noli me tangere

August 5, 2017 | Author: Ranin, Manilac Melissa S | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

with the tauhan...

Description

TAKDANG ARALIN: 1) Isulat ang mga tauhan sa Noli me Tangere.

2) Buhay ni Jose Rizal. -Kailan at saan isinulat ang Noli me Tangere -Layunin ni gat Jose Rizal sa pagsulat

Sagot:

1. Isulat ang mga tauhan sa Noli me Tangere. •

Crisostomo Ibarra - binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo

ng

paaralan

upang

matiyak

ang

magandang

kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego. •

Elias - piloto at magsasakang tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang bayan at ang mga suliranin nito.



Kapitan Tiyago - mangangalakal na tiga-Binondo; ama-amahan ni Maria Clara.



Padre Damaso - isang kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San Diego.



Padre Salvi- kurang pumalit kay Padre Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria Clara.



Maria Clara - mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.



Pilosopong Tasyo - maalam na matandang tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.



Sisa - Isang masintahing ina na ang tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang pabaya at malupit.



Basilio at Crispin - magkapatid na anak ni Sisa; sakristan at tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.



Alperes - matalik na kaagaw ng kura sa kapangyarihan sa San Diego



Donya Victorina - babaing nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.



Donya Consolacion - napangasawa ng alperes; dating labandera na may malaswang bibig at pag-uugali.



Don Tiburcio de Espadaña - isang pilay at bungal na Kastilang napadpad sa Pilipinas sa paghahanap ng magandang kapalaran; napangasawa ni Donya Victorina.



Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng inaanak ni Padre Damaso na napili niya para mapangasawa ni Maria Clara.



Don Filipo - tinyente mayor na mahilig magbasa na Latin



Señor Nol Juan - namahala ng mga gawain sa pagpapatayo ng paaralan.



Lucas - kapatid ng taong madilaw na gumawa ng kalong ginamit sa dinatuloy na pagpatay kay Ibarra.



Tarsilo at Bruno - magkapatid na ang ama ay napatay sa palo ng mga Kastila.



Tiya Isabel - hipag ni Kapitan Tiago na tumulong sa pagpapalaki kay Maria Clara.



Donya Pia - masimbahing ina ni Maria Clara na namatay matapos na kaagad na siya'y maisilang.



Iday, Sinang, Victoria, at Andeng - mga kaibigan ni Maria Clara sa San Diego



Kapitan-Heneral - pinakamakapangyarihan sa Pilipinas; lumakad na maalisan ng pagka-ekskomunyon si Ibarra.



Don Rafael Ibarra - ama ni Crisostomo; nakainggitan nang labis ni Padre Damaso dahilan sa yaman kung kaya nataguriang erehe.



Don Saturnino - nuno ni Crisostomo; naging dahilan ng kasawian ng nuno ni Elias.



Mang Pablo - pinuno ng mga tulisan na ibig tulungan ni Elias.



Kapitan Basilio - ilan sa mga kapitan ng bayan sa San Diego Kapitan Tinong at Kapitan Valentin; ama ni Sinang



Tinyente Guevarra - isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang sinapit ng kanyang ama.



Kapitana Maria - tanging babaing makabayan na pumapanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama.



Padre Sibyla - paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.



Albino - dating seminarista na nakasama sa piknik sa lawa.

2. Buhay ni Jose Rizal. Si Dr. Jose Rizal ay halimbawa ng Pilipinong nagtaglay ng pinakamataas na uri ng kabayanihan. Si Rizal ay ipinanganak sa Calamba, Laguna noong ika-19 ng Hunyo, 1861. Siya’y nanggaling ng isang kilala at marangal na pamilya ng mga mangangalakal at may-ari ng malaking sakahan. Sa gulang ng tatlo, siya’y marunong nang bumasa, Siya’y nag-aaral sa isang pormal na paaralan sa Ateneo de Manila, kung saan siya’y patuloy na nagpamalas ng kakaibang talino’t galing. Dito rin siya natuto ng wikang Kastila, lumikha ng kanyang mga tula at sarili niyang talambuhay at dula, at natutong maglilok ng kahoy. Dahil sa hilig niya sa Medisina, siya’y nag-aral sa Unibersidad ng Santo Tomas. Siya’y lumahok sa iba’t ibang paligsahan at nanalo. Siya’y nagpasiya na tapusin ang nasimulang kurso sa Espanya. Sa Madrid, si Rizal ay nakapag-aral ng panitikan at pagiging doctor. May ilan din siyang kursong pangwika at isang asignatura hinggil sa kultura. Para sa kasanayan din sa Medisina, siya’y kumuha ng lisensya sa Facultad De San Carlos De Madrid. Nang siya’y nasa bansang Espanya, siya’y nakilahok at nakihalubilo sa ibang mga kababatang Pilipino, tulad nina Marcelo H. del Pilar,

Graciano Lopez Jaena, Antonio Luna, Juan Luna at Mariano Ponce. Sila’y patuloy na gumagawa ng mga reporma. Hinirang na pinuno si Rizal. Bagaman marunong si Rizal sa fencing at pamamaril, hindi siya gumamit ng mga sandatang ito. Ginamit niyang katuwiran at kapayapaan, ang panulat at pagbigkas. Upang matupad ang kanyang layunin, naglakbay si Jose Rizal sa maraming bansa, nagsulat siya ng maraming libro at humingi ng tulong sa mga kilalang siyentipinko at pilosopo sa Europa. Ang nagbunsod kay Dr. Jose Rizal na sumulat ng isang nobelang naglalarawan ng mga kaapihan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Kastila ay ang pagkabasa niya ng Uncle Tom’s Cabin, na isinulat ni Harriet Beecher Stowe, tungkol naman sa kawawang karanasan ng mga aliping Negro sa Amerika. Nakipagpulong siya sa isang pangkat ng mga Pilipino sa bahay ni Paterno sa Madrid at iminungkahi niya sa mga ito ang pagsulat ng nobela tungkol sa Pilipinas. Sinang-ayunan ito ng mga naroroon, sina Pedro Paterno, Maximo Paterno, Antonio Paterno, Graciano Lopez Jaena, Evaristo Agguire, Eduardo de Lete, Julio Llorente, Melecio Figueroa at Valentin Ventura. Ang nobela sana’y nasaklaw sa lahat ng aspeto ng buhay sa Pilipinas. Sa kasamaang palad hindi natuloy ang binabalak na nobela dahil walang sinulat ang mga kasama niya. Ipinasiya ng bayani na mag-isa niyang sinulat ang nobela. Sinimulan ni Rizal ang pagsulat ng Noli me Tangere nang matapos na ang taong 1884 atnaisulat niya ang kalahati nito. Itinuloy niya ang pagsulat dito sa Paris noong 1885, sa Alemanya, nang pumunta siya doon at natapos niya ang nobela sa Wilhelmsfeld noong Hunyo 1886. Dahil sa kahirapan at kakulangan ng salapi, hindi niya maipalimbag ang naisulat nang nobela. May mga sandali pa raw na naiisipan niyang itapon ito sa apoy. Sa gitna ng krisis nito, may mayamang nag-alok na gumugol sa pagpapalathala nito, ang kaibigan niyang si Dr. Maximo Viola. Para makatipid sa pagpapalimbag, binawasan ni Rizal ang nobela sa mga ilang bahagi at isang buong kabanata, “Si Elias at Salome”. Nagsimulang ipalimbag ito noong Pebrero 1887 sa Berliner Buchdruckrei-Action Gesselschaft, sa halagang tatlong-daang piso ang dalawang-libong sipi ng nobela.

Nang lumabas sa palimbangan ang Noli Me Tangere noong Marso 1887, pinadalhan kaagad ni Rizal ang mga matalik niyang kaibigang sina Ferdinand Blumentritt, Dr. Antonio Ma. Regidor, Graciano Lopez Jaena, Mariano Ponce at Felix Hidalgo. Sa liham niya kay Blumentritt, sinabi niya, “Pinadalhan kita ng isang aklat, ang aking kauna-unahang aklat bagama’t marami na akong naisulat na nakapagtamo pa ng mga gantimpala. Ito ang unang matapang at walang kinikilingang aklat tungkol sa buhay ng mga Pilipino. Mababasa ng mga Pilipino ang kasaysayan nila nitong nagdaang sampung taon. “Mapapansin mo ang pagkakaiba nito sa sinulat ng mga ibang manunulat. Ang pamahalaan at mga prayle ay tiyak na magagalit at tatanggihan ang mga nakasulat dito ngunit umaasa ako sa Diyos ng katotohanan at sa mga taong nakikitang maliwanag sa mga paghihirap ng mga Pilipino. Sana’y masagot ko ang mga maling ipararatang nila sa akin.” Sa pagganti niya sa kabutihang loob ni Viola na tumulong nga sa paglilimbag ng nobela, ipinagkaloob niya rito ang plumang ginamit niya sa pagsulat nito at ang mga pruweba ng nalimbag na Noli. Ang pamagat ng Noli me Tangere ay Latin na ang ibig sabihin ay “Huwag Mo Akong Salingin”. Sa liham ni Rizal kay Felix Hidalgo noong Marso 5, 1887 ay sinabi niyang mula sa Bibliya ang katagang ito. Sinabi ni Jesus kay Maria Magdalena nang ito’y dumalaw sa libingan niya at nakausap siya, “Huwag mo akong salingin. Hindi pa ako nakaaakyat sa aking Ama. Puntahan mo ang aking mga kasama at sabihin mong aakyat ako sa aking Ama, na iyong Ama, sa aking Diyos at iyong Diyos.

TAKDANG ARALIN SA FILIPINO III

Ipinasa ni: ♥Ms. Manilac Melissa Rañin

Ipinisa kay; ♠Mrs. Ritchie U. De los Reyes

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF