Panalangin Ng Pagbabasbas Para Sa Mga Nagdiriwang Ng Kaarawan

January 5, 2018 | Author: Carl Allen C. Serrano | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Panalangin Ng Pagbabasbas Para Sa Mga Nagdiriwang Ng Kaarawan...

Description

PANALANGIN NG PAGBABASBAS PARA SA MGA NAGDIRIWANG NG KAARAWAN Bibigkasin ng pari o diyakono ang panalangin ng pagbabasbas samantalang nakaunat ang kanyang mga kamay sa taong binabasbasan niya.

Diyos ng sangnilikha, nagpupuri at nagpapasalamat kami sa iyo para sa handog mong buhay. Dinggin mo ang panalangin ng iyong mga alagad na gumugunita ng kanilang kaarawan sa buwan na ito at nagagalak sa mga handog mong buhay at pag-ibig, pamilya at kaibigan. Pagpalain mo sila sa pamamagitan ng iyong patuloy na pananahan sa kanila, at kupkupin mo sila sa iyong pagmamahal upang matamasa nila ang darating na mga masayang taon, lahat na ito nawa’y maging kalugod-lugod sa iyo. Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Kristong aming Panginoon. Ang lahat ay tutugon:

Amen. Maaaring wisikan ng pari ng agua bendita ang mga taong nagdiriwang ng kaarawan. Maaaring umawit ng anumang naaangkop na awit.

PRAYER OF BLESSING ON THE OCCASION OF A BIRTHDAY The priest says the blessing with hands outstretched over the people to be blessed.

God of all creation, we offer you grateful praise for the gift of life. Hear the prayers of your servants, who recalls this month the day of their birth and rejoices in your gifts of life and love, family and friends. Bless them with your presence and surround them with your love that they may enjoy many happy years, all of them pleasing to you. We ask this through Christ our Lord. All reply:

Amen. The priest may sprinkle the people with holy water. An appropriate song can be sung.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF