Photography

December 11, 2017 | Author: LizetteAprilOpulenciaCarpio | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

For photojournalism...

Description

Photojournalism

Katangian ng Magandang Larawan 1. Aksyon o Galaw. Mahalaga ang isang larawan ang pagpapakita ng aksyon o tila galaw sa mga paksang iyong kukuhanan upang maipalabas ang natural na panghalina nito. Iwasan ang pagkuha ng posed o firing squad.

Katangian ng Magandang Larawan 2. Paksa. Katulad ng mga artikulo sa pahayagan, malinaw na naipapakita ng larawan ang paksang nais niyang malaman ng mambabasa upang magkaroon ng pokus at kabuluhan ang mga bagay na napapaloob dito.

Katangian ng Magandang Larawan 3. Tunggalian. Ang larawan ay dapat magtaglay ng subject I object at background na may tunggalian. Dapat magkaroon ng ugnayan ang dalawa na siyang magbibigay ng kwento sa larawan. Maaaring ang ugnayan ay complementary o sinusuportahan ang isa’t isa o maaari ring contrary na kasalungat naman ang nais ipakita ng dalawa.

Katangian ng Magandang Larawan 4. Makataong Kawilihan

Ito ang larawang nagpapakita ng iba’t ibang emosyong tunay at makatotohanan. Maaaring batay ito sa mga totoong pangyayari sa buhay o kaya ay di nababantayang sandal. • Hal. Isang mag-aaral na napalundag dahil sa sobrang galak nang tanghalin siyang panalo hanggang s aisang inang tumatangis habang yakap ang kanyang anak na nasawi.

Katangian ng Magandang Larawan 5. Kapanahunan. Katulad ng mga balita sa pahayagan, mainam din ang mga larawang napapanahon kung saan nagpapakita ng kasalukuyang kaganapan sa isang lugar 6. Katanyagan. Mainam din ang paglakip ng mga larawan ng mga tanyag na personalidad na tunay namang nakapupukaw ng interes ng mambabasa. •

Katangian ng Magandang Larawan 7. Kabuuan. Bigyang kahalagahan ang kabuuan ng parte ng mga bagay na makikita sa larawan. Kung tao ang pokus ng larawan, iwasan ang pagputol ng bahagi ng katawan nito gaya ng ulo o kamay. Maglagay ng kaunting espasyo at gumamit ng tamang proporsyon upang hindi magmukhang masikip ang larawan tulad ng pangkatng larawan na nawawalan ng bisa at istorya.

Katangian ng Magandang Larawan 8. Kalinawan. May taglay na sapat na liwanag uang malinaw na makikita ang bawat detalye sa larawan. Hindi “against the light”na maaaring magbigay ng sobrang putting liwanag na magpapalabo sa kinuhang larawan.

Katangian ng Kumukuha ng Larawan 1. May malawak na imahinasyon. Bago maging isang larawan ang kukuhanan, ang imaheng ito ay naunang nabuo sa iyong isipan. Kailngan mo ng malawak na imahinasyon at kaisipan kung paano maipapalabas ang larawang nasa iyong isipan gamit ang lente ng iyong kamera.

Katangian ng Kumukuha ng Larawan 2. May pagpapahalaga sa katotohanan. Ang iyong kinukuhanan ay nangangailangan ng paglalarawan ng katotohanan o realidad.

Katangian ng Kumukuha ng Larawan 3. May karunungan sa pakikisalamuha. Upang makakuha ng isang larawang makatotohanan, dapat isaalang alangang paksang kukuhanan. Minsan kailangan mong makibagay sa iyong paksa sa pamamagitan ng pakikipagkwentuhan sa kanila upang maging komportable sila sa iyong presensya. Sa ganitong paraan hindi sila mahihiya o maiilang kumilos habang kumukuha ka ng larawan. Minsan pa nga hindi na nila alintana na mayroong kumukuha sa kanila ng larawan

Katangian ng Kumukuha ng Larawan 4. May mahabang pasensya. Hindi lahat ng pangyayaring gusto mong makuhanan ay magagawa mo nang mabuti sa isang iglap lamang. Minsan may mga kaganapang kailangan ng masugid na paghihintay bago mo makuhanan ng tama kaya dapat laging nakaantabay ang iyong kamera at magkaroon ng mahaba-habang pasensya

Katangian ng Kumukuha ng Larawan 5. May kaalaman sa kanilang kagamitan. Sa lahat ng nabanggit, ito ang lubhang mahalaga sa lahat dahil hindi maisasakatuparan ang pagkuha ng anumang larawan kung hindi mo alam gamitin ang iyong kamera.Kahit ano pang uri ng kamera ang mayroon ka, walang magiging pagkakaiba ang iyong kuha kung hindi mo pag-aaralan ang wastong paggamit sa kanila.

Uri ng Kuha • • • • • •

Rule-of-thirds Silhouette Extreme Long Shot Long Shot Medium Shot Medium Close-up Shot

• • • • • • •

Close-up Shot Extreme Close-up Shot Over-the-shoulder Shot Headroom Human Interest Paggamit ng mga Bagay sa Paligid Symmetry

Rule-of-thirds • Ang ating mga mata ay kadalasang nakatingin hindi sa gitna kundi sa ikatlong bahagi ng larawan. Kaya ang dapat gawin sa pagkuha ng larawan ay sumunod sa kuhang ito. Nakatutulong ito upang mabigyan ng tamang diin ang paksa ng larawan. Kapag hindi itoi nasunod, maaaring mapunta sa ibang bahagi ng larawan ang atensyon ng mga nakakakita nito, at matatalo nito ang layunin ng larawan.

Rule-of-thirds Ang bahaging may bituin ang rule-of-thirds, hindi dapat nalalayo ang kinukuhanan ng larawan dito.

Silhouette Ang magandang epekto nito sa larawan ay animo’y melodramatic ang dating.

Extreme Long Shot Malayo ang kumukuha ng larawan mula sa paksa ng larawan. Ito ay ginagawa upang ipakita ng malawakan ang tagpuan. Ito ay kadalasang tinatawag na landscape shot.

Long Shot Ipinapakita ng shot na ito kung nasaan ang tao, ano ang panahon, oras na kinuha ang larawan at iba pa. Ipinapakita nito ang relasyon ng tao sa kanyang background. Kadalasan na ang shot na ito ay full shot ng isang tao, mula ulo hanggang paa, at ang tagpuan na kinalulugaran.

Medium Shot Ang kuha na ito ay mula ulo hanggang baywang.

Medium Close-up Shot Ito ay kuha mula dibdib hanggang ulo ng tao. Ginagamit ito upang makita ang mukha nang mas malinaw habang pinapanatili pa rin ang background na angpapahayag sa relasyon nilang dalawa.

Close-up Shot Ito ay ginagamit upang ipakita ang emosyon ng tao. Ipinapadama nito sa nakakakita ang nadarama ng paksa sa panahon na iyon.

Extreme Close-up Shot Ipinapakita nito ang bahagi ng muka na nagpapakita ng matinding damdamin.

Over-the-shoulder Shot Ipinapakita nito ang damdamin ng kausap sa isang dayalogo. Nagmumula ang kuha na ito mula sa balikat ng tao diretso sa kausap niya.

Headroom Mahalaga ang espasyo sa may ulong bahagi ng tao. Kaya kung mayroong sapat na espasyo ay maganda ang kalalabasan nito at matutungo ang atensyon ng makakakita sa mismong paksa,hindi sa kapintasan ng larawan.

Human Interest Mahalaga ang background sa isang larawan ngunit hindi maaaring puro ganito lamang. Hindi magiging kaakit-akit sa mga makakakita kung mangyayari ito. Kung maaari, dapat ay may mga tao palagi upang mabigyang buhay ang larawan.

Paggamit ng mga Bagay sa Paligid Upang lalong mapaganda ang larawan, maaaring gumamit ng iba’t ibang bagay sa paligid na magsisilbing frame ng larawan. Maaari itong maging rehas, bintana, takip ng basurahan, at iba pa.

Symmetry Upang bigyang diin ang balanse na dapat taglay ng parehong bahagi ng larawan, maaaring kumuha ng ganitong larawan.

Thankyou and God Bless!!! 

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF