Reaction Paper on Rizal Movie

January 29, 2017 | Author: engrmar91 | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Reaction Paper on Rizal Movie...

Description

MAR CHRISTIAN MARTILLANO y MALAPAD BSCE-5B

REAKSYON SA PELIKULANG “Jose Rizal” Bilang isang Pilipino, importanteng magkaroon tayo ng kaalaman tungkol sa buhay ng ating pambansang bayani. Maliban sa pagbabasa ng libro, isa pang mainam na paraan upang mas maunawaan natin ang tungkol sa buhay ng ating bayani ay ang pagsasapelikula nito. Sa ganitong paraan, mas napalawig pa ang aking kaalaman tungkol sa kalagayan ng mga Pilipino noong mga panahon ng mananakop, at kung paano ipinaglaban ng ating mga bayani ang kalayaan. Napakaganda ng pakakagawa ng pelikulang ito, na kung sakaling mapanood ito ni Jose Rizal ay talagang magugustuhan niya ito. Ang pagkakagawa ng pelikulang ito ay mukhang pinaghandaang mabuti at pinagkagastusan upang maging perpekto ang palabas. Ang ginawang lokasyon ng palabas ay talagang makatotohanan na tila parang nasa panahon ka ng Kastila. Mahusay ang pagkakaganap ng mga aktor sa pelikulang ito. Labis ko hinangaan ang katapangan ng mga gumawa ng pelikulang ito, dahil ipinakita nila ang kabuohang pangyayari maging ang kalupitan ng mga Kastilang pari noong panahong iyon, sapagkat maaaring may magalit sa kanila, dahil tayo’y isang katolikong bansa. Ipinakita sa pelikulang ito ang buhay ni Rizal simula noong kanyang pagkabata hanggang sa siya’y bawian ng buhay ng mga Kastila. Binigyang pansin dito ang mga mahahalagang pangyayari sa kanyang buhay na nagbigay motibo sa kanya upang ipaglaban ang kalayaan, ang mga sakripisyong kanyang ginawa para sa bayan at kung gaano siyang kahusay bilang isang manggagamot, manunulat, anak, kapatid at maging mangingibig. Labis kong nagustuhan ang huling parte ng pelikula kung saan bumagsak siya sa lupa na nakaharap sa langit, tinitingnan ang pagsikat ng araw habang naghihingalo. Dahil sa pelikulang ito, mas lalo kong naunawaan at napahalagahan ang mga sakripisyo at pamanang ipinagkaloob nila sa atin.

ROSE ANN J. LAURESTA BSCE-5B Malinaw at magandang naipakita ng mga tauhan na nagsiganap ang mga karakter sa pelikulang aming pinanuod. Dahil sa aking napanunuod ay mas lubusan kong naintindihan ang dating kalagayan ng ating bansa noong tayo ay nasa ilalim pa ng pamahalaang Espanya. Ang kabuuhan ng pelikula ay umikot sa pamamagitan ng pagbabalik tanaw ng iba’t ibang yugto ng buhay ng ating pambansang bayani. Inilarawan dito ang buhay niya mula pagkabata hanggang sa makapag aral siya sa kolehiyo. Maging ang mga nobela at tulang ginawa niya ay ipinakita rin. Labis na naantig ang aking damdamin sa mga nasaksihan kong pagpapahirap sa mga Pilipino noon, lalo na ang pagpapahirap na ginawa nila kay Paciano na nakatatandang kapatid ni Dr. Rizal. Pantay-pantay na pagtingin ang tanging nais ng ating pambansang bayani. Masasabi kong hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nabibigyan ng pantaypantay na pagtingin ang bawat isa sa atin. Isang halimbawa nito ay ang kasalukuyang nangyayari sa ilang pribadong paralan. Kapag galing sa mayamang pamilya ang isang estudyante ay may mga pagkakataong mas pinapanigan siya ng mga guro kaysa sa mga kapuspalad o mahihirap na estudyante.

CHRISTIAN MONTECLARO y CHIONG BSCE 5B Pagkatapos kong masilayan ang palabas na ito, lubhang pumukaw sa aking isipan at sa aking damdamin ang hindi ko maintindihang reaksiyon. Hindi ko batid ang damdamin na aking nararamdaman, sa aking palagay ito ay galit,kasiyahan, paghanga at matinding kalungkutan. GALIT!.. dahil sa kabila ng mga nagawang kabutihan ng ating mahal at huwarang bayani ito pa ang naging mitsa ng kanyang buhay. Nahatulan siya ng kamatayan dahil sa kanyang mabuting mithiin sa ating inang bayan, sa pag salba sa mga pilipinong sunod-sunuran sa mga kastilang walang puso at kaluluwa. KASIYAHAN!.. dahil sa kabila nang lahat ng paghihirap ng ating bayaning si Dr.Jose Rizal tumatak at pumukaw sa utak ng bawat Pilipino ang salitang kalayaan.Dito nagsimulang gumamit ng dahas ang mga Pilipino para lumaya sa matinding pagkakagapos sa kadenang bakal na gawa ng mga kastila. PAGHANGA!..

dahil

sa

katalinuhang

taglay

ni

Rizal

ginamit

niya

itong

kasangkapan upang labanan ang mga kastilang mapagsamantala. Humanga ako ng labis dahil imbis na dahas utak ,papel at pansulat ang kanyang naging sandata upang labanan ang mga kastilang nagpapahirap sa mga pilipinong inosente at walang kaalaman sa mga kahayupan at kababuyang ginagawa nito sa bawat tao. MATINDING KALUNGKUTAN!.. kung sakaling buhay pa si Rizal ngayon masisilayan niya ang kanyang nagawa sa ating inang bansa. Isa din sa aking

labis na

ikinalulungkot ay ang pagpatay sa kanya na hindi naman dapat. Namatay siya dahil sa kanyang mabuting nagawa,wala siyang laban at kapangyarihan upang pigilan ito subalit nagdulot ito ng paglaban ng mga Pilipino sa kastila upang makalaya ang ating bansa. Naging daan ito upang kumilos tayo sa kadenang nakagapos sa atin. Sa palabas na ito napakagaling ng mga nagsiganap lalo na si Cesar Montano bilang ating pambansang bayani. Sa mga manunuod malalaman nila ang lahat ng ginawa ng ating pambansang bayani upang makalaya an gating bayan sa matinding pagkakakulong sa rehas na gawa ng mga mapangsamantalang mga kastila.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF