PUP Student Information System

September 7, 2017 | Author: Kaycee Lopez | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download PUP Student Information System...

Description

c c   

Ê   Ê         Ang Student Information System (o mas kilala bilang SIS) ay isang teknolohiyang binili ng Unibersidad upang di-umano ay pabilisin ang proseso ng enrolment ng mga estudyante, particular sa mga freshman sa taong ito. Ayon sa administrasyon, ang ³full computerization ng enrolment´ ay magbibigay-daan sa mabilis na pagproseso ng mga papeles ng mga estudyante at makakayang tapusin ang enrolment sa loob ng isang araw. Ang SIS din ang siyang binabayaran ng mga estudyante sa halagang Php 250 kada Semestre na nagsimula noong 1st sem ng taong 2008. Ang SIS ay inaprubahan ng Board of Regents sa pagkukuntsabahan ng tuta ng Malacañang na si dating CHED Chairman Romulo Neri at Dr. Dante Guevarra. Ito ay inaprubahan sa kabila ng apila at panawagan ng mga estudyante na ito ay ibasura, sa pamamagitan ng Student Regent. Una, dahil ito ay hindi dumaan sa demokratikong proseso ng konsultasyon sa mga ito; pangalawa, ito ay walang malinaw na dokumento (katulad ng kontrata, etc.) at higit sa lahat ay ang paggiit na ang pagbabayad sa serbisyong ito ay hindi kailanman dapat huthutin sa mga Iskolar ng Bayan. Nakaraang taon lamang, mahigit kumulang 150M piso ang kinita ng PUP, kalakhan ng halaga nito ay nilaan sa mga infrastructure projects ng administrasyong Guevara at pagbabayad sa amortization ng buluk-bulok at sira-sirang GSIS condotel na nagkakahalagang mahigit 300 milyon na ating babayaran sa loob ng 30 taon, na wala namang direktang pakinabang sa mga estudyante, guro at kawani. Ano ang tunay na mukha at iskema ng SIS? Nakalipas ang enrolment ng unang semestre, napuno ng hinagpis at reklamo ang opisina ng Sentral na Konseho ng Mag-aaral at Student Regent mula sa mga magulang at mga estudyante dahil sa napakabagal at palpak na proseso ng enrolment. Ang dati ay isang araw na paglalakad ng papeles para makapasok sa Unibersidad, ngayon ay umabot na nang hanggang limang araw. Higit sa lahat, napakaraming mga freshmen ang dumagsa sa tanggapan ng konseho ng mag-aaral dahil sa iregularidad na naganap partikular hinggil sa enrolment sa NSTP ng ROTC at CWTS. And SIS ang nagbigay-daan sa mabilis na pagsikil sa karapatan ng mga estudyante na makapili sa pagitan ng CTWS at ROTC. Sa taong ito, mahigit sa 200 mga estudyante ang nagreklamong ang pinili nilang programa ay CWTS ngunit ikinagulat na lamang nila na sila pala ay automatic na ipinasok sa ROTC sapagkat puno na ang programang CWTS para sa semestre na iyon. Ang SIS din ang ginamit ng Administrasyong Guevara na dahilan upang hindi agarang mailipat ang mga estudyante sa

programang orihinal nilang pinili. Higit sa lahat, ang SIS ang siyang instrumento ng Administrasyon upang walang-habas na maggawad ng honorable dismissal sa mga estudyante. Sa sistemang ito, ang incomplete, withdraw at dropped ay itinuturing na bagsak (5.00) sa kautusan na rin ng Registrar ng PUP na si Prof. Melba Abaleta. Sa makatuwid, nilalabag ng Administrasyon ang nakasaad sa Student Handbook na ang estudyante ay magagawaran lamang ng HD o dismissal sa unibersidad kung siya ay nakakuha ng (handbook guideline)«. Kaya naman noong 2nd sem, dahil sa binaluktot na regulasyon ng administrasyon, ay halos mahigit kumulang 100 mga estudyante ang tinanggalan na ng karapatang makapag-aral sa PUP at tinatayang madadagdagan pa ito kapag nagpatuloy ang kasalukuyang ginagawa ng admin. Sa makatuwid, and SIS ay isang iskema ng administrasyon upang makapang-huthot mula sa mga estudyante upang ipambayad sa multi-milyong pagkakautang ng Unibersidad dahil sa mga proyekto na wala namang mabuting dulot sa ating pamantasan. Gayundin, ang SIS ay nagsisilbing instumento ng represyon dahil sa ito ay ginagamit ng AFP sa pakikipagsabwatan sa administrasyon upang pilit na ipasok ang mga estudyante sa malatagal nang nabubulok at namamahong ROTC. Ito rin ay madulas na behikulo ng admin upang agarang mapatalsik ang kahit na sinong estudyante, higit sa mga tukoy na miyembro ng mga progresibong mga organisasyon, kahit na ito ay walang sapat na batayan.

Ano ang kaugnayan ng SIS sa mga dagdag bayarin ngayon? Napakalaki ng papel na ginampanan ng SIS sa paparami nang paparaming mga iligal na bayarin sa ngayon. Unang-una na riyan ang pag-obliga ng admin sa mga estudyante na sa Landbank branches magbayad kahit na ikaw ay nasa PUP na mismo. Sa polisiyang ito, ang mga estudyante ay nangangailang magbayad ng dagdag na P25 bilang service charge fee. Bagamat ang halagang ito ay hindi direktang napupunta sa unibersidad, ang polisya at gayundin ang bayarin na hinuhuthot mula sa mga estudyante ay ni hindi man lamang dumaan sa hapag ng Board of Regents. Higit sa lahat, sino nga ba ang makakalimot sa panibagong singilin na ipinataw ng administrasyon ngayong 2nd sem kung saan ang mga estudyante ay sapilitang pinagbabayad ng P300 para sa PE uniform fee may ginagamit man o hindi. Dahil sa iskemang ito, ginagawang palusot ito ng admin upang sapilitang magpasuot ng uniporme sa mga estudyante. Ito ang desperadong hakbang ng kasalukuyang administrasyon upang ipatupad ang polisya hinggil sa uniporme sapagkat sa loob ng napakaraming taon, ilang beses na itong binibigo ng mga Iskolar ng Bayan. Dahil sa SIS, madulas na nakapaningil ang admin sa kabila ng katotohanang ito ay iligal dahil bukod sa hindi ito dumaan sa konsultasyon sa mga estudyante, hindi rin ito inaprubahan ng BOR. Muling binaluktot ng admin sa pangunguna ni Dr. Dante Guevara upang maisakatuparan ang paniningil. Dahil sa agap at sama-samang pagkilos ng mga Iskolar ng Bayan upang itigil ang ganitong buktot na gawain ng administrasyon, agad umaksyon ang mga ito para ipahinto at i-refund ang nasabing mga bayarin. Noong Nobyembre, napagkasunduan ng admin at mga lider-estudyante na ibabalik sa mga Isko ang nasabing bayarin sa PE uniform fee.                  

Œ   Œ

    

 !  "  #!  $  !% !  #!  &  '()   * + +,--. %  + +,--/ %  

  "   0 0   c      1

1,--/$   #  1&#1   

1  1   # 11 1.  1 2  & 3   1  4 $ ! $ 1 $

! # $  c     

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF