Presentation in Filipino 10 - Q1

September 10, 2017 | Author: Jayne Leziel | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Presentation sa filipino 10...

Description

“Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan” Kritiko Para Sa…

Mga Tauhan sa Kwento - Ricky Dalisay



Haumea – Diyosa ng makalumang kalupaan, ina ni Pele



Kane Milohai – Diyos ng kalangitan, ama ni Pele



Pele – Diyosa ng apoy



Namaka – Diyosa ng tubig, kapatid at kaaway ni Pele



Hi’iaka – Diyosa ng hula at ng mga mananayaw, paboritong kapatid ni Pele



Apat na Diyosa ng nyebe – mga naiingit sa kagandahan at talento ni Pele at Hi’iaka



Ohi’a – makisig na lalaking nagustuhan ni Pele



Lehua – asawa ni Ohi’a



Hopoe – matalik na kaibigan ni Hi’iaka



Lohi’au – kasintahan ni Pele



Kane Milo – tumulong kay Hi’iaka upang mabalik ang kaluluwa ni Lohi’au, kapatid ni Pele at Hi’iaka

Buod ng Kwento - China De Leon

May isang pamilyang naninirahan sa lupain ng Tahiti ang magasawang sina diyosang Haumea at Diyosong Kane Milohai kasama ang anim na anak na babae at pitong anak na lalaki. Ngunit habang lumalki ang pamilya ay unti-unting nawawala ang kapayapaan dahil sa awayan ng magkapatid na sina Pele ang diyos ng apoy at Namaka ang diyosa ng tubig. Isang araw ay nasunog ni Pele ang kanilang tirahan pati narin ang kanilang lugar, nagalit si Namaka sa galit niya ay nagbanta siya na babahain niya ang isla kaya napilitang maglakbay ang pamilya pati narin si Pele gamit ang bangka. Habang namamangka ay nakahanap sila ng isang isla at doon sila nanirahan at sa islang iyon ay napisa ang itlog na inaalagaan ni Pele at pinangalanan niya itong Hi’taka mahusay itong sumayaw at kumanta. Ngunit may apat na diyosang naiinggit sa kanila kaya sa tuwing nagtatayo sila ng tirahan ay binubugahan nila nito ng niyebe kaya palipat-lipat sila ng tirahan kalapit ng isla. Sa huli ay nakahanap si Pele ng tirahan para sa kanyang pamilya ..Ito ay sa isang pinakamataas na bundok sa buong mundo. Hindi sumuko si Namaka. Pilit niyang pinaabot sa tuktok ang kanyang mga along kanyang pinakawawalan. Hindi nagpatalo si Pele pinaliyab niya ang apoy sa pusod ng bulkan. Nagsanhi ito ng pagsabog ng bulkan nang matuyo ang mga lava atnaging isang lupainat ito ay tinawag na Haway. Nanalo si Pele sa laban nila ngunit nanghina siya at namatay. Ngunit hindi siya naglaho minsan ay nagiiba siyang anyo. Nagbalat’kayo siyang bilang isang magandang babae at nakita niya si Ohi’a, inakit niya ito ngunit may asawa siyang nagngangalang Lenua.Nakita niya itong nagyayakapan at sa galit niya ay ginawa niyang isang puno si Ohi’a at nagmakaawa si Lenua kaya ginawa niya itong isang bulaklak. Ang naging sunod niyang biktima ay ang panakamamahal niyang kapatid na si Hi’taka na pinasundo niya si Lohi’au kay Hi’taka. Nagtagal si Hi’taka dahil sa mga halimaw niyang kinalaban nang nakita niya si Lohi’ ay may sakit dahil akala niya ay hindi na siya babalikan ni Pele. Nagkamabutihan silang dalawa ngunit pinipigilan nito ni Hita’ka at lumipas ng apatnapung araw ay hindi pa din sila nakakabalik ang bunsong kapatid. Kung ano ano ang inisip ni Pele, iniisip niya na inaakit na ni Hi’taka si Lohi’ay kaya pinasabog niya ang bulkan kaya nasira ang hardin at namatay si Hopeo na pinagbilin niya kay Pele.Sapagbalik ni Hi’taka ay nakita niya na nasira ang kanyang hardin at patay na si Hopeo. Bilang ganti, ay niyakap niya si Lohi’au upang makita ni Pele at nagalit muli ito kaya pinasabog niya muli ang bulkan at namatay si Lohi’au dahil natabunan siya ng lava. Humingi siya ng tulong sa kanyang kapatid na si Kane-milo at tinulungan siya nito namangka sila , nakita nila ang katawan ni Lohi’au at muling ibinalik ni Kane-milo ang buhay nito. At masayang nakita ulit ni Hi’taka si Lohi’au . Napagpasyahan nilang lumipat at lumayo sa Haway. Napagsisihan ni Pele ang kanyang nagawang kasalanansa kanyang kapatid pati na rin kay Lohi’au. Kaya hinyaan niyang mamuhay ng payapa. Hindi alam ni Hi’taka ang masaganang pagsibol ng mga itinatanim niya ay dahil kay Pele. Sa kasalukuyan, may mga nagsasabing may nakapagsasakay sila ng matandang babaeng nakaputi na may dalang aso sa Kilauea.

Banghay/Istilo ng Paglalahad -Ania Dela Cruz

 Sa

storyang “Si Pele, Ang Diyosa ng Apoy at Bulkan” naging maayos ang pagkakasunod sunod ng storya, ito ay hindi naging magulo at ito ay naging maliwanag. Ito din ay nagbibigay ng aral na walang maidudulot na maganda ang pagiging selosa o laging galit kahit na hindi pa alam ang buong storya, kailangan intindihin ang mga taong nasa paligid mo at pahalagahan ang pamilya. Ang lugar at pagpapaliwanag ng tauhan sa kwento ay naging malinaw at madaling intindihin.

Reaksyon Para sa Tagpuan - Marcus Alcoba

 Naging

angkop ang isla ng Hawaii sa kwento. Inilahad sa kwento ang bawat detalye na nagbibigay sa atin ng ideya kung ano nga ba ang itsura ng kapuluan ng Hawaii. Napakahusay ng kwento sapagkat mas ipinakilala pa nito sa mga mambabasa ang mga kapuluan ng Hawaii at ang mga pangitain at kultura na talaga namang makikita parin natin sa kasalukuyang panahon kung tayo ay dadayo sa islang iyon.

Reaksyon Para sa Estilo ng Pagsulat - Thomas Canillas

 Naging

matalino ang may akda sa paggawa ng kwento. Marami syang naibigay na kaalaman na nagpapatotoo at sumusuporta sa kwentong kanyang nagawa, katulad ng paglaki nga ng isla ng Hawaii dahil sa mga lava na nanggagaling sa bulkang Mauna Loa sa tuwing ito ay puputok. Nagustuhan ko naman sa lahat ang pagbibigay nya ng konkretong mga halimbawa, eksplanasyon at mga detalyeng nagpadali para sa mga mambabasang katulad ko na intindihin ang kwento.

Reaksyon Para sa Kultura at Pilosopiyang Pilipino na nailahad sa Akda - Jandy Gamban



Naipakita sa kuwentong ito ang isa sa mga kaugaliang Pilipino na pagpoprotekta sa ating pamilya na ginawa ni Pele.



Sa aking palagay, may parte sa istoryang ito ang nagpapakita ng isang pilosopiyang pilipino. Alam naman natin na umiikot ang istoryang ito sa pag-hihiganti. Nagpamalas naman ang pangunahing tauhan ng ilang kaisipan na kadalasa’y ginagawa ng mga Pilipino sa realidad ng buhay. Minsan iniisip lang natin na magawa ang isang bagay kahit na hindi natin alam ang maaaring maging resulta nito. Hindi muna natin inaalam ang mga susunod na bagay na mangyayari pagkatapos ng aksyon na gagawin natin.

Mga Ginintuang Aral mula sa Akda - China De Leon



Matuto tayong magpasensya sa ating mga kapatid - katulad na lamang ni Hi’taka pinagpapasensyahan niya ang kanyang ate Pele Kahit nahuhulog na siya kay Lohi’au ay pinigilan niya ito para sa kanyang ate Pele.



Matuto tayong maging mapagbigay sa ating mga kapatid - katulad na lamang ni Hi’taka pinagbigyan niya ang kanyang kapatid na si Pele kay Lohi’au ngunit yun ay nung una dahil ayaw niyang magalit sa kanya ang kanyang ate pero sa huli ipinaglaban niya ito.



Huwag tayong mahihiyang humingi ng tulong sa ating mga kapatid - katulad na lamang ng ginawa ni Hi’takasa paghinga ng tulong sa kapatid niya na si Kane-milo.



Alagaan natin ang ating pamilya - katulad na lamang ng ginawa ni Pele humahanap siya ng lugar na kung saan magiging ligtas ang kanyang pamilya.



Matuto tayong pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan - katulad na lamang ng ginawa ni Pele dahil sa huli aypinagsisihan niya ang kanyang mga nagawang kasalanan , sinusubukan niyang gawing tama anng mga nagawa niyang mali.



Dapat nating tanggapin na hindi lahat pwedeng maging atin - Katulad ni Pele tinanggap niya na lang na hindi sila para sa isa’t-isa ni Ohi’a kundi si Ohi’a ay para kay Lehua. Kahit ginawa niya itong halaman at puno hindi niya ginambala ang kanilang pagmamahalan.

Kongklusyon - Ricky Dalisay



Sa katunayan ay nagustuhan ko talaga ang akdang ito. Sa aking palagay ay napaka ganda nitong basahin di lamang ng mga matatanda gayun din ng mga bata. Napaka raming bagay ang matututunan sa akdang ito, di lamang mga kaalaman sa kapuluan ng Hawaii kundi pati narin ang mga gintong aral na nakapaloob sa akda. Imunumungkahi ko lamang na sana ay gumamit ang may akda ng mga konseptong mas madaling maintindihan ng mga batang mambabasa upang sila ay tunay na mapukaw sa kagandahan ng akda na maaaring magresulta sa kanila upang isabuhay ang mga magagandang gintong mga aral dito. Pero kung tutuusin, ay napaka ganda na talaga ng akdang ito sapagkat ang manunulat ay isinulat ang akdang ito hindi lamang upang tayo ay libangin kundi nasa isip nya rin na tayo ay may matutunan at may maisabuhay sa ating pang araw-araw na buhay. Sana ay suportahan pa natin ang kwentong katulad nito at ang mga manunulat na katulad ng may-akda ng kwentong ito upang sila ay patuloy parin lumikha ng mga napaka ganda at punung-puno ng mga aral na kwento na may napaka laging kaganapan sa paghubog pa natin sa mga susunod na henerasyon, upang sila ay mas maging matalino at aktibong miyembro pa ng ating lipunan sa mga susunod pang panahon.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF