Reincarnation of Lucifer
February 22, 2017 | Author: RobyleneEnriquez | Category: N/A
Short Description
Download Reincarnation of Lucifer...
Description
Summary Isang kontrobersyal na istorya na tumatalakay sa buhay ni Lucifer at ng kanyang walang hanggang pag-ibig. Ano nga ba ang dahilan kung bakit sya nalaglag mula sa langit? Katulad nga kaya ito ng mga kwento na alam natin tungkol sa kanya? Hwag basahin kung hindi malawak ang pag-iisip at kung hindi tanggap ang ganitong tema. =) - 4 Reincarnation of Lucifer Ang istoryang ito ay masasabi kong kontrobersyal. Tinutukoy dito ang istorya ni Lucifer na prinsipe ng kadiliman. Paunawa na ito ay isang kathang isip lamang ng isang taong may malawak na imahinasyon. Kung hindi tanggap ang ganitong kategorya ay kung maaari lamang inyo na itong isara at hwag ipagpatuloy ang pagbabasa. Maraming salamat. ***@@#@@***^#~o0o~#^***@@#@@*** Naririnig ko na naman sila. Ang iyak ng kanilang paghihinagpis na parang sinusunog ang kanilang mga katawan sa mainit na apoy. Ang mga kaluluwa na humihingi ng kapatawaran sa langit upang sila ay mailigtas mula sa madilim na mundo ng impyerno. Iligtas nyo po kami! Nagsisisi na po kami Ama! Mainit! Napakainit! Tulungan nyo ako! AAAAAAAAAHHHHH!! Ayoko dito! Hindi ako dapat dito! Tinakpan ko ang magkabila kong tenga para hindi sila marinig. Nanginginig akong napaupo sa sahig at ipinikit ang aking mga mata upang mawala sila. Hindi k o man sila nakikita sa gitna ng kadiliman, naririnig ko naman ang kanilang mga bos es. Nagustuhan mo ba mahal ko? ang tanong ng isang pamilyar na boses. Tumingin ako sa kanya. Sa gitna ng dilim, nakikita ko parin sya. May pulang liwanag ang nakabalot sa kanya. Tila mga sumasayaw na apoy sa kanyang katawan. Isang ngiti ang rumehistro sa kanyang anghel na mukha. Iniliyad nya sa harap ko ang kanyang palad. Halika mahal ko, pagmasdan mo sila. Pagmasdan mo ang kaharian na ginawa ko - 5 para sa iyo. Nagustuhan mo ba? *** AURA. Ito ang pangalan na ibinigay sa akin ng aking mga magulang. Hindi pangkaraniwan. Iilan lang ba ang may ganitong pangalan? Aura anak! Bumaba ka na rito, tawag sakin ni Mama. Tumingin ako sa orasan. Tanghali na pala. May isang oras nalang ako para maghanda at pumasok sa eskwela. Pagkatapos kong mag-ayos ay agad na rin akong bumaba mula sa kwarto ko. Nakahain na ang pagkain sa mesa. Happy birthday Aura! bati sakin nila Mama at Papa na may hawak na chocolate cake at isang kandila sa gitna. Nakangiti naman sa akin ang aking kuya. Make a wish baby, then blow the candle, excited na sabi ni Mama. Hilingin mo na magka-boyfriend ka na. Pfft! asar sa akin ni kuya. Hep! Bawal pa! Kahit na eighteen ka na Aura, bawal parin ang boyfriend, pagbabawal ni Papa. "Papa, hindi pa po ako magbo-boyfriend," natatawa kong sabi. Nakahinga naman nang maluwag si Papa. "Hay, hayaan mo nga na magka-boyfriend si Aura. Malaki na sya," sabi naman ni Mama. Sumimangot nalang si Papa at tumawa si kuya. "Ako ang bahala Pa. Bantay sarado 'yan si bunso," sabi ni kuya. "Isa ka pa Gabriel. Kailan ka ba magkaka-girlfriend?" tanong ni Mama. "Mama. Hindi naman po kami nagmamadali. Mabuti nang handa dyan, hindi ba
bunso?" tanong sakin ni kuya. - 6 Napangiti nalang ako. Alam naman nila na wala pa akong panahon para sa mga bagay na yon. Hindi ko rin alam, pero hindi ko pa gustong makipag-relasyon. Sana manatili kaming isang masayang pamilya, tahimik kong hiling bago hipan ang kandila. Yes naman! Dalaga na si bunso! sabi ni kuya bago gulohin ang buhok ko. Kuya! reklamo ko. Gabriel tigilan mo na ang kapatid mo, birthday nyan ngayon, suway ni Mama. Sige na nga, sabi ni kuya. Umupo na kami sa harap ng lamesa na napupuno ng pagkain. Nagdasal muna kami at nagpasalamat sa Dyos para sa pagkain at para sa araw na ito. Habang nagdadasal ay hindi ko magawang alisin sa isip ko ang tungkol sa panaginip ko. Isa yong panaginip na meron ako mula pa nang bata ako hanggang ngayon. Sa tuwing sasapit ang aking kaarawan ay napapanaginipan ko iyon. Tila isang paalala na hindi ko dapat kalimutan. *** Kasabay ko si kuya Gabriel papasok ng school. Nasa fourth year na sya ng kursong Nursing samantalang ako naman ay sophomore sa kursong Education. Kotse nya ang gamit namin at dadaanan namin ang kaibigan nyang si Miguel sa bahay nito. Isa ito sa mga madalang na araw kung saan papasok kaming magkakasabay. Magkakaiba kasi ang aming mga class schedules. Birthday girl! bati ni Miguel sa akin nang makapasok sya sa kotse. Kumusta? Nasa passenger seat sya at si kuya ang nasa driver seat. Okupado ko mag-isa ang backseat. Okay lang, tipid kong sagot. Parang ang lungkot mo ah, puna nya. May sakit ka ba bunso? tanong bigla ni kuya. - 7 Wala, tinatamad lang ako ngayon, sabi ko nalang at muling tumingin sa madilim na langit. Mukhang uulan. Nang dumating kami sa St Lourdes International, ang school na pinapasukan naming tatlo, tumigil na naman sa paglalakad ang mga estudyante para tumingin sa paparating naming sasakyan. Hindi kaila sa akin ang atensyon na aming nakukuha mula sa kanila. Hindi maipagkakaila na kakaiba kaming tatlo. Bumaba na kami ng sasakyan at nag-umpisang maglakad. Nakatingin sila sa amin. Puno ng admiration at shock ang kanilang mga mukha. Hindi parin sila nagsasawa na tignan kami. Sa mga mata nila, mukha kaming perpektong tao na pinagkalooban ng magagandang hitsura at talino. Aura, tawag sa akin ni kuya I-text mo lang ako kapag magpapasundo ka na. Isasabay nyo ako pag-uwi? gulat na tanong ko. Hindi naman kasi sabay ang dismissal namin. Basta, sabi nya na parang nag-aalala Mabuti nang mag-ingat Inihatid nila ako sa tapat ng room ko. Text ka ha, sabi ulit ni kuya. Tumango nalang ako. See ya later birthday girl! Here catch! may inihagis si Miguel sa akin na maliit na box. Umalis na sila ni kuya patungo sa building nila. Pumasok na ako sa loob ng room. Pagkaupo ko sa table ko, binuksan ko na ang ibinigay sa akin ni Miguel. Isa iyong silver na kwintas. May pendant itong dalawang pakpak na magkadikit at gumawa ng hugis puso. Namangha ako sa detalye na meron ang pakpak. Tila pakpak ng isang anghel. - 8 *** Nagpapaliwag ang instructor namin sa chemistry pero sa hindi ko malaman na dahilan ay nahihirapan akong ituon dito ang aking atensyon. May kakaiba akong
nararamdaman katulad nalang ng parang may nagmamasid sa akin. Tumingin ako sa mga kaklase ko pero wala ni isa sa kanila ang nakatingin sa akin . Lahat sila ay nagsusulat o di kaya ay nakatingin sa ginagawa ng aming instructor . Tumingin ako sa bintana. Halos tumigil ang pintig ng puso ko nang makita ang napakaraming itim na ibon na nakadapo sa malapit na puno. Lahat ng mga ibon ay nakatingin sa akin. Napalunok nalang ako. Kakaiba ang mga tingin nila. Tingin na may karunungan katulad ng sa mga tao. *** Hindi ko na hinintay pa na matapos ang buong araw para umuwi. Gusto ko nalang tumakbo palayo mula sa lugar na iyon. Hindi ko maintindihan kung bakit may mga ganoong ibon dito ngayon. Napakadami nila. Saan sila galing? Bigla nalang silang sumulpot dito. Biglang dumilim na naman ang langit. Napatigil ako sa paglalakad at napatingin ako sa itaas. Ilang daang ibon ang lumilipad sa itaas ko. Ang mga itim na ibon kanina. Mga uwak. Sinusundan nila ako. Tumakbo ako para makapagtago mula sa kanila. Kakaibang takot ang naramdaman ko. Narinig ko ang malakas na paghagupit ng kanilang pakpak sa hangin at ang mga tunog na pinapakawalan nila habang lumilipad sa itaas ko. Parang sinasabi nila n a hwag akong tumakbo. Na kahit ano'ng takbo o pagtatago ang gawin ko ay masusundan at mahahanap - 9 nila ako. Tumakbo ako papasok sa isang eskinita. Isang shortcut papunta sa bahay namin. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa bigla nalang akong napatid at napahiga sa semento. Tumingin ako sa langit. Maliwanag. Wala na ang mga ibon. Nakahinga ako nang malalim. Nawala nalang sila bigla. Namalikmata lang ba ako kanina? Bakit sila biglang nawala? Sinubukan kong tumayo pero mukhang napilayan yata ako. Tumayo nalang ako nang isang paa lang ang nakasayad sa lupa. Makakauwi kaya ako? "Hik!" May narinig akong parang suminok. May isang lalaki na papalapit sa akin. Isang matandang lalaki na may hawak na bote ng alak. "Hik! Hi Miss. Naligaw ka ba? Hik!" Oh dear.. Gustuhin ko mang lumayo ay hindi ko magawa. Kahit mag-tatalon ako palayo gamit ang isa kong paa sigurado naman akong maabutan nya ako. - 10 Ni wala man lang gamit sa paligid na maaari kong maidepensa sa sarili ko. Kung meron mang gamit, hindi ko rin alam kung kaya ko iyong gamitin laban sa lalaking ito. Hindi ko alam kung kaya kong manakit ng tao. Tatlong hakbang nalang ang layo nya sa akin. "Miss beautiful..hik!" ngumiti sya habang ang mga mata nya ay tumingin sa kabuuan ko. "Gusto mo bang sumama sakin?" "A-Ayoko," puno ng takot na sagot ko sa kanya.
Tila nasiyahan pa sya sa takot na nakikita nya sa mukha ko. "Hik! Ang ganda mo Miss," at unti-unti nyang isinara ang distansya sa pagitan naming dalawa. Napapaatras nalang ako. "AH!" sigaw nya bigla. Napigil ko ang paghinga ko nang may makita akong lalaki sa likod nya. May pula itong buhok na katulad ng sa apoy at may matatalas na mata na nakatingin sa lala ki. Nakahawak ang isang kamay nito sa balikat ng lalaki. "AAAAAHHH!!" sigaw nya na tila nahihirapan. "Mortal, isang basura.." sabi ng lalaking may pulang buhok sa mababang tono. "AAAAAAAAHHH!!" mas lumakas ang sigaw ng matandang lalaki. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa sa kanya ng lalaking kararating palang. Napasinghap ako nang tumingin sa akin ang lalaking pula ang buhok. Nakita ko ang dalawang maliit na sungay sa ulo nya. Ang lalaking ito.. "AAAAAAAAAAAAHHHH!!" - 11 Unti-unting binalot ng apoy ang matandang lalaki na nagmula sa loob ng katawan nito palabas. Kitang-kita ko kung paano nawala ang buhay nito. Sa loob ng isang minuto tumumba ang walang buhay nitong katawan para lang mabasag at maging abo. Hindi ako nakagalaw. Nanghihina ang tuhod ko at napa-upo nalang ako. Hindi ko maalis ang tingin sa lalaking naging abo na ngayon. Hindi ako makahinga sa sobrang takot sa nakita ko. Bigla nalang syang nasunog. Hindi ko namalayan na na umiiyak na pala ako. Nanginginig ako sa sobrang takot. Hindi tumigil ang paghikbi ko kahit nang makita ko ang itim na kasuotan ng lalaking pumatay sa matanda na nasa harap ko. Nasa harap ko na sya. Inangat ko ang ulo ko para tignan sya. Hindi ko magawang mag-salita. Umiilaw ang sya. May kakaibang liwanag ang dalawang sungay nya pati na rin ang mga mata nya. Hindi sya tao. Papatayin din ba nya ako? "Aura," tawag nya sa akin. Bumaba sya sa level ko para titigan ako nang mabuti. - 12 Kusang nablanko ang isip ko. Hindi ako nag-protesta nang haplusin nya ang pisngi ko. "Mahal ko" Yun ang huling salita na narinig ko bago dumilim ang paligid ko. ***@@#@@***^#~o0o~#^***@@#@@*** Isang SHORT FANTASY STORY na medyo DARK ang theme para sa mga VIP's. Ginawa ko ito dahil medyo na-WINDANG ako sa balitang illuminati ang BIGBANG at iba pang KPOP band. Para sa mga hindi nakakaalam kung ano ang illuminati, ayon sa aking nakuhang mga sagot ay mga 'ANTI-CHRIST' daw sila. Di maganda sa pakiramdam ang balita dahil talagang gusto ko ang grupo nila. At gusto ko ang KPOP. Sinasabi nila na minamanipula ng mga grupong katulad ng BIGBANG ang isip ng mga kabataan. Ewan. Naghahanda daw kasi para sa New World Order since parating na si Jesus Christ sa mundo. May mga nakikita daw na simbolo ng devils at illuminati ang MV's ng mga KPOP. Anyway, hindi ko alam kung paano ang aking gagawin. Kung maniniwala ba sa mga sinasabi ng iba o hindi. Gumawa ako nito to bend my frustrations sa kung ano dapat ang paniwalaan. Galing ito sa MONSTER MV ng BIGBANG. Alam nyo na siguro na si GD ang ginawa
kong Lucifer dito. Hehe. Kung may mga na-offend sa storya na aking gagawin, maaga ko kayong sinabihan kanina sa umpisa palang na kung hindi nyo tanggap ang ganitong kategorya ay inyo na itong iwan at isara. Hindi ako hihingi ng sorry para rito. I believe na meron kayong sariling pag-iisip at kaya nyo nang gumawa ng sarili nyong desisyon. Mahahati sa ilang parte ang storyang ito. Gusto kong gumawa ng isang positibong outcome galing sa isang negatibong balita. Abangan nyo nalang siguro ang mga susunod pang kabanata. Do leave comments behind. If you are generous enough, vote. And if you like my works, become a fan by clicking it. - 13 XOXO Alesana Marie - 14 II May malamig na hangin na umiihip sa aking pisngi. Iminulat ko ang aking mga mata at nagising nalang ako na nakahiga sa kama ko. Nasa loob ako ng kwarto ko. Nung una akala ko ay normal lang na nagising ako pero nang maalala ko ang lahat nang nangyari.. Napaupo nalang ako hawak ang noo ko. Pano ako napunta dito? Gumagalaw ang kurtina na nakasabit sa nakabukas kong bintana. Tumayo ako para isara 'yon. Madilim na sa labas pagtingin ko. Nanaginip na naman ba ako? Sa panaginip ko nakita ko na sya. Nandito na sya sa mundo namin at pinuntahan nya ako. Iniligtas nya ako. Nakita ko sya nang buo sa liwanag. Sobrang makatotohanan ang panaginip na 'yon. Matapos kong isara ang bintana ay naisipan kong dumiretso sa kusina, pero hindi pa man ako nakakalabas ng kwarto ko nang mapatigil ako. Nadaanan ko ang salamin. Napamaang nalang ako sa nakita ko. Suot ko parin ang uniporme ng eskwelahan na pinapasukan ko. - 15 Bakit ako nakasuot nito? Napatingin ako sa itim na palda ng uniporme. May dumi na para bang nagpagulong gulong ako sa lupa. Pagtingin ko sa binti ko, wala naman akong sugat hindi kagaya nang sa panaginip ko. At wala rin akong pilay sa paa. Pero.. paano ko maipapaliwanag na panaginip lang ang lahat kung suot ko pa ang uniporme ko? Hindi kaya.. SYA ang nagdala sa akin dito? "Aura sa susunod mag-text ka kung uuwi ka nang maaga," sermon sa akin ni kuya habang papunta kaming school "Hinanap ka namin kahapon. Ang akala namin kung ano na ang nangyari sa'yo. Mabuti nalang nasa bahay si Mama at sinabing natutulo g ka sa kwarto mo. Bakit ka nga pala umuwi nang maaga kahapon? May sakit ka ba?" Nakumpirma ko kahapon kina Mama na hindi nga pangaginip ang lahat. Eighteenth birthday ko kahapon at totoong umuwi ako nang maaga dahil sa mga uwak. Awtomatiko akong napatingin sa langit. Maliwanag. Wala sila. Walang mga ibon. "Aura?" "Huh?" "Tinatanong kita. May sakit ka ba?" usisa ni kuya at sumulyap sa akin sandali ba go
tumingin sa harap ng kotse. "Wala," sagot ko. "Aura yung regalo ko bakit hindi mo ginagamit? Ayaw mo ba?" tanong sa akin ni Miguel. Napakurap ako. - 16 Ngumiti ako at umiling sa kanya. "Gusto ko. Nakalimutan ko lang na birthday ko pala kahapon. Akala ko nanaginip lang ako," sabi ko habang hinahanap sa bag ang maliit na box. "Haha! Ang weird nun ah," tawa ni Miguel. Kinuha ko ang kwintas mula sa box. Agad ko iyong isinuot. "Ayan," ngumiti ng malapad si Miguel "Bagay sa'yo. Hwag mong tatanggalin ha?" May kakaiba sa mata nya. Nakangiti sya pero seryoso sya. "Miguel ano ba ang ibinigay mo sa kapatid ko?" narinig kong tanong ni kuya. "Wala naman," nag-shrug si Miguel "Proteksyon" May nararamdaman akong kakaiba nang tumapak ako sa loob ng room namin. Nagbalik sa akin ang pakiramdam na may nagmamasid sa akin pagkapasok ko palang. Napatingin ako sa direksyon na 'yon at hindi ako nakagalaw nang makita ko sya. Tatlong upuan mula sa pwesto ko, nakaupo sya at nakatingin sa akin. Nag-taasan nalang ang balahibo ko nang mamukhaan ko kung sino sya. Sya ang demonyo na nakita ko kahapon. Sya ang pumatay sa matandang lalaki sa eskinita. Nasa klase ko sya. Ano'ng ginagawa nya dito? Sa uri ng tingin na ipinupukol nya sa akin ay alam ko na ang sagot. Nandito sya para sa akin. - 17 "Aura natapos mo ba ang notes sa chemistry? May quiz kasi tayo ngayon eh, pwede pahiram?" tanong sa akin ng kaklase kong si Anna. "Please Aura? Pleaaaaase." "H-Huh? Oo sige," kinuha ko ang notebook ko mula sa bag. "Alam mo iba ang titig sa'yo ni Lucci," sabi nya. "Ano?" napatingin ako sa kanya. "Si Lucci. Kanina pa sya nakatingin sa'yo. Ang gwapo nya, ang swerte mo mukhang napansin nya ang ganda mo," masayang sabi nya at kinuha ang notebook na hawak ko. "Sino si Lucci?" mahinang tanong ko. "Ano ka ba? Halos dalawang taon na natin syang kaklase hindi mo parin sya kilala? Hahaha! Ayun sya oh," sinundan ko ang tingin nya. Nakatingin sya sa direksyon kung saan nakaupo ang demonyo. "Sya si Lucci." Kung nahirapan ako kahapon dahil sa tingin ng mga uwak habang nasa klase ako, sampung beses non ang kaba ko ngayon. Habang nasa klase wala akong ibang naramdaman kundi takot at kaba. Hindi nawala ang pakiramdam na nakatingin sya sa akin. Nakatingin mula sa likod ko. Nakamasid sa bawat kilos ko. Ang ipinagtataka ko ay kung bakit sinasabi nila na dalawang taon na namin syang kaklase. Alam ko at kilala ko lahat ng kaklase ko, hindi namin sya kasama sa loo b ng halos dalawang taon na yon. Pula parin ang buhok nya na katulad sa kulay ng apoy. Nakasuot sya ng bonnet sa ulo. Naalala ko na meron syang dalawang maliit na sungay. - 18 Itinatago nya ba 'yon kaya sya may suot na bonnet? Mabilis kong iniligpit ang gamit ko nang makita na patapos na ang klase. Pagkatunog ng bell, ako ang nangungunang lumabas ng silid. Tumakbo ako sa gitna ng siksikang hallway. Wala akong ibang gusto ngayon kung hindi ang makalayo sa kanya.
Hindi na ako pwedeng umuwi sa bahay ngayon, alam ko na susundan nya lang ako. Mas maganda kung dito lang ako sa loob ng campus at hintayin sina kuya para isabay ako pauwi. Kung saan mas maraming tao, mas magandang dun ako mamalagi. Hindi nya naman siguro ibubuko ang sarili nyang balat-kayo sa harap ng maraming tao. Pero bakit ba nya ako sinusundan? Ano'ng kailangan nya sa'kin? "Hi Aura" Napatigil ako at nagulat. "Oh bakit ganyan ang mukha mo? Nagulat ba kita? Sorry," hinging paumanhin ni Jake. Si Jake. Ang manliligaw ko. Ilang beses ko na syang sinabihan na tumigil pero an g sabi nya hayaan ko lang syang patunayan ang pagmamahal nya sakin. Pero kahit na matagal na syang nanliligaw wala parin akong maramdaman na espesyal para sa kanya. "Yayayain lang sana kita na mag-lunch kasabay ko. Okay lang ba?" tanong nya. Napalingon ako sa likod nang maramdaman ko na papalapit na sya. Sinusundan nya ako? - 19 "Aura?" "Huh?" napatingin ako kay Jake. "Lunch? Kasama ko? Okay lang ba?" tanong nya ulit. "Ah. O sige" Mabilis kong hinila si Jake patungo sa canteen. Lumingon ulit ako sa likod ko. Matalim na tingin ang sumalubong sa akin galing kay Lucci. Bigla syang naglaho pagkatapos ng ilang segundong palitan namin ng tingin. "Kilala mo ba si Lucci?" tanong ko kay Jake. "Yung kaklase mong pula ang buhok?" Napahinga ako nang malalim. Bakit pati si Jake kilala ang lalaking 'yon? Kung ganon kilala sya ng buong estudyante dito? Pero sigurado ako na ito ang unang ar aw nya sa school na 'to. Hindi kaya kinontrol nya ang mga ala-ala ng mga tao dito? Isa nga syang demonyo kung ganon. Pero bakit hindi nya binago ang alaala ko? [Mr. Jake Cardena kailangan ka sa Dean's Office] sabi ng babae sa intercom. Napatingin ako kay Jake. "Well, mukhang hindi na kita maihahatid sa klase mo," sabi nya habang mukhang nanghihinayang. "Okay lang. Walang problema sa'kin." Tumayo sya at kinuha ang gamit nya. "Pano? Bukas nalang ulit?" tanong nya na puno ng pag-asa ang mga mata. - 20 Tinatanong nya ako kung pwede kaming mag-lunch ulit na magkasama bukas. Ngumiti nalang ako at tumango. Mas maganda rin siguro na palagi akong may kasama para hindi ako malapitan ni Lucci. "Salamat Aura," nginitian nya ako bago sya umalis. Bakit may kakaiba akong nararamdaman? Tumingin ako sa paligid. Wala naman si Lucci dito. Wala ring uwak na nakatingin sa akin mula sa bintana. Ibinalik ko nalang sa lamesa ang tingin ko. Nakita ko na nakalimutan ni Jake ang cellphone nya sa lamesa. Kinuha ko ang mga gamit ko at inabot at cellphone sa mesa. Lumabas ako ng canteen at hinanap si Jake. Habang palayo ako nang palayo sa canteen, paunti nang paunti ang mga tao sa paligid ko. Nakapagtataka dahil sa mga ganitong oras dapat marami paring estudyante sa
hallway. Lumiko ako papunta sa kabilang building kung nasan ang Faculty office. Napatigil ako bigla. Tila nababalot ng kakaibang dilim ang buong building. Nagtaasan bigla ang mga balahibo ko. Naramdaman ko bigla ang presensya nya bago ko sya nakita. Bago ko sila nakita. "JAKE!!" "A-Aura--hwag!" pigil nya sakin na lumapit. - 21 Hawak sya ni Lucci sa leeg gamit lamang ang isang kamay. Tila isang magaang bagay lamang si Jake para sa kanya. Nakaangat sa lupa ang mga paa ni Jake. Nasasakal sya. "Tigilan mo yan! Mapapatay mo sya!" sigaw ko. Tumingin lang sakin si Lucci sandali. Ngumiti sya sa akin bago muling tumingin kay Jake. "AHHHH!!" sigaw ni Jake. "JAAAAKE!!" tumakbo ako palapit. Bigla nalang nilamon ng apoy si Jake. "AAAAAAAAHHHHH!!!" Nakangiti syang pinagmamasdan ni Lucci. "AAAAHHHH.." Napatigil ako. Nahuli na ako. Binitawan sya ni Lucci. Bumagsak ang katawan ni Jake sa sahig at tulad ng nangyari sa lalaki kahapon, nabasag ang katawan ni Jake at naging abo nalang. Napaluhod ako at napa-upo. Wala na sya. Wala na si Jake. Patay na sya. Walang tigil ang agos ng luha ko habang nakatingin sa abo na nasa sahig. Kanina lang kasama ko syang kumain. Wala pang kalahating oras ang nakakalipas nang yayain nya ako na sumabay ulit sa kanya mamaya. Ngayon wala na sya. - 22 "Bakit mo iniiyakan ang isang basurang mortal mahal ko?" Papalapit sa akin si Lucci. Hindi ako makagalaw. Nanghihina ako sa nasaksihan ko. Wala na si Jake. "Bakit mo sya pinatay?" umiiyak na tanong ko. Ngumiti lang sya sa akin. Iniluhod nya ang isa nyang tuhod sa harap ko at ang is a naman ay pinatungan nya ng siko. "Bakit?" tanong nya "Hindi ka ba nasiyahan? Wala nang gagambala pa sa'yo." "Isa kang demonyo, napakasama mo," mahinang sabi ko. "Tama mahal ko. Isa nga akong demonyo." Inangat nya ang isa nyang kamay para hawakan ang pisngi ko. Hindi ko nagawang gumalaw. Nang dumampi ang kamay nya sa aking pisngi agad din syang napaatras. "Hsss.." nakatingin sya sa kamay nya. Napasinghap ako nang makita na may puting apoy ang daliri nya. Hindi katulad ng apoy nya, nasasaktan sya ngayon dahil sa puting apoy na 'yon. Agad din iyong nawala. Mabagal na gumaling ang sugat nya pero mabilis parin para sa karaniwang tao. Tumingin sya sakin. "Nilagyan ka nila ng harang laban sakin," nagtitimpi sa galit na sabi nya "Panga ko mahal ko, papatayin ko kung sino man ang gumawa nito sa'yo." Kinilabutan ako kung paano nya ako tignan. Hindi sya titigil sa pagpatay. Ngumiti sya sakin. Napatingin ako sa kamay nya.
- 23 Isang harang.. laban sa kanya? Napatingin ako sa kwintas ko at naalala kung ano ang sinabi ni Miguel sa kapatid ko. 'Miguel ano ba ang ibinigay mo sa kapatid ko?' 'Wala naman, proteksyon' "Hindi ka nila mailalayo sa akin." Nabalik kay Lucci ang tingin ko. Bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin sa mga pula nyang mata na tila lumiliwanag. May tila apoy na nagsasayaw sa mga yon. "Sa akin ka lang Aura. Hindi nila ako mapipigilan sa pagkuha sa'yo." ***\(*^*)/*** Hurray kay VannilaIce. Why so genius? LOL. Ano naman ang masasabi nyo sa mga pangyayari? Ang lalim daw ng tagalog ko? Haha! Pagod na ako sa HUMOR eh. Take a Break muna ako sa NTBG. VOTE. COMMENT. BECOME A FAN. SPREAD. DANKE. May balak akong i-translate ito sa english at isali sa Watty Awards 2012 eh. Si helenaelise ang editor in chief ko kaya dedicated sa kanya for her royal awesomeness. XD Sana suportahan nyo. Thanks to Amor Akimoto for my new cover. =) Alesana Marie - 24 III A life without you is like an imprisonment for life An extinction from the world to the point where I'd go crazy Your existence is a chronic disease, repitition of pain You're a lingering attachment in my heart The people of the world have turned their backs against me The corners of their eyes are all twisted up The greatest pain to me, Is the fact thay you became the same as them - Monster [BIGBANG] Ilang araw pagkatapos mamatay ni Jake, nagkalat na ang Missing posters sa buong syudad. Hindi lang sya ang pinaghahanap ngayon kundi pati na rin ang matandang lalaki sa eskinita. Pareho silang pinatay ni Lucci. At dahil naging ab o sila at walang katawan na nahanap, patuloy parin silang hinahanap ng mga kamag-anak nila. "Excuse me Mr. Bautista," sabi ni Dean na nasa labas ng pinto. Sandaling lumabas si Mr Bautista. Makaraan lamang ang ilang minuto ay muli syang pumasok sa loob ng klase. "Ms. Angeles," tawag sa akin ni Mr. Bautista "Kailangan ka sa Dean's Office" Nakaramdam ako ng titig sa akin ng ilang pares ng mga mata. Kinuha ko na ang mga gamit ko at lumabas ng silid. Napalingon ako sandali kay Lucci na nasa dulo ng classroom. Nakatingin sya, agad kong binawi ang tingin ko at isinara ang pinto s a likod ko. Sinalubong ako ng Dean sa labas at tahimik kaming naglakad patungo sa opisina nya. - 25 Nadaanan namin ang bulletin board kung saan may missing poster si Jake. MISSING basa ko sa malalaking letra na nakalagay doon. Sa ibaba naman ay ang nakangiting mukha ni Jake. Nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Hindi sya dapat namatay. Mabuti syang tao. Nakarating na kami sa opisina ng Dean. Agad nya akong pinaupo sa upuan na nasa harap ng table nya. May dalawang pulis sa loob kasama namin, isang babae at isang lalaki. "Ms Angeles, hwag kang kabahan. Nandito lang sila para tanungin ka," sabi ni Dean. "Ms Angeles may ilang katanungan lang kami sa'yo. Ayon sa mga saksi, ikaw ang
huling nakita nila na kasama si Mr Cardena," sabi ng lalaking pulis. Nag-umpisa nang sumikip ang dibdib ko sa kaba. Tatanungin nila ako kung ano ang nangyari. Masasabi ko ba na pinatay sya ng isang demonyo? Na sinunog at naging abo na ang katawan nya kaya hindi nila makita? At paano ko ipaliliwanag s a kanila ang lahat nang hindi napagkakamalan na baliw? "Ms Angeles ano ang relasyon mo kay Jake?" malumanay pero puno ng awtoridad na tanong ng babaeng pulis. "Kaibigan ko po sya," sagot ko habang nakakuyom ang dalawang kamay sa palda ng uniporme ko. "Kaibigan? Yun lang?" "N-Nanliligaw po sya sa'kin" May sinulat sya sa notepad nya. "May napansin ka bang kakaiba sa kanya nang makausap mo sya?" Umiling ako. "Wala po" "May nasabi ba sya sa'yo na problema?" "Wala rin po" nakayukong sagot ko. "Ms Angeles may alam ka ba sa pagkawala ni Mr Cardena?" - 26 Bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na ang tanong na kinatatakutan ko. May kinalaman ako. Nandon ako nang mangyari ang lahat nang 'yon. "P-Po?" "Ayon sa record na nakuha namin, nung araw na hindi umuwi sa bahay nila si Mr Cardena. Hindi ka pumasok kinabukasan. Maaari bang malaman kung bakit?" tanong ng lalaking pulis. Napalunok ako. Nung araw na nakita kong namatay si Jake tumakbo na ako pauwi. Dahil sa sobrang takot na naramdaman ko bigla akong nilagnat kaya naman hindi ako nakapasok kinabukasan. Hanggang ngayon hindi parin ako makabawi sa mga nakita ko. Ayoko lang na mag-alala sina Mama kaya naman pinilit ko na pumasok na. "M-May sakit po ako ng araw na 'yon" Hindi ko kinaya ang tingin na ibinibigay nila sa akin kaya naman napayuko ako. "O sige. Yun nalang muna sa ngayon, kung may mga kailangan pa kaming itanong babalik nalang ulit kami," narinig kong paliwanag ng lalaking pulis. "Salamat sa kooperasyon." "Pwede ka nang bumalik sa klase mo Ms Angeles." Mabilis akong lumabas ng Dean's Office. Tumakbo ako palayo. Pumasok ako sa Ladies Room. Pumasok ako sa isa sa mga cubicle doon at isinara ang pinto. Ibinab a ko ang takip ng toilet bowl at umupo ako roon. Unti-unting pumatak ang mga luha ko. Hindi ko na alam kung ano ang mararamdaman ngayon. Sobra akong natatakot at kinakabahan. May dalawang tao ang namatay sa harap ko nang magkasunod na araw. Ang masama hindi ko iyon masabi sa kahit na sino dahil sa takot ko. Pero may dalawang pulis dito sa campus. Maniniwala kaya sila kung sasabihin ko na si Lucci ang pumatay sa dalawang nawawala? Pinunasan ko ang mga luha ko at lumabas ng cubicle. Natigilan ako nang makita ang babaeng pulis na nakaharap sa salamin at naghuhugas ng kamay. Ito na ang pagkakataon ko. Kailangan ko lang subukan na ipaliwanag sa kanya ang lahat. Sana lang maniwala sya. - 27 "E-Excuse me," lumapit ako sa kanya. Napatingin sya agad sa akin at rumehistro ang pagkakilala nya sa akin. "Ms Angeles?" "May importante akong sasabihin.. A-Alam ko na mahirap paniwalaan pero totoo ang sasabihin ko maniwala ka," paliwanag ko. "Si Jake at pati na rin yung isang matandang lalaki na nawawala. Patay na silang pareho." Nagulat sa sinabi ko ang pulis. "Huminahon ka Ms Angeles. Sigurado ka ba na patay na sila?" "O-Opo. Namatay sila sa harap ko. Pinatay sila ni Lucci."
"Sino si Lucci? Isa ba sya sa mga estudyante rito? Halika, kailangan natin itong sabihin kay sarhento--" hinawakan nya ako sa braso at iginiya palabas. Biglang namatay ang ilaw sa loob ng ladies room. Halos tumigil ang pintig ng puso ko nang maramdaman ang presensya ng taong tinatakbuhan ko. Kasabay ng pagbalik ng ilaw ang paglitaw ni Lucci sa harap namin. Nakatingin ng masama sa babaeng pulis. Isang segundo. Sa loob ng isang segundo nakalapit na si Lucci sa babaeng pulis. Hawak nya ito sa leeg at inangat ang katawan sa ere. "AH--!" nasasakal na protesta ng babae. "Lucci! Itigil mo 'yan!" awat ko sa kanya kahit na alam ko na wala akong magagawa. Isang matalim na tingin lang ang isinagot nya sa akin bago muli tumingin sa biktima nya. Namumutla na ang mukha ng babaeng pulis. Kung hindi ako kikilos may mamamatay na naman sa harap ko. Ayoko nang tumakbo! - 28 Napatingin ako sa kwintas ko. Naalala ko na hindi nya ako pwedeng hawakan dahil sa proteksyon ko. Tumakbo ako at itinapon ang sarili ko kay Lucci mula sa likuran nya. "AAAAAAHH!" Sabay kaming bumagsak habang nakaibabaw ako sa kanya. Agad akong lumayo nang makita na nasusunog sya sa puting apoy. Napatingin ako sa babaeng pulis. Hawak nya ang leeg nya at hindi makapaniwalang nakatingin kay Lucci na patuloy na nilalamon ng puting apoy sa sahig. Nilapitan ko ang babae at inalalayan tumayo. Kailangan ko syang ilayo dito. Hinila ko sya sa kamay at sabay kaming tumakbo palabas ng ladies room. Tumakbo kami sa gitna ng abandonadong hallway. Lumiko kami pabalik sa Dean's Office pero imbes na opisina ang tumambad sa amin ay isa na namang mahabang hallway. Tinakbo namin iyon at muling lumiko sa isang kanto at muli ay isang mahabang hallway na naman ang tumambad sa amin. Sa gitna ng hallway ang Ladie's room na pinanggalingan namin. Tila paikot-ikot l ang kami. "A-Ano'ng nangyayari?" tanong ng babaeng pulis. Lumingon ako sa likod namin at binunggo ako ng takot nang makita si Lucci sa dulo ng pasilyo. Madilim ang tingin nya sa amin. Wala ang bonnet nya sa ulo at patuloy ang pag-ilaw ng pulang apoy sa sungay nya. "Aura," tawag nya. "Hindi nyo ako matatakasan." Kinilabutan ako sa uri ng tingin nya. Handa syang pumatay. At sa pagkakataon na ito, mukhang kasama pati ako. Nakarinig ako ng kasa ng baril. Saktong pagtingin ko sa babaeng pulis naiputok nya ang baril sa direksyon ni Lucci. Nakaramdam ako ng sobrang takot. Hindi ko rin alam kung bakit. Mabilis akong tumingin kay Lucci. Tinamaan sya ng bala sa dibdib nya. May nakita akong umagos - 29 na itim na likido sa dibdib nya. Halos hindi ako nakagalaw. Bigla nalang akong nanghina nang makita ko na tinamaan sya ng bala. Isa syang demonyo, dapat lang sa kanya ang mawala pero bakit natatakot ako ngayon na mawala sya? "Lucci.." bulong ko. Humakbang ako palapit sa kanya. "Lucci.." "Hwag kang lumapit sa kanya!" hinawakan ako sa braso ng pulis at pinigilan. "Isa syang demonyo!" Biglang tumingin sa amin si Lucci. Bigla syang napaligiran ng apoy. Lumakas ang ihip ng hangin at natakpan ng mga makakapal na ulap ang langit. Naging madilim ang paligid.
Kahit nasa magkabilang dulo pa kami ng hallway, ramdam ko ang panginginig nya sa galit. Mas tumitindi ang apoy sa pagdaan ng bawat segundo. Hinila ako ng pulis palayo kay Lucci. "Kailangan na nating makaalis dito!" sigaw nya. "AURA!!!" sigaw ni Lucci na ikinagitla ko. Nagpatuloy kami sa pagtakbo ng babaeng pulis palayo kay Lucci. Tumakbo kami nang tumakbo sa hallway pero sa tuwing liliko kami, palagi namin syang nakikita sa dulo. "DITO TAYO!" pumasok kami sa isang classroom. Ini-lock nya ang pinto at hinarangan namin iyon ng lamesa. Napatingin kami sa tanging exit ng silid. Sliding na salamin ang bintana. Kasya kami kung sakali. Sabay kaming lumapit doon. Nasa 5th floor kami ng building. Marahas na bumukas ang pinto at lumipad palayo ang mga harang na inilagay namin doon. Lumipad ang lamesa at tumama sa salaming bintana. Malakas na tunog ng pagkabasag ng salamin ang sunod na narinig ko at huli na para maka-iwas ako s a - 30 lumipad na bubog sa pisngi ko. "Pahangas na mortal." Napalingon ako at nakita na hawak ni Lucci sa buhok nito ang babaeng pulis. Tumakbo ako para pigilan sya pero mabilis nya akong napansin at itinulak palayo. Nakita ko rin na nasunog ang kamay nya ng puting apoy pero parang hindi nya iyon napansin. Sa lakas ng pagkakatulak nya sa akin nahulog ako mula sa bukas na bintana. Nahigit ko ang kurtina para hindi malaglag sa building. Napatingin ako sa ibaba at nalula sa sobrang taas ng kinaroroonan ko. Napakapit ako nang mas mahigpit sa kurtina. Sigurado na mamamatay ako sa oras na bumitaw ako. Napatingin ako sa kurtina at narinig ko ang paglaslas non. Unti-unting napipilas ang kurtina. Hindi ako kayang suportahan no'n nang matagal. "AAAAAAAAAHHHH---" narinig ko ang sigaw ng babaeng pulis sa loob ng silid. Nakita ko ang pulang apoy sa loob non pero masyado na akong mababa para makita kung ano ang nangyayari sa loob. Alam ko.. patay na sya. Wala na naman akong nagawa para makapagligtas ng buhay ng isang tao. Muling napilas ang kurtina. Desperado ko iyong tinignan. Nagpatuloy lang iyon sa paglaslas. Mabagal na parang binibigyan ako ng pagkakataon na magdasal. Ipinikit ko ang mga mata ko nang makita na malapit na iyong mapunit hanggang dulo. Naramdaman ko na nalaglag ako. Pakiramdam ko nasa lalamunan ko na ang puso ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. "AURAAAA!!" May yumakap sa katawan ko at pumigil sa pagkahulog ko. Binuksan ko ang mga mata ko. - 31 Nakita ko ang itim na tela at alam ko na si Lucci iyon. Nasa ere kami. Nakatigil kami sa tapat ng third floor ng gusali. Napatingin ako sa kanya at bumungad sa akin ang malalaki at pulang apoy na pakpak sa likod nya. "Hsss..." Nasusunog sa puting apoy ang katawan ni Lucci na nakadikit sa akin. Nanlaki ang mga mata ko. "Bakit..?" bulong ko. Hindi nya ako sinagot. Bakas sa mukha nya na nahihirapan sya. Pinilit nya parin na lumipad paitaas. "Lucci!" Bumagsak kami sa rooftop. Bumigay na nang tuluyan ang mga pakpak nya. Mabilis akong lumayo sa kanya pagkabagsak namin. Pinagmasdan ko sya habang nakahiga sya sa sahig. Tinutupok ng puting apoy ang
katawan nya. Bakit nya ako hinawakan? Bakit nya ako iniligtas? Bakit pinilit nyang sagipin ak o kahit na alam nya na masusunog sya? Napahawak ako sa kwintas ko at napatingin sa kanya. Hindi sya gumagalaw. Unti-unti na rin nawawala ang mga puting apoy sa kanya. Nilapitan ko sya at umupo sa tabi nya. Nakapikit sya. Namumula ang balat nya na parang nasunog ng araw. "Lucci.." mahinang tawag ko sa kanya. May kung anong kirot sa puso ko nang makita syang nahihirapan. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Unti-unti nyang iminulat ang kanyang mga mata. Tumingin sya sa akin. Nagulat - 32 ako dahil hindi ang malamig na tingin ang nakita ko sa mga mata nya. Lungkot. "Bakit Aura...?" nanghihinang tanong nya "Bakit mas pinipili mo ang mga mortal kaysa sakin?" "Dahil.. iyon ang tama," sobra akong nakaramdam ng lungkot sa naging sagot ko. Tumawa sya ng mahina. "Hanggang ngayon nananatili parin na busilak ang puso mo mahal ko," tumingin sya sa langit "Hanggang ngayon ipinagtatanggol mo parin sila." Mahabang katahimikan ang lumipas. "Galit ako sa mga mortal.." sabi nya "Sila ang dahilan kung bakit nawala ka saki n. Ang sakim nilang mga puso ang dahilan kung bakit ka nawala. Hindi ko sila mapapatawad." Hindi ko maintindihan ang sinasabi nya. Naguguluhan ko lang syang tinignan. Muli syang tumingin sa akin. "Magkikita tayong muli mahal ko," itinaas nya ang isa nyang kamay para hawakan ang pisngi ko. "Hwag mo sana akong kamuhian." Nang dumampi ang kamay nya sa balat ko napapikit ako nang mariin. Pagmulat ko.. wala na sya. Naiwan akong nakaupo at nag-iisa. Napahawak ako sa pisngi ko at napansin ang isang bagay. Nawala ang sugat sa pisngi ko. ***!!0!!*** Aww.. Kawawa naman si Lucci. XD. Baka pala hindi ito umabot sa Watty Awards 2012. Dapat daw Complete na by Oct 31 eh. >.> Baka sa 2013 nalang. XD VOTE. COMMENT. BECOME A FAN. SPREAD. ADD TO LIB. DANKE =D - 33 Alesana Marie - 34 IV Hindi pumasok si Lucci kinabukasan. Mukhang wala rin nakapansin sa pagkawala nya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi naman siguro sya namatay kahapon. Natakot ako sa naisip ko. Hindi naman siguro. Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang naramdaman ko nang mawala sya sa harap ko. May parte sakin na nagluluksa pero hindi ko maintindihan kung bakit. I sa syang demonyo at tatlong tao na ang napatay nya. Dapat lang na matuwa ako dahil wala na sya hindi ba? Pero bakit tingin ako ng tingin sa bakanteng upuan ni Lucci? Nasanay na akong palaging nararamdaman ang tingin nya sakin. Hinahanap hanap ko ba sya? "Anna," tawag ko sa katabi ko "Nakita mo ba si Lucci sa campus?" tanong ko. Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin. "Lucci? Sino 'yon?" Doon ko lang nalaman kung bakit walang nakapansin sa pagkawala nya. Nabura na ang alaala nila tungkol kay Lucci. Kaya pala hindi tinawag ang pangalan nya s a roll call. "W-Wala.." sagot ko nalang.
Tumingin ako sa bintana sa tabi ko. May nakita akong itim na ibon na nakadapo sa sanga ng puno. Pero hindi katulad dati, nag-iisa lang ang ibon na 'yon. Natapos ang buong araw nang hindi ko nakikita ni anino nya. Umuwi na ako sa bahay. Wala sina Mama at Papa. Ngayon ang wedding anniversary nila kaya naman pumunta silang Palawan para mag-bakasyon sandali ng tatlong araw. Sa Lunes ang balik nila. Nag-iisa lang pala ako ngayon sa bahay. Bukas pa ang uwi ni kuya. Nasa hospital sila ngayon at naka-duty. Marami ang nasunog na bahay kagabi lang. Marami ang nasaktan at namatay sa sunog. Iniisip k o kung kagagawan ba yon ni Lucci. Hindi ba at galit sya sa mga mortal? - 35 Humiga lang ako sa kama at tinitigan ang kisame. Yung babaeng pulis kahapon isa na rin sa mga pinaghahanap ngayon. Tatlo na silang nawawala. Naaawa ako sa pamilya nila pero ano'ng magagawa ko? Hindi ko talaga kayang pigilan ang isang demonyo. Muntik na akong mamatay nang subukan ko. Naalala ko ang nangyari kahapon. Nalaglag ako sa building at iniligtas nya ako. Pero bakit? At ano ang sinasabi nya na 'dahil sa mga mortal kaya nawala ako'? Kilala ko ba s ya dati? May nabura ba akong alaala? Bakit parang kilala nya ako matagal na? Yung mga panaginip ko. Ano ang kinalaman non kay Lucci? Hindi ko maintindihan kung bakit ko sya nakikita sa mga panaginip na 'yon. Isasama nya ako sa mundo nya? Sa impyerno ba? "Meow~" tumalon sa kama ko si Whiskey. "Whiskey ano 'yon?" tanong ko. Hinimas ko ang kulay puting balahibo nya. Tinitigan ako ng kulay asul nyang mga mata. Isa syang albino na pusa at hindi sy a nakakarinig kaya naman nonsense kung kakausapin ko sya. "Meow~" humiga sya sa tyan ko. "Nagugutom ka na ba?" tanong ko ulit. Hindi sya sumagot. Dinilaan lang nya ang paa nya. Binuhat ko sya at tumayo ako sa kama. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Ikinuha ko sya ng catfood at inilagay 'yon sa bowl nya. Tahimik syang kumain. Ganon lang natapos ang gabi ko. Walang kahit na ano'ng kakaiba ang nangyari. SABADO. Umuulan kaya naman hindi ako nakalabas ng bahay. Nanatili lang ako sa loob. Masyadong tahimik ang loob ng bahay. Nasa kwarto nya si kuya at natutulog. Tanging si Whiskey lang ang katabi ko. Sya lang ang kinakausap ko kahit na hindi nya ako naririnig. - 36 Natulog lang kaming dalawa sa kama ko habang malakas parin ang buhos ng ulan sa labas. Sa tingin ko nanaginip ako dahil nakita ko si Lucci na nakatayo sa dul o ng kama ko. LINGGO. Maaliwalas sa labas. Pumunta ako ng simbahan para sa misa. Habang nasa loob ako ng simbahan parang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin. Hindi si Lucci 'yon. Kung pano ko nalaman, hindi ko rin alam. Basta, kapag nasa malapit sya nararamdaman ko sya. Parang may tali na nag-uugnay sa aming dalawa. Pagkatapos ng misa lumibot muna ako sa mga tinitinda sa labas ng simbahan. May mga rosaryo at kung anu-ano'ng ugat ng halaman na pangtaboy daw sa mga engkanto. Meron din kaya sila para sa demonyo? Kinapa ko ang kwintas ko. Saan kaya ito nabili ni Miguel? "MALAPIT NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO!" may matandang lalaki ang sumisigaw. Madungis sya at may suot na itim na salamin sa mata. "HUMINGI NA KAYO NG KAPATAWARAN SA DYOS! KUKUNIN NG DEMONYO ANG INYONG KALULUWA KUNG HINDI KAYO MAG-SISISI!"
Kukunin ng demonyo ang kaluluwa ng mga tao.. Iyon ba ang pakay sa akin ni Lucci? Isa syang demonyo, interesado ba sya sa kaluluwa ko? Naguguluhan na umuwi ako ng bahay. Hindi nawala ang pakiramdam na may nakamasid sa'kin. LUNES "Aura, yung baon mo," tawag sa akin ni Mama "Heto oh, muntik mo nang makalimutan." "Salamat Ma" "Nagmamadali ka yatang pumasok" "Uh.." - 37 "Haha napaka-sipag mo talaga mag-aral, sige na baka mahuli ka pa sa klase mo," nakangiting sabi ni Mama. "Bye Ma," humalik ako sa pisngi nya at umalis na. Hindi ko kasabay si kuya at si Miguel ngayon. Sa bus ako sumakay. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako nagmamadali na pumasok. Parang ang pangit isipin na nagmamadali ako dahil gusto kong malaman kung pumasok na si Lucci. Mabilis akong naglakad sa hallway. Napatigil ako sa labas ng room ko. Parang natatakot akong madismaya ngayong araw. Ano ba ang nangyayari sa'kin? Hindi ko dapat kalimutan na isa syang demonyo. Masama sya. Pero iniligtas nya ako. At kah it na ano'ng sama pa nya, hindi ko kayang makaramdam ng galit para sa kanya. Huminga ako nang malalim at binuksan ko ang pinto. Napalundag ang puso ko sa saya nang makita sya na nakaupo sa dulo ng classroom. Pula ang buhok, may suot na bonnet sa ulo at nakatingin sa akin na parang kanina pa nya ako hinihintay. Hinihintay nya ako. Napayuko ako at mabilis na lumakad papunta sa upuan ko. Nang makaupo na ako, nilingon ko sya. Kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para tignan sya sa mata a y hindi ko alam. Nagtitigan kaming dalawa. Unti-unti ay nawala ang mga tao sa paligid ko. Sya lang ang nakikita ng mga mata ko. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Tumayo sya at naglakad palapit sa akin. Umupo sya sa bakanteng silya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya at ganoon din sya. Hindi kami nagsasalita. Nasa tabi ko sya. Magkatabi kami ngayon. Ang lapit nya sakin. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero di ko magawang ibuka ang bibig ko. Nagkadikit ang dulo ng mga daliri namin at may munting puting apoy na sumunog sa daliri nya. Kumunot ang noo nya habang nakatingin sa daliri nya. Nawala rin agad ang puting apoy na yon at mabilis na gumaling ang sunog sa daliri nya. Mariin nyang ikinuyom ang mga kamao nya. Galit sya. Nakatingin sya sa lamesa nya at doon nya ibinuhos ang matalim na tingin nya. - 38 Pinagmasdan ko lang sya nang matagal. Hinihintay ko na mawala ang galit nya pero mukhang mas tumitindi ang galit nya sa paglipas ng minuto. "Saan ka pumunta?" tanong ko sa kanya na parang dati pa kaming magkaibigan "Nung nawala ka. Saan ka pumunta?" Nalipat sa akin ang tingin nya. Nakita ko na napalitan na ang emosyon sa mata nya. "Kinakausap mo na ako mahal ko. Lumipas na ba ang galit mo sa'kin?" "Hindi ako galit sa'yo. Pero ayokong pumapatay ka ng mga inosenteng tao." "Hindi sila inosente," dumilim ang mukha nya "Hwag mo silang ipagtanggol sa harap ko." "Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit nagkaron ng sunog dito?" Ngumiti sya nang madilim. "Oo ako ang may gawa non." "Bakit mo ginawa 'yon?" bulong ko. "Hindi mo maiintindihan. Isa akong demonyo mahal ko. Nabubuhay ako sa kasamaan ng mga tao. Ang pagiging makasarili nila ang nagpapalakas sa akin. Pero ang pinakanagpapalakas sa amin ay ang pagkuha sa mga kaluluwa nilang
makasalanan." "Hindi ko maintindihan," sabi ko. "Pumapatay ka.. para lumakas?" "Itigil mo na ang pagmamalasakit mo sa mga mortal Aura. Hindi mo sila dapat pinag-aaksayahan ng panahon." "Mortal ako," pagbibigay diin ko "Hindi ako katulad mo. Isa akong tao Lucci. Hwag mo akong kausapin na parang iba ako sa kanila." Nabalot ng galit ang mga mata nya. "Iba ka sa kanila mahal ko, hwag mong isipin na mababa kang uri ng nilalang katulad nila," mariin nyang sabi na may halong galit "Hindi ka makukulong sa mortal na katawan na 'yan kung hindi ka nila hinayaan na mamatay." Kinilabutan ako sa sinabi nya. Namatay ako? - 39 "Alam mo ba kung kanino ako pinaka-galit ngayon?" "Kanino?" "Sa Dyos ng mga tao." ISANG demonyo si Lucci. Sa panaginip ko, sya si Lucifer. Ayon sa mga libro isang dating anghel si Lucifer na naging sakim at gustong agawin ang kapangyarihan na nakuha ni Hesus sa langit. Isa syang anghel na pinapaboran ng Dyos higit sa laha t, nang umakyat si Hesus sa langit nakaramdam sya ng inggit at poot dahil nawala an g atensyon sa kanya. Bumuo sya ng isang hukbo na kakalaban sa Dyos ngunit hindi sya nagtagumpay. Pinutol ang kanyang mga pakpak at ipinatapon sa impyerno. May iba namang paniniwala na hindi si Lucifer ang anghel na nalaglag mula sa langit kundi si Satan. May iba naman nagsasabi na iisa lang ang dalawang 'yon. Sa sobrang dami ng kwento tungkol sa kanya mukhang nabaluktot na ang totoong pangyayari. Walang hindi nakakakilala sa kanya. Pero bakit galit sya sa kasakiman ng mga tao kung naging sakim din sya noon? Bakit sya galit sa mga tao kung nagiging malakas sya dahil sa kanila? Mukhang may mas malalim na dahilan pa ang galit nya. Hindi ko maiwasan na isipin na may kinalaman din ako doon. Ang sabi nya namatay ako kaya nakulong ako sa katawan ng isang 'mortal'? Ano'ng ibig nyang sabihin doon? Ano b a ako dati? Tinitigan ko nang diretso si Lucci. "Ano ba ang gusto mong makuha sa'kin?" tanong ko matapos ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Tinignan nya ako ng seryoso. "Ang kaluluwa mo mahal ko. 'Yon ang gusto ko mula sa'yo." Nabalot ako ng takot. "Papatayin mo rin ba ako?" "Hindi sa ngayon mahal ko. Hindi pa ngayon." ***\(*^*)/*** UWAAAAH! Gusto nya ang kaluluwa ni Aura!! O ano? Gusto nyo parin bang - 40 maging si Aura? Kukunin nya ang mga kaluluwa nyo at dadalhin sa impyerno. Well look at the BRIGHT SIDE! Makakasama nyo si Lucci - the ever so gorgeous, hot and smexy demon! @0@* Mukhang demon si GD sa MV ng She's Gone Haha! Brutal. Walang Celeb/Artist si Aura. Ayoko. Ang totoo nyan kasi.. Tayong lahat si Aura. Hahaha! Maliban nalang kung lalaki ka. Churi. XD ON-GOING po ito. Short lang. Mga 20chaps di ko sure. DI KO SURE kaya wala nang magtatanong. LOL. MALALAMAN nyo kung ENDING na kapag nabasa nyo ang THE END. FIN. COMPLETE. AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER. ISKEMPERTUSH. EKLAVU. CHEVERNESS at CHEVERLU. Ok? VOTE. COMMENT. BECOME A FAN. PROMOTE. Galaw galaw mga Silent Readers. Pumapatay si Lucci ng mga Silent R. Mouhahaha! Nagustuhan nyo new cover? Ako gumawa nyan LOL. Alesana Marie - 41 -
V Simula nang sabihin sakin ni Lucci na interesado sya sa kaluluwa ko at may balak sya na patayin ako, dumistansya ako sa kanya. Hindi ko sya tinitignan o pinapans in. Hindi ko sya maintindihan, bakit nya ako sinagip kung may balak syang kunin ang kaluluwa ko? Ni minsan hindi nawala ang tingin nya sakin. Hindi nya ako kinakausap o nilalapitan pero lagi lang syang nakasunod sa kung saan ako magpunta. Kung minsan napapagod na rin ako sa kakasunod nya. Para kasi akong nakakulong, palagi akong hindi makakilos nang malaya. Natatakot rin ako na makipag-usap sa kahit na sino kapag nandyan sya. Baka kasi pumatay syang muli. Ang mga nabiktima kasi nya ay mga tao na nakausap ko. Magpapasalamat ba ako dahil hindi pa nadadagdagan ang mga tao na pinatay nya sa harap ko? Isang linggo na ang nakalipas simula nang huli kaming nag-usap. Nasa bahay ako ngayon at nag-rereview. Umpisa na ng midterm exam namin. Abala ako sa pagbabasa nang may narinig akong malakas na sirena ng ambulansya. Napatayo ako at sumilip sa labas ng bintana. Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Mama na may kausap sa labas ng bahay. Maya-maya lang ay pumasok na sya. "Aura hwag kang lumabas ng bahay," agad na bilin ni Mama. "Bakit po Ma? Ano po ang nangyayari sa labas?" tanong ko. "Yung anak ni Tilde na si Atong, namatay sa aksidente." "N-Namatay po sya?" "Oo, pupuntahan ko muna si Tilde ikaw na muna ang bahala dito sa bahay Aura. - 42 Delikado nag-iisa ka pa naman. I-lock mo ang pinto paglabas ko," kinuha lang ni Mama ang pitaka nya mula sa cabinet at umalis na. Ini-lock ko ang pinto katulad ng bilin nya. Si Atong ay isang trenta anyos na lalaki na may pag-iisip ng isang walong taong gulang na bata. Palagi ko syang nadadaanan sa labas ng tindahan nila at nakikipaglaro sa ibang mga bata doon. Si Aling Tilde ay kaklase ni Mama at kaibi gan mula Higshschool, may-ari sila ng isang sari-sari store sa kabilang kanto. Napaka-lapit ng aksidente pero ano kaya ang nangyari? Biglang pumasok sa isipan ko si Lucci. Umiling ako. Hindi ko dapat isisi sa kanya lahat ng pagkamatay ng mga kakilala ko. At ang isang pa, hindi ko naman nakakausap si Atong kaya hindi nya 'yon papatayin. Pero pumatay parin sya ng maraming tao kamakailan lang sa isang sunog hindi ba? Hindi ko tuloy masabi kung aksidente ba ang pagkamatay ng anak ni Alin g Tilde o sinadya. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig. Umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Ipinatong ko ang baso sa lamesa ko at umupo na. Napatingin ako sa bintana. Nakasara. Napatayo akong muli nang maalala na nakabukas ko iyong iniwan. Sumilip pa nga ako sa labas. "Napakalinis ng kwarto mo mahal ko" Ang boses na 'yon. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit hindi ko sya napansin kanina nang pumasok ako? Tumingin ako sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" "Dumadalaw," simpleng sagot nya bago humiga sa kama ko. Kinakabahan na napahawak ako sa kwintas ko. "Papatayin mo na ba ako?" - 43 Tumingin sya sakin. "Naiinip ka na ba? Gusto mo na ba akong makasama nang habangbuhay mahal ko?" may inilabas syang gintong punyal.
Napaurong ako nang makita iyon. "Gagamitin mo ba 'yan sa pagpatay sa'kin?" "Oo mahal ko," sagot nya bago tignan ang punyal "Pero nakikita ko na natatakot ka ngayon kaya naman hindi pa ito ang oras para gamitin ko ito sa'yo." Naguluhan ako sa sinabi nya. Tila lahat ng sinasabi nya sakin ay nakakagulo sa pag-iisip ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Gagamitin ko lang ito kapag hiniling mo sa'kin mahal ko," itinago nya ang punya l sa damit nya "Hindi ko ito magagamit sa'yo kung nababahid ng takot ang puso mo." Sa tingin ko malala ang epekto ng lahat ng ito sa akin dahil natawa ako bigla. "Sino ba ang hindi natatakot mamatay?" "Mahal ko," tumayo sya at lumapit sa akin "Hindi mo ba ako gustong makasama sa kabilang buhay? Hindi ka pa ba pagod sa pagiging mortal mo?" Unti-unti akong nakakaramdam ng inis. "Hindi kita maintindihan," naiinis na umiwas ako ng tingin sa kanya "Bakit ko naman hihilingin sa'yo na patayin mo ako?" "Dahil gusto mo akong makasama," sagot nya "Hangga't nasa katawan ka ng isang mortal hindi kita maisasama sa kaharian natin." Sa kaharian. Naalala ko ang panaginip ko. Balak nya akong isama sa impyerno, sa kaharian na ginawa nya. "Bakit mo naman iniisip na gusto kong sumama sa'yo?" tanong ko at nagpatuloy nang hindi sya sumagot "Bakit ako sasama sa isang demonyo na katulad mo?" "Dahil gusto mo" - 44 "Bakit?" "Dahil gusto mo akong makasama." "Mali ka. Hindi kita gustong makasama Lucifer." Nakita kong naikuyom nya ang mga kamao nya. Dumilim ang mukha nya at tumalas ang tingin nya sa'kin. "Gusto mo," mariin nyang sabi "Gusto mo akong makasama Aura." "Hindi," madiin kong sagot "Walang dahilan para gustuhin ko na makasama ka." "Dahil mahal mo ako!" malakas nyang sabi na ikinabigla ko "Mahal mo ako." "Hindi kita mahal," matatag na sabi ko "Paano ko mamahalin ang isang napakasamang nilalang na katulad mo? Naisip mo ba?" Bigla nalang nya akong hinawakan sa magkabilang balikat at isinandal sa pader. Umiilaw sa galit ang mga mata nya, pero sa pinakatagong bahagi non ay may nakita pa akong isang emosyon na hindi ko maintindihan. "Ano ba ang ginagawa mo?!" sigaw ko nang makita na nasusunog na ang mga kamay nya. "Bakit Aura?! Bakit hindi mo ako maalala?!" galit na tanong nya habang dumidiin sa balat ko ang mga daliri nya. "Hindi kita kilala! Bitiwan mo ako!" nagpumiglas ako sa hawak nya pero masyado syang malakas. "Alalahanin mo ako Aura! Pilitin mo!" utos nya. "Bitawan mo ako!" Binitawan nya rin ako. Mabilis ang paghinga nya habang iniinda ang sakit ng pagkakasunog ng kamay nya. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Tumakbo ako papunta sa pinto ngunit bigla iyong sumara nang malakas. Pinihit ko ang seradura pero ayaw nitong bumukas. - 45 Naramdaman ko ang mabibigat nyang yabag at bago ko pa mamalayan ay nahila na nya ako at naitapon sa kama ko. Nagulat ako nang tumama ang likod ko sa malambot na higaan. Pinilit kong bumangon pero mabilis nya akong dinaganan. Itinulak ko sya sa dibdib pero itinaas nya lang ang dalawa kong kamay gamit ang isa nyang kamay. Nasa itaas ito ng ulo ko ngayon. Kinakabahan ako. Sobra akong natatakot lalo na nang makita ko na hindi lang umiilaw sa apoy ang dalawang sungay sa ulo nya, lumaki iyon. "Sa akin ka lang Aura! Hindi mo ako matatakasan!" galit na galit sya.
May kung ano'ng nagbago sa kanya. Iba ang galit nya ngayon kaysa dati. Iba'ng iba. Hindi man lang nya napapansin na nasusunog sya dahil sa proteksyon ko. "A-Ano ba ang kailangan mo sa'kin?" naiiyak na tanong ko. "Ilang libong taon kitang hinintay Aura! Hindi mo alam kung gaano katagal kitang hinintay! Hindi ako nanghintay nang ganon katagal para lang marinig na hindi mo na ako mahal!" nagtatagis ang bagang na sabi nya. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo! Bitawan mo ako!" Hinawakan nya ang baba ko para matitigan sya sa mata. "Hindi na ako maghihintay pa na bumalik ang alaala mo mahal ko," may galit parin nyang sabi "Mas mabuti kung ipaalala ko na sa'yo ang lahat ngayon. " "Ano'ng gagawin mo sa'kin?" Tumingin sya sa leeg ko. Mabilis nyang hinablot ang kwintas at pinigtas. Itinapo n nya ito sa malayo. "Inisip mo ba na hindi ko mahahalata?" mababang sabi nya at ngumisi "Na sa tuwing natatakot ka ay hinahawakan mo ang kwintas na 'yon? Ang proteksyon mo?" Nakaramdam na talaga ako ng sobrang takot sa kanya. Ngayong wala na ang proteksyon ko magagawa na nya lahat ng gusto nya sa'kin. Naluha nalang ako sa sobrang takot. - 46 Ibinaba nya ang mukha nya sa akin at pilit akong hinalikan sa labi. Tila naparal isa ang buo kong katawan nang maramdaman ang epekto ng halik na 'yon. Sya ang unang lalaki na humalik sa akin. May malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa balat ko at awtomatiko akong napapikit. Naglaho ang takot na nararamdaman ko at napalitan ng init. Nagtatalo ang isip ko at ang puso ko sa dapat kong gawin. Dapat ko syang itulak pero pinipigilan ako ng nararamdaman ko. Tuluyan nang naglaho sa pag-iisip ko na lumaban nang mawala ang distansya sa mga katawan namin. Naramdaman ko ang bigat ng katawan nya sa'kin. Ang init nya. Napasinghap ako nang maramdaman na kinagat nya ang labi ko. Nagulat ako nang ipasok nya ang dila nya sa bibig ko. Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya. Parang kinokontrol nya ang katawan ko, ni hindi ko magawang lumaban. Lumipat ang bibig nya pababa hanggang sa gilid ng leeg ko at patuloy parin akong hinahalikan. Ang bawat halik nya ay nag-iiwan ng mainit na pakiramdam sa balat k o. "Alalahanin mo mahal ko," bulong nya sa tenga ko at naramdaman ko ang mainit nyang hininga "Ang pakiramdam na ito. Pilitin mong alalahanin." Napapikit ako nang mariin nang marinig ang pagwasak nya sa damit ko. Pilitin na alalahanin ang pakiramdam na ito? Pinakawalan nya ang mga kamay ko. Naisip ko na itulak sya pero hindi ko magawa. Tinitigan ko lang sya habang nakatingin sya sakin na parang may hinihintay. Nawala na ang galit nya. Bumalik na rin sa dating laki nito ang mga sungay nya. Kalmado na ulit sya. "Hayaan mo na ipaalala ko sa'yo mahal ko," malumanay nyang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko. Muli nya akong hinalikan. - 47 Nahihilo ako sa dami ng nararamdaman ko ngayon. "Mahal ko.." bulong nya sa pagitan ng mga halik. "Aura.." Pabilis nang pabilis at tila sasabog ang dibdib ko sa bilis ng pintig ng puso ko . Mali ito. Maling mali. Pero hindi sumasangayon ang nararamdaman ko. Iginalaw ko ang mga kamay ko at hinaplos sya sa mga braso hanggang sa mapagsalikop ko ang dalawang kamay ko sa batok nya. Hinila ko sya nang mas malapit at tinugon ang bawat halik at haplos nya. ***~(*^*)~***
ERR.... May underage ba akong readers dito sa story na itow? Mga 11 years old to 14 years old? @__@ Ang laki ng pagkakaiba nila Timothy at Lucci no? LOL. Brutal yan si Lucci eh. XD Hwag nyong kalimutan na isa parin syang demonyo. Hahaha! Pero gusto ko parin si Lucci >///< Gustong gustong gusto ko sya! *U* Gusto ko sya kasi pumapatay sya ng mga SILENT READERS. Yung mga hindi marunong mag-Vote, Comment at Fan pero todo basa parin. LOL. A BIG THANKS KAY LARDEL24. =) Dedicated sa kanya. Sa mga nagtatanong kung ano gamit ko sa pag-edit ng cover. ADOBE PHOTOSHOP. Manual po yan, pahirapan at hindi automatic. Hanggang sa susunod na kabanata. BABUSH! Alesana Marie - 48 VI Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lupa. Masyado itong malapit sa kinaroroonan ko. Agad kong hinagilap ng tingin si Lucifer. Nakita ko syang nakikipaglaban sa isang demonyo. May naramdaman akong papalapit sa akin kaya naman agad kong itinaas ang espada na hawak ko para sanggain ang atake nya. Isa syang mababang uri ng demonyo ayon sa laki ng sungay nya. Ginamit ko ang mga pakpak ko para dagdagan ang pwersa ng atake na gagawin ko. Nahati ang espada nya at bumaon ang espada ko sa dibdib nya. "AAAAAAAAAAHHH!!" sigaw nya bago sya nasunog sa puting apoy at naglaho. Kapag namamatay ang mga demonyo walang pinupuntahan ang mga kaluluwa nila. Nawawala nalang sila sa mundo. Ang tanging may kakayahan na mapatay sila ay kami, ang mga anghel. Isa na namang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid. Naramdaman ko na lang na tumilapon ako sa kung saan. Ilang segundo akong natigilan, ilang minuto akong walang narinig at nanlalabo ang mga mata ko. Sa unti-unting pagbalik ng mga pakiramdam ko ay unti-unti ko ring naramdaman ang sakit ng katawan ko. Malala ang naging epekto sakin ng pagsabog. Malala ang pagkakabagsak ko. Nadaganan ko rin ang mga pakpak ko kaya hindi ko magawang igalaw sila. Nanatili akong nakahiga. Naririnig ko ang mga sigaw ng mga demonyo at anghel na naglalaban. Naririnig ko ang tunog ng mga nagbabanggaang espada nila. Nakita ko si Gabriel at Miguel na tinutulungan ang ibang anghel na nanghihina na. May isang anghel akong hinahanap. Ang mahal ko. Si Lucifer. Nasaan sya? Wala pa akong nakita na kasing perpekto nya. Sya ang pinaka-perpektong anghel na nakita ko. Ang mahal kong Lucifer. Napakaganda nyang pagmasdan habang - 49 nakikipaglaban. Mabilis nyang tinalo ang kalaban nyang demonyo. Lumingon sya sa pwesto ko kanina kung saan ako huling pumatay ng demonyo. Lumapit sya roon at lumingon sa paligid habang hinahanap ako. "AURA!!" sigaw nya sa pangalan ko. "Lucifer.." pilit kong isinigaw ang pangalan nya ngunit isang mahinang tawag lan g ang nagawa ko. "May buhay pa palang anghel dito" isang boses ng demonyo ang narinig ko. Lumapit sya at tumayo sa kung saan ako nakahiga. Pinagmasdan ko sya. May sungay sya na mas malaki kaysa sa ibang demonyo, kulay pula ang balat nya at mas malaki sya kumpara sa karaniwang demonyo. Sya na siguro si Satanas, ang anghel na bumuo ng hukbo laban sa Dyos. Ito ang ikalawang digmaan na ginawa nya. Hindi namin inaasahan na magiging ganito kalakas ang pwersa nila. Gumawa sila ng paraan para makakuha ng lakas mula sa mga tao. "AURAAAA!!" narinig kong sigaw muli ni Lucifer. Tinignan ko kung nasaan sya. Humahangos sya nang takbo papunta sa akin. Nababalot ng takot ang mukha nya habang nakatingin sa mukha ko.
Ngumiti ako sa kanya. 'Huli na ang lahat mahal ko.' Naramdaman ko ang espada na tumusok sa dibdib ko. Isang sigaw na puno ng pighati ang narinig ko mula kay Lucifer bago ko ipinikit ang mga mata ko. 'Mahal kita.. Lucifer.. Paalam mahal ko..' Nagising ako bigla at napaupo sa kama. Pinagpapawisan ako at parang tumakbo ako nang napakalayo sa bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang totoo. - 50 Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagtusok sakin ng espada nya. Pati na rin ang mga pag-sabog. Totoong totoo ang lahat. Kinalma ko ang sarili ko. Isa lang panaginip yon. Panaginip lang. Huminga ako nang malalim at yumuko nang may biglang sumakit sa akin. Bigla ko nalang naalala ang nangyari sa amin ni Lucci. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang mga ginawa namin. Hindi ko akalain na hahayaan ko syang.. gawin 'yon. Pero mas dumoble ang laki ng mga mata ko nang makita na wala ako sa kwarto ko. Nasa ibang lugar ako. Ibang silid. Puro kulay pula at kulay abo ang kwarto. Tinignan ko ang pulang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan. Nakaupo ako sa pulang kama na mukhang apat na beses ang laki kaysa sa kama ko sa bahay namin. Nasaan ako? Ang huling natatandaan ko ay nasa kwarto ko kami nang gawin namin yon. Ano'ng ginagawa ko dito? May bumukas na itim na pinto. May usok na lumabas mula roon at isang pigura ng tao ang nakita ko. "Lucci?" Hindi nga ako nagkamali. Si Lucci ang lumabas mula sa pinto na 'yon. Lumabas sya na pantalon lamang ang suot. Hindi ko na-kontrol ang sarili ko nang hagurin ko sya ng tingin. Napaka-puti ng balat nya, katamtaman lamang ang laki ng katawan nya pero kababakasan iyon ng kapangyarihan. Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang magtama ang mga mata namin. Bakas sa mga mata nya ang pagnanais na makasama ulit ako. Tinitignan nya ako na parang isang pagkain. Mabilis syang lumakad palapit sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang kumot at itinakip sa katawan ko. "Hwag mong gawin yan," sabi nya at hinila ang kumot mula sa akin "Hwag mong itago ang sarili mo sa akin mahal ko." Namula ako nang hagurin nya ng tingin ang katawan ko. Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang pisngi ko. - 51 Agad nya akong ginawaran ng isang malalim na halik. Pakiramdam ko sa iba na naman ang kahahantungan nito kaya naman itinulak ko na sya palayo. Naglagay ako ng distansya samin habang habol ko ang hininga ko. "Mahal ko bakit mo ako nilalayuan?" tanong nya sa mababang tono. Bakas sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang paglayo ko. Mas napaurong ako palayo sa kanya. Nasa kabilang dulo na ako ng kama at nakasandal sa ulunan nito. Kinuha ko ang pulang unan at itinakip sa katawan ko. Nasaan ba ang mga damit ko? Hindi ko namalayan nang umakyat si Lucci sa kama. Hinila nya ang magkabila kong paa, napahiga ako at napasigaw sa gulat. Bago ko pa mamalayan ay nakapaibabaw na sya sa akin. "Napakaganda mo mahal ko" bulong nya habang tinititigan ang kabuuan ko. Agad akong namula. Akmang hahalikan nya na naman ako nang iiwas ko ang mukha ko sa kanya. "Hwag Lucci," tinulak ko sya sa magkabilang balikat. "Hwag mo akong labanan mahal ko," banta nya at gamit ang isang kamay ay pinaharap nya ako sa kanya "Alam ko na nagustuhan mo ang nangyari sa atin. Gusto mo na malapit ako sa'yo, gusto mo ang mga haplos ko. Bakit mo ako itinutulak palayo?" Napuno ng takot ang dibdib ko. Totoo ang mga sinabi nya. Pero hindi ko 'yon
magawang aminin sa sarilli ko. Alam kong mali ang nangyari sa amin. Hindi ko sya mahal. "Ano'ng makukuha mo kapalit ng pagtulak mo sakin palayo? Ano ang makukuha mo sa paglaban sa nais ng katawan mo?" hinaplos nya ang katawan ko. Nakagat ko ang labi ko at pilit na pinipigilan ang gustong gawin ng katawan ko. Hindi pwede. Hindi 'yon pwedeng mangyari ulit. Isa 'yong malaking pagkakamali. "Ayokong may mangyari ulit sa'tin Lucci," mahinang sabi ko. "Kasinungalingan!" diin nya. - 52 "Hindi ako nagsisinungaling!" itinulak ko syang muli. Hinablot nya ang magkabila kong kamay at itinaas iyon sa ulo ko. "Hwang mong subukan na labanan ang sarili mo Aura," mariing sabi nya habang nakatitig sa akin ng diretso "Mapapagod ka lang" Ibinaon nya ang ulo nya sa gilid ng leeg ko at marahas nya akong hinalikan doon. Napasinghap na ako nang maramdaman ang pagkagat nya roon. Dumaloy muli ang mainit na sensasyon na dulot ng mga halik nya. Sa bawat balat na madampian ng labi nya ay nag-iiwan ng kaaya-ayang pakiramdam. Ano nga ba ang makukuha ko sa pag-tanggi sa kanya? Nilalabanan parin ng isip ko ang kagustuhan ng katawan ko. Napaungol ako nang bumaba ang labi nya patungo sa dibdib ko. "Sa akin ka lang Aura," bulong nya habang paulit ulit na sinisipsip ang balat ko "Sa akin ka lang." Pilit kong hinihigit ang mga kamay ko sa hawak nya. Isang kamay lang ang gamit nya roon pero hindi ko parin maalis. "Hwag Lucci.. Hwag mong gawin.." mahina kong tanggi habang naluluha dahil sa kahinaan ko. "Hindi mahal ko," sagot nya "Hindi ako titigil hanggat hindi mo inaamin na gusto mo rin ito." "Hwag please.. Nagmamakaawa ako.. Hwag" Dumoble ang kaba ko nang makita na naalis na nya ang huling saplot nya sa katawan at inihahanda ang sarili nya sa pagitan ng mga hita ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Matapos ang nangyari sa amin kagabi hindi pa ako handa na may mangyari ulit. Masyado paring masakit ang katawan ko. Nagpumiglas ako sa hawak nya. "Hwag Lucci!" sigaw ko sa kanya - 53 "Sabihin mo na mahal mo rin ako Aura!" "Hindi kita mamahalin kung ipipilit mo ang sarili mo sakin!" Lumiyab ang mga mata nya sa galit. "Bakit mo ba ako pilit na nilalabanan Aura?! Bakit?!" galit na tanong nya. "Dahil hindi ito tama! Hindi kita mahal!" mariin kong sabi. Umilaw ng kulay pula ang mga sungay nya. Nanginginig sya sa sobrang galit. Mas humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng sobrang takot dahil baka mas ituloy nya ang gusto nyang mangyari. "Ilang libong taon," nagngingitngit sa galit na sabi nya "Ilang libong taon kita ng hinintay. Hindi pa ba sapat ang pagdurusa ko ng mga panahon na 'yon?! Bakit mo ako kinalimutan Aura?! Paano mo nagawa sa akin ito?!" Natahimik ako sa mga sinabi nya. Punong puno ng pighati at galit ang mga mata nya. Na sobra syang nahihirapan at nasasaktan. Bigla nalang akong naiyak. Nalulungkot ako at nasasaktan para sa kanya. Umalis sya mula sa ibabaw ko. Isinuot nya ang pantalon nya at mabilis na lumabas ng kwarto. Malakas na sumara ang pinto sa likod nya. Naiwan akong umiiyak sa kama. Nasaktan ko sya. Nasasaktan ako na isipin na nasasaktan ko sya. Pero ano'ng gagawin ko? Mali na mahalin ko sya. Hindi sya tao. Kaya ko ba na magmahal ng isang demonyo? Bumukas ang pinto at pumasok si Lucci. Nakabihis na sya at mahinahon. "Lucci," napa-upo ako. May nilapag syang damit sa kama. Mga damit ko.
"Magbihis ka," sabi nya sa malamig na tono "Ibabalik na kita." - 54 Yumuko ako at kinuha ang mga damit ko. Nagbihis ako sa harap nya. Hindi sya gumagalaw o nagsasalita. Napaka-lamig ng tingin nya sakin. Parang may harang sa pagitan namin. Ibabalik na nya ako sa bahay namin. Bakit imbes na matuwa ako, mas lalo lang akong nasaktan? ***~(*3*)~*** PUNYAL - maliit na kutsilyo (dagger) SERADURA - doorknob LOL. Maiinis ba kayo kay Lucci? Isa parin naman syang demonyo kaya hindi sya ganon kabait. LOL. TAGALOG. Bumuhos ba ang dugo sa mga ilong nyo? NYAHAHAHA! Dapat kasi ipa-praybeyt tsapter ko ito kaso... hindi naman natuloy eh kaya SIGURO okay lang kahit hindi. AT ALAM Ko naman na MARAMI na naman ang magpi-PM sakin para hwag itong i-praybeyt. BASTA talaga BS nagiging ACTIVE kayo... Tinalo nyo pa ang student rally sa UP. nakuuuu.. (=.=) PAPATAYIN NI LUCCI LAHAT NG SILENT READERS. Ipapa-massacre nya sa mga pangit nyang kampon. Mouhahaha! Mala-DRAG ME TO HELL ang gagawin nya sa inyo. Mouhahaha! WALA po sabing gaganap na Aura. LOL. Tayo yun lahat. XD May ishe-share ako sa inyo. Ang weird pero parang minumulto ako ngayon. Ewan. Simula nang i-upload ko siguro ang chapter3 nag-umpisa na yung mga pag-gising ko bigla kapag 12am. Tapos may mga ingay dito sa bahay kapag 2am. Alam nyo yun? So creepy ah. VOTE. COMMENT. FAN. PROMOTE. Add to Library. =) DANKE. Alesana Marie - 55 VII Wala akong ginawa sa bahay kundi ang umiyak. Hindi ako lumabas sa kwarto ko nang makabalik ako. Sa tuwing papasok si Mama sasabihin ko lang sa kanya na masama ang pakiramdam ko. Nahihiya ako na harapin sya. Nahihiya ako sa ginawa ko. Nahihiya ako na nagsisinungaling ako sa kanya. Nagpasalamat ako nang umulan nang malakas kinabukasan. Agad na sinuspinde ang mga klase sa mga paaralan. Kahit papaano may oras ako para makapag-isip. Hindi ko pa sya mahaharap agad. Nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto ko. May mga bagay akong hindi masagot. Ako ba talaga ang Aura na sinasabi ni Lucci na mahal nya? Hindi kaya kamukha ko lang sya? Pero kung hindi ako, bakit ko sya napapanaginipan? Bakit parang totoong totoo na ang mga panaginip ko kung saan namatay ako? Namatay nga kaya ako noon? Muli akong nabuhay bilang isang mortal? Kung totoo yon, isa akong anghel? Ganoon din sina Kuya at Miguel..? Natatandaan ko na nakita ko sila sa panaginip ko. Sila ang dalawang anghel na tumutulong sa iba pang nasugatan habang nakikipaglaban. Isang reincarnation. Napaupo ako sa kama ko. Namatay din kaya sila kaya naman nabuhay silang muli bilang mortal naman? Higit sa lahat na ipinagtataka ko. Magkaibang demonyo si Satanas at Lucifer. Hindi katulad ng sinasabi ng iba na iisa sila. Pero sa pagkakatanda ko, isang anghel si Lucci sa panaginip ko. Bakit naging demonyo na sya ngayon? "Bunso," tawag sa akin ni kuya bago ako lumabas ng bahay "may sakit ka ba?" Umiling ako. "Wala naman kuya." "Hay nako Gabriel yang kapatid mo mukhang masyadong natututok sa pag-aaral kaya nagkakasakit," sabi ni Mama habang inaayos ang pagkain sa mesa. - 56 Kakatapos ko lang mag-almusal. Ngayon palang kakain si kuya. Mamaya pa ang pasok nya kaya naman hindi kami sabay. Nagtaka ako nang hindi inaalis ni kuya ang tingin nya sa akin. Nakakunot ang noo nya at tinitignan ako na parang may nagbago sa akin. "Aura magsabi ka ng totoo, may boyfriend ka na ba?" tanong nya.
"H-Huh?" "Para kasing..." ibinulong nya ang kasunod na salita kaya naman hindi ko narinig . "Ano 'yon kuya?" "Wala, ingat ka sa pag-pasok. Gusto mo bang sumabay sa pag-uwi?" "Hindi na kuya. Bye Ma! Alis na po ako." "Sige Aura, yung payong mo nilagay ko sa bag mo. Hwag kang magpapa-ulan." "Opo Mama." Medyo madilim parin ang langit paglabas ko ng bahay. Mukhang uulan ulit mamaya. Mga nakatayo at nagke-kwentuhan ang mga kaklase ko nang pumasok ako sa loob ng room. Wala pa ang GenPsy instructor namin. "Kyaah! Lucci hwag dyan, nakikiliti ako," may narinig akong tumili. Agad na napadako roon ang tingin ko. Pakiramdam ko sinampal ako nang malakas sa mukha. Doon sa dulo ng room, si Lucci may kasamang babae na nakakandong sa hita nya. Mukha silang normal na magkasintahan na naglalambingan. Hindi ako makahinga, parang may bumara sa dibdib ko at bigla iyong sumakit. Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit sila magkasama? - 57 Gusto na ba ni Lucci ang babaaeng 'yon? "Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy na nagmamadaling umupo sa pwesto nya. Pinilit kong lumakad papunta sa upuan ko. Napahinga ako nang malalim nang maabot ko ang pwesto ko. Naririnig ko parin sila. "Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz habang inilalapag sa teacher's table ang gamit nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto ko gumawa muna kayo ng essay tungkol sa last topic natin habang wala ako. I want five hundred words okay?" "Yes Maam" Umalis na rin si Maam agad. Ni hindi man lang nya sinaway sina Lucci na patuloy sa ginagawa. Wala sa sarili na kumuha ako ng yellow pad at isinulat ang essay. Hindi ako mapakali dahil sa ginagawa ni Lucci sa likod ko. Ang sabi nya mahal nya ako? Naghintay pa nga sya ng libong taon para sakin. Kasinungalingan lang ba ang mga 'yon? Dahil ba nakuha na nya ang gusto nya sakin? Dahil naibigay ko na sa kanya ang katawan ko? O naghanap sya ng iba dahil hindi ko hinayaan na may mangyari ulit samin? "Gosh Lucci ang hot mo talaga. You're hot as hell." "Gusto mo bang isama kita sa impyerno?" narinig ko ang boses ni Lucci. "Sure baby, basta kasama kita," tumawa ang babae. Isasama nya ang babaeng 'yon sa impyerno? Naalala ko na naman ang panaginip ko kung saan isinama nya ako sa mundo nya. Ipinakita nya sa akin ang kaharian na ginawa nya para sakin. "But before tayo pumunta sa impyerno dadalhin muna kita sa langit," mapang-akit ang boses ng babae. "Kaya mong gawin 'yon?" - 58 "Oo naman" Nagsimulang magkagulo ang mga kaklase namin. "Whooo!! Ang hot nyo!" "Dun na kayo sa labas! PDA!" "Ayos yan! Di na magiging boring ang sex education natin!" "Pre! Astig mo!" "Danna! Ako naman isunod mo!" "Gusto ko rin makapunta sa langit!" Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman ang ginagawa nila. Napatingin ako sa isinusulat ko. May mga tulo ng tubig doon. Pinunasan ko agad ang pisngi ko. Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko at
patakbo na lumabas ng classroom. Isa nga pala syang demonyo. Bakit ba ako naniwala sa mga sinabi nya? Isa syang manloloko. Sinungaling. Sasabihin nya ang lahat para lang makuha ang gusto nya. Saktong paglabas ko sa pinto bigla akong napatigil. Imbes na hallway ang mapuntahan ko, nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa loob ng classroom. Nakatay o ang mga kaklase ko at nagku-kwentuhan. Hindi katulad kanina na nagsisigawan at humihiyaw, nasa tahimik na pwesto lang ang mga lalaki at naglalaro ng PSP. Napatingin ako sa pwesto ni Lucci. Nakatingin lang sya sakin na parang pinag-aaralan akong mabuti. Walang babae sa kandungan nya. "Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy na nagmamadaling umupo sa pwesto nya. Umayos ng upo ang mga kaklase ko. Naguguluhan parin na pumunta na ako sa pwesto ko. "Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz habang inilalapag sa teacher's - 59 table ang gamit nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto ko gumawa muna kayo ng essay tungkol sa last topic natin habang wala ako. I want five hundred words okay?" "Yes Maam." Tila isang replay ang nangyari. Isang edited na replay kung saan walang Danna na kasama si Lucci. Hindi ko rin tanda na may Danna kaming kaklase. Umalis ang instructor namin pero hindi parin ako nagsimulang isulat ang essay. Imahinasyon ko lang ba 'yon? Lumapit si Lucci at umupo sa tabi ko. Nagtatanong ang mga mata na tinignan ko sya. "Hindi totoo ang mga nangyari kanina," sabi nya habang diretso ang tingin sa harap nya. Nakumpirma ko na sya ang nagmanipula sa isip ko. Kung hindi sya, paano nya nalaman? "Bakit mo 'yon ginawa? Bakit mo pinaglaruan ang isip ko?" Humarap sya sa akin nang galit. "Ano pa ba ang gusto mo na gawin ko Aura? Napapagod na ako sa pag-tanggi mo sakin na mahal mo rin ako." Natigilan ako. "Ginawa mo 'yon para saktan ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. Saglit syang ngumiti. "Kung ganon nasaktan ka mahal ko? Alam mo ba ang ibig sabihin ng naramdaman mo?" Na mahal ko sya? Gusto nya na aminin ko 'yon? Yun ba ang ibig sabihin non? Nasaktan ako dahil mahal ko sya? "Pinaglalaruan mo ba ako?" - 60 "Hindi mahal ko," mariin nyang tanggi "Ginawa ko yon para malaman mo na mahal mo ako." "Ilang beses ko ba na sasabihin sa'yo Lucci? Hindi kita--" "Ituloy mo ang sasabihin mong yan Aura, sa susunod hindi ko na yon gagawin sa isip mo lang. Tototohanin ko na ang lahat," nag-aalab ang mata na banta nya. Tinutukoy nya ang pakikipaghalikan sa ibang babae. Sa gulat ko ay nakaramdam ako ng matinding galit at sakit. Natakot ako sa sarili ko dahil kaya ko palang magalit nang ganon. Ayoko syang makita na may kasamang iba. Ang gusto ko akin lang sya. Ayoko na may ibang babae na hahawak o hahalik sa kanya, ako lang ang may karapatan sa kanya. Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ko magawang tumanggi. Hindi ko masabi na hindi ko sya mahal. Natatakot ba ako sa gagawin nya sa susunod? Kumuha na ako ng yellow paper at nag-sulat nang tahimik. Buong oras ay nakatingin lang sa akin si Lucci. Pinagmamasdan ako. Hinawakan nya ang ilang hibla ng buhok ko at pinaglaruan iyon sa daliri nya. "Mahal ko," mahinang tawag nya.
Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin ako sa kanya. Mahinahon na sya ulit. Napakabilis magbago ng emosyon nya. "Kung naging mortal ba ako, magagawa mo ba akong mahalin?" Nagulat ako sa tanong nya. Magsisinungaling ba ako o hindi? "Hindi ko alam.." bulong ko "Siguro.." "Pero hindi ako mortal. Kaya ba hindi mo ako mamahalin?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya gustong mahalin dahil isa syang demonyo. Pero kung tao syang katulad ko mamahalin ko sya? Mahal ko na ba si Lucci? - 61 Itinatanggi ko ba na mahal ko sya dahil isa syang demonyo na pumapatay? Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? "Lucci. Bakit mo ako mahal?" "Dahil nilikha ka para sa akin. Ikaw ang kalahati ko Aura." "Pero paano ka nakakasiguro na ako nga ang mahal mo? Iba na ako." "Ikaw parin si Aura. Nakikita ko ang kulay ng kaluluwa mo. Hindi ako maaaring magkamali." "Mahal mo ba talaga ako o ang anghel na Aura noon?" "Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sa'yo?" hinawakan nya ang pisngi ko "Paano mo nalaman na isang anghel si Aura?" "S-Sinabi mo sakin.." hindi ko matandaan kung sinabi nga nya iyon sakin. Pero ayokong sabihin na dahil napanaginipan ko ang tungkol don. "Mahal ko, may itinatago ka ba sa'kin?" Hindi ko sya sinagot. Nagsulat nalang ako katulad ng bilin ng instructor. Dapat ko bang sabihin? May babaeng nakatayo sa tapat ng bahay namin pag-uwi ko. May ginto syang buhok at katamtamang kulay ng balat. Mukhang kasing edad ko sya. Nakasuot sya ng kulay itim na damit, itim na jacket at pantalon. Ngumiti sya sa akin nang makalapit ako. "Ikaw na siguro si Aura," bati nya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Ako nga, kilala ba kita?" nagtatakang tanong ko. May kamaganak ba kaming umuwi galing sa ibang bansa? "Magkakilala tayo," sabi nya. - 62 "Pasensya na pero hindi kasi kita maalala. Kamaganak ka ba namin?" tanong ko. Ngumiti lang sya. "Ang pangalan ko ay Hecate. Pwede ba tayong mag-usap?" Hecate.. Parang pamilyar ang pangalan nya pero sigurado ako na ngayon ko lang iyon narinig. "S-Sige.." binuksan ko ang gate at pinapasok sya. "Mabuti naman. Marami tayong dapat na pag-usapan Aura." May kinuha syang pulang bote. Inalis nya ang takip nito at may lumabas na pulang usok. "A-Ano'ng ginagawa mo?" Pinanood ko ang pulang usok na lumibot sa buong bahay namin. Umikot yon sa paligid ng bahay namin at tumaas sa langit. Nagkaron ng pulang ulap na syang dahilan para maging madilim ang paligid. "Sinisigurado ko lang na hindi makakagambala sa usapan natin si Lucifer pati na rin ang dalawang anghel na nagbabantay sa'yo." Ibinalik nya ang maliit na bote sa itim nyang jacket. "K-Kilala mo si Lucci?" "Lucci? Yan na pala ang pangalan nya ngayon. Kung sabagay, masyadong halata kung gagamitin nya ang totoo nyang pangalan," nagkibit balikat sya. "Isa ka rin bang demonyo?" kinakabahan na tanong ko. Tumawa sya. "Mukha ba akong demonyo?" tumatawang tanong nya. Lumakad sya papasok sa bahay. Kung hindi sya demonyo.. anghel ba sya? "Masyado naman yatang maliit ang bahay mo," puna nya. - 63 -
Hindi maliit ang bahay namin para sa akin. Simple lang iyon pero sapat sa aming pamilya ang espasyo ng bahay. "Ano ba ang kailangan mo sakin?" "May pagkakamali akong nagawa noon. Gusto ko sana iyong itama," tumitingin tingin parin sya sa loob ng bahay namin. Tumigil ang mga mata nya sa The Last Supper na litrato. Nakasabit iyon sa sala. "Ano naman ang kinalaman ko don?" "Ikaw ang pagkakamali na tinutukoy ko Aura. Hindi ka dapat nabuhay muli," tumingin sya sa akin. "Hindi ko maintindihan.." "Hindi ko dapat sinabi kay Lucifer kung paano ka bubuhayin muli. Hindi ko dapat sya tinulungan. Hindi ko dapat sinuway ang kagustuhan ng Dyos. At ngayon napakalaking kaguluhan ang magiging epekto nito sa mga tao." "Ikaw.. ang bumuhay sa akin?" Umiling sya. "Tinulungan ko lang si Lucifer. Sinabi ko sa kanya ang isang bagay na mahigpit n a ipinagbabawal at ngayon pagdurusahan iyon ng mga mortal. Hindi ka dapat bumalik Aura." "Hindi ko.. maintindihan. Papatayin mo ba ako?" "Patawad Aura. Nagkamali ako. Hindi ko dapat ginawa 'yon," kumuha sya ng isang patalim mula sa likod nya. Napasinghap ako nang makita kung gaano katalas 'yon. Papatayin nya nga ako. "Ito lang ang tanging paraan na nakikita ko para mabago ang hinaharap ng mga tao." Napaatras ako nang lumapit sya. - 64 Ano'ng gagawin ko? "Hwag kang mag-alala. Hindi mo mararamdaman ang sakit nito." ****** Ow hindee!! Ano na ang mangyayari? Si Hecate ay ginagampanan ni Lee Chaerin or CL. XD The Leaders! LOL. Kulang si Teddy pa. Sino ang naiimagine nyo bilang Aura maliban sa 2NE1 members? Ayoko. Hindi bagay kay Dara at Bom lalo na kay Minzy. Trolololo. Dapat yung Angelic ang beauty. Ayoko rin sa SNSD o T-ARA o Sistar o Wonder Girls. Yung iba naman. XD Wala talaga akong maimagine na Aura. Speaking.. may AURA akong reader ang name. SILENT READER. Baka gustong puntahan ni Lucci. XD Ayoko na nga. Di ko nalang talaga sya lalagyan ng character para mas masaya. LOL. Siguro hanggang chapter 13 lang ito. Short Story lang kasi. BAKA lang naman, di ko pa sure. May kakatwang nangyari. Birthday ni GD (Lucci) taz ang ROL VI ay nakabuo ng 666. 6parts-16pages-aug16. Tapos yung TBYD ay nagkaroon ng 1,666,745 reads. Laging may 666. XD uuuy si Lucci ang nagpaparamdam. Halaaa.. >0< Anyway. Vote. Comment. Fan. Danke. Alesana Marie - 65 VIII Ito ba ang kamatayan? Napakadilim at napakalamig naman. Tila nakalutang ako sa hangin. "Aura! Aura!" Bigla kong iminulat ang mga ko. "Aura.. mahal ko." Hinawakan nya ang pisngi ko. Napa-init ng kamay nya. "Lucifer.. mahal ko.." bulong ko. Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa bibig ko. Malala ang sugat sa dibdib ko. Alam ko na hindi na ako magtatagal. "S-Si Sa..tanas.." "Wala na sya mahal ko," bakas ko ang takot sa mga mata nya "Pinatay ko na sya.
Hindi ka na nya masasaktan. Dito ka lang Aura. Hwag kang matutulog. Dito ka lang." Ngumiti ako. Buhat nya ako, lumipad sya sa himpapawid. "H-Hind ka pwedeng mawala sakin, dito ka lang Aura.." mabilis nyang sabi sa akin "Dito ka lang. Hwag mo akong iiwan." Pinilit ko na sundin sya. Marami nang dugo ang nawawala sa akin. Alam ko na malapit na ang oras ko. Hindi sinasabi sa amin kung ano ang mangyayari sa isang anghel kung mamamatay sila. Katulad ba ng demonyo na basta nalang mawawala? "Uriel!" sigaw ni Lucifer. - 66 "Lucifer, ano ang ginagawa mo dito?" "Si Aura, kailangan nya ng tulong!" Tinignan ako ni Uriel na may bakas ng awa sa mata. Alam ko na ang sagot bago pa nya ito sabihin. Tanggap ko na 'yon. Tanggap ko na ang kapalaran ko. "Wala na akong magagawa sa kanya," inaasahan ko na sabi nya. "Hwang mong sabihin 'yan! Nasan si Ama?! Sa kanya ako hihingi ng tulong!" "Wala si Ama rito Lucifer, inaayos nya ang problema sa lupa. Kahit na nandito pa sya, wala na syang magagawa sa anghel." "ITO BA?! Nakipaglaban kami, itinaya ang buhay para sa kanyang kaharian pero ito ang igaganti nya sa amin?!" "Hwag mong pagsalitaan nang ganyan si Ama, Lucifer!" sigaw sa kanya ni Uriel. "Bakit Uriel? Hindi ba at totoo naman? Nawala sa'yo si Karisma dahil hindi sya iniligtas ni Ama! Nawala sa'yo ang babaeng mahal mo at hindi ka man lang nya tinulungan!" sigaw pabalik ni Lucifer. Hindi nakasagot si Uriel. "Lu..cifer.. tama na..." nahihirapan akong huminga. Hindi ko na makita ang mukha nya. Nanlalabo na ang paningin ko. "Aura! Pangako gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang," naramdaman ko syang muling lumipad. "Lucifer!" boses ni Uriel. Hindi ko na makita kung saan sya pumunta. Nararamdaman ko lang ang hangin sa Lucifer.. "Hindi ka mawawala. Hindi pwede Aura. Hindi ka pwedeng mawala sa akin. Hindi ka pwedeng umalis." - 67 Nanlalamig na ang buong katawan ko. Nararamdaman ko na ang unti-unting paghina ng pakiramdam ko. Hindi ko na magawa pang ibukas ang bibig ko para tawagin ang pangalan nya. Hindi ko alam kung nakasara na ba ang mga mata ko o hindi. Wala na akong makita. Napakadilim na. "HECATE!!" Hecate.. Bakit.. Bakit sya lumapit sa Dyosa ng Mahika? "HECATE!! Alam kong nandyan ka!! Magpakita ka!!" "Ano ang kailangan mo Anghel?" isang malamig na boses ng babae ang sumagot. "Tulungan mo ako! Tulungan mo si Aura!" "Wala na akong magagawa pa para sa kanya" "May kakayahan ka! Alam ko na kaya mo syang tulungan." "Espada ni Satanas ang pumasok sa dibdib nya. Alam mo ba kung saan gawa ang espada na 'yon? Isang libong kaluluwa! Sa oras na matamaan ka ng espada nya, hihigupin nito ang kaluluwa mo. Ito ang nagpapalakas sa espada nya. Unti-unti na ng kinukuha ng espada ang buhay ng anghel na yan. Mawawala na sya. Tanggapin mo na." Tama sya. Nararamdaman ko na ang pagkawala ko. Tanggap ko na. Pero si Lucifer.. "Tumigil ka! Hwag mong sabihin 'yan! Gumawa ka ng paraan! Handa kong ibigay ang kahit na ano! Gumawa ka lang ng paraan para mabuhay sya.. Kahit ano Hecate." Lucifer.. "Kahit ang iyong mga pakpak?"
Hindi.. Hwag ang mga pakpak nya. Lucifer. Pabayaan mo nalang ako. "Ibibigay ko sa'yo kahit na ano. Kahit ang buhay ko pa Hecate," matigas na sabi ni Lucifer. - 68 Unti-unting nadudurog ang puso ko. "Sige Anghel," pagpayag ni Hecate "Bunutin mo ang mga pakpak mo at ibibigay ko sa anghel na yan ang isang buhay na walang hanggan.." "Pagagalingin mo ba sya?" "Hindi ko na magagawa pa 'yon. Kailangan nyang mamatay. Muli syang mabubuhay makalipas ang dalawang libong taon. Mabubuhay sya sa mundo ng mga mortal." "Dalawang libong taon?!" "Kailangan ko ang espada ni Satanas. Dalawang libong tao ang kailangan ko para muling kunin ang kaluluwa nya sa loob nito." Lucifer... Hwag mong gagawin. Kung hahawakan mo ang espada nya.. Hindi ka na maaari pang bumalik sa langit. "Sana lang ay alam mo kung ano ang mangyayari sa oras na hawakan mo ang espada nya. Kung tama ang hula ko na patay na sya, kailangan ng bagong hari ng impyerno." "Nang talikuran ng langit si Aura, tinalikuran ko na rin sila." Hindi Lucifer. Hwag mong gawin.. "Maghihintay ako.." matatag na sabi nya, bakas ang lungkot sa boses nya "Hihintayin kita Aura. Muli tayong magkakasama mahal ko." Iyon ang mga huling salita na narinig ko bago ako nawala nang tuluyan. Magkikita kaming muli pagkalipas ng dalawang libong taon. Itatama ko ang pagkakamali nya. Kahit na ano pa ang mangyari, itatama ko ito. ***~(*0*)~*** ITO ay flashback kung hindi pa halata. LOL. Si Hecate ay Goddess of Magic and Witchcraft. Kaugnay din sa kanya ang mga - 69 kaluluwa at necromancy etc. Sa greek mythology sya. Trololo. Yung AMA na tinatawag nila ay ang Dyos kung hindi pa halata (ulit). Alesana Marie - 70 IX Pagkagising ko mula sa mahimbing na pagkakatulog ko, agad kong napansin ang dalawang bagay. Una, nawala na ang sakit sa dibdib ko na dulot ng pagkakasaksak sakin ni Hecate, ang ikalawa ay ang mga boses na nag-uusap sa di kalayuan. May isang boses sa isip ko na nagsasabing hwag ko munang ipaalam na gising na ako. Binuksan ko ang mga mata ko nang kaunti upang silipin ang paligid. Nasa loo b ako ng kwarto ko. Sa labas ng bahagyang nakabukas na pintuan, sa tapat ay may mga nag-uusap, nagtatalo. Pinilit kong mabuti na pakinggan ang pinag-uusapan nila. "Ano sa tingin mo ang gagawin ni Lucifer sa oras na malaman nya na pinagtangkaan mo ang buhay ni Aura? Naisip mo ba na palalalain mo lang ang sitwasyon Hecate?" boses ni Miguel. "May hindi magandang epekto sa mga mortal ang muling pagkabuhay ni Aura. May mas malaking bagay na mangyayari sa hinaharap. Mas malaki pa kaysa sa digmaan ng mga demonyo at anghel," sagot ni Hecate. "Pero hindi mo dapat ginawa 'yon kay Aura!" sigaw ni kuya Gabriel "Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa kanya kung sakaling hindi ako lumabas mula sa kwarto ko. Mabuti nalang at nandito ako sa bahay at hindi umalis! Ano nalang ang mangyayari kung sakaling napatay mo nga ang kapatid ko--" "Nakakalimutan mo na ba kung sino ka Gabriel? May misyon ka!" matigas ang pagkakasabi ni Hecate. "Hindi mo sya totoong kapatid. Hindi ka mortal. Ipinadala ka lang dito para bantayan sya. Alam nating lahat na mangyayari ito. Darating sa pu
nto na kailangan humantong ang lahat sa kamatayan nilang dalawa. Sila ang isinumpang magkasintahan! Hindi sila maaaring magsama." "Ang isinumpang dalawa ayon sa propesiya?" usisa ni Miguel. "Oo, ang mga isinumpang anghel na hindi maaaring magsama. Sa oras na magkasama sila, magiging impyerno ang mundong ito. Magugulo ang mundo ng mga mortal," paliwanag ni Hecate. May nakabibinging katahimikan ang sumunod. Hindi ko maintindihan.. Isinumpang magkasintahan? - 71 "Kung ganon ano ang dapat nating gawin? Wala sa propesiya na isa sa atin ang dapat pumatay kay... Aura, ibig sabihin ay nakatakda syang mabuhay," si Miguel a ng bumasag sa katahimikan. "Kailangan nyang mamatay," ang matigas na sagot ni Hecate "Pinagsisisihan ko kung bakit ko sya binuhay pa. Nasira ko ang balanse ng mundo kaya naman magkakagulo sa lupa. Maraming mortal ang mapapahamak. Maraming anghel ang mamamatay." "Si Lucifer ang dapat na mamatay. Bakit hindi sya ang patayin mo Hecate?" tanong ni kuya Gabriel. Hindi kami maaaring magsama ni.. Lucci.. May kailangang mamatay sa amin? "Hindi ko kayang tumapak sa mundo nya," sagot ni Hecate "Hindi ko kayang pumunta sa purgatoryo. Masyado na rin syang lumakas simula nang huli naming pagkikita. Dala nyo ba ang gintong punyal?" "Oo, maingat ko iyong itinago. Yun nalang ang tanging sandata na maaaring pumatay kay Lucifer. Masyado syang naging malakas sa paglipas ng dalawang libong taon," sagot ni kuya Gabriel sa kanya. "Sadyang lalakas sya kung araw-araw ay ilang libong kaluluwa ang nakukuha nya," seryosong sabi ni Miguel. Nakakapanibago na marinig ang ganitong tono nya. "Masyado nang dumarami ang mga masasamang mortal kung ganon," kumento ni Hecate. Muli silang tumahimik. Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto. Nakatingin sa akin si Hecate. "Ilang minuto ka nang gising Aura?" tanong ni Hecate. Pumasok sa loob sina kuya at Miguel nang marinig ang sinabi ni Hecate. Tinignan ko silang tatlo, may iba't-ibang emosyon na dumaan sa mga mukha nila. Pagkagulat , pag-aalala. "Aura!" lumapit si kuya sa akin. Agad akong lumayo. Hindi ko sya kapatid. Isa syang anghel. Hindi sya tao. Niloko nya ako. Alam rin kaya nila Mama at Papa ang tungkol dito? - 72 "Aura.." malungkot na sambit ni kuya habang nakatingin sa akin. "Alam na nya," sabi ni Hecate atsaka bumuntong-hininga. "Oo, alam ko na gusto nyo akong patayin pati na rin si Lucci," mahinang sabi ko. Tumingin ako kay Hecate "Natatandaan ko na sinaksak mo ako sa dibdib kanina. Muntik mo na akong mapatay." "Muntik lang," sabi nya na parang hindi importante 'yon "At ang isa pa, ibinigay ko sa'yo ang buhay na yan. May karapatan akong kunin yan mula sa'yo." "Nakipag-kasundo sa'yo si Lucifer," matiim ko silang tinitigan. "Isinuko nya ang mga pakpak nya para sa buhay na 'to. Wala ni isa sa inyo ang may karapatan upang bawiin ito. Sya lang." Natahimik sila sa sinabi ko. Naalala ko na. Isa akong anghel noon, namatay ako a t muling nabuhay dahil kay Lucifer. Ang buhay ko ngayon ang kapalit ng paghugot nya sa sarili nyang mga pakpak. Hindi ko matanggap 'yon. Napakasakit ng ginawa nya sa sarili nya. Buhay ng isang anghel ang mga pakpak nila, kung huhugutin nila ang mga 'yon, imposible pa na mabuhay sila sa sobrang sakit. Pero kinaya iyong lahat ni Lucifer. Wala sa kalingkingan ng ginawa ni Lucifer an
g ginawa ni Hecate upang ibigay sa akin ang buhay na ito. Walang mas hihigit pa sa sakripisyo na ginawa nya. "Aura bumalik ka na.." sabi ni Miguel na tila di makapaniwala. Ngumisi si Hecate habang nakahalukipkip ang mga braso, nakasandal sya sa saradong pintuan ng kwarto. Nakatayo naman si Miguel, nakatingin sa akin. Napaupo naman sa kama ko si kuya.. hindi.. hindi ko nga pala sya kapatid. "Oo," pag-amin ko sa kanila "Bumalik na ang mga alaala ko. Naaalala ko na kung ano ang nangyari." Tinitigan ko ang dalawang anghel sa harap ko. "Naaalala ko na rin kayo Gabriel.. Miguel." "Kung narinig na nya ang lahat, kailangan syang ikulong sa bahay na ito bago pa - 73 nya sabihin ang plano natin sa mahal nyang demonyo," suhestyon ni Hecate. Tinitigan ako nila Gabriel at Miguel na parang nahahati ang desisyon. "Hindi nyo na kailangan pang gawin 'yan, isa pa rin naman akong anghel.. dati," hindi ako makapaniwala na isa na akong mortal. Dati ay tagabantay lang nila ako pero ngayon ay ako na ang binabantayan ng mga anghel. "Nasa pagkatao ko parin na gawin ang tama." Isa akong dating anghel, nilikha upang pagsilbihan si Ama pati na rin bantayan ang mga mortal dito sa lupa. Sa di inaasahang pangyayari, namatay ako. Tinignan ko ang mga kamay ko. Sino na ba ako ngayon? Isa na akong mortal, ito na ang mundo ko at hindi sa langit. Pero nananaig sa akin ang katarungan. Kailangan kong gawin ang tama. Kailangan kong magsakripisyo para sa kanilang lahat. Kailangan kong gawin ito. "Ano ang ibig mong sabihin Anghel?" tanong ni Hecate na hindi inaalis ang mapanuring tingin sa akin. "Kung sino man ang may karapatan na kunin ang buhay na ito, si Lucifer lang 'yon," bulong ko "At kung sino man ang may karapatan na patayin si Lucifer, ako lang 'yon." Natigilan silang tatlo. Hindi nila inaasahan ang mga sinabi ko. Kahit na ako ay nasasaktan din sa gagawin ko. Ang isipin na ako ang kailangang bumawi sa buhay ng mahal ko.. isa iyong napakabigat na misyon na nakapatong sa balikat ko. "Sinasabi mo ba na ikaw..." nag-aalalang bulong ni Gabriel. Tumango ako. "Kung plano nyo na kunin ang buhay ng mahal ko, ako ang dapat na gumawa nito at hindi kayo." ***!!!!*** - 74 OMG!!!! Papatayin ni Aura si Lucci!!! AAAAAAAAAHHH!!!! ANSABEHHHH?!!! Gustong patayin ni Lucci si Aura... At ngayon ay papatayin naman ni Aura si Lucci. Kung isinumpa silang di pwedeng mag-sama.. paano na ang lovestory ng mga bida? Hmm.. Dedicated kay yourlittledemon... kung malalim ang aking tagalog, mas malalim ang kanya... swear..!! Yung kanyang Married to Mr Stranger! XD May sasabihin ako sa inyo.. May i-share ulit ako... SI LUCCI nagparamdam ulit sa akin!! Alam nyo yung nag-status ako na puyat sa UD ng NTBG at ROL kaya ako ay matutulog na? Mga 4PM yun eh. Pumasok ako sa kwarto tapos.. After 3mins pagkahiga ko... may naramdaman akong kakaiba... >___.> Baka sa 2013 nalang. XD VOTE. COMMENT. BECOME A FAN. SPREAD. ADD TO LIB. DANKE =D - 33 Alesana Marie - 34 IV Hindi pumasok si Lucci kinabukasan. Mukhang wala rin nakapansin sa pagkawala nya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Hindi naman siguro sya namatay kahapon. Natakot ako sa naisip ko. Hindi naman siguro. Hindi ko kayang ipaliwanag kung ano ang naramdaman ko nang mawala sya sa harap ko. May parte sakin na nagluluksa pero hindi ko maintindihan kung bakit. I sa syang demonyo at tatlong tao na ang napatay nya. Dapat lang na matuwa ako dahil wala na sya hindi ba? Pero bakit tingin ako ng tingin sa bakanteng upuan ni Lucci? Nasanay na akong palaging nararamdaman ang tingin nya sakin. Hinahanap hanap ko ba sya? "Anna," tawag ko sa katabi ko "Nakita mo ba si Lucci sa campus?" tanong ko. Binigyan nya ako ng nagtatakang tingin. "Lucci? Sino 'yon?" Doon ko lang nalaman kung bakit walang nakapansin sa pagkawala nya. Nabura na ang alaala nila tungkol kay Lucci. Kaya pala hindi tinawag ang pangalan nya s a roll call. "W-Wala.." sagot ko nalang. Tumingin ako sa bintana sa tabi ko. May nakita akong itim na ibon na nakadapo sa sanga ng puno. Pero hindi katulad dati, nag-iisa lang ang ibon na 'yon. Natapos ang buong araw nang hindi ko nakikita ni anino nya. Umuwi na ako sa bahay. Wala sina Mama at Papa. Ngayon ang wedding anniversary nila kaya naman pumunta silang Palawan para mag-bakasyon sandali ng tatlong araw. Sa Lunes ang balik nila. Nag-iisa lang pala ako ngayon sa bahay. Bukas pa ang uwi ni kuya. Nasa hospital sila ngayon at naka-duty. Marami ang nasunog na bahay kagabi lang. Marami ang nasaktan at namatay sa sunog. Iniisip k o kung kagagawan ba yon ni Lucci. Hindi ba at galit sya sa mga mortal? - 35 Humiga lang ako sa kama at tinitigan ang kisame. Yung babaeng pulis kahapon isa na rin sa mga pinaghahanap ngayon. Tatlo na silang nawawala. Naaawa ako sa pamilya nila pero ano'ng magagawa ko? Hindi ko talaga kayang pigilan ang isang demonyo. Muntik na akong mamatay nang subukan ko. Naalala ko ang nangyari kahapon. Nalaglag ako sa building at iniligtas nya ako. Pero bakit? At ano ang sinasabi nya na 'dahil sa mga mortal kaya nawala ako'? Kilala ko ba s ya dati? May nabura ba akong alaala? Bakit parang kilala nya ako matagal na? Yung mga panaginip ko. Ano ang kinalaman non kay Lucci? Hindi ko maintindihan kung bakit ko sya nakikita sa mga panaginip na 'yon. Isasama nya ako sa mundo nya? Sa impyerno ba? "Meow~" tumalon sa kama ko si Whiskey. "Whiskey ano 'yon?" tanong ko. Hinimas ko ang kulay puting balahibo nya. Tinitigan ako ng kulay asul nyang mga mata. Isa syang albino na pusa at hindi sy a nakakarinig kaya naman nonsense kung kakausapin ko sya. "Meow~" humiga sya sa tyan ko. "Nagugutom ka na ba?" tanong ko ulit. Hindi sya sumagot. Dinilaan lang nya ang paa nya.
Binuhat ko sya at tumayo ako sa kama. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa kusina. Ikinuha ko sya ng catfood at inilagay 'yon sa bowl nya. Tahimik syang kumain. Ganon lang natapos ang gabi ko. Walang kahit na ano'ng kakaiba ang nangyari. SABADO. Umuulan kaya naman hindi ako nakalabas ng bahay. Nanatili lang ako sa loob. Masyadong tahimik ang loob ng bahay. Nasa kwarto nya si kuya at natutulog. Tanging si Whiskey lang ang katabi ko. Sya lang ang kinakausap ko kahit na hindi nya ako naririnig. - 36 Natulog lang kaming dalawa sa kama ko habang malakas parin ang buhos ng ulan sa labas. Sa tingin ko nanaginip ako dahil nakita ko si Lucci na nakatayo sa dul o ng kama ko. LINGGO. Maaliwalas sa labas. Pumunta ako ng simbahan para sa misa. Habang nasa loob ako ng simbahan parang may naramdaman akong nakatingin sa akin. Hindi ko nalang pinansin. Hindi si Lucci 'yon. Kung pano ko nalaman, hindi ko rin alam. Basta, kapag nasa malapit sya nararamdaman ko sya. Parang may tali na nag-uugnay sa aming dalawa. Pagkatapos ng misa lumibot muna ako sa mga tinitinda sa labas ng simbahan. May mga rosaryo at kung anu-ano'ng ugat ng halaman na pangtaboy daw sa mga engkanto. Meron din kaya sila para sa demonyo? Kinapa ko ang kwintas ko. Saan kaya ito nabili ni Miguel? "MALAPIT NA ANG KATAPUSAN NG MUNDO!" may matandang lalaki ang sumisigaw. Madungis sya at may suot na itim na salamin sa mata. "HUMINGI NA KAYO NG KAPATAWARAN SA DYOS! KUKUNIN NG DEMONYO ANG INYONG KALULUWA KUNG HINDI KAYO MAG-SISISI!" Kukunin ng demonyo ang kaluluwa ng mga tao.. Iyon ba ang pakay sa akin ni Lucci? Isa syang demonyo, interesado ba sya sa kaluluwa ko? Naguguluhan na umuwi ako ng bahay. Hindi nawala ang pakiramdam na may nakamasid sa'kin. LUNES "Aura, yung baon mo," tawag sa akin ni Mama "Heto oh, muntik mo nang makalimutan." "Salamat Ma" "Nagmamadali ka yatang pumasok" "Uh.." - 37 "Haha napaka-sipag mo talaga mag-aral, sige na baka mahuli ka pa sa klase mo," nakangiting sabi ni Mama. "Bye Ma," humalik ako sa pisngi nya at umalis na. Hindi ko kasabay si kuya at si Miguel ngayon. Sa bus ako sumakay. Hindi ko rin alam kung bakit ba ako nagmamadali na pumasok. Parang ang pangit isipin na nagmamadali ako dahil gusto kong malaman kung pumasok na si Lucci. Mabilis akong naglakad sa hallway. Napatigil ako sa labas ng room ko. Parang natatakot akong madismaya ngayong araw. Ano ba ang nangyayari sa'kin? Hindi ko dapat kalimutan na isa syang demonyo. Masama sya. Pero iniligtas nya ako. At kah it na ano'ng sama pa nya, hindi ko kayang makaramdam ng galit para sa kanya. Huminga ako nang malalim at binuksan ko ang pinto. Napalundag ang puso ko sa saya nang makita sya na nakaupo sa dulo ng classroom. Pula ang buhok, may suot na bonnet sa ulo at nakatingin sa akin na parang kanina pa nya ako hinihintay. Hinihintay nya ako. Napayuko ako at mabilis na lumakad papunta sa upuan ko. Nang makaupo na ako, nilingon ko sya. Kung saan ko nakuha ang lakas ng loob para tignan sya sa mata a y hindi ko alam. Nagtitigan kaming dalawa. Unti-unti ay nawala ang mga tao sa paligid ko. Sya
lang ang nakikita ng mga mata ko. Sa kanya lang nakatuon ang atensyon ko. Tumayo sya at naglakad palapit sa akin. Umupo sya sa bakanteng silya sa tabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya at ganoon din sya. Hindi kami nagsasalita. Nasa tabi ko sya. Magkatabi kami ngayon. Ang lapit nya sakin. Ang dami kong gustong itanong sa kanya pero di ko magawang ibuka ang bibig ko. Nagkadikit ang dulo ng mga daliri namin at may munting puting apoy na sumunog sa daliri nya. Kumunot ang noo nya habang nakatingin sa daliri nya. Nawala rin agad ang puting apoy na yon at mabilis na gumaling ang sunog sa daliri nya. Mariin nyang ikinuyom ang mga kamao nya. Galit sya. Nakatingin sya sa lamesa nya at doon nya ibinuhos ang matalim na tingin nya. - 38 Pinagmasdan ko lang sya nang matagal. Hinihintay ko na mawala ang galit nya pero mukhang mas tumitindi ang galit nya sa paglipas ng minuto. "Saan ka pumunta?" tanong ko sa kanya na parang dati pa kaming magkaibigan "Nung nawala ka. Saan ka pumunta?" Nalipat sa akin ang tingin nya. Nakita ko na napalitan na ang emosyon sa mata nya. "Kinakausap mo na ako mahal ko. Lumipas na ba ang galit mo sa'kin?" "Hindi ako galit sa'yo. Pero ayokong pumapatay ka ng mga inosenteng tao." "Hindi sila inosente," dumilim ang mukha nya "Hwag mo silang ipagtanggol sa harap ko." "Ikaw ba ang may kagagawan kung bakit nagkaron ng sunog dito?" Ngumiti sya nang madilim. "Oo ako ang may gawa non." "Bakit mo ginawa 'yon?" bulong ko. "Hindi mo maiintindihan. Isa akong demonyo mahal ko. Nabubuhay ako sa kasamaan ng mga tao. Ang pagiging makasarili nila ang nagpapalakas sa akin. Pero ang pinakanagpapalakas sa amin ay ang pagkuha sa mga kaluluwa nilang makasalanan." "Hindi ko maintindihan," sabi ko. "Pumapatay ka.. para lumakas?" "Itigil mo na ang pagmamalasakit mo sa mga mortal Aura. Hindi mo sila dapat pinag-aaksayahan ng panahon." "Mortal ako," pagbibigay diin ko "Hindi ako katulad mo. Isa akong tao Lucci. Hwag mo akong kausapin na parang iba ako sa kanila." Nabalot ng galit ang mga mata nya. "Iba ka sa kanila mahal ko, hwag mong isipin na mababa kang uri ng nilalang katulad nila," mariin nyang sabi na may halong galit "Hindi ka makukulong sa mortal na katawan na 'yan kung hindi ka nila hinayaan na mamatay." Kinilabutan ako sa sinabi nya. Namatay ako? - 39 "Alam mo ba kung kanino ako pinaka-galit ngayon?" "Kanino?" "Sa Dyos ng mga tao." ISANG demonyo si Lucci. Sa panaginip ko, sya si Lucifer. Ayon sa mga libro isang dating anghel si Lucifer na naging sakim at gustong agawin ang kapangyarihan na nakuha ni Hesus sa langit. Isa syang anghel na pinapaboran ng Dyos higit sa laha t, nang umakyat si Hesus sa langit nakaramdam sya ng inggit at poot dahil nawala an g atensyon sa kanya. Bumuo sya ng isang hukbo na kakalaban sa Dyos ngunit hindi sya nagtagumpay. Pinutol ang kanyang mga pakpak at ipinatapon sa impyerno. May iba namang paniniwala na hindi si Lucifer ang anghel na nalaglag mula sa langit kundi si Satan. May iba naman nagsasabi na iisa lang ang dalawang 'yon. Sa sobrang dami ng kwento tungkol sa kanya mukhang nabaluktot na ang totoong pangyayari. Walang hindi nakakakilala sa kanya. Pero bakit galit sya sa kasakiman ng mga tao kung naging sakim din sya noon? Bakit sya galit sa mga tao kung nagiging malakas sya dahil sa kanila? Mukhang may mas malalim na dahilan pa ang galit nya. Hindi ko maiwasan na isipin na may kinalaman din ako doon. Ang sabi nya namatay ako kaya
nakulong ako sa katawan ng isang 'mortal'? Ano'ng ibig nyang sabihin doon? Ano b a ako dati? Tinitigan ko nang diretso si Lucci. "Ano ba ang gusto mong makuha sa'kin?" tanong ko matapos ang mahabang katahimikan sa aming dalawa. Tinignan nya ako ng seryoso. "Ang kaluluwa mo mahal ko. 'Yon ang gusto ko mula sa'yo." Nabalot ako ng takot. "Papatayin mo rin ba ako?" "Hindi sa ngayon mahal ko. Hindi pa ngayon." ***\(*^*)/*** UWAAAAH! Gusto nya ang kaluluwa ni Aura!! O ano? Gusto nyo parin bang - 40 maging si Aura? Kukunin nya ang mga kaluluwa nyo at dadalhin sa impyerno. Well look at the BRIGHT SIDE! Makakasama nyo si Lucci - the ever so gorgeous, hot and smexy demon! @0@* Mukhang demon si GD sa MV ng She's Gone Haha! Brutal. Walang Celeb/Artist si Aura. Ayoko. Ang totoo nyan kasi.. Tayong lahat si Aura. Hahaha! Maliban nalang kung lalaki ka. Churi. XD ON-GOING po ito. Short lang. Mga 20chaps di ko sure. DI KO SURE kaya wala nang magtatanong. LOL. MALALAMAN nyo kung ENDING na kapag nabasa nyo ang THE END. FIN. COMPLETE. AND THEY LIVED HAPPILY EVER AFTER. ISKEMPERTUSH. EKLAVU. CHEVERNESS at CHEVERLU. Ok? VOTE. COMMENT. BECOME A FAN. PROMOTE. Galaw galaw mga Silent Readers. Pumapatay si Lucci ng mga Silent R. Mouhahaha! Nagustuhan nyo new cover? Ako gumawa nyan LOL. Alesana Marie - 41 V Simula nang sabihin sakin ni Lucci na interesado sya sa kaluluwa ko at may balak sya na patayin ako, dumistansya ako sa kanya. Hindi ko sya tinitignan o pinapans in. Hindi ko sya maintindihan, bakit nya ako sinagip kung may balak syang kunin ang kaluluwa ko? Ni minsan hindi nawala ang tingin nya sakin. Hindi nya ako kinakausap o nilalapitan pero lagi lang syang nakasunod sa kung saan ako magpunta. Kung minsan napapagod na rin ako sa kakasunod nya. Para kasi akong nakakulong, palagi akong hindi makakilos nang malaya. Natatakot rin ako na makipag-usap sa kahit na sino kapag nandyan sya. Baka kasi pumatay syang muli. Ang mga nabiktima kasi nya ay mga tao na nakausap ko. Magpapasalamat ba ako dahil hindi pa nadadagdagan ang mga tao na pinatay nya sa harap ko? Isang linggo na ang nakalipas simula nang huli kaming nag-usap. Nasa bahay ako ngayon at nag-rereview. Umpisa na ng midterm exam namin. Abala ako sa pagbabasa nang may narinig akong malakas na sirena ng ambulansya. Napatayo ako at sumilip sa labas ng bintana. Mabilis akong lumabas ng kwarto at bumaba. Nakita ko si Mama na may kausap sa labas ng bahay. Maya-maya lang ay pumasok na sya. "Aura hwag kang lumabas ng bahay," agad na bilin ni Mama. "Bakit po Ma? Ano po ang nangyayari sa labas?" tanong ko. "Yung anak ni Tilde na si Atong, namatay sa aksidente." "N-Namatay po sya?" "Oo, pupuntahan ko muna si Tilde ikaw na muna ang bahala dito sa bahay Aura. - 42 Delikado nag-iisa ka pa naman. I-lock mo ang pinto paglabas ko," kinuha lang ni Mama ang pitaka nya mula sa cabinet at umalis na. Ini-lock ko ang pinto katulad ng bilin nya. Si Atong ay isang trenta anyos na lalaki na may pag-iisip ng isang walong taong gulang na bata. Palagi ko syang nadadaanan sa labas ng tindahan nila at
nakikipaglaro sa ibang mga bata doon. Si Aling Tilde ay kaklase ni Mama at kaibi gan mula Higshschool, may-ari sila ng isang sari-sari store sa kabilang kanto. Napaka-lapit ng aksidente pero ano kaya ang nangyari? Biglang pumasok sa isipan ko si Lucci. Umiling ako. Hindi ko dapat isisi sa kanya lahat ng pagkamatay ng mga kakilala ko. At ang isang pa, hindi ko naman nakakausap si Atong kaya hindi nya 'yon papatayin. Pero pumatay parin sya ng maraming tao kamakailan lang sa isang sunog hindi ba? Hindi ko tuloy masabi kung aksidente ba ang pagkamatay ng anak ni Alin g Tilde o sinadya. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng tubig. Umakyat na ulit ako sa kwarto ko. Ipinatong ko ang baso sa lamesa ko at umupo na. Napatingin ako sa bintana. Nakasara. Napatayo akong muli nang maalala na nakabukas ko iyong iniwan. Sumilip pa nga ako sa labas. "Napakalinis ng kwarto mo mahal ko" Ang boses na 'yon. Agad na bumilis ang tibok ng puso ko. Bakit hindi ko sya napansin kanina nang pumasok ako? Tumingin ako sa kanya. "Ano'ng ginagawa mo dito?" "Dumadalaw," simpleng sagot nya bago humiga sa kama ko. Kinakabahan na napahawak ako sa kwintas ko. "Papatayin mo na ba ako?" - 43 Tumingin sya sakin. "Naiinip ka na ba? Gusto mo na ba akong makasama nang habangbuhay mahal ko?" may inilabas syang gintong punyal. Napaurong ako nang makita iyon. "Gagamitin mo ba 'yan sa pagpatay sa'kin?" "Oo mahal ko," sagot nya bago tignan ang punyal "Pero nakikita ko na natatakot ka ngayon kaya naman hindi pa ito ang oras para gamitin ko ito sa'yo." Naguluhan ako sa sinabi nya. Tila lahat ng sinasabi nya sakin ay nakakagulo sa pag-iisip ko. "Ano'ng ibig mong sabihin?" "Gagamitin ko lang ito kapag hiniling mo sa'kin mahal ko," itinago nya ang punya l sa damit nya "Hindi ko ito magagamit sa'yo kung nababahid ng takot ang puso mo." Sa tingin ko malala ang epekto ng lahat ng ito sa akin dahil natawa ako bigla. "Sino ba ang hindi natatakot mamatay?" "Mahal ko," tumayo sya at lumapit sa akin "Hindi mo ba ako gustong makasama sa kabilang buhay? Hindi ka pa ba pagod sa pagiging mortal mo?" Unti-unti akong nakakaramdam ng inis. "Hindi kita maintindihan," naiinis na umiwas ako ng tingin sa kanya "Bakit ko naman hihilingin sa'yo na patayin mo ako?" "Dahil gusto mo akong makasama," sagot nya "Hangga't nasa katawan ka ng isang mortal hindi kita maisasama sa kaharian natin." Sa kaharian. Naalala ko ang panaginip ko. Balak nya akong isama sa impyerno, sa kaharian na ginawa nya. "Bakit mo naman iniisip na gusto kong sumama sa'yo?" tanong ko at nagpatuloy nang hindi sya sumagot "Bakit ako sasama sa isang demonyo na katulad mo?" "Dahil gusto mo" - 44 "Bakit?" "Dahil gusto mo akong makasama." "Mali ka. Hindi kita gustong makasama Lucifer." Nakita kong naikuyom nya ang mga kamao nya. Dumilim ang mukha nya at tumalas ang tingin nya sa'kin. "Gusto mo," mariin nyang sabi "Gusto mo akong makasama Aura." "Hindi," madiin kong sagot "Walang dahilan para gustuhin ko na makasama ka."
"Dahil mahal mo ako!" malakas nyang sabi na ikinabigla ko "Mahal mo ako." "Hindi kita mahal," matatag na sabi ko "Paano ko mamahalin ang isang napakasamang nilalang na katulad mo? Naisip mo ba?" Bigla nalang nya akong hinawakan sa magkabilang balikat at isinandal sa pader. Umiilaw sa galit ang mga mata nya, pero sa pinakatagong bahagi non ay may nakita pa akong isang emosyon na hindi ko maintindihan. "Ano ba ang ginagawa mo?!" sigaw ko nang makita na nasusunog na ang mga kamay nya. "Bakit Aura?! Bakit hindi mo ako maalala?!" galit na tanong nya habang dumidiin sa balat ko ang mga daliri nya. "Hindi kita kilala! Bitiwan mo ako!" nagpumiglas ako sa hawak nya pero masyado syang malakas. "Alalahanin mo ako Aura! Pilitin mo!" utos nya. "Bitawan mo ako!" Binitawan nya rin ako. Mabilis ang paghinga nya habang iniinda ang sakit ng pagkakasunog ng kamay nya. Mabilis akong tumakbo palayo sa kanya. Tumakbo ako papunta sa pinto ngunit bigla iyong sumara nang malakas. Pinihit ko ang seradura pero ayaw nitong bumukas. - 45 Naramdaman ko ang mabibigat nyang yabag at bago ko pa mamalayan ay nahila na nya ako at naitapon sa kama ko. Nagulat ako nang tumama ang likod ko sa malambot na higaan. Pinilit kong bumangon pero mabilis nya akong dinaganan. Itinulak ko sya sa dibdib pero itinaas nya lang ang dalawa kong kamay gamit ang isa nyang kamay. Nasa itaas ito ng ulo ko ngayon. Kinakabahan ako. Sobra akong natatakot lalo na nang makita ko na hindi lang umiilaw sa apoy ang dalawang sungay sa ulo nya, lumaki iyon. "Sa akin ka lang Aura! Hindi mo ako matatakasan!" galit na galit sya. May kung ano'ng nagbago sa kanya. Iba ang galit nya ngayon kaysa dati. Iba'ng iba. Hindi man lang nya napapansin na nasusunog sya dahil sa proteksyon ko. "A-Ano ba ang kailangan mo sa'kin?" naiiyak na tanong ko. "Ilang libong taon kitang hinintay Aura! Hindi mo alam kung gaano katagal kitang hinintay! Hindi ako nanghintay nang ganon katagal para lang marinig na hindi mo na ako mahal!" nagtatagis ang bagang na sabi nya. "Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo! Bitawan mo ako!" Hinawakan nya ang baba ko para matitigan sya sa mata. "Hindi na ako maghihintay pa na bumalik ang alaala mo mahal ko," may galit parin nyang sabi "Mas mabuti kung ipaalala ko na sa'yo ang lahat ngayon. " "Ano'ng gagawin mo sa'kin?" Tumingin sya sa leeg ko. Mabilis nyang hinablot ang kwintas at pinigtas. Itinapo n nya ito sa malayo. "Inisip mo ba na hindi ko mahahalata?" mababang sabi nya at ngumisi "Na sa tuwing natatakot ka ay hinahawakan mo ang kwintas na 'yon? Ang proteksyon mo?" Nakaramdam na talaga ako ng sobrang takot sa kanya. Ngayong wala na ang proteksyon ko magagawa na nya lahat ng gusto nya sa'kin. Naluha nalang ako sa sobrang takot. - 46 Ibinaba nya ang mukha nya sa akin at pilit akong hinalikan sa labi. Tila naparal isa ang buo kong katawan nang maramdaman ang epekto ng halik na 'yon. Sya ang unang lalaki na humalik sa akin. May malakas na boltahe ng kuryente ang dumaloy sa balat ko at awtomatiko akong napapikit. Naglaho ang takot na nararamdaman ko at napalitan ng init. Nagtatalo ang isip ko at ang puso ko sa dapat kong gawin. Dapat ko syang itulak pero pinipigilan ako ng nararamdaman ko. Tuluyan nang naglaho sa pag-iisip ko na lumaban nang mawala ang distansya sa mga katawan namin. Naramdaman ko ang bigat ng katawan nya sa'kin. Ang init nya. Napasinghap ako nang maramdaman na kinagat nya ang labi ko. Nagulat ako nang ipasok nya ang dila nya sa bibig ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nya. Parang kinokontrol nya ang katawan ko, ni hindi ko magawang lumaban. Lumipat ang bibig nya pababa hanggang sa gilid ng leeg ko at patuloy parin akong hinahalikan. Ang bawat halik nya ay nag-iiwan ng mainit na pakiramdam sa balat k o. "Alalahanin mo mahal ko," bulong nya sa tenga ko at naramdaman ko ang mainit nyang hininga "Ang pakiramdam na ito. Pilitin mong alalahanin." Napapikit ako nang mariin nang marinig ang pagwasak nya sa damit ko. Pilitin na alalahanin ang pakiramdam na ito? Pinakawalan nya ang mga kamay ko. Naisip ko na itulak sya pero hindi ko magawa. Tinitigan ko lang sya habang nakatingin sya sakin na parang may hinihintay. Nawala na ang galit nya. Bumalik na rin sa dating laki nito ang mga sungay nya. Kalmado na ulit sya. "Hayaan mo na ipaalala ko sa'yo mahal ko," malumanay nyang sabi habang hinahaplos ang pisngi ko. Muli nya akong hinalikan. - 47 Nahihilo ako sa dami ng nararamdaman ko ngayon. "Mahal ko.." bulong nya sa pagitan ng mga halik. "Aura.." Pabilis nang pabilis at tila sasabog ang dibdib ko sa bilis ng pintig ng puso ko . Mali ito. Maling mali. Pero hindi sumasangayon ang nararamdaman ko. Iginalaw ko ang mga kamay ko at hinaplos sya sa mga braso hanggang sa mapagsalikop ko ang dalawang kamay ko sa batok nya. Hinila ko sya nang mas malapit at tinugon ang bawat halik at haplos nya. ***~(*^*)~*** ERR.... May underage ba akong readers dito sa story na itow? Mga 11 years old to 14 years old? @__@ Ang laki ng pagkakaiba nila Timothy at Lucci no? LOL. Brutal yan si Lucci eh. XD Hwag nyong kalimutan na isa parin syang demonyo. Hahaha! Pero gusto ko parin si Lucci >///< Gustong gustong gusto ko sya! *U* Gusto ko sya kasi pumapatay sya ng mga SILENT READERS. Yung mga hindi marunong mag-Vote, Comment at Fan pero todo basa parin. LOL. A BIG THANKS KAY LARDEL24. =) Dedicated sa kanya. Sa mga nagtatanong kung ano gamit ko sa pag-edit ng cover. ADOBE PHOTOSHOP. Manual po yan, pahirapan at hindi automatic. Hanggang sa susunod na kabanata. BABUSH! Alesana Marie - 48 VI Isang malakas na pagsabog ang yumanig sa lupa. Masyado itong malapit sa kinaroroonan ko. Agad kong hinagilap ng tingin si Lucifer. Nakita ko syang nakikipaglaban sa isang demonyo. May naramdaman akong papalapit sa akin kaya naman agad kong itinaas ang espada na hawak ko para sanggain ang atake nya. Isa syang mababang uri ng demonyo ayon sa laki ng sungay nya. Ginamit ko ang mga pakpak ko para dagdagan ang pwersa ng atake na gagawin ko. Nahati ang espada nya at bumaon ang espada ko sa dibdib nya. "AAAAAAAAAAHHH!!" sigaw nya bago sya nasunog sa puting apoy at naglaho. Kapag namamatay ang mga demonyo walang pinupuntahan ang mga kaluluwa nila. Nawawala nalang sila sa mundo. Ang tanging may kakayahan na mapatay sila ay kami, ang mga anghel. Isa na namang malakas na pagsabog ang yumanig sa buong paligid. Naramdaman ko na lang na tumilapon ako sa kung saan. Ilang segundo akong natigilan, ilang minuto akong walang narinig at nanlalabo ang mga mata ko. Sa unti-unting pagbalik ng mga pakiramdam ko ay unti-unti ko ring naramdaman ang sakit ng katawan ko. Malala ang naging epekto sakin ng pagsabog. Malala ang pagkakabagsak ko. Nadaganan ko rin ang mga pakpak ko kaya hindi ko magawang igalaw sila.
Nanatili akong nakahiga. Naririnig ko ang mga sigaw ng mga demonyo at anghel na naglalaban. Naririnig ko ang tunog ng mga nagbabanggaang espada nila. Nakita ko si Gabriel at Miguel na tinutulungan ang ibang anghel na nanghihina na. May isang anghel akong hinahanap. Ang mahal ko. Si Lucifer. Nasaan sya? Wala pa akong nakita na kasing perpekto nya. Sya ang pinaka-perpektong anghel na nakita ko. Ang mahal kong Lucifer. Napakaganda nyang pagmasdan habang - 49 nakikipaglaban. Mabilis nyang tinalo ang kalaban nyang demonyo. Lumingon sya sa pwesto ko kanina kung saan ako huling pumatay ng demonyo. Lumapit sya roon at lumingon sa paligid habang hinahanap ako. "AURA!!" sigaw nya sa pangalan ko. "Lucifer.." pilit kong isinigaw ang pangalan nya ngunit isang mahinang tawag lan g ang nagawa ko. "May buhay pa palang anghel dito" isang boses ng demonyo ang narinig ko. Lumapit sya at tumayo sa kung saan ako nakahiga. Pinagmasdan ko sya. May sungay sya na mas malaki kaysa sa ibang demonyo, kulay pula ang balat nya at mas malaki sya kumpara sa karaniwang demonyo. Sya na siguro si Satanas, ang anghel na bumuo ng hukbo laban sa Dyos. Ito ang ikalawang digmaan na ginawa nya. Hindi namin inaasahan na magiging ganito kalakas ang pwersa nila. Gumawa sila ng paraan para makakuha ng lakas mula sa mga tao. "AURAAAA!!" narinig kong sigaw muli ni Lucifer. Tinignan ko kung nasaan sya. Humahangos sya nang takbo papunta sa akin. Nababalot ng takot ang mukha nya habang nakatingin sa mukha ko. Ngumiti ako sa kanya. 'Huli na ang lahat mahal ko.' Naramdaman ko ang espada na tumusok sa dibdib ko. Isang sigaw na puno ng pighati ang narinig ko mula kay Lucifer bago ko ipinikit ang mga mata ko. 'Mahal kita.. Lucifer.. Paalam mahal ko..' Nagising ako bigla at napaupo sa kama. Pinagpapawisan ako at parang tumakbo ako nang napakalayo sa bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang totoo. - 50 Ramdam na ramdam ko ang sakit ng pagtusok sakin ng espada nya. Pati na rin ang mga pag-sabog. Totoong totoo ang lahat. Kinalma ko ang sarili ko. Isa lang panaginip yon. Panaginip lang. Huminga ako nang malalim at yumuko nang may biglang sumakit sa akin. Bigla ko nalang naalala ang nangyari sa amin ni Lucci. Nanlaki ang mga mata ko nang maalala ang mga ginawa namin. Hindi ko akalain na hahayaan ko syang.. gawin 'yon. Pero mas dumoble ang laki ng mga mata ko nang makita na wala ako sa kwarto ko. Nasa ibang lugar ako. Ibang silid. Puro kulay pula at kulay abo ang kwarto. Tinignan ko ang pulang kumot na tumatakip sa hubad kong katawan. Nakaupo ako sa pulang kama na mukhang apat na beses ang laki kaysa sa kama ko sa bahay namin. Nasaan ako? Ang huling natatandaan ko ay nasa kwarto ko kami nang gawin namin yon. Ano'ng ginagawa ko dito? May bumukas na itim na pinto. May usok na lumabas mula roon at isang pigura ng tao ang nakita ko. "Lucci?" Hindi nga ako nagkamali. Si Lucci ang lumabas mula sa pinto na 'yon. Lumabas sya na pantalon lamang ang suot. Hindi ko na-kontrol ang sarili ko nang hagurin ko sya ng tingin. Napaka-puti ng balat nya, katamtaman lamang ang laki ng katawan nya pero kababakasan iyon ng kapangyarihan. Kakaibang kaba ang naramdaman ko nang magtama ang mga mata namin. Bakas
sa mga mata nya ang pagnanais na makasama ulit ako. Tinitignan nya ako na parang isang pagkain. Mabilis syang lumakad palapit sa akin. Mahigpit kong hinawakan ang kumot at itinakip sa katawan ko. "Hwag mong gawin yan," sabi nya at hinila ang kumot mula sa akin "Hwag mong itago ang sarili mo sa akin mahal ko." Namula ako nang hagurin nya ng tingin ang katawan ko. Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang pisngi ko. - 51 Agad nya akong ginawaran ng isang malalim na halik. Pakiramdam ko sa iba na naman ang kahahantungan nito kaya naman itinulak ko na sya palayo. Naglagay ako ng distansya samin habang habol ko ang hininga ko. "Mahal ko bakit mo ako nilalayuan?" tanong nya sa mababang tono. Bakas sa mukha nya na hindi nya nagustuhan ang paglayo ko. Mas napaurong ako palayo sa kanya. Nasa kabilang dulo na ako ng kama at nakasandal sa ulunan nito. Kinuha ko ang pulang unan at itinakip sa katawan ko. Nasaan ba ang mga damit ko? Hindi ko namalayan nang umakyat si Lucci sa kama. Hinila nya ang magkabila kong paa, napahiga ako at napasigaw sa gulat. Bago ko pa mamalayan ay nakapaibabaw na sya sa akin. "Napakaganda mo mahal ko" bulong nya habang tinititigan ang kabuuan ko. Agad akong namula. Akmang hahalikan nya na naman ako nang iiwas ko ang mukha ko sa kanya. "Hwag Lucci," tinulak ko sya sa magkabilang balikat. "Hwag mo akong labanan mahal ko," banta nya at gamit ang isang kamay ay pinaharap nya ako sa kanya "Alam ko na nagustuhan mo ang nangyari sa atin. Gusto mo na malapit ako sa'yo, gusto mo ang mga haplos ko. Bakit mo ako itinutulak palayo?" Napuno ng takot ang dibdib ko. Totoo ang mga sinabi nya. Pero hindi ko 'yon magawang aminin sa sarilli ko. Alam kong mali ang nangyari sa amin. Hindi ko sya mahal. "Ano'ng makukuha mo kapalit ng pagtulak mo sakin palayo? Ano ang makukuha mo sa paglaban sa nais ng katawan mo?" hinaplos nya ang katawan ko. Nakagat ko ang labi ko at pilit na pinipigilan ang gustong gawin ng katawan ko. Hindi pwede. Hindi 'yon pwedeng mangyari ulit. Isa 'yong malaking pagkakamali. "Ayokong may mangyari ulit sa'tin Lucci," mahinang sabi ko. "Kasinungalingan!" diin nya. - 52 "Hindi ako nagsisinungaling!" itinulak ko syang muli. Hinablot nya ang magkabila kong kamay at itinaas iyon sa ulo ko. "Hwang mong subukan na labanan ang sarili mo Aura," mariing sabi nya habang nakatitig sa akin ng diretso "Mapapagod ka lang" Ibinaon nya ang ulo nya sa gilid ng leeg ko at marahas nya akong hinalikan doon. Napasinghap na ako nang maramdaman ang pagkagat nya roon. Dumaloy muli ang mainit na sensasyon na dulot ng mga halik nya. Sa bawat balat na madampian ng labi nya ay nag-iiwan ng kaaya-ayang pakiramdam. Ano nga ba ang makukuha ko sa pag-tanggi sa kanya? Nilalabanan parin ng isip ko ang kagustuhan ng katawan ko. Napaungol ako nang bumaba ang labi nya patungo sa dibdib ko. "Sa akin ka lang Aura," bulong nya habang paulit ulit na sinisipsip ang balat ko "Sa akin ka lang." Pilit kong hinihigit ang mga kamay ko sa hawak nya. Isang kamay lang ang gamit nya roon pero hindi ko parin maalis. "Hwag Lucci.. Hwag mong gawin.." mahina kong tanggi habang naluluha dahil sa kahinaan ko. "Hindi mahal ko," sagot nya "Hindi ako titigil hanggat hindi mo inaamin na gusto mo rin ito." "Hwag please.. Nagmamakaawa ako.. Hwag" Dumoble ang kaba ko nang makita na naalis na nya ang huling saplot nya sa katawan at inihahanda ang sarili nya sa pagitan ng mga hita ko. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Matapos ang nangyari sa amin kagabi hindi pa ako
handa na may mangyari ulit. Masyado paring masakit ang katawan ko. Nagpumiglas ako sa hawak nya. "Hwag Lucci!" sigaw ko sa kanya - 53 "Sabihin mo na mahal mo rin ako Aura!" "Hindi kita mamahalin kung ipipilit mo ang sarili mo sakin!" Lumiyab ang mga mata nya sa galit. "Bakit mo ba ako pilit na nilalabanan Aura?! Bakit?!" galit na tanong nya. "Dahil hindi ito tama! Hindi kita mahal!" mariin kong sabi. Umilaw ng kulay pula ang mga sungay nya. Nanginginig sya sa sobrang galit. Mas humigpit ang hawak nya sa kamay ko. Nakaramdam ako ng sobrang takot dahil baka mas ituloy nya ang gusto nyang mangyari. "Ilang libong taon," nagngingitngit sa galit na sabi nya "Ilang libong taon kita ng hinintay. Hindi pa ba sapat ang pagdurusa ko ng mga panahon na 'yon?! Bakit mo ako kinalimutan Aura?! Paano mo nagawa sa akin ito?!" Natahimik ako sa mga sinabi nya. Punong puno ng pighati at galit ang mga mata nya. Na sobra syang nahihirapan at nasasaktan. Bigla nalang akong naiyak. Nalulungkot ako at nasasaktan para sa kanya. Umalis sya mula sa ibabaw ko. Isinuot nya ang pantalon nya at mabilis na lumabas ng kwarto. Malakas na sumara ang pinto sa likod nya. Naiwan akong umiiyak sa kama. Nasaktan ko sya. Nasasaktan ako na isipin na nasasaktan ko sya. Pero ano'ng gagawin ko? Mali na mahalin ko sya. Hindi sya tao. Kaya ko ba na magmahal ng isang demonyo? Bumukas ang pinto at pumasok si Lucci. Nakabihis na sya at mahinahon. "Lucci," napa-upo ako. May nilapag syang damit sa kama. Mga damit ko. "Magbihis ka," sabi nya sa malamig na tono "Ibabalik na kita." - 54 Yumuko ako at kinuha ang mga damit ko. Nagbihis ako sa harap nya. Hindi sya gumagalaw o nagsasalita. Napaka-lamig ng tingin nya sakin. Parang may harang sa pagitan namin. Ibabalik na nya ako sa bahay namin. Bakit imbes na matuwa ako, mas lalo lang akong nasaktan? ***~(*3*)~*** PUNYAL - maliit na kutsilyo (dagger) SERADURA - doorknob LOL. Maiinis ba kayo kay Lucci? Isa parin naman syang demonyo kaya hindi sya ganon kabait. LOL. TAGALOG. Bumuhos ba ang dugo sa mga ilong nyo? NYAHAHAHA! Dapat kasi ipa-praybeyt tsapter ko ito kaso... hindi naman natuloy eh kaya SIGURO okay lang kahit hindi. AT ALAM Ko naman na MARAMI na naman ang magpi-PM sakin para hwag itong i-praybeyt. BASTA talaga BS nagiging ACTIVE kayo... Tinalo nyo pa ang student rally sa UP. nakuuuu.. (=.=) PAPATAYIN NI LUCCI LAHAT NG SILENT READERS. Ipapa-massacre nya sa mga pangit nyang kampon. Mouhahaha! Mala-DRAG ME TO HELL ang gagawin nya sa inyo. Mouhahaha! WALA po sabing gaganap na Aura. LOL. Tayo yun lahat. XD May ishe-share ako sa inyo. Ang weird pero parang minumulto ako ngayon. Ewan. Simula nang i-upload ko siguro ang chapter3 nag-umpisa na yung mga pag-gising ko bigla kapag 12am. Tapos may mga ingay dito sa bahay kapag 2am. Alam nyo yun? So creepy ah. VOTE. COMMENT. FAN. PROMOTE. Add to Library. =) DANKE. Alesana Marie - 55 VII Wala akong ginawa sa bahay kundi ang umiyak. Hindi ako lumabas sa kwarto ko nang makabalik ako. Sa tuwing papasok si Mama sasabihin ko lang sa kanya na masama ang pakiramdam ko. Nahihiya ako na harapin sya. Nahihiya ako sa ginawa ko. Nahihiya ako na nagsisinungaling ako sa kanya. Nagpasalamat ako nang umulan nang malakas kinabukasan. Agad na sinuspinde
ang mga klase sa mga paaralan. Kahit papaano may oras ako para makapag-isip. Hindi ko pa sya mahaharap agad. Nagmukmok lang ako sa loob ng kwarto ko. May mga bagay akong hindi masagot. Ako ba talaga ang Aura na sinasabi ni Lucci na mahal nya? Hindi kaya kamukha ko lang sya? Pero kung hindi ako, bakit ko sya napapanaginipan? Bakit parang totoong totoo na ang mga panaginip ko kung saan namatay ako? Namatay nga kaya ako noon? Muli akong nabuhay bilang isang mortal? Kung totoo yon, isa akong anghel? Ganoon din sina Kuya at Miguel..? Natatandaan ko na nakita ko sila sa panaginip ko. Sila ang dalawang anghel na tumutulong sa iba pang nasugatan habang nakikipaglaban. Isang reincarnation. Napaupo ako sa kama ko. Namatay din kaya sila kaya naman nabuhay silang muli bilang mortal naman? Higit sa lahat na ipinagtataka ko. Magkaibang demonyo si Satanas at Lucifer. Hindi katulad ng sinasabi ng iba na iisa sila. Pero sa pagkakatanda ko, isang anghel si Lucci sa panaginip ko. Bakit naging demonyo na sya ngayon? "Bunso," tawag sa akin ni kuya bago ako lumabas ng bahay "may sakit ka ba?" Umiling ako. "Wala naman kuya." "Hay nako Gabriel yang kapatid mo mukhang masyadong natututok sa pag-aaral kaya nagkakasakit," sabi ni Mama habang inaayos ang pagkain sa mesa. - 56 Kakatapos ko lang mag-almusal. Ngayon palang kakain si kuya. Mamaya pa ang pasok nya kaya naman hindi kami sabay. Nagtaka ako nang hindi inaalis ni kuya ang tingin nya sa akin. Nakakunot ang noo nya at tinitignan ako na parang may nagbago sa akin. "Aura magsabi ka ng totoo, may boyfriend ka na ba?" tanong nya. "H-Huh?" "Para kasing..." ibinulong nya ang kasunod na salita kaya naman hindi ko narinig . "Ano 'yon kuya?" "Wala, ingat ka sa pag-pasok. Gusto mo bang sumabay sa pag-uwi?" "Hindi na kuya. Bye Ma! Alis na po ako." "Sige Aura, yung payong mo nilagay ko sa bag mo. Hwag kang magpapa-ulan." "Opo Mama." Medyo madilim parin ang langit paglabas ko ng bahay. Mukhang uulan ulit mamaya. Mga nakatayo at nagke-kwentuhan ang mga kaklase ko nang pumasok ako sa loob ng room. Wala pa ang GenPsy instructor namin. "Kyaah! Lucci hwag dyan, nakikiliti ako," may narinig akong tumili. Agad na napadako roon ang tingin ko. Pakiramdam ko sinampal ako nang malakas sa mukha. Doon sa dulo ng room, si Lucci may kasamang babae na nakakandong sa hita nya. Mukha silang normal na magkasintahan na naglalambingan. Hindi ako makahinga, parang may bumara sa dibdib ko at bigla iyong sumakit. Hindi ko magawang iiwas ang tingin ko sa kanilang dalawa. Naguguluhan ako sa nangyayari. Bakit sila magkasama? - 57 Gusto na ba ni Lucci ang babaaeng 'yon? "Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy na nagmamadaling umupo sa pwesto nya. Pinilit kong lumakad papunta sa upuan ko. Napahinga ako nang malalim nang maabot ko ang pwesto ko. Naririnig ko parin sila. "Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz habang inilalapag sa teacher's table ang gamit nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto ko gumawa muna kayo ng essay tungkol sa last topic natin habang wala ako. I want five hundred words okay?" "Yes Maam" Umalis na rin si Maam agad. Ni hindi man lang nya sinaway sina Lucci na patuloy sa ginagawa.
Wala sa sarili na kumuha ako ng yellow pad at isinulat ang essay. Hindi ako mapakali dahil sa ginagawa ni Lucci sa likod ko. Ang sabi nya mahal nya ako? Naghintay pa nga sya ng libong taon para sakin. Kasinungalingan lang ba ang mga 'yon? Dahil ba nakuha na nya ang gusto nya sakin? Dahil naibigay ko na sa kanya ang katawan ko? O naghanap sya ng iba dahil hindi ko hinayaan na may mangyari ulit samin? "Gosh Lucci ang hot mo talaga. You're hot as hell." "Gusto mo bang isama kita sa impyerno?" narinig ko ang boses ni Lucci. "Sure baby, basta kasama kita," tumawa ang babae. Isasama nya ang babaeng 'yon sa impyerno? Naalala ko na naman ang panaginip ko kung saan isinama nya ako sa mundo nya. Ipinakita nya sa akin ang kaharian na ginawa nya para sakin. "But before tayo pumunta sa impyerno dadalhin muna kita sa langit," mapang-akit ang boses ng babae. "Kaya mong gawin 'yon?" - 58 "Oo naman" Nagsimulang magkagulo ang mga kaklase namin. "Whooo!! Ang hot nyo!" "Dun na kayo sa labas! PDA!" "Ayos yan! Di na magiging boring ang sex education natin!" "Pre! Astig mo!" "Danna! Ako naman isunod mo!" "Gusto ko rin makapunta sa langit!" Hindi ko na kailangan pang lumingon para malaman ang ginagawa nila. Napatingin ako sa isinusulat ko. May mga tulo ng tubig doon. Pinunasan ko agad ang pisngi ko. Nagmamadali kong inayos ang mga gamit ko at patakbo na lumabas ng classroom. Isa nga pala syang demonyo. Bakit ba ako naniwala sa mga sinabi nya? Isa syang manloloko. Sinungaling. Sasabihin nya ang lahat para lang makuha ang gusto nya. Saktong paglabas ko sa pinto bigla akong napatigil. Imbes na hallway ang mapuntahan ko, nakita ko ang sarili ko na nakatayo sa loob ng classroom. Nakatay o ang mga kaklase ko at nagku-kwentuhan. Hindi katulad kanina na nagsisigawan at humihiyaw, nasa tahimik na pwesto lang ang mga lalaki at naglalaro ng PSP. Napatingin ako sa pwesto ni Lucci. Nakatingin lang sya sakin na parang pinag-aaralan akong mabuti. Walang babae sa kandungan nya. "Nandyan na si Maam!" sigaw ni Sandy na nagmamadaling umupo sa pwesto nya. Umayos ng upo ang mga kaklase ko. Naguguluhan parin na pumunta na ako sa pwesto ko. "Okay class settle down" sabi ng ni Ms Corpuz habang inilalapag sa teacher's - 59 table ang gamit nya. "May faculty meeting kaya naman ang gusto ko gumawa muna kayo ng essay tungkol sa last topic natin habang wala ako. I want five hundred words okay?" "Yes Maam." Tila isang replay ang nangyari. Isang edited na replay kung saan walang Danna na kasama si Lucci. Hindi ko rin tanda na may Danna kaming kaklase. Umalis ang instructor namin pero hindi parin ako nagsimulang isulat ang essay. Imahinasyon ko lang ba 'yon? Lumapit si Lucci at umupo sa tabi ko. Nagtatanong ang mga mata na tinignan ko sya. "Hindi totoo ang mga nangyari kanina," sabi nya habang diretso ang tingin sa harap nya. Nakumpirma ko na sya ang nagmanipula sa isip ko. Kung hindi sya, paano nya nalaman? "Bakit mo 'yon ginawa? Bakit mo pinaglaruan ang isip ko?" Humarap sya sa akin nang galit.
"Ano pa ba ang gusto mo na gawin ko Aura? Napapagod na ako sa pag-tanggi mo sakin na mahal mo rin ako." Natigilan ako. "Ginawa mo 'yon para saktan ako?" hindi makapaniwalang tanong ko. Saglit syang ngumiti. "Kung ganon nasaktan ka mahal ko? Alam mo ba ang ibig sabihin ng naramdaman mo?" Na mahal ko sya? Gusto nya na aminin ko 'yon? Yun ba ang ibig sabihin non? Nasaktan ako dahil mahal ko sya? "Pinaglalaruan mo ba ako?" - 60 "Hindi mahal ko," mariin nyang tanggi "Ginawa ko yon para malaman mo na mahal mo ako." "Ilang beses ko ba na sasabihin sa'yo Lucci? Hindi kita--" "Ituloy mo ang sasabihin mong yan Aura, sa susunod hindi ko na yon gagawin sa isip mo lang. Tototohanin ko na ang lahat," nag-aalab ang mata na banta nya. Tinutukoy nya ang pakikipaghalikan sa ibang babae. Sa gulat ko ay nakaramdam ako ng matinding galit at sakit. Natakot ako sa sarili ko dahil kaya ko palang magalit nang ganon. Ayoko syang makita na may kasamang iba. Ang gusto ko akin lang sya. Ayoko na may ibang babae na hahawak o hahalik sa kanya, ako lang ang may karapatan sa kanya. Naitikom ko ang bibig ko. Hindi ko magawang tumanggi. Hindi ko masabi na hindi ko sya mahal. Natatakot ba ako sa gagawin nya sa susunod? Kumuha na ako ng yellow paper at nag-sulat nang tahimik. Buong oras ay nakatingin lang sa akin si Lucci. Pinagmamasdan ako. Hinawakan nya ang ilang hibla ng buhok ko at pinaglaruan iyon sa daliri nya. "Mahal ko," mahinang tawag nya. Tumigil ako sa pagsusulat at tumingin ako sa kanya. Mahinahon na sya ulit. Napakabilis magbago ng emosyon nya. "Kung naging mortal ba ako, magagawa mo ba akong mahalin?" Nagulat ako sa tanong nya. Magsisinungaling ba ako o hindi? "Hindi ko alam.." bulong ko "Siguro.." "Pero hindi ako mortal. Kaya ba hindi mo ako mamahalin?" Kumunot ang noo ko. Hindi ko sya gustong mahalin dahil isa syang demonyo. Pero kung tao syang katulad ko mamahalin ko sya? Mahal ko na ba si Lucci? - 61 Itinatanggi ko ba na mahal ko sya dahil isa syang demonyo na pumapatay? Ano ba talaga ang nararamdaman ko para sa kanya? "Lucci. Bakit mo ako mahal?" "Dahil nilikha ka para sa akin. Ikaw ang kalahati ko Aura." "Pero paano ka nakakasiguro na ako nga ang mahal mo? Iba na ako." "Ikaw parin si Aura. Nakikita ko ang kulay ng kaluluwa mo. Hindi ako maaaring magkamali." "Mahal mo ba talaga ako o ang anghel na Aura noon?" "Pinagdududahan mo ba ang pagmamahal ko sa'yo?" hinawakan nya ang pisngi ko "Paano mo nalaman na isang anghel si Aura?" "S-Sinabi mo sakin.." hindi ko matandaan kung sinabi nga nya iyon sakin. Pero ayokong sabihin na dahil napanaginipan ko ang tungkol don. "Mahal ko, may itinatago ka ba sa'kin?" Hindi ko sya sinagot. Nagsulat nalang ako katulad ng bilin ng instructor. Dapat ko bang sabihin? May babaeng nakatayo sa tapat ng bahay namin pag-uwi ko. May ginto syang buhok at katamtamang kulay ng balat. Mukhang kasing edad ko sya. Nakasuot sya ng kulay itim na damit, itim na jacket at pantalon. Ngumiti sya sa akin nang makalapit ako. "Ikaw na siguro si Aura," bati nya at pinagmasdan ako mula ulo hanggang paa. "Ako nga, kilala ba kita?" nagtatakang tanong ko.
May kamaganak ba kaming umuwi galing sa ibang bansa? "Magkakilala tayo," sabi nya. - 62 "Pasensya na pero hindi kasi kita maalala. Kamaganak ka ba namin?" tanong ko. Ngumiti lang sya. "Ang pangalan ko ay Hecate. Pwede ba tayong mag-usap?" Hecate.. Parang pamilyar ang pangalan nya pero sigurado ako na ngayon ko lang iyon narinig. "S-Sige.." binuksan ko ang gate at pinapasok sya. "Mabuti naman. Marami tayong dapat na pag-usapan Aura." May kinuha syang pulang bote. Inalis nya ang takip nito at may lumabas na pulang usok. "A-Ano'ng ginagawa mo?" Pinanood ko ang pulang usok na lumibot sa buong bahay namin. Umikot yon sa paligid ng bahay namin at tumaas sa langit. Nagkaron ng pulang ulap na syang dahilan para maging madilim ang paligid. "Sinisigurado ko lang na hindi makakagambala sa usapan natin si Lucifer pati na rin ang dalawang anghel na nagbabantay sa'yo." Ibinalik nya ang maliit na bote sa itim nyang jacket. "K-Kilala mo si Lucci?" "Lucci? Yan na pala ang pangalan nya ngayon. Kung sabagay, masyadong halata kung gagamitin nya ang totoo nyang pangalan," nagkibit balikat sya. "Isa ka rin bang demonyo?" kinakabahan na tanong ko. Tumawa sya. "Mukha ba akong demonyo?" tumatawang tanong nya. Lumakad sya papasok sa bahay. Kung hindi sya demonyo.. anghel ba sya? "Masyado naman yatang maliit ang bahay mo," puna nya. - 63 Hindi maliit ang bahay namin para sa akin. Simple lang iyon pero sapat sa aming pamilya ang espasyo ng bahay. "Ano ba ang kailangan mo sakin?" "May pagkakamali akong nagawa noon. Gusto ko sana iyong itama," tumitingin tingin parin sya sa loob ng bahay namin. Tumigil ang mga mata nya sa The Last Supper na litrato. Nakasabit iyon sa sala. "Ano naman ang kinalaman ko don?" "Ikaw ang pagkakamali na tinutukoy ko Aura. Hindi ka dapat nabuhay muli," tumingin sya sa akin. "Hindi ko maintindihan.." "Hindi ko dapat sinabi kay Lucifer kung paano ka bubuhayin muli. Hindi ko dapat sya tinulungan. Hindi ko dapat sinuway ang kagustuhan ng Dyos. At ngayon napakalaking kaguluhan ang magiging epekto nito sa mga tao." "Ikaw.. ang bumuhay sa akin?" Umiling sya. "Tinulungan ko lang si Lucifer. Sinabi ko sa kanya ang isang bagay na mahigpit n a ipinagbabawal at ngayon pagdurusahan iyon ng mga mortal. Hindi ka dapat bumalik Aura." "Hindi ko.. maintindihan. Papatayin mo ba ako?" "Patawad Aura. Nagkamali ako. Hindi ko dapat ginawa 'yon," kumuha sya ng isang patalim mula sa likod nya. Napasinghap ako nang makita kung gaano katalas 'yon. Papatayin nya nga ako. "Ito lang ang tanging paraan na nakikita ko para mabago ang hinaharap ng mga tao." Napaatras ako nang lumapit sya. - 64 Ano'ng gagawin ko? "Hwag kang mag-alala. Hindi mo mararamdaman ang sakit nito." ****** Ow hindee!! Ano na ang mangyayari? Si Hecate ay ginagampanan ni Lee Chaerin
or CL. XD The Leaders! LOL. Kulang si Teddy pa. Sino ang naiimagine nyo bilang Aura maliban sa 2NE1 members? Ayoko. Hindi bagay kay Dara at Bom lalo na kay Minzy. Trolololo. Dapat yung Angelic ang beauty. Ayoko rin sa SNSD o T-ARA o Sistar o Wonder Girls. Yung iba naman. XD Wala talaga akong maimagine na Aura. Speaking.. may AURA akong reader ang name. SILENT READER. Baka gustong puntahan ni Lucci. XD Ayoko na nga. Di ko nalang talaga sya lalagyan ng character para mas masaya. LOL. Siguro hanggang chapter 13 lang ito. Short Story lang kasi. BAKA lang naman, di ko pa sure. May kakatwang nangyari. Birthday ni GD (Lucci) taz ang ROL VI ay nakabuo ng 666. 6parts-16pages-aug16. Tapos yung TBYD ay nagkaroon ng 1,666,745 reads. Laging may 666. XD uuuy si Lucci ang nagpaparamdam. Halaaa.. >0< Anyway. Vote. Comment. Fan. Danke. Alesana Marie - 65 VIII Ito ba ang kamatayan? Napakadilim at napakalamig naman. Tila nakalutang ako sa hangin. "Aura! Aura!" Bigla kong iminulat ang mga ko. "Aura.. mahal ko." Hinawakan nya ang pisngi ko. Napa-init ng kamay nya. "Lucifer.. mahal ko.." bulong ko. Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa bibig ko. Malala ang sugat sa dibdib ko. Alam ko na hindi na ako magtatagal. "S-Si Sa..tanas.." "Wala na sya mahal ko," bakas ko ang takot sa mga mata nya "Pinatay ko na sya. Hindi ka na nya masasaktan. Dito ka lang Aura. Hwag kang matutulog. Dito ka lang." Ngumiti ako. Buhat nya ako, lumipad sya sa himpapawid. "H-Hind ka pwedeng mawala sakin, dito ka lang Aura.." mabilis nyang sabi sa akin "Dito ka lang. Hwag mo akong iiwan." Pinilit ko na sundin sya. Marami nang dugo ang nawawala sa akin. Alam ko na malapit na ang oras ko. Hindi sinasabi sa amin kung ano ang mangyayari sa isang anghel kung mamamatay sila. Katulad ba ng demonyo na basta nalang mawawala? "Uriel!" sigaw ni Lucifer. - 66 "Lucifer, ano ang ginagawa mo dito?" "Si Aura, kailangan nya ng tulong!" Tinignan ako ni Uriel na may bakas ng awa sa mata. Alam ko na ang sagot bago pa nya ito sabihin. Tanggap ko na 'yon. Tanggap ko na ang kapalaran ko. "Wala na akong magagawa sa kanya," inaasahan ko na sabi nya. "Hwang mong sabihin 'yan! Nasan si Ama?! Sa kanya ako hihingi ng tulong!" "Wala si Ama rito Lucifer, inaayos nya ang problema sa lupa. Kahit na nandito pa sya, wala na syang magagawa sa anghel." "ITO BA?! Nakipaglaban kami, itinaya ang buhay para sa kanyang kaharian pero ito ang igaganti nya sa amin?!" "Hwag mong pagsalitaan nang ganyan si Ama, Lucifer!" sigaw sa kanya ni Uriel. "Bakit Uriel? Hindi ba at totoo naman? Nawala sa'yo si Karisma dahil hindi sya iniligtas ni Ama! Nawala sa'yo ang babaeng mahal mo at hindi ka man lang nya tinulungan!" sigaw pabalik ni Lucifer. Hindi nakasagot si Uriel. "Lu..cifer.. tama na..." nahihirapan akong huminga. Hindi ko na makita ang mukha nya. Nanlalabo na ang paningin ko. "Aura! Pangako gagawin ko ang lahat mabuhay ka lang," naramdaman ko syang muling lumipad. "Lucifer!" boses ni Uriel. Hindi ko na makita kung saan sya pumunta. Nararamdaman ko lang ang hangin sa
Lucifer.. "Hindi ka mawawala. Hindi pwede Aura. Hindi ka pwedeng mawala sa akin. Hindi ka pwedeng umalis." - 67 Nanlalamig na ang buong katawan ko. Nararamdaman ko na ang unti-unting paghina ng pakiramdam ko. Hindi ko na magawa pang ibukas ang bibig ko para tawagin ang pangalan nya. Hindi ko alam kung nakasara na ba ang mga mata ko o hindi. Wala na akong makita. Napakadilim na. "HECATE!!" Hecate.. Bakit.. Bakit sya lumapit sa Dyosa ng Mahika? "HECATE!! Alam kong nandyan ka!! Magpakita ka!!" "Ano ang kailangan mo Anghel?" isang malamig na boses ng babae ang sumagot. "Tulungan mo ako! Tulungan mo si Aura!" "Wala na akong magagawa pa para sa kanya" "May kakayahan ka! Alam ko na kaya mo syang tulungan." "Espada ni Satanas ang pumasok sa dibdib nya. Alam mo ba kung saan gawa ang espada na 'yon? Isang libong kaluluwa! Sa oras na matamaan ka ng espada nya, hihigupin nito ang kaluluwa mo. Ito ang nagpapalakas sa espada nya. Unti-unti na ng kinukuha ng espada ang buhay ng anghel na yan. Mawawala na sya. Tanggapin mo na." Tama sya. Nararamdaman ko na ang pagkawala ko. Tanggap ko na. Pero si Lucifer.. "Tumigil ka! Hwag mong sabihin 'yan! Gumawa ka ng paraan! Handa kong ibigay ang kahit na ano! Gumawa ka lang ng paraan para mabuhay sya.. Kahit ano Hecate." Lucifer.. "Kahit ang iyong mga pakpak?" Hindi.. Hwag ang mga pakpak nya. Lucifer. Pabayaan mo nalang ako. "Ibibigay ko sa'yo kahit na ano. Kahit ang buhay ko pa Hecate," matigas na sabi ni Lucifer. - 68 Unti-unting nadudurog ang puso ko. "Sige Anghel," pagpayag ni Hecate "Bunutin mo ang mga pakpak mo at ibibigay ko sa anghel na yan ang isang buhay na walang hanggan.." "Pagagalingin mo ba sya?" "Hindi ko na magagawa pa 'yon. Kailangan nyang mamatay. Muli syang mabubuhay makalipas ang dalawang libong taon. Mabubuhay sya sa mundo ng mga mortal." "Dalawang libong taon?!" "Kailangan ko ang espada ni Satanas. Dalawang libong tao ang kailangan ko para muling kunin ang kaluluwa nya sa loob nito." Lucifer... Hwag mong gagawin. Kung hahawakan mo ang espada nya.. Hindi ka na maaari pang bumalik sa langit. "Sana lang ay alam mo kung ano ang mangyayari sa oras na hawakan mo ang espada nya. Kung tama ang hula ko na patay na sya, kailangan ng bagong hari ng impyerno." "Nang talikuran ng langit si Aura, tinalikuran ko na rin sila." Hindi Lucifer. Hwag mong gawin.. "Maghihintay ako.." matatag na sabi nya, bakas ang lungkot sa boses nya "Hihintayin kita Aura. Muli tayong magkakasama mahal ko." Iyon ang mga huling salita na narinig ko bago ako nawala nang tuluyan. Magkikita kaming muli pagkalipas ng dalawang libong taon. Itatama ko ang pagkakamali nya. Kahit na ano pa ang mangyari, itatama ko ito. ***~(*0*)~*** ITO ay flashback kung hindi pa halata. LOL. Si Hecate ay Goddess of Magic and Witchcraft. Kaugnay din sa kanya ang mga - 69 -
kaluluwa at necromancy etc. Sa greek mythology sya. Trololo. Yung AMA na tinatawag nila ay ang Dyos kung hindi pa halata (ulit). Alesana Marie - 70 IX Pagkagising ko mula sa mahimbing na pagkakatulog ko, agad kong napansin ang dalawang bagay. Una, nawala na ang sakit sa dibdib ko na dulot ng pagkakasaksak sakin ni Hecate, ang ikalawa ay ang mga boses na nag-uusap sa di kalayuan. May isang boses sa isip ko na nagsasabing hwag ko munang ipaalam na gising na ako. Binuksan ko ang mga mata ko nang kaunti upang silipin ang paligid. Nasa loo b ako ng kwarto ko. Sa labas ng bahagyang nakabukas na pintuan, sa tapat ay may mga nag-uusap, nagtatalo. Pinilit kong mabuti na pakinggan ang pinag-uusapan nila. "Ano sa tingin mo ang gagawin ni Lucifer sa oras na malaman nya na pinagtangkaan mo ang buhay ni Aura? Naisip mo ba na palalalain mo lang ang sitwasyon Hecate?" boses ni Miguel. "May hindi magandang epekto sa mga mortal ang muling pagkabuhay ni Aura. May mas malaking bagay na mangyayari sa hinaharap. Mas malaki pa kaysa sa digmaan ng mga demonyo at anghel," sagot ni Hecate. "Pero hindi mo dapat ginawa 'yon kay Aura!" sigaw ni kuya Gabriel "Hindi ko maisip kung ano ang mangyayari sa kanya kung sakaling hindi ako lumabas mula sa kwarto ko. Mabuti nalang at nandito ako sa bahay at hindi umalis! Ano nalang ang mangyayari kung sakaling napatay mo nga ang kapatid ko--" "Nakakalimutan mo na ba kung sino ka Gabriel? May misyon ka!" matigas ang pagkakasabi ni Hecate. "Hindi mo sya totoong kapatid. Hindi ka mortal. Ipinadala ka lang dito para bantayan sya. Alam nating lahat na mangyayari ito. Darating sa pu nto na kailangan humantong ang lahat sa kamatayan nilang dalawa. Sila ang isinumpang magkasintahan! Hindi sila maaaring magsama." "Ang isinumpang dalawa ayon sa propesiya?" usisa ni Miguel. "Oo, ang mga isinumpang anghel na hindi maaaring magsama. Sa oras na magkasama sila, magiging impyerno ang mundong ito. Magugulo ang mundo ng mga mortal," paliwanag ni Hecate. May nakabibinging katahimikan ang sumunod. Hindi ko maintindihan.. Isinumpang magkasintahan? - 71 "Kung ganon ano ang dapat nating gawin? Wala sa propesiya na isa sa atin ang dapat pumatay kay... Aura, ibig sabihin ay nakatakda syang mabuhay," si Miguel a ng bumasag sa katahimikan. "Kailangan nyang mamatay," ang matigas na sagot ni Hecate "Pinagsisisihan ko kung bakit ko sya binuhay pa. Nasira ko ang balanse ng mundo kaya naman magkakagulo sa lupa. Maraming mortal ang mapapahamak. Maraming anghel ang mamamatay." "Si Lucifer ang dapat na mamatay. Bakit hindi sya ang patayin mo Hecate?" tanong ni kuya Gabriel. Hindi kami maaaring magsama ni.. Lucci.. May kailangang mamatay sa amin? "Hindi ko kayang tumapak sa mundo nya," sagot ni Hecate "Hindi ko kayang pumunta sa purgatoryo. Masyado na rin syang lumakas simula nang huli naming pagkikita. Dala nyo ba ang gintong punyal?" "Oo, maingat ko iyong itinago. Yun nalang ang tanging sandata na maaaring pumatay kay Lucifer. Masyado syang naging malakas sa paglipas ng dalawang libong taon," sagot ni kuya Gabriel sa kanya. "Sadyang lalakas sya kung araw-araw ay ilang libong kaluluwa ang nakukuha nya," seryosong sabi ni Miguel. Nakakapanibago na marinig ang ganitong tono nya. "Masyado nang dumarami ang mga masasamang mortal kung ganon," kumento ni Hecate. Muli silang tumahimik. Nagulat nalang ako nang biglang bumukas ang pinto.
Nakatingin sa akin si Hecate. "Ilang minuto ka nang gising Aura?" tanong ni Hecate. Pumasok sa loob sina kuya at Miguel nang marinig ang sinabi ni Hecate. Tinignan ko silang tatlo, may iba't-ibang emosyon na dumaan sa mga mukha nila. Pagkagulat , pag-aalala. "Aura!" lumapit si kuya sa akin. Agad akong lumayo. Hindi ko sya kapatid. Isa syang anghel. Hindi sya tao. Niloko nya ako. Alam rin kaya nila Mama at Papa ang tungkol dito? - 72 "Aura.." malungkot na sambit ni kuya habang nakatingin sa akin. "Alam na nya," sabi ni Hecate atsaka bumuntong-hininga. "Oo, alam ko na gusto nyo akong patayin pati na rin si Lucci," mahinang sabi ko. Tumingin ako kay Hecate "Natatandaan ko na sinaksak mo ako sa dibdib kanina. Muntik mo na akong mapatay." "Muntik lang," sabi nya na parang hindi importante 'yon "At ang isa pa, ibinigay ko sa'yo ang buhay na yan. May karapatan akong kunin yan mula sa'yo." "Nakipag-kasundo sa'yo si Lucifer," matiim ko silang tinitigan. "Isinuko nya ang mga pakpak nya para sa buhay na 'to. Wala ni isa sa inyo ang may karapatan upang bawiin ito. Sya lang." Natahimik sila sa sinabi ko. Naalala ko na. Isa akong anghel noon, namatay ako a t muling nabuhay dahil kay Lucifer. Ang buhay ko ngayon ang kapalit ng paghugot nya sa sarili nyang mga pakpak. Hindi ko matanggap 'yon. Napakasakit ng ginawa nya sa sarili nya. Buhay ng isang anghel ang mga pakpak nila, kung huhugutin nila ang mga 'yon, imposible pa na mabuhay sila sa sobrang sakit. Pero kinaya iyong lahat ni Lucifer. Wala sa kalingkingan ng ginawa ni Lucifer an g ginawa ni Hecate upang ibigay sa akin ang buhay na ito. Walang mas hihigit pa sa sakripisyo na ginawa nya. "Aura bumalik ka na.." sabi ni Miguel na tila di makapaniwala. Ngumisi si Hecate habang nakahalukipkip ang mga braso, nakasandal sya sa saradong pintuan ng kwarto. Nakatayo naman si Miguel, nakatingin sa akin. Napaupo naman sa kama ko si kuya.. hindi.. hindi ko nga pala sya kapatid. "Oo," pag-amin ko sa kanila "Bumalik na ang mga alaala ko. Naaalala ko na kung ano ang nangyari." Tinitigan ko ang dalawang anghel sa harap ko. "Naaalala ko na rin kayo Gabriel.. Miguel." "Kung narinig na nya ang lahat, kailangan syang ikulong sa bahay na ito bago pa - 73 nya sabihin ang plano natin sa mahal nyang demonyo," suhestyon ni Hecate. Tinitigan ako nila Gabriel at Miguel na parang nahahati ang desisyon. "Hindi nyo na kailangan pang gawin 'yan, isa pa rin naman akong anghel.. dati," hindi ako makapaniwala na isa na akong mortal. Dati ay tagabantay lang nila ako pero ngayon ay ako na ang binabantayan ng mga anghel. "Nasa pagkatao ko parin na gawin ang tama." Isa akong dating anghel, nilikha upang pagsilbihan si Ama pati na rin bantayan ang mga mortal dito sa lupa. Sa di inaasahang pangyayari, namatay ako. Tinignan ko ang mga kamay ko. Sino na ba ako ngayon? Isa na akong mortal, ito na ang mundo ko at hindi sa langit. Pero nananaig sa akin ang katarungan. Kailangan kong gawin ang tama. Kailangan kong magsakripisyo para sa kanilang lahat. Kailangan kong gawin ito. "Ano ang ibig mong sabihin Anghel?" tanong ni Hecate na hindi inaalis ang mapanuring tingin sa akin. "Kung sino man ang may karapatan na kunin ang buhay na ito, si Lucifer lang 'yon," bulong ko "At kung sino man ang may karapatan na patayin si Lucifer, ako lang 'yon." Natigilan silang tatlo. Hindi nila inaasahan ang mga sinabi ko. Kahit na ako ay
nasasaktan din sa gagawin ko. Ang isipin na ako ang kailangang bumawi sa buhay ng mahal ko.. isa iyong napakabigat na misyon na nakapatong sa balikat ko. "Sinasabi mo ba na ikaw..." nag-aalalang bulong ni Gabriel. Tumango ako. "Kung plano nyo na kunin ang buhay ng mahal ko, ako ang dapat na gumawa nito at hindi kayo." ***!!!!*** - 74 OMG!!!! Papatayin ni Aura si Lucci!!! AAAAAAAAAHHH!!!! ANSABEHHHH?!!! Gustong patayin ni Lucci si Aura... At ngayon ay papatayin naman ni Aura si Lucci. Kung isinumpa silang di pwedeng mag-sama.. paano na ang lovestory ng mga bida? Hmm.. Dedicated kay yourlittledemon... kung malalim ang aking tagalog, mas malalim ang kanya... swear..!! Yung kanyang Married to Mr Stranger! XD May sasabihin ako sa inyo.. May i-share ulit ako... SI LUCCI nagparamdam ulit sa akin!! Alam nyo yung nag-status ako na puyat sa UD ng NTBG at ROL kaya ako ay matutulog na? Mga 4PM yun eh. Pumasok ako sa kwarto tapos.. After 3mins pagkahiga ko... may naramdaman akong kakaiba... >___
View more...
Comments