Noli Me Tangere script.docx

February 10, 2018 | Author: Clarisse Ann | Category: N/A
Share Embed Donate


Short Description

Script...

Description

I. ISANG HANDAAN (inaayos ng mga tauhan/ manggagawa ang tahanan ni Kapitan Tiyago para sa nalalapit na handaan) T. Isabel: Ano ba?! Ayus-ayusin niyo naman yang ginagawa niyo! Mga Indio! Napakadali na nga ng mga inuutos sa inyo ngunit di niyo pa rin magawa ng maayos! Indio! P. Sibyla: Isabel, tama na. hinay-hinay lang, yang puso mo! (tila natatawa) Pero maiba ako, hindi ba’t napaka-engrande nanaman nitong handaang ginawa ni Kapitan Tiyago? T. Isabel: ABA SIYEMPRE! Isa ata siya sa pinakamayaman at isa sa pinakamaimpluwensyang tao sa ating lugar. Sino ba naman ang hindi nakakakilala sa pinsan kong si Kapitan Tiyago?! ..Dahan-dahan lang sa paglipat niyan! (umalis at isinasikaso ang ibang panauhin) P. Sibyla : Ah! Padre Damaso! Hindi ba’t dalawampung taon na kayo sa bayan ng San Diego? Bakit niyo namang naisipan na iwan ang bayang iyon? P. Damaso: HARI JOSKO! Akalain niyong hindi man lamang binigyang halaga ang paglilingkod ko roon, Nang ako’y lumisan ay tila walang nakakakilala sa kin. Wala na talagang mas mangmang pa sa mga indio! II. SI CRISOSTOMO IBARRA (darating si Kapitan Tiyago kasama si Ibarra) K. Tiyago: BUENOS NOCHES MI AMIGOS! Ikinararangal ko ang ipakilala sa inyong lahat ang nag-iisang anak ng namayapa kong kaibigan. Kagagaling lamang niya sa Europa, at siya ay walang iba, kundi si G. Crisostomo Ibarra. C. Ibarra: Labis po ang aking kasiyahan na makilala kayong lahat (posing). Oh! Padre Damaso, ang dating kura sa aming bayan at kaibigan ng aking ama. P. Damaso: Tama! Ako ang dating kura ng San Diego. NGUNIT! Kahit kalian ay hindi ko naging kaibigan ang iyong ama. (napayuko si Ibarra) T. Guevarra: Ah, ikaw pala ang anak ni Don Rafael. Ang iyong ama ay napakabait at kagalang-galang na ginoo sa ating bayan. C. Ibarra: Ikinagagalak kong malaman ang ganyang bagay tungkol sa aking ama (tumalikod si Guevarra at pinuntahan ni Ibarra ang mga binibini) C. Ibarra: Kakaiba nga naman talaga ang kagandahan ng dalagang Pilipina. Mga Binibini: Nakakbilib ang iyong kasinungalingan, at tila nagmula pa ito sa Europa. -LIGHTS OFFIII. SA HAPUNAN *nakaupo ang mga panauhin sa mesa at handa nang kumain *Crisostomo: Don Tiyago, hindi po ba kayo makikisalo sa amin? *Kapitan Tiyago: Aba wag kayong titindig! Alalahanin ninyong ang handaang ito ay bilang pasasalamat sa Mahal na Birhen! ,,,,Oh, isilbi na rin ang tinola!(umalis si kapitan tiyago) *Donya Victorina: Ginoong Ibarra, pwede *Crisostomo: Hindi po ako nakakapag-salita ng Kastila roon, maliban lamang kung nasa Konsulado. *Donya Victorina: Ngunit.. Paano kayo nakikipagusap? *Crisostomo: Wika po ng bansang kinaroroonan ko ang aking ginagamit. -LIGHTS OFF*Crisostomo: Ipahintulot ninyo, aalis na ako mga ginoo. Kakarating ko lang at kailangan ko nang umalis bukas, marami pa akong tatapusin. *Kapitan Tiyago: Wag! Wag kayong umalis! Darating si Maria Clara! *Crisostomo: Daraan ako rito bukas bago umalis. May dadalawin ako ngayon na hindi ko maipagpabukas. (umalis si Crisostomo Ibarra) *Padre Damaso: Nakita niyo na?! Iyan ang epekto ng pagpapadala sa Europa! Hindi matanggap na mapagsalitaan ng kura! INDIO! -LIGHTS OFFIV. EREHE AT SUBERSIBO *Crisostomo Ibarra.. Palakad-lakad at titingin sa pader.. *Extra: Sorbetes! Sorbetes kayo jan! 3 piso isa! Sorbeteeees! *Crisostomo Ibarra: Kataka-taka! Ang instik na ito ay siya parin! Makalipas ang pitong taon, parang wala siya ipinagbago! Pangarap lang ito! Pitong taon akong nawala! *Matandang Tenyente: Mag-ingat kayo! Maging aral na sana sa inyo ang sinapit ng inyong ama! *Crisostomo: Ipagpatawad ninyo, palaga’y ko labis na napamahal ang aking ama sa inyo. Maari niyo po bang ikuwento ninyo sa akin ang mga nangyari? *Matandang Tenyente: A, hindi pa po ba ninyo alam? Siya ay namatay sa bilangguan at alam ito ng lahat. *Crisostomo: Sino ang nasa bilangguan? Sino ang namatay? SINO? ( Itututok ang spotlight kay Crisostomo.. Tututog ng pang drama ) Anong klaseng anak ako? Ni hindi ko alam ang nangyari sa aking ama.. Pinakamamahal na ama! ( Sabay luhod ) AMAAAA! *Matandang tenyente: Uhm.. Excuse me, tapos ka na ba? Di pa ko nagsisimulang magkuwento.. . Napakarangal ng dahilan. Pinaratangan siya ni Padre Damaso ng di pangungumpisal. Matagal nang hindi nangungumpisal ang iyong ama ngunit naging matalik parin silang mag-kaibigan. Kung tutuusin ay mas Banal pa siya sa mga nagpapakumpisal! *Crisostomo: Iyan ba ang dahilan? -LIGHTS OFF*Artilyero: Hoy! Magbayad ka ng buwis! *Extra: Akin na ang papel ng mapirmahan! Oh eto.. *Artilyero:Mabuti! *Extra: Makaklayas ka na! *Artilyero: Naglalakad.. *Bata: (Tinuturo sa mga kalaro at nagtatawanan ) HAHAHAHA! Tignan niyo oh! Isang kahihian para sa mga Kastila! Mangmang! *Artilyero: Anong sinabi mo?! Hinabol ang tumatakbong bata. *Mga Bata:HAHAHAHA! Ba-be-bi-BOBU! *Artilyero: Hinampas ng baston ( At ng madapa ang bata ay sinipa at tinadyakan ) *Bata: Tama na po! *Artilyero: Ang bata mo pa! Ngunit napakasama ng ugali mo! Ito ang dapat sayo! *Don Rafael: Iho! Tama na iyan! ( Hinawakan sa kamay ang artilyero ) *Artilyero: Bitawan mo ako! Wag kang pakelamero!

*Don Rafael: Tinulak ang Kastila.. Nabagok at tumama ang ulo sa bato. *Guardia Civil: Don Rafael! Kailangan mong sumama sa amin! Ikaw ang pumatay sa artilyero! *Don Rafael: Ngunit...(may makikitang libro ang mga G.Civil) *Extra ( Galing sa baba na kunwari ay audience ): Ikaw ay nagbabasa ng sulatin mula sa Madrid! Isa kang Protestante! Ikulong niyo sya!!!!! -LIGHTS OFF*Crisostomo: Napakalungkot naman ng nangyari sa aking ama. Di ko man lang siya nagawang ipagtanggol at protektahan. Anong klaseng anak ba ako!? (nagdrama ulit si Crisostomo) -LIGHTS OFF-

V. ROMANSA SA BALKONAHE (nag-aayos ng papeles si Kapitan Tiyago at darating si Maria Clara) K. Tiyago: Oh iha! Tila may sakit ka ata. Mukhang kailangan mu munang magbakasyon. Saan mo ninanais oppumunta? Sa Malabon o sa San DSiego? T. Isabel: Mas mainam siguro kung sa Malabon na lamang, hindi ba? M. Clara: Mas nanaisin ko po na sa San Diego na lamng magpunta. K. Tiyago: BUWENO! Kung doon mo nais ay kunin niyo na ang inyong mga gamit sa kumbento bukas. (may kakatok sa pinto at papasok si C. Ibarra) K. Tiyago: Ah! Ginoong Ibarra LIGHTS OFF (magbubukas ng abaniko si M. Clara) C. Ibarra: Maria Clara, maraming taon na ang nakalipas ngunit hindi pa rin kumukupas ang iyong kagandahan M. Clara: Sinungaling! (magtatakip ng abaniko) Ni minsan ay hindi mo naman ata ako naala noong naroroon ka sa Europa. C. Ibarra: Siguro ay hindi mo alam, ngunit sa bawat himig na aking napapakinggan, ang iyong napakagandang tinig lamang ang aking naalala. Kaya, paano kita malilimot? M. Clara: ako man na nasa kumbentong pitong taon, ni minsan ay hindi ka nawala sa isip ko. C. Ibarra: Naaalala mo ba ang dahon ng sambong na handog mo sa akin bago ako umalis patungong Europa? Eto nga at tinatago ko pa rin hanggang ngayon. (Ilalabas ang dahon ng sambong) M. Clara: Ako man ay may naitagong alaala mula sa’yo. Natatandaan mo ba ang liham na ibinigay mo sa akin? C. Ibarra: Ano nga pala ulit ang nilalaman ng sulat na iyon? M. Clara: Kasinungalingan! Matatamis na kasinungalingan. Tungkol ang liham na iyon sa iyong pag-alis. C. Ibarra: Isinusumpa ko na walang hindi totoo sa sulat na iyan aking sinta M. Clara: Tulad ng aking pag-ibig Crisostomo Ibarra (kinilig ang dalawang magkasintahan) C. Ibarra: Oo nga pala, may mahahalaga pa akong dapat gawin sa San Diego dahil malapit na ang undas. Dadalawin ko pa ang puntod ng aking ama. M. Clara: Eto at ialay mo ang mga bulaklak na ito sa libingan ng iyong mga magulang. Paalam, at mag-iingat ka Crisostomo. -LIGHTS OFFVI. TODOS LOS SANTOS Sepulturero 1: Ughhh! Ayoko na! Napakaselan naman nito! Sepulturero 2: Oo nga, bagung libing pa ata iyan ah! Sepulturero 1: Tingnan mo nga, may buhok pa, ang mga buto, may bahid ng mga dugo! Sepulturero 2: Hindi yan nakakatapat sa aking hinukay , dalawampung araw pa lang na patay, pinahukayna sa akin para ilipat sa sementeryo ng mga Tsino, ngunit, umuulan at walang ilaw, nahirapan ako kayaitinapon ko nalang sa ilog. Sepulturero 1: Huh? Ibig mo bang sabihin na ipinahukay ang isang tao para ilipat sana sa sementeryo ngmga makasalanan? Sepulturero 2: Oo nga, Tiyak na may malaking kasalanan ang taong iyon. Crisostomo Ibarra: (palingon-lingon sa sementeryo, nilapitan ang Sepulturero 2) Magandang gabi sainyo, may natagpuan ba kayong libingan na may Krus gawa sa kahoy? Libingan iyon ng aking ama,pinagawan ng puntod ng aking kasambahay Sepulturero 2: Ahh! (parang may natatandaan) Iyon? Krus ba ang sabi mo? Eh, pinasunog ang Krus ayon sa utos ng Pari noong ilang buwan. Crisostomo Ibarra: Ano?! Ang puntod ng ama ako, nasaan na?! Sepulturero 2: Senyor, pinahukay ng Pari ang bangkay sa libingan na sabi mo, ipinalipat sa libingan ng mga Tsino, pero, eh, hinulog ko nalang sa ilog. Kakilala niyo po sila? Crisostomo Ibarra: (hinawakang mahigpit ang braso ng Sepulturero 2, bahagyang natakot ang Sepulturero)Bingi ka ba?! Ama ko iyong hinulog mo sa sapa! Wala kang hiya! Sepulturero 2: Senyor! Huwag po ninyo akong saktan! Dito sa bayang ito, kailangan kong sundin angutos ng kura, kahit labag pa sa aking kalooban, kung hindi, baka ako din ay susunod sa libingan ng tatay mo! Crisostomo Ibarra: (pinakawalan ang braso ng Sepulturero 2) Sino? Sino ang nagpahukay ng libinganng ama ko?! Sabihin mo! Sepulturero 2: Yung pari ng bayan, eh, hindi ko na matandaan ang pangalan, parang Padre Garotte,matagal na po iyon, ilang buwan na ang nakalipas. (umalis ang mga Sepulturero, palakad-lakad si Padre Salvi,,,nilapitan agad ni Ibarra si Padre Salvi) Crisostomo Ibarra: Ikaw! Hindi ba ikaw ang Pari ng bayan! Walang hiya ka! Anong karapatan mongipahukay ang bangkay ng aking ama! Padre Salvi: Binata, Hindi kita naiintindihan, wala akong pinahukay dito! (hinawakan ni Crisostomo Ibarra ang braso ni Padre Salvi) Crisostomo Ibarra: Huwag kang magsinungaling! Nagkamali ka sa paghukay ng bangkay ng ama ko! Padre Salvi: Nagkakamali ka! Hindi ako ang nagpahukay ng bangkay ng ama mo! Ang pinalitan ko naPari, si Padre Damaso! Crisostomo Ibarra: Hindi…hindi ako makapaniwala! (pinakawalan niya ang braso ng Pari,,,umalis si Ibarra na parang galit at naguguluhan, inayos ni Padre Salvi ang kanyang sarili atumalis) -LIGHTS OFF-

VII. ANG MGA SAKRISTAN *Kumikidlat, kumukulog at walang tigil ang ulan. *Nasa kampanaryo sina Crispin at Basilio. BASILIO: Crispin! Hilahin mo na ang lubid mo. (Naglambitin si Crispin sa lubid ngunit mahina lamang ang tunog ng kampana)

CRISPIN: Kung nasa bahay tayo at kasama natin si Inay ay hindi ako matatakot! (Wala naming imik si Basilio) CRISPIN: “Kuya , sa bahay ay walang magbibintang sa akin na magnanakaw ako! Hindi papayag ang nanay . Pag nalaman nyang pinapalo nila ako ay..” (Tinugtug ni Basilio ang kampana.) CRISPIN: Ganito nalang ba tayo Kuya? Sana bukas ay magkasakit ako! Matagal na magkasakit para alagaan ako ng nanay at hindi na pabalikin sa kumbento! Para namang wala ng magsasabing magnanakaw ako! (pause) Pati ikaw Kuya! Mabuti atang sabay na tayong magkasakit! BASILIO: Aba’y Waaaag! Nahihibang kana ba? Pare-pareho tayong mamatay! Si nanay ay mamatay sa sama ng loob at tayo naman ay sa gutom! CRISPIN: Magkano nga pala ang sasahurin mo sa buwang ito, Kuya? BASILIO: Hmmmm. Dalawang piso! Tatlong beses kasi akong pinagmulata, e. CRISPIN: Kuya, bayaran mo na ang sinasabi nilang ninakaw ko para hindi na tayo tawaging magnanakaw dito! Bayaran mo na Kuya! BASILIO: Nako Crispin, tumigil ka. Ano ang pangbibili ni nanay ng pagkain? At sabi ng sakristan mayor ay dalawang onsa raw ang ninakaw mo. Ang dalawang onsa ay katumbas ng tatlumpu’t dalawang piso! Alam mo ba ‘yon? CRISPIN: Sandaan at animnapu. Isang daan at animnapu!? (ulit nya) Mas mabuti pa atang ninakaw ko nalang! BASILIO: Crispin! Ano ka ba? Naririnig mo ba ang sarili mo!? CRISPIN: Wag kang magalit Kuya! Sabi ng kura, papatayin nya ko kung hindi ko mailalabas ang pera. Kung ninakaw ko talaga e, maililitaw ko pa.. at kung papatayin man nila ako ay may pambili kayo ng nanay ng damit! (Tinugtog ulit ni Basilio ang kampana) BASILIO: Mapapagalitan ka ng nanay nung malalaman nya ito. (Bugtong hininga) CRISPIN: Gano’n ba Kuya? Sabihin mo kay inay na marami akong natanggap na palo, ipapakita ko sakanya ang mga latay ko. Pati ang bulsa ko! Wala itong laman kahapon kundi isang kwalta na naaginaldo ko noong pasko ngunit kinuha sakin ng kura. Hindi maniniwala ang nanay na nagnakaw ako! Hindi! Hindi Kuya! BASILIO: Paano kung magsumbong ang kura? (Umiiyak na si Crispin) CRISPIN: Kung ganun naman ang mangyayare ay ikaw nalang ang umuwi! Sabihin mo sa nanay na may sakit ako at hindi ako uuwi! (Habang umiiyak) BASILIO: Wag kang umiyak Crispin. Hindi maniniwala ang nanay sakanila. At saka, sabi ng matandang Tasyo ay naghanda daw ang Nanay ng masarap na pagkain sa atin? CRISPIN: (Tinignan nya ang kanyang kapatid) Masarap ba kamo? Hindi pa rin ako kumakain. Hindi daw ako pakakainin hangga’t hindi ko naisosoli ang pera. Paano kung paniwalaan sila ng nanay? Sabihin . pati ang kura! Sabuhin mo sakanya na nagsisinungaling ang sakristan mayor. Sinungaling silang lahat! (Natigilan ang dalawa nang dumating ang sakristan mayor) SAKRISTAN MAYOR: Basilio, magmumulta ka ng kalahati dahil mali ang tugtog mo sa kampana. (wika nito sa paos na tinig) Ikaw naman Crispin ay maiiwan dito hangga’t hindi mo naibabalik ang ninakaw mo! (Nagmamakaawang tinignan ni Crispin ang kapatid) BASILIO: Ngunit pinayagan na po kami! Hihintayin kami ng nanay ngayong alas-otso! SAKRISTAN MAYOR: Alas-diyes ka na uuwi Basilio! BASILIO: Pero bawal na pong maglakad sa kalye mula alas-nuwebe! Malayo pa po ang bahay namin! SAKRISTAN MAYOR: At sino ka para utusan ako? (Bulyaw ng sakristan mayor at binalingan si Crispin. Hinawakan sa kamay at anyong kakaladkarin) BASILIO: May isang linggo na po naming hindi nakikita ang nanay namin! (Pakiuasap ni Basilio at hinawakan ang kapatid na parang ipagtatanggol) *Malakas na tinampal ng sakristan mayor ang kamay ni Basilio at saka hinaltak si Crispin. CRISPIN: Kuya! Huwag mo akong iiwan! Papatayin nila ako! (Humuhiyaw sa iyak si Crispin) *Hindi pinansin ng sakristan mayor ang pag iyak ni Crispin at kinaladkad ito. *Tulalang hindi makapagsalita si Basilio. Naririnig nya ang mga palo at iyak ni Crispin. Hanggang unti unting mawala ito. BASILIO: Kailan pa kaya ako pwedeng magararo sa bukid. (Binubulong nya iyon sa sarili hanggang bumaba sa kampanaryo) *Pagbaba ni Basilio ay huminto. Narinig nyang muli si Crispin) CRISPIN: Nanay! Kuya! (Umakyat na muli si Basilio. Nagtuloy sa ikalawang palapag na natatanglawan ng isang kandila. Inakyat niya ang ikatlong palapag. Kinalas nya ang lubid sa kampana at saka nanaog na nanalalim ang mga matang walang luha. -LIGHTS OFFVIII. SI SISA Abala si Sisa sa paghahanda ng pagkain para sa mga anak. SISA: Siguro ay gutom na gutom na ang aking mga anak... alam ko na ipaghahanda ko na lamang sila ang pagkain… mga masasarap na pagkain.. tama!! At maging ang kanilang mga nais na pagkain na aking inihahain.. Biglang dumating ang lasing na si Pedro. PEDRO: Hoy Babae! Buksan mo ang pinto! Hoy!! Buksan mo to! (kinakalabog ang pinto) Pagkabukas ng pinto. PEDRO: (sinabunutan ang babae) hoy sisa! Sa susunod bilis bilisan mo ang pagkilos! Ha?! SISA: oo! Oo pedro! Pedro masakit, tama na. Itinulak ni pedro si Sisa sa sahig. PEDRO: may makakain ba dyan?! SISA: ah… eh… kasi.. PEDRO: hinawakan ng mahigpit ang baso at ipinukpok sa lamesa) sagot!! SISA: mayroon! PEDRO: Nasaan?! Bilisan mo't nagugutom na ako! SISA: Ahh.. eh.. Oo. Narito na. Kinain ni Pedro ang lahat ng pagkain. SISA: Wala nang natira? Ngunit paano'ng mga anak mo? PEDRO: Bakit?! May reklamo ka?! Ha?! (tumayo at pinatilapon ang bangko) SISA: Wala.. Wala.. PEDRO: (uminom ng tubig si pedro pagkatapos ay idinura kay sisa) pwe!! Ano ba naman itong tubig mo?! Lasang pinaghugasan ng pinggan!! (kinuha ni pedro ang pitsel at hinawakan ang bibig ni sisa) o ayan! Inumin mo!! Ano masarap?! SISA: (hinawakan ni sisa ang mga kamay ni pedro) pedro!! Tama na!

PEDRO: (hinawakan sa buhok si sisa at iningudngod sa pinggang pinagkainan) o ayan!! Sa susunod na magluluto ka! Sarap sarapan mo naman!! Ha?! (itinaas ang ulo ni sisa at hinigpitan pa lalo ang sabunot) SISA: tama na! tama na! (itinulak ni pedro ang mukha ni sisa sa pinggan) PEDRO: Teka, nasaan na ba ang mga batang iyon? SISA: na-nasa kumbento pa. Pe-pero uuwi rin sila.. Nakita ni Sisa na paalis na ang asawa. SISA: Sandali, Hindi mo ba sila hihintayin? PEDRO: Inuutusan mo ba ako?! Aalis ako kung kailan ko gusto at wag mo akong papakelaman! At umalis na nga si Pedro. SISA: Kawawang mga anak ko. Magsasaing na lamang akong ulit para may makain naman sila. Ilang minuto lamang ay dumating si Basilio. IX. SI BASILIO BASILIO: Inay! Inay! Gising pa po ba kayo? Inay! SISA: Basilio! Anak ko! Anon'ng nangyari sa'yo? Bakit ka umiiyak? Bakit ka sugatan? Diyos ko! BASILIO: Tumakas po ako sa kumbento. Takot na takot po ako. At si Crispin po.. SISA: Bakit, ano bang nangyari kay Crispin? Nasaan na siya? BASILIO: Naiwan po siya sa kumbento, Inay. Hindi po siya pwedeng umuwi dahil pinagbintangan siyang nagnakaw. SISA: Ano? Inakusahan ang mabait kong si Crispin? Dahil ba sa mahirap lang tayo, kailangan nating magdusa? BASILIO: Inay… SISA: Bakit, Basilio? Nagugutom ka? Halika ka, heto…heto ang kanin at tawilis. Kumain ka, anak ko. BASILIO: Ngunit Hindi po ako kumakain ng tawilis, Inay. (ginamot na lamang ni sisa ang sugat ng kanyang anak) SISA: Alam ko, anak. Naghanda akong ng ibang ulam kanina, ngunit dumating ang iyong ama. BASILIO: Dumating si Itay!? SISA: Oo. BASILIO: Pero umalis din siya agad, Hindi po ba? SISA: Basilio! BASILIO: Patawad po, Inay (Isinara na ni Sisa ang pinto at ang mga bintana.…Sa tabi ng kanyang ina nakatulog si Basilio.) BASILIO: (Umuungol at umiiyak dahil sa masamang panaginip) (Nagising si Sisa) SISA: Anak! Binabangungot ka Anak! Iyak ka ng iyak! BASILIO: Masamang masama ang panaginip ko, Inay! Sabihin nyo sa akin na hindi iyon mangyayari! Panaginip lamang iyon! Panaginip lang! (Wika nya habang umiiyak) (Nahiga muli si Basilio) SISA: Ano ang panaginip mo, Anak? Sabihin mo na sakin dahil hindi din ako makakatulog kung hindi mo sasabihin. (Kinulit nya ang anak) BASILIO: Wag na po kayong magalala Nanay. Napaginipan ko lamang na nasa bukid tayo, Nay. At hindi ko na maalala ang iba pa.(sinungaling) SISA: Ah. Ganun ba anak. Osige. (nag-aalala, at yinakap si basilio) BASILIO: Nanay! May binabalak po ako! SISA: Anong balak? BASILIO: Aalis na po ako sa pagsasakristan Inay! SISA: Ano? At bakit?! BASILIO: Nay, dumating na po si Crisostomo Ibarra, anak ni Don Rafael Ibarra, galling sa Espanya. Sunduin nyo po bukas si Crispin. Pakikuha nyo po ang sahod ko at sabihin ninyo sa kura na ayoko nang magsakristan. Kapag ako’y gumaling ay makikiusap ako kay Don Crisostomo na gawin akong pastol ng kanyang baka at kalabaw. Si Crispin naman ay maaaring mapag aral ni Pilosopong Tasyo. At kung magiging matagumpay ang mga balak ko ay magiging Malaya ako! Tayo Nay! Tayo! Ano po sa palagay nyo Nay? SISA: Ano pa ba ang sasabihin ko? Kundi Oo! BASILIO: Salamat po Inay.. Halika nap o, matulog nap o ulit tayo. (Malungkot at napaluha si Sisa dahil wala sa mga balak ni Basilio ang kanilang ama,, Muling nakatulog si Basilio) -LIGHTS OFFX. NAGDURUSANG MGA KALULUWA *Madaraanan ni Padre Salvi ang mga nagsimba at ng magmano ang mga ito ay hindi iniabot ng pari ang kanyang kamay. Manang1: Mano po. Manang2: May sakit ba ang kura? Sa kanyang mga mata’y mawawari ang labis na katamlayan. Manang3: Mukhang malalim ang kanyang iniisip. Manang1: Sa tingin ko ay pinagiisipan niya ang magsesermon sa pistang bayan! Sana ay si Padre Martin! Manang2: Ako mas gusto kong ang coadjutor ang kanyang mapili. Manang3: Sa aki’y kahit na sino, basta huwag lamang si Padre Damaso. Manang1 & 2: Tama! Manang 2: Tiyak na uulitin niya nanaman ang sermon tungkol sa Indulgencia Plenaria! Manang 1: Mayroon akong sampu niyan kahapon pa lamang iyon. Manang 2: Yun lang ba? Ako kasi ay may dalawampu sa nakalipas na isang oras pa lamang. : Ikaw (manang3) bakit nananahimik ka? Manang3: (animo’y nagbibilang sa daliri) Huwag kayong maingay at hindi ko na mabilang! Napakarami kasi! (Darating si Sisa at babatiin ang mga manang) Sisa: Magandang umaga po sa inyo. ito po oh, may dala akong mgaprutas at gulay. Mga Manang: (nagbubulungan) Siya ba? Oo siya nga ata yun! Siya ang ina ng dalawang sakristang magnanakaw! Mag-ingat tayo at baka tayo’y masalisihan. Oo nga, naku! Mahirap na! (Lilingon si Sisa ngunit ipagsasawalang bahala lamang ang lahat) -LIGHTS OFF-

XI. KUWENTO NG ISANG INA *Papasok si Sisa sa set, palakad-lakad, at susundan siya ng mga gwardia sibil. Guardia Sibil: Ikaw! Saan mo itinago ang pera? Sisa: Senyor! Galing lamang ako ng simbahan para kuhain ang aking anak! Ngunit wala siya roon. (Unti-unti ay nababasag na ang tinig) Wala sa aming pamilya ang perang inyong hinahanap! Hindi dahil mahirap kami, pagbibintangan niyo nalang kami ng basta-basta! (Lalapitan ng Gwardiya sibil si Sisa) Sisa: Layuan mo ako! Guardia Sibil: Ano ka chiks? Wag ka na choosy! (saglit na macho dance) Anong akala mo sa akin, estupido? Bakit ayaw mo akong palapitin? Natatakot ka bang baka mahuli kong nasasayo ang pera? Ilabas mo ang pera! (Hinawakan ng Gwardiya Sibil si Sisa sa buhok at kinaladkad. Mapapahiga si Sisa at buong pwersang itatayo ng gwardiya sibil kahit na nanghihina saka niya sinampal at pinalo) Sisa: Senyor! Aray! Diyos ko, maawa ka! Araaaaaaay! Hindi magnanakaw ang anak ko! Aray! (May naglalakad na mga tao, pasulyap-sulyap sa insidente, nahuhubad na ang sirang damit ni Sisa) Gwardiya Sibil: Hmph, (itinapon si Sisa sa Lupa) hindi bale, buhay ang kapalit sa pagnanakaw ng anak mo! Umalis ka, hampas lupang magnanakaw! Sisa: (napatingin nalang sa Gwardiya Sibil, humahagulgol) Buhay?! Crispin! Anak ko! Crispiiiin! Anak ko! Senyor, tulungan mo ako, huwag mo hayaang may mangyaring masama sa kanya. Parang awa mo na! Gwardiya Sibil: Sige, at ano ang kapalit? Sisa: Kahit na ano po ang inyong hilingin senyor! Basta't walang mangyayaring masama kay Crispiiiiiiiiiiin! -LIGHTS OFF(Itatapon ng Gwardiya Sibil si Sisa sa sahig) Sisa: Senyor, sana ay tuparin mo ang ating kasunduan! Gwardiya Sibil: Ha? Isa kang hunghang! Ha-Ha-Ha! Wala sa akin ang iyong anak! Hindi kita matutulungan! (Aalis ang Gwardiya Sibil. (backstage ang daan habang tumatawa ng napakalakas) Sisa: (Pupunta sa, sasayaw ng crumping, tatawa) Nakita mo ba si Crispin? Hahahaha! Si Crispin! at si Basilio! -LIGHTS OFFXII. DILIM AT LIWANAG *Tatlong araw at tatlong gabi bago ang pista. EXTRA: Darating daw si Maria Clara at ang tiya nitong si Tiya Isabel?! EXTRA: Oo! Napakaganda nya! Isa syang anghel! Gustong gusto ko sya! (Dumating din naman si Don Crisostomo Ibarrra na sakay ng karwahe at huminto sa harap ng bahay ni Maria Clara)(Nag usap na din ang dalawa-Ibarra at Maria Clara) C. IBARRA: Maria Clara, Bago sumikat ang araw bukas ay matutupad na ang iyong mga panagarap. Ihahanda ko ang lahat ng iyong kailangan ngayong gabi. MARIA CLARA: Gagawa ako ng sulat para sa mga kaibigan ko para makadalo sila. Gumawa ka ng paraan para hindi makapunta ang kura. C. IBARRA: Bakit naman? MARIA CLARA: Lagi nya akong binabantayan! Naiilang ako sa kanyang mga tingin! Parang malalim at malungkot ang kanyang mga mata. Kinikilabutan ako! Kapag kinakausap nya ako ay nakakapagduda ang kanyang tinig! At para syang baliw! Naloloko! Kung anu-ano kasi ang pinagsasabi nya sakin. Wag na wag mo syang iimbitahin! C. IBARRA: Hindi pwedeng hindi natin sya imbitahin. Kaugalian na nating mag aya at maganda naman ang pakikitungo nya sa akin. (Napalingon ang dalawa ng may marinig na yabag, nakita nila ang kura na paparating at may pilit na ngiti) PADRE SALVI: Malamig ang hangin! Baka sipunin kayo! Hindi ba kayo natatakot? (Nanginginig ang tinig ng pari-nagseselos) C. IBARRA: Wag po kayong magalala ginoo. Para sa amin ay masaya ang gabing ito at masarap ang simoy ng hangin. Ngayon ang mga buwan ng taglagas at tagsibol dito sa amin. Malalagas ang mga dahon ngunit sisibol ang mga bulaklak. (Nagbuntong hininga si Padre Salvi) PADRE SALVI: Nga pala Ibarra. Makikisaya at makikisalo ka ba sa dadating na pista ng San Diego? C. IBARRA: Aba’y Oo naman! Hindi ko maaring malagpasan ang kasiyahan ng aking mga kababayan. (wika ni Ibarra na may ngiti sa labi) C. IBARRA: Napag usapan lang din naman natin ang pista ay pwede ka ba naming maimbita bukas Padre? Isang pagsasaya ang idadaos naming bukas kasama ang iba pa naming kaibigan. PADRE SALVI: Saan ninyo gagawin? C. IBARRA: Ang gusto po ng mga dalaga ay sa batisan sa gubat. Malapit sa punong baliti. Maaga kaming gigising para hindi maabutan ng init ng araw. (Nag isip muna ang pari bago sumagot) PADRE SALVI: Mukhang magiging masaya ang imbitasyon nyo. Para mapatunayan kong wala akong sama ng loob ay dadalo ako. C. IBARRA: Salamat! Inaasahan kong makakapunta kayo bukas! Oh sya, Mauuna na ako at malalim na ang gabi. Paalam. (Habang naglalakad si Ibarra ay may lumapit sakanya) C. IBARRA: Sino po ba kayo? PEDRO: Maaring hindi ninyo po ako kilala. Ngunit dalawang araw ko na kayong hinihintay. C. IBARRA: Bakit ho? PEDRO: Ang sabi nila ay walang sinuman ang maawa sakin sapagkat isa akong masamang tao! Pero, Pero nawawala po ang aking mga anak.. (napahinto sya saglit) At ang asawa ko ay naabaliw. Ito raw ang dapat sa akin. *Tinignang mabuti ni Ibarra ang kausap C. IBARRA: Eh ano naman po ang pakay nyo sa akin? PEDRO: Gusto ko sanang humingi ng tulong para sa aking asawa at mga anak. C. IBARRA: Nagmamadali ako. Kung gusto mo ay ikwento mo sa akin ang lahat habang naglalakad tayo. -LIGHTS OFFXIII. PANGINGISDA AT SA GUBAT (namamangka ang mga magkakibigan at ang “PILOTO” na kasama sa pagsasalu-salong inihanda ni Crisostomo Ibarra) Leon: Mga binata, takpan ninyong mabuti ang mga butas sa bangkang ito ah.

Sinang: Ano?! may butas ang bangkang ito?! (natakot at humawak/yumakap kay leon) ….. Maria Clara: Ibarra, ang lamig naman 6ilot sa sapa ano? Ang linis at ganda pa! Crisostomo Ibarra: Ha, sa tingin ko, ang puso mo’y ‘sing linis ng tubig ditto, at para sa akin ay wala pa ring mas gaganda pa sa iyo. Maria Clara: (tinapik si 6iloti)Ikaw talaga Crisostomo. (napalingon siya kay Elias) Maria Clara: Senyor, baka gusto po ninyo ng pan de sal, eto, para sa iyo (inabot ang isang tinapay kay Elias) Elias: Salamat. (masayang tinitignan ng mga binata’t dalaga ang kapaligiran, ngunit bigla silang napatigil dahil..) Elias: BUWAYA!!!! (Napayakap si Maria Clara kay Ibarra habang sisigaw, lumabas ang isang buwaya (props) sa tubig.) Crisostomo Ibarra: Maria! (kinuha ni Elias ang sagwan at pinalo-palo ang buwaya, nang malapit na makagat si Elias, kumuha si Crisostomo Ibarra ng kutsilyo at sinaksak ang buwaya hanggang sa “mamatay” ito) Elias: Senyor, Iniligtas ninyo ang buhay ko! Ako nga 6ilotin si Elias. (pagbaba ng mga bina’t dalaga mula sa Bangka, lumingon sa kaliwa’t kanan si Elias, at biglang tumakbo) Crisostomo Ibarra: Elias! (palakad na sina Ibarra at Maria Clara sa handaan, iiba ang setting, mawawala na ang 6iloti, papasok ang mga “bisita” tulad ng mga tenyente at Padre Salvi at mayroong lamesa na puno ng pagkain) Crisostomo Ibarra: Ako’y nasiyahan sa pagpunta ninyo rito sa aking mumunting pagsalu-salo, sana kayo din ay masisiyahan! (habang ang mga binata ay kumakain, ang mga dalaga ay naligo sa isang maliit na batis, habang naglalaro ang mga dalaga sa tubig, ay pinagmasdan sila ni Padre Salvi… Biglang may dumating na mga Guardia Sibil) Guardia Sibil: Nasaan ang 6iloting si Elias? Ayon sa mga kababayan, ay pinayuhan ni Don Crisostomo Ibarra na mamangka si Elias para sa kanya. Crisostomo Ibarra: Oo, totoo nga yun, bakit? Guardia Sibil: Ipinaghahanap siya ng pamahalaan, nasaan na si Elias? Crisostomo Ibarra: Wala na siya rito, hindi ko na siya napigilang umalis ng gubat. Guardia Sibil: Hmmm…salamat.(umalis ang mga Guardia Sibil) (biglang dumating si Sisa na parang baliw) Sisa: Crispin! Wala na, pati si Basilio! Hindi ko na naabutan sa bahay! Crispin! Basilio! Crispin! Basilio! (umikot-ikot si sisa sa lamesa. tinignan siya ng mga tao, nandidiri ngunit naawa. Nang Makita ni Sisa ang tenyente ay bigla siyang sumigaw at tumakbo) Crisostomo Ibarra: (lumingon sa direksyon kung saan tumakbo si Sisa) Huwag! Bumalik ka rito! Tutulungan kita!.. Naku, hindi ko naabutan…kawawang ina. (Tumayo na ang mga bisita, namaalam at umalis ) -LIGHTS OFFXIV. SA BAHAY NG PANTAS C. Ibarra: Magandang araw Don Anastacio! P. Tasyo: Ahh! Kayo pala Senor Ibarra! C. Ibarra: (tinignan ang pinagkaka-abalahan ni P. Tasyo) hindi ko alam na gumagawa pala kayo ng heroglipiko. Ngunit, bakit? P. Tasyo: Ang mga tao/mamamayan ng mga susunod na henerasyon lamang ang makakaintindi ng mga ito sapagkat sila ay higit na matalino, at malamang pag nabasa nila ang mga ito, ay masasabi na lamang nila ni hindi pala natutulog ang lahat sa gabi sa panahan ng kanilang/ating mga ninuno. Ngunit maiba ako, ano pala ang maipaglilingkod ko sa inyo? C. Ibarra: Tungkol po kasi sa pagpapatayo ko ng academia,,, Nais ko lang malaman kung sino ang mga taong dapat kong lapitan ukol sa aking balak. P. Tasyo: Aba! Ang kura, ang kapitan ng bayan, at ang iba pang mga makapangyarihan dapat ang iyong lapitan. Ngunit, ngayon pa lang ay sinasabi ko na sa iyo na ang mga taong iyon ay magbibigay sa iyo ng mga masasamang payo at kung hindi man, ay tututol na man sa iyong mga kagustuhan. Kaya, sundin mo na lamang kunwari ang kanilang mga payo at ipakita sa kanila na ang iyong ginagawa ay ayon sa kanilang mga ninananis. C. Ibarra: Ngunit! Ang katotohanan ay hindi na dapat balutan ng kasinungalingan upang magtyagumpay! At, naniniwala ako, na ako’y tutulungan ng bayan at pamahalaan. P. Tasyo: Ang gobyerno ay kasangkapan lamang ng simbahan! Ito ay matatag sapagkat nakasandig ito sa pader ng kumbento at ito ay kusang babagsak sa sandaling iwan ito ng simbahan, at ang mga mamamayan naman ay hindi dumadaing sa nagaganap na pang-aapi C. Ibarra: Kasiyahan kong maituturing ang dipagdaing ng bayan. P. Tasyo: Pipi ang bayan kaya hindi ito dumaraing. Katunayan, darating ang araw na magliliwanag ang kadiliman at ang mga tinimping

XIV. ANG SERMON *Binuksan ni Padre Damaso ang isang aklat. Padre Damaso: (Itinaas ang kamay at tinuro ang mga tao, habang nagsesermon, kailangan ay magalaw ang kamay) Makinig kayo ng taimtim, dahil ang salita ng Panginoon ay nasa aking pagsesermon! *Magtitinginan ang mga tao sa isa’t-isa. Padre Damaso: Kayong mga makasalanan, pasalamat kayong lahat na nandito kaming mga kura upang ipatawad ang inyong mga kasalanan! Mga nagsisimba: Amen! Padre Damaso: Isapuso ninyo lahat ng kawanggawa ni San Diego de Alcala, isapuso ninyo ang banal na kasulatan! *Huminto si Padre Damaso, inilapit ang ulo sa sakristan na nasa tabi niya. Magbubulong ang sakristan. Padre Damaso: At mangamba kayong mga lahi ng erehe! Yaong mga hindi nagsisi, yaong mga hindi humihingi ng patawad sa simbahan, may parusa kayong habang buhay! *Huminto si Padre Damaso, inilapit na naman ang ulo sa sakristan at nagbulong muli ang sakristan. *Mag-iinat ang ilan habang ang iba nama'y naghihikab. Padre Damaso: Kayong mga nagmamarunong, nagpupumilit mag-aral sa ibang bansa, paparusahan kayo sa inyong pagmamataas! Hindi iyan ikinatutuwa ng ating Panginoon! *Luluhod ang lahat at pagtapos ay tatayo, Palabas na si Ibarra ng lapitan siya ni Elias, nakaalis na si Maria Clara. Elias: Sa seremonya ng pagbabasbas ay huwag na huwag kang aalis sa tabi ng paring iyan! (tuturo kay Padre Damaso) Huwag ka ring bababa sa hukay! At lalong huwag na huwag kang magtatangka na lumapit sa panulok na bato! Tandaan mo ang lahat ng aking paalala sapagkat doon nakasalalay ang iyong buhay! Mag-iingat ka! -LIGHTS OFF-

XV. ANG PANGHUGOS Maraming tao sa paligid dahil ito ang araw ng pagbabaon ng panulukang-bato ng bahay paaralan na itatayo ni Ibarra. GOBERNADOR: Señor Ibarra, ikaw naman ang maglagay ng palitada sa ibabaw ng bato. IBARRA: Ikasisiya ko po, gobernador. Lumapit si Ibarra sa malaking bato upang ilagay ang palitada. IMBENTOR: Isang maling galaw mo lang, tiyak patay ka. Elias: Señor! Itinulak ni Elias ang imbentor kaya ito ang natamaan ng malaking bato at ito'y namatay. Nagulat ang lahat sa kanilang nakita. IBARRA: sino yun? Elias? ELIAS: Mag-iingat kayo, Señor. Hindi lamang ito ang maaaring mangyari sa inyo. Saka ko na lamang sasabihin sa inyo ang lahat. Tumakbo palayo si elias. IBARRA: Sandali lag Elias anong nangyari sa taong ito?! Elias! TAUHAN: Muntik na kayong mapatay ng taong iyan! GOBERNADOR: Ngunit siya rin ang nabiktima sa masama niyang balak. IBARRA: Kung gano'n, ako na lamang ang magpapalibing sa kanya. TAUHAN: Paumanhin Señor Ibarra, ngunit Hindi ba't pinagtangkaan niya ang inyong buhay? E, muntik na nga kayong mamatay kanina. IBARRA: Oo nga, ngunit... siya ang nasawi. Paano pa natin siya paparusahan kung patay na siya? Ang diyos na lamang ang bahala sa kanya. -LIGHTS OFFXVI. ANG PANANGHALIAN Sa isang malaking hapag, nananghali sina Crisostomo, Maria Clara at ang ibang mga panauhin. Biglang dumating si Padre Damaso at binati siya ng lahat maliban kay Ibarra. IBARRA: Mahal ko, nagustuhan mo ba ang pagkakagawa ng itinayo kong paaralan? MARIA CLARA: Siyempre naman, mahal ko. GOBERNADOR: may mga binabanggit si ginoong Ibarra tungkol sa mga nakatulong sa kanyang proyekto at ang tungkol sa arkitektura nito. Sa kabilang bahagi ng hapagkainan nagdadabog ang galit na kura. DAMASO: wala akong alam sa arkitektura arkitektura na iyan! Mga ulol na arkitekto at mga kumukuha sa kanila! Tignan niyo na lamang ang simbahan ako ang gumuhit ng plano at maayos itong napatayo. Wala ba kayong mga utak para gumuhit ka-simple simpleng plano?! GOBERNADOR: Ngunit padre, maraming uri ng gusali na kinakailangan ng maraming pag-aaral maraming karunungan. Karunungan sa…” hindi na natapos ng gobernandor ang kanyang ibig ipahiwatig. DAMASO: Karunungan ba kamo O kamangmangan?! Isang bobo lamang ang nangangailangan ng kaalaman dahil isa siyang mangmang at walang alam! E magtayo ka nga lang ng apat na dingding at lagyan mo ng bubong paaralan na! akala niya’y magaling na siya?! Hindi man lamang niya ko binati sa aking pagdating?! Talagang tumaas na ang tingin niya sa kangyang sarili! Nakapunta lamang siya sa Europa at nakapag aral duon, aba'y akalain mong sino kung umasta! galit na galit na si Ibarra kay padre damaso. MARIA CLARA: 'Wag mo na lamang pansinin ang kanyang sinasabi, mahal ko. IBARRA: Kung alam mo lamang kung gaano ako nagtitimpi sa kurang iyan. DAMASO: Katulad lamang siya ng kayang ama! Akalain mong isang desente ngunit Hindi rin marunong gumalang sa batas ng simbahan. Buti’t dito sa lupa, ang ama ng ulupong na iyan ay naparusahan at namatay na lang ng ganun ganun sa kulungan.. Ha! Ha! Ha! IBARRA: Patawarin mo ako Maria Clara, pero Hindi ko na ito matitiis pa! DAMASO: ... tama lamang na siya'y pinarusahan na mamatay sa kulungan at… Hindi na natuloy ni Padre Damaso ang kanyang sasabihin dahil sinunggaban siya ni Ibarra na hawak-hawak ang isang patalim. IBARRA: Hahayaan ko kayong insultuhin ako ngunit 'wag na 'wag ninyong babastusin ang alaala ng aking ama! Dahil wala kang karapatang husgahan at paratangan ang aking ama ng kung ano ano! Isa pang parungit mo tungkol sa aking ama ay itatarak ko ang kutsilyong ito sa lalamunan mo! MGA KASAMBAHAY: Maghunos-dili ka Ibarra. Alagad ng Diyos ang kinakalaban mo! IBARRA: Alagad ng Diyos? Paano n'yo nasabing siya'y alagad ng Diyos? Alagad ng diyos na ang bibig ay puno ng kabanalan at pananamapalataya! Ngunit ang puso ang umaapaw sa kasakiman at kasamaan! Ang taong ito ang naghatid sa aking ama sa kabiguan, na naging dahilan ng kanyang pagkamatay. At ngayon, nagawa pa niyang bastusin ang alala ng aking ama. Ganito ba ang gawain ng isang alagad ng Diyos? MARIA CLARA: Tama na! Crisostomo! Pakiusap… alang-alang man lamang sa akin, wag mong saktan si Padre Damaso. Binitawan ni Ibarra ang takot na si Padre Damaso. IBARRA: Maria Clara, (niyakap si maria clara at tinitigan sa mata) kung Hindi lamang kita mahal, baka nakita n'yo na umaagos na ang dugo ng kurang ito. Paalam na muna Maria Clara. Umalis si Ibarra at iniwang umiiyak si Maria Clara. Maria Clara: Crisostomo! -LIGHTS OFFXVII. SI DONYA CONSOLACION Narininig ni Donya Consolacion si Sisa na umaawit kaya ipanatawag niya ito sa mga guardia civil. CONSOLACION: Mga guardia civil! Mga Guardia civil! GUARDIA CIVIL: Bakit po Señora? CONSOLACION: Sino iyang kumakanta? GUARDIA CIVIL: Siya po, ang baliw. CONSOLACION: Dalhin n'yo siya rito sa aking harapan! Magmadali! GUARDIA CIVIL: Masusunod po, Señora. Kinuha ng mga guardia civil ang baliw na si Sisa. GUARDIA CIVIL: Narito na po siya, Señora. CONSOLACION: Sabihin niyo sa kanyang kumanta siya! GUARDIA CIVIL: Hoy Baliw! kumanta ka raw sabi n aming Señora! kanta na! kanta na! At umawit naman si Sisa. CONSOLACION: Magaling! Mahusay! Mahusay kang kumanta! Mga guardia civil, maaari na kayong umalis.

GUARDIA CIVIL: Opo, Señora. Umalis ang mga guardia civil. CONSOLACION: bilis bilisan niyo naman! Ambabagal, Tonta! CONSOLACION: Hoy Baliw! SISA: Baliw? Sinong baliw? Ha! Ha! Ha! Baliw! CONSOLACION: Sumayaw ka sa aking harapan! SISA: Sumayaw? CONSOLACION: oo estupida! Gayahin mo ako. Parang ganito! Sumayaw ang donya. SISA: Ha! Ha! Ha! Sumasayaw ang matandang baliw! CONSOLACION: Hoy baliw ang kapal ng mukha mo! Hindi ako ang baliw! Ikaw! SISA: Ako? Ako ang baliw? Ha! Ha! Ha! Ako ang baliw! CONSOLACION: Oo, Ikaw nga! At inuutusan kitang sumayaw na parang ganito! SISA: Ayoko, Ayokong sumayaw! Baliw lang ang sumasayaw katulod mo. Ha! Ha! Ha! CONSOLACION: aba’y ayaw mo talagang sumunod sa aking pinag-uutos ha?! Pinalo ni Donya Consolacion si Sisa gamit ang isang latigo. CONSOLACION: Sabi nang ikaw ang baliw! Baliw ka talaga! Baliw! Baliw! (pinalo ng latigoang baliw) SISA: Aray! Biglang dumating ang Alperes at inawat ang donya. ALPERES: Consolacion! Ano nanaman ba itong pinaggagagawa mo?! CONSOLACION: Bitiwan mo nga ako! Tuturuan ko ng leksyon ang baliw na 'yan! ayaw na ngang sumunod sa aking pinapagawa aba’y pinaratangan pa akong baliw?! ALPERES: Tumigil ka nga! Hindi ka na naawa. May sira ka na rin talaga, ano? Baliw ka na rin ata eh? CONSOLACION: Hoy! Para sabihin ko sayo hindi.. hindi na natpaos ng donya ang kanyang sasabihin dahil biglang nagsalita si Sisa. SISA: Dugo? Dugo?! Basilio? Crispin? Ang mga anak ko! Nasaan na kayo?! Mga anak! Dugo! Ha! Ha! Ha! ALPERES: Mga Guardia Civil! Bihisan n'yo at gamutin ang babaeng ito. Bukas ay ihatid n'yo siya sa tahanan ni Crisostomo Ibarra. SISA: (habang hawak n siya ng mga guardia civil) mga anak ko! Nandito na si nanay! Ha! Ha! Ha! Bitawan niyo ko! (nagsisisigaw si sisa) Ahhh!!! Ahhh!! Tama na ayoko na!! ahhh!! CONSOLACION: Baliw! -LIGHTS OFFXVIII. ANG MAG-ASAWANG DE ESPADANA Sa tahanan nila Kapitan Tiyago ay dumating ang mag-asawang de Espadaña kasama ang isang binatang Kastilang nagngangalang Alfonso Linares upang alamin ang kalagayan ng may sakit na si Maria Clara. TIYAGO: O Doña Victorina, kayo pala. Tuloy kayo. VICTORINA: Magandang araw, Kapitan Tiyago at Isabel. TIYAGO: Mukhang may kasama yata kayoVICTORINA: Ahh oo-ALFONSO: Magandang araw po, ako nga po pala si Alfonso Linares. TIYAGO: Magandang araw rin sa iyo, iho. TIBURCIO: Kumusta na ang kalagayan ni Maria Clara? ISABEL: Wala pa rin pong pagbabago, Don Tiburcio. Nagtungo sila sa silid ni Maria Clara. TIBURCIO: Iha, kumusta na ang iyong pakiramdam? MARIA CLARA: Sumasakit pa rin po ang aking ulo, doktor. ALFONSO: Doña Victorina, siya po ba si Maria Clara? VICTORINA: Oo, Alfonso. ALFONSO: Tunay nga po talagang napakaganda niya. Biglang dumating ang matabang kura na si Padre Damaso. TIYAGO: Magandang araw po, Padre Damaso. DAMASO: Nasaan na siya? TIYAGO: Nagpapahinga po siya sa kanyang silid. Nagtatakbong tumungo si Padre Damaso. DAMASO: Maria Clara! MARIA CLARA: Padre Damaso...salamat po sa pagbisita ninyo. DAMASO: Labis akong nag-alaala sa iyo, iha. Magpagaling ka kaagad. MARIA CLARA: Opo. DAMASO: O sige iha, magpahinga ka muna. MARIA CLARA: Opo, padre. Lumabas si Padre Damaso sa silid ni Maria Clara at pumunta sa sala. VICTORINA: Padre Damaso. DAMASO: Victorina, sino iyang kasama mo? VICTORINA: Ang totoo niyan ay kanina ko pa po siya gustong ipakilala sa inyo, padre. Siya po si Alfonso Linares, ang inaanak ng inyong bayaw. DAMASO: Inaanak ng aking bayaw? Ikaw na nga ba ang inaanak ni Carlicos? ALFONSO: Opo, ako na nga po, padre. DAMASO: Ano'ng saya ko't sa wakas ay nakita na kita, iho. ALFONSO: Ako rin po, padre. Matagal ko na po kayong gusto makilala. VICTORINA: Nandirito po siya upang maghanap ng mapapangasawa, padre. DAMASO: Ng mapapangasawa? Madali lamang iyan...maghintay ka lamang, iho. -LIGHTS OFF-

XIX. ANG DALAWANG SENYORA Naglalakad na magkahawak-kamay ang mag-asawang de Espadaña kasama si Linares hanggang sa napadaan sila sa tahanan ni Doña Consolacion. CONSOLACION: Pwe! Ano ba naman 'yan! Ang papangit naman ng mga dumadaan! VICTORINA: Hoy! babae, kami ba ang pinariringgan mo?! CONSOLACION: malamang, aba’y sino pa ba ang pangit rito?! (tinignan si donya victorina mula paa hanggang ulo) VICTORINA: hoy consolacion! Siguro’y na-iinggit ka lamang sa kagandahang taglay ko! mag-tungo ka na lamang sa bahay ko at labhan mo ang aking mga damit babayaran pa kita ng malaki! Labandera! CONSOLACION: ako maiingit sayo? Nagpapatawa ka ba? Ha! Ha! Ha! At ano'ng sinabi mo? Labandera? Gusto mo labhan ko 'yang kulot mong buhok? Baka naman gusto mo plantiyahin ko pa? VICTORINA: Hoy matandang mangkukulam, kung makapagsalita ka, akala mo kung sino kang maganda?! E napaka pangit mo naman. Bumaba ka rito at dito tayo mag utos baboy! Bumaba si Doña Consolacion at Tiyempo namang dumating ang alperes. CONSOLACION: (humarap malapit sa mukha ni donya victorina) hoy babaeng kulot isa kang salot! Ang kapal ng mukha mo! Aba’y sino ka ba? Kung sa iyong paningin ay kagandahan ka na? e sa kulot mong buhok mukha ka ng aso! Ha! Ha! Ha! VICTORINA: (humarap din malapit sa mukha ni donya consolacion) hoy labandera! Akala mo hindi ko alam ang iyong kuwento? Nakapangasawa lang eh akala mo’y taga Europa na?! eh yang kolorete nga sa mukha mo eh mukha ka ng mangkukulam! Isa kang hukluban! Matandang baboy! naasar na si Donya Consolacion at sinunggaban si victorina sa kanyang buhok at nagsimula na silang magsabunutan. ALPERES: Pwede bang tumigil na kayong dalawa, para kayong mga bata! ayaw pa ring paawat ng dalawa ALPERES: Pinagtitinginan na kayo ng mga tao! Ayaw niyo pang tumigil?! TIBURCIO: ta-tama na yan! Tu-tumigi-gil na ka-kayong da-dalawa! nahinto na ang kanilang sabunutan ng kumalas na si victorina. VICTORINA: Alperes, pagsabihan mo iyang asawa mong mukhang mangkukulam! Napaka walang modo! ALPERES: Kung Hindi ka lang isang babae… VICTORINA: o, ano?! Ano?! Sasaktan mo ko?! ALPERES: aba’y sinusubukan mo… (d na natuloy ng alperes ang kanyang sasabihin ng nagsalita na si tiburcio) TIBURCIO: Ta-ta-tayo na Vi-victori-rina, wa-wala tayong mapa-papala sa ma-mga iyan. CONSOLACION: Ang kapal ng mukha mo, pilay na pekeng manggagamot! Pilantod! Umalis na ang mag asawang de Espadaña. VICTORINA: Tiburcio, bakit Hindi mo man lamang hinamon ang mayabang na alperes na 'yon?! TIBRUCIO: Mukha ba akong may laban sa kanya? -LIGHTS OFFVICTORINA: Luluwas tayong Maynila at haharap sa Kapitan Heneral TIBURCIO: Ngunit.. Ako’y Pilay Victorina: (itutulak si tiburcio at tatdyakan) Linares… Linares… Hamunin mo sa isang duwelo ang alperes na iyon Linares: Ano po ba ang nang yari Victorina: Ako’y kanyang hinamak. Luluwas kami ngayon sa maynila upang makausap ang Kapitan Heneral Linares: Ngunit.. Paano ako? Victorina: Kapag hindi mo ginawa, ibubunyag k okay Padre Damaso ang totoo mong pagkatao Linares: Donya, parang awa mo na, wag.. (lalabas sa pinto at biglang ibabalibag) -LIGHTS OFFXX. ANG KASAYSAYAN NI ELIAS Elias: Anim na pung taon ang nakakaraan nang maglingkod ang aking nuno sa bahay ng isang mangangalakal na kastila. Isang gabi, nasunog ang bahay. Elias: Ang sunog ay nakatupok ng malaking halaga. Hinanap ang may sala at ang aking nuno ang siyang isinakdal. Babae: (umiiyak) Hahanap tayo ng paraan asawa ko, upang mapawalang sala ka. Kukuha tayo ng magaling na abogado at— Nuno: (hinawakan ang kamay ng asawa) Saan tayo kukuha ng pera? Mahirap lamang tayo, walang maipambayad. Babae: Ngunit… Nuno: (umiling) Wala na tayong magagawa. (close curtain) Elias: Nagkasakit siya at nang gumaling ay namundok sila. Nanganak ang babae ngunit namatay ang sanggol. Ilang buwang lumipas, nagbigti siya nang hindi na niya matiis ang kanyang kasawian. Babae: (napatakip sa bibig nang makita ang asawa na nakalambitin at patay na) Asawa ko! Elias: Ilang buwan din ay nanganak ng sanggol na lalaki ang asawa. Ang panganay na anak ay tinawag na Balat na kilalang kilabot. Ang ina ay nakilala sa tawag na Delingkuwente at napalo. Ang bunso dahil sa mabait ay tinawag lamang na anak ng ina. Isang araw, nakita ng anak ang ina na patay na. Sinundan niya ang mga mata nito at nakita nito ang pugot na ulo ng kanyang kapatid. -close curtainElias: Tumakas siya at napadpad sa Tayabas. Umibig siya sa anak ng isang mayaman. Nabuntis ang babae at nanganak ng kambal ngunit agad rin siyang binawian ng buhay. At isa sa kambal na iyon ay ako. Masaya kaming namuhay ng aking kapatid at siya’y ikakasal na sana ngunit nalaman ang tunay na pagkatao ng aking ama. Iniwan ng lalaki ang aking kapatid at nagpakasal sa iba. Nakilala namin ang aming ama ngunit siya’y namatay rin. Naging malungkot ang aking kapatid at nawala. Anim na buwang lumipas, natagpuan siyang patay. At ako ay nagpagala-gala na. Elias: Limutin niyo na ako at huwag pansinin saan mang lugar magtagpo. Linares: (sa sarili) Ano ang aking gagawin? Bakit ba naman kasi ako nagsinungaling! Ano na lang ang sasabihin ni Maria ‘pag nalaman niya ang sekreto ko? XXI-XXII. ANG KASAL NI MARIA CLARA at TUGISAN SA LAWA MGA MANANG (EXTRA): (pinaguusapan ang pagkakahuli kay Ibarra at ang kasalang magaganap sa pagitan nina Ma. Clara at Alfonso Linares) (Nagtungo si Ma. Clara sa Asotea ) TIYA ISABEL: Saan ka pupunta? MARIA CLARA: Saglit lang po ako! (at kumaripas sa tabing-ilog) (May biglang lumundag sa asotea habang nakatalikod si Maria Clara)

MARIA CLARA: Crisostomo…? IBARRA: Oo maria Clara. Ako ito. (hahawakan ang kamay ni M. Clara) Isang kaaway/kalaban na dapat ay lubusang nagagalit sa inyo ngayon ang tumulong sa aking makatakas, at siya ay si Elias. Minamahal kong Maria Clara, sumumpa ako sa bangkay ng aking mga magulang, siguro’y ika’y hindi tumupad dito, ngunit ako, na katangi-tanging anak nila, ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, kapalit man nito ay ang aking buhay. Marahil ay hindi na natin makikita ang isa’t-isa, ngunit, nais kong sabihin sa iyo, na pinapatawad na kita, at hinahangad ko ang iyong kaligayahan. Paalam aking mahal. MARIA CLARA: Saglit/ Sandali! Tungkol sa sulat, dinggin mo ako’t hatulan. Akin nang alam kung sino ang aking tunay na ama. Siya ay si Padre Damaso (kidlat) IBARRA: Isa kang banal na anak. (yakap) MARIA CLARA: Masaya ako at ako’y iyong pinaniwalaan. Maraming salamat(yakap ng mas mahigpit) IBARRA: Paalam Maria Clara MARIA CLARA: Paalam Mahal ko (KISS!!!!) -LIGHTS OFFELIAS: Ayoko sana umepal, pero kailangan na nating umalis ‘pagkat ang sibil ay paparating na dito! -LIGHTS ONIBARRA: Wala na tayong oras pa! Paalam na, Maria Clara... Tandaan mo sana na ang pag-ibig ko sayo ay higit pa sa pagmamahal ni Daniel kay Katarina sa WALANG HANGGAN. *Umalis na si Ibarra at napaiyak na lamang si Maria Clara. IBARRA: Elias, ang epal mo kanina!Pero saan nga ba tayo tutungo? ELIAS: Sa isang kaibigan ko sa Mandaluyong, Señor. IBARRA: At pagkatapos? ELIAS: Mamumuhay po kayo nang tahimik sa ibang bansa. IBARRA: Ako lamang? Bakit hindi mo ako samahan at magturingan tayong parang magkapatid? ELIAS: Para saan pa? IBARRA: Para makabawi ako sa kasalanan ng aking mga ninuno sa inyong pamilya at upang mapalitan ko ang lahat ng tulong mo. ELIAS: Lubhang mas mabilis ang pagsagwan ng sibil kaysa sa’tin, magtago ka sa damuhan! Baka mahuli ka nila! ELIAS: Marunong po ba kayong sumagwan? IBARRA: Oo. ELIAS: Iligtas ninyo ang inyong sarili…ililigaw ko sila. IBARRA: ‘Huwag Elias, labanan natin sila— ELIAS: Magkita tayo sa Noche Buena sa tabi ng puntod ng inyong lolo. *tatalon si Elias at sa tuwing siya’y lilitaw, makatatanggap siya ng mga putok. Nabahisan ng kanyang dugo ang ilog. -LIGHTS OFFXXIII. NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO *Nawalan ng halaga ang patung-patong mamahaling mga regalo para sa kasal nina Maria Clara at Alfonso Linares. *Nakatulala si Maria Clara dahil sa nakita niyang balita sa pahayagan. MARIA CLARA: Hindi maaari! (Paluha nya itong sinabi) *Biglang dumating si Padre Damaso at tinakpan ang mga mata ni Maria Clara. PADRE DAMASO: Sino ako? Hulaan mo kung sino ako! *Napatayo si Maria Clara sa kinauupuan nya. PADRE DAMASO: Natakot ka no? hindi mo akalaing ako to! Bweno, nanggaling ako sa probinsya upang makarating sa kasal mo. (Masaya syang nakangiti at lumapit sa dalaga at iniiabot nya ang kanyang kamay upang pahalikan) *Sinunod naman ito ni Maria Clara. PADRE DAMASO: Ano ang nangyayari SAYO Maria? Nanlalamig ka! May sakit ka ba? (Nilambing nya si Maria Clara) PADRE DAMASO: Wala ka na bang tiwala sa akin? Sa iyong Ninong? Halika, umupo ka ditto sa aking tabi at sabihin mo sa akin ang iyong problema. Lagi kitang mahal. Kailanman ay hindi ako nagalit sayo. (Wika nya sa malumanay at magiliw na paraan) *Napaluha si Maria Clara. PADRE DAMASO: Bakit ka umiiyak, Anak? Magkaaway ba kayo ni Alfonso? *Nagtakip ng dalawang tainga si Maria Clara. MARIA CLARA: Wag mop o syang banggitin sa akin! Wag ngayon! PADRE DAMASO: Anak, huwag kang umiyak ng ganyan, ako’y nasasaktan. Hindi ako sanay na nakikita kang ganyan. *Lumuhod si Maria Clara sa pari at nag angat ng mukhang may lumuluhang mata. MARIA CLARA: Mahal pa ba nya ako? PADRE DAMASO: Anak! MARIA CLARA: Kung ganun ay iligtas mo ang aking ama. Wag nyong ituloy ang kasal.. Kung hindi ay magpapakamatay ako! *Hindi makapaniwala si Padre Damaso sa kanyang narinig) MARIA CLARA: Habang buhay si Crisostomo. Kaya kong magtiis, umasa, at magtiwala! Gusto kong mabuhay para sakanya. Pero ngayon, patay na siya! Wala ng dahilan para mabuhay ako! (sinabi nya ito ng hindi lumuluha) PADRE DAMASO: Naloloka kana ba anak? Mas mabuti si Linares kaysa kay… MARIA CLARA: Kung buhay sya ay magpapakasal ako! Kaya kong magtiis! Pero ngayong patay na sya ay mabuti nang mamatay na muna ako bago magpakasal. PADRE DAMASO: Mahal na mahal mo ba sya? *Hindi sumagot si Maria clara. *Napayuko si Padre damaso at nanahimik. PADRE DAMASO: Anak ko. Patawarin mo ako, dahil sakin ay maluungkot ka. Inisip ko lang naman ang iyong kinabukasan, eh. Gusto kong magiging maayos ang iyong pamumuhay kapag ikaw ay isa ng ganap na ina at butihing asawa. Mahal kita. Minamahal kita at sinasamba na parang tunay na kitang anak. *Parang batang umiyak si Damaso. MARIA CLARA: Kung mahal ninyo talaga ako, wag ninyong hahayaang maging malungkot ako habang buhay. Ibig ko sanang magmongha. *Sinapo ng Pari ang kanyang noo.

PADRE DAMASO: Magmongha! Magmongha! Mas malulungkot ka sa loob ng monastery! Hindi moa lam kung ano ang pinapasok mo. Wag kang magmomongha. Alam kong unti unti mong malilimutan si Crisostomo at mamahalin mo din si Linares. MARIA CLARA: Ang monasteryo ang kamatayan? PADRE DAMASO: Ang monasteryo ang kamatayan!? Matanda na ako Maria. Hindi ko na kakayaning pangalagaan ka pati na rin ang iyong kasiyahan. Humiling ka na lamang ng iba! MARIA CLARA: Ang monasteryo o ang kamatayan. PADRE DAMASO: Diyos ko! Diyos ko! Parusahan niyo na lang ako! Wag lang ang aking anak! (sinabi nya iyan ng pabulong) *Humagulgol ang pari habang takip ng kanyang kamay ang mga mata *Hinarap nyang muli si Maria Clara. PADRE DAMASO: Talaga bang gusto mong magmongha? Oh sige, hindi ako makapapayag na mamatay ka. *Lumuhod si Maria Clara at hinawakan ang kamay ng pari. MARIA CLARA: Ninong! Ninong! *Umalis na si Padre Damaso. Sya ay malungkot. -LIGHTS OFFXXIV. NOCHE BUENA *Sa lilim ng punong kahoy ay gumagawa ang lolo ng walis na yari sa sasa. DALAWANG APONG LALAKI: (Kumakanta habang nagtatahip ng bigas) ISANG DALAGA: (Naglalagay ng mga gulay sa isang basket) BASILIO AT ISANG BATANG BABAE: (Naglalaro) BATANG BABAE: Kapag magaling na ang paa mo ay makakapaglaro na tayo! At makakasama kita sa tuktok ng bundok. *Malungkot na ngumiti si Basilio at tinignan ang sugat sa kanyang paa. LOLO: Ipagbili mo ang walis na ito. At bilhan mo ng tsinelas ang kapatid mo. Noche Buena na. (Sinabi nya ito sa dalaga) BATANG LALAKI: Rebentador! Gusto ko ng rebentador! BATANG BABAE: Gusto ko ng ulo ng manika! LOLO: Ikaw naman? Ano ang gusto mo para sa Pasko? (Tanong nya kay Basilio) *Nahihirapang tumayo si Basilio at lumapit sa matanda. BASILIO: Lolo? Mahigit isang buwan na po ba akong may sakit? Diyos na po ang bahala sa inyo. Mahirap lang po kami. Pasko na! Gusto ko ng Makita ang kapatid at nanay ko! LOLO: Ngunit anak, Hindi ka pa masyadong magaling. BASILIO: Hindi po bale lolo. Paniguradong malungkot sila ngayon dahil hindi kami kumpleto. Umiiyak na siguro ang nanay kakahanap sa akin. LOLO: Hindi ka makakarating sa bayan ng buhay! Manok at litsong baboy ang ulam naming mamayang gabi. Hahanapin ka ng mga anak ko para sa hapunan ha? BASILIO: Marami po kayong anak. Dalawa lang kamin anak ng nanay ko. Siguro ay akala nya na patay na ako. Gusto kong lumigaya ngayong gabi. Bibigyan ko sya ng aginaldo. *Napaluha ang matanda at ipinatong ang kamay sa ulo ni Basilio LOLO: Para ka nang isang matanda kung magsalita. Hanapin mo na ang iyong ina. BATANG LALAKI: Ano? Aalis ka ba? May mga sundalo at tulisan doon. Ayaw mo bang marinig ang putok ng rebentador ko? BATANG BABAE: Ayaw mo bang maglaro ng taguan? Masaya iyon! *Ngumiti si Basilio at naluluha habang nagpapaalam. BASILIO: Babalik ako agad at isasama ko ang kapatid ko para may kalaro kayo. Parehong pareho kami. BATANG BABAE: Pilay din ba sya? LOLO: Wag kang makakalimot ha? Eto, dalhan mo ng tapang baboy-ramo ang nanay mo. DALAWANG BATA: Dadalawin ka naming pag nagpunta kami sa bayan! *Noche Buena na subalit malungkot padin ang bayan. KAPITAN BASILIO: Masuwerte ka! Biro nyong mapawalang sala kayo sa panahon pa naman ito? (Wika nya kay Don filipo) *Isang babae ang tumanaw sa bintana. DON FILIPO: Sisa! (Humarap sya kay K. Basilio at nagtanong) DON FILIPO: Siya ay ginagamot ng mga doktor. Hindi ba? Hindi pa ba sya magaling? (Mapait na ngumiti si K. Basilio) KAPITAN BASILIO: Natakot ang doktor na malaman ng taong bayan na kaibigan sya ni Crisostomo Ibarra kaya’t pinalayas sya nito. Baliw na nga talaga sya, sira ang ulo! Pero hindi sya nananakit, sa gubat sya nakatira. DON FILIPO: Ano pa ang mga nangyari ditto ng wala kami? Balita ko may bago na tayong kura at guardia civil. KAP. BASILIO: Teribleng talaga! Ang mga tao ditto sa San Diego ay pasama nang pasama! Noong araw pagtapos ninyong makulong ay nakitang nakasabit at wala ng buhay ang sakristan mayor sa kisame sa bahay niyon. Dinamdam ni Padre Salvi ang nangyari kaya’t nagbalot sya ng kanyang mga papeles. Namatay din ang pantas na si Pilosopo Tasyo. Sya ay nakalibing sa sementeryo ng mga Intsik. DON FILIPO: Kaawa awing Don Anastacio. (napabugtong hininga sya) Pano ang kanyang mga aklat? KAP. BASILIO: Sinunog ang mga ito! Kahindik hindik. *Pareho silang nawalan ng kibo. *Papilay pilay na nagdaan si Basilio. Nagtungo sya sa plasa at narinig ang awit ng ina. *Nilunok ni Basilio ang kanyang luha. Ngunit hindi nya mahanap ang kanyang ina. *Nagpunta si Sisa sa bahay ng Tenyente at bagong guardia civil. SISA: (Umaawit) *Natanaw ni Basilio ang kanyang ina ngunit natatakot syang lumapit dito. *May babaeng nagutos sa tauhan na papanikin si Sisa BABAE: Papanikin mo ang baliw na yan! SUNDALO: Masusunod po. * Nang Makita ni Sisa na paparating na ang sundalo ay tumakbo sya ng mabilis. *Hinabol naman ni Basilio ang Ina BASILIO: Inay! Inay! Sandali!

*Binato ni Sisa si Basilio ng bato habang tumatakbo. BASILIO: Inay! Huminto muna kayo! Parang awa nyo na! *Patuloy padin dila sa pagtakbo. BASILIO: Inay! Si Basilio ako! Inay! *Ilang beses ding nadapa si Basilio ngunit hinabol padin nya ang kanyang ina. *Pumasok si Sisa sa isang bahay. Tinangka naming buksan ito ni Basilio ngunit hindi nya makayang buksan ito. BASILIO: (Habang tinutulak ang pinto) Inay! Ako ang iyong anak! Si Basilio! Hindi nyo ba ako nakikilal?! (Unti unti syang napalugmok sa lupa. *Niyakap ni Basilio ang ina. Ngunit walang kamalay malay si Sisa. SISA: (Nakita nya ang nagdudugong noo ng bata. Tinignan nya ito sa mga mata) SISA: AHHHHHHHHHH! (Tumili at napalugmok sya sa bata) *Walang kilos ang mag ina. Ng matauhan ay Niyugyog ni Basilio ang kanyang ina. *Namatay na nga si Sisa. -LIGHTS OFF-

KABANATA:

I. ISANG HANDAAN II. SI CRISOSTOMO IBARRA III. SA HAPUNAN IV. EREHE AT SUBERSIBO V. ROMANSA SA BALKONAHE VI. TODOS LOS SANTOS VII. ANG MGA SAKRISTAN VIII. SI SISA IX. SI BASILIO X. NAGDURUSANG MGA KALULUWA XI. KUWENTO NG ISANG INA XII. DILIM AT LIWANAG XIII. PANGINGISDA AT SA GUBAT XIV. ANG SERMON XV. ANG PANGHUGOS XVI. ANG PANANGHALIAN XVII. SI DONYA CONSOLACION XVIII. ANG MAG-ASAWANG DE ESPADANA XIX. ANG DALAWANG SENYORA XX. ANG KASAYSAYAN NI ELIAS XXI-XXII. ANG KASAL NI MARIA CLARA at TUGISAN SA LAWA XXIII. NAGPALIWANAG SI PADRE DAMASO XXIV. NOCHE BUENA

View more...

Comments

Copyright ©2017 KUPDF Inc.
SUPPORT KUPDF