Panahon Ng Pagkamulat

February 17, 2017 | Author: Jeremiah Nayosan | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Panahon Ng Pagkamulat...

Description

PANAHON NG PAGKAMULAT 1872-1896 Larawan ng Panahon        

 

Nagbago ang takbo ng daigdig at nabago ang takbo ng buhay ng mga tao. Nagkaroon ng rebolusyong industriyal. Nagsipunta sa lunsod ang mga nasa bukid upang magtrabaho sa mga pabrika. Nabuksan ang KANAL SUEZ upang higit na mapadali ang pagdadala ng mga pangangalakal sa iba’t ibang pook noong 1869. Nagkaroon din ng Himagsikan sa España noong 1868. Bumagsak din ang Reyna Isabela II ng España dahil sa paghihimagsik. Nagkaroon ng liberalism at kasabay noon ang pagiging Gobernador Heneral ni Carlos Maria de la Torre. Nagtatag din ng samahan ng kabataan ang mga nag sisipag-aral sa Sto. Tomas (Juventud Escolar Liberal) na pinangulihan ni Felipe Buencamino. Naghandog pa si Rizal ng tula sa samahang ito sa kanyang A La Juventud Filipina. Ang pinakatagapagsinid ng dinamita sa diwang makabayan ay ang pagkakagarote sa tatlong paring martir na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos at Jacinto Zamora, noong ika-17 ng Pebrero 1872. o Pinagbintangan silang kasangkot sa himagsikang naganap sa Cavite noong ika-2o ng Enero, 1872 sa pamumuno ni La Madrid. ANG KILUSANG PROPAGANDA

Hindi tahasang naghihimagsik ang mga kabataan. Humingi lamang sila ng mga pagbabago tulad ng: 1. Gawing pantay-pantay ang mga Pilipino at Kastila sa harap ng batas. 2. Gawing lalawigan ng España ang Pilipinas. 3. Ibalik ang pagkakaroon ng kinatawang Pilipino sa Kortes ng España. 4. Pairalin ang sekularisyon ng mga parokya. 5. Kalayaang pangkatauhan tulad ng pamamahayag, pananalita at pagtitipon. ANG MANUNULAT NG PANAHON Sanaysay ang lumalaganap.

Naging tanyag sa panahong ito ang tulay Trilogo nina Herminigildo Flores, Marcelo H. Del Pilar at Andres Bonifacio, bagamat ang huli’y kabilang sa susunod na panahon. Kabilang sa panahon sina Dr. Jose Rizal, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce at Antonio Luna. 1. Herminigildo Flores “Hibig ng Pilipinas sa Inang Espanya” – 1888 - Isinasaad niya rito ang mga pangangailangan ng baying inihihibik sa itinuturing na Inang Espanya. 2. Marcelo H. del Pilar (Plaridel) (1850-1896) Plaridel, Piping Dilat, Dolores Manapat –sagisag panulat niya. Ang kanyang mga sinulat ay: Dasalang at Tocsohan – tanyag niyang akda Caiingat Cayo Ang Kadakilaan ng Diyos Sagot ng Espanya sa Hibik ng Pilipinas – nakalarawan dito ang damdamin ng mga propagandista. Diaryong Tagalog (1882) – dito nalathala ang kanyang mapusok at makabagong damdamin. ANG TANDA ANG AMAIN NAMIN ABA GINOONG BARYA PAGSISISI

MGA UTOS NG FRAILE 1. Sambahin mo ang fraile nang lalo sa lahat. 2. Huwag kang magpapahamak manuba sa ngalan ng deretsos. 3. Mangilin ka sa Fraile lingo man at fiesta. 4. Isangla mo ang katawan mo sa pagpapalibing sa ama’t ina mo. 5. Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping panglibing. 6. Huwag kang makiapid sa kaniyang asawa. 7. Huwag kang makinakaw. 8. Huwag mo silang pagbibintangan, kahit ka masinungalingan. 9. Huwag mong ipagkait ang iyong asawa. 10. Huwag mong itanggi ang iyong ari. - May isinulat din siyang “Pasiong Dapat Ipag-alab ng Puso ng Taong Babasa at Dalit” 3. Dr. Jose Rizal

-

Tinaguriang pambansang bayani. “Sa aking mga kababata” ay nalilinaw niya ang pagmamahal sa sariling Wika.

- Liham sa Babaing Taga-Malolos ay nalilinaw niya ang mahalagang tungkulin ng babae sa kalalakihan ng bayan. - Nagtiyaga rin siyang lagyan ng anotasyon ang isinulat ni Morgang “Succesos de las islas Pilipinas” - Sinabi ring El Filibusterismo ang nakapukaw sa damdaming makabayan na siyang kulang sa mga naganap na unang paghihimagsik. 4. Graciano Lopez Jaena - “Fray Botod” – Jaro, Ito noong 1876 - Inilarawan niya ito bilang masiba, ambisyoso at hindi karapatdapat na alagad ng simbahan. - Isinasaad sa akda na napakalaki ng halagang sinisingil ng prayle para mailibing lamang sa “paraang binyagan” ang mga bangkay. - Isinaad pa ni Jaena sa kanyang akda na nang dumating si Frey Botod buhat sa España nakaktulad lamang siya ng tuyong lamok ngunit nang makakain na ng papaya’t saging ay nagiging malusog na prayle. 5. Antonio Luna (1868-1899) - “Por Madrid”, isang panunuligsa sa mga Kastila - “Karamelo” inilarawan niya ang naghihirap na mag-anak. - “La Tertulia Filipina” naglalarawan ng ilang kaugaliang Pilipino. Isang piging na ipinalagay niyang higit na mabuti kaysa sa kaugaliang Kastila. 6. Pedro Paterno (1857-1911) - Siya ang unang Pilipinong nakasulat ng nobelang Kastila na pinamagatang “Ninay” - Kilala siya sa larangan ng panulaan. “Sampaguita y Poesias Varias” 7. Jose Ma. Panganiban (1865-1895) - sumulat ng sanaynay sa La Solidaridad 8. Pascual Poblete (1858-1921) - Kasama ni del Pilar sa Diaryong Tagalog (1882) at nagtatag ng pahayagang El Resumen. 9. Fernando Canon (1860) - Nagsimula ang kaugaliang pangkatha ng tula sa karangalan ni Rizal upang maging matagumpay sa panulaan. 10.

Mariano Ponce (1863-1918)

-

Sumulat ng “Ang Pagpugot kay Longinus” na siya ang pinakatema ng bantog na “Moriones” sa Marinduque.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF