Noli Me Tangere Quizzes Per Kabanata (30-51)
February 7, 2017 | Author: lac118 | Category: N/A
Short Description
Download Noli Me Tangere Quizzes Per Kabanata (30-51)...
Description
NOLI ME TANGERE QUIZZES – KABANATA 30-51 CHAPTER 30 – SA KUMBENTO Modified True or False. ________________1.Ang magbibigay ng sermon sa misa ay si Padre Damaso. ________________2.Maraming tao ang dumalo sa misa kaya naman siksikan at tulakan ang mga taong nasa loob ng simbahan. ________________3.Tatlong daang piso ang ibinayad ng taong-bayan para sa iisang misa. ________________4.Si Ibarra ay nakaupo sa upuan ng mga makapangyarihang tao. ________________5. Si Kapitan Tiago ay nakaupo kasama ng mga pangkaraniwang tao. ________________6.Habang hinihintay ang alkalde ay may mga taong naiidlip na sa pagkakatulog. ________________7.Tiningnan ni Padre Damaso si Ibarra na nagpapahiwatig na kasama siya sa kanyang sermon. ________________8.Ang lahat ng pari ay nais na mabasa ang kanilang daliri ng agua bendita. ________________9.Maraming taong nagtutulakan at nagsisiksikan sa loob ng simbahan. ________________10.Masayang tiningnan ni Padre Damaso si Padre Salvi habang iginagala niya ang kanyang paningin. CHAPTER 31 – ANG SERMON Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1) Bakit napalunok si Padre Manuel Martin nang simulan ni Padre Damaso ang sermon? a) Dahil masakit ang kanyang lalamunan sa ginawang misa nang nagdaang araw b) Sapagkat nangangamba siya na baka magkamali si Padre Damaso sa kanyang ibibigay na sermon c) Dahil mas mahusay ang ginawang panimula ni Padre Damaso kaysa sa kanya d) Sapagkat napamangha siya sa dami ng taong dumalo sa misa 2) Ano ang dalawang bahagi ng sermon ni Padre Damaso? a) Ang unang bahagi ay sa wikang Tagalog at ang ikalawa ay sa wikang Kastila.
b) Ang unang bahagi ay sa wikang Kastila at ang ikalawa ay sa wikang Tagalog.
c) Ang unang bahagi ng sermon ay binatay sa Lumang Tipan ang ikalawa naman ay binatay sa Bagong Tipan.
d) Ang unang bahagi ng sermon ay para sa mga Kastila at ang ikalawa ay para sa mga Pilipino.
3) Ano ang tawag sa pambungad na bahagi ng sermon na ginawa ni
4)
5)
6)
7)
8)
Padre Damaso? a) Misa cantada b) Exordio c) Himno d) Salmo Sa halip magdasal si Padre Damaso, ano ang kanyang ginawa? a) Nagalit sa isang babaing nagsisigaw b) Kumain ng minatamis at uminom ng alak c) Umakyat sa pulpito upang masdan ang mga tao d) Kinagalitan niya ang prayleng nagdikta ng sermon Bakit hindi naghanda si Padre Damaso sa ikalawang bahagi ng kanyang sermon? a) Nagkulang ang kanyang oras sa paghahanda b) Dahil mahusay na siyang bumigkas ng wikang Tagalog c) Dahil ipinalagay niyang walang alam sa pagbigkas ang mga Pilipinong nakatira sa lalawigan d) Dahil alam naman niya ang kanyang sasabihin na nauukol sa mga Pilipino at Kastila Bakit nakatulog si Kapitan Tiago habang nagsesermon si Padre Damaso? a) Siya ay nagnilay-nilay hanggang sa nakatulog b) Napuyat kasi siya sa nagdaang pista ng San Diego c) Mahaba ang sermon ng pari kaya siya nakatulog d) Napakain siya nang marami kaya hindi maiwasang makatulog Ano ang ginawa ni Hermana Pule nang napayukayok sa kanya ang isang lalaking natutulog? a) Hinampas ng abaniko ang lalaki b) Siniko ang kamay ng lalaki para magising c) Kinagalitan at sinigawan niya ang lalaki d) Tinulak ang lalaki sa kinauupuan nito Ayon kay Padre Damaso, ano ang dapat gawin ng mga tao sa mga excomulgado?
a) Iwasan sila at huwag tularan b) Itakwil dahil sila ay makasalanan c) Dapat silang ikulong sa loob ng bilangguan d) Parusahan sila at ipatapon sa malayong lugar 9) Ano ang ginawang hudyat ni Padre Salvi para matigil na ang pagsesermon ni Padre Damaso? a) Kinawayan niya ang pari b) Pinatunog niya ang kuliling c) Sinenyasan niya si Padre Damaso na tumigil na sa pagsasalita d) Inutusan niya na huminto na ang prayle sa pagdidikta ng sermon 10) May lumapit kay Ibarra at ito si Elias. Ano ang ipinayo niya kay Ibarra? a) Iwasang lumapit kay Maria Clara b) Iwasang mapalapit sa batong ihuhugos c) Huwag ituloy ang pagtatayo ng paaralan d) Huwag imbitahin ang kura sa paglalagay ng unang bato CHAPTER 32 – ANG PANGHAGOS Punan ang patlang ng wastong sagot. Pilosopo Tasyo Panghugos Juan Palomo
taong madilaw Padre Salvi Padre Damaso
Elias Alkalde Guro Eskribano
Kahang kristal Ibarra
1. Ang __________________ ay ginagamit upang itaas at ibaba ang
2.
3.
4. 5.
mabibigat na bagay at gagamitin sa paglalagay ng unang bato sa paaralan. Ang lahat ng mga bagay na nagpapakita ng alaala ng nakaraan tulad ng medalya, pahayagan, kasulatan, salaping ginto, at iba pa ay ilalagay sa __________________. Ang __________________ ang nangasiwa sa paghahanda ng mga masasarap na pagkain kasama ang kanyang mag-aaral na tumulong sa kanya. Si __________________ ang sumusubaybay sa kilos ng taong madilaw. Ang nagbasbas ng paglalagay ng unang bato ay si __________________.
(i)
6. Ang __________________ ang nagpupumilit na ilagay ni Ibarra ang kaha sa uka.
7. Tumanggi si Ibarra na ilagay ang kaha sa uka dahil ayon sa kanya ayaw niyang agawan ng tungkulin ang __________________.
8. Tumanggi si Ibarra na maglagay ng kutsara ng palitada dahil ayaw niyang matulad kay __________________ sapagkat siya na ang naghanda siya pa rin ang kakain. 9. Namatay ang __________________ dahil sa pagguho ng panghugos. 10. Matapos maganap ang trahedya, sinabi ni __________________ na ito ay hindi magandang simulain. CHAPTER 33 – KALAYAAN NG ISIPAN Tama o Mali. _____1. Hindi inaasahan ni Ibarra ang pagdating ni Elias sa kanyang tahanan. _____2. Pinuntahan ni Elias si Ibarra upang muling umutang ng loob sa binata. _____3. Nakiusap si Elias kay Ibarra na huwag sabihin sa pamahalaan ang kanyang ibinulong kay Ibarra sa simbahan kung sakaling mag-imbestiga ang pamahalaan sa nangyari sa paghuhugos. _____4. Ayon kay Elias, si Ibarra ay may mga kaaway. _____5. Ayon kay Elias, hindi dapat magtiwala si Ibarra sa lahat at mag-ingat upang maging ligtas. _____6. Nalaman ni Elias na may balak na masama ang taong namatay sa paghuhugos nang makita niya itong kausap ng isang taong hindi kilala na nawala sa karamihan ng tao. _____7. Nanghinayang si Elias sa pagkamatay ng taong namahala sa paghuhugos. _____8. Sa pag-uusap nina Ibarra at Elias, nahiwagaan ang huli sa pagkatao ng una. _____9. Hindi kinikilala ni Ibarra ang katarungan ng tao at hindi rin niya kinikilala ang karapatan ng tao na humatol sa kanyang kapwa. _____10.Sinabi ni Elias kay Ibarra na kailangan niyang mag-ingat para sa kapakanan ng bayan. CHAPTER 34 – ANG NANGYARI SA TANGHALIAN
Kilalanin kung sino ang tinutukoy sa bawat bilang. A. B. C. D. E. F. G. H. I. J. K. L. M.
Alkalde Alperes Eskribano Don Rafael Ibarra Kapitan Heneral Maria Clara Padre Damaso Padre Manuel Martin Padre Salvi Uldog Tiya Isabel
_____1. _____2.
Darating at tutuloy sa tahan ni Kapitan Tiyago Tumanggap din ng telegrama mula sa Kapitan Heneral bukod kay Kapitan Tiyago, sa alkalde, at kapitan _____3. Nag-iingat ng mga rekord, kasulatan, at gumaganap ng mga karaniwang gawain sa hukuman, batasan, at iba pa _____4. Tinutukoy na mabunying tagasermon ng isang kawani _____5. Isang paring Agustino _____6. Humanga sa galing ng pag-uugnay-ugnay ng pangungusap ni Padre Damaso sa kanyang sermon _____7. Tinukoy ni Padre Damaso na nakapagpatayo ng isang pagamutan na mura ngunit maganda _____8. Tinukoy ni Padre Damaso na namatay sa bilangguan _____9. Pinaringgan ni Padre Damaso _____10. Namagitan at nakapigil sa pag-aaway nina Ibarra at Padre Damaso CHAPTER 35 – PALA-PALAGAY Tukuyin kung kaninong palagay ang nakalahad. ________________1. “Mahirap magsabi kung sino ang nasa katwiran ngunit sana ay nagtimpi pa nang kaunti si Ginoong Ibarra.” ________________2. “Si Padre Damaso sana ang dapat na nagtimpi. Kanina, ang matanda ay nag-asal bata ay kung
sino pa ang bata ay siya pa ang nag-uugaling matanda.” ________________3. “Matutuwa pa ako kung ipagtatanggol ng aking mga anak ang alaala ng kanilang magulang.” ________________4. “Hindi ko bibigyan ng aking bendisyon ang aking anak kung isang araw ay marinig niyang hinahamak ang namatay kong asawa at wala siyang ginawa.” ________________5. “Kung sa akin mangyari iyan, hindi ko masabi kung ano ang aking gagawin.” Tama o Mali. _____1. Kumalat sa bayan ang balitang namatay si Padre Damaso. _____2. Si Padre Damaso ay nakipagsuntukan sa isang indiyong lumabas sa sakristiya habang siya ay nagsesermon. _____3. Ang bawat makarinig sa nangyari sa pagitan nina Padre Damaso at Ibarra ay hindi makapaniwala at hindi mapigilan ang magbigay ng sariling palagay. _____4. Sa liwasan, sa ilalim ng malaking tolda, pinag-usapan ng kapitan, nina Don Filipo at Kapitan Martin ang nangyari kay Ibarra at Padre Damaso. _____5. Ayon sa usap-usapan, ang paaralang ipinatatayo sana ni Ibarra ay hindi na matutuloy. CHAPTER 36 – SULIRANIN Punan ang patlang ng tamang kasagutan. ________________1. Katulong ni Tiya Isabel sa pag-alo kay Maria Clara ________________2. Iminungkahi ni TIya Isabel na kanilang susulatan upang maalis ang excomunion ni Ibarra ________________3. Nag-utos kay Kapitan TIyago na sirain ang kasunduan na ipakasal si Maria Clara kay Ibarra ________________4. Nagsabing higit siyang sawimpalad kay Maria Clara ________________5. Dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago at nais makaharap si Maria Clara ________________6. Lugar kung saan ipinatawag si Kapitan Tiyago habang abala siya sa pagdating ng Kapitan Heneral
________________7. ________________8. ________________9. ________________10.
Ang nangyari kay Padre Damaso nang makaaway niya si Ibarra, ayon kay Tiya Isabel Halaga ng pagkakautang ni Kapitan Tiyago kay Ibarra Lugar na pinanggalingan ng binatang kamag-anak ni Padre Damaso, ayon kay Kapitan Tiyago Ang tinugtog sa tahanan ni Kapitan Tiyago nang dumating ang Kapitan Heneral
CHAPTER 37 – ANG KAPITAN HENERAL Ayusin ang mga pangyayari ayon sa wastong pagkakasunud-sunod. Isulat ang 1-10. _____a. Ipinaalam ni Padre Salvi sa Kapitan Heneral na si Ibarra ay isang excomulgado. _____b. Sinabi ng Kapitan Heneral sa kagawad na nais niyang makausap si Ibarra. _____c. Nag-usap ang Kapitan Heneral at si Ibarra. _____d. Isa-isang umalis ang mga prayle na may sama ng loob sa Heneral. _____e. Nagprisinta ang Kapitan Heneral kay Kapitan Tiyago na maging padrino sa kasal nina Ibarra at Maria Clara _____f. Pumasok sa silid ng Kapitan Heneral sina Kapitan Tiyago at Maria Clara. _____g. Ipinagbilin ng Kapitan Heneral si Ibarra sa alkalde. _____h. Pinuntahan ni Ibarra si Maria Clara. _____i. Pinapasok ng kagawad ng mga naghihintay na mga Kastila, mga militar, mga prayle, at mga may katungkulan sa bayan sa silid ng Kapitan Heneral. _____j. Kinausap ng Kapitan Heneral ang isang binatang tagaMaynila na nakaaway ni Padre Damaso. CHAPTER 38 – ANG PRUSISYON Tama o Mali. _____1. Inanyayahan ni Kapitan Tiyago ang Heneral kasama ang alkalde, ang alperes, at si Ibarra na manood ng prusisyon sa tapat ng kanyang bahay.
_____2. Nais ni Ibarra na manood ng prusisyon sa bahay ni Kapitan Tiyago kasama si Maria Clara. Ang prusisyon ay pinangungunahan ng mga agwasil at kasunod ng mga batang mag-aaral at guro. _____4. Ang mga umaalis o napapahiwalay sa hanay sa prusisyon ay pinapalo. _____5. Sa mga santong ipinuprusisyon, nauuna si San Juan Bautista na nasa napakagarang karo na nagliliwanag dahil sa mga ilaw at parol na bubog. _____6. Si San Diego de Alcala ay ang pintakasi ng San Diego. _____7. Isang batang babaeng may pakpak ang magarang bumigkas ng papuri sa tapat ng bahay ng kapitan. _____8. Sa pagdaan ng prusisyon sa tapat ng bahay ni Kapitan Tiyago, umawit ng Ave Maria si Maria Clara at nakaramdam ng panlulumo si Ibarra. _____9. Si Padre Salvi ay nagalak nang marinig ang pag-awit ni Maria Clara sa prusisyon. _____10.Niyaya ng Heneral si Ibarra na saluhan siya sa pagkain upang mapag-usapan nila sina Basilio at Crispin. _____3.
CHAPTER 39 – DOÑA CONSOLACION Isulat sa patlang ang wastong sagot. ________________1. Hanapbuhay ni Doña Consolacion bago niya napangasawa ang alperes ________________2. Katungkulan ng alperes bilang sundalo bago niya napangasawa si Doña Consolacion ________________3. Salitang pinag-awayan nina Doña Consolacion at ng alperes sa unang araw nila bilang mag-asawa ________________4. Ang ipinagawa ni Doña Consolacion kay Sisa na hindi nito ginawa kaya siya nagalit ________________5. Ang ginamit na pamalo ni Doña Consolacion kay Sisa Tama o Mali. _____1. Tanging ang bahay ng alperes ang nakasara ang bintana habang dumadaan ang prusisyon. _____2. Si Doña Consolacion ay maganda, kaakit-akit, at may kilos na parang reyna kaya kinaiinggitan ni Maria Clara.
_____3. Si Sisa ay ibinilanggo dahil sa paratang na nanggugulo siya sa prusisyon.
_____4. Si Doña Consolacion ay bihasa sa wikang Kastila. _____5. Ayon sa alperes, si Sisa ay ihahatid kinabukasan sa bahay ni Ibarra. CHAPTER 40 – ANG KARAPATAN AT ANG LAKAS Pagsunud-sunurin ang mga pangyayari. Isulat ang bilang 1-15. _____a. Dumating si Ibarra nang patapos na ang yugto ng palabas. _____b. Pinakiusapan ni Don Filipo si Ibarra na mamagitan at humingi naman ng tulong ang binata kay Elias. _____c. Hinadlangan sila ni Don Filipo kasama ang mga kuwadrilyero. _____d. Napansin ni Don Filipo ang pulutong ng mga tao na tila may binabalak na masama kaya nilapitan at pinakiusapan niya ang mga ito ngunit walang nangyari. _____e. Ang mga tao ay nagtungo sa liwasan upang saksihan ang pagtatanghal ng dula. _____f. Pagkatapos ng pagtatanghal ng unang bahagi ng dula, dalawang sibil ang humabol sa mga musiko upang pigilin ang palabas. _____g. Dumating si Maria Clara at ang kanyang mga kaibigan at sinalubong sila nina Don Filipo at Pilosopo Tasyo at inihatid sa kani-kanilang upuan kasunod si Padre Salvi, isang Pransiskano at ilang Kastila. _____h. Samantala, si Padre Salvi ay nakasilip sa kanyang bintana at nakatanaw sa liwasan nang dumating ang isang utusan at ibinalita sa kanya ang pangyayari. _____i. Umalis si Padre Salvi kasama ang paring Pransiskano. _____j. Lumapit ang dalawang sibil kay Don Filipo at sinabing hindi makatulog ang alperes at ang kanyang asawa kaya pinatitigil ang palabas ngunit hindi siya pumayag. _____k. Si Don Filipo na nangasiwa ng palabas ay nakapag-usap kay Pilosopo Tasyo. _____l. Nagpaalam si Ibarra kina Maria Clara ngunit nangakong babalik. _____m. Dumating si Ibarra at hinanap si Maria Clara. _____n. Kinausap ni Padre Salvi si Don Filipo.
_____o. Nagkaroon ng bulung-bulungan at may nagsabi kay Ibarra na sila ay mga kakampi niya. CHAPTER 41 – DALAWANG PANAUHIN Tama o Mali. _____1. Si Ibarra ay nasa kanyang laboratoryo nang dumating si Elias. _____2. Ayon kay Elias, siya ay tutungo sa lalawigan ng Bataan. _____3. Ibinalita ni Ibarra kay Elias na may sakit si Maria Clara. _____4. Tinanong ni Ibarra si Elias kung paano niya napigil ang kaguluhan sa dulaan. _____5. Si Lucas ay may malaking peklat sa kanang pisngi. _____6. Kapatid ni Elias si Lucas. _____7. Tinanong ni Lucas si Ibarra kung magkano ang kanyang ibabayad sa pamilya ng kanyang kapatid. _____8. Nasiyahan si Ibarra sa pag-uusap nila ni Lucas. _____9. Ayon kay Ibarra, bumalik na lamang si Lucas sa hapon dahil siya ay nagmamadali at dadalaw sa isang maysakit. _____10.Si Lucas ay anak ng lalaking ipinabilad sa araw ng lolo ni Ibarra. CHAPTER 42 – ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA Salungguhitan ang salitang nagpapamali sa pangungusap at isulat ang tamang sagot sa patlang. ________________1. Ayon kay Tiya Isabel, higit na mainam magbigay ng limos sa krus sa Matahong na lumalaki. ________________2. Ang binatang kasama ng mag-asawang de Espadaña ay kamag-anak ni Kapitan TIyago. ________________3. Si Doña Victorina ay apatnapu at limang taong gulang na ngunit ipinamamalita niyang siya ay tatlumpu at limang taong gulang pa lamang. ________________4. Si Don Tiburcio ay 35 taong gulang ngunit higit na matanda ang hitsura kaysa sa kanyag asawa. ________________5. Napadpad si Don Tiburcio sa Pilipinas bilang isang doktor sa barko.
________________6. Si Don Tiburcio ay nagtrabaho sa pagamutan ng Salvadora bilang tagapaspas ng alikabok sa mga upuan. ________________7. Nang nagkita sina Doña Victorina at Don Tiburcio, sila ay nagkaunawaan at nakaibigan sa loob lamang ng isang oras. ________________8. Tuwing lalagda si Doña Victorina, ganito ang kanyang isinusulat – Victorina de de los Reyes de Espadaña. ________________9. Nang dumating si Padre Damaso, napag-usapan nila nina Doña Victorina ang ukol sa paglalakbay. ________________10. Si Linares ay may dalang larawan para kay Padre Damaso. CHAPTER 43 – PANUKALA Isulat ang wastong salita sa bawat patlang upang mabuo ang diwa ng talata. Dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago si Padre Damaso. Siya ay tuloy-tuloy na lumapit kay 1__________________ at humagulgol na ipinagtaka ng mga naroroon. Nang siya ay mahimasmasan, ipinakilala sa kanya ni 2__________________ si Linares. Kaagad namang iniabot ng binata ang dalang 3__________________ kay Padre Damaso. Minasdan siyang mabuti ng pari at sumaya ang mukha nang sabihin ng binata sa siya ay 4__________________ ng kanyang bayaw. Napag-alaman din ni Padre Damaso mula sa sulat na si Linares ay naghahanap ng trabaho at 5__________________ . Nang tanungin ni Padre Damaso si Linares kung siya ay nakapagbabasa at nakasusulat, sinabi ng binata na siya ay nagaral ng 6__________________ sa Universidad Central. Hindi makapaniwala si Padre Damaso dahil ayon sa kanya, si Linares ay parang isang 7__________________ dalaga. Ngunit, bigla na lamang hinatak ni Padre Damaso si Linares upang kausapin si 8__________________ . Nahulaan naman ni 9__________________ kung sino ang naisip ni Padre Damaso na maaaring mapangasawa ni Linares kaya’t siya ay nabalisa at nag-isip. Sa ganoong sitwasyon siya nilapitan ni 10__________________ at siya ay kinausap. CHAPTER 44 – PAGGUNITA SA KASALANAN Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1) Si Maria Clara ay nabinat dahilan sa _____.
2)
3)
4)
5)
6)
7)
8)
9)
a) Pangungumpisal b) Napagod sa paglalahad c) Kumain ng marami Matindi ang paniniwala ni Doña Victorina sa kanyang asawa na _____. a) Matapang b) Hindi sumusuko sa laban c) Mahusay na doctor Ang gamot na ibinigay ni Dr. Tiburcio kay Maria Clara ay _____. a) Liquen b) Viatico c) Janabe de altea Si Maria Clara ay nabinat at sa gitna ng kanyang pagkahibang ay wala siyang sinasambit kung hindi ang pangalan ng kanyang _____. a) Ama b) Ina c) Ninong Si Kapitan Tiyago ay nangakong maghahandog ng gintong baston sa _____. a) Kapitan Heneral b) Santong Pintakasi c) Birhen ng Antipolo Ang ililipat ng panunungkulan sa Tayabas ay si _____ a) Padri Salvi b) Padre Damaso c) Alperes Kaugnay nito, si Maria Clara ay lalong magdaramdam dahil _____. a) Wala nang aaliw sa kanya b) Wala na siyang mapagkukumpisalan c) Higit pa sa isang ama ang turing niya rito Si Maria Clara ay nagdaramdam kay Crisostomo Ibarra dahil _____. a) Hindi ito dumadalaw sa kanya b) Ayaw makipagkasundo kay Padre Damaso c) Sumira ito sa kasunduan nilang magpakasal Ang bilin kay Sinang ng doktor ni Maria Clara ay _____. a) Ipainom ang gamot tatlong beses maghapon b) Ipagpatuloy ang gamot hanggang ito’y gumaling c) Ihihinto lang ang gamot kapag nakakaramdam ng pagkabingi
10)Nang lumabas si Padre Salvi sa silid mula sa pangungumpisal kay Maria Clara, siya ay namumutla at kulay itim ang mga labi sapagkat _____. a) Lalong naglubha ang dalaga b) Ayaw mangumpisal ng dalaga c) Nagtapat siya ng pag-ibig sa dalaga CHAPTER 45 – ANG MGA NAGREREBELDE Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1) Si Elias ay patungo sa _____. a) Bahay ni Ibarra b) Bahay nila sa Batangas c) Kuweba ni Kapitan Pablo 2) Si Kapitan Pablo ay umakyat sa bundok dahilan sa hindi niya kayang ipaghiganti ang kanyang anak. Ito ay nagpapahiwatig ng kanyang _____. a) Pagiging duwag b) Kawalan ng pagmamahal sa mga anak c) Pag-ayon sa batas 3) Si Elias ay nagmungkahi kay Kapitan Pablo na _____. a) Huwag sumuko sa may kapangyarihan b) Ipagpatuloy ang pakikipaglaban c) Sumama sa kanya sa pook ng mga hindi binyagan 4) Si Kapitan Pablo ay hindi pumayag sa mungkahi ni Elias sapagkat _____. a) Nais niyang manatili sa bundok b) Maligaya siya sa kasalukuyang pamumuhay c) Nais niyang ipaghiganti ang kasawiang sinapit ng kanyang mga anak 5) Ibinalita ni Elias kay Kapitan Pablo na nakilala niya ang binatang marangal. Ito ay si _____. a) Ibarra b) Alfonso Linares c) Don Filipo 6) Ayon pa rin kay Elias ang binatang ito ay maaaring _____. a) Magparating ng karaingan ng mga taong-bayan b) Magsumbong c) Manghingi ng tulong
7) SIna Elias at Kapitan Pablo ay nagkasundong kapag hindi nila nahimog si Ibarra _____. a) Makikipaglaban sila sa mga prayle b) Mamumuno sa paghihimagsik c) Mamumundok na rin ang binata 8) Sa mga kasawiang sinapit ni Kapitan Pablo, higit niyang dinamdam ang _____. a) Pagkasunog ng kanilang bahay b) Pagkamatay ng kanyang asawa c) Pagsasamantala sa kahinaan ng kanyang anak na babae ng isang pari 9) Ayon kay Elias, ipaaalam niya kay Kapitan Pablo ang kanilang napagkasunduan _____. a) Sa loob ng tatlong araw b) Sa loob ng apat na araw c) Sa loob ng anim na araw 10)Sa kabanatang binasa inilarawan ang katauhan ni Kapitan Pablo na may hinanakit sa _____. a) Simbahan at pamahalaan b) Simbahan at mamamayan c) Simbahan at mga rebelde CHAPTER 46 – ANG SABUNGAN Kilalanin ang tao/bagay na inilalarawan. ________________1. Ito ay may sukat na dalawang metrong taas at labing apat na metro ang luwang. ________________2. Ito ay lugar na pinagtitipunan ng madla bago magtuloy sa pagdarausan ng sultada. ________________3. Ito ang tawag sa mga taong makapangyarihan, mayayaman at mga taong may pasabong. ________________4. Ito ay higit pang masama kaysa bisyong paghitit ng apyan ng mga Intsik. ________________5. Siya ang nagbigay ng salapi sa sabungan upang makapangalap ng taong sasama sa pag-aalsa. ________________6. Siya ang may hinanakit sa kapatid sapagkat ayon sa kanya kung naniniwala ito ay mayroon sana silang isang daang piso.
________________7. Siya ang lalaking malakas ang loob na pinatay sa palo ng mga sibil.
________________8. Ito ang halagang ibabayad sa makakahanap ng taong makakasama upang salakayin ang kuwartel. ________________9. Siya ang napapayag ni Lucas na sumama sa pagaalsa. ________________10. Siya ay naniniwalang ang isang taong duwag, mahina, at walang salapi ay maaaring mabitay. CHAPTER 47 – ANG DALAWANG DOÑA Tama o Mali. _____1. Natutuwa si Doña Victorina sapagkat nakita niya kung paano mamuhay ang mga Indio. _____2. Ang mga Indio ayon kay Doña Victorina ay walang urbanidad sapagkat hindi sila marunong bumati sa kanya. _____3. Si Tiburcio de Espadaña ay larawan ng pagiging inutil sapagkat hindi niya kayang ipagtanggol ang kanyang asawa. _____4. Nagalit si Doña Victorina kay Doña Consolacion dahilan sa masamang pagkakatingin nito sa kanya. _____5. Si Doña Consolacion ay tinawag na paraluman ng guwardiya sibil. _____6. Dahilan sa galit ni Doña Victorina nasabi niya kay Doña Consolacion na siya ay isang labandera. _____7. Ang dalawang Doña ay napagod sa pag-aaway kaya natigil ang kaguluhan. _____8. Ang taning umawat sa dalawang Doña na nag-aaway ay ang alperes. _____9. Si Linares ay naghahanda na upang hamunin ng duwelo ang alperes. _____10.Nakatakdang ibulgar ni Doña Victorina ang lihim ni Alfonso Linares kapag hindi sumunod sa kanyang ipinag-uutos. CHAPTER 48 – MGA TALINGHAGA Tukuyin ang tao, lugar, o pangyayari upang mabuo ang diwa ng pangungusap.
1.
Ang unang pinuntahan ni Crisostomo Ibarra nang siya’y dumating ay si _______________________. 2. Si Crisostomo Ibarra ay sinalubong ni Tiya Isabel nang ibalita ni Ibarra ang tungkol sa pagtanggap muli sa kanya ng _______________________. 3. Tinawag ni Tiya Isabel si Maria Clara upang ibalitang si Ibarra ay hindi na _______________________. 4. Ang eksenang nakita ni Ibarra sa bahay ni Kapitan Tiyago ay naging isang malaking _______________________ sa kanya. 5. Si Alfonso Linares ay pinamumulahan ng pisngi nang makita si _______________________. 6. Tiningnan ni Ibarra si Linares mula _______________________ hanggang paa sapagkat sinusukat niya ang pagkatao nito. 7. Si Ibarra ay nahinto ng pagsasalita nang titigan siya ni Maria Clara nang buong _______________________ at kalungkutan ang binata. 8. Si Ñol Juan ay may dalang listahan ng mga trabahador ngunit hindi nakita ni Ibarra ang pangalan ni _______________________. 9. Hiningi ni Ibarra kay Ñol Juan ang talaan ng mga _______________________. 10. Ang _______________________ ang nag-alis ng ekskomunyon kay Ibarra. CHAPTER 49 – TINIG NG MGA PINAG-UUSIG Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1) Sina Elias at Ibarra ay nagkasundong mag-usap a) Habang namamangka sa lawa b) Sa bukiring malayo sa kuwartel c) Habang naglalakad sa dalampasigan 2) Si Elias ay nakipagkita kay Ibarra bilang pagsunod sa pakiusap a) Ni Lucas b) Ni Kapitan Pablo c) Ng lahat ng sawimpalad 3) Ayon kay Elias ang mga guwardiya sibil ay a) Kailangang paramihin b) Dapat bawasan ang puwersa c) Isang masamang pangangailangan 4) Batay sa pag-aaral na ginawa ni Elias, noong wala pa ang guwardiya sibil ay
a) Napakaraming kriminal b) Napakaraming nagugutom c) Walang katahimikan ang bayan 5) Ayon kay Elias, kailangan lamang ang malakas na hukbo kung a) May pakikidigma b) Napakarami nang rebelde c) Umaabuso na ang mga taong pamahalaan 6) Ang kabutihang ginawa ng Kapitan Heneral dela Torre ay ang pagpapatawad na iginawad niya sa mga a) Rebelde b) Sawimpalad c) Guwardiya sibil 7) Malaki ang utang na loob ng mga Pilipino sa korporasyon ng mga prayle ayon kay Ibarra dahil a) Nagtatag ng guwardiya sibil b) Sila ang nagpakilala sa atin sa Diyos c) Utang sa kanila ang disiplina ng mga Pilipino 8) Mahal ni Ibarra ang Pilipinas dahil utang niya rito ang a) Kanyang kasawian b) Kanyang pagsilang c) Kanyang kaligayahan 9) Mahal ni Elias ang Pilipinas dahil a) Sa kanyang kaligayahan b) Sa kanyang mga kasawian c) Tungkulin ng lahat na mahalin ang kanyang bayan 10) Si Elias ay humingi ng paumanhin kay Ibarra sa kanyang ginawang pakikipagtalo sapagkat siya raw ay a) Isang taong nagpapanggap na malapit sa pamahalaan b) Hindi mahusay magsalita upang siya ay kanyang paniwalaan c) Isang sawimpalad na ang pagbibigay ng tiwala sa tao ay dapat ilipat sa Diyos CHAPTER 50 – ANG KAMAG-ANAK NI ELIAS Piliin ang sagot sa ibaba upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang titik lamang. A. Balaraw B. Pag-anib C. Pagbabaka
D. Bahaypaaralan E. Kilabot
F. Katarungan G. Nagbigti
H. Kagandahangasal
I. J.
Pampalibing Mangangalakal
1.
_____1.
Ang lolo ni Elias ay naglingkod ng pagka-tenedor de libros sa bahay ng isang _____ na Kastila. _____2. Si Balat ay naging _____ ng bayan sapagkat ang paraan ng kanyang paghihiganti ay madugo at walang awang panununog. _____3. Ang lolo ni Elias ay _____ dahil hindi niya nakayanan ang masaklap na pangyayaring naganap sa kanyang buhay. _____4. Ang bangkay ng lolo ni Elias ay nabulok dahil walang _____. _____5. Ang ama ni Elias ay kinalugdan ng mga taga-Tayabas dahil sa likas na kasipagan at _____. _____6. Ang batang babae na nakita sa baybayin ng Calamba ay may nakatarak na _____ sa dibdib. _____7. Si Ibarra ay naniniwala na may katwiran si Elias sa kanyang sinasabing ang _____ ay nararapat magsumikap sa paggawa ng kabutihan. _____8. Si Ibarra ay nagnanais ng isang kagalingan ng bayan, dahil dito siya ay magpapatayo ng isang _____. _____9. Si Elias ay naniniwalang kung walang liwanag ay walang landas at kapag walang _____ ay wala ring kalayaan. _____10. Ang _____ ni Elias sa pangkat ni Kapitan Pablo ay matutupad tulad ng kanyang pangako sa oras na magpasiya si Kapitan Pablo. KABANATA 51 – ANG MGA PAGBABAGO Bilugan ang titik ng tamang sagot. 1) Si Alfonso Linares ay tumanggap ng liham mula kay a) Doña Consolacion b) Doña Victorina c) Don Tiburcio de Espadaña 2) Ang may payo kay Linares na magyabang at magsinungaling ay si a) Tiburcio b) Doña Consolacion c) Doña Victorina 3) Ang naghatid ng balita kay Kapitan Tiyago na pinatatawad na ng simbahan si Ibarra ay si a) Linares b) Elias c) Carlicos
4) Si Padre Damaso ay tutol na mapangasawa ni Maria Clara si Ibarra sapagkat ang gusto niya ay si a) Linares b) Elias c) Carlicos 5) Si Ibarra ay itinuturing na isang kaluluwang kaaahon lang mula sa a) Langit b) Purgatoryo c) Lupa 6) Ang kakampi ni Padre Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Linares ay si a) Tiya Isabel b) Kapitan Tiyago c) Kapitan Basilio 7) Si Padre Damasa ay may karapatang tumutol na mapangasawa ni Maria Clara si Ibarra sa dahilang siya’y a) Inaama sa binyag b) Kompesor ni Pia Alba c) Kaaway ni Ibarra 8) Ipinasabi ni Ibarra kay Sinang na ibig niyang makausap si Maria Clara nang a) Malapitan b) Maramihan c) Sarilinan 9) Si Padre Salvi ay lumapit kay Ibarra at magiliw na _____ sa binata. a) Kumamay b) Bumati c) Nagalit 10) Ang gusto ni Kapitan Tiyago at Padre Damaso na ang mapangasawa ni Maria Clara ay si Linares ngunit ang dalaga ay a) Sumang-ayon b) Tumutol c) Lumaban
View more...
Comments