para kay b huma
March 19, 2017 | Author: ledchane14 | Category: N/A
Short Description
Download para kay b huma...
Description
Flores, Dan Aceyork P. BBF 2-6s Irene, Ang Unang Kwento Malaking boobs at Photographic Memory, iyan ang mga bagay na litaw na litaw kay Irene. Si Irene ay isang babaeng umiibig sa isang alaala. May kakayahan siyang magmemorya ng mabilisan, marami din siyang alam na bagay tulad ng span ng orgasm ng baboy at kung anu ano pa, pero kahit gaano na karami ang laman ng isip nya, may isang alaala pa rin ang di niya maalis sa isipan niya, si Jordan. Onse anyos siya noong umibig sya kay Jordan, isang binatang naulila dahil sa napagbintangan ang mga magulang nito na suporter ng NPA. Kinupkop si Jordan sa simbahan, at simula nung araw na iyon ay palagi na siyang sinusundan at minamasdan ni Irene mula sa malayo. Maglalakas loob si Irene na lapitan ang binata at magiging magkaibigan naman sila. Isang araw ay magugulpi si Jordan dahil sa pambubugbog nya sa anak ng Mayor at sa dalawa pa nitong kaibigan, sa susunod na araw ay pipilitin si Jordan ng asawa ng Mayor na humingi ng tawad na agad namang ibibigay ng binata, maiinis si Irene dahil pakiramdam niya, ang hiya at sakit na nadama ni Jordan ay naramdaman niya rin. Isang hapon, pauwi si Irene galing sa eskwelahan ay makikita niya si Jordan sa ilalim ng tulay, lalapitan niya ito. Sa ibabaw ng tulay ay may nagrarally, isang rally na kailanman di malilimutan ni Irene. May nahulog na isang cheap watch mula sa tulay, pinulot ito ni Jordan at ibinigay sa dalaga, kasama ang isang pangakong, “Paglaki mo, pakakasalan kita”. Titigil ang mundo ni Irene, at sa paggising niya kinabukasan ay pagmamasdan niya ang kanyang paligid na punumpuno ng pag-ibig. Ngunit guguho din ito dahil malalaman niyang umalis na pala si Jordan. Lilipas ang mga panahon at magbabago si Irene ngunit hindi ang nadarama niya sa binata. Nababaog na sa lovelife niya ang mga kaibigan nya kaya’t iba- blind date sya nito sa kung kani- kanino pero walang mangyayareng pag-usad. Hanggang isang araw, kikilos ang fate at pagtatagpuin ulit sila ni Jordan na ngayon ay asensado at mas lalo ng gwapo. Pilit na ipaaalala ni Irene sa lalake ang kanyang pangako, pero di siya nito maaalala dahil kinalimutan na nito ang lahat ng alaala nito sa San Ildefonso. Gagawin ng dalaga ang lahat, hanggang sa mag sex sila. Pagkatapos nila, mapapaisip si Irene kung talaga ngang umiibig lang siya sa isang alaala tulad ng sabi ng mga kaibigan niya. Patangis niyang lilisanin ang kwarto.
Sandra, Ang ikalawang kwento Ang ikalawang kwento ay tungkol kay Sandra at sa kanyang incest na love story. Cashier si Sandra sa isang hotel. Isa syang magandang babae, maayos manamit at fair na tao. Sa hotel ay makikilala niya ang isang writer na hihikayatin siyang ikwento ang kanyang love story. Ang writer ay may teorya ng pag ibig, ayon sa kanya, sa bawat 5 umiibig ay isa lang ang magiging maligaya. Napaisip si Sandra kinagabihan kung kasama ba sya sa quota ng manunulat. Fair na tao si Sandra, lagi niyang tinitimbang ang magkabilang panig, ang mali at tama, pero may bahagi ng buhay niya na di niya nagawang timbangin ng maayos, iyon ay nung
umibig siya sa kanyang Kuya Lupe. Sa loob ng bodegang madalas ipalinis sa kanila ng mga magulang nila nabuo ang kanilang love story, isang bawal na love story. Saksi ang dingding at sahig ng bodega sa kanilang pag iibigan, sa kanilang mga bawal na pagniniig, masaya sila tuwing magkasama sa bodega, ngunit twing gabi ay binibisita sila ng guilt at takot. Hanggang isang gabi nabisto sila ng kanilang mga magulang, sa galit ng ama nila ay nasaktan sila nito. Ipinaglaban ni Lupe ang kanilang pag iibigan, ngunit itinanggi ito ni Sandra dahil sa takot. Mapapalayas si Lupe, lilipas ang mga panahon at pipilitin nilang buuin ang pamilya ngunit alam nilang meron na itong puwang. Namatay ang mga magulang ni Sandra, pumunta sya ng maynila at doon nag aral. Si Ruben ay magiging boyfriend niya, isang relasyong walang kilig, walang mabilis na pintig ng puso at bilang na I love you. Isang gabi ay mahoholdap sila ni Ruben, at makikilala ni Sandra ang holdaper, Si Lupe. Dahil dito ay iiwasan na ni Sandra si ruben, magtatawagan ang magkapatid sa cellphone at magkikita sa isang maliit na motel, kung saan pagsasaluhan nila ang kanilang pag iibigan, ngunit pagkatapos nito ay kakatukin sila ng guilt sa kanilang mga puso. Iiwan ni lupe ang kapatid dahil alam niyang siya ang magdadala kay Sandra sa kapahamakan. Mabubuntis si Sandra at papangalanan niya itong belinda. Si belinda ay magiging isang special child, hindi normal ang kanyang paglaki. Paminsan minsan ay bumabalik pa rin si Sandra sa motel hanggang isang araw ay may kumatok, Si Ruben. Nagpakasal sila at tinuring ng kabiyak na tunay na anak si Belinda. Magkakaroon din ng dalawang anak sina Ruben at Sandra. Erica, Ang Ikatlong Kwento Maldiaga, isa itong hugis papayang isla na hindi na halos makita na matatagpuan sa Luzon. Ang Maldiaga ay isang komunidad kung saan ang mga tao ay di naniniwala sa romansa. Naniniwala naman sila sa pag-ibig ngunit di nga lang sa romantic love. Si erica ay isang dalaga sa Maldiaga. Isang gabi mapapanood niya ang DVD ng matandang babae na nagawang makapunta sa kabilang mundo. Pagkatapos mapanood ni Erica ang video, ay di na sya natahimik, gusto nyang makita ang daan paalis sa Maldiaga. Hanggang isang araw, hinigop si erica ng sapa at dinala sa kabilang mundo, isang mundo kung saan ang bawat sulok nito ay pina- painog ng romansa. Nakita ni Mrs. Baylon ang dalaga at kanya itong tinulungan. Tinuring nya si erica bilang isang anak. Pakiramdam ni Erica ay na inlove siya sa anak ng Ginang, si Jake. Sa una ay walang madaramang pag tibok sa kanya si Jake, pero matutuklasan ni Jake na di tulad ng ibang babae si Erica kaya’t mapapa-ibig sya sa dalaga. Mahuhulog nga ng tuluyan ang binata sa dalaga, ngunit si erica ay hindi. Lilipas pa ang mga araw, pipilitin ni Erica na umiibig kay Jake pero di nya magagawa. Tutulungan ni Mrs. Baylon na umiibig ang dalaga ngunit walang magiging epekto ang mga gagawin nitong paraan. Hanggang isang araw naki usap ang Ginang kay Erica na pakasalan ang anak nito, papayag ang dalaga.Ibro- broadcast sa buong bansa ang kasal nila. Sa kasal nila, aaminin ni Erica kay Jake na di niya ito mahal. Masasaktan si Jake at si Erica naman ay magiging isang runaway bride. Nang gabing yun, makikilala ng dalaga si Walter na kinalaunan ay magiging dahilan ng pagkapasok nya sa TV bilang isang host. Sisikat si Erica ngunit, gabi gabi ay maitatanong nya pa rin sa sarili niya kung kelan ba sya iibig. Isang araw ay bibisitahin sya ni Mrs. Baylon at dadalhin sa kinaroroonan ni Jake. Naging parang estatwa na si Jake. Ikinuwento ng Ginang sa dalaga ang ginawang paghahanap ni Jake sa Maldiaga at sa kanya. Di daw ito tumigil
hanggang sa isang araw ay natagpuan na lang nila itong lumulutang sa dagat, at pagkatapos nun, naging baldado na ang binata. Bunsod ng awa at konsensya ay aalagaan ni Erica si Jake, iiwanan nya ang kanyang trabaho at walang sawang pagsisilbihan si Jake. Sa wakas ay matututo ng umibig si Erica, magpapakita sa kanya ang matandang babae at hihikayatin siya nitong bumalik sa Maldiaga, pero tatanggi sya dahil kay Jake. Magkaka ulirat si Jake at magmemake love sila, ngunit mapuputol ito dahil sa biglang pagsara ng laptop. Ester, Ang Ikaapat na Kwento Tungkol sa same sex na pag iibigan ang kwento ni Ester. Si Ester ay isang babaeng ang lahat ng kilos ay sakto lamang, walang sobra at walang kulang. Sa bawat paggalaw niya ay may limitasyon, parang merong isang bagay na pinipigilang lumabas. Meron syang asawa, si Lucio na isang OFW at meron silang limang anak. Sa loob ng mga taon, dalawang pag ibig ang nagkakasya sa puso ni Ester, pero mas lamang ang pag ibig niya kay Sara. Si Sara ay katulong nila sa bahay. Lihim na iniibig ni Ester si Sara, hanggang isang araw, dala na rin sa lungkot ni Ester dahil sa pagkamatay ni Lucio, may nangyari kay kay Ester at Sara. Pagkatapos nito ay umalis na si Sara.Lilipas ang mga taon, magsisilakihan ang mga anak ni Ester at mapapansin niyang may kakaiba sa anak nyang si AJ. Aamin ito sa kanya na isa syang bakla at tatanggapin naman ito ni ester. Ang hindi alam ni Ester ay alam ni AJ na tomboy siya, hihikayatin ng anak ang kanyang nanay na hanapin si Sara pero tatanggi ito at magagalit sa anak dahil masyado daw itong pakielamero. Sa huli ay mapapayag din si Ester, makikita niya muli si Sara at ang hirap nitong kalagayan. Nakapangasawa si Sara ng isang matandang lalake na si Pio. Nais mang magtagal ni Ester ay ramdam niyang ayaw siyang naroon ni Pio kaya’t uuwi na lamang sila ng anak. Pero maya maya lamang ay dumating si Sara sa kanilang bahay at umaming iniibig rin siya nito, inulit nila ang nangyari dati. Nagkasundo silang dalawa na tuwing byernes ay pupunta doon si Sara ngunit walang mangyayaring sex sa kanila, dahil ang nais lang nila ay magkasama. Matutuklasn ni Pio ang ginagawa ng dalawa kaya nagpalakas siya ng katawan para di magkatuluyan ang dalawa. Bessie, Ang Ikalimang kwento Ang kwento ni Bessie ay tungkol sa isang babaeng matakaw sa sex at pinaglalaruan ang pag ibig o mas tamang sabihin na di sya marunong umibig. Si Bessie ay mahilig magsuot ng sobrang iksing damit, mga damit na halos ilantad narin ang kaluluwa niya. Liberated na babae si bessie, bukod sa sex, hobby niya rin ang sumira ng mga relasyon. Isang araw nakilala niya si Lucas at dinala niya ito sa kanyang Pad, naikwento ni Bessie na panagarap niya talagang maging artista, inaya niya ito ng sex ngunit tumanggi si lucas dahil nais niya lang naman makitang umakting si Bessie. Nalaman ni Bessie na gustong maging writer ni lucas. Umalis sa trabaho niya si lucas at naging utusan ni Bessie. Isinasama ni Bessie sa kung saan saang gimik si Lucas, at pinaarte niya tulad ng isang bugaw o piping pari. Pinahiram ni Bessie si Lucas ng laptop upang doon ilagay ang kanyang kwento. Sa mga gabi habang nakikipagsex si Bessie sa kung sinu sinong lalake ay tinatayp niya naman ang kanyang kwento, limang love stories para kay Bessie. Di napansin ni lucas na habang tumatagal ay nahuhulog na ang loob niya sa dalaga. Nagpatuloy lang ang pagbuntot ni Lucas kay Bessie,
hanggang isang araw ay inaya siya nitong magbeach, at doon, kasabay ng ulan ay naging isa sila. Isang araw ay bubugbugin at iihian ni brigs si Lucas; si Brigs ay basketbolistang anak ng isang Colonel na minsan ng nakatalik ni Bessie, sa mismong harap nito dahil lang sa sinuot niya ang naiwang t-shirt nito. Pagkatapos ng nangyari ay ginamot at nilinisan ni Bessie si Lucas. Kinaumagahan ay wala na si Lucas at di na ito nagpakitang muli kay Bessie. Mistulang nawalan ng kulay ang buhay ni Bessie, hinanap niya si Lucas sa kung saan saan ngunit hindi niya ito nakita. Sa paghahanap niya sa binata ay nasangkot siya sa mga NGO’s at nagging aktibista, mas naging bukas ang mata niya sa kung ano ba talaga ang nangayayare sa bansa. May nakapagsabi sa kanya na nasa San Ildefonso ito kaya’t pumunta siya doon para hanapin si Lucas. Nagkita sila doon ni Jordan na madalas niya ding nakakasabay sa mga paghahanap niya sa ospital o presinto. Hinahanap ni Jordan si Irene at si Bessie si Lucas, at sa dulo ng kwentong nasa mambabasa kung sino ang gusto niyang magkaroon ng happy ending. Ang Totoong Kwento sa Totoong Kwento Ang huling kwento ay tungkol sa kung ano ba talaga ang naranasan ni Lucas simula ng umalis siya sa Pad ni Bessie. Ipinakita rin sa bahaging ito kung paano ginulo ng mga tauhan sa kwento ang utak ni lucas. Binago ni Lucas ang ending ng mga naging kwento kung saan si Irene at Jordan ay nagkatuluyan at si Erica ay nakapangasawa ng panibagong lalaki ngunit katulad lang din ito ng pagtingin niya kay Jake. Ang kwento ni Sandra at Ester ay di na niya iniba. Sa dulo ng kwento, ay ibinigay niya kay Bessie ang limang love stories ngunit nilagay lang ito sa upuan ni Bessie at inuupuan maya maya. Naisip ni Lucas na tapos na siya kay Bessie, na hindi niya na ito pwede pang mahalin. Lilipas ang mga taon, magiging sikat na writer si Lucas at magiging matalik silang magkaibigan ni Sandra. Iikot ang isang tsismis tungkol sa ginawang love story ni Lucas para daw sa isang babae ngunit walang makakapagpatunay nito. Kuntento na si Lucas sa kinahinatnan ng buhay niya, pero paminsan minsan sa gabi, dinadalaw pa rin siya ng mga alaala, alaala ni Bessie. Reflection: Ang nobelang Para kay B ay tungkol sa limang love stories na ginawa ng isang writer para sa babaeng kanyang minahal. Sa nobela, pinapakita na sa bawat dulo ng kwento ay laging tragic dahil na rin sa nadaramang lungkot ng manunulat, ngunit sa bandang huli ay binago rin ito ng writer. Sa kwentong Para kay B, pinapakita kung paano nakaapekto sa buhay ng mga karakter ang mga naging desisyon nila sa kanilang buhay pag ibig. Reaction: Astig ang nobelang Para Kay B, dahil kahit sa simpleng kwento lang ng pag ibig ay nagawang ikonekta ni Ricky Lee ang politika at kung anu ano pang bagay sa buhay ng tao. Bukod pa doon, kahanga hanga rin dahil ginamit niya ang mga love story na patungkol sa Incest at Same sex, bibihirang gamitin kasi iyon dito sa atin dahil masyadong konserbatibo ang mga tao. Tulad ni Lucas sa kwento, gusto ko rin talaga magsulat ng sarili kong libro balang araw at dahil sa
nobelang ito, lalo akong nainspire. Sa tingin ko rin, ang isa pa sa nagpatangi sa kwentong ito ay dahil di ito sumabay sa mga sikat at usong agos ng mga kwento ng love story ngayon, di ito nagpadikta sa mga cliché na gustong gustong tangkilikin ng karamihan ng mambabasa.
View more...
Comments