Nutrition Month Tula
July 14, 2018 | Author: Nick Bantolo | Category: N/A
Short Description
Ang mga tulang ito ay gawa ng Grade 8 students ng Col. Ruperto Abellon National School, Guisjan, Laua-an, Antique...
Description
Madaling Solusyon
Tayong mga bata ating kalusugan ay ingatan, Kumain tayo ng prutas at gulay, Upang lalakas ang ating katawan. Kung may kalamidad ng darating, Tayong maging maging alerto, Para sa kaligtasan natin. At kung may mga _______ darating, Hindi maging mahina ang katawan natin, Upang lagi tayong handa sa anomang bagyong darating. Bakit nga ba ang ibang tao ay naninigarilyo? Hindi ba nila alam na masama ito? Sa kalusugan nating mga tao. Yang ating mga sakit, Madaling sulusyonan, Kumain lang ng masustansyang pakain, Gagaling agad yan.
Malusog na Kapaligiran
Kayong mga katabaan; alagaan ang kapaligiran, maging sarili paman, sa pagsira ng paligid, maapektuhan pati kalusugan mo Magpasalamat sa mga biyaya, iyong natanggap, dahil sa huli mawawala ito, kung hindi pahahalagahan Magtapon ng basura, sa tamang tapunan, hindi sa mga estiro, na nababara pagdating ng ulan Resulta ng mabahong kapaligiran, sakit sa kalusugan, kayong mga tao, iwasan na’yan Kumain ng masustansyang pagkain, para iwas sakit, ugaliing malinis ang paligid, para iwas panganib
Masustansyang Pagkain
I Kapag ang tao’y nagugutom Resistensya’y mahina Anumang sakit ang darating Ito’y hindi kayang kayanin II Kung ang tao’y walang makain Tiyan ang masakit Katawan na kay hina Sa tingin ng iba’y sakitin III Kaya’t tayong mga kabataan Pangalagaan natin ang ating katawan Ang pagkain ng gulay at prutas ay panatilihin Upang tayo’y maing malusog
IV Kumain din ng biang masustansiyang pagkain At ang katawan natin’y sumigla Ingatan ang kalusugan ng higit-higit Pagka’t ito’y kaloob ng Diyos sa langit V Kapag ito’y winalang bahala Tial kayamanang winala Mga pangarap na tinataya, Baka mawala ring bigla.
Gulay at Prutas
Tayo’y kabataan Lulong sa panaho Kamain ng sapat Di pa huli ang lahat
Gutom at malnutrisyon wakasan Upang bumuti ang katawan At sakit ay maiiwasan Gulay at prutas ang kailangan Kumain ng masustansyang pagkain Gulay, prutas ay dapat kainin At kapag ito’y isinasaalang-alang natin Mas lalong lulusog, bubuti ang katawan natin Kumain ng gulay at prutas Tiyak katawan mo’y sisigla’t lalakas Ang pagkain nito’y Di magkakasakit, hahaba ang buhay
Kalamidad paghadaan
I Kalamidad kailan aalis? Hindi alam kong ito’y hihina o babagsik Hindi ka ba naawa sa amin? Buhay ng marami iyong kinikitil II Mapatimog, mapahilaga, mapakanluran, mapasilangan Kahit saan tumingin, puro baha ang makikita Plastic, bote, goma ay nakakalat sa kalsada Iyan ay iyon dinadala III Kalusugan ay naapektuhan Dahil ang halaman ay hindi mapakinabangan Puno lahat ay putol na At lugmot sa putikan IV Ito ba ang iyong gusto? Ito ba ang iyong nais? Kagutoman ang malnutrisyon iyon epekto Sa maraming katao V Kalamidad dapag paghandaan Upang kalusugan ay hind maaepktuhan Dahil ito ang puhunan Para sa kinabukasan
Problemang Malnutrition
Ang buhay ng tao, ay sadyang maikli lamang, Kaya atin itong alagaan, Pagyamain at pahalagahan. Mga kalamidad na ating mararanasan Buhay ng tao ay maapektuhan Sigalut ng buhay harapin ng tunay. Gutom at malnutrisyon problema ng pamahalaan, Kaya mga magulang, anak ay pahalagahan, Batang sakitin alagaan ang katawan. Kaya masustansyang pagkain ating kainin, Ito’y nagbibigay lakas, talino at tapang
Sigalut ng buhay ay ating mapagtagumpayan
Gutom ay Labanan
Kung darating ang kalamidad, Ipagbigay alam sa taong bayan Upang ito’y kanilang mapaghadaan.
Ang mga mahihirap ang laging apektado Dahil ang bahay hindi kongkreto Kaya’t pamahalaan, pagtulungan natin ito.
Malnutrisyon at gutom ay ating paglabanan, Huwag lang iasa sa ating pamahalaan, Dahil nasa atin ang solusyon nito. Magtanim ng prutas, magtanim rin ng gulay, Alagaan ang lupa dahil buhay dito naka salalay, Maglagay ng organikong pataba dahil ito ang bagay. Nakakataba ang pagdagdag ng compost sa lupa Ito’y simple at kaya nating magawa
Dahil ang masustansyang gulay galing sa matabang lupa. Ang abonong kemikal ay nakakasira ng lupa Kulang sa sustansya, kulang din sa mineral Kaya’t papano lulusog ang mga bata
Kung ang prutas ang gulay na kinakain Ay galing sa di-masustanyang lupa. lupa. Kaya’t mga kaibigan, patabain ang lupa
Upang maging masustansya ang prutas at gulay Dahil sa pagkain nito’y nakasalalay ang ating buhay.
Malnutrisyon: Ano ang Solusyon?
Mga batang gutom Bigyan ng pagkain at maiinom Huwag silang hayaang magkasakit At sa pagkain ng gulay ay ipalapit. Ang pagkain ng gulay Gamot sa sakit na nakamamatay Problemang malnutrisyon Pagkain ng gulay at prutas ang solusyon Huwag suwayin, Pangaral ng magulang natin “ang pagkain ng gulay ang ikasasaya at ikahahaba ng iyong buhay” ang batang malusog, kung tingnan ay kalugod-lugod, kalugod-lugod, sa sakit mapapalayo, kinabukasan ay sigurado. Gutom at malnutrisyon Pagkain ng masustansyang pagkain ang solusyon Salamat kay nanay, Sa walang sawang paghain ng gulay.
Malnutrisyon” “Tanging Solusyon Para Sa Malnutrisyon”
Kumain ng gulay at prutas Para ang katawan ay lumakas Dapat nating bigyang pansin Ang mga masustansiyang pagkain Ang kalamidad ay dapat nating paghandaan At ang malnutrisyon agapan Para ang katawan ay sumigla At maging masaya sa tuwi-tuwina. Iwasan ang malnutrisyon Dahil ang pagkain ng masustansiyang pagkain ang solusyon Kaya salamat kay Nanay Na hindi nagsawa sa paghain ng gulay. Kaya mga bata Kayo ay dapat maging handa Iwasan ang pagkain ng sitserya At dapat kumain ng pagkain na nakapagpasigla. Salamat po talaga Nanay Sa magandang buhay na iyong alay At sa paghain araw-araw ng masustansiyang pagkain Kaya hindi ako maging sakitin.
Tayoy Magtutulungan Magtutulungan
Sa kalamidad dapat alerto Nagtutulugan dapat tayo Mapagbigay sa kapwa tao Maalaga din dapat tayo. Huwag ng mag-away At ang kalamidad nalang ang paghandaan Upang wala nang masaktan Sa ating gma mamamayan. Ang kahirapan ay iwasan Upang malnutrisyon ay mabawasan Dahil ang kalusugan ay kayamanan At ang kabataan ang pag-asa ng bayan. Kung tayo ay magtutulungan magtutulungan Malnutrisyon ay maaagapan Magiging malusog ang mga kabataan Upang maging maganda at masagana ang kinabukasan
Handa kana ba? Kalamidad ay laging dumadating sa atin Laging paghandaan ng maigi at pagbutihin Lalo na ang baha, baka gulay at prutas kanyang tanyagin Kawawa tayo, walang makain Tayong lahat ay magiging payat at sakitin.
Tayo’y magtanim ng mga prutas ng gulay
Upang buhay ay maging makulay Araw-arwa tayong mabubusog At ang pangangatawan ay palaging malusog.
Alam nating lahat na dahl sa kalamidad na ating nararanasan Maraming nasisirang pananim, bahay at ari-arian Na maaaring makasira sa ating kabuhayan At maapektuhan pati ang ating kalusugan.
Kumain tayo ng gulay at prutas na na mabitamina Upang pangangatawan ay sumigla’t gumanda
Hindi lang ang ating kalusugan at buhay ang gaganda Pati rin ang bansa natin gaganda at uunlad pa.
Kalamidad ito’y ating paghandaan Para maging mabuti ang ating kinabukasan At hindi masira ang ating kabahayan Ng maipagpatuloy nating ang ating kabuhayan.
Ang taong malusog, lubhang masayahin Matalas ang isip at hindi sakitin Katawa’y maganda at hindi patpatin, Pagkat alam niya ang wastong pagkain. Lusog ng katawan nasa kinakain, Ang gulay at prutas, dapat na piliin, Sa dilis at tulya, sa puso ng saging Sa lakas ng buto, titibay ang ngipin. Lilinaw ang mata, katawa’y lalaki Sa sariwang gatas, itlog ka kamote Malunggay at petsay, sa isda at karen, Ang bata’t matanda, lulusog, bubuti.
Sa ating pagkain laging tandaan Mga bitamina nitong tinataglay Sa sariwang prutas, isda saka gulay Lulusog gaganda, hahaba ng buhay.
Pag-iingat Sa bawat kalamidad Tulong mo’y kailangan Bawat mong pagdamay Bigay pag-asa sa aking buhay Sustansyang iyong bigay Nalalasap at nagpapahaba ng buhay Pagkaing masasarap ngunit may sustansyang bigay Upang bawat isa’y bibo’t masigla Tapat na pagsuyo ay inialay Upang ang sigla’y masasaiyo Pagmamahal mo ang nais ko Inay ko ikaw ang buhay ko Pagpapahalagang Pagpapahalagang alay mo Pagmamahal na ipinagkaloob mo Buhay na bigay mo Ipinagpapasalamat Ipinagpapasalamat ko sa iyo Kaya’t mga bata pakain ng gulay Ugaliin upang kataway lumakas Panlaban sa trahedyang dumating Laging ligtas ikay lalakas.
Masustansyang Pagkain
Masustansyang pagkain, laginghain Upang tayo’y malusog at hindi sakitin Gulay at prutas, sadyang kailangan natin Kaya dapat lang na ito’y ating kainin. Ikaw ba’y sakitin? Ikaw ba’y mahina? Sa panahon ngayon di yan problema Basta masustansyang pagkain, kumakain ka Lulusog ka na, malakas ka pa.
Mga karamdaman? Di yan nating kayang iwasan Kung tayo’y pabaya at walang paki-alam! Sa pagkain ng junk foods magdahan-dahan. Kaya panatilihin ang ating kalusugan Upang impeksiyon at sakit ay malabanan At upang laging masigla Ating katawan Kaya mga kaibigan, akoy pagkinggan, pagkinggan, Aking nais, kayo’y matulungan Kaya itong aral, Lagi nyong tularan.
Bumangon ka! Kahirapa’t malnutrition Suliranin ng bawat nasyon Sakiti’y di mabilang Dito sa pilipinas, gumagapang
Kalamidad ay di maiiwasan Kung kaya atin itong paghandaan Maging mapanagutan Sa panahon ng kasarinlan Ngunit sa huli tao’y nangangayayat Katamlayan at lumbay ay hindi masukat Di makuhang ngumiti man lamang Wala nang lakas, itoy nasayang Pamilyan’y nawasak, gulong-gulo na Kalamidad, katiwalian ang dala Sinong dapat sisihin, sinong dapat aamin? Mga tao bang mahirap paunawain?
Gising! Bumangon ka! Mag-iisip-isip Mag-iisip-isip ka muna bago gumawa Tao, lingunin at suriin mong isa-isa Kung sinong may sala saka ka humusga!
Gaganda ang Buhay
Prolemang kinakaharap dapat na paghadaan Maging ito’y lindol o pagbaha man Kailangan magkain at magtulungan magtulungan Una sa lahat katawan ay pangalagaan Malulusog na mamamayan Ang dapat tularan Masasamang bisyo kailangang iwasan Upang gaganda ang buhay na hiram Para sa mga walang nalalaman Tungkol sa kanilang mga kalusugan Ang ating katawan ay dapat nating pangalagaan Upang tayoy mabuhay mapagkailanman.
Aking napag-aralan sa paaralan Tamang nutrisyon lubhang kailangan; Dulot nito sa ating mga katawan Ay walang hanggang kalusugan. Wastong nutrisyon mura na, masarap pa Kaya dapat malaman na bawat isa; Mabibigyan lakas sa buong pamilya Pagkat lulusog ang bawat isa. Kapag sumasapit ang ganitong buwan, Ipinagdiriwang Ipinagdiriwang ng buong paaralan, Upang ipabatid sa mga mamamayan; Tamang nutrisyon mainam sa katawan. Tamang nutrisyon tunay na mahalaga, Kaya dapat matuto ang bawat isa, Sa pagkain nang tama, katawan ay sisigla, Malayo sa sakit at lulusog pa. Halina, halina kumain ng mura, Umasa kang katawan mo ay sisigla, Pagkaing mura at masustansya pa; Makatitipid si Ina sa pagbabadyet niya.
Tanging Solusyon Magtanim ng gulay at prutas Pinya saging at bayabas Kamatis bawang at sibuyas Upang sa sakit makaiwas. Kaya mga bata huwag kayong kumain ng chitcheria Ang dapat ninyong kainin ay mga pagkaing masustansya Sapagkat ito’y nagbibigay ng lakas at resistensya Pagkain ng gulay at prutas Ang tanging solusyon Upang maiwasan ang gutom at malnutrisyon Gutom ang malnutrisyon Dapad tuldukan Sapagkat ang mga bata’y napapabayaan Ang kanilang sarili at katawan Dapat magpasalamat kay nanay Sa araw-araw na pagkain ng gulay Sa umaga’y gatas at tinapay Sa tanghalian ay munggo at malunggay Salamat po nanay Sa magandang buhay niyong alay.
MATIBAY NA MAMAMAYAN
Pagkain ng gulay at prutas laging ugaliin Upang katawan nati’y maging masayahin
Dahil nagbibigay ito ng lakas sa ating katawan Na nagpapatibay sa ating mga mamamayan.
Gutom at malnutrisyon ay dapat agapan Sumangguni sa food pyramid na Sabayan pa ito ng wastong tulog at pahinga Siguradong ang malnutrisyon ay maiiwasan na.
Pagiging malusog ay dapat ipagpatuloy Upang mga sakit ay di makituloy Para kalamidad ay kaya nating harapin Sa daang tatahakin natin.
Nagayon man o maging sa bukas natin Para sa kinabukasang naghihintay sa atin Upang ang ating buhay ay maisaayon Para din sa ikauunlad ng ating nasyon.
KALUSUGAN: ISAALANG-ALANG
Hindi maiwasan Kalamidad dumadaan Kaya dapat ito’y paghandaan Para sa ating kaligtasan. Mga taong naapektuhan Mayaman o mahirap man Di alam kung saan ang puntahan Sa oras ng anumang kahirapan Minsan akoy napapaisip Kailan may ____________ ang pait? Nagiiyak kang batang paslit Dahil sa ____________. ____________. Nawalan sila ng tirahan Dahil sa bagyong dumaan Gutom ang naramdaman Wala pang .asisilungan Dapat huwag kaligtaan Ano mang klase ng kalamidad Ang darating sa bayang nililiyag Huwag mabahala ito’y kayang malampasan Kung ang bawat isa’y nagtutulugan
View more...
Comments