Pormalistikong Pagdulog Sa Pelikulang Way Back Home

June 11, 2016 | Author: Eunice Kryna Verula | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Pormalistikong Pagdulog Sa Pelikulang Way Back Home...

Description

Pormalistikong Pagdulog sa Pelikulang Way back Home

FELY N. VICENTE MAED-FILIPINO

BB. ERNA SALAS GURO SA FIL 505

PAMANTASAN NG XAVIERATENEO DE CAGAYAN KOLEHIYO NG SINING AT AGHAM DEPARTAMENTO NG FILIPINO

Balangkas ng Pagsusuri I. Introduksyon II. Paglalahad ng Suliranin III. Buod IV. Sangkap ng Dula

V. Mga Bisa ng Akda VI. Kongklusyon

I. Introduksyon Ang pormalistikong pagsusuri ay isang pagdulog na nagsusuri, nagbibigay-interpretasyon o paglalapat sa

mga napapaloob sa isang akda. Ito ay nakatuon sa paraan ng pagkakabuo ng akda, pagpili ng mga salita at wika o dayalogong ginamit at ang iba‟t ibang kabuluhan nito. Ang pagdulog na ito ay hindi nakabatay sa sino, ano, kailan, saan o bakit kundi sa paano. Ito ay tinatawag na ngayon makabagong panunuri o new criticism.

Sa pagsusuring ito sa pelikulang pinamagatang “Way Back Home”, ang manunuri ay nakatuon sa anyo ng pagkakagawa nito. Sa kung paano ang mga pangyayari ay nagkawil-kawil, kung paano ang mga pag-

uugali ng mga pangunahing tauhan ay nagbago o magbabago sa pagsulpot ng isang suliranin, kung paano ang suliranin ay nagbunga pa ng iba pang suliranin at

kung paano binigyang solusyon ang suliranin sa pelikula.

II. Paglalahad ng Suliranin Nilalayon ng pagsusuring ito na matugunan ang mga sumusunod na suliranin: 1. Ano ano ang iba‟t ibang suliraning pampamilya ang inilahad sa pelikula?

2. Paano nakaaapekto sa bawat tauhan ang pagkakaibaiba ng kanilang karakter? 3. Paano nabigyang-solusyon ang naging tunggalian sa pelikula? 4. Anong mga aral ang nailahad sa pelikula?

III. Buod Ito ay kwento ng dalawang magkapatid, si Joanna (Kathyrn Bernardo) at Jessie (Julia Montes). Nagkahiwalay ang dalawa noong sila ay mga bata pa lamang. Di

sinasadyang nabitawan ni Jessie si Joanna nung siya‟y nagkukumahog na matingnan ang mga maliliit na pagong. Naiwanan sa may dalampasigan si Joanna na nagtungo

naman sa ibang direksyon na inaakalang doon pumunta ang kanyang kapatid.

Lumipas ang labing-dalawang taon, nahanap ni Amy (Agot Isidro) si Joanna sa pamamagitan ng “Lukso ng Dugo”. Hindi matanggap ni Jessie ang pagbabalik ng kanyang nakababatang kapatid na siya namang inaasahan sana ng kanyang mga magulang. Nabuhay siyang may dinaramdam na insekyuridad at mga kabiguan. Ginagawa niya lahat magalak lamang ang kanyang ina. Nagsimula ang

hidwaan

nilang

magkapatid,

nanatiling

mapagkumbaba at mapagpatawad si Joanna, samantalang, mainitin

at

malupit

si

Jessie.

Ang

kanyang

kalupitan

ay

nagwakas

nang

sila‟y

nagkasubukan ng paunahang makarating sa paglangoy sa ibayong bundok. Kung matatalo siya ni Joanna ay patatahimikin na niya ito. Sa kasamaang palad, hindi nakasanayan ni Jessie ang paglangoy sa dagat. Nalunod si Jessie sa kalagitnaan ng kanilang paglangoy.

Nananalo na sana si Joanna, ngunit pinili niyang lumangoy pabalik upang matulungan ang kanyang kapatid. Na ospital si Jessie, at napagpasyahan ni Joanna na bumalik sa pamilyang kumupkop sa

kanya sa Zambales. Sa huli, napagtanto ni Jessie ang kanyang pagkakamali at humingi ng kapatawaran sa kanyang kapatid. Nabuo ulit ang kanilang pamilya.

IV. Pagsusuri

Tagpuan

Ang naging tagpuan sa pelikulang ito ay sa dalampasigang may mga maliliit na pagong kung saan aksidenteng nabitawan ni

Jessie ang nakababatang kapatid na si Joanna. Malaki ang naging kinalaman ng lugar na ito sapagkat dito nagsimulang magkalamat ang samahan ng pamilya Santiago.

 Nakatatandang Tauhan

kapatid

ni

Joanna na may malaking inggit rito. Hinahanap-hanap niya ang pagmamahal

at

atensyon

ng

kanyang mga magulang lalong lalo na ang kanyang ina na si Amy. Sa kalaunan, nagbago ang kanyang pag-uugali at mas naging mainitin

pa ang kanyang ulo nang bumalik Julia Montes bilang Jessica Lorraine S. Santiago

ang kanyang kapatid.

Nakababatang

anak

nina

Amy at Ariel at kapatid ni Jessie

na

nawala

dalampasigan.

sa

Nahirapan

siyang

makibagay

taong

kailan

sa

lang

mga niya

nakilala. Mas naging mahirap sa kanya ang pakitunguhan ang kanyang nakatatandang kapatid na si Jessie.

Kathryn Bernardo bilang Anna Bartolome / Joanna Liezl S. Santiago

Ina ng magkakapatid na sina Jessie at Joanna. Hindi nawalan ng

pag-asa

na

makikita

niya

bunsong

anak

balang

ang na

dalampasigan. Sa

araw

kanyang nawala

sa

kagustuhan

niyang makita ang anak, ginugol niya ang kanyang atensyon rito at hindi inalintana na may mga anak

pa siyang nangangailangan ng Agot Isidro bilang Amelia "Amy" Santiago

kalinga at pagmamahal niya.

Asawa

ni

Amy

na

siyang

walang sawang umintindi rito.

Hindi niya pinapakita na siya‟y nahihirapa‟t napapagod rin. Mas pinili niyang ituloy ang kanilang

buhay kahit pa nawala ang kanilang

bunsong

anak.

Mapagmahal na ama at pantay ang turing sa kanyang mga anak.

Tonton Gutierrez bilang Ariel Santiago

Nanligaw nung

una‟y

kay

Jessie

na

pinagtawanan

lamang nito. Itinago niya ang kanyang nararamdaman ng sa ganun hindi na siya mapahiya

pang muli. Sa kalaunan ay hindi pa rin niya ito maikubli kahit pa napahiya na siya. Sam Concepcion bilang AJ

Nagpatuloy

pa

kanilang ugnayan.

rin

ang

 Matalik na kaibigan ni Joanna na sa pamamagitan

ng kanyang mga fish jokes napagagaan

niya

ang

pakiramdam nito. Matagal ng may lihim na pagtingin kay

Joanna

ngunit

hindi

lang niya ito masabi sabi sa dalaga.

Enrique Gil bilang Michael

 Kinilalang ina ni Joanna na siyang kumupkop rito‟t itinuring na

parang

tunay

na

anak.

Inang hindi alintana kung sa kanyang

sinapupunan

nanggaling Joanna.

o

Ang

hindi

man

mahalaga

si sa

kanya ay maipakita rito ang kanyang Lotlot De Leon bilang Lerma

pagmamahal.

wagas

na

Banghay

Sulyap sa Suliranin Sa pamamagitan ng pagbabalik-tanaw o flashback nailahad ang naging sanhi ng pagkawalay ng bunsong anak nina Amy at Ariel na kung saan ay aksidenteng nabitawan ni Jessie ang kamay ni Joanna dahilan upang magkaiba ang daan na tinungo ng dalawa.

Saglit na Kasiglahan

Nagkrus ang landas ni Amy at Joanna nang kapwa lumahok sa kompetisyon sa paglangoy ang kanyang anak na si Jessie at ang nooy hindi pa niya nakikilalang anak na si Joanna. Nagkataon na narinig ni Amy ang pagkanta ni Joanna na siyang nagpalukso ng kanyang dugo dahil sa iyon ang kantang kanyang inaawit sa tuwing inihehele niya ang kanyang bunsong anak. Agad

niyang nabatid na ito na ang matagal niyang hinahanap na nawawalang anak. Hindi naman lubos maisip ni Ana (Joanna) na magkakaroon ng kapalit ang kanyang pagkapanalo sa kompetisyon.

Nasambit pa nga niya: “ Kung ang kapalit ng pagkapanalo ko,

ang pagkawala ng pagkatao at pamilya

ko, sana hindi na lang ako nanalo”. Sa kabilang dako naman, nagkaroon ng pagtatalo sina Amy at Ariel dahil sa paggiit ng una na si Ana ang kanilang nawawalang anak. Narito ang

bahagi ng kanilang pagtatalo:

“At kung hindi siya „yon? Then what? Hindi pa ba sapat na minsan ng nawala sayo ang anak mo? Paulit-ulit na lang ba tayong aasa‟t masasaktan? Why wouldn‟t you allow yourself to be happy? Why wouldn‟t you allow this family to be happy?” pahayag ni Ariel.

“ Im sorry kung naging hadlang ako sa kaligayahan ninyo.

And im sorry kung hindi ako katulad ninyo na kayang kalimutan si Joanna ng ganun-ganun lang. And im so sorry Ariel, kung hanggang ngayon mahal ko pa rin ang anak ko. At gagawin ko ang lahat para maibalik lang siya” tugon ni Amy.

“So ako? Dahil pinili kong ituloy ang buhay ko, hindi ko na minahal si Joanna? Ganun? Dahil hindi ako umiyak sa harapan ninyo hindi ako nasaktan nung nawala si Joanna. Ganun ba „yon? Ganun ba „yon? “ Huling pahayag ni Ariel.

Naging malaking katanungan naman para kay Jessie ang pangyayaring iyon at naihayag niya ang kanyang saloobin. “ Dad, kung siya nga po talaga si Joanna,

kung pwede pa pong mabuo ang pamilya natin, kahit ilang beses pa po niya akong talunin, okey lang po. Dad please pagbigyan niyo na po si Mommy”.

Sa kabuuan naging simula „yon ng pag-inog muli ng buhay ni Amy. Natagpuan niya ang kanyang anak na

matagal ng nawala sa kanila. Ngunit ang naging kapalit naman nito ay ang pagkalamat ng kanilang mga relasyon.

Tunggalian Sa pelikulang ito, makikinita natin na tatlo ang naging

tunggulian. Ito ay tao laban sa sarili, tao laban sa tao at tao laban sa pagkakataon.

Tao laban sa Sarili Naging mahirap para sa mga pangunahing tauhan na

tanggapin

ang

katotohanan.

Lalong

magkapatid na sina Jessie at Joanna.

lalo

na

ang

“ Nakita na si Joanna… Yeah! Dapat…

Akala ko nga ehh.. Ilang taon akong nagdarasal na sana makita na namin siya na makumpleto na kami. So that everything will be okey again. Pero bakit hindi ganun? Alam mo hindi nga ako natuwa nung makita namin siya eh. (akmang iiyak) Ang sama ko no? Pinipigilan ko „yong nararamdaman ko. Kaya ako mismo „yong pumilit kay Daddy na sunduin si Joanna. I thought my feelings would change. I wanted my feelings to change. It never change. Naiinis ako AJ. Naiinis ako kasi nakikita ko ang saya-saya ng Mommy ko. She never smiled at me or look at me the way she does at Joanna. Galit na galit ako sa kanya nun. Kasi ayaw niyang sumama sa amin. Kasi nakita ko ang lungkot ulit ni Mommy ehh.. Alam mo ba ang ayokong maramdaman ulit?.. Guilt! Nagiguilty ako kasi natutuwa ako kasi pinili ni Joanna na huwag ng bumalik sa buhay namin” Madamdaming pahayag ni Jessie kay AJ.

“ Pasensya na po huwag ninyo po sanang mamasamain ang sasabihin ko sa inyo pero hindi po ako makakasama sa inyo. Nagpapasalamat po ako dahil nagkita tayo ulit. Salamat po dahil

hindi ninyo ako nakalimutan. Pero nandito po kasi ang buhay ko eh.. nandito po ang pamilya ko” Mahinahong paliwanag ni Joanna sa harapan ng kanyang mga magulang.

Sa naibigay na dayalogo sa itaas, makikita na nag-aalab ang mga damdamin nina Jessie at Joanna. Hindi nila matanggap sa kanilang sarili ang katotohanang sila‟y magkapatid. Gusto nilang

kumawala sa katotohanan nang sa ganun hindi na sila makaramdam pa ng kahungkagan.

Tao laban sa Tao Malinaw na nailahad sa pelikulang ito ang hidwaan sa pagitan ng magkapatid, magina, mag-asawa at maging sa magkakaibigan. Hidwaang Mag-ina

“ Yes Mom can we please don‟t talk about her. Cause they don‟t want to be here” Pagsusumamo ni Jessie.

“ Wala rito ang kapatid mo dahil…” Putol na pahayag ni Amy “ Kasalanan ko! Common say it, it‟s my fault. Kung di ko sana kayo sinuway eh di

sana nandito pa si Joanna. Ako may kasalanan di ba? Eh di sana nandito pa siya hanggang ngayon. Ano? Kasalanan ko di ba? Kasalanan ko. No! Sige na! Sabihin niyo na sa akin na kasalanan ko ito! Kasalanan ko kung bakit niya tayo kinalimutan. Kasalanan ko kung bakit hindi siya sumama sa atin. Kasalanan ko kung bakit ibang pamilya ang pinili niya. Kasalanan ko ito! Kasalanan ko „tong lahat! Ayan Mommy inamin ko na. Ehhh „kaw? Kailan mo aaminin na ikaw ang dahilan kung bakit nagkandaletsi-letsi ang pamilyang ito?” Naibulalas ni Jessie sa tindi ng nadarama.

Pagkatapos niya iyong maibulalas ay isang sampal ang natanggap niya mula sa ina. Mahihinuha natin sa sagutan ng mag-ina na matagal ng ikinukubli ni Jessie ang bigat sa dibdib dahil alam niyang siya ang sinisisi ng kanyang ina sa pagkawala ni Joanna. Kaya nabigyan siya ng pagkakataong

mailabas ang tunay na saloobin sa ina. Sa kabilang banda naman, ayaw naman direktang sabihin ni Amy sa anak na siya ang sinisisi nito. Ngunit magkaganun pa man, naipakikita naman niya rito sa pamamagitan ng kanyang mga kilos ang matamlay na pagtrato niya rito.

Hidwaang magkaibigan

“Hassle ka sa buhay alam mo „yon? Everyone asking me where you are” Saad ni AJ.

“ Pasensya ka na huh? There was a time naman na hindi ako hassle sa buhay mo” Tugon ni Jessie. “ Yeah! There was a time that I was foolish enough to think that when I tell

you that I love you, you just say back. Pero pinagtawanan mo lang ako” Giit ni AJ.

“ AJ” Tawag ni Jessie.

“ Am not gonna give you a chance to do that again” Huling pahayag ni AJ. Sa dayalogong iyon nina AJ at Jessie, malalaman natin na may dati na silang naging alitan. Ang palitan nila ng mga salita ay patama nila sa isa‟t isa.

Hidwaang magkapatid.

“ Ana! I told you not to touch my things” pagalit na saad ni Jessie. “ Ate sandali. Ate sorry… gusto ko lang naman…” Putol na pahayag ni

Joanna. “ Gusto mong agawin lahat sa akin!” ani Jessie. “ Hindi ate! Wala akong balak agawin…” Pagsusumamo ni Joanna. “ Sinungaling ka talaga. Alam mo bang bata pa lang tayo mang-aagaw

ka na hanggang ngayon mang-aagaw ka pa rin!” dagdag ni Jessie. “ Akala ko kasi ate matutuwa ka ehh..” nanginginig na sambit ni Joanna.

“ Mukha ba akong natutuwa? Pakialamira ka ehh. Ginugulo mo

lahat. Gusto mo kasama ka sa lahat. You want to be friends with my friends? You can‟t! Because they don‟t like you. You want to be part of

the swimming team? You can‟t! Because hindi ka namin kailangan! You want to be part of everything I am? You can‟t! Dahil ayoko!” tuloy-tuloy na pahayag ni Jessie.

“ Jessie, puwede bang kumalma ka lang? Ganyan ka ba magalit

dahil sa isang laruan lang? Ang O.A mong mag-react. Puwede bang easy ka lang okey?” Awat ng kanilang nakatatandang kapatid na lalaki. “ Don‟t tell me to take it easy. Because you don‟t know how I feel” Huling pahayag ni Jessie.

Sa batuhan ng mga pahayag ng magkakapatid, makikita natin ang tindi ng galit na nararamdaman ni Jessie sa kanyang kapatid na si Joanna dahil iniisip nitong nais agawin ng huli ang kung ano man ang mayroon siya.

Mapapansin rin natin na nais lang naman sana ni Joanna na mapasaya ang kapatid ngunit iba pala ang magiging kapalit nito. Umawat naman ang kanilang kuya sa kanila ng sa

ganun maibsan nang kaunti ang tensyon sa pagitan nila.

Tao laban sa Pagkakataon Makikita rin natin sa pelikula na bunga lamang ng pagkakataon ang mga naging suliranin. Nagkaroon ng pagbabago sa pag-uugali ng mga pangunahing tauhan dala na rin sa katotohanang nais nilang maikubli. Ang naging

dahilan ng suliranin at ang nag-udyok pa sa iba pang suliranin ay pawang hindi naman inaasahan. Nagkataon lamang na magiging ganun kasalimuot ang kanilang mga buhay.

Kasukdulan

Ang naging kasukdulan sa pelikula ay nung magkaroon sila ng retreat sa

may isla na kung saan nagpustahan ang magkapatid na lumangoy sa dagat. Kung sino ang unang makalangoy patungo sa isla ang siyang mananalo at maaari makamit ang hiling o gusto. Narito ang bahagi ng kanilang pustahan. “ Ate bakit ba hindi mo ako mapatawad? Ate? Ano ba ang naging

malaking kasalanan ko sayo?” tanong ni Joanna. “ Nabuhay ka. Nabuhay ka‟t lahat ng pagmamahal ni Mommy binigay

niya sayo. Wala na siyang tinira sa akin.” Direktang sagot ni Jessie.

“ Hindi totoo yan! Mahal ka ni Mommy.” Giit ni Joanna. “ Hindi! Araw-araw pinagbabayaran ko yong pagkawala mo. Araw-

araw nakikipagkompetensya ako sa multo mo. At araw-araw natatalo ako. Sana ako na lang ang nawala. Ang daya daya ehh.. ikaw dalawang

nanay ang nagmamahal sayo. Bakit napakadali ng lahat para sayo.” Tugon ni Jessie. “ Akala mo ganun lang kadali yun. Ang iwan ang nakasanayang

kong pamilya? Ang isantabi si Ana para maging si Joanna? At subukang makipagsabayan sa buhay ninyo? At anong kapalit nun ate? Lahat ng pananakit at pang-iinsulto mo sa akin ate. Hindi yon madali. Araw-araw mong pinagbabayaran ang pagkawala ko? Ehh ako? Hanggang kailan mo ako sisingilin sa pagbabalik ko ate? Sabihin mo? Anong kailangan kong gawin para mapatawad mo na ako? Ano ang kailangan kong gawin para matanggap mo na ako?” may pagpapakumbabang sabi ni Joanna.

“ Nakikita mo „yon? Talunin mo ako!” ani ni Jessie. “ Ate hindi ka sanay lumangoy sa dagat, delikado.” Awat ni Joanna.

“ Wala akong pakialam. Kung matalo mo ako patatahimikin

na kita. Kapag nanalo ako maglalaho ka na nang tuluyan sa buhay ko.” Hamon ni Jessie. Sa pustahang yaon ng magkapatid, muntikan ng malunod si Jessie dahil nga hindi siya sanay lumangoy sa dagat. Habang siya ay nalulunod na, paulit ulit na nasambit ni Jessie ang pangalan ni Joanna upang siya ay matulungan nito.Nangibabaw naman ang pagkaawa ng huli sa kanyang kapatid kung kaya‟t iniligtas niya ito.

Kakalasan Dahil sa muntikang pagkalunod ni Jessie, napagtanto ni Joanna na kailangan na siyang magpakalayo layo upang matahimik na ang kanyang ate. Narito ang bahagi ng kanyang pahayag. “ Sorry po Mommy. Sorry po.” Paumanhin ni Joanna. “ Sorry for what?” tanong ni Amy. “ Hindi po dapat ako pumayag sa hamon ni Ate” Paliwanag ni Joanna. “ Okey na anak. Im just glad you were there to save your sister.” Tugon ni Amy. “ Puwede po bang umuwi na ako sa Zambales? Dun na lang po ako.

Sana po maintindihan niyo. Gustong gusto ko po kayong makasama. Pero ayaw ko na pong nakikitang nasasaktan si Ate” ani Joanna.

“ Labing dalawang taon po tayong nagkahiwalay pero

mas napalayo po kayo kay ate. Hindi po ako „yong totoong nawala. Si Ate Jessica po. Kasama niyo po siya pero nawala po siya sa paningin niyo. Kaya baka kailangan po na mawala ulit ako para si Ate Jessica naman po „yong mahanap niyo” Diin ni Joanna. Ito ang nakitang paraan ni Joanna upang nang sa ganun ay matahimik na ang kanyang buhay. Nais niyang maipakita naman ng kanyang ina ang pagmamahal at atensyon na ibinibigay nito sa kanya sa kanyang kapatid.

Wakas Nagtapos ang pelikula ng masaya sapagkat napagtanto na ni Jessie ang kanyang pagkakamali at natanggap na niya si Joanna bilang kapatid. Binigyang-halaga na rin siya ng kanyang

inang

si

Amy.

Naipakita

na

rin

nito

ang

pagmamahal at atensyong kanyang hinahanap simula‟t sapol. Naging magkasundo na rin silang magkapatid. Nanumbalik din ang pagtitinginan nina AJ at Jessie, at mas

lumalim pa ang samahan nina Joanna at Michael. Nabuong muli ang kanilang pamilya.

Ito yaong palasak na wakas sa mga pelikulang Pilipino, ang tinatawag nating “happy ending”. Ito ang

kinagigiliwan nating uri ng wakas sapagkat nais natin na maging masaya ang mga pangunahing tauhan sa huli matapos

nilang

mabigyang-solusyon

ang

kanilang

naging suliranin. Kung kaya‟t masasabi nating naging predictable ito sa mga manonood sapagkat alam na

natin ang kasunod.

V. Bisa ng Akda Bisang Damdamin Paulit ulit ko nang pinanuod ang pelikulang ito. Nabigyang-katarungan ng mga karakter ang kanilang papel na ginagampanan. Bawat isa sa kanila ay maayos na naipakita ang pag-uugali mayroon ang karakter na kanilang ginagampanan. Nailahad rin nila ng mabisa at mahusay ang damdaming nais nilang maipakita at maramdaman ng mga manonood. Ang kanilang mga

emosyon ay akma sa kanilang mga ikinikilos. Naiparating sa akin ang walang kapalit na pagmamahal ng isang ina sa kanyang anak. Ang hindi pagkawala ng paniniwala na mahahanap at mahahanap rin niya ang kanyang anak. Para na ring ako ang isa sa mga karakter sa pelikula dahil naramdaman ko rin ang kanilang naramdaman. Ang galit, tuwa, inis at poot, ilan lamang yan sa mga damdaming nangibabaw sa pelikula. Damdaming maging ang mga manonood ay makahinuha rito.

Bisang Kaisipan Naipakita sa pelikula ang tinatawag nating close family

ties na kung saan isa „yan sa ating pagkakakilanlan bilang mga Pilipino. Nakagawian na natin ang pagiging malapit natin

sa

ating

pamilya.

Pinapahalagahan

natin

ang

pananatiling buo ng ating pamilya kahit pa sa mga pagsubok

na dumarating sa atin. Naging positibo rin ang pananaw na naipakita ng pelikula dahil sa kabila ng mga suliranin naranasan ng mga

pangunahing tauhan ay nananatiling buo ang kanilang paniniwala na sa huli ay magiging kumpleto rin ang kanilang pamilya.

VI. Kongklusyon Mabisang nailahad sa pelikula ang totoong nangyayari sa ating lipunan ngayon lalong lalo na sa suliraning pampamilya. Ang

mga di maiwasang palitan ng mga maaanghang na mga salita sa pagitan ng mga magkakapamilya. Ang mga inggitang nangyayari sa pagitan ng magkakapatid. At ang simpleng away-bati ng

magkakaibigan. Magkagayon man, naipakita pa rin sa pelikula na kahit anong mangyari, ang pagmamahal ng isang ina ay wagas at hindi mapapantayan. At ang pananatiling buo ng isang pamilya

ang pinakamahalaga sa lahat kahit pa marami ng pagsubok ang dumaan.

Ginamit naman nila ang fish jokes upang nang sa ganun mapagaan ang ilang mabibigat na eksena. Ito ang nagsilbing pampagaan ng mga naglalagablab na damdamin ng mga tauhan.

Naipakita rin sa pelikula ang pagpapatawad at pagtanggap. Na kung saan maihahalintulad natin sa kasabihang, “Kakambal ng

pagpapatawad ay ang paglimot”. Kung tayo ay nagpapatawad ay nangangahulugang ito na natanggap na natin ang katotohanan at handa tayong lumimot sa mga masasamang nangyari sa atin at maaari na tayong makapagsimulang muli.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF