Pananaliksik Tungkol Sa Pagkikipagnegosasyon Online (Online Shopping)

February 26, 2017 | Author: Nic Raf Bordz | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Pananaliksik tungkol sa pag nenegosyo., Filipino II...

Description

Kabanata I Ang Suliranin at ang Sanligan Nito PAKIKIPAGNEGOSASYON ONLINE (ONLINE SHOPPING) NG AYOSDITO, LAZADA, SULIT AT IBA PA

Panimula Ang pakikipagnegosasyon online ay nagsimula pa noong 1900 kasabay ng pagdating ng Internet kung saan ang transaksyon ng mga mangangalakal ay natawag ang pansin. Ang pakikipagnegosasyon online ay nagbukas ng pinto ng oportunidad para sa maraming negosyante. Dati, ang mga malalaking negosyo lamang ang may access sa web. Gayunpaman, ngayon, ang puhunan ng mga indibidwal sa pagbubukas ng negosyo gamit

ang

internet

ay

nagpapatuloy

kaya’t ito

ay

masasabing

pinakapopular

na

pakikipagsapalaran sa negosyo sa lipunan. Isa ang mga business networking sites sa usong-usong teknolohiya ngayon. Ang mga business networking accounts na kilalang-kilala ngayon ay Ayosdito.com, Sulit.com, Lazada.com at pati sa mga social networking site gaya ng Facebook, Instagram at Twitter ay meron na din nagtatayo negosyo. Marami ang magagawa sa mga business networking sites tulad

ng

makipagkomunikasyon,

gumamit

ng

iba’t-ibang mga

application,

at

makapagsimula ng negosyo. Maaaring kumita ng pera sa paggamit lang ng online networking o online business. Ang online business o business networking sites ay kinagigiliwan ng lahat: maging babae man o lalaki, matanda o bata, mahirap o mayaman.

Sa

pamamagitan ng mga online business site ay nagiging mas mabilis at madali ang

pagbili ng produkto subalit hindi nakakasiguro ang mga mamimili na dekalidad ang mga produktong binebenta online. Karamihan sa mga nawiwili sa mga ito ay ang mga estudyante. Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang magbahagi ng karagdagang kaalaman sa mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan-Kalookan na nagbukas o magbubukas pa lang ng sariling negosyo gamit ang internet. Nais din ng pag-aaral na ito na ibahagi ang mga epekto ng pagtatayo ng online business sa mga estudyanteng tulad namin. Pagpapahayag ng suliranin Ang pananaliksik na ito ay naglalayong sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Anu-anong Online Business ang tinatangkilik ng mga estudyanteng kolehiyo sa Pamantasan ng Silangan Kalookan? 2. Paano nakakaapekto ang Online Business sa mga estudyante sa Pamantasan ng Silangan? 3. Anu-ano ang karaniwang tinatangkilik/binibili ng mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan? 4. Anu-ano ang mga dahilan kung bakit tinatangkilik ng mga estudyante ang Online Business? 5. Anong kurso ang karaniwang tumatangkilik sa Online Business? 6. Anu-ano ang mga dapat isaalang-alang ng isang negosyanteng magtatayo ng isang Online Business? 7. Bakit maraming kabataan ang tumatangkilik sa pagbubukas ng negosyo gamit ang internet?

8. Anong mga edad ng estudyante ang karaniwang tumatangkilik sa mga produktong Online?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang Pag-aaral na ito ay nagbibigay halaga din sa mga sumusunod: Mag-aaral 

Upang makapagpasya kung dapat nga bang tangkilikin ang Online Business.



Upang malaman kung maganda nga bang simula ng negosyo ang online para sa

mga

estudyante. Guro 

Upang mabatid nila ang mga suliranin at epekto ng Online Business sa mag-aaral at makatulong sa pamamagitan ng paraan ng kanilang pagtuturo.

Negosyante/Mamamayan 

Upang malaman nila kung ang Online Business ay isa nga bang magandang uri ng negosyo.

 Upang malaman nila kung ano ang mga epekto ng Online Business.

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw lamang sa mga estudyante ng Pamantasan ng SilanganKalookan na kasalukuyang nag-aaral ngayong ikalawang semestre taong pampanuruan 20132014.Upang malaman kung ano nga ba ang Online Business at ang epekto nito sa mga magaaral. Sasakupin lamang ng pag-aaral ang mga pananaw, opinion at damdamin ng mga mag-aaral ng Pamantasan ng Silanagn-kalookan. Dipinisyon ng mga katawagan Online Business Ang Online Business ay isang negosyo na ginagamitan ng teknolohiya o internet. Internet Ang Internet ay ang mga magkakabit na mga computer network na maaaring gamitin ng mga tao sa buong mundo. Web Ang web ay isang sistema na siyang nagpapagalaw sa Internet. Teknolohiya Ang teknolohiya ay mayroong higit sa isang kahulugan. Isa sa mga kahulugan ang pagsulong at paglapat ng mga kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglunas ng mga suliranin ng tao.

Negosyo Ang negosyo ay isang gawain na bunga ng pagtaya ng isa o higit pang mga mangangalakal ng kanilang pawis, pag-iisip at salapi upang kumita. Negosyante Negosyante ang tawag sa taong nagbebenta ng iba’t-ibang produkto. Negosasyon Ang alternatibong termino ay kalakalan.

Kabanata II Kaugnay na Literatura at Pag – aaral

Kaugnay na Literatura Lokal: Ayon kay Steven Solomon sa aklat na Small Business idinepensa niya na “ In poor developing countries small project are much better than big project “. Isa ang Pilipinas sa mga papaunlad na bansa, at npagtanto na marami na ang nag bebenta gamit ang internet. Gamit ang social networking site nakakapag tayo sila ng Online business na maari magbenta ng mga kakaiba at pangkaraniwang bagay na ginagamit ng tao. Ito ang paraan nila upang mapaunlad ang kanilang negosyo pati ang ekonomiya ng bansa. Kahit sino ay pwedeng magnegosyo nito mapalalaki o babae, mayaman o mahirap, bata o matanda. Isa rin itong magnadang gawin pag wala kang mahanap na trabaho, at maliit lang na puhunan ang kinakailangan. Banyaga:

Ayon kay Brian Adams, studymode.com “Trust is probably the single most important factor in running an Online Business. Although the volume of the use their credit cards due to many scams, frauds and other-fly-by high operations plaguing the internet. Mahirap magtiwala sa isang tao lalo na kung tungkol sa pera ang pinaguusapan. Isa sa mga dahilan kung bakit mahirap magtiwala ay dahil sa kahirapan. Sa mga kalagayan ng Online Business kinakailangan makuha ang tiwala ng mamimili upang makabenta ng kanilang produkto. Hindi lang sa kalidad at presyo ng produkto ang batayan ng mga mamimili kundi pati na rin ang estado at itsura ng business site ng may-ari nito. Ayon din kay Chris Brogan (chrisbrogan.com) Oraganizations have a lot to consider once they decide they want to jump into a social networking and social media. There are many opportunities to slide off the trails, or worse to let the effort fall into disarray. Sa ating henerasyon, ang Internet ay isang malaking tulong sa ating lahat. Napapadali at napapabilis nito ang ating mga gawain. Katulad ng pakikipagkomunikasyon sa ating minamahal sa buhay na nasa malayong lugar at pagbebenta ng mga gamit. Ngunit kasabay din nito ang paglabas ng mga mapanlinlang at mapagsamantalang mamamayan. Kung kaya’t dapat suriin natin at magingat tayong mabuti. Kaugnay na pagaaral Lokal: Isinaad ni Feliciano Fajardo sa aklat na “Peak performance can be obtain through careful placement, sufficient & necessary information opportunities for participation, and high standard of performance”

Hinahanap ng mamimili ang dekalidad na produkto. Masasabi rito na kailangan ng mainam na pakikipagnegosasyon upang mabili ang produktong binibenta sa online. Ayon rin sa pagaaral, mas marami ang maaring bumili ng isang bagay sa online. Ayon rin sa pag-aaral, mas marami ang maaring bumili ng isang bagay online kung ito ay naiprisinta ng ayos at naayon sa araw o okasyon. Ayon namn kay Adam, Z.R, (papercamp.com), “The major different type of e-commerce (B2B) Business to Business, (B2) Business-to-consumer, (B26) Business to Government, (C2) Consumer to Consumer and M-commerce while is mobile commerce” Pinakamadali ang Online Business sites dahil marami ng mapag-pipiliang sites, produkto, tatak at presyo ang mahahanap dito. Katulad sa kataga ng isa sa mga sikat ng Online Business na sulit.com na “Hanap, Usap, Deal” masasabi rito na kahit na nasa bahay o nasang lugar ka man ay maari kang makabili at kikita naman ang nagbebenta. Banyaga: Ayon kay Mckinsey, “More objects are becoming embaded w/ sensors and gaining the ability to communicate. The resulting information networks promise to create new business models, improve business process, and reduce costs and risks”

.

Para naman sa ginagawang pananaliksik ni Mckinsey, dahil sa Online Business sites, nagkaroon ng bagong paraan ang mga supplier upang kumita ng pera, pinababa rin nito ang presyo at pinalawak ang kapakanan ng mga bumibili, mas napadali na ngayon ng teknolohiya ang buhay ng mga tao.

Sintesis Ayon sa mga artikulo na nabasa at napagalaman ng mga mananaliksik maraming tulong ang naiidulot ng teknolohiya sa pangaraw-araw na buhay. Katulad na lamang ng napiling paksa ng mga mananaliksik na Online Business. Nasasaad sa artiko ng studymode.com na sa tamang kasaysayan ng komersyo sa pagbebenta ay malaki na ang naiambag ng teknolohiya sa katunayan, ang teknolohiya ang isa sa mga pangunahing paraan kung bakit ang pagbili at pagbebenta ay nagiging madali, mabilis at mabisa. Kung kaya naman napakaraming mga tao ang sumasangguni sa teknolohiya para sa kanilang pamimili. Ayon rin sa artikulong inilabas ng Fortune Magazine ang Facebook ay ang numero unong social network ngayon sa buong mundo. Kung kaya’t ginagamit ito na mga malalaking kompanya para dito ilagay ang kanilang advertisement at para mas madaling malaman ng mga mamimili ang tungkol sa kanilang mga produkto hindi lamang ang mga kompanya ang nakikinabang sa ganitong pamamaraan dahil maging ang mga ordinaryong tao ay ginagamit ang Facebook upang magbenta ng ilang kagamitan sa pamamagitan ng pag popost ng kanilang nais na ibenta na produkto. Ang JDNS company ay isa sa mga kumpanyang gumagamit ng online business site dahil ayon sa kanila ginagawa ang system na ito para sa kumpanya upang magkaroon ng mahusay na paraan at upang mahawakan ang transakyon, particular ang pag order na sistema. Gamit ang ipinanukalang sistema, ang isang customer ay maaring umorder ng produkto ng kumpanya ano mang oras. Kahit saan dagdag pa dito ay nakaka tulong pa ito na mapabuti ang kahusayan ng kumpanya sa mga tuntunin ng paghawak ng transaksyon, particular ang kanilang sistema sa pag order. Bukod dito, dahil ang system ay sa pamamagitan ng online at sa pamamagitan ng SMS, ang prospektib na mga customer ng kumpanya ay tumaas. Kaya ang sistema ay maaring mag ambag sa pag taas ng benta ng kanilang mga produkto. Napag tanto ng mga mananaliksik na lumipas na ang maraming

dekada at tuluyan na ding binago ang panahon ang mundo pati na rin ang saloobin ng kaluluwa ng tao sadyang tayo ang walang kapagurang galuganin ang mga bawat sa posebilidad upang maabot ang pinakamataas na antas ng pamumuhay. Isinilang ang teknolohiya ayon sa pagkahayok natin sa pagbabago.

Sanggunian: Studymode.com Papercamp.com Social media and social networking starting Fortune magazine Mckinsey quarterly Small business Cooperatives

Kabanata III Metodolohiya

Disenyo Ng Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa ayon sa disenyo ng pamamaraang deskriptib na pananaliksik. Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ang pananaw ng mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan-Caloocan na bumibili ng produkto online.

Setting Ng Pag-aaral Isinagawa ang pananaliksik na ito sa loob ng Pamantasan ng Silangan Caloocan Campus dahil maraming mag-aaral ang tumatangkilik at bumibili sa mga produkto online.

Mga Respondents Ang mga piniling respondents sa pag-aaral na ito ay mga mag-aaral ng iba’t-ibang departamento sa Pamantasan ng Silangan-Calooca mula una hanggang apat na taon ng kasalukuyang semester taong panuruan 2012 – 2013. Sa unang taon ay mayroong 25 respondents, sa ikalawang taon ay mayroong 25 respondents. Sa ikatlong taon ay mayroong 25 respondents at para sa ikaapat na taon ay mayroon ding 25 respondents. Sa kabuuan ay nakahanap ng 100 respondents ang mga mananaliksik.

Instrumentong Pananaliksik Ang pag-aaral na ito ay isinagawa sa pamamagitan ng sarbey, kwestyuner upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral sa Pamantasan ng Silangan Caloocan Campus. Upang lalong mapagbuti ang pag-aaral ay minabuti ng mga mananaliksik na mangalap ng impormasyon sa iba’t – ibang hanguan sa aklatan tulad ng mga libro, journal, pahayagan at iba pa.

Tritment Ng Mga Datos Dahil ang pamamaraang pananaliksik na ito ay panimulang pag-aaral lamang at hindi isang pangangailangan sa pagtatamo ng isang digri ay walang ginawang pagtatangka upang masuri ang mga datos sa pamamagitan ng mataas at kompleks na istatistika. Tanging pagtatally at pagkuha ng porsyento lamang ang kianakailangang gawin ng mananaliksik. Ang paraang ginamit ng mananaliksik sa pagkokompyut ng porsyento sa pag-aaral na ito ay ang mga sumusunod:

Ang Online Business at ang epekto nito sa mga estudyante ng Pamantasan ng Silangan Kalookan kampus

Isang pamanahon na iniharap sa mga daluguro ng mga Filipino bilang isang katuparan sa kahilingan ng kursong Filipino 112.

Ipinasa nina: Armas, Charlene A. Sioson, Iris P. Merin, Rachel M. Madarang, Gladez Mar S. Sajulga, Dianne Lae S. Villaluna, Monique L.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF