Pamanahunang Papel (Rason ng mga Kabataan sa Pag-inom ng Alak

August 24, 2017 | Author: Darlene Dela Fuente | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

“RASON NG MGA KABATAAN SA PAG-INOM NG ALAK” isang pagsusuri. pamanahong papel....

Description

Pambansang Mataas na Paaralan ng Silangan Dasmariñas San Simon, Lungsod ng Dasmariñas

“RASON NG MGA KABATAAN SA PAG-INOM NG ALAK”

Bilang Bahagi ng Katuparan sa Asignaturang Filipino Ikaapat na Taon Paaralang Sekondarya

Ipinasa ni: Darlene Gayle D. Dela Fuente IV – Gold

Ipinasa kay: Bb. Aida V. Catibayan Guro sa Filipino IV

Pebrero 15, 2011

PASASALAMAT

Bilang pasasalamat sa mga taong tumulong at naging inspirasyon upang maisakatuparan ang proyektong ito. Bb. Aida V. Catibayan, aming guro sa asignaturang Filipino, Dasmariñas East National High School. Para sa pagbabahagi niya ng kanyang kaalaman at paggabay sa amin mula sa simula hanggang huli. Naging mahirap ang paggawa ng isang pananaliksik ngunit ginawa niya ang kanyang makakaya upang mahasa ang galing ng kanyang mga estudyante. Ang pamanahong papel na ito ay isang patunay na hindi nasayang ang kanyang oras at pagsisikap na turuan kaming lahat. Sa aking pamilya, para sa pagbibigay ng walang sawang suporta lalo na sa tulong pinansiyal. Kung wala sila marahil wala din ako sa aking kinatatayuan ko ngayon. Sila ang dahilan kung bakit ako nagpupursige sa pag-aaral upang masuklian ang kanilang pagsasakripisyo. Sa aking mga kamag-aral at kaibigan, para sa kanilang tulong at pagpapakita ng suporta na siyang naging malaking ambag upang matapos ko ang proyektong ito. At higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa Kanyang paggabay, pagbibigay ng lakas, talino at pagkain sa araw-araw. Malaking tulong ang Kanyang naibahagi upang mapagtagumpayan ko ang pamanahong papel na ito na dapat tuparin sa Filipino IV.

ii

TALAAN NG NILALAMAN PAMAGAT

PAHINA

UNANG PAHINA

i

PASASALAMAT

ii

TALAAN NG NILALAMAN

iii

LIHAM PARA SA GURONG TAGAPAYO

v

KABANATA 1 PINAGMULAN NG PAG-AARAL

1

PAKSA

5

KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

10

TERMINOLOHIYA

12

KABANATA 2 KWESTYUNER

13

PAGSUSURI NG MGA DATOS

16

PAGSUSURI SA BATAY SA SARBEY PROPAYL PAGLALAHAD NG RESULTA O KINALABASAN NG

22 24

PAG-AARAL AT MGA REKOMENDASYON SA PAGLUTAS NITO SANGGUNIAN

30

MGA KUHANG LARAWAN

31

TALAHANAYAN

iii

KWESTYUNER

35

PAGSUSURI NG MGA DATOS TALANGGUHIT PAGSUSURI BATAY SA SARBEY PROPAYL

iv

LIHAM PARA SA GURONG TAGAPAYO Bb. Aida V. Catibayan, Isang mapagpalang araw! Ako po ay lumiham sa inyo upang lubos na magpasalamat sa tulong, pagbahagi ng talino, at paggabay sa amin upang mapagtagumpayan ang proyektong ito. Isang hamon para sa akin ang paggawa nito ngunit ginawa ko ang aking makakaya upang tuparin ang mga kakailanganin sa Filipino IV. Kayo ang isa sa mga naging inspirasyon ko sa paggawa nito, tatanawin ko ng isang malaking utang na loob ang tulong na inyong naiambag. Hindi ko po kayo makakalimutan. Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang, Ang inyong mag-aaral Darlene Gayle D. Dela Fuente

___________________ Bb. Aida V. Catibayan Guro sa Filipino IV

v

KABANATA 1 PINAGMULAN NG PAG-AARAL Ilang libong taon na ng makalipas ng maganap ang unang himala ni Hesus sa isang kasalan sa Konan, ito ay ang paglagay ng tubig sa isang bariles at biglang naging alak. Noon pa man ay umiinom na ang mga tao ngunit sa pagdaan ng panahon inabuso nila ito at naging alkoholismo. Isang sakit na nagreresulta ng paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing, itinangi sa pamamagitan ng kawalan ng kontrol sa pag-inom ng alak, pagiging maligalig at pamamaluktot ng kaisipan. Ang pagkalulong sa alak ang isa sa mga suliranin sa ating lipunan na sa ngayon ay mahirap supilin. Maraming kabataan ang natututong uminom ng alak dahil sa hayagang pagkonsumo nito. Dahil sa paulit-ulit ng pag-inom nito, untiunting nasasanay ang kanilang murang katawan sa kakaibang epektong dulot na inuming ito. “Upang makalimutan ang problema,” ang laging bukambibig ng mga taong regular na kumokonsumo ng alak. Ang alkoholismo ay isang salitang ngunit magkakasalungat na kahulugan. Sa karaniwan at pangkasaysayan na paggamit, binabanggit ang alkoholismo bilang kahit anong kalagayang nagreresulta sa patuloy na pag-inom ng mga inuming alkoholiko sa kabila ng mga problema sa kalusugan at negatibong kahihinatnan nito sa lipunan. Inilalarawan ng medisina ang alkoholismo bilang isang sakit na nagresulta sa paulit-ulit na pag-inom ng alak at iba pang inuming nakalalasing sa kabila ng mga negatibong kahihinatnan nito. Maaari ring banggitin ang alkoholismo sa pagiging maligalig sa pag-inom o pagpilit na makainom ng alak, at maging sa kawalan ng abilidad na makilala ang mga negatibong epekto ng sobrang pag-inom ng alak. 1

Sa panahon natin ngayon, karaniwan na nating makita ang alak lalo na sa mga okasyon. Parang isang itong atomic bomb na sumabog at mabilis ang paglaganap sa ating lipunan, kaliwa’t kanan ang makikita nating nag-iinuman maaaring nasa kalsada, sa loob ng bahay pati na rin sa mga cabaret. Totoong umuunlad ang ating henerasyon ngayon maraming mga naiimbentong mga teknolohiya kasama na rito ang mga nakalalasing na inumin. Patuloy ang pagyabong ng salitang “alak” sa ating lahat. Ang isa sa mga hilig ng mga kabataan ngayon ay ang pag-inom ng alak. Hindi lamang ang mga matatanda ang umiinom ngayon. Maging ang mga menor de edad at kahit ang mga kababaihan. Iba’t iba ang kanilang dahilan kung bakit sila umiinom ng alak. Dahil sa okasyon at kapag sila ay may problema. At ito ay nagiging bisyo na nila. Kaya’t nagiging pangkaraniwan na para sa mga kabataan ang uminom ng alak. Malalim ang mga dahilan kung bakit maraming nahihilig na uminom nito. Napakaraming naaapektuhan dahil dito. Isa itong lason na sumisira sa buhay ng maraming kabataan. Ang pag inom ng alak ay isang napaka-karaniwang karanasan para isang Pilipino. Mapababae man o lalake, bata man o matanda, halos lahat yata ng Pilipino ay umiinom ng alak. Bakit nga ba marami ang umiinom? At bakit parang pabata ng pabata ang natututong gawin ito? Tamang bang ang alak ay nakakabawas ng problema? Bakit isinasabay sa problema ang pag inom ng alak? Ano nga ba ang naidudulot nito? Ano nga nagtutulak sa mga mga kabataan ngayon sa pag inom? Ito siguro ang mga tanong na umiikot sa utak ng isang taong hindi umiinom. Hindi ba nakakapagtaka sa lahat ng okasyon lagi perfect attendance ang alak o beer. Minsan nga tayong mga Pilipino ay umiinom ng walang dahilan. Lalo na ang mga matatanda halos ginagawang na nilang tubig ang alak. Hindi rin mawawala ang all time partner ng alak at ito ay ang pulutan. 2

Ayon sa pagsusuri ng Unibersidad ng Pilipinas, tinatayang 2.3 porsyento ang kabuuang ginastos ng mga Pilipino para sa alak lamang. Sinasabing 5.3 milyon o 60 porsyento ng mga kabataan ang umiinom, 4.2 sa mga kalalakihan at 1.1 naman sa mga kababaihan. Tinatayang 1.25 bilyong litro o 3.9 bilyong bote ng alak ang nauubos sa loob lamang ng 24 oras. Sinasabi ring ang alak ang puno’t dulo ng mga aksidente, gulo, kriminalidad, at iba pang mga di-kanais nais na pangyayaring gumigimbal sa mapayapang lipunan. Itinuturing na malaking problema sa kalusugan ng publiko ang sobrang pagkonsumo ng alak. Ayon sa American Psychiatric Association, pinakamadalas abusuhin ng mga pasyenteng

nagpapalunas

ang

alak.

Inestima

naman

ng World

Health

Organization na 140 milyong katao sa buong mundo ang may pag-uumasa sa alkohol. Walang kongkretong datos sa kasalukuyan sa bilang ng mga mapangasang manginginom sa Pilipinas. Sinasabing dahil raw ito sa hindi pagturing ng mga Pilipino sa alkoholismo bilang isang sakit. Sa kabila nito, hindi mapagkakaila ang epekto ng alkoholismo sa pamilya at komunidad. Ang alak ay palaging inuugnay sa mga babaeng nakasuot ng bikini, lalakeng malalaki ang katawan at mga masasayang oras. Nadadala sila sa mga babaeng nakasuot ng bikini na nagmomodelo ng alak. Dahil karamihan sa mga umiinom ay mga lalaki, sila ay nahuhumaling sa katawan ng isang magandang babae. Nagiging ugali na rin ito ng mga kabataan na akala nila ay magiging masaya sila kung sila ay iinom. Iyan ang karaniwan na dahilan kung bakit napakaraming lasinggerong kabataan ngayon.

3

Ang bawat isang dahilan ay napakaraming epekto. Maliit man o malaki. Kaunti man o madami ang naaapektuhan. Nakakagawa sila ng mga bagay na bawal nang hindi nila namamalayan. May mga nakakabuntis dahil minsan ay may mga okasyon

na

may

mga

kasamang

babae

na

umiinom

ng

alak.

Mayroon rin na nakakapatay dahil hindi na nila makontrol ang kanilang sarili. Nadadala sila ng kalasingan kaya hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Kaya’t maraming buhay ang nasisira nang dahil sa alak. Kaya naman napukaw ang aking isipan sa paglaganap ng usaping ito. Nais kong magsaliksik ukol dito upang mapatunayan ko kung ano nga ba talaga ang mga dahilan kung bakit umiinom ng alak ang mga kabataan. Kahit na ako rin mismo ay ginagawa ito, hindi pa rin sapat ang aking kaalaman uko dito. Kung kaya’t napili ko ang paksang ito upang mamulat ang kaisipan ng mga kabataan ukol sa kinahuhumalingan nating mga Pilipino… Ang pag-inom ng alak.

4 PAKSA

Patuloy ang pagyabong ng salitang “alak” sa ating henerasyon, marami ang nahuhumaling at natututong uminom ng alak sa kabila ng mga masamang epekto nito sa ating buhay. Hindi lamang matatanda kundi pati mga kabataan ay nabibiktima nito. Maraming mga kabataan ang naaaksidente at namamatay dito. Ang alcoholic drinks, o alak ay isang inumin na may sangkap na alcohol. Karaniwan itong iniinom kapag may espesyal na okasyon o salu-salo, ngunit pwede pa rin kahit na walang okasyon. Ika nga ng iba ay pangpalipas ng oras. Tinatanggap ito sa lipunan ng ilang mga bansa sa Asya, Europa, at Amerika maliban sa Middle East. Ang relihiyon ay konsiderasyon sa pag-inom ng alak. Ang pagkalunod sa alak ay isa rin sa mga malulubhang karamdaman ng tao na kahit painumin man ng mga paalala o babala ay hinahanap pa rin ng kaluluwa. Isang katunayan na kahit gumastos pa nang malaki ang mga tao sa pagbili ng alak, basta lang matugunan ang pangangailangan ng kanilang lalamunan. Sa karamihan, ang pag-inom ng alak ay may malaking bahagi sa pangsosyal na buhay. Ang tamang dami ng pag-inom -- 2 shots kada araw para sa mga lalake at 1 shot naman para sa mga babae ay walang masamang maidudulot sa ating pangangatawan. Subalit madaming bilang pa din ng tao ang nahuhumaling at nagkakaproblema dahil sa sobrang pag-inom ng alak. Masasabing milyon-milyong tao ngayon ang matatawag na "alcoholics." Ano ba ang alkoholismo? Sa pinakasimpleng kahulugan, ito ay patuloy at sobrang pagkahilig o adiksyon sa alak. Ito ay sakit na nakakaapekto hindi lamang sa taong nasa impluwensiya ng alak kundi pati na rin sa mga taong nakapaligid sa kanya. 5 Ang alcohol ang nakakalasing na sangkap ng serbesa at alak. Ito ay nagagawa sa pamamagitan ng pagpapaalsa, ang proseso ng paggawa ng

alcoholikong inumin. Kapag ang asukal na galing sa prutas o butil ng bigas ay sinamahan ng pampaalsa at tubig, ang kakalabasan nito ay alcohol. Ang alak ay isang gamot at tulad ng lahat ng gamot, ito ay may epekto sa katawan at isip ng tao. Dahil sa alak, pakiramdam ng ibang tao na sila ay nabubuhayan at nagigising. Ngunit ang katotohanan ito ay nakakapagpatamlay, at pinababagal nito ang paggalaw ng ating central nervous system. Ang maliit na halaga ng alcohol ay nakakaapekto sa kaayusan at desisyon ng tao. Ang pag-inom ng maraming alcohol ay nakamamatay. Ito ay nawawala sa katawan ngunit nag-iiwan ng lason na nagsasanhi ng mas malalang problema sa kalusugan. Sa loob ng 20 minuto ng pagpasok nito sa tiyan, may 10% ng alcohol ang nasisipsip ng daluyan ng dugo. Halos 5% ng alcohol ang naiiwan sa katawan na nagiging ihi, pawis, at hininga. Ang pag-inom ng alak ay hindi nakakadagdag ng timbang, iyan ay napatunayan na ng napakaraming pag-aaral. Ang alcohol ay salik sa pagtaas ng bilang ng krimen tulad ng 68% ng pagpatay sa kapwa tao, 62% ng pambubugbog, 54% ng pagtatangkang pagpapakamatay, 48% ng pagnanakaw at 44% ng panloloob. Paano nga ba natin malalaman kung sobra na ang pag-inom natin sa alak? Una sa lahat, anong ibig-sabihin ng “sobra”? Sinong makakapagsabi kung sobra na ba ang alak na iniinom ng isang tao? Bagamat iba’t iba ang dami ng alak sa kailangan sa iba’t ibang tao upang malasing, maaaring magsilbing gabay ang sumusunod. Ayon sa mga iba’t ibang himpilan, ay pinakamarami ngunit katanggap-tanggap parin na pag-inom ay 1-2 bote ng beer kada araw ngunit hindi lalampas ng 7 bote ng beer sa isang linggo. Sa hard drinks naman gaya ng gin, vodka, rum, o brandy na may 40% alcohol, hanggang 4 na shot (25 ml x 4 = 100mL) bawat araw ngunit hindi lalampas ng 14 na shot sa isang linggo. 6 Una sa dahilan ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay impluwensya ng kanilang mga kaibigan. Sa dami ng ating nakakasalamuha sa araw-araw, marami

tayong nagiging mga kaibigan. Ilan sa mga ito ay tumutulong sa atin sa oras ng pangangailangan ngunit ang ilan naman ay nagiging dahilan kung bakit maraming kabataan ang natututong uminom. Peer pressure ang tawag dito, kung ang mga kabarkada ng isang kabataan na mahilig uminom ng alak, siguradong mahahawa siya at maiimpluwensiyahan siya nito. Ikalawa, hindi lingid sa ating kaalaman na maraming mga kabataan ngayon ang hindi nakakapagtapos ng pag-aaral at pinipiling magtrabaho na lamang. Dahil sa labis na pagkapagod dulot ng kanilang trabaho, ang iba sa mga kabataan ay umiinom ng alak sapagkat naniniwala sila na mawawala ang kanilang pagod at makakaramdam sila ng kaginhawaan. Hindi ko lubos maisip kung bakit may ganitong paniniwala ang mga kabataan, ano ba ang magiging bunga nito? Hindi ba’t pinahihirapan lamang nila ang kanilang sarili sapagkat imbis na magpahinga na lamang ay ginugugol pa nila ang kanilang oras sa mga walang kwentang bagay. Ikatlo, naghahatid ng kasiyahan sa mga kabataan ang pag-inom ng alak. Hindi ba nila naiisip na ang kanilang mga magulang ay nagpapakahirap sa paghahanapbuhay upang may makain lamang sila sa araw-araw ngunit ano ang kanilang ginagawa? Nagpapakasasa sila at iniintindi lamang nila ang kanilang sariling kaligayahan. Ikaapat, maraming bagay ang gustong subukan ng mga kabataan ngayon. Dahil parte ng kanilang pagkatao ang pagiging mapusok o mahilig sumubok ng mga bagong bagay. Ito ay tinanatawag na kuryusidad, at dahil sila ay hindi pa gaanong mulat sa mga makamundong bagay, hindi nila alam kung paano hawakan ang ganitong bagay. Sa usaping ito, ako mismo ay naranasan na rin ito. Hindi masama ang maging matanong ngunit dapat disiplinahin natin ang ating sarili. 7 Ikalima, ang ilan sa mga kabataan ngayon ay ginagawang na ring libangan ang pag-iinom. Hindi ba nila naiisip na marami ang maaaring gawin? Imbes na

makipaglaklakan sa mga kabarkada tulungan nila ang kanilang mga magulang na nagkakandakuba na para lamang maiahon sila sa kahirapan. Masakit isipin na ang mga ilan sa mga kabataan ngayon ay naliligaw ng landas. Paano pa kaya magkakatotoo ang sinabi ng ating pambansang bayani na “Ang Kabataan ang Pagasa ng Bayan,” kung ngayon pa lang nakikita na natin ang kanilang magiging kapalaran kung patuloy nilang sinisira ang kanilang kinabukasan sa walang katuturan na mga bagay. Ikaanim, bunga ng pagkabagot at walang magawa sa buhay natutukso na ring uminom ang mga kabataan. Hindi ba’t isang napakababaw na dahilan ito para matukso tayong uminom? Kung iisipin natin, maraming bagay ang maaari nating gawin at pagtuunan ng pansin. Ika nga ng mga nakakatanda “Kung ayaw maraming dahilan, kung gusto maraming paraan.” Hindi sapat na dahilan ang pagkabagot para uminom tayo at malulong sa masamang bisyo na ito. Ikapito, ang pamilya ay mayroong malaking bahagi na ginagampanan sa buhay ng isang kabataan. Sila ang nagiging modela sa paglaki ng kanilang mga anak. Kung minsan pa ay sinasabing kung sino ang puno siya rin ang bunga. Nagre-reflect ang ugali at gawi ng isang kabataan batay na rin sa nakikita nito sa loob ng kanilang tahanan. Isa sa mga rason ng kabataan kung bakit natututong uminom ay dahil nakikita itong ginagawa sa loob ng kanilang tahanan. Kung ang isang batang paslit ay makikita ito aakalain niyang maganda ito at tatatak ito sa kanyang isipan na maaaring gawin niya pagdating ng panahon. Kung ang mga magulang ay ginagawa ang mga iyon, dapat ay isaalang-ala nila ang kanilang mga anak dahil wala itong maidudulot para sa kanilang kapakanan. 8 Ang pangwalo ay may problema o suliranin na pinagdaraanan ang isang kabataan kaya mas gugustuhin niyang uminom na lamang upang makalimutan niya

ito kahit panandalian lamang. Isa ito sa mga pangunahing rason sa pag-inom ng alak ngunit hindi ba nila naiisip na kahit magpakalasing pa sila ay matatakasan nila problema? Hindi ba’t hindi naman! Pagkagising sa umaga, haharapin mo na naman ang iyong problema at kasabay nito ang pagsakit ng ulo na tinatawag na hang over. Pang-siyam, marami ang nauuso ngayon at lahat ito ay nais usisain ng kabataan. Marahil napapanuod nila sa isang patalastas, sa diyaryo at maaaring sa mga kalsada sa tuwing sila ay naglalakad. Nagiging moderno na ang panahon ngayon, maraming natutuklasan na mga bagay at teknolohiya kasabay nito ang patuloy na pag-uso na alak. At ang huli ay pag-inom tuwing may okasyon o pagdiriwang sa isang pamilya at mag-anak. Nainom lamang kapag may okasyon? Ilang okasyon ba ang nadaan sa loob ng isang taon? Hindi ba’t aabot din iyon sa sampu at kapag nasanay ang ating katawan sa pag-inom ng alak ay hahanap-hanapin na ito na nagiging dahilan ng alkoholismo. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na makapag-aral at maging maganda ang ating kinabukasan. Huwag tayong magpadala sa mga tukso na magiging dahilan kung bakit nasisira ang buhay ng isang kabataan. Kumilos tayo at maging positibo ang pagtingin sa buhay. Mabuhay tayo para sa magandang dahilan at iwasan ang patuloy ng paglaganap ng alak sa ating lipunan! Umiikot ang proyektong ito sa mga rason ng mga kabataan sa pag-inom ng alak. Kung bakit marami sa mga kabataan ang natututong uminom sa kabila na mapait ang lasa ng alak sa unang tikim. Maging ako mismo ay ginagawa ito, ngunit nais ko pa ring madagdagan ang aking kaalaman ukol sa bagay na ito. 9 KAHALAGAHAN NG PAG-AARAL

Una, ang pananaliksik ito ay kinakailangan upang maipabatid sa mga mambabasa nito ang lumalalang kondisyon ng pagkalulong mga kabataan sa beer at alak. Ang mga estudyante ang karaniwang biktima ng mapanirang alak. Sa panahon ngayon ang mga kabataan ay mas lalong nalulong sa pag-inom dahil sa madaming dahilan nariyan ang pinakamadalas na dahilan ang problema sa pamilya, pagiging mapangahas sa pagsubok sa madaming bagay, ang pageendorso ng mga alak na ito gamit ang media sa diyaryo man o telebisyon. Ikalawa, ito ay nagnanais magtampok ng mga paraan kung paano bibigyan ng solusyon ang lumalalang problema sa pagiging lulong sa alak ng mga kabataan. Dito nais kong ipahayag ang aking pagaalala bilang isang estudyante sa kadahilang maraming buhay ang sisirain ng pagkalulong sa beer at alak ng kabataan ngayon lalo na sa mga kabataan. Ikatlo, nais kong ipahatid sa mga kabataan ang maaaring kahinatnan ng kanilang buhay sa hinaharap kung sakaling patuloy ang kanilang pagkahumaling sa nakalalasing na inumin na ito. Nais kong mapukaw ang isipan ng mga kabataan ukol sa usaping ito. Hindi lahat ng bagay sa mundo ay may magandang maidudulot sa ating buhay. Minsan ang pagkalasing ay nagdudulot ng maagang kamatayan. Ang sobrang pag-inom ay nakakaapekto rin sa utak ng mga kabataan. Kapag sobra-sobra at naging palagian ang pag-inom ng alak, apektado rin ang kanilang utak. Nababawasan ng sobrang pag-inom ang kaalertuhan ng ating pag-iisip at nagiging mapurol. Ang sobrang pag-inom ng alak ay nakasisira sa personalidad. Makikita sa kaanyuan ng isang tao kung siya ay manginginom. 10 Marami sa mga manginginom ay kulang sa nutrisiyon kaya nagiging resulta nito ay malnutrisiyon.

Mahalagang mapag-aralan ang mga suliranin sa ating lipunan nang sa gayon ay magkaroon tayo ng kaalaman sa kung ano-ano ang mga nagaganap sa ating kapaligiran. Ang mga ideya at impormasyong nakalap ay nagsisilbing gabay upang maiwasan ang ganitong suliranin. Nais kong mabigyan ng karampatang solusyon ang suliraning kinakaharap ng ating lipunan nang sa gayon ay maiwasan ang paglaganap nito at mabawasan ang mga kabataang nalululong sa masamang bisyo. Hindi nila naiisip ang maaaring mangyari sa kanilang buhay at kinabukasan kung aasa sila sa mapanirang alak. Napakaloob sa pag-aaral na ito ang mga impormasyon ng mga epekto ng alkoholismo sa kalusugan. Naglalayon na ang mga impormasyon ito ay makakatulong sa lahat upang maiwasan ang alokoholismo at maagapan ang masasamang epekto nito sa katawan.

11 TERMINOLOHIYA

Upang maging mas madali at ganap ang pagkakaintindi ng mga mambabasa minarapat kong bigyan ng depinisyon ang mga sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa pamanahunang papel na ito: 

Alcoholic drinks – isang inumin na naglalaman ng ethanol (isang uri ng alkohol), karaniwang tinatawag na alak.



Alcohol intoxicated – tinatawag ding kalasingan o paglalasing, isang estado na nangyayari kapag ang isang tao ay mayroong mataas na ethanol sa kanilang dugo.



Alcoholics – isa ito sa katangian ng isang tao na patuloy ang pagkonsumo ng alak sa kabila ng negatibong epekto nito.



Beer belly – paglaki ng tiyan bunga ng madalas na pag-inom



Blood Pressure – ito ay ang presyon ng dugo na karaniwang sinusukat sa isang tao sa itaas na braso



Detoxify – pagtanggal ng mga lason o kemikal sa ating katawan



Enzymes –nangangahulugang pinapabilis ang reaksyon ng kemikal sa tao



Esophagus – lalamunan



Hang over – pagsakit ng ulo kinabukasan matapos uminom



Liver Cirrhosis – isang uri ng sakit na nakukuha patuloy na pagkonsumo ng alak. Humahantong ito sa pagkawala ng gamit ng atay na nagiging dahilan ng maagang kamatayan.

12



Mananaliksik – isang tao na gumaganap ng pananaliksik , ang paghahanap para sa kaalaman o sa pangkalahatan anumang sistematikong imbestigasyon upang magtatag ng mga katotohanan



Menor de Edad – mga kabataang wala pa sa hustong gulang karaniwang nasa 18 pababa ang edad



Miscarriage - pagkalaglag ng sanggol sa sinapupunan ng kanyang Ina habang siya ay ipinagbubuntis nito



Peer Pressure – tumutukoy sa impluwensiya sa pamamagitan ng isang grupo na naghihikayat sa isang tao upang baguhin ang kanyang paguugali upang tumalima sa grupo na kaugalian.

13 PAGSUSURI NG MGA DATOS

Mga Pahayag 1. Naiimpluwensiyahan ako ng aking mga

Oo 7

Hindi 0

Madalas 1

Minsan 2

kaibigan kaya ako natutong uminom.

Batay

sa

pagsusuri

sa

pigurang

ito,

masasabi natin na malaki

ang

impluwensiya ng mga kabarkada kung bakit natututong uminom ang isang kabataan. Marahil ay dahil sa pakikisama kaya nagagawa nila iyon.

16 Mga Pahayag 2. Umiinom ako ng alak dahil sa may problema akong pinagdaraanan.

Oo 2

Hindi 5

Madalas 0

Minsan 3

Sa ikalawang pahayag, masasabi natin na may ilan-ilang umiinom dahil sa may problema silang pinagdaraanan ngunit sa kabila nito nangibabaw pa rin ang ilang mga kabataan na hindi umiinom kapag may problema silang kinakaharap. Mga Pahayag 3. Naghahatid sa akin ng kasiyahan ang

Oo 0

Hindi 6

Madalas 1

Minsan 3

pag-inom.

Sa pigurang ito, mahihinuha natin na marami sa mga kabataan ang hindi nasisiyahan sa pag-inom ngunit bakit kaya patuloy pa rin ang kanilang pagkonsumo at pagtangkilik dito? May ilan namang nagsabi na may kaligayahan silang nakakamtan dito. 17 Mga Pahayag 4. Dala ng labis na kuryusidad, gusto kong tikman kung ano ang lasa ng alak.

Oo

Hindi

Madalas

Minsan

7

0

1

2

Masasabi natin na dahil sa maraming bagay ang gustong subukan ng mga kabataan, dala ng kuryusidad ay natututo silang uminom. Disiplina lamang sa sarili ang tamang solusyon para rito. Mga Pahayag 5. Ginagawa kong libangan ang pag-inom

Oo 0

Hindi 7

Madalas 1

Minsan 2

ng alak.

Batay sa pigurang ito nakalulungkot isipin na mayroong ilang mga kabataang ginagawang libangan ang pag-inom ngunit sa kabila nito mas marami pa rin ang mga kabataang mas inuuna ang ibang bagay kaysa sa pag-inom ng alak. 18 Mga Pahayag 6. Dahil sa pagkabagot, natutukso akong uminom ng alak.

Oo 0

Hindi 7

Madalas 1

Minsan 2

Sa pahayag na ito may ilang nagsasabi nadahil sa pagkabagot ay natututo silang uminom ngunit mas marami naman ang nagsabi na hindi sila natutuksong uminom dala ng pagkabagot. Mga Pahayag 7. Dahil na rin sa aking nakikita sa loob ng aming

tahanan

kaya

ako

Oo

Hindi

Madalas

Minsan

0

9

0

1

natututong

uminom.

Mahihinuha natin na marami ang nagsasabi na hindi nila sa tahanan natutuhuhang uminom. Kaya naman bilang isang kabataan, dapat piliin natin ang mga taong ating pakikisamahan nang sa gayon ay hindi tayo mapahamak. 19 Mga Pahayag 8. Nainom ako dahil sa labis na pagod at nais ko itong mawala.

Oo 0

Hindi 7

Madalas 1

Minsan 2

Sa pigurang ito mahihinuha natin na may mangilan-ngilang mga kabataan ang naniniwala na nakakapagpawala ng pagod ang pag-inom ng alak ngunit sa kabila naman nito mas marami pa rin ang hindi naniniwala na hindi ito ang solusyon sa pagod na ating nararanasan. Mga Pahayag 9. Nauuso ito kaya gusto kong subukan.

Oo 0

Hindi 6

Madalas 2

Minsan 2

Batay sa pahayag na ito, masasabi natin na marami ang nauuso kaya naman ang ilan sa mga kabataan ay nahuhumaling rito. Displina lamang sa sarili ang tamang solusyon para rito. 20 Mga Pahayag 10. Nainom lang ako kapag may okasyon.

Oo 8

Hindi 0

Madalas 1

Minsan 1

Batay sa huling pigura at pahayag, mahihinuha natin na marami sa mga kabataan ang umiinom sa tuwing may nagaganap sa okasyon. Hindi nga naman masama ang pag-inom batsa’t isaisip lamang natin na lahat ng sobra ay masama kaya naman dapat lamang tayong magkaroon ng disiplina sa sarili. At tandaan na maraming mas magagandang bagay ang maaaring gawin kaysa magpatuloy sa pagkonsumo ng mapanirang alak na ito.

21 PAGLALAHAD NG RESULTA O KINALABASAN NG PAG-AARAL AT MGA REKOMENDASYON SA PAGLUTAS NITO

Batay sa mga impormasyon na aking nakalap, mahihinuha natin na ang nagiging rason ng mga kabataan sa pag-inom ng alak ay ang impluwensya ng kanilang mga kabarkada kaya sila natututong uminom. Nagpapadala sila sa udyok ng kanilang barkada. Batay na rin sa aking karanasan, ito rin ang naging dahilan kung bakit ako natututong uminom. Dala na rin ng pakikisama at alok ng aking mga kaibigan. Ang bawat ating kaibigan na ating nakakasalamuha ay may kanya-kanyang katangian. May dalawa itong mukha, una ay ang mga taong tumutulong sa atin sa mga panahong nangangailangan tayo at magtuturo sa atin kung an ang tama sa oras na tayo’y nawalan ng pag-asa. Ang ikalawa naman ay ang mga taong nagtuturo sa atin sa kamalian, kung tawagin ay masasamang impluwensiya sa isang kabataan. Ipinapakita lamang nito na dapat ay maging mapanuri tayo sa mga taong ating pakikisamahan dahil hindi sa lahat ng oras ay dapat tayong magtiwala at makisama kung alam naman nating hindi ito makakabuti para sa ating lahat ay huwag na lamang natin iyong gawin. Sa panahon natin ngayon maraming gustong subukan ang mga kabataan. Hindi na nila iniisip ang mga bagay na maaaring maging epekto nito sa kanilang buhay, kung ito man ay makakabuti o makakasama. Ang tanging mahalaga lamang sa kanila ay kung saan sila masaya at kung anong ginagawa nila sa kasalukuyan. Wala na silang pakialam kung anong mangyayari sa kanilang kinabukasan kung patuloy ang kanilang pagtangkilik sa mapanirang alak na ito.

24 Lahat ng sobra ay nakakasama, kaya naman kung didisiplinahin lamang natin ang ating sarili maaaring hindi tayo malululong sa nakakalasong inumin na ito. May kanya-kanya tayong dahilan at rason kung bakit tayo umiinom marahil

dala ng kuryusidad at may problema tayong kinakaharap. Ang problema ay dumarating sa lahat ng tao, nasa atin lamang kung paano natin ito dadalhin at sosolusyonan. Ngunit, hindi ba’t hindi naman solusyon ang alak? Sinisira lamang natin ang ating katawan at kinabukasan dito. Hindi tayo dapat makiayon sa lahat ng ginagawa ng ibang tao, may sarili tayong isip upang gamatin sa tamang paraan at panahon. Nasa ating mga kamay ang ikauunlad ng ating kinabukasan at pati na rin ng ating bansang Pilipinas. Ang paglango sa alak ay maaaring mauwi sa seryosong problema sa kalusugan para sa mga kumukonsumo ng alak at sa mga taong nakapaligid sa kanila. Ito ay isang sakit na kumikitil ng milyung-milyong buhay bawat taon. Ang ganitong suliranin ay kailangang pagtuunan ng pansin at unti-unting sugpuin. Maraming programa na ang mga naitatag upang tulungan ang mga biktima nito at ng maiwasan ang paglala ng ganitong suliranin. May mga bagong batas at alituntunin ang nagbibigay ng karagdagang suporta para masupit ito.

26 EPEKTO NG ALAK SA ATING KATAWAN

Ang ilan ay nagsasabi na ang benepisyo ng alak ay mabuti sa kalusugan ng pangangatawan. Binabawasan nito lapot ng dugo kung kaya’t hindi ito nahihirapan na umikot sa ating katawan. Sa pakikipagkapwa-tao naman, ang pakikipag-inuman ay nagsisilbing pakikisama sa mga kaibigan at kamag-anak. Ang alcohol na sangkap ng alak ay isang chemical na central nervous depressant. Ibig sabihin, tumutulong ito upang mapakalma ang central nervous system. Ang mga enzymes sa atay ang siyang tumutulong upang magawang mailabas sa katawan ang sobrang alak. Ngunit katulad ng ibang bahagi ng katawan, may hangganan ang kakayahan ng atay sa pag-detoxify o pagtanggal ng lason na kalidad ng isang sangkap. Kapag nasosobrahan ang pag-inom, higit pa sa kayang pag-detoxify ng atay, nagkakaroon ng alcohol intoxication. Sa simpleng salita, nalalasing. Ang ilan sa mga ito’y pagbaba ng blood pressure, pagbilis ng pulso, pagbagal ng paghinga at pagbaba ng temperatura, pagkaantok, pagkabulol sa pagsasalita, pagbagal ng paggalaw ng bituka at intestines, pag-iisip at reflexes sa katawan. Ito ang mga dahilan kung bakit malapit sa sakuna ang mga alcohol intoxicated. Isa pa rito, kapag ang isang babaeng nagbubuntis ngunit patuloy pa rin ang pag-inom ng alak maaaring humantong ito sa miscarriage. Sa kabila ng mga benepisyo, madami pa din ang masamang epekto ng sobrang dami ng alkohol sa katawan. Ang isang alcoholic ay maaaring makakuha ng sakit na kanser sa atay at esophagus. Maaari ring makakuha ng sakit na pamamaga ng atay (liver cirrhosis), panghihina ng pangangatawan, magkaroon ng masamang epekto sa pag-iisip (brain damage), at lubhang mapanganib para sa mga nagdadalang-tao. 27

Dagdag pa dito, naitalang malaking bilang ng pagkamatay ay dulot ng aksidente sa mga sasakyan na sanhi ng pagmamaneho habang lasing, pagpapakamatay at krimen ay gawa ng mga taong nasa impluwensiya ng alak. Nakakasira ng katawan ang patuloy ng pag-inom ng alak lalo na sa mga kabataan. Ito ay paglaki ng tiyan o tinatawag na beer belly. Madalas na umiinom ng alak ang mga kabataan dahil sila ay may problema at gusto nilang makalimutan ito kahit pansamantala lamang. Iniisip nila na sa pamamagitan ng alak ay matatakasan nila ang kanilang mga pasanin sa buhay. Ngunit imbis na mabawasan ang kanilang problema ay madadagdagan pa ito. Maraming epekto ang alak sa ating buhay, hindi lamang sa taong umiinom nito ngunit pati na rin sa ating lipunan. Maraming nagaganap na krimen at aksidente dala ng alak. REKOMENDASYON Kaugnay ng mga kongklusyong nabanggit, buong pagpapakumbaba kong inirerekomenda ang mga sumusunod: a) Para sa mga madalas mag-inom, nawa’y mag-isip muna kung ito ba ay nararapat gawin lalo na sa panahon ng kahirapan. b) Para sa mga magulang, maging magandang ehemplo sa mga kabataan partikular sa kanilang mga anak na may posibilidad na mahantong sa ganitong bisyo. c) Sa mga kabataan, isipin ang maaaring maging sitwasyon ng bansa kapag dumating na ang panahon na sila na ang mamumuno sa mga malalaking organisasyon o kaya’t sa ating gobyerno at biglaan silang magkakaroon ng isang malubhang karamdaman dulot ng pag-inom.

28

Ang pag-inom ay maaaring iwasan. Kailangan lamang ng disiplina at sapat na kaalaman tungkol sa pag-iinom. Hindi pa huli ang lahat para tigilan ang pagiinom. Kayang mabuhay ng walang alak. Oo nga na ang ilan ay nagsasabi na ito ay maganda sa puso ngunit tandaan na ang lahat ng sobra ay masama. Maaaring uminom pero dapat ay magdahan-dahan upang mapangalagaan ang ating kalusugan. Mahirap nang magsisi sa huli kapag dumating ang araw na magbabayad tayo ng malaki dahil sa ating pag-inom ng alak. Dapat ay gumawa ng aksyon ang gobyerno tungkol sa pagbebenta ng mga alak. Dapat ay magkaroon ng mga age limit sa mga bumibili ng alak. Humingi ng ID kung kailangan. Para masiguro ang seguridad ng mga iinom ng alak. Dahil karamihan sa mga pinagmulan ng krimen ay ang kalasingan. Kaya’t dapat na pigilan ang sanhi upang hindi mangyari ang bunga. Isa lamang ito sa mga problema na dapat lutasin ng mga Pilipino. Para magsimula na ang pag-asenso at hindi nakatengga lamang at walang ginagawa kundi uminom ng alak. Kung magsisipag lamang at titigilan ang paginom ng alak ay siguradong gaganda ang mundo. Mababawasan ang mga lasing at mga adik. Kaya’t dapat na simulan ang pagbabago para mapaganda ang atingating lipunang ginagalawan. Walang imposible kung ating gugustuhin. Ayon nga naman sa kasabihan, “Kung gusto maraming paraan. Kung ayaw maraming dahilan.” Sana’y mapukaw ang mga mambabasa sa pananaliksik kong ito at makatulong ito sa kanila upang magdesisyon kung tama pa ba ang kanilang mga ginagawa. Isipin natin na lahat ng sobra ay masama, nasa ating mga kamay ang ikauunlad ng ating bansang Pilipinas.

29

SANGGUNIAN  Searless, John S. 1990. Children of Alcoholics, New York: Guilford Press  Flores, Berlin. 2009. Ang iba’t ibang pisikal at medikal na mga epekto ng alak addiction.  Hahn, Dale B. 1991. Drugs: Issues for Today. St. Louis Missouri: Morby Yearbook,  Richards, Donna Beck. 1993. Living with Health. New York: McGraw hill Inc.  Emedicine-alcoholism by Warren Thompson, MD  www.google.com.ph  http://tl.wikipedia.org/wiki/Alkoholismo  Behind-alcoholicm.php  www.kalusugan.ph  www.reutershealth.com

30

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF