Panunuluyan 2016 St Paul Parish, Dasmarinas Philippines
January 31, 2018 | Author: Paul Navarro Rendal | Category: N/A
Short Description
A "musical"...
Description
Page | 1
PANUNULUYAN Parokya ni San Pablo © 2016 Isinaayos nina Paul N. Rendal at Marlon B. Medina Mula sa titik ni Jose Mario C. Francisco, SJ Script ni Rev. Fr. Engelbert A. Bagnas at Marlon B. Medina At musika nina Eduardo P. Hontiveros, SJ, Ryan Cayabyab, Jesuit Music Ministry, atbp. Sa gabay ni Rev. Fr. Manuelito Villas TAMJEBBP MA MP 1P 2P HSK-
Tagapagsalaysay Anghel Gabriel Maria Jose Elisabet Maybahay Batang Pastol Mga Anghel Mga Pastol Unang Pantas Ikalawang Pantas Herodes Saserdote Koro
UNANG TAGPO K: “Halina, O Emmanuel” Tagalog trans. “O Come, O Come Emmanuel” Lights on. Papasok ang mga anghel na magsisipagsayaw. Paglabas nila, Lights off. Lights off habang binibasa ang mga sumusunod: T: Sa pasimula pa ay naroroon na ang Salita. Ang Salita ay sumasaDiyos at ang Salita ay Diyos. Siya ay sumasa Diyos nang pasimula pa. Ang lahat ng mga bagay ay nilikha sa pamamagitan Niya. Kung wala Siya ay walang anumang nilikhang bagay na nalikha. Lights on sa susunod na paragraph. Pagbukas ng ilaw nasa stage na sina Maria at Anghel Gabriel T: Sa ika-anim na buwan, ang anghel na si Gabriel ay sinugo ng Diyos sa Nazaret, isang lungsod ng Galilea. Isinugo siya sa isang dalagang birhen na ipinagkasundong mapangasawa ng isang lalaking nagngangalang Jose. Si Jose ay mula sa angkan ni David, at ang pangalan ng dalagang birhen ay Maria. A: Binabati kita, ikaw na kinalugdan. Ang Panginoon ay kasama mo. Kapuri-puri ka sa mga kababaihan. T: Nang makita ni Maria ang anghel, siya ay naguluhan sa kanyang nakita at pinag-isipan niya kung ano kayang uri ng bagay ito. St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
Page | 2
A: Huwag kang matakot, Maria, sapagkat nasumpungan ka ng Biyaya ng Diyos. Ikaw ay magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. At ang ipapangalan mo sa kanya ay Hesus. Siya ay magiging dakila at tatawaging Anak ng Kataas-taasan. Ibibigay sa kanya ng Panginoong Diyos ang trono ni David na kanyang ninuno. Siya ay maghahari sa tahanan ni Jacob magpakailanman at ang kanyang paghahari ay hindi magwawakas. M: Paano ito mangyayari yamang ako ay hindi nakakakilala ng isang lalaki? A: Darating sa iyo ang Banal na Espiritu, at ang kapangyarihan ng Kataas-taasan ang lililim sa iyo. Dahil dito, ang banal na ito na iyong ipapanganak ay tatawaging Anak ng Diyos. Lights off. Mabilis na papasok si Elisabet Lights on: A: Narito, ang pinsan mong si Elisabet ay nagdadalang-tao rin ng isang anak na lalaki sa kanyang katandaan. Ito ngayon ang ika-anim na buwan ng kanyang pagdadalang-tao, siya na tinatawag na baog. Ito ay sapagkat sa Diyos ay walang anumang bagay na hindi mangyayari. A: (Pakanta:) Magalak! Isisilang ang Poon! Papasok ang mga tagapagsayaw habang nasa stage pa rin ang Anghel at si Maria at si Elisabet K: “Emmanuel” M: “Awit ng Paghahangad” M: Narito ang aliping babae ng Panginoon. Mangyari sa akin ang ayon sa iyong salita. T: At iniwan siya ng anghel. Lights off. Lalabas ang anghel Lights on. Nasa stage si Elisabet at Maria. Si Elisabet ay nag-wawalis IKALAWANG TAGPO T: Sa mga araw na iyon, si Maria ay tumindig at nagmamadaling pumunta sa lupaing maburol sa lungsod ng Judea. Pumasok siya sa bahay ni Zacarias at bumati kay Elisabet. M: Elisabet! Elisabet! T: Nang marinig ni Elisabet ang pagbati ni Maria, ang sanggol sa kanyang sinapupunan ay napalundag. At si Elisabet ay napuspos ng Banal na Espiritu. E: (Sa isang malakas na tinig, siya ay sumigaw na sinasabi) Kapuri-puri ka sa mga kababaihan. Kapuri-puri ang bunga ng iyong sinapupunan. Papaano nangyari ito sa akin na ang ina ng aking Panginoon ay pumunta sa akin? Narito, sa pagdinig ko ng iyong tinig ng pagbati, ang sanggol sa aking sinapupunan ay napalundag sa kagalakan. Ikaw na sumampalataya ay lubos na pinagpala sapagkat magkakaroon ng kaganapan ang mga bagay na sinabi sa iyo ng Panginoon. St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
Page | 3
M: Dinadakila ng aking kaluluwa ang Panginoon. Ang aking espiritu ay lubos na nagagalak sa Diyos na aking Tagapagligtas. Ginawa Niya ito ayon sa sinabi Niya sa ating mga ninuno, kay Abraham at sa kanyang lahi magpakailanman. M: “Ang Puso Ko’y Nagpupuri” (Kakanta si Maria habang nakatingin at nakahawak ang isang kamay kay Elisabet) Spotlight kay Maria at Elisabet habang binabasa ng tagapagsalita ang susunod: T: Si Maria ay nanatiling kasama ni Elisabet ng halos tatlong buwan at pagkatapos nito, umuwi siya sa sarili niyang bahay. Lights off IKATLONG TAGPO Lights on. Nasa stage si Jose at may bangko sa stage. Naglalakadlakad habang binasa ng tagapasalita ang susunod: T: Si Maria ay nakatakdang mapangasawa ni Jose. Ngunit bago pa sila nagsama, si Maria ay natagpuang nagdadalang-tao na sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. Si Jose na kanyang asawa ay lalaking matuwid at hindi niya ginusto na mapahiya sa madla si Maria, kaya nagpasiya siyang hiwalayan nang lihim si Maria. (Hihiga si Jose sa bangko at makakatulog) Samantalang iniisip niya ang mga bagay na ito, isang anghel ng Panginoon ang nagpakita sa kanya sa isang panaginip. Lights off. Papasok ang Angel. Lights on A: Jose, ikaw na nagmula sa angkan ni David, huwag kang mangambang tanggapin si Maria na iyong asawa. Ito ay dahil ang dinadala niya sa kanyang sinapupunan ay sa Banal na Espiritu. Siya ay manganganak ng isang lalaki. Ang ipangangalan mo sa kanya ay "Hesus" sapagkat ililigtas niya ang kaniyang mga tao sa kanilang kasalanan. T: Ang lahat ng ito ay naganap upang matupad ang sinabi ng Panginoon sa pamamagitan ng mga propeta. Sinabi nila: Narito, isang dalagang birhen ang magdadalang-tao at manganganak ng isang lalaki. Tatawagin nila siyang Emmanuel na ang ibig sabihin ay: Ang Diyos ay sumasaatin. J: “Huwag Kang Mangamba” T: Sa pagbangon ni Jose mula sa pagkakatulog, ginawa niya ang ayon sa ipinag-utos sa kanya ng anghel ng Panginoon. Tinanggap niya si Maria upang maging asawa. Hindi niya sinipingan ang kanyang asawa hanggang sa maipanganak niya ang kanyang panganay na anak na lalaki. Pinangalanan siya ni Jose na Hesus. Lights off. Tatanggalin ang upuan sa stage at papasok si Maria St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
Page | 4
IKAAPAT NA TAGPO Spotlight kay Jose at Maria T: Nang mga araw na iyon, na lumabas ang isang batas mula kay Augusto Cesar na nag-uutos na dapat magpatala ang buong sanlibutan. Ang pagpapatalang ito ay unang nangyari nang si Cirenio ay gobernador ng Siria. Ang lahat ay pumunta upang makapagpatala, bawat isa sa kanyang sariling lungsod. Si Jose ay umahon din mula sa Galilea, mula sa lungsod ng Nazaret patungo sa Judea. Sa dahilang siya ay kabilang sa sambahayan at angkan ni David, siya ay umahon sa lungsod ni David na tinatawag na Bethlehem. Siya ay umahon upang magpatalang kasama si Maria, na ipinagkasundong mapangasawa niya. At kabuwanan na noon ni Maria. T: Habang sila’y naglalakbay, may naramdaman si Maria: IKAAPAT NA TAGPO – Unang Maybahay M: Jose, manganganak na yata ako! Sumasakit na ang tiyan ko. J: Konting tiis nalang mahal ko, hahanap tayo ng matutuluyan upang doon ka magsilang. (Lakad) Hayun ang isang bahay! Halika’t subukan nating tumawag. (Lapit sa bahay) Tao po! (4x) (SFX 3 knocks) B: Ano ba! Gabing-gabi na’y nambubulahaw pa kayo! Jose:
B: Teka teka teka, nang-iistorbo na kayo e! Unang Maybahay:
St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
Page | 5
Jose:
Maria:
Unang Maybahay:
Jose at Maria:
St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
Page | 6
Koro:
Koro: “Panunuluyan Koro” (Maglalakbay si Maria at Jose) IKAAPAT NA TAGPO – Ikalawang Maybahay J: Hayun! Bukas pa ang ilaw doon. Halika’t subukan nating tumawag. M: (tatango lamang at namimilipit sa sakit ng tiyan) J: Tao po! (3knocks) (4x) Ikalawang Maybahay
Maria at Jose:
B: Gagawin niyo pang itlogan/ itlugan ang bahay ko! Ano kayo sinuswerte! Hindi pwedeng marumihan ang bahay ko! O siya sige, layas kayo! Sa iba na kayo makituloy! Tsupi! Tsupi! St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
Page | 7
M: Huwag ka mag-alala, Jose. Makahahanap din tayo ng matutuluyan. Jose:
Maria:
Koro:
Koro: “Panunuluyan Koro” (Maglalakbay si Maria at Jose) IKAAPAT NA TAGPO – Ikatlong Maybahay J: Hayun pa ang isang bahay! Sana maganda ang kalooban ng nakatira d’yan. Halika at subukan nating tumawag. Tao po! (4x) B: Ano ba’t dis oras na ng gabi’y nambubulahaw pa kayo! Jose:
St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
Page | 8
B: Ano bibigyan niyo pa ako ng sakit ng ulo! Jose at Maria:
B: Magsilayas kayo! Marami paakong gagawin bukas! Istorbo kayo sa pagtulog mga pataygutom! Layas! Jose:
Maria:
St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
Page | 9
Jose at Maria (Dueto)
Koro:
Koro: “Panunuluyan Koro” (Maglalakbay si Maria at Jose) IKAAPAT NA TAGPO – Ikaapat na Maybahay J: Maria natatanaw mo ba iyon? Isang bata! Sandali at magtatanong ako. (Lalapit sa bata) J: Bata, ika’y isang pastol, maaari bang magtanong kung saan may matutuluyan dito ngayong gabi? BP: Halika po at sumunod kayo sa akin. J: Maraming salamat! (Lalakad ang lahat at maglalaho ang bata) M: Jose, nasaan na ang batang ating sinusundan? Ngunit hayun na ang bahay. J: Sugo siya ng Maykapal. Halika, sana ‘yan na ang magpatuloy sa atin. (Lakad) Tao po! (3 knocks) (4x) B: O gabing-gabi na, bakit nasa lansangan pa kayo? Ano bang kailangan ninyo? J: Mahal na, ginang, ang asawa ko po ay malapit ng manganak, baka maaari po kaming makituloy sa inyong tahanan. M: Siya nga po mahal na ginang. Nararamdaman ko po na malapit na akong manganak. (mamimilipit sa sakit)
St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
P a g e | 10
B: Naku! Pa’no ba ‘yan! Maliit at masikip ang aking tahanan. Hindi tayo kasya rito, pero kung gusto niyo, mayroon akong kulungan ng hayop na pwede ninyong matuluyan. Doon ay maaari kang manganak. M: Maraming salamat po mahal na ginang/ ginoo. Napakabuti ng inyong kalooban. Diyos na po ang bahalang gumanti sa inyong kabutihan. J: Siya nga po mahal na ginang, maraming, maraming salamat po. Kahit na sa kulungan ng hayop ay ikagagalak namin. B: O siya, halina kayo at sasamahan ko kayo. K: “O Magsaya” Tagalog trans. “Joy to the World” Lights off IKALIMANG TAGPO Lights on. Nasa stage ang anghel at dalawang pastol na may kasamang mga tupa T: Sa lupain ding iyon ay may mga tagapag-alaga ng mga tupa na namamalagi sa parang. Binabantayan nila sa gabi ang kanilang kawan. Narito, tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon. Ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila at sila ay lubhang natakot. A: Huwag kayong matakot. Narito, inihahayag ko sa inyo ang ebanghelyo ng malaking kagalakan para sa lahat ng mga tao. Ito ay sapagkat sa araw na ito sa lungsod ni David ay ipinanganak sa inyo ang isang Tagapagligtas. Siya ang Kristo na Panginoon. Ito ang palatandaan ninyo. Inyong masusumpungan ang sanggol na nababalot ng mga mahabang tela at nakahiga sa isang sabsaban. T: At biglang lumitaw ang isang karamihan ng hukbo ng langit na kasama ng anghel na iyon. K: “Gloria In Exelsis Deo” Tagalog trans. “Angels We Have Heard on High” T: Nang ang mga anghel ay umalis patungo sa langit, ang mga tagapag-alaga ng tupa ay nagusap-usap. (Sinabi nila sa isa't isa:) MP1: Pumunta tayo sa Bethlehem. Tingnan natin ang bagay na ito na ipinaalam sa atin ng Panginoon. MP2: Halina. Nawa’y gabayan tayo ng Panginoon sa ating paglalakbay. T: Sila ay nagmadaling pumunta roon. Nasumpungan nila roon si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa sabsaban. Pagkakita nila, kanilang ipinamalita ang salitang sinabi sa kanila patungkol sa sanggol na ito.
St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
P a g e | 11
MP1: Isang anghel ang nagpakita sa amin at nagwika na sa araw na ito’y isinilang ang mananakop, ang tagapagligtas, si Kristo na ating Panginoon. Sinabi pa nito na nasa isang sabsabaan sa Bethlehem ang sanggol. MP2: At walang anu-ano’y ang langit na tinitingala ng mga pastol ay napuno ng mga anghel na lumuluwalhati sa Diyos at umawit ng “Gloria sa Diyos sa kaitaasan, at sa daigdig ay kapayapaan, maligayang bati sa sangkatauhan” Ang lahat ng mga nakarinig ay namangha sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga tagapagalaga ng tupa. Sinarili ni Maria ang lahat ng mga salitang ito, at isina-alang-alang sa kanyang puso. At bumalik ang mga tagapag-alaga ng tupa na niluluwalhati at pinupuri ang Diyos dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang narinig at nakita tulad ng pagkasabi sa kanila. Lights off. Lalabas sa stage ang mga pastol IKAANIM NA TAGPO T: Pagkatapos na maipanganak si Hesus sa Bethlehem ng Judea, sa panahon ng paghahari ni Herodes, may dumating sa Jerusalem mula sa silangan, na mga lalaking pantas sa pag-aaral ng mga bituin. 1P: Saan naroroon ang ipinanganak na Hari ng mga Judio? 2P: Ito ay sapagkat nakita namin ang kanyang bituin sa silangan at naparito kami upang sambahin siya. 3P: Dala nami’y tatlong regalo upang iaalay sa kanya: ginto, kamanyang at mira. T: Nang marinig ni haring Herodes ang mga bagay na ito, naligalig siya at ang lahat ng mga tao sa Jerusalem. Tinipon niya ang lahat ng mga pinunong-saserdote at mga guro ng kautusan ng mga tao. H: Ikaw, halika! Lumapit ka sa akin. Saan ipanganganak ang Mesiyas? S: Sa Bethlehem ng Judea sapagkat ganito ang isinulat ng propeta: "Ikaw Bethlehem sa lupain ng Judea, hindi ikaw ang pinakamaliit sa mga gobernador ng Judea sapagkat mula sa iyo ay lalabas ang isang pinuno na siyang mamumuno sa aking bayang Israel." H: Ah, ganoon ba? Ipatawag ang mga pantas. S: Masusunod po, Haring Herodes. S:Nakita n’yo ba ang mga pantas? (kausap ang audience) Hayun pala ang mga pantas! S: Ipinatatawag kayo ng Haring Herodes. ( Kausap ang mga pantas) S: Mahal na Haring Herodes, narito na po ang mga pantas na inyong pinatatawag. St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
P a g e | 12
H: Humayo kayo patungong Bethlehem. Pumaroon kayo at matiyaga ninyong ipagtanong ang patungkol sa bata. Kapag natagpuan ninyo siya, balitaan ninyo ako upang makapunta rin ako at sambahin siya. T: Pagkarinig nila sa hari ay tumuloy na sila sa kanilang lakad. P: “Simula ng Pasko” Lights off. Spotlight sa bituin at tatlong hari. T: Narito, ang bituin na kanilang nakita sa silanganan ay nanguna sa kanila. Nanguna ito sa kanila hanggang sa sumapit at tumigil sa tapat ng kinaroroonan ng maliit na bata. Nang makita nila ang bituin, lubos silang nagalak. Nang sila ay nasa loob na ng bahay, nakita nila ang bata, kasama ang Kanyang inang si Maria. Sila ay nagpatirapa at sinamba ang bata. Nang mabuksan na nila ang kanilang mga kayamanan, naghandog sila sa kanya ng mga kaloob. Ang mga ito ay ginto, kamangyan at mira. Pagkatapos magbigay ng kanya-kanyang regalo sila ay namaalam. Sa isang panaginip at nagbabala ang Diyos sa kanila na huwag na silang bumalik kay Herodes. Kaya sila ay nag-iba ng daan pauwi sa kanilang sariling lupain. Lights off. Papasok lahat ng cast at kakanta sa likod ng mga anghel LAHAT: “Munting Sanggol” At nagsisi - awit ang mga anghel sa langit, “Luwalhati sa Diyos sa ka----i-taasan, at sa lupa’y kapayapaan, Gloria in excelsis Deo!” Gloria in excelsis Deo!” Gloria in excelsis Deo!” in excelsis Deo! in excelsis Deo! T: This year’s Panunuluyan Cast!
St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
P a g e | 13
PANUNULUYAN KORO
St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
P a g e | 14
St. Paul Parish 2016 Brgy Langkaan I, City of Dasmarinas, Cavite, Philippines
View more...
Comments