Panunuring Pampanitikan ng pelikulang Magnifico
February 28, 2017 | Author: Cecille Abiera | Category: N/A
Short Description
Download Panunuring Pampanitikan ng pelikulang Magnifico...
Description
I.Introduksyon A. Pamagat at Tema ng Pelikula Ang “Magnifico” ay isang drama-trahedya na pelikula na gawang pinoy. Ang pamagat nito ay tumutugon sa pangunahing tauhan ng pelikula, isang batang musmus na namulat ang isapan dahil sa hahirapan. Pangunahing paksa nito ay ang payak na pamumuhay, mga pasanin at mga dagok sa buhay na karaniwang kinakaharap ng bawat pamilyang Pilipino. Umiikot ang storya sa kamunduhan ng kahirapang nararanasan ng isang ordinaryong tao, ang mga pagsisikap, tagumpay at kabutihang loob. Ito ay isang pelikulang sumasalamin ng pag-asa. Na sa gitna ng patong-patong na problema ay magagawa pa rin itong solusyunan sa simpleng paraan at sa abot ng makakaya. B. Direktor Ang award winning at nominada sa iba’t ibang parangal at batikang director na si Maryo J. de los Reyes ang siyang nagbigay direksyon sa pelikula. Siya ay nag-umpisahang magdirihe ng mga pelikula noong dekada 1970s hanggang sa kasalukuyan. C. Manunulat ng istorya Si Michiko Yamamoto ang siyang sumulat ng skrip ng naturang pelikula. D. Kompanyang gumawa ng pelikula Ang Violet Films Production ang siyang gumawa ng pelikulang Magnifico. E. Mga Tauhan • • • • • •
Jiro Maño – Siya si Magnifico (Pikoy) ang pangunahing tauhan sa kwento na namulat sa kahirapn sa murang edad. Isang bata na magalang, masunurin ngunit mahina sa klase. Lorna Tolentino – Siya si Edna ang ina ng pangunahing tauhan na walang trabaho. Albert Martinez – Ang ama sa pelikula na si Gerry na isang kontraktwal na pilit gusting tapusin ang isang rubics cube. Danilo Barrios – Ginampanan niya ang karakter ni Miong ang matalinong nakakatandang kapatid ni Pikoy na natanggalan ng scholarship dahil sa barkada. Gloria Romero – Si Lola Magda, ang lola ni Pikoy na may stomach cancer. Isabella De Leon – Ang bunso sa magkakapatid na may cerebral palsy
II. Buod Isnilang si Magnifico sa isang pamilyang bagamat lugmok sa kahirapan ay nakakakain naman. Bigay ng kanyang ama ang kanyang pangalan ito ay hango sa isang mahikero sa perya na si Magnifico. Walang permanenteng trabaho ang kanyang magulang upang mapagkunan ng pera at makakain sa pang-araw-araw. Ang kanyang ama ay isang hamak na karpentero habang ang kanyang ina ay nagbuburda lamang upang pagkakitaan. Ngunit sa kabila ng kahirapan, lumaki si Magnifico na matulungin at bukas palad partikular na sa kanyang lola na may taning ang buhay, at sa n a k a b a b a t a n g k a p a t i d n a m a y c e r e b r a l p a l s y .
N a g s i m u l a a n g d a g o k s a k a n y a n g p a m i l y a n g m a g k a s a k i t a n g kanyang lola na dinagdagan pa ng pagkakatangal ng iskolarship ng kanyang kuya na siyang tanging inaasahan ng ama na mag-aahon sa kanila sa kadukhaan. Laging naririnig ni Magnifico ang pagtatalo ng kanyang mga magulang lalong-lalo na tungkol sa gagastusin kung sakaling papanaw na ang kanyang lola. Sa sobrang kahirapan at sa pagnanais na makatulong, gumawa ng maraming preparasyon si Magnifico para sa pagpanaw ng kanyang lola. Siya, kasama ang kanyang kaibigan, ay gumawa ng ataol at nag-ipon ng pera upang ipambili ng bulaklak sakaling mamatay ang kanyang lola. Naging mabigat din para sa pamilya lalong-lalo na kay Magnifico ang kapatid na may kakulangan sa pag-iisip. Naglaan siya ng panahon at oras upang matiyagang alagaan at turuan ang kapatid. Sa paglipas ng mga araw, natutunan nito ang ilang salita tulad ng “nanay” at “tatay” na bahagyang inibsan ang kalungkutan ng pamilya. Bukal sa puso ni Magnifico ang kabaitan at pagtulong. Lahat ng tao ay nasasalamin ang kanyang kabutihang taglay kahit na ang babaeng itinuturing ng lahat sa kanyang lugar na masungit. Ngunit isang araw, sa pagpunta niya sa bahay ng isang lalaki upang kuhanin ang wheel chair para sa lola ay nasagasaan siya ng humahagibis na sasakyan na nagwakas sa kanyang magandang buhay. Lahat ng preparasyon na kanyang inihanda para sa burol ng kanyang lola ay naging pangunahing pundasyon sa kanyang libing. Maraming tao ang dumalo sa burol at tila bagang nagluksa ang buong bayan sa pagpanaw ng isang batang lubos nagpabago sa buhay ng bawat isa.
III. Panunuri sa Pelikula A. Nilalaman Tunay na kahanga-hanga ang pelikulang ito na kung saan nakapaloob dito ang storya tungkol sa pagkamulat ng isang batang musmus dahil sa kahirapan. Maganda at positibo ang dating ng pamagat pa lang ng pelikula, ito ay nakakadagdag ng interes at kulay sa kwento. Sinasalamin rin nito ang malinaw na katotohanan sa ating lipunan; ang kahirapan, ang kawalan ng pag-asa, kalungkutan, pangungulila, pangarap, pagkabigo at kamatayan. Hayag na ipinapakita sa kwento na ang pagtulong sa kapwa ay hindi nasusukat sa gulang o katayuan sa buhay dapat ito ay bukal sa puso na walang hinihintay na kapalit, alalahaning ang kabuting itinanim ay kabutihan rin ang siyang aanihin. Ang naturang kaisipan ay maayos na nailahad sa kwento sa katauhan ni Magnifico, masasabing siya ang payak na halimbawa ng tunay at wagas na kabutihan. Si Magnifico ay mukha ng nakararaming kabataan sa kasalukuyan, larawan ng inosenteng pag-iisip at dalisay na hangarin para sa kapwa, sadyang payak at makatotohanan ang kanyang karakter at napapanahon. Kahangahanga rin ang pagiging mapamaraan at hindi makasarili ng pangunahing tauhan, kabila ng pagiging mahina niya sa klase, mapapansin natin ito sa hakbanging ginawa niya upang maibsan ang gastusin kung sakaling pumanaw man ang kanyang lola at sa pagtitiyaga niyang turuan ang kanyang nakababatang kapatid kahit na limitado lamang ang kanyang kaalaman. Masasabi kung hayag at dalisay ang daloy ng usapan, angkop rin ang napapaloob na damdamin sa mga naging kaganapan sa pelikula. Nakatulong rin dito ang maayos na pagkakasunod-sunod ng mga eksena sa pelikula upang maayos na maipakita ang tunay na karakter ni Magnifico.
B. Artistiko at Teknikal na katangian
Ang naturang pelikula ay angkop sa kahit anong gulang at kasarian ng mga manonood. Dahil sa pampamilyang tema nito ay tiyak na makakauganay ang bawat pamilyang Pilipino. Maganda rin ang mga musikang inilapat sa pelikula, bagamat simple, nakatulong ito sa pagkakaroon ng masidhi na emosyon at nakakaantig sa damdamin na mga eksena. Maayos at makatutuhanan ang pagkakakuha ng mga anggulo at kaganapan ng pelikula, angkop din ang set o lugar na pinagkunan nito upang lalo pang magkaroon ng kulay ang daloy ng kwento. Mapapansing naging matagumpay ang director sa pagpili at paglalapat ng mga karakter sa mga artistang nagsiganap. Nagawa niyang palutangin ang karakter ng bawat isa. Kahanga-hanga ang ginawang pag-arte ng mga tauhan sa kwento; ang kanilang boses, ekspresyon ng mukha, galaw ng katawan at kasuotan ng mga ito ay akmang-akma sa kwento. Madaling sakyan ang bawat eksena sapagkat litaw na litaw rito ang tunay na paguugali ng mga Pilipino dahil na rin ito sa makatutuhanang pagganap ng mga tauhan.
C. Pagpapahalagang moral Pagmamahal, pagiging malikhain at mapamaraan, pagkamapitagan, kabutihan at kababaang loob ang ilan sa binigyang pagpapahalaga sa pelikula. Malaking aral ang ipinakita ni Magnifico sa kanyang pagbibigay ng pagpapahalaga at pagmamahal sa pamilya maging hanggang sa kanyang huling hininga. Higit man sa anong bagay sa mundo ang ating pamilya ang siyang una at huling maniniwala at tatayo sa ating tabi kaya marapat lamang na siya ay tularan. Kahanga-hanga rin ang naging pag-agapay at pagiging matatag at butihing magulang ng ina ni Magnifico, na kahit sa gitna ng kahirapan sa buhay ay nanatili parin itong matatag para sa kanyang pamilya. Kilala sa pagiging malikhain at mapamaraan ang mga Pilipino at ito ay makikita natin sa katauhan ng pangunahing tauhan. Kahit anong dagok ng buhay tayong mga Pilipino ay makakahanap at makakagawa talaga ng paraan. Katulad ni Magnifico na kahit sa kanyang mumunting nalalaman at kakayahan ay nagawa niyang turuan ang kanyang kapatid na may sakit at maibsan ang pag-aalala ng kanyang magulang sa mga gagastusin sa paglilibing kung sakaling pumanaw man ang kanyang lola. Kahanga-hanga rin ang tibay at tatag ng loob ni Magnifico na kahit sa gitna ng kahirapan ay mas pinili pa niyang gumawa ng kabutihan kaysa sa masadlak sa kasamaan. Wagas at dalisay ang ipinakitang kababaan ng loob ng mga tauhan sa kwento. Binibigyang diin ng kwento na ang kabutihan at pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling edad, kasarian o katayuan sa buhay. Dapat ito ay bukal sa kalooban at walang hinahangad na kapalit. IV. Wakas Isa ito sa mga pelikulang kalian man ay hinding hindi malilimutan, na kahit ilang beses pa man itong panoorin ito ay may kakaibang dating na siyang pumupukaw sa damdamin ng mga manonood. Sinasalamin ng naturang pelikula ang hirap at pighati na nararanasan ng isang ordinaryong pamilyang Pilipino. Pagmamahal at pagpapahalaga sa pamilya, kabutihan at kababaang loob ay ilan lamang sa mga aral na nais ihatid ng pelikula. Ayon sa kasabihan ang oras ay ginto, laging alalahanin na ang bawat oras na lumilipas kalian man ay hindi na maaaring ibalik pa kaya marapat lamang na bigyang halaga at saya ang pananatili sa mundo ng bawat taong mahalaga sa atin. Hindi maiiwasan na kung minsan ay nasusubok ang tatag at pananalig ng bawat isa gayunpaman sa kahit na anong pagsubok napakahalaga ng suportang nakukuha ng bawat isa sa kanikanilang pamilya upang magawang malampasan ang kahit na anong pasanin sa buhay. Lagi ring alalahanin na ang kabutihan at kababaang loob kalianman ay hindi mapapalitan ng kahit na anong bagay.
View more...
Comments