Panalangin Para Sa Kaluluwa

February 15, 2017 | Author: yhandie | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Panalangin Para Sa Kaluluwa...

Description

Panalangin Para sa Kaluluwa P A N A L A N G I N P A R A SA KALULUWA

+ Sa ngalan ng Ama at ng Anak at ng Espiritu Santo. Amen Panginoon kong Jesukristo, Diyos na totoo at tao namang totoo, gumawa’t sumakops a a k i n , p i n a g s i s i h a n k o n g m a s a k i t n a m a s a k i t s a t a n a n g l o o b k o a n g d i l a n g pagkakasala ko sa iyo, ikaw nga ang Diyos ko, Panginoon ko’t Ama ko, iniibig konglalo sa lahat, nagtitika akong matibay na matibay na di na muling magkakasala,nagtitika naman akong m agkukumppisal ng lahat ng mga kasalanan ko, umaasaakong patatawarin mo rin alang-alang sa Iyong Mahal na Pasyon at pagkamataymo sa krus dahilan sa akin. Siya Nawa. Buksan mo, Panginoon ang aming mga albi, pakasulungin ang amin g l o o b , pakalinisin sa walang kapakanan ang mahahalay at likong alaala. Liwanagin mo anga m i n g p u s o n a n g m a g u n a m g u n a m n a m i n g m a t a i m t i m a n g k a m a h a l m a h a l a n g hirap at kamatayan, sampu ng kapait-paitang dinalita ng Iyong marangal na Ina naaming dapat dinggin sa di matingkalang kapangyarihan na nabubuhay at naghaharikasama ng Espiritu Santo magpasawalang Hanggan. Siya Nawa. (5x) Lubhang maawaing Jesus ko lingapin mo ng mga mata mong maawain angkaluluwa ni ________________ na dahilan sa kanya ay nagpakasakit at namatayka sa krus. Siya Nawa.Sagot: kaawaa’t patawarin ang kaluluwa ni________________. 1.Jesus ko, alang-alang sa masaganang dugong ipinawis mo nang manalangin ka sa halamanan, ________________. 2 . J e s u s k o , a l a n g - a l a n g s a t a m p a l n a t i n a n g g a p n g i yo n g k a g a l a n g - g a l a n g n a mukha, ________________.

Panalangin Para sa Namatay

Panginoon naming Diyos, Ama namin, Ikaw po ang dahilan ng aming pagsilang, Ikaw po ang dahilan ng aming pag-iral, At sa iyo galing ang aming hiram na buhay, Kaya sa alabok kami’y nanggaling At sa alabok din naman kami babalik. Buong kababaang loob po kaming nananalangin sa iyo, At nagmamakaawa, Kalugdan mo po kaluluwa ng aming namayapang si ________, Na pumanaw sa mundong ito At nananatiling nasa sa iyong mga kamay. Kunin mo siya at bigyan ng katahimikan Sa iyong kaharian At palisin mo ang anumang mga karumihan Upang siya’y maging karapat-dapat Sa iyong walang hanggang kalinisan. Nasa sa iyong mga kamay, Panginoon, Ang kanyang kaligtasan, Iahon mo siya mula sa apoy ng impiyerno At bigyan ng puwang sa iyong Kaharian. Magkaroon nawa ng katahimikan, Ang kanyang kaluluwa Gayundin ang kanyang espiritu At makapiling sana niya Ang iyong kaluwalhatian At kadakilaan At pag-ibig na wagas. Amen

Nobena Para sa Mga Minamahal na Yumao

Ialay natin ngayon ang nobenang ito para sa minamahal nating si _________ na yumao na sa mundong ito.

At ngayon ay nagbabalik sa Iyo. O Panginoon, sa Iyong awa, tanggapin mo siya sa makalangit na kaharian Mo. Nagtungo na siya sa kanyang pamamahinga. Umaasa siya ngayon na bumangon kasama Ka. O Panginoon, sa Iyong pag-ibig na bumabalot sa amin dalhin Mo siya sa liwanag ng Banal na Presensya Mo.

Buong kababaang-loob na nananalangin kami, O Panginoon, para sa aming mananampalatayang yumao na si _______ Makatagpo nawa siya ng walang hanggang kapayapaan sa piling Mo. Makamit nawa niya ang mapagmahal na pagpapatawad Mo. Makita Ka niya nawa ng harapan. Oo, ikaw ang pag-asa namin sa mundong ito. Ikaw ang aming pagkabuhay na maguli at buhay. Ikaw ang aming hukom at Tagapagligtas.

O Panginoon, buong kababaang loob kaming nagsusumamo sa Iyo:

Maging maawain sa paghatol Mo at ipagkaloob kay _______ ang ipinangakong kaligtasan. Kalimutan ang mga pagkakamali niya at linisin ang mga kasalanan niya at ipagkaloob sa kanya ang panghabang-panahong gantimpala. O Panginoon, iparating kay ___________ ang tagumpay Mo laban sa kasalanan at kamatayan. Huwag Mo siyang hayaang mapahiwalay sa Iyo. ngunit pagkalooban mo siya ng lugar sa Iyong walang hanggang tahanan.

Hesus, Panginoon ng mga nangabubuhay at mga nahihimlay, aliwin ang mga napapagod at nagdadalamhati. Manlulupig ng kamatayan at kasalanan, akayin ang mga kapatid naming yumao. Sa pagdating niya sa katapusan ng kanyang paglalakbay, akayin Mo siya pabalik sa Iyo. Sa pagwawakas ng buhay niya, hayaan mo siyang mabuhay kapiling mo. Sa pagtindig niya sa harap Mo para sa paghuhukom,

banggitin Mo ulit ang mga salitang ito:

“Halika, ikaw na pinagpala ng Aking Ama. Kamtin ang kahariang inihanda para sa iyo.” Pagkalooban nawa siya ng Panginoon ng paghuhukom na puspos ng awa. at pagmasdan siya nang may pagmamahal.

Lahat: Panginoon, tulungan mo kaming makita kung ano talaga ang kamatayan: - ang katapusan ng karalitaan at simula ng kayamanan; - ang katapusan ng kabiguan at simula ng tagumpay; - ang katapusan ng takot at simula ng kapanatagan; - ang katapusan ng lungkot at simula ng ligaya; - ang katapusan ng kahinaan at simula ng lakas;

Huwag nawa kaming lamunin ng dalamhati o patuloy na makadama ng hinanakit dulot ng pagkawala. Ngunit mula sa kalungkutan pumailanglang nawa ang bagong tuwa.

Tanggalin ang takot namin, huwag hayaang mabagabag ang puso namin. Hayaang ang Iyong espiritu ng kapayapaan ay mabuhay sa aming nararanasang kalungkutan, sa aming pighati at pangungulila, sa hapis namin ngayon at sa lumbay namin sa kinabukasan.

Buong kababaang loob na inihahabilin namin si _______ na tinawag mo mula sa mortal na buhay na ito. Minahal mo siya lagi Nang may dakilang pag-ibig.

Ngayon na pinalaya mo na siya sa lahat ng kasamaan sa mundong ito, dalhin mo siya sa iyong paraiso kung saan wala nang pighati o pagdadalamhati o kalungkutan, kundi kapayapaan at kaligayahan kapiling ng Iyong Anak at ng Espiritu Santo magpakailanman.

Pinasasalamatan Ka namin sa lahat ng mga biyaya na ipinagkaloob mo kay __________ Sa mortal na buhay niya. Ipinapanalangin namin na nawa ay luwalhatiin Ka niya dahil sa buhay na naranasan niya at sa paraan kung paano niya nagamit ang mga biyaya Mo.

Panginoon, ipagkaloob Mo na nawa ay huwag naming malimutan na ang buhay ay maikli at walang kasiguruhan. Akayin nawa kami ng Iyong Espiritu tungo sa kabanalan, katarungan at paglilingkod sa aming mga kapatid.

Idinadalangin namin ang paghilom ng mga nalulungkot at nasasaktang damdamin na idinulot ng kamatayan sa mga puso namin. Samahan mo kami, Panginoon, sa mga sandali ng lungkot at lumbay. Ikaw ang aming bato, aming tanggulan,

at aming lakas.

Nananalig kami sa Iyo at sa Iyong maluwalhating pagkabuhay na maguli. Itinataas namin sa Iyo ang aming dalamhati at pighati, nagtitiwala na babaguhin Mo ang pagluluksa tungo sa pagdiriwang nang sa gayon ang minamahal namin ay mahimlay sa iyong kapayapaan.

Lider: O Panginoon, nawa ay pagkalooban mo siya ng walang hanggang kapahingahan Lahat: At nawa ay masinagan siya ng panghabang-panahong liwanag. Lider: At mahimlay nawa siya sa kapayapaan. Lahat: Amen Lider: Ang kaluluwa nawa ni ______ at ang lahat ng kaluluwa ng mga nahimlay na mananampalataya, sa pamamagitan ng awa ng Diyos, ay mahimlay sa kapayapaan. Lahat: Amen. Panalangin sa Libingan

Panginoong Hesu Kristo, sa pamamagitan ng tatlong araw Mo sa puntod, pinabanal Mo ang mga libingan ng lahat ng mga nananalig sa Iyo

at kaya nagawa mo ang libingan bilang tanda ng pag-asa na may pangako ng pagkabuhay na maguli kahit na inaangkin nito ang aming mga mortal na katawan.

Ipagkaloob mo na ang kapatid naming si ________ ay mahimlay nawa sa kapayapaan hanggang sa gisingin mo siya tungo sa kaluwalhatian, sapagkat Ikaw ang pagkabuhay na maguli at buhay. Pagkatapos, makikita Ka niya nang harapan At sa liwanag Mo mamamalas rin niya ang liwanag at mababatid ang kaningningan ng Diyos, sapagkat nabubuhay ka at naghahari magpasawalang hangan Tugon: Amen

O Panginoon, sa pamamagitan ng awa Mo ay nakakatagpo ng kapahingahan ang mga mananampalatayang yumao, isugo mo ang Iyong mga banal na anghel upang bantayan ang libingang ito. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Tugon: Amen

Panalangin Para sa Mga Nagluluksa Panginoon, nakikinig ka sa aming mga pagsusumamo. Matagpuan nawa namin sa aming kalungkutan ang pang-aaliw ng Iyong Anak, kasiguruhan sa pagdududa, at lakas ng loob upang malampasan ang mga oras na ito. Palakasin ang aming pananampalataya sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. R: Amen

Panginoon, si _______ ay wala na ngayon dito sa makalupang tirahan, at naiwan ang mga nagluluksa sa kanyang pagkawala. Ipagkaloob mo nawa na mapangalagaan naming ang kanyang alaala, kailanman ay walang hinanakit sa kung ano ang nawala sa amin o walang pagsisi sa nakalipas, ngunit laging may pag-asa sa iyong walang hanggang kaharian kung saan magkakapiling kaming muli. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Panalangin para sa Yumao Habang Nasa Lamay

Mga Panalangin at Paghahabilin para sa

Paghimlay ng Kaluluwa ni ________ Lider: Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Lahat: Amen. Lider: Manalangin tayo… Panginoong Diyos, Amang makapangyarihan, Ang krus ay ginawa mo para sa amin bilang simbolo ng lakas at tinatakan mo kami bilang Iyo sa sakramento ng pagkabuhay na maguli. Ngayon na pinalaya mo na si _______ mula sa mortal na buhay, Gawin mo siyang isa sa mga banal sa kalangitan. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon.

Lider: Si Kristo ang unang bumangon mula sa mga patay at alam namin na ibabangon Niya an gaming mga mortal na katawan upang maging katulad Niya sa Kanyang kaluwalhatian. Inihahabilin naming si _______ sa Panginoon; Tanggapin nawa siya ng Panginoon patungo sa Kanyang kapayapaan at ibangon ang katawan niya sa huling araw.

Ipanalangin natin si ________ sa ating Panginoong si Hesu Kristo, na nagwika, “Ako ang pagkabuhay na muli at ang buhay. Sinumang naniniwala sa Akin ay hindi magdurusa ng walang hanggang kamatayan.” Lider: Panginoon, tumangis ka dahil sa kamatayan ng kaibigan Mong si Lazaro: aliwin kami sa aming pamimighati. Hinihiling namin ito nang may pananampalataya.

Lider: Ang aming kapatid na si ________ ay nalinis sa binyag at pinahiran ng langis ng kaligtasan: ipagkaloob Mo sa kanya ang pakikipagkaisa kasama ng Iyong mga banal. Hinihiling namin ito nang may pananampalataya. Lahat: Panginoon, dinggin mo ang aming panalangin Lider: Aliwin ang pamilya, mga kamag-anak, at mga kaibigan ni _________ sa kanilang kalungkutan dahil sa pagpanaw ni __________, at hayaang ang pananampalataya nila ang magpaluwag sa kanilang dibdib. at ang buhay na walang hanggan naman ang kanilang pag-asa. Hinihiling namin ito nang may pananampalataya. Ama Namin

Lider: Panginoon, dinggin mo ang aming mga panalangin para kay ________ sapagkat hinangad niya na tupdin ang kalooban Mo. kaya sa awa mo patawarin mo kung anuman ang mga pagkakamaling nagawa niya. Sa pamamagitan ng kanyang pananampalatayang Kristyano Kaisa na niya ang lahat Iyong bayan na naniniwala sa Iyo. Ngayon, sa Iyong pag-ibig at awa pagkalaooban mo siya ng lugar kapiling ng Iyong mga anghel at mga banal. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Lahat: Amen.

Lider: O Panginoon, nawa ay pagkalooban mo si _________ ng walang hanggang kapahingahan Lahat: At nawa ay masinagan siya ng panghabang-panahong liwanag. Lider: At mahimlay nawa siya sa kapayapaan. Lahat: Lider: Patnubayan nawa tayong lahat ng makapangyarihang Diyos, Ama, Anak at Espiritu Santo Lahat: Amen

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF