Piyesa Balagtasan

September 12, 2017 | Author: Daisy Jane Gatchalian Ciar | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

balagtasan...

Description

Nakatutulong Ba o Hindi ang Pagtangkilik ng Dayuhang Produkto? Lakandiwa: Masayang pagbati, hatid sa naritong tanan Mga giliw kong manonood higit na sa kabataan Ngayon tutunghayan tagisan ng kaisipan Magkasalungat na prinsipyo ating ngayong huhusgahan. Paksang pagtatalunan ay produktong dayuhan Nakatutulong ba o hindi sa pambansang kagalingan Dalaga sa kanang panig, “oo, sadyang nakatutulong produktong dayuhan” Sa kaliwang banda naman, “ay hindi, walang katotohanan.” Kaya ngayon sisimulan na, paglalahad ng dalawang panig Pakinggan ang talim at bagsik ng kanilang tinig Paggalang sa bawat isa, nararapat na manaig Alay sa mga mutya, palakpakang walang patid. Nakatutulong: Marie Claire Singson po, mauuna sa talastasan Sapagkat alam kong tama aking ipinaglalaban Talagang nakatutulong mga produktong dayuhan Binibigyang tugon, pangunahing pangangailangan. Bilang patunay, gawing batayan ang ekonomiya Produktong dayuhan sa bansa pangdagdag kita Pati mga foreign investors sa atin nagpupunta Kaakibat nito, piso’y tumataas ang halaga. Kung uri, tibay at kalidad lang ang pag-uusapan Aba! Tiyak, produktong dayuhan, pag-aagawan Sa katunayan, modelo nga ito ng kagandahan Masasabing suot ng iba d’yan may pinaggayahan. Wala naman sigurong masama kung tatangkilikin Mga produktong states side at imported kung ituring Bigyang pansin ang suot ko, hindi ‘to galing sa atin Sa hitsura pa lang, kagalang-galang na sa paningin. Lakandiwa: Salamat binibini sa iyong pananalita Batid namin ang diwang nais parating sa madla At ngayon naman saksihan, dalaga n’yang kasagupa Jennifer Arbolado, magtatanggol sa paniniwala. Hindi Nakatutulong: Lakandiwang mahal,pasasalamat ko’y tanggapin n’yo Sabi nga ni Manny Pacquiao, para sa inyo ang laban na ito Kung magsalita ang katunggali, parang ‘di Pilipino Maringal lang ang suot, ‘kala mo na kung sino? Ekonomiya ng bansa, tayo ang namamahala Ating napagbubuti sa tulong ng lakas paggawa Sa pag-unlad ng bansa, ‘di kaylangang magmakaawa Sa mga dayuhang sa atin ay nagpapakasasa.

Anong walang masama sa iyong ipinaglalaban Na mga produktong banyaga tayo’y natutulungan? Iyong pahayag kabaligtaran sa katotohanan Produktong sariling atin, hindi dapat talikuran. Baluktot mong prinsipyo, nilunod na ang iyong ulo Damdaming makabayan wala na ba sa iyong puso? Mas pipiliin ko ng simpleng damit na tulad nito Kaysa magmalaki sa iba, maging hambog gaya mo! Lakandiwa: Sandali muna, mga mutya ng bigkasan Tila maanghang na mga salitang binitawan Init ng ulo nyo hindi natin kailangan H’wag pairalin ang galit at pagiging mayabang. Maging mapagkumbaba, iwasang magmalaki Dahil ‘di ito mabuti sa pananaw ng marami Huwag ding magpadala sa emosyong namamayani Matitinding awayan, ito ang makabubuti.. Ipagpaumanhin ang paggambala sa ating balagtasan Nais ko lang ang bawat isa ay paalalahanan Ngayon, hinahayaan kong muli niyo ng umpisahan Pingkian ng dal’wang magkaibang pinaniniwalaan. Hindi Nakatutulong: Bakit ba colonial mentality patuloy sa bansa? Hindi ba ito nakikita ng iyong mga mata? Sariling atin, bigyan naman ng pagpapahalaga Sa halip na tangkilikin mga produktong banyaga. Nawa’y h’wag namang isantabi ang sariling atin Sa katunayan, sa mga produkto natin tayo’y nabigyan pansin Sapatos ng Marikina, Muscovado ng Negros, sa Cebu nama’y gitara, Tocino ng Pampamga, bangus ng Pangasinan, tunog pa lang, ulam na. Colonial mentality, iwaglit na sa damdamin, Ekonomiya ng bansa atin na lang isipin Sarili natin produkto ang ikinabubuhay natin Saan ka man naroroon, bilhin at gamitin. Nakatutulong: Colonial mentality, masyadong big deal sa ‘ting bansa Masakit na sa pandinig hindi ka ba nagsasawa? Pagpapakatotoo lang iyan, maging praktikal ka! Produkto ng ibang bansa, sulit na sulit, tipid pa. Halimbawa na lang mga kagamitan sa tahanan Higit na matitibay, talaga ngang maaasahan Mga appliance, home furnitures laging nariyan Bihira ang kapalpakan, gamit na pangmatagalan. Mga pangangailangan natin nabibigyang tugon Ng dayuhang produkto sa kasalukuyang panahon

Pepsi, Carnation, Kraft at Ma-ling, sari-saring produksyon Talagang masasarap, sa iyong gutom ay solusyon. Hindi Nakatutulong: Produktong sariling atin huwag niyong maliitin Dahil kalidad nito’y maituturing na world class din Saan mang tahanan, itong siyang dapat tangkilikin Sapagkat sa produktong Pinoy tayo nabibigyang-diin. Karamihan sa turisitang dito ay nagbabakasyon Higit na hinahangaan produktong gawa sa bawat rehiyon Mga likhang Pilipino na sa ati’y siyang magbabangon ‘Di tulad ng imported, sa kahirapan di tayo makaahon. Nakatutulong: Hindi ka ba nakikinabang sa produktong dayuhan? Kung susumahin, ito’y isa nang pangangailangan Adidas, Swatch, Levis, DKNY, Girbaud at iba pa Ilang materyales nito parang sa atin din nagmula. Kung kalidad lamang ang ating pag-uusapan Tiyak na produktong dayuhan ang siyang mangingibabaw Sony, Ericsson, Samsung, Nokia, Motorola at Aiwa High Tech!, Pinoy contract workers din ang kasangga. Hindi Nakatutulong: Maunlad bang maituturing ang kakulangan sa hanapbuhay? Hindi ba dulot ito ng pag-angkat na walang humpay. Buti na pa ang Jollibee, Sarao ,Hapee, Bench, at Shoe Mart nagbigay trabaho, Mga kompanyang Pilipino na s’yang dapat ipagtaas noo. Nakatutulong: Kaibigan kong makata, mga mata mo yata’y natatakpan Mga dayuhan pa nga ang dapat nating pasalamatan Patuloy silang tumatanggap ng mga Overseas Contract Workers Nagpapaunlad , nagpapayaman. . . mga tunay na dollarearners. Hindi Nakatutulong: Nagbibigay nga ng trabaho, ngunit sa iilang tao lang Milyon napupunta sa dayuhan, barya lang sa bayan. Nakatutulong: Bakit? Hindi ba’t sa pagpasok ng kanilang negosyo Kasabay ng dolyar, pagtaas ng halaga ng piso. Hindi Nakatutulong: Kung tumataas ang piso, ‘di sana’y mayaman na tayo Masdan mo ang paligid, may nakikita ka bang pagbabago? Nakatutulong: Ang pagbabago ay ‘di nagaganap sa isang iglap lamang Sa pakikipagkalakalan, tayo’y makipagbayanihan.

Hindi Nakatutulong: Kung nais ay bayanihan, bakit ‘di mo simulan? Nakatutulong: Sa akin kasi kailangan ang produktong dayuhan. Hindi Nakatutulong: Na nagbibibgay sa atin ng dagdag kumpetensiya. Nakatutulong: Bakit, wala bang Pilipinong natutulungan ng dayuhang kompanya? Hindi Nakatutulong: At sinong bang mas nakikinabang, tayo ba o sila? Nakatutulong: Di ba ang cellphone,computer ay mula sa ibang bansa. Hindi Nakatutulong: Ang imported na gamit pag nasira hindi na magawa. Nakatutulong: Ang mahalaga’y nakatulong. Hindi Nakatutulong: Hindi! Sa gastos lang tayo ibinaon. Nakatutulong: Nakatulong pa rin. Hindi Nakatutulong: Hindi! Nakatutulong: Oo! Lakandiwa: Tama na inyong pagtatalo’t maghunos-dili kayo Ang inyong mga katwiran sagad hanggang buto Kung makipaglaban daig pa si Gabriela Silang Baka sa bagsik pagka-dalagang Pilipina’y nalimutan. Kaibigan kong marangal, batid namin nais mong ikintal Nasa modernong panahon dayuhang produkto ‘y praktikal Subalit, huwag limutin bansang sa iyo nagmahal ‘Di dapat maliitin bagkus ipagmalaki ating kalakal. Binibini ..kay tapang mong ipaglaban ating bansa Kapuri-puri ang pag - ibig sa produktong dito gawa Ngunit pakaisipin din, gawang dayuhan ay kailangan Na tunay na makatutulong para sa’ting kaunlaran? Kapamilya ,kapuso pagpili’y nasa inyong kamay Payong kaibigan lang, ang pagtangkilik gawing pantay Subalit ang huling pasya, sa inyo nakasalalay Isipin ang mabuti para sa tatahakin ninyong buhay.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF