PANALANGIN PARA SA KALULUWA

October 11, 2017 | Author: ivan_robie9328 | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download PANALANGIN PARA SA KALULUWA...

Description

1 Panalangin Para sa Kaluluwa

PANALANGIN PARA SA KALULUWA + Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa’t sumakop sa akin, pinagsisihan kong masakit na masakit sa tanang loob ko ang dilang pagkakasala ko sa iyo, ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko’t Ama ko, iniibig kong lalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na di na muling magkakasala, nagtitika naman akong magkukumppisal ng lahat ng mga kasalanan ko, umaasa akong patatawarin mo rin alang-alang sa Iyong Mahal na Pasyon at pagkamatay mo sa krus dahilan sa akin. Siya Nawa. Buksan mo, Panginoon ang aming mga albi, pakasulungin ang aming loob, pakalinisin sa walang kapakanan ang mahahalay at likong alaala. Liwanagin mo ang aming puso nang magunam-gunam naming mataimtim ang kamahal mahalang hirap at kamatayan, sampu ng kapait-paitang dinalita ng Iyong marangal na Ina na aming dapat dinggin sa di matingkalang kapangyarihan na nabubuhay at naghahari kasama ng Espiritu Santo magpasawalang Hanggan. Siya Nawa. (5x) Lubhang maawaing Jesus ko lingapin mo ng mga mata mong maawain ang kaluluwa ni ________________ na dahilan sa kanya ay nagpakasakit at namatay ka sa krus. Siya Nawa. Sagot: kaawaa’t patawarin ang kaluluwa ni ________________. 1. Jesus ko, alang-alang sa masaganang dugong ipinawis mo nang manalangin ka sa halamanan, ________________. 2. Jesus ko, alang-alang sa tampal na tinanggap ng iyong kagalang-galang na mukha, ________________.

2 Panalangin Para sa Kaluluwa 3. Jesus ko, alang-alang sa masakit na hampas na iyong tiniis, ________________. 4. Jesus ko, alang-alang sa koronang tinik na nagsitimo sa kasantu-santusan mong ulo, ________________. 5. Jesus ko, alang-alang sa paglalakad mo sa lansangan ng kapaitan ang krus ay iyong babaw, ________________. 6. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong mukha na binayaan mong malarawan sa birang ni Veronica, ________________. 7. Jesus ko, alang-alang sa damit mong natigmak ng dugo na biglang pinaknit at hinubad sa iyong katawan niyong tampalasan, ________________. 8. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong katawan na napako sa krus, ________________. 9. Jesus ko, alang-alang sa kasantu-santusan mong mga paa at kamay na pinakuan ng mga pakong pinagdalita mong masakit, ________________. 10.Jesus ko, alang-alang sa tagiliran mong nabuksan sa saksak ng isang matalim na sibat na binukalan ng dugo at tubig, ________________. (5x) Requiem aeternam dona eis, Domine. Et lux perpetua luceat eis. Requiscant in pace Les petuares cede. Amen

PAGHAHAIN Katamis-tamisang Jesus, nasa pagsakop sa sangjkatauhan ay inibig mong ikaw ay ipanganak, tumulo ang iyong nahalagang dugo sa pagtutuli, alipusta ng mga Hudyo, napasakamay niyang mga tampalasan sa paghalik ni Hudas, ginapos ng mga lubid, dinala sa pagpaparipahan sa iyo, tulad sa korderong walang sala, iniharap kay Anas, kay Caipas, kay Pilato at kay Hirodes, niluran at pinaratangan at pinatutuhanan ng mga saksing sinungaling, tinampal, naging alimura, natdtad ng sugat ang buo mong katawan sa hampas ng suplina, pinutungan ng koronang tinik, natakpan ang iyong mukha nng isang purpura sa pagpapalibhasa sa iyo, nalagay sa isang pagka-buhong kahiya-hiya, napako sa krus at natindig sa kanya, napagitna sa dalawang magnanakaw na para sa krus at natindig sa kanya, napagitna sa

3 Panalangin Para sa Kaluluwa dalawang magnanakaw na para sa kanila ay pinainom ng apdong nilahukan ng suka at ang iyong tagiliran ay silain ng sibat. Hanguin mo na Panginoon ko alang-alang doon sa madlang sakit na lubhang mapait para dalitain mo ang kaluluwa ni ________________. kaluwalhatian

at

Sa

pagdurusa

iligtas

mo

niya’y

siya

iakyat

alang-alang

mo sa

na

matiwasay

iyong

sa

iyong

kasantu-santusang

pagpapakasakit at pagkamatay sa krus sa mga hirap ng impyerno ng kami’y dapat pumasok, sa payapang kaharian na iyong pinagdalhan sa mapalad na magnanakaw na nakasama sa iyong naripa sa krus, nabubuhay at naghaharing kasama ang Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Espiritu Santo, magpasawalang hanggan. Siya Nawa.

LITANYA SA MAHAL NA BIRHEN Panginoon, maawa ka sa amin Kristo, maawa ka sa amin Panginoon, maawa ka sa amin Kristo, maawa ka sa amin Panginoon, pakinggan mo kami Kristo, pakinggan mo kami Diyos Ama sa langit, maawa ka sa kanya Diyos Anak na tumubos sa sanlibutan, maawa ka sa kanya Diyos Espiritu Santo, maawa ka sa kanya Banal na Trinidad, iisang Diyos, maawa ka sa kanya Santa Maria, Ipanalangin mo siya (Sagot) Santang Ina ng Diyos, ________________ Santang Birhen ng mga Birhen, ________________ Ina ni Kristo, ________________ Inang pus-pos ng biyaya ng Diyos, ________________ Inang kalinins-linisan, ________________ Inang walang malay sa kasalanan, ________________ Inang kasakdal-sakdalan, ________________ Inang walang bahid, ________________ Inang kahanga-hanga, ________________

4 Panalangin Para sa Kaluluwa Ina ng mabuting kahatulan, ________________ Ina ng Maylikha, ________________ Ina ng mananakop, ________________ Ina ng banal na Iglesia, ________________ Birheng kapaham-pahaman, ________________ Birheng dapat igalang, ________________ Birheng lalong dakila, ________________ Birheng makapangyayari, ________________ Birheng maawain, ________________ Birheng matibay na loob sa magaling, ________________ Salamin ng katuwiran, ________________ Luklukan ng karunungan, ________________ Simula ng tuwa namin, ________________ Sisidlan ng kabanalan, ________________ Sisidlan ng bunyi at bantog, ________________ Sisdlan ng bukod na mahal na loob na makusaing sumunod sa panginoong Diyos, ________________ Rosang bulaklak na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga, ________________ Tore ni david, ________________ Toreng garing, ________________ Bahay na ginto, ________________ Kaban ng tipan, ________________ Pinto ng langit, ________________ Talang maliwanag, ________________ Mapagpagaling sa mga maysakit, ________________ Tanggulan ng mga kasalanan, ________________ Mapag-aliw sa mga nagdadalamhati, ________________ Mapag-ampon sa mga kristyano, ________________ Reyna ng mga anghel, ________________ Reyna ng mga patriarka, ________________ Reyna ng mga propeta, ________________ Reyna ng mga apostol, ________________ Reyna ng mga martir, ________________

5 Panalangin Para sa Kaluluwa Reyna ng mga kumpesor, ________________ Reyna ng mga birhen, ________________ Reyna ng lahat ng Santo, ________________ Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal, ________________ Reynang iniakyat sa langit, ________________ Reyna ng kasantu-santusang rosaryo, ________________ Reyna ng kapayapaan, ________________ Kordero ng Diyos na nakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, *** Patawarin mo siya, panginoon namin Kordero ng Diyos na nakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, *** Pakapakinggan mo siya, panginoon namin Kordero ng Diyos na nakawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, *** Kaawaan mo siya, panginoon namin Sa iyong pagkakandili, O santang ina ng Diyos, kami ay lumililom na wag mong talikdan ang aming pag-aamu-amo kung dinaratnan ng kasalatan bagkus aiadya mo kami Birheng Maluwalhati. ***Ipanalangin mo siya santang Ina ng Diyos ***Nang siya’s maging dapat makinabang sa mga pangako ni Jesukristong Panginoon. Panginoon namin, dinggin mong malugod ang aming pag-aamu-amo. ***Dumating nawa sa mahal na tainga mo ang aming pagdaing. Pinagta-tagubilin namin sa iyo Panginoon ang kaluluwa ni ________________, pumanaw dito sa ibabaw ng lupa, mangyaring ipagpatawad mo sa kanya alangalang sa walang katapusang mong awa, ang mga kasalanang ginawa niya noong siya’y nabubuhay pa magparating man, magpasawalang-hanggan. Siya Nawa. Aba pos anta Mariang Reyna, Ina ng Awa, ikaw ang kabuhaya’t tinamisan; pinanaligan ka namin. Ikaw nga po ang tinatawag namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbuntungang-hininga namin sa aming pagtangis dini sa lupang baying kahapis-hapis. Ay Aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin ang

6 Panalangin Para sa Kaluluwa mga mata mong maawain at saka kung matapos yaring pagpanaw, ipakita mo sa amin ang inyong anak na si Jesus, O magiliw, maawain, matamis na Birheng Maria. Ipanalangin mo siya, O Santang Ina ng Diyos. •

Nang siya’y maging dapat makinabang sa mga pangako ni jesukristong Panginoon. Amen Ama Namin (3x) Aba ginoong Maria (3x) Requiem aeternam (3x)

 Et lux perpetua luceat eis. Requiscant in pace Les Petuares cede Amen Panginoon kong Diyos, itong dinasal naming 3 Ama Namin. 3 Aba Ginoong Maria, at 3 Requiem aeternam ay iniaalay namin sa kaluluwa ni ________________, na kung bagama’t mayroong hindi na napagsisihang kasalanan dito sa lupa, noong siya ay nabubuhay pa, ay kaawaan Mo at patawarin, papagkamtin, mapagsa-walang hanggan. Amen. *** Pagkalooban Mo siya ng kapayapaang walang hanggan *** Magbigay liwanag, ilaw na walang katapusan, mapanatag sa kapayapaan *** Amen Kaluluwang mahal ni Kristo

:

Pakasantuhin mo po siya

Katawang mahal ni Kristo

:

Iligtas mo po siya

Tubig sa tagiliran ni Kristo

:

Pakahusgahan mo po siya

Pasyon na mahal ni Kristo :

pakatapangin mo po siya



O, marikit na Jesus, bugtong na Anak na pinaka-iibig, kagalingan ng mga kaluluwa, pakundangan sa mga hirap at sakit na ipinagdalita Mo sa iyong mahal na Santa Krus, lalung-lalo na ang pagpanaw ng Iyong kaluluwa na kasantu-santusan mong pagkamatay, ipinag-aamu-amo namin na kahabagan Mo at patawarin ang kaluluwa ni ________________ inyong ipanalangin at ipanuto sa buhay na walang hanggan. Siya Nawa.

7 Panalangin Para sa Kaluluwa

(3x)

Santos deus, Santos portes Santos imortales. Miserere nobis.



Jesus na panginoon ko, kasantu-santusan mong pagkamatay sa krus ay siya mong ipagkaloob sa kaluluwa niya (3x)



Miseracordia po Senor, ang galit mo po’y ipagpalubay, hustisya ng kabagsikan,

jesus

na

katamis-tamisan,

mariang

kabanal-banalan,

ang

kaluluwa ni ________________ inyong kaawaan. (3x) •

Kalinisan mo po’y purihin, sambahing walang tigil buong Diyos ay naaliw na walang kahambing. O, Dakilang Prinsesa, O, mahal na Birheng Maria, iniaalay puso’t kaluluwa, ligapin mo kami’t kahabagan, Ina’y huwag mo kaming pababayaan hanggang sa oras ng aming kamatayan. Patawad mo po’y aming kamtan magpasawalang-hanggan. Amen.

OREMUS MANALANGIN TAYO Panginoon naming Diyos, kami po’y nagpapasalamat sa walang hanggan Mong sa aming makasalanan. Ipinagpapasalamat namin sa Iyo ang mahal mong bugtong na Anak na ipinagkaloob Mo sa aming lahat na dinalita ng mga kabanalan ng Mahal na Birheng Maria. Ipinagkaloob Mo sa amin ang Iyong Mahal na grasya sito sa lupa at kaluwalhatian sa langit alang-alang kay Jesukristong Anak Mo at Panginoon naming lahat na nabubuhay at naghahari kaisa ng Espiritu santo magpasawalang hanggan. Amen. •

Bendito alabado, sea santisimo sacramento del altar de lalimpia, Imaculada Concepcion, de la Virgen Maria de Dios Senora Nuestra Concivida, Semancha

8 Panalangin Para sa Kaluluwa de Pecado, Original el primer estante, dececer natural por siempre amass. Amen. •

Ave Maria Purisima. Sim Pecado Concivida. (3x)



Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF