Pag-Aalaga Ng Pato.
January 4, 2017 | Author: Frances Almari S. Garcia | Category: N/A
Short Description
Download Pag-Aalaga Ng Pato....
Description
Darla: Magandang umaga mga kaklase at Ma’am Escobar. Kami po ang group 3. Ang aming tatalakayin ay tungkol sa pag-aalaga ng pato. :Ang mga pato ay maaring alagaan sa likod ng tahanan. Kagaya ng manok, ito ay nagbibigay ng karne at itlog. Ang karne nito ay nagbibigay ng sustansyang protina sa ating katawan. May dalawang uri ng pato: ang itik at ang bibe. Ang itik ay mainam na maoagkukunan ng itlog samantalang ang bibe naman ay mainam na mapagkukunan ng karne. :Ang itik ay nangingitlog sa loob lamang nng 28(dalawampu’t walong) ) araw kaiba sa bibe na nangingitlog makalipas ng 33(tatlumpu’t tatlong) ) araw. Ang mga balahbibo ng pato ay maari ding gamitin sa paggawa ng mga palamuti sa bahay. Kumpara sa manok, mas madaling alagaan ang pato. :ITO ANG MGA IBA’T IBANG URI NG PANGANGASIWA NG PATO. :Paghihiwala sa babae at lalaking pato -mahalagang paghiwalayin ang mga babae sa lalakeng pato. Ginagawa ito pagkatapos kunin ang mga ito sa hatchery o sa lugar na ito ay napisa. Ginagawa ito upang maiwasan ang pagsasakitan. Magkaiba ang kilos ng babae sa lalake. Frances :Pagpapainit _ito ay tinatawag na brooding. Ito ay proseso na nagpapainit ng maliliit na pato upang matulungan silang palamigin ang kinakailangang init ng katawan. Dalawang paraan ang ginagamit sa pagpapainit. Ito ang tinatawag na ground run at battery brooders. :Pagpapakain -masusustansyang pagkain ang binibigay upang marating ang tamang bigat at laki sa tamang edad. Sa unang tatlong linggo, pakainin ng malambot na kanin na hinaluan ng giniling o pinong hipon. Pakainin ng apat o limang beses sa isang araw. Habang lumalaki dagdagan
ang dami ng pagkain. Pagdating ng isang buwan, pakainin ng mash feed na may pinaghalong mais, taba ng karne, giniling na isda, tuyong gulay, darak, giniling na oyster shell, butong gulat, at iba pang sagana sa bitamina, mineral, at protina. :Maaari ding ihalo ang pinalabnaw na gatas sa mash o pagkain nito. Pakainin ito ng apat o limang beses sa isang araw. Ang kabahagi ng pagkain sa isang sisiw ay 55(limampu’t limang) bahagi ng darak sa 20(dalawangpung) bahagi ng giniling na mais at 25(dalwampu’t limang) bahagi ng pinong hipon o suso. Kung ang mga ito ay isinalin sa bigat na gramo ay magiging: 55(limampu’t limang) gramo ng darak, 20(dalawangpung) gramo ng giniling na mais, ay 25(dalawampu’t limang) gramo ng hipon o suso. Kung magpapakain ng 50(limampung) sisiw, paramihin lamang ito ng 50(limampung) beses. Halimbawa, sa 55(limampu’t limang) gramo ng darak ay magiging 55x50=2,750 gramo. :Pagpapabahay -ang bahay ay dapat malapit sa isang pinagkukunan ng tubig tulad ng kanal, lawa, look, o creek. Ang pinto ng bahay ay dapat nakaharap dito. Mainam na lalagyan ng partisyon ang bahay para maihiwalay ang mga batang pato sa matatanda. Sa bawat 100(isangdaang) pato magtayo ng bahay na may sukat na apat na metrong haba at apat na metrong luwang at tatlong metrong taas. Mainam na malayo ang bahay sa kalsada at sa bahay ng may-ari. Mainam din na tahimik ang lugar at malayo sa ibang hayop. Ang sahig ay dapat na may sapin na dayami na walong pulgada hanggang 10(sampung) pulgada ang kapal. Ang sahig ay dapat nakaangat upang medaling linisin. Gumawa ng isang artipisyal na paliguan ng bibe malapit sa bahay nila. Sumusukat ito ng walong piye(o feet) ang luwang, 10(sampung) piye ang haba, at dalawang piye ang lalim. :Pagpigil sa peste at sakit -panatlihing malinis ang bahay paliguan at kapaligiran upang maiwasan ang pagkasakit ng mga bibe. Ang mga
ito ay medaling kapitan ng sakit na fowl pox at avian pest. Mainam ang pagbabakuna upang maiwasan ito. Kung ang isang bibe ay nagpapakita ng panghihina at walang ganang kumain, ihiwalay kaagad ito at dalihin sa beterenaryo upang malapatan ng lunas. Kapag itoay namatay, dapat itong ibaon kaagad sa lupa o sunugin upang hindi maikalat ang mga organismong nagdala ng sakit. Tandaan sa pagpili ng pato, piliin ang uri na medaling lumaki at maaasahan. Ang Pateros Duck ay isang magandang uri. Kahit hindi ito kalakihan, madali siyang mangitlog. Sa 1,000(isanglibong) gramo ng bigat, ito ay maaari nang mangitlog. Ang bilang ng itlog sa isang taon ay bumibilang sa 200(dalawangdaan) hanggang 220(dalawangdaan at dalawampu). Ito ang pinakapopular na uri ng pato sa atin ngayon. Warren :Maraming salamat sa pakikinig sa aming tinalakay. Nagahanda kami ng mga katanungan para sa inyo. • Ito ay nangingitlog sa loob lamang ng 28(dalawmpu’t walong) araw. –itik • Ito naman ay ngingitlog makalipas ang 33(tatlumpu’t tatlo) na araw. –bibe • Ito ay proseso na nagpapainit ng maliliit na pato. -brooding • Magbigay ng isang halibawa ng pagkain na hinahalo sa mash feed pagdating ng isang buwan. –mais, taba ng karne, giniling na isda, tuyong gulay,darak, giniling na oyster shell, butong gulay,at iba pa..
View more...
Comments