Padre Damaso (Pagsasatao/Monologue Script)

March 20, 2017 | Author: simplyhue | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Download Padre Damaso (Pagsasatao/Monologue Script)...

Description

Padre Damaso “Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen.” Haha . . . Haha . . . Hahaha . . . Mga Indio! Wala kayong karapatang lapastanganin ang aking pangalan! Ako ang kura paroko ng San Diego kaya ako ang nararapat na galangin ninyong tanan. Ahem! Uhum! Uhum! Huwag niyong kalilimutan ang aking kapangyarihan! Aba‟t di pa rin kayo naniniwala? iQue Lastima! ( Kahangalan!) Naaalala ko pa rin hanggang ngayon ang simula ng lahat ng ginawang kawalanghiyaan ng Juan Crisostomo Ibarra na yan! Nag-umpisa ang tanan ng minsa‟y nagkaroon ng pagtitipon si Kapitan Tiago, ahrg! Huwag na nating pag-usapan pa ang naging pagtatalo namin ng Tenyente Guevarra na iyon! Hampaslupang sumbungero palibhasa‟y inggitero! Dumating ang Ibarra na iyan, aba‟y sabihin ba namang matalik na kaibigan ko raw ang kanyang nasirang ama! Sinagot ko naman ng – “Hindi ka nagkamali, pero ang hindi ko matanggap ay ang sinabi mo na ako ay matalik na kaibigan ng iyong ama.” Hapuna‟y sumapit at isa-isa na kaming lumapit, ang mga indio, tila nakalimutang kaming mga kura ang dapat na unahin. Hala pinagsisipa ko nga ang bawat silya na aking madaanan, sipa dito, sipa doon! Eto pa, si Padre Sibyla, ang lintik at nakipag-agawan pa sa akin ng kabisera ng hapag-kainan, naturalmente ako pa rin ang nanaig sa huli! Hahaha! Tunay na makapangyarihan! Inihain na ang umuusok pa na uuuhm . . . malinamnam na tinola! Aba‟t puro upo at sabaw na may isang talop na leeg at makunat na pakpak na manok lamang ang napunta sa akin! Samantalang ang kay Ibarra nama‟y puro lamang-loob. Ba! Padabog ko ngang binitawan ang kutsara‟t padabog na itinulak ang mangkok! Ngunit bakit walang pumansin sa akin? „Di bale sapagkat nang may magtanong kay Ibarra kung ano ang pinakamahalagang nakita niya sa ibang bansa‟y sumagot ba naman ng – “Bago po ako maglakbay ay sinisikap ko munang malaman ang kanyang kasaysayan . . . blah, blah, blah! Kabalbalan! Aba! Di ba niya batid na ako‟y nanirahan na rin naman sa Hong Kong at mahusay magsalita ng „Pidgin English,” ang sinampay-bakod na wika ni Shakespeare! Binara ko nga siya – “Wala ka bang nakita kundi iyon? Hindi dapat aksayahin ang iyong salapi para lamang sa napakaliit na bagay. Kahit munting bata‟y nakakaalam niyan!” Ang walang-modo! Agad ba namang nagpaalam na‟t umalis, haay, nakahinga na rin ako ng maluwag! “ Nakita niyo na! Hindi matanggap mapagsabihan ng kura. Akala mo kung sinong nakapag-aral. Iyan ang masamang bunga ng pagpapadala ng indio sa Europa. Kung ako lamang ang masusunod, ipagbabawal ko ang pagpapadala ng indio sa Europa!” Kumukulo ang aking dugo! Grrr! Tama na nga muna ang tungkol sa Ibarra na iyon! Madako tayo sa aking „kaibigan‟ na si Pia Alba at ang kanyang asawa na si Kapitan Tiago. Alam naman nating lahat na anim na taon na‟y di pa rin nagkakaanak ang dalawang yaon. “Kung mamanata ka kaya sa Obando, Pia? Magsayaw ka sa kapiyestahan ni San Pascual Bailon para magkaanak ka!” Utos este payo ko kay Pia at siyempre, nagbunga nga ang kaniyang ginawa, subalit siya‟y namatay rin matapos ang ilang buwang panganganak. Ang aking anak ahum inaanak na si Maria Clara ay sadyang aking pinakamamahal at di ako makakapayag na mapahamak siya. Itong si Ibarra nama‟y nalaman na ang aking ginawang „kabutihan‟ sa kanyang amang si Don Rafael. Alam niyo ba kung ano, ha, ha, alam niyo ba? Hahahahahaha! Ako lang naman ang may pakana na ito‟y erehe at filibustero, ang kaawa-awang Don Rafael, walang nagawa sa pagkakabilanggo sa kanya hanggang sa siya ay mamatay! Pagpalain nawa siya ni Satanas sa impiyerno! Napakarami pang ginawang kalapastanganan sa aking kapangyarihan ang Crisostomo Ibarra na yaon, arhg, ayaw ko nang maalala! Grrr! Di ako magpapalupig, ako si Padre Damaso magpapatalo, di puwede! Hahahaha! Isip. Isip. Isip. Hala sige isip pa. Aha! Akin siyang ipagkakanulo, siya ang pagbibintangan kong utak ng isang magaganap na rebelyon. Humanda ka na Ibarra dahil susunod ka na sa iyong ama, kayo‟y magkikita nanag muli sa impiyerno! At iyon, natupad ang aking plano gaya ng aking inaaasahan, nakulong si Ibarra ngunit

anong nangyari‟t siya‟y nakatakas. Sino ang kanyang kasapakat? Ahhhhg! Teka! Teka! Teka! Ano itong aking nabalitaang ang aking si Maria‟y nangungulila? Dinalaw ko ang aking anak este inaanak sa kanilang tahanan at ako ay nagulat sa aking natuklasan! Alam na niya ang lihim na kaytagal ko nang iniingatan! Di bale na, akin siyang nilapitan, kinumusta‟t nais na yakapin subalit – “Huwag kang lumapit sa akin! Oh, bakit ikaw pa? Bakit? Sa dinami-rami ng maaari kong maging tunay na ama ay bakit ikaw pa, Padre Damaso?” Umiiyak ang aking pinakamamahal na si Maria Clara, ang aking unica hija. “Anak, patawad ngunit minahal kong tunay ang iyong inang si Pia Alba at ikaw ang katuparan ng aking pagsinta sa kanya. Ginawa ko lamang ang lahat ng iyon sapagkat ika‟y di nararapat sa hampaslupang indio na Crisostomo na iyon. Anong magiging buhay mo sa kanyang piling? Pagdurusa. Pagluha. Paghihirap. Si Linares na lang Maria, „pagkat siya ang mas nakahihigit, maibibigay niyang lahat ng iyong pangangailangan! Unawain mo sana!” Subalit siya‟y mapilit, napagtanto kong tunay ang kanyang pag-ibig kay Crisostomo Ibarra pagkat ako‟y kanyang pinapili – “Kumbento o kamatayan?” “Humanap ka ng ibang pag-ibig, ibang binata, maging sinuman, huwag lamang ang kumbento.” Ngunit matigas pa rin si Maria Clara. “Kumbento o kamatayan!?!” “Ibig mong magmongha? Sige, magmongha ka, huwag ka lamang mamamatay.” “Diyos ko kung ako‟y inyong pinaghihigantihan, huwag ninyo pong idamay ang walang malay kong anak!” Ngayon, ikaw na ang humusga, pero sinisiguro ko sa iyo, hahahaha, ako ang pinakamakapangyarihan sa San Diego, hahahaha! Ah! Ah! Ah! (At namatay na si Padre Damaso sa labis na pagdurusa ng kalooban. “Sa ngalan ng Ama, ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen!)

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF