sa pagkakataon na mapatunayan ang bisa nito Hindi Sang-ayon
Pigura 5: Pinagsama ang datos na mahahanap sa ikaapat at ikalimang tanong, dahil iisa lamang ang kanilang mga pangunahing ideya. Makikita sa datos na nakasaad na siyamnapu’t
27 tatlo ang sang-ayon sa pagkakaroon ng patuloy na pagkalap ng impormasyon ukol sa Tawa-tawa, isa naman ang hindi sigurado, at anim ang sumagot na hindi sang-ayon. Samantalang animnapu’t tatlo angtumugon na sang-ayon sila sa paggamit ng Tawa-tawa sa sakit na Dengue sa pagkakataon na ito ay mayroong siyentipikong patunay, habang tatlumpu’t tatlo ang hindi sigurado, at dalawa naman ang hindi sumasang-ayon dito.
Mahalagang datos sa nakalap: Sa kabuuan, ayonsamga nakatala at nakasaad na datos saitaas, 52% angnakakaalamsa bisa ngTawa-tawalaban sa Dengue.Subalit18%, lamang nanakapaloobsa 62% ang nagkaroon na ng Dengue at nakaranas ng gumamitng Tawatawabilanglunassanasabingsakit. Gayon pa man, mataas ang bilang ng positibong mgatugonang nalikom
naimpormasyongalingsa
Alinsunodsamgataongitonatumangkilik kataoangnakaranasngpaggaanng
mga sa
bisa
kanilang
tagatugon ng
ng
Tawa-tawa,
pakiramdam,
sarbey. labinlimang labindalawa
anggumalingsalagnat,labing-isa naman ang nawalanngsakitngulo, siyam ang nagsabing naglahoangmgapantal,at isa ang nagsabing wala siyang naramdamang pagbabago o epekto nang siya ay uminom ng Tawa-tawa. Naitalagarinang dulot ng tawa-tawa sa pag taas ngplatelet countsapagitanng 100,000 μL - 150,000 μL, kung saan 39% ang pumili nito o pitong katao.Gamitangmgadatos,mapupuna rito na karamihan sa mga gumamitng Euphorbia hirta, ay bahagyangnatulungannito. Ang pagtaasngplatelet count at pagkaroonng kaginhawaan ng karamdaman ng mga mag-aaral ay maaaringmagsilbingpatunaysa bisa nito laban sa sakit na Denguebatay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. Bilang wakas, napatibayngpagsisiyasatngpananaliksiknaito ang pagtupadngkanyangmgalayunin.
II. Resulta ng Pakikipanayam A. Tagatugon: Asst. Prof. OPHELIA S. LAURENTE 1. Ano ang mga bahagi ng halamang Tawa-tawa ang maaaring pakuluan upang makuha ang katas nito? Maaaring pakuluan ang mga tangkay at ugat nito upang makuha ang katas ng halaman. Ngunit hindi maaaring pakuluan ang mga bunga nito dahil ito ay mayroong mga nakalalasong nilalaman.
28 2. Mayroon bang mga pangalawang epekto ang paginom ng katas ng Tawa-tawa? Ang sobrang paginom ng katas ng Tawa-tawa ay hindi makabubuti sa kalusugan ng tao. Ito ay nakaapekto sa atay ng tao, dahil ang pamamaraan ng paginom nito ay dapat sapat lamang at dahan-dahan. 3. Ano ang mga nilalaman ng Tawa-tawa namaaaring makatutulong sa pagpapagaling sa sakit na Dengue? Tulad ng nakararaming mga halaman, ang Tawa-tawa ay naglalaman ng flavonoids, alkaloids atphenolic compounds.Ang mga phenolic compoundsna ito ay mayroong anti-hemophilic na katangian at maaaring pinanggalingan ng ibang mga droga. 4. Inirerekomenda niyo ba ang Tawa-tawa bilang lunas sa sakit na Dengue? Posibleng irerekomenda ko ang Tawa-tawa bilang lunas sa sakit na Dengue kung sapat na ang kaalaman at mga pananaliksik ukol dito. Ang pinakamainam na lunas parin sa sakit na Dengue ay pagpigil ng pagdapo ng mga lamok sa balat ng tao sa pamamagitan ng pagpapanatili ng malinis na kapaligiran.
B. Tagatugon: Dr. WILFREDO F. VENDIVIL
1. Mayroong ba kayong kaalaman tungkol sa halamang Tawa-tawa? Mayroon akong nalalaman sa halamang ito. Ang Tawa-tawa, nakilala rin sa orihinal na pangalang Gatas-gatas, ay mayroong siyentipikong pangalan na Euphorbia hirta. Ito ay isang halaman na karaniwang tumutubo kahit saan. Ito ay ipinakilala ng mga albularyo sa pamamagitang ngpanggagamot noong unang panahon. Pinaniniwalaan na ang pangalang Tawatawa ay nagmula sa isang albularyo. Sa isang panayam sa nasabing albularyo imbis na Gatasgatas, tinawag niya ang halamang ito ng Tawa-tawa.
2. Totoo ba na nakapagpapagaling ito ng sakit na Dengue? Sa katunayan, ang katas ng Tawa-tawa ay maaaring gamiting anti-microbial at antibacterial bilang panlaban sa bacteria o mga bayrusvirusna maaaring magdulot ng sakit saatin. Isa sa mga maaaring bigyang lunas nito ay ang sakit na Dengue at ang mga buhat na sintomas
29 nito katulad ng lagnat. Kung inyong gugustuhin, maaari kayong pumunta saITDI na parte ngDOSTupanginyong malaman ang mga nasagawang pananaliksik ukol sa mga nilalaman ng Tawa-tawa.
2.1) Sa pangkalahatan masasabi niyo ba na epektibo talaga ang paggamit ng Tawa-tawa? Ayon sa mga nabasa kong nailathalang saliksik, mayroon talaga itong katangian na lumalaban sa bakterya na matatagpuan sa ating katawan. Ito ay nakapagpapataas ng bilang ng platelet ng isang tao na nagbibigay solusyon sa mababang bilang ng platlet hatid ng Dengue. Masugid din ang pagpapagaling nito sa sakit tulad ng diarrhea at asthma, kung saan iniinom din ang katas nito o kaya naman ay sinisindihan na parang sigarilyo. Kung kaya ay masasabi ko na sa pangkalahatan,maaari itong gamitin bilang panlunas sa Dengue at iba pang mga sakit ngunit hindi ko rin mapagkakaila na kailangan pa ng masugid na pagsusuri sa halaman na ito.
3. Tama lamang ba ang pag-inom ng katas nito sa pamamagitan ng pagpapakulo ng halaman sa tubig? Walang problema iyon dahil tinatawag naman itong crude medicine, kung saan maaari itong magamit bilang panlunas ng mga sakit. Ngunit mayroong posibilidad ito na magkaroon ng reaksyon sa ating katawanna maaaring magdulot ng side effects. Mayroongtoxicity din kasi ang halamang ito kaya maaaring magkaroon ng problema kung mali ang pagpapakulo nito. At isa pa, hindi pa nabibigyan ng tatak na therapeutically acclaimed ng DOHang halamang Tawa-tawa dahil sa ngayon patuloy pa rin ang pananaliksik nila sa halamang ito.
3.1) Kung gayon, sa dahon lamang ba nakukuha ang katas na kailangan upang labanan ang mga naturang sakit? Hindi lamang sa dahon maaaring matagpuan ang katas na kailangan upang labanan ang mga sakit katulad ng Degnue. Maaari rin makuha ang katas nito mula saugat o tangkay ng halaman. 3.2) Nakalalason ba ang pag-inom ng katas nitokung hindi galing sa dahon ang pinagkunan?
30 Mayroong posibilidad na makalason ito kung ang dosage na ginamit ay masyadong marami at hindi maayos ang pagpapakulo. Ngunit hindi naman malubha ang toxicity nito kahit ganoon.
4. Mayroon bangibang halaman na maaaring magpataas ng platelet count ng isang tao? Maraming halaman ang maaaring magpataas ng platelet ng isang tao dahil sa mgaphenolic compounds na nilalaman ng mga ito. Tulad ng Tawa-tawa, ang Lagundi ay isang halaman na masagana sa phenolic compounds na maaaring magpataas ng bilang ng ating platelet.Pinapaniwalaan din na ang mga mapapait na halaman ay mayroong ding mataas na sangkap pagdating sa phenolic compounds at mgaanti-bacteriana katangian.
4.1) Kung gayon bakit ang Tawa-tawa ang madalas ginagamit bilang gamot sa sakit na Dengue at sa paraan na pagpapataas ng platelet? Magandang tanong iyan, at kahit sa aking mga nabasa hindi pa rin tuluyang napatutunayan o naipakikita ang eksaktong dahilan kung bakit ang halaman na ito ay mayroong katangian na nagbibigay ng mataas na bilang sa pagtaas ng platelet ng isang tao. Maaari ring karaniwan lamang ang Tawa-tawa katulad ng ibang mga halaman, maaari rin namang dahil lamang sa kasikatan nito kaya ito ay ang madalas gamitin ng mga tao, o kaya naman ay mayroon talaga itong kaibahan sa kaniyang nilalaman.
31 Kabanata V Buod, Konklusyon at Rekomendasyon
I. Buod Ang Tawa-tawa ay isang lokal na halaman sa Pilipinas na madalas matagpuan satabing daan. Batay sa saliksik na nalikom ng mga mananaliksik, ang Tawa-tawa o kilala rin sa pangalang Euphorbia hirta ay naglalaman ng mga compounds na maaaring magbigay ng antiinflammatory at microbial na epekto sa mga naturang virus. Isa sa mga punong katangian na maaaring mahanap sa Tawa-tawa ay ang posibilidad na maaari itong magpataas ng bilang ng platelet sa ating katawan, kung saan ang pagbaba ng bilang ngplatelet ang isa sa mga pangunahing sintomas ng sakit na Dengue. Isa sa mga pinupuntirya ng Dengue virus ay ang bone marrow ng ating katawan, kung saan dito nagkakaroon ng produksyon ng platelet sa katawan. Dahil sapatuloy na pagsasalakay ng virus sa katawan, nagkakaroon pa ng mas malalang klase ng Dengue kagaya ng Dengue hemorrhagic fever, at Dengue shock syndrome. Sa tatlong klase ng Dengue, lahat ay nagkakaroon ng pagbaba ng bilang ng platelet sa katawanngunit ang Dengue hemorrhagic fever ang mayroong pinakamatinding dagok sa bilang ng platelet. Sa pamamagitan ng pananaliksik sa mga libro at mga internasyunal na nailimbag na saliksik, natuklasan ng mga mananaliksik na ang halamang Tawa-tawa ay siya ring ginagamit sa mga ibang bansa tulad ng India bilang panugon sa mga sakit tulad ng Dengue, gastrointestinal disorders, asthma, at bronchitis. Nakasaad din sa mga pananaliksik na nakalap ay ang pagkakatulad ng paghahanda nito bilang inumin sa ibang bansa; pinapakuluan sa tubig at iniinom ang sangkap na katas. Nakalap rin sa mga saliksik at sulatin na mayroong mga sangkap o compounds ang Tawa-tawa na maaaring magpagaling sa mga sakit tulad ng Dengue. Ang mga sangkap natinutukoy ay ang mga sumusunod:antibacterial, antifungal, anticancer, antimicrobial photoconstituents katulad ng flavonoids at alkaloids, at ang sinasabing phenolic compounds na maaaring sanhi ngpagtaas ng ating platelet. Ayon naman sa pananaliksik mula sa mga nakapanayam, ang Tawa-tawa ay hindi pa lubos na napatutunayan at binibigyangpahintulot bilang therapeutically acclaimed ng Kagawaran ng Kalusugan o DOH. Ayon din sa mga nakuhang impormasyon, kailangang magkaroon pa ng higit na masugid at detalyadong aral sa halaman na ito mula sa ating bansa upang lubos itong
32 mapagkatiwalaan ngunit sinabi rin ng nakapanayan na malaki ang potensyal ng Tawa-tawa dahil ayon sa kaniyang sariling saliksik, mayroong mga katangian ang Tawa-tawa na anti-microbial na maaaring lumaban sa mga naturang sakit buhat ng virus at bacteria Ayon din sa kanya, matagal na itong ginagamit ng nakararami, sa katanuyan may mga tagatugon na nagpapatunay na ito ay nakapagpapataas ng platelet at nakapagpapaginhawa ng sintomas ng Dengue katuladng lagnat. Batay sa sarbey, natuklasan ng mga mananaliksik ang naturang bilang ngplateletsa dugo ng tao at kung gaano kaepektibo ang pag-inom ng Tawa-tawabatay sa pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas.Sa taong may sakit na Dengue, ang pagtaas ng platelet ay nangangahulugang unti-unting paggaling mula sa sakit. Ang ikaapat nadatos mula sa isinagawang sarbey ay nagpapakita ng malaking bahagdan ng mga taong mayroong 100,000 μL - 150,000 μL na bilang ng platelet sa kanilang dugo matapos uminom ng Tawa-tawa. Ang bilang na ito ay nagpapahayag na ang Tawa-tawa ay nakapagtataas ng platelet ng katawan dahil ang madalas na bilang ng platelet ng isang taong mayroong Dengue ay nasa 50,000 μL - 100,000 μL. Ngunit marami rin sa bilang ng mga tumugon ang sumagot sa 50,000 μL - 100,000 μL kung saan maaaring mayroong anomalya ang katangian ng Tawa-tawa na nagpapataas ng bilang ng platelet sa katawan ng bahagya lamang sapagkat ang karaniwang taong walang sakit na Dengue ay mayroong bilang ngplatelet na 150,000 μL - 450,000 μL. Ang mga nakalap na impormasyon at sarbey ay mayroong iilang magkatunggaling ideya at resulta. Isa na rito ang pagkakaroon ng ibang pananaw ng mga nakapanayam ng mga pananasaliksik na mula sa ibang bansa kumpara sa mga tugon ng mga siniyasat ng pananaliksik na ito. Naiparating ng sarbey ang positibong pagbabago na makikita sa karamihan ng sumagot. Ipinahiwatig ng mga tumugon ang pagtaas ng bilang ng kanilang platelet, paggaan ng pakiramdam sa katawan, kawalan ng lagnat, kawalan ng sakit ng ulo, at pagkawala ng katamlayan nang sila ay uminom ng Tawa-tawa.
II. Konklusyon
Batay sa datos na nakalap mula sa pagsisiyasat ng mga mag-aaral ng Fakultad ng Farmasya at Kolehiyo ng Agham, ang pananaliksik na ito ay naghihinuhang ang Euphorbia hirta L.(Tawa-tawa)ay mayroong mabuting epekto sa pagpapagaling ng sakit na Dengue batay sa
33 pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas. Napatunayan ito ng mataas na bilang ng mga positibong tugon mula sa mga sumasagot ng pagsiyasat na nagsasabing mabuti ang epekto ng Tawa-tawa sa pagpapagaling ng kanilang pakiramdam. Ayon din sa pagsisiyasat, nakapagpataas ito ng platelet count ng taong mayroong sakit na Dengue ng bahagya hangga’t sa patuloy na gumaling ang taong mayroong sakit na nito. Napatunayan ito ng mataas na bilang ng sumagot na ang kanilang platelet count ay tumaas at nasa pagitan ng 100,000 μL - 150,000 μL matapos uminom ng Tawa-tawa. Ang saklaw ng platelet countna iyon ay higit na mataas kung ikukumpara sa saklaw ng platelet count ng taong mayroong sakit na Dengue na mababa pa sa 50,000 μL. Ang Dengue ay nagpupuntirya ng bone marrow kung saan karaniwang nagaganap ang produksyon ng platelet, kaya ang mataas na platelet count dahil sa Tawa-tawa ay isang patunay na ito ay mayroong epekto sa pagpapagaling ng sakit na Dengue.Bataydin sa datos na nakuha mula sa pagsisiyasat, ang Tawa-tawa ay kalimitang ginagamit ng mga taong nagkakasakit ng Dengue dahil sa kakulangan ng pagpapatibay na ang Tawa-tawa ay epektibong lunas sa sakit na ito o wala talagang karagdagang kaalaman tungkol sa halamang ito.
III. Rekomendasyon Batay sa mga impormasyong nakalap mula sa pagsisiyasat, natuklasan ng mga mananaliksik na ang Tawa-tawa (Euphorbia hirta) ay hindi napapatibay na ito ay isang organic na gamot sa sakit na Dengue. Dahil dito, inirerekomenda ng mga mananaliksik na magsagawa ng mga pananaliksik ukol sa tiyak na nilalaman ng Tawa-tawa na nagpapataas ng platelet count. Inirerekomenda rin ng mga mananliksik na ang Industrial Technology Development Institue o ITDI, Department of Science and Technology o DOST, Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care o PITAHC at Kagawaran ng Kalusugan ay gumawa ng pananaliksik tungkol sa epekto ng Tawa-tawa sa sakit na Dengue dahil kumpleto ito sa kagamitan, tao, at mayroong sapat na oras upang paunlarin at gawin ang pananaliksik. Higit na mainam na sa health centers at laboratoryo gawin ang mga pananaliksik na ito dahil nasusubaybayan nang mabuti ang mga mayroong sakit na Dengue at ang mga epekto ng Tawa-tawa sa kanila sa mismong panahon ng pagkakasakit. Kung mapatunayan ng mga ahensyang nabanggit na ang Tawa-tawa ay tunay na nakapagpapagaling ng sakit na Dengue, inirerekomenda ng mga mananaliksik na magkaroon ng
34 isang pharmaceutical na pananaliksik sa paggawa ng Tawa-tawa bilang isang organic na gamot upang magkaroon ng gamot na magpapagaling sa sakit na Dengue. Ang mga hinaharap ng mananaliksik ay maaaring tumuon sa halamang Lagundi (Vitex negundo). Ang halamang ito ay naglalaman umano ng mga anti-bacteriana maaari maging lunas ng iba’t ibang sakit tulad ng Dengue.
Talasanggunian
35 1) Argon, E. (2012). Tawa-tawa contains active ingredients that may help Dengue hemorrhagic fever (DHF) patients.
2) Bhattacharyya, B. (2009). Systematic Botany, Second Edition. Oxford, UK: Alpha Science International Ltd.
3) Corbett, J.V., Banks, A.D. (2013). Laboratory Tests and Diagnostic Procedure with Nursing Diagnosis (8thed.). Upper Saddle River , New Jersey. Pearson Education, Inc.
4) Daniel, M. (2006).Medicinal Plants Chemistry and Properties. New Hampshire, USA: Science Publishers.
5) Dengue Conundrums. (2006). Bangkok, Thailand:Department of Virology, Armed Forces Research Institute of Medical Research.
6) Eu-ahsunthornwattanab, J., & Eu-Ahsunthornwattanaa, N. (2008).Peripheral Blood Count for Dengue Severity Prediction: A Prospective Study in Thai Children. USA: Thisyakorn.
7) Hillman, R. S., Ault, K. A., et al. (2011). Hematology in Clinical Practice, Fifth Edition. New York, USA: McGraw-Hill Companies, Inc.
8) Kumar, S., Malhotra, R., & Kumar, D. (2010).Euphorbia hirta: Its Chemistry, Traditional and Medicinaluses, and Pharmacological Activities. India: Institute of Pharmaceutical Sciences, Kurukshetra University.
9) Kurian, J. C. (2010). Amazing Healing Plants. Manila, Philippines: Philippine Publishing House. 10) Levinson, W. (2010).Review of Medical Microbiology and Immunology (11th edtion).United States of America: The McGraw-Hill Companies, Inc.
36 11) Noisakran, S., et al. (2010).Advances in Virology: Cells in Dengue Virus Infection In Vivo, 20(3), 24-30.
12) Ong, W. Hulyo (2009).Deadly Dengue: Prevention, Treatment, and 'Tawa Tawa'.
13) Perumal, S., & Mahmud, R. (2012).Antimicrobial Activity and Cytotoxicity Evaluation of Euphorbia hirta (L.)Extracts from Malaysia, (2), 80-85.
14) Rajeh, M. A., et al. (2004).Assessment of Euphorbia hirta L. Leaf, Flower, Stem and Root Extracts for their Antibacterial and Antifungal Activity and Brine Shrimp Lethality. Malaysia: School of Distance Education, Universiti Sains Malaysia.
15) Ramesh, K. V., & Padmavathi, K. (2005). Indian Journal Of Pharmaceutical Sciences: Assessment of Immunomodulatory Activity of Euphorbia hirta. 72(5), 621-626.
16) Rigau-Pérez, J. G., (2004). Dengue Branch, Division of Vector-borne Infectious Diseases. San Juan, Puerto Rico: Centers for Disease Control and Prevention.
17) Rothwell, S. W., Putnak R., & La Russa, V. F. (2003). The American Journal Of Tropical Medicine And Hygiene: Dengue-2 virus infection of human bone marrow: Characterization of Dengue-2 antigen-positive stromal cells. 54(5), 503-10.
18) Tripathi, N. K., (2005). Detection of Dengue Virus.India: Defence Research and Development Establishment.
19) Vijaya, K., Ananthan, S., & Nalini, R. (2011). Antibacterial Effect of Theaflavin, Polyphenon 60 (Camellia sinensis) and Euphorbia hirta on Shigella spp.--A Cell Culture Study.Taramani, India: Department of Microbiology, University of Madras. 20) Yi, W., Wei, U., & Yang-Li, L. (2012).Chinese Journal of Natural Medicines: Phenols and Flavonoids from the Aerial Part of Euphorbia hirta, 10(1), 40-42.
37
Apendiks I. Talatanungan para saSurvey
38 Pananaliksik: Tawa-tawa o Euphorbia hirta: Bisa sa sakit na Dengue batay sa Pananaw ng mga piling mag-aaral ng Universidad ng Santo Tomas Mahal na tagatugon: Kami ay mga mag-aaral ng Fakultad ng Farmasya, mula sa seksyon ng 1GMT. Kung maaari lamang ay sagutanng maayos at totoo ang mga katanungan o ang mga hinihinging impormasyon.Lagyan lamang ng ekis ( x ) ang kahon o linya na naaangkop sa iyong mga sagot. ______________________________________________________________________________ Pangalan (opsyonal): _______________ Okupasyon: _______________
Edad: ___ Kasarian ____ Estadong Sibil (Civil Status): ____________
1) Alam mo ba ang halamang Tawa-tawa at ang gamit nito upang labanan ang sakit na Dengue? ______ Oo, alam ko ang halamang Tawa-tawa at ang naturang gamit nito sa Dengue. ______ Oo, alam ko ang halamang Tawa-tawa ngunit hindi ko alam ang gamit nito laban sa sakit na Dengue. ______ Hindi, ko alam ang halamang ito. 2) Gumamit ka ba ng halamang Tawa-tawa, o Euphorbia Hirta bilang panlunas sa sakit na Dengue? ______ Oo ______ Hindi ______ Hindi pa ako nagkakaroon ng dengue a) Kung Oo ang iyong sagot, ano naramdaman mo matapos uminom ng naturang gamot? (Pumili sa nakalaang datos) *maaaring lumagpas sa isang sagot Tuluyang Tuluyang Nawala at Gumaan ng Nawala ang Walang gumaan ang nawala ang hindi na bahagya ang pagsakit ng ulo at ipinagbago pakiramdam. lagnat. mabilis pakiramdam ang bigat na (loss of (loss of magka-pantal ngunit nararamdaman fatigue and fever) ang balat at nanghihina pa dito. weakness) katawan. (loss rin. (presence (loss of headache of bruises) of exhaustion) and/or migraine) b) Kung Oo ang iyong sagot, patuloy mo ba itong ginamit hanggang sa tuluyang nawala ang iyong sakit na Dengue? ______ Oo, patuloy ko itong ginamit hanggang sa gumaling ______ Ginamit ko lamang ito tuwing masama ang aking pakiramdam. ______ Hindi ko na ito ginamit muli. c) Kung Oo ang iyong sagot, alam mo ba kung ilan ang bilang ng platelet count mo matapos uminom nitong gamot? ______ mababa pa sa 50,000 μL ______ 100,000 μL - 150,000 μL
______ 50,000 μL – 100,000 μL ______ 150,000 μL - 450,000 μL
39 ______ Hindi ko na maalala d)Kung Oo ang iyong sagot, mayroon ka pa bang ibang gamot na ininom maliban sa Tawa-tawa o Euphorbia Hirta? ______Mayroon. ______ Wala na. 3) Sa iyong palagay, mabuti lang ba na gumamit ng herbal o alternatibong gamot gaya nalang ng Tawa-tawa laban sa kumbensyunal (generic or branded) na gamot sa sakit na dengue? ______ Oo ______ Hindi ______ Oo, ngunit dapat kaakibat nito ang kumbensyunal na gamot 4) Sa ngayon ay kakaunti pa lamang ang mga nakakalap na datos tungkol sa katangian ng halamang Tawa-tawa na nagpapatunay na maaari itong magpagaling ng sakit na dengue. Susuportahan mo ba ang patuloy na pagkalap ng impormasyon ukol sa halamang ito? ______ Oo sang-ayon ako rito ______ Hindi ako sang-ayon dito ______ Hindi ako sigurado 5) Kung mapapatunayan ng mga pananaliksik na mayroong katangian ang halamang Tawa-tawa o Euphorbia Hirta na nagpapataas ng platelet ng ating dugo, gagamitin mo ba ito kung ikaw ay mayroong sakit na Dengue? ______ Oo ______ Hindi ______ Hindi ako sigurado
Enero 30, 2013
PROF. PRISCILLA M. TORRES, Ph.D. Dekana, Fakuldad ng Farmasya
40 Universidad ng Santo Tomas Sampaloc, Maynila
Mahal na Dekana:
Kami po ay mga mag-aaral mula sa 1G- Medical Technology ng Fakuldad ng Farmasya na humihingi ng pahintulot na magsagawa ng pagsusuri sa mga estudyante ngFakuldad ng Farmasya ukol sa bisa ng Tawa-Tawa sa sakit na Dengue. Maasahan niyo po na ang gagawing pagsusuri ay hindi makagagambala sa mga nagaganap na klase. Ang inyong maagap na pagpahintulot ay makakapagpatibay sa aming isinasagawang pananaliksik.
Lubos na gumagalang;
_________________________ EINOR JOHN MASANGKAY
________________ DEAN MERCADO
______________________ KIER ANGELO LADERA
__________________________ JEFFERSON DELOS SANTOS
______________________ ANTONIO OLAGUER II
__________________ AEDRICK YANGA
May pahintulot ni
____________________________ RHODELIA H. MENDOZA, Ph. D. Tagapagpayo sa pananaliksik Enero 30, 2013
PROF. JOHN DONNIE RAMOS, Ph.D. Pansamantalang Dekano, Kolehiyo ng Agham
41 Universidad ng Santo Tomas Sampaloc, Maynila
Mahal na Dekano:
Kami po ay mga mag-aaral mula sa 1G- Medical Technology ng Fakuldad ng Farmasya na humihingi ng pahintulot na magsagawa ng pagsusuri sa mga estudyante ng Kolehiyo ng Agham ukol sa bisa ng Tawa-Tawa sa sakit na Dengue. Maasahan niyo po na ang gagawing pagsusuri ay hindi makagagambala sa mga nagaganap na klase. Ang inyong maagap na pagpahintulot ay makakapagpatibay sa aming isinasagawang pananaliksik.
Lubos na gumagalang;
_________________________ EINOR JOHN MASANGKAY
________________ DEAN MERCADO
______________________ KIER ANGELO LADERA
__________________________ JEFFERSON DELOS SANTOS
______________________ ANTONIO OLAGUER II
__________________ AEDRICK YANGA
May pahintulot ni
____________________________ RHODELIA H. MENDOZA, Ph. D. Tagapagpayo sa pananaliksik Pebrero 4, 2013
DR. WILFREDO VENDIVIL Dalubhalaman, Botany Division
42 Pambansang Museo ng Pilipinas P. Burgos Drive, Rizal Park, Manila
Mahal naDr. Vendivil: Magandang araw po sa inyo! Kami po ay mga mag-aaral ng Universidadng Santo Tomas na sa kasalukuyan ay kumukuha ng kursong BS in Medical Technology. Nais po naming magpaunlak ng panayam ukol sa bisa ng paggamit ng Tawa-tawa o Euphorbia hirta sa sakit na Dengue. Maraming salamat po sa inyong konsiderasyon.
Lubos na gumagalang;
_________________________ EINOR JOHN MASANGKAY
________________ DEAN MERCADO
______________________ KIER ANGELO LADERA
__________________________ JEFFERSON DELOS SANTOS
______________________ ANTONIO OLAGUER II
__________________ AEDRICK YANGA
May pahintulot ni
____________________________ RHODELIA H. MENDOZA, Ph. D. Tagapagpayo sa pananaliksik Pebrero 4, 2013
ASST. PROF. OPHELIA S. LAURENTE Propesora, Fakuldad ng Farmasya
43 Universidad ng Santo Tomas Sampaloc, Maynila
Mahal naAsst. Prof. Laurente: Magandang araw po sa inyo! Kami po ay mga mag-aaral ng Universidadng Santo Tomas na sa kasalukuyan ay kumukuha ng kursong BS in Medical Technology. Nais po naming magpaunlak ng panayam ukol sa bisa ng paggamit ng Tawa-tawa o Euphorbia hirta sa sakit na Dengue. Maraming salamat po sa inyong konsiderasyon.
Lubos na gumagalang;
_________________________ EINOR JOHN MASANGKAY
________________ DEAN MERCADO
______________________ KIER ANGELO LADERA
__________________________ JEFFERSON DELOS SANTOS
______________________ ANTONIO OLAGUER II
__________________ AEDRICK YANGA
May pahintulot ni
____________________________ RHODELIA H. MENDOZA, Ph. D. Tagapagpayo sa pananaliksik
View more...
Comments