QUIZ SA FILIPINO 4, 5 AT 6

March 5, 2017 | Author: Mark Dave Magaoay Camarao | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download QUIZ SA FILIPINO 4, 5 AT 6...

Description

QUIZ NO. 3 SA FILIPINO 5 Talasalitaan/Pagbabaybay Piliin mula sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang mga pangungusap.

I.

masinsinan 1. 2. 3. 4.

hindi kaila

isinugo

igiit

dalisay

matamlay

Gusto kong mag-usap tayo ng ___________ para magkaunawaan tayo. Si Rochelle ay naging _____________ mula nang iniwan siya ng ama. May sarili akong isip kaya huwag mong __________ ang gusto mo. Para malutas ang problema ng mga OFW, ______________ ng gobyerno si Sek.del Rosario sa Kuwait. 5. Isang mabuting tao si Abegail dahil _____________ ang kanyang puso at pag-uugali. II. Wika/Pang-gramatika A. Sagutin ang mga sumusnod. Isulat ang titik lamang. 6. Ang mga ibon ay lumilipad sa langit. Ang nasalungguhitan ay a. buong simuno b. buong panaguri c. sugnay na di-makpag-iisa 7. Sa pangungusap na “Dinala ni Allen ang paying”, ano ang simuno? a. Allen b. paying c. dinala 8. Matatayog ang mga gusali sa Makati. Ano ang ayos ng pangungusap na ito? a. karaniwan b. di-karaniwan c. ordinaryo 9. Kung nauuna ang panaguri sa pangungusap, ito ay nasa ayos na ____________. a. karaniwan b. di-karaniwan c. kabalikan 10. Ang maliliit na tindahan ay isinara. Ang buong simuno ay a. ang mga maliliit b. ang mga maliliiit na tindahan c. tindahan ay isinara B. Bilugan ang payak na simuno at salungguhitan ang buong panaguri. 11. Masayang nagbidahan ang magkakamag-aral. 12. Sina Amy at Nelly ay matagumpay sa pagsusulit. 13. Nagpada si Lola Tinay ng kanyang silid. 14. Si Miguel ay magalang na nakipag-usap sa guro. 15. Maglilinis si Tim ng kanyang silid. C. Gawing karaniwan o di-karaniwan ang sumusunod. 16. Mahusay sumayaw si Billy. 17. Ang mga sanggol ay maingat na inalagaan sa pagamutan. 18. Sina Rain at Victor ay naatasang mag-ulat ng balita. 19. Ang dalaga ay nagparinig ng magandang awitin. 20. Masaya ang buhay kung magpapatwad sa kapwa.

I.

QUIZ NO. 3 SA FILIPINO 4 Talasalitaan/Pagbabaybay Piliin mula sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang mga pangungusap. namataan

umangal

bumagtas

bukana

sumapit

malibang

Noong pumunta kami sa Maynila, (1)__________________ ko nag maraming matatayog na gusali. Kami rin ay (2) _______________ sa sikat na daan sa Pilipinas, ang makasaysayng EDSA. (3)____________ dahil mainit at traffic sa daan. Buti na lang at (4) ______________ kami sa Mall of Asia at doon maki namasyal at namili para kami ay (5) __________________. II. Pagbasa. Basahin ang sumusunod na maikling kwento at sagutin ang bawat tanong. Isulat ang titik lamang. Ang Tubig-Ulan “Walang pasok ngayon. Nag-anunsyo ang paaralan,” sabi ni ALing Melba kay Rinalyn. “Talaga po? Makapaglalaro kami kung ganoon,” wika ni Rinalyn habang kinakalikot ang kanyang selpon. “Anak, huwag magpapa-ulan. Delikado lalo na paparating daw ang malakas na bagyo.” Isang babala ito galing kay Aling Melba sa anak. Dahil matigas ang ulo ni Rinalyn, lumabas pa rin siya ta naglaro sa tubig-ulan. Gininaw siya at walang tigil ang kanayang pagbahing. 6. Bakit walang pasok sina Rinalyn? a. dahil may meeting b. may paparating na bagyo c. maysakit siya 7. Sa kabila ng bilin ni Aling Melba, naglaro pa rin si Rinalyn. Anong katangian mayroon siya? a. palasuway b. masunurin c. magalang 8. Anong pahayag ang nasa kwento na naglalarawan kay Rinalyn? a. mabait siyang bata b. matigas ang ulo niya c. magaling siya sa klase 9. Giniginaw at walang tigil ang pagbahing ni Rinalyn. Ano kaya ang mangyayari sa kanya? a. magkaka-allergy siya b. magkakasakit siya c. maglalaro ulit siya 10. Ang mga sumusunod ay matututunan sa nabasa MALIBAN sa isa. Ano ito? a. Huwag maglaro sa ulan. b. Sumunod palagi sa magulang. c. Ang tubig-ulan ay nakakatulong sa atin. II. Wika. Sagutin ang bawat tanong. Isulat ang titik lamang. 11. Si Luisa ay mapagmahal sa magulang. Ang nasalungguhitan ay _________ a. payak na simuno b. payak na panaguri c. buong simuno 12. Ang pihikan ay lampa at sakitin. Ang nasalungguhitan ay _____________. a. buong simuno b. buong panaguri c. payak na panaguri 13. Ito ang paksang pina-uusapan sa pangngusap. a. simuno b. panaguri c. diwa 14. Si Rose na nag-aaral sa RDA ay maganda. Ano ang payak na panaguri sa pangungusap? a. panghalip b. pang-uri c. pandiwa 15. Siya ay napiling kandidato. Ang simuno ay isang __________ a. panghalip b. pang-uri c. pandiwa B. Bilugan ang payak na simuno at lagyan ng ang payak na panaguri. 16. Sina Andrey at Felix ay mahusay sa matematika. 17. Ang mag-iwan ng kalat ay ire-report sa guro. 18. Dakila ang nagmamahal sa bayan. 19. Ang bag ni Miguel ay naiwan sa school bus. 20. Sumasakit daw ang tiyan ni Ben?

QUIZ NO. 3 SA FILIPINO 6 I.

Talasalitaan/Pagbabaybay Piliin mula sa kahon ang angkop na salita upang mabuo ang mga pangungusap.

sagana 1. 2. 3. 4. 5.

bantog

umaamot

nabagabag

nagluwat

panikluhod

Masipag na magsasaka si Mang Abner kaya ____________ ang kanyang ani. Si Fernando Amorsolo ay isang __________ na pinto ng bansa. Hindi ___________, naging mayaman siya dahil masipag siyang mag-aral. Ang matandang babae ay _____________ na humingi ng pagkain. Ang ina ay _________________ nang magkaroon ng karamdaman ang anak.

II. Pagbasa. Basahin ang sumusunod na maikling kwento at sagutin ang bawat tanong. Isulat ang titik lamang. Ang kuturang Pilipiino ay binubuo ng mga kaalaman, pagpapahalaga at pag-uugali ng mga tao. Isang mahalagang salik nito ang relihiyon. Malaki ang imluwensiya nito sa mahahalagang tradisyon ng mga Pilipino. Isa pang aspeto ay ang pamahalaan at sistema ng batas. Ang pamahalaan at batas ay nabuo upang magkaroon ng kaayusan sa isang nasasakupan. Ikatlonh aspeto ang pakikip[ag-ugnayan sa ibang bansa at pakikipag-kaibigan sa mga dayuhan. Patuloy na umunlad ang mga aspetong ito at ipinapakita nito ang ating pagiging Pinoy. 6. Ano ang tawag sa kaalaman, pagpapahalaga at pag-uugali ng mga tao? a. lenggwahe b. kultura c. paniniwala 7. Ano ang epekto ng rehiyon sa mga Pilipino? a.nagbabago ang katauhan nila b. naiimpluwensyahan ang kanilang tradisyon c. nagiging maparaan sila 8. Ayon sa talata, bakit nabuo ang pamahalaan at batas? a. para may pinuno tayo b. para may makulong at maparusahan c. para magkaroon ng kaayusan sa nasasakupan 9. Ano ang paksa ng talata? a. Kuturang Pilipino b. Tradisyon c. Pagiging Pinoy 10. Ano ang angkop na pamagat sa talata? a. Ang mga Aspeto b. Ang Kulturang Pilipino c. Relihiyon at Pamahalaan

III. Wika/pang-gramatika. Isulat ang titik lamang. 11. Sina Amy at Nelly ay matagumpay na nakapasa sa pagsusulit. Ang mga nasalungguhitan ay a. payak na simuno b. buong simuno c. payak n panaguri 12. Sa Mindanao natagpuan ng mag-anak ang magandang kapalaran. Ano ang payak na simuno? a. Mindanao b. mag-anak c. kapalaran 13. Ito ay ayos ng pangungusap kung saan nauuna ang panaguri kaysa sa simuno. a. kraniwan b. di-karaniwan c. sugnay 14. May pasok ngayon. Anong pangugusap na walang paksa ito? a. pautos b. pasukdol c. eksistensyal 15. Alin sa mga sumusnod ay pangugusap na pangkalikasan? a. May pagkain. b. Umuulan na naman. c. Takbo! 16. Summer na naman. Ito naman ay _______________. a. pamanahon b. pangkalikasan c. panagot sa tanong 17. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng muling pagtatanong? a. Ha, saan? b. Kailan mo ibibigay? c. Oo. 18. Kumukulog! Ang pangungusap na ito ay a. pamanahon b. pangkalikasan c. padamdam 19. Niyaya mo na si Karen na magsimulang lumakad para makauwi na. Anong pangungusap na walang paksa ang pinakaangkop? a. Tayo na. b. Lakad na. c. Sulong na. 20.Aray, ang sakit ng paa ko! Ang pangungusap na ito ay a. pautos b. pasukdol c. padamdam

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF