Oral-Exam-PI-100

May 4, 2017 | Author: John Paul Lordan | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

PI 100 Jimmuel Naval...

Description

1. Hindi likas sa mga Filipino ang pagiging tamad. Mag binigay na dahilan si Rizal sa sinulat niyang The Indolence of the Filipinos: (3 lang hinihingi) 1) Forced labor - extinguished love of work 2) Spain did not effectively protect Filipino people -- natives died, lost houses… forced to become nomads 3) Crooked system of education: what they taught were prayers that they could not use to lead progress of country 4) Spanish rulers were a bad example -- worked at noon and left early, doing nothing in their duties, they had servants fanning them 5) Gambling was established, cockfights, took away time for labor 6) crooked system of religion -- taught that poor men easier to enter heaven 7) taxes were high, what they earned went to friars/govt. hindi naman sila kikita ng marami at exploited sila. so why work? 2. Talakayin ang proyekto ni Rizal sa Hilagang Borneo. Pagsulong ba ito o pagurong ng bisyon niya para sa mga Filipino? Pinlano ni Rizal na ilipat sa Hilagang Borneo ang mga Pilipino na nawalan ng mga lupain dahil sa mga anomalyang nagaganap sa Calamba, tulad ng pag-aagaw ng lupain, pagsusunog ng mga kabahayan, atbp. Ang kanyang paniniwala na ang Hilagang Borneo ay sakop pa rin ng Pilipinas ay naging rason kung bakit gusto niya doon palipatin ang mga kamag-anak at kababayan. Ito ay matuturing na pagsulong dahil hindi naman sila tumakas papuntang ibang bansa. Kumbaga’y nagresettle lamang sila sa isang lugar na pinaniniwalaang Pilipinas pa rin. 3. Ipakilala si Maximo Viola/Valentin Ventura. Ano ang naging kaugnayan nila sa buhay ni Rizal? Maximo Viola - Bulakenyo - manggagamot - tagasuporta ng kilusang propaganda - nakilala si Rizal sa U. of Barcelona -Noli me Tangere financier Valentin Ventura - Kapampangan - Spain to join fellow Filipinos for reformation - El Fili financier Ipaliwanag ang limang layunin ng La Liga Filipina 1.) magkaisa ang buong kapuluan sa isang malakas at magkauring organisasyon. 2.) pagbibigayan ng proteksyon sa bawat pagdaralita at pangangailangan. 3.) pagtatanggol sa bawat isa sa lahat ng karahasan at kawalan ng katarungan . 4.) pag-uudyok ng pagtuturo. pagsasaka, at kalakalan at komersyo. 5.) pag-aaral at pagtutuon sa mga reporma. 4. Anong kaisipan ni Rizal ang ibinabandila ni Padre Florentino?

5.

6.

7.

8.

9.

Si Padre Florentino ay isang Pilipinong pari na siyang kumupkop kay Simuon noong mga panahong nagtatago ito sa mga Guardia Civil. Tulad ni Rizal, si Padre Florentino ay naniniwala na kailanman ay walang maidudulot na kabutihan ang kasakiman at ang karahasan ay hindi makatarungan. Pagkakaiba ng rebolusyon sa rebelyon. Magbigay ng halimbawa. Rebelyon ay pagpoprotesta sa isang patakaran, aksyon o batas ng namumuno ngunit hindi sa ibig sabihin ay tumututol na sa pamumuno nito, madalas na ginagawa ng isang miyembro (o dating miyembro) ng grupo. Isang halimbawa dito si Dagohoy at ang kanyang 85 years na pagrerevolt. Ang rebolusyon naman ay pagpoprotesta at paglaban sa mismong namumuno, at nagnanais na gumawa ng sariling pamunuan ang mga taong ayaw na sa kasalukuyang namamalakad. Halimbawa rito ang Katipunan at ang mga layunin nito. Ipaliwanag: Si Rizal ay laban sa mga prayle at guardia civil subalit hindi laban sa Espanya Tinutuligsa ni Rizal ang mga Prayle at Guardia Civil dahil sa mga pang-aabuso at paghihirap na pinaparanas ng mga ito sa mga Pilipino ngunit ipinaglalaban pa rin niya ang asimilasyon ng Pilipinas sa Espanya. Racial discrimination, injustice. Ano ang ibig ipahatid ni Rizal sa pamamagitan ng pagkabigo ni Simoun? Sa pagkabigo ni Simoun, gustong ipabatid ni Rizal na ang paghihiganti gamit ang dahas ay hindi mainam na paraan upang makamit ang minimithi. Ano ang obhetibong realidad na kumondisyon kay Rizal upang maghangad pa ng mas mataas na edukasyon? Ang kanyang kapatid na si Paciano ay masyado nang maingay sa mga awtoridad kaya hindi na siya pwede mag-aral ngunit si Rizal ay may pag-asa pang makapag-aral sa ibang bansa. Naghangad din siya na pumunta sa ibang bansa upang magaral ng medisina para magamot ang kanyang ina. Gusto niyang patunayan na kaya ring magtamo ng mataas na edukasyon ang mga Pilipino. Pumili ng tatlong tauhan sa sumusunod at ibigay ang kahulugan/kabuhulan ng mga ito noon at ngayon: Tales, Isagani, Pari Millon, Lucas, Basilio, Pedro, Sisa, Maria Clara, at Placido Penitente. Tales: inagawan ng lupain noon, mga magsasaka ngayon hindi nabibigyan ng hustisya Isagani: isang tunay na nagmamahal, ginagawa ang lahat para makapag-aral din ng mabuti Pedro: Isang iresponsableng padre de pamilya na sarili lang ang iniisip, naglalasing, mayroon pa ring ganito sa panahon ngayon. Sisa: isang mapagmahal na ina na ibibigay ang lahat para sa pamilya kahit ito’y ikasasakit niya Maria Clara: isang babaeng matapat at mayumi, may dignidad

Placido Penitente: isang estudyante na ginagawa ang best pero hindi napapansin ang kanyang mga effort 10.Ikwento ang tatlong kwentong bayan na makikita sa Kabanata 3 ng El Filibusterismo. Alamat ng Malapad na Bato: Isang batumbuhay na itinuturing sagrado at pinaniniwalaang pinananahanan ng mga ispiritu. Ngunit nawala na ang paniniwalang ito simulang gawing tirahan ito ng mga tulisan. Alamat ng Yungib ni Donya Geronima: Si Donya Geronima ay isang kasintahan ng isang binatang nagpari gayong nangakong pakakasalan niya ang dalaga. Naghintay si Donya Geronima hanggang siya’y tumandang dalaga. Nang malaman niya na arsobispo na ang nobyo, nagsuot-lalaki ito at tinungo ang dating kasintahan. Hindi na niya ito mapakasalan kaya nanatili na lamang siya sa isang kweba at doon namatay at naging engkantada. Alamat ni San Nicolas: May isang intsik na di-binayagan ang dapat kakainin ng isang buwaya. Demonyo ang buwaya na ito at ang kanyang mabibiktima ay madadala sa impyerno. Ang Intsik ay humingi ng saklolo kay San Nicolas, at ginawang bato ni San Nicolas ang buwaya, isang himala. 11.Ano ang ibig sabihin ng erehe at pilibustero? erehe - taksil sa simbahan pilibustero - taksil sa pamahalaan 12.Pagkumparahin ang Kilusang Propaganda at Katipunan ayon sa layunin, taktika, pahayagan, kasapian at pinansiya. Propaganda: Layunin - assimilation Taktika - mapayapang reformation Pahayagan - La Solidaridad (Spanish main language) Kasapian - Ilustrado Pinansiya - Mga koneksyon, nagkakaroon ng mga sponsor Katipunan: Layunin -separatist Taktika - rebolusyon Pahayagan - Kalayaan (Tagalog main language) Kasapian - mga Pilipino galing sa iba’t-ibang social classes Pinansiya - may binabayad ang mga miyembro 13.Talakayin ang positibong katangian ng mga sumusunod na tauhang babae: Salome, Huli, Maria Clara at Donya Victorina. Salome: matapang, liberal, masipag, Huli: matiyaga at mapagtiis, mapagmahal, maunawain, mapag-aruga Maria Clara: masunurin at mahinhin, martir Donya Victorina: moderno magiisip, matapang, kumander ng asawa

14.Papaano natukoy ni Rizal ang posibilidad ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas? Tinalakay ito ni Rizal sa kanyang akda na Pilipinas sa loob ng Sandaang Taon. Dito nakita niya na may isang bansa na aangat dahil sa industrial revolution at ito ay ang Amerika. Nakita niya ang posibilidad ng pagsakop nito sa Pilipinas dahil sa magandang lokasyon nito sa Pasipiko kung saan mas magiging madali ang pakikipagkalakalan sa ibang mga bansa sa Asya tulad ng China. at dahil mayaman ito sa mga resources. 15.Ano ang kahulugan ng Amor Patrio? Pagmamahal sa bayan 16.Ipakilala si Hen. Paciano Rizal. Si Paciano Rizal ay panganay na anak na lalake nina Francisco Mercado at Teodora Alonso, pangalawa sa labing-isang magkakapatid. Bilang nakatatandang kapatid ni Rizal, malaki ang naging impluwensya niya rito. Siya ay tagasuporta ng rebolusyon at sa katunayan ay gumawa pa siya ng paraan upang magkaroon ng perang pampalimbag sa mga pahayagan. Matapos ipapatay ang kanyang kapatid na si Jose, sumama siya sa tropa nina Emilio Aguinaldo. Noong Philippine-American War, siya ang may hawak sa Laguna. Nahuli siya ng mga sundalong Amerikano noong 1900 at siyang ipinatapon sa Los Banos. Namatay siya sa edad na 79 sa sakit na tuberculosis. 17.Ipakilala si Marcelo H. Del Pilar. - isa sa triumvirate (with Rizal and Jaena) - ilustrado - bulacan, nagaral sa colegio de san jose , then UST - naglathala ng bilingual pahayagan diariong tagalog - sumulat ng mga artikulong tuligsa sa mga prayle, caiigat cayo, aba guinoong baria, amain namin, dasalan at tocsohan - isinalin ang el amor patrio ni Rizal sa Tagalog - nakaalitan ni rizal, aktibistang mapulitikal na pamamaraan ng pagsulat - naging pinuno ng ibat ibang organisasyon (Masonry, Asociacion Hispanico-Filipina, La Soli) 18.Talakayin ang iba't ibang dahilan ng pagaklas ng mga Pilipino noong panahon ng Espanyol. - forced labor - pagpipilit ng relihiyon sa mga katutubo - landgrabbing - mataas na hinihinging buwis - abuso sa mga kababaihan - hindi makatuwirang kontrol ng simbahan (mga prayle) - pagpapautang na may mataas na tubo 19.Ano ang Pacto de Retroventa? Ito ang kasunduang may karapatan na kunin ng estado ang ariarian ng isang manggagawa. Kapag lumalaki na ang utang ng isang magsasaka at hindi na nila ito kayang bayaran, ang kanilang lupain ay kinukuha ng estado/prayle. pagpapautang labis na pagpapatubo

20.Bakit ayaw ni Pari Damaso na mapangasawa ni Maria Clara si Crisostomo Ibarra? Anak ni Pari Damaso si Maria Clara at ayaw niya sa pamilya nina Ibarra dahil sa ama nitong si Rafael dahil kaagaw niya ito sa pagkakaroon ng kapangyarihan sa San Diego. Tinawag pa sila ni Pari Damaso na erehe at pilibustero. 21.Ano ang magiging kabuluhan ni Donya Victorina sa ating panahon ngayon? Sa karakter ni Donya Victorina makikita ang aral tungkol sa pagtangkilik sa sariling atin at pagmamahal sa sariling pinagmulan. 22.Makatarungan ba ang ginawang pagaaklas ni Kabesang Tales sa nobela sa konteksto ng ika-19 na siglo? Maaaring hindi na ito makatarungan dahil may ibang paraan naman upang ipaglaban ang karapatan. (katulad siya ng mga namumundok na militante today) 23.Ano ang imperyalismo? Ito ay kung saan ang mga malalaki at makapangyarihang mga bansa ay pinapalaki ang kanilang imperyo sa pamamagitan ng pagsasakop ng mga bansa. Kinokontrol nila ang lahat ng rehiyon na kaya nilang kontrolin para magkaroon pa sila ng mas maraming kapangyarihan. 24.Ano ang pyudalismo? Sistema ng pamamalakad ng lupain kung saan ang lupang pag-aari ng may-ari ng lupa ay ipinasasaka sa mga nasasakupang tauhan. Ang alipin yung may ari nung lupa pero binibigay niya ito sa kanyang panginoon para sa kanyang seguridad. may seremonya pa yun kung saan nagiging “isa” ang panginoon at ang basalyo (alipin). 25.Ano ang kroniyismo at nepotismo? kroniyismo - pagbibigay pabor sa mga malalapit na kaibigan pagdating sa posisyon sa pulitika o trabaho nepotismo - pagbibigay pabor sa kamaganak pagdating sa posisyon sa pulitika o trabaho 26.Ano ang litaw na ugnayan ng estado at simbahan batay sa anyong pisikal, ekonomikal at pulitikal? Pisikal Noon: Magkalapit ang munisipyo at simbahan. Kadalasan, nasa sentro ng bayan at ang iba pang mga importanteng lugar ay nasa paligid. Mas malapit sa sentro, mas mataas ang kalagayan sa lipunan. Ngayon: Maraming pa ring bayan lalo na sa probinsya na ganito ang ayos Ekonomikal Noon: Nananatili ang mga prayle sa bawat nayon dahil hamk na mas mura ang magkaroon ng isang pari sa bawat bayan na kokontrol ang mga tao dahil sa “moral authority” nto, kumpara sa paggovern via military means na nkailangan 20+soldiers per bayan Ngayon: nagiging negosyo na sa iilang

simbahan ang kasal, binyag, libingan, etc. Pulitikal Noon: Malaki ang impluwensya ng mga prayle sa mga nakaupo sa pwesto Ngayon: Intervention of simbahan ex RH Bill 27.Ibigay ang apat na dahilan ng pagkakatapon ni Rizal sa Dapitan. 1. Dahil napagkamalan siyang nagsimula ng himagsikan, kaya niyang mawasak ang tiwala at katapatan ng mga tao sa simbahan at prayle sa pamamagitan ng kanyang mga sulat at gawa 2. Dahil sa marami niyang sulatin ay sumasalungat o lumalaban siya sa mga prayle at simbahan. 3. Dahil ang El Fili ay inalay niya sa GomBurZa, pati yung dedication nito sa unang bahagi ng libro na sabi niyang humiwalay na dapat sa Inang Espanya ang Pilipinas (ang natitirang kaligtasan) 4.Nahanapan siya ng kopya ng Pobres Frailes, kung saan ang pagkamatiisin, mababang-loob at mapagbigay na Pilipino ay kinritiko at ang akusasyon laban sa mga gawi ng mga pari ay inilathala. 28.Anu-anong ilusyon/realidad ang bumigkis kay Rizal at hindi siya pumayag sa alok ni Pio Valenzuela? HIndi pabor si Rizal sa rebolusyon at sa posisyon nito doon. Para kay Rizal, hindi mainan ang rebolusyon upang makalaya dahil wala pa rin namang sapat na kakayahan ang mga Pilipino para bumuo ng sariling gobyero at pamunuan ang bansa. Alok nito na ilaunch ang revolution for freedoms sake, under Katipunan. 1) not sufficient arms secured 2) support of wealthy filipinos needed 29.Papaano ginamit ni Rizal ang Dapitan bilang instrumento sa pagsasakatuparan ng kanyang mithiin sa buhay at sa bayan? Marami siyang ginawang proyekto para sa Dapitan na nais din sana niyang mangyari sa buong bansa gaya ng pagiging guro dito(made them not pay but made them garden, construction etc.), pagiging manggagamot, pagiging magsasaka, siyentipiko, artistic works atbp. 1) national progress begins with self initiative 2) good governance begins with selfempowerment and self-empowerment begins with education 30.Talakayin ang tatlong kadahilanan ng pagbagsak ng Kilusang Propaganda. 1. Masyadong makapangyarihan na ang mga prayle 2. Kulang sa pinansya 3. Nahati-hati ang mga propagandista/inggitan 31.Magsalaysay ng tatlong anekdota tungkol sa kabataan ni Rizal. Tsinelas: Nahulog ang isang tsinelas ni Pepe sa ilog/lawa habang siya ay nasa bangka. Dahil dito, inihulog na rin ni Rizal ang kapares ng kanyang tsinelas

para kung sinuman ang makapulot nung pares ng tsinelas ay magamit ito. Gamo-gamo at lampara: Habang magkasama sila ng kanyang ina, nakakita si Pepe ng isang gamo-gamo na namamangha at lumilipad-lipad sa paligid ng kanilang lampara. Dito ay sinabi ng kanyang ina na si Pepe ay parang isang gamo-gamo na namamangha sa ilaw na siyang sumisimbolo sa kaalaman. Dahil sa masyadong paglapit ng gamo-gamo sa ilaw ay nasunog ito. Ang pagiging masyadong malapit sa ilaw, o ang pagiging masyadong uhaw sa kaalaman para kay Pepe, ay may hindi magandang naidudulot. Guardia Civil- hindi niya lang natanggal ang kanyang sombrero ay nagalit na ito sa kanya at binugbog siya 32.Papaano pumunta sa Rizal Park sa pamamagitan ng PUJ mula UP? UP DIliman -> jeep to Philcoa -> Philcoa -> jeep to T.M. Kalaw -> Rizal Park 33.Magbigay ng tatlong taong naging instrumental sa katauhan ni Rizal mula pagkabata hanggang sa pagtanda. 1. Teodora Alonso - siya ang unang guro ni rizal, tinuruan niyang mahalin ang edukasyon 2. Paciano - suportado nito lalo na ang kanyang edukasyon 3. GomBurZa - kaya siya naging makabayan 34.Anu-anong karanasang personal ni Rizal ang kasangkot sa dalawang nobela. Magbigay ng lima. 1) Pagkakaroon ng mataas na antas sa lipunan gaya ni Ibarra 2) Pagiging kabilang sa may kayang pamilya, pag-aaral sa ibang lugar tulad ni Ibarra 3) Nag-aral sa ibang bansa tulad ni Ibarra 4) Sulatan nila ni Leonor habang siya ay nasa ibang bansa upang mag-aral 5) Leonor Rivera parang si Maria Clara, married off to Linares 6) Padre Florentino - mapayapang pakikipagusap para makamit ang kalayaan 35.Ano ang Katipunan? Kataastaasang kagalang-galang ng mga anak ng bayan Naglalayon na makamit ang kalayaan through madugong rebolusyon Kalayaan - una’t huling patnugot si Emilio Jacinto Triangle system Founders Bonifcio, Diwa, Plata pero Arellano unang Supremo Nabuwag dahil nadiskubre nung may nangumpisal na kapatid ng isang katipunero 36.Ipakilala si Gregoria de Jesus. Si Gregoria de Jesus ang ikalawang asawa ni Bonifacio na unang babaeng naging kasapi ng Katipunan at binansagang Lakambini ng Katipunan.

aka Aling Oriang. From Caloocan. 1 child with Bonfacio, 5 from Nakpil. President of Women’s chapter of the Katipunan. 37.Magbigay ng tatlong tauhan sa Noli at Fili na malubhang naglalarawan sa katauhan ni Rizal. Elias: Ibarra: Pari Florentino: 38.Anu-anong bayan ang dinaanan mula Calamba hanggang Tagaytay noong nagfieldtrip ang klase. Tanauan, Sto. Tomas, Malvar, Lipa, San Jose, San Pascual, Bauan, Taal, Lemery, Calaca, Binubusan, Lian 39.Magbigay ng tatlong pangalan ng babaeng nagkaroon ng kaugnayan sa buhay ni Rizal. Ipakilala sila. Segunda Katigbak - first love ni Rizal Leonor Rivera - pinsan ni Rizal na naging kasintahan niya ng matagal na panahon ngunit tinututulan ng kanilang mga magulang at sa huli ay naikasal kay Kipping; inspirasyon ni Rizal sa katauhan ni Maria Clara Josephine Bracken - kasintahan ni Rizal na nakilala niya sa Dapitan dahil sa kanyang amain na gustong magpatingin sa kanya; nagkaanak sila na ang panganlan ay Francisco ngunit namatay din agad; ikinasal daw kay Rizal bago ito patayin sa Bagumbayan 40.Ikumpara ang Bapor Tabo sa takbo ng gobyerno noon at ngayon. Noon: Up and Down kubyerta mayayaman, kastila, prayle at masa, indio. Nagmamalinis. Ngayon: hiwalay na ang pagpapatakbo ng gobyerno at church pero minsan nakikialam pa rin ang simbahan. parehas ay hindi nagsasatisfy sa taumbayan 41.Ipakilala si Ferdinand Blumentritt. Si Ferdinand Blumentritt ay isang Austrianong (born in Prague) malapit na kaibigan ni Rizal. Isa siyang guro/lecturer at secondary school principal. Marami siyang nga ginawang akda tungkol sa Pilipinas kahit na kailanman ay hindi niya ito binisita at isa rin siyang propagandista. Madalas silang magpalitan ng liham ni Rizal. 42.Anu-anong lugar/bansa ang dinaanan ni Rizal sa una niyang paglabas ng bansang patungong Europa. Singapore, Punta de Gales, Colombo, Aden, Suez Canal, Marseilles, Barcelona 43.Magbigay ng limang bayaning Filipino na naging kontemporaryo ni Rizal. Emilio Jacinto, Andres Bonifacio, Antonio Luna, Emilio Agunaldo, Apolinario Mabini 44.Ipaliwanag ang konsepto ng pagpili kay Rizal bilang pambansang bayani. Walang batas na nagsasabing si Rizal ang pambansang bayani. Ang kasaysayan ang nagsasabing siya ang ating pambansang bayani.

Noong administrasyon ni Aguinaldo, kinilala na niya si Rizal bilang pambansang bayin ng Pilipinas. Noong 1902, bumuo ng isang komisyon si McKinley na nagtatakda ng isang pambansang bayani. Ang komisyon ay binubuo ng mga Pilipino at Amerikano at pinamumunuan ni William Howard Taft. May 7 nominado sa pagiging pambansang bayani--Aguinaldo, Bonifacio, Del Pilar, Luna, Rizal, Mabiniat Jacinto. May 4 na pamantayan sa pagpili: Pilipino, hindi dapat anti-American, patay na at dapat makabansa. Sa mga nominado, si Rizal lamang ang tanging lumutang sa lahat ng mga pangalang pinagpilian dahil siya lamang ang may konkretong plano para sa nasyon. 45.Ano ang RA 1425? Rizal Law -lahat ng pampubliko at pribadong sekondarya at kolehiyo ay dapat aralin ang buhay at mga gawa ni Rizal lalo na ang dalawang nobela. 46.Ano ang kanser sa lipunang tinutukoy ni Rizal sa kanyang nobela? Bisyo, Imoralidad, Pista, Colonial Mentality (ito ba yung ibig sabihin nito?) 47.Magpakilala. 48.Pinakamakabuluhan kong ginawa ngayong tag-araw 2014? 49.Ipakilala si Jose Rizal o si Andres Bonifacio sa loob ng 2 minuto. Bonifacio - namuno sa rebolusyon laban sa Espanya, nov 30 1863, mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmena sa Melsic nahinto pagaaral dahil namatay magulang, naging tindero ng ratan at pamaypay na gawa sa papel de hapon. marunong magbasa sumulat at magsalita ng espanyol, sumapi sa La liga, binasa ang mga sulat ni Rizal, nagtayo ng KKK matapos itapon si Rizal sa Dapitan. “Ama ng Rebolusyon”, asawa si Gregoria de Jesus lider ng magdiwang, natalo sa Tejeros Convention, nagdamdam, pinapatay ni Aguinaldo noong May 10, 1897 Rizal - june 19 1861 to dec 30 1896, nagaral sa colegio de san juan de letran, ust, uni. central de madrid, el fili noli, dapitan, death 50.Ipaliwanag ang isyu ng retraksiyon ni Rizal. May isang paring Jeswita na naglabas ng dokumento ng retraksiyon ni Rizal na may pirma niya. Sinasabing bago mamatay si Rizal sa Bagumbayan ay naganap ang retraksiyon. Sa Dapitan pa lamang ay pinag-uusapan na ang retraksiyong ito dahil nga sa pagnanais ni Rizal na makasal sila ni Bracken. May mga naniniwala na totoo ang retraksiyon dahil nga sa dokumento at sa isyu ng kasalan nila ni Bracken bago siya maikasal dahil isa ito sa mga kundisyon upang makasal sila. May mga naniniwal rin naman na hindi ito totoo dahil kilala si Rizal bilang isang taong may paninindigan sa kanyang mga

paniniwala. Sa ngayon, hindi pa rin ito malinaw. 51.Anong mga kaso ang ibinintang kay Rizal o Bonifacio para mahatulan ng kamatayan? Rizal: rebelyon, paghihimagsik at pagsama sa rebolusyon laban sa Espanya Bonifacio: pagtutol sa revolutionary government na pinamumunuan ni Aguinaldo 52.Ano ang katayuan ng dalawang nobela sa kasaysayan ng Pilipinas? I-evaluate ang 2 nobela ayon sa kahusayan at impluwensiya nito bilang propaganda, dokumentong panlipunan at panitikan. Importante dahil ito ang naginspire sa maraming pilipino na umaksyon, nagopen ng eyes ng pilipino na nangyayari sa bansa. 53.Bakit kailangang manggaling ang reporma mula sa itaas (middle class) upang maging matagumpay? Ano ang batayan ng ganitong pananaw? noong panahon ni rizal mataas ang respeto para sa mga ilustrado. agad na pinaniniwalaan ng mga pilipino ang isang bagay kung sa kalahi nila nanggaling ang kaalaman. the would supply the intellectual basis, moral justification, technical skills, mas mataas na edukasyon mas maayos na pagbuo at pagpapatupad ng mga reporma bilang mga pinuno 54.Ipaliwanang ang papel ni Rizal sa Rebolusyong 1896. Siya ang nagsabi kay Valenzuela na dapat hindi muna ituloy ng Katipunan ang paghihimagsik hanggang hindi pa handa ang mga armas at hindi pa marami ang sumosuporta dahil magiging failure ito. si rizal ang naginspire ng revolution. sabi niya na si antonio luna dapat ang maging director ng military operations dahil magaling siya sa mga military strategies. 55.Ano ang mga nakita ko sa Taal, Batangas? Our Lady of Casaysay Church, St. Martin of Tours Cathedral, Miraculous Well, Bahay ni Marcela Agoncillo, Leon Apacible Museum 56.Ano ang masonriya? isang organisasyon na... 57.Pumili ng isang tula ni Rizal sa mga sumusunod at ipaliwanag ito. 1. Sa Aking mga Kabata - ukol sa pagmamahal sa sariling wika 2. A Mi Retiro - habang nasa Dapitan, inilarawan ang pamumuhay niya sa Dapitan,kubo sa tabing dagat, batis, awit ng mga ibn, pangungulila sa mga mahal sa buhay, makaDiyos, importance of rest when facing suliranin 3. Huling Paalam - nasa loob ng isang alcohol burner, pagaalay ng buhay para sa bayan 58.Dalawang dahilan na nagdulot ng kalungkutan ni Rizal noong 1872 at nang lumao'y naging pundasyon ng kanyang pagiging makabansa. 1. bitay gomburza noong feb 1872 2. pagkakakulong ng ina dahil sa akusasyon na

paglason sa asawa ng kanyang tiyong si Jose Alberto 59."Mamamatay akong di masisilayan ang maningning na bukang liwayway. Kayong makakakita nito, batiin niyo ito at huwag kalimutan ang mga nalugmok sa dilim ng gabi." - dying words ni Elias, parang kay Rizal na rin 60.Sino si Hen. Miguel Malvar? Huling Pilipinong heneral na sumuko noong Philippine-American War april 16 1902 filipino commander sept 27 1865, sto tomas batnagas wealthy family, able to acquire education prospered through orange farming revolutionary leader,, took over when aguinaldo was captured march 23 1901 exiled in hongkong --- died oct 13 1911 61.Anu-ano ang mga kahilingan para sa isang rebolusyon o pagbabago ng lipunan ayon sa usapan nina Elias at Ibarra sa lawa? Mga reporma tulad ng mga sumusunod: “radikal na reporma sa hukbong sandatahan, sa mga pari, sa paglalalapat ng katarungan, sa maikling salita ay makaamang pang-unawa ng gobyerno.”

“ibayong paggalang sa dignidad ng isang tao, karagdagang seguridad, pagbawas sa lakas ng hukbong sandatahan at pag-alis ng ilang pribilehiyo sa mga organinsasyon na nagiging sanhi ng kanilang pagmamalabis.” “reporma ng mga pari… hinihiling ng mga sawimpalad ang ibayong proteksyon laban sa korporasyon ng mga pati at mga nangaapi.” 62.Ipaliwanang ang pananaw/palagay sa alin sa mga sumusunod: Kontrobersiya sa Pork Barrel, Napoles Lis, OFW at MERS-Corona Virus, Phil-China Rel. Syndrome, Ugnayan ng Simbahan at Pamahalaan sa kaso ng Reproductive Health Law, OPH at ang pagtaas ng pamasahe, Climate Change, TOFI, Trapik at iba pa. 63.Kung kakandidato si Jose Rizal sa pagkapangulo o pagkasenador, mananalo kaya siya batay sa pagkakakilala ng mga tao sa kanya? 64.Gumawa ng sariling tanong na hindi pa tinatalakay sa itaas.

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF